Skater Boy meets Ballerina Gi...

By euzaku35

603K 7.3K 1.4K

Si Bench ay isang magaling na skateboarder, samantalang si Arianne naman ay isang "primadonnang ballerina". P... More

Skater Boy meets Ballerina Girl!
PLEASE READ DONT SKIP ^O^
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 6 (bonus)
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20 (part 1)
CHAPTER 20 (part 2)
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23 (part 1)
CHAPTER 23 (part 2)
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32 (part 1)
CHAPTER 32 (part 2)
CHAPTER 33
CHAPTER 34 (part 1)
CHAPTER 34 (part 2)
CHAPTER 35 (part 1)
CHAPTER 35 (part 2)
CHAPTER 35 (part 3)
CHAPTER 36 (part 1)
CHAPTER 36 (part 2)
CHAPTER 37
CHAPTER 38 (part 1)
CHAPTER 38 (part 2)
CHAPTER 38 Part 3 included (COMPLETE)
CHAPTER 39 (Pinky Promise)
CHAPTER 40
EPILOGUE

CHAPTER 3

14.4K 195 15
By euzaku35

MAY NAUNA PO AKONG UD DITO .. YUNG CHAPTER 2, BAKA MAPATLANGAN NIYO PO :)

---

BENCH'S POV

" OH EMMMM!! NAMAN KASI ITO EEH! TINGNAN MO ANG NANGYARI SA AKIN!! T^T "

kanina pa sigaw ng sigaw yung si primadonnang ballerina dito. sakto naman kasi siya. pagbagsak ko, tumama ako sa kanya. ginawan ko naman ng paraan para hindi yung board ko ang tumama sa kanya. mahirap na ...

mahal na mahal ko itong board ko. haha.

" GOSSHHH!! IT REALY HURTS! I THINK MAY FRACTURE SIYA! T^T "

sigaw pa rin niya. hindi ba siya napapagod magsisigaw. kanina pa siyang parang naghihysterical eh. sabagay, wala kasing pumapansin sa kanya. na kay Dickies kasi ang atensyon ko. magkasama si primadonnang ballerina at ang kapatid ko? bakit?

" WAAAAAA!! TINGNAN NIYO KAYA! ANG SAKIT NG FOOT KO! IT'S YOUR FAULT EH! HOOOYYY! PANSININ MO NGA AKO!! T^T "

nakalupagi pa din ang primadonna sa may sahig. natapos na din ang pagtitigan namin nitong si Dickies. aalis na sana siya kaya lang, nagsalita ako.

" wala ka bang balak magpaliwanag?! maghapon kita hinanap! hindi ka daw pumapasok sa mga klase mo! ayos ka ding bata ka eh. san ka nagpupunta ha! "

sigaw ko sa kanya. lumalaki kasi siyang matigas ang ulo. palibhasa, hindi na kami nababantayan ng magulang namin kaya naman lumalaki siyang paurong.

" wala kang pakelam! "

pabalang naman na sagot sakin ni Dickies. si primadonnang ballerina naman ay nagtataka na nagugulat na nagpapapalit palit ng tingin saming dalawa. mabuti naman at tumahimik siya. karindi ang pagrereklamo niya eh.

" anong walang pakelam! kuya mo ako kaya may pakelam ako! "

nag alala naman talaga ako kay Dickies. kahit ganito ako, gusto kong maging mabuting kuya sa kanya.. ulit.

"WALA KA NAMANG ALAM EH! DIYAN KA NA! UBUSIN MO NLNG YUNG BUHAY MO SA KALOKOHAN NA YAN! "

pagkasabi niya nun ay tumakbo na siya palayo dito sa may parke. iniwan naman niyang tulala lahat ng taong nakakita ng mga nangyari.

---

IANNE'S POV

" DICKYYYYYYY!!! "

tinawag ko si Dickies pero, hindi niya ako pinansin. umalis pa rin sya. gosh. kuya niya ito? ito ba yung kinukwento niyang kapatid niya?

" sa lahat, yung kuya ko ang hinahangaan ko. napakabuti niyang kapatid. nung mga panahon na masaya pa ang pamilya namin, di ako pinapabayaan ni kuya. lagi kaming magkasama sa lahat ng kalokohan. kaya idol na idol ko siya eh. yun nga lang, nung medyo umasenso na ang buhay namin, unti unti ng nawalan ng oras para samin sina papa at mama. makaraan, pakiramdam ko, nawalan na din ako ng kapatid. "

naalala ko yung mga bagay na ikinuwento sakin ni Dicky kanina nung kumakain kami ng ice cream. base sa pagkukwento niya, mahal na mahal niya yung kuya niya, sobra ang paghanga niya dito kaya nalulungkot talaga siya kasi, bigla na lang nagbago ang buhay nila.

" pabayaan mo siya. walang kwenta."

narinig kong sabi sakin ng kuya ni Dicky. yung walangyang lalaking dumagan sakin! yan tuloy, nabalian pa yata ako! argh. but, it's not the right time para isipin ko itong paa ko.

" HEY! WHERE DO YOU THINK YOU'RE GOING?!! "

dahan dahan akong tumayo kahit masakit sa paa. naiinis talaga ako dito sa kuya ni Dicky. napaka insensitive niya sa nararamdaman nung bata. argh.

" magi-skateboard. ano ba sa tingin mo? "

sagot naman niya sakin. seryoso lang ang mukha niya. ganun din yung mga ibang skaters na nandito. e bakit?! seryoso din ako! if Dicky cannot speak for himself, me as her older sister will do the pleasure! (>.<)!

" tanga ka po?! " sigaw ko habang unti unting lumalapit sa kanya. "why are you like that to Dicky?! napakaselfish mo na kapatid! wala kang kwentang kuya, alam mo yun!" tinutulak tulak ko pa siya. " alam mo, kung ako lang ang kapatid mo, hindi na kita binabalikan! nakakasakit ka kasi ng bangs! kung alam mo lang kasi yung nararamdaman niya eh!but for sure, wala kang alam! ano ba naman ang alam mo diba? puro skateboarding lang siguro ang laman niyang utak mo! hindi mo na siguro naiisip na may kapatid ka na nalulungkot at kailangan ng paggabay at suporta mo!"

tumigil ako sa pagsasalita. lumanghap ako ng maraming hangin para marelax. nakakainit kasi ng ulo itong lalaki na ito eh. sya naman, nakatulala lang. sana naman naiintindihan niya ang sinasabi ko di ba?

" that kid misses his brother so much.. he's suffering from the sudden changes in his life and there's no one beside him who bothered to know what he really keeps inside.  you know what, his longing for you. for his brother who he really admires the most. so, if i were you, ill be right beside him, comforting and understanding him in this kind of situation,if that is you want the best for him. "

pagkakita ko na mukhang hindi naman nasasayang yung effort ko, umalis na din ako. kakainis. waley ang pag alis ko. iika ika banaman. >.<

pero may bigla akong naalala. mabuti na lang hindi pa ako nakakalayo.

"AND ONE MORE THING!! NAKAKAINIS TALAGA KAYONG MGA SKAAAAAATERS!!!!!!!!!!! >.< "

nakita kong nagreact yung iba dahil sa sinigaw ko but i dont care, subukan lang nila ako, baka ipagiba ko yang tambayan nila. maswerte sila at may magaganda akong alaala sa park na yan eh.

kainis. hindi ko muna pagbabayarin yung skater boy na yun sa ginawa niya sakin. tsaka na pag okay na silang magkapatid. =_=

---

SA BAHAY NI IANNE

" hey Ianne, are you okay? "

naabutan kong naghihintay si Shone sa may salla ko. kakauwi ko lang, pinatawag ko pa yung driver ko para sunduin ako, alangan namang magdrive ako sa ganitong kondisyon ko di ba? duh.

" it's none of your business. *rolled eyes* "

naiinis pa din kasi ako sa kanya. nakakasama ng loob yung sinabi niya. alam niyo yun? waa. kung di lang mahalaga sa akin itong si Shone, kanina pa yang nakahandusay diyan! >.<

" hoy Ianne, sorry naman sa sinabi ko kanina. i didnt mean it. ikaw naman kasi, umatake na naman yung pagiging primadonna mo. alam mo namang ayoko ang pinapakialaman ako di ba? "

so ganon? kasalanan ko pa na malaman kong may gusto siya sa Xionnen na iyon?! pagbuhulin ko silang dalawa eh! 

" ano bang nangyari sayo? akina nga yang paa mo, baka lumala pa yan ... "

kakaupo ko lang. dumating yung maid na may dala dalang basin at yelo. kinuha naman agad ito ni Shone at inabot yug paa ko, tinanggal yung shoes ko at saka idinampi yung ice bag sa namamagang paa ko.

" ouch. "

minamasahe niya din kasi yung paa ko. hanep ah. masakit siya in fairness .. pero, wala yun. masaya naman ang hearty ko kasi . si Shone oh! nag aalala siya sakin. hihi. ^O^

" aish. pano ka na niyan bukas? exam niyo pa naman sa ballet. pano ka sasayaw? "

oo nga Shone. pano ako sasayaw? exam pa naman namin bukas. ^____^

WHAAAATTTTT!!!?!! OH NO! PANO AKO BUKAS NITO?!!!!

---

BENCH'S POV

kadarating ko lang sa bahay namin. madilim kagaya ng dati kaya binuksan ko yung mga ilaw. pasado alas onse na yata pero, hindi pa din nakakauwi dito si Dickies. pagkatapos ng mga sinabi ni Primadonnang Ballerina, natauhan ako. hinanap ko kaagad siya.

maya maya, dumating na din naman siya.

" Dickies! hoy bunsoy! "

pinipilit kong bumalik yung dati naming samahan. dati kasi, napakalapit namin niyang si Dickies. lahat na yata ng kalokohan nagawa na namin. kaya lang, medyo nawala yung closeness namin eh. napabayaaan kami nina mama, ako naman sa skateboarding natuon ang atensyon ko. nakalimutan ko sya. napakawalang kwenta ko talagang kapatid.

" bunsoy! wag ka namang ganyan sa kuya mo! oy! "

lumapit ako sa kanya tapos inipit pa sa braso ko yung leeg niya kaya parang sinasakal ko siya. ganyan kami noo. sana maibalik ko pa ngayon.

" a-ano ba yan! nasasakal naman a-ako eh! a-aahh! "

tinanggal ko yung pagkakasakal ko sa kanya. medyo lumuhod ako para  mgkapantay kami at seryoso siyang tiningnan ..

" Dickies. pasensya ka na ha? pssh. naiinis nga rin ako sa sarili ko eh. bakit ba kita pinabayaan? patawarin mo si kuya ha? wag kang mag alala, di na ulit tayo magiging ganun. sanggang dikit na ulit tayo! ano? gusto mo? "

sabi ko sa kanya. ang bading naman nitong kapatid ko. naiiyak iyak pa.pssh.

" *sniff* t-talaga? *sniff* b-baka ipagpalit mo ulit ako diyan sa skateboarding na yan!"

pssh. bunsoy. kapatid lang kita. makapagselos naman sa skateboarding wagas. =_=

" Pssh. ano bang sinasabi mo? buhay ko itong skateboard! haha! pero sige. kung nagtatampo ang bunsoy eh! hahaha! "

pang aasar ko naman sa kanya tapos, binatukan ba naman ako! aba! ayos toh! wrestling yata gusto eh haha.

" haha. mamaya wrestling tayo, ano?! pero, mamaya na yun. kain muna tayo. anong oras na oh. di pa tayo kumakain. haha."

tapos, pumunta kami sa may kitchen at kumuha ng bahaw sa rice cooker. yun ang kinain namin sa mesa ng nakataas pa ang mga paa. nagkwentuhan ulit kami at nagtawanan habang tumatalsik ang mga kanin sa bibig. pssh. ganyang ganyan kaming magkapatid. nakakamiss din pala ang dating buhay.

" hoy bunsoy! pano mo pala nakilala ang primadonnang ballerina? "

tanong ko sa kanya habang kumakain kami.

"sino yun? si ate? nakita ko lang kanina si ate dun sa may park. teka! bakit mo tinatanong? wag mong agawin, akin yun kuya! girlfriend ko yun! "

mabulunan naman ako sa sinabi niya. loko ba siya. bansot pa lang siya, may girlfriend na! at yung babaeng yun pa talaga?

" pssh. ambisyoso. ewan ko sayo. =_="

---

KINABUKASAN

IANNE'S POV

" ano? okay ka na dito? "

nandito kami ngayon sa locker room ng Ballet Club. kasama ko si Shone.. hinatid kasi niya ako. masyado kasi siyang nag aalala sakin dahil nga medyo may bali yata yung paa ko. hihi. Shone ko talaga. hihi ^O^

" sinong hinahanap mo Shone? wag ka ngang palinga linga diyan. =_= "

asar toh. kinikilig na nga ako eh tapos, ipapahalata niya sakin na si Xionnen talaga ang gusto niyang makita kaya hinatid niya ako dito. sapakin ko siya eh.

" a-aah! ano ba Ianne. wala naman akong hinahanap eh! aish. nag iisip lang ako kung anong maganda mong idahilan para diyan sa bali mo. =3= "

Tch. palusot pa eh. pero, ano nga kayang dapat kong gawin? strict kasi ang rules samin eh. mahalaga pa naman itong practical exam na ito, rankings ang nakasalalay dito alam niyo ba iyon?!

" bakit Ianne? napano yung paa mo? sayang naman. hays. sige. ako na ang magsasabi kay Miss na i-excuse ka ...^____^ "

biglang singit samin ni Xionnen. nung nagsabog ng kaepalan, sinambot niyang lahat. isinara ko ng malakas ang pinto ng locker ko atsaka tumingin sa kanya ng nakataas nag kilay. asarr lang. si Shone naman kasi. pagtingin ko, tulala na naman kay Xionnen. ganyan ba siya kabighani sa babaeng ito!

" no thanks.  i can managed. feeling mo naman kailangan kita? *fake smile* .. hoy Shone! di ba may meeting kayo sa Journalism Club?! pumunta ka na nga dun!"

pinaalis ko kaagad si Shone. gosh. napakamanhid niya. sinasaktan niya ako alam na niya yun! eww. ankornii. 

---

" WAAAAA!! NAKAKAASAR TALAGA !!!!! AKO PA!? AKO PA NGAYON ANG WALANG DISIPLINA?!! ABA NAMAN !!!!! KASALANAN KO BANG MAY ENGOT NA SKATER ANG BUMAGSAK SAKIN!?!! NAKAKAINIS TALAGA !!!!! >.< "

nandito ako ngayon sa likod ng University. hilig ko kasi itong tamabayan mula nung hindi na ako nakakapunta sa parke. narerelax at nagkakapeace of mind kasi ako dito.

right now, sinisipa ko with the use of my other foot yung puno dito. nakakainis talaga. i just lose the chance to beat Xionnen as the 1st in the ranking! hindi ba naman ako iniexcuse ni Miss! kesho pabaya daw ako! argh. ang higpit niya talaga masyado! >.<

" AAAHHHHH !! NAKAKAINIS TALAGA !!!! IT'S SO IMPOSSIBLE !! PAG NAKITA KITA, I'LL ASSURE YOU'RE GOING TO PAY FOR THIS, SKAAAAATEEEERRRR BOOOOYYYYY!!!! >.< "

sinisipa ko pa din yung puno. sakit na nga nung isa kong paa, pasasakitin ko pa din yung isa? over naman.. =_=

*DUUUGGGG!

" TAE! aray ko po! "

O_O

eh? may unggoy na nahulog sa puno? kelan pa nagkaunggoy sa Hartner??

*********************************************************************************************************

AUTHOR'S NOTE !!! ^_____^

SALAMAT SA NAG BABASA NITO .. COMMENTS PO SANA KAYO KUNG OK LNG .. PARANG DI NIYO NAMAN GUSTO EH. *pout*

THANKS FOR READING !!!

GODBLESS!! :)

-justine35

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 50.8K 116
(PUBLISHED BOOK: MAY 2014 *OUT OF STOCK* PERO NANDITO PA SIYA SA WATTPAD. MAS NA-REVISED NA KAYSA SA NASABING HARD COPY) Paghihiganti ang kadalasang...
761K 20.8K 84
READY KA NA BANG MAGING QUEEN? GUSTO MO BANG MAGING KAIBIGAN SILA? ETO, KILALANIN MO. May apat na babae ang tinaguriang "campus queens" dahil sa mga...
26.5K 1.4K 39
What if nag Arrange ng Wedding ang Parents mo para sayo at sa hindi inaasahan ay sa kaaway mo pa ang papakasalan mo anong gagawin mo Pipigilan mo ba...
457K 14K 43
Meet Nadine Lustre, ang jack of all trades lahat kaya niyang gawin. Well, pwera sa isang bagay. Ito ay nagmahal. Makakasurvive nga ba siya sa mala ro...