The Pristine

By thesuchness

2.6M 56.6K 8.1K

. More

The Pristine
Simula
Ang Pang-Una
Ang Pangalawa
Ang Pangatlo
Ang Pang-Apat
Ang Pang-Lima
Ang Pang-Anim
Ang Pang-Pito
Ang Pang-Walo
Ang Pang-Siyam
Ang Pang-Sampu
Ang Pang-Labing Isa
Ang Pang-Labing Dalawa
Ang Pang-Labing Tatlo
Ang Pang Labing-Apat
Ang Pang-Labing Lima
Ang Pang Labing-Anim
Ang Pang-Labing Pito
Ang Pang-Labing Walo
Ang Pang-Labing Siyam
Ang Pang-Dalawampu
Ang Pang-Dalawampu't Isa
Ang Pang-Dalawampu't Dalawa
Ang Pang-Dalawampu't Tatlo
Ang Pang-Dalawampu't Apat
Ang Pang-Dalawampu't Lima
Ang Pang-Dalawampu't Anim
Ang Pang-Dalawampu't Pito
Ang Pang-Dalawampu't Walo
Ang Pang-Dalawampu't Siyam
Ang Pang-Tatlumpu
Ang Pang-Tatlumpu't Isa
Ang Pang-Tatlumpu't Dalawa
Ang Pang-Tatlumpu't Tatlo
Ang Pang-Tatlumpu't Apat
Ang Pang-Tatlumpu't Lima
Ang Pang-Tatlumpu't Anim
Ang Pang-Tatlumput Pito
Ang Pang Tatlumpu't Walo
Ang Pang-Tatlumpu't Siyam
Ang Pang-Apatnapu
Ang Pang-Apatnapu't Dalawa
Ang PangApatnapu't Tatlo
Ang PangApatnapu't Apat
Ang Pang-Apatnapu't Lima
Ang Pang-Apatnapu't Anim
Ang Pang-Apatnapu't Pito
Ang Pang-Apatnapu't Walo
Ang Pang-Apatnapu't Siyam
Ang Pang-Limampu
Ang Pang-Limampu't Isa
Ang Pang-Limampu't Dalawa
Ang Pang-Limampu't Tatlo
Ang Pang-Limampu't Apat
Ang Pang-Limampu't Lima
Ang Pang-Limampu't Anim
Ang Pang-Limampu't Pito
Ang Pang-Limampu't Walo
Ang Pang-Limampu't Siyam
Ang Pang-Animnapu
Pagtatapos

Ang Pang-Apatnapu't Isa

32.6K 839 49
By thesuchness

With the help of last night's exhaustion and alcohol, I finally had an eight hour sleep. No worries, no tears and of course, no chamomile tea.

Kinabukasan ay masakit ng kaunti ang aking ulo pero dinali naman kaagad ng aspirin. Walang alam ang mga kasambahay na madaling araw na ako nakauwi kagabi pwera lamang kay Tigris na kanina pa nagnanakaw ng tingin sa akin.

As usual, sa garden pool ako kumain. Bago ko pa man makausap ang kyuryusong si Tigris ay nakaalis na ito.

Napabuntong hininga na lamang ako at nahiga sa aking hammock, ang earphones ay iniingatang huwag matanggal. Kinukuting-ting ko ang aking phone dahil ngayong may libreng wifi na ay malaya akong nakakapag-internet.

Sa facebook ay nakatanggap ako ng iilang messages mula kay Lucy at sa crew, nagtatanong kung nasaan na ba ako. Hindi ako nagbigay ng eksaktong location pero pinarating ko namang nasa malapit at ligtas lang ako.

Kung susumain, si Mirna lang ang nakakaalam kung saan ako. Hindi naman iyon nakakapag facebook dahil busy kaya puros text lamang siya.

Marami kaagad akong nabasang chismis sa akin at sa pag-alis ko. Mayroon ding hindi kinaya ang magbigay ng saloobin sa facebook at minessage pa ako. Ang iba ay acting friendly ngunit ang iba ay talagang agresibo. 


From:

Kapal ng mukha. 'Wag ka nang babalik dito. Alam naman naming niloko mo lang ulit si Jerard! Dahil sa'yo kaya nangyari lahat!


From:

Fuck you! Malandi! Patapon ka na talaga at pokpok! Kita mo si Jerard.



From:

Hindi ka na naawa. Sana masaya ka na.


Hinilot ko ang sentido sa aking mga hate messages. Daig ko pa ang isang celebrity dahil ako nanaman ang tampok sa issue ng bayan. Umalis na ako't lahat-lahat ay wala pa rin akong kawala. 

Dahil sa mga nababasa ay nagpasya akong bisitahin ang profile ni Jerard dahil doon lamang nanggagaling ang lahat.

Ang kaniyang display photo ay sa loob ng kaniyang kotse at suot ang isang baby blue na button down shirt. His hair was styled to perfection without even trying and his one hand was stretched, lazily gripping the steering wheel. Kaunti lamang ang kaniyang ngiti ngunit naroon pa rin.

His cover photo was in their house. He's watching cartoons with his little sister on the sofa, and their both in their jammies. It was a candid photo, at mas lalo pang naging natural sa citylights na nakikita sa transparent nilang window.

Hindi pa lalampas sa five hundred ang kaniyang friends at sobrang pribado ng kaniyang profile. Nawalan ako ng pag-asa ngunit nakita ko ang isang post doon na naka-tag siya. It was a bunch of screenshots of his recent posts.

'Wingman duties', Karlo Fetalvero captioned, and his post was shared more than liked by too many. 

Dali-dali ko iyong binuksan.

The first screenshots were photos of him and his team in a construction site, the logo of the engineering department imprinted everywhere even in their water bottles. Nilampasan ko iyon at narating ang isang screenshot na kay raming kumento at puso.

'Favorite number,' was captioned at the following photo. Ang imahe ay ang agresibong pag-slamdunk ni Jerard sa court ng kanilang departamento. The highlight was the number on his jersey since he was not facing the camera. 

'Ball or...?' matalinong kumento ng kaniyang teammate na sinundan pa ng pananatyaw. 

'Kilala ko 'yan. Oops.' ang reply ni Karlo.

Ang tanging nagawa ko lamang ay ang balikan ng tingin ang tumataginting na numero sa kaniyang likuran. He'd been wearing it like an armor ever since we met. Its my birthday afterall at hanggang ngayo'y hindi pa rin siya nagpapalit.

The thread alone left havoc in its wake. Many girls had already formed conspiracies and it only heightened on the next screenshot.

Ang background ay itim at tanging ang ilaw lamang ay ang long exposure trick. His sister on the other side drew doodles but Jerard only drew a repeated and big letter C. The next photo in the album was a single shot of him smiling, together with the C.

'C for Clarisse! Ang sweet naman!' 

'Omggg. Relationship goals!'

'Finally, official na yata.'

Napupuno ng sumusuportang taumbayan ang comment section. Hindi ako masaya at hindi rin naman ako malungkot. Maayos lang sa aking nagpatuloy na pala ang kaniyang relasyon kay Clarisse katulad noong huli kong nabalitaan.

Sadyang naging kami lang noon, at iyon lang ang nararamdaman ko. Maayos naman ang lahat dahil 'di tulad ko, nakahanap naman siya ulit.

'Chrissy.' kumento ni Jaime sa bandang dulo. 

Napalaki ako kaagad ng mga mata at kumabog ang puso sa gulat. What the hell, Jaime? 

Nakaabot din ng ilang likes ang kaniyang comment at dinagdagan pa ni Lucy ngunit napailing na lamang ako. Masaya na si Jerard at wala na akong balak makipagbalikan, at dahil hindi ko muna kailangan ng relasyon ngayon.

Sa totoo lang ay pagod na pagod na ako sa kahit anong drama sa buhay. Sawang-sawa na ako. Gusto ko ay time-out na muna kaya...damn you, Jaime!

Sapat na sa akin ang mga nakita at hindi na tinapos pa ang album ni Karlo. Bumalik na ako sa aking newsfeed, nakitang pumula ang aking friend request. 

Ramona Cajucom added you.

Pinindot ko kaagad ang accept. Wala pang limang minutos ay pumula naman ang aking messenger. Binuksan ko iyon habang tinitingnan ang profile ni Ramona.

Tulad ni Jerard ay hindi rin lumalampas ng limang daan ang kaniyang friends ngunit libo naman ang kaniyang followers. Puros pictures via Instagram lamang ang naka post at nahimigan ko nang hindi siya mahilig sa facebook.

Binuksan ko na lamang ang kaniyang chat.


Ramona:

Hello! Busy?


Tumingin ako sa paligid ko. Sa garden pool, may suot na earphones at pambahay na damit.


Ako:

Hindi. Bakit?


Ramona:

Great! Isasama ka namin mag-shopping. We're already on the way.


Halos malaglag ako sa aking hammock. Ayaw kong lumabas at ayaw ko ring makihalubilo sa mga tao muna. This is a me time, and also, nahihiya ako sa kanila. Ayaw ko silang maabala dahil lang sa akin o baka sinabihan nanaman sila ni Papa na isama ako. 

Ayaw ko ng gano'n. Malaki na ako at hindi batang walang kalaro.

Bago pa man ako maka-reply kay Ramona ay tumunog kaagad ang chatbox, nanghihingi ng permiso sa videocall. Wala akong nagawa kung hindi sagutin 'yon dahil nakakahiyang paghintayin ang isang Ramona Cajucom.

"Hangover?" bungad niya kaagad at kumaway. Kumaway ako pabalik. 

"Hindi naman," tipid kong sabi.

Mukhang nasa sasakyan na nga si Ramona at nasa front seat. Tamad na nakatungtong ang siko nito sa bintana habang iniikot ang camera. Kumaway si Arjuna na nagmamaneho at si Beth na hawak ang cellphone ay tumango lang.

"Ah, baka sanay ka na which is a good thing. You'll be drinking way harder here so that's a kick start."

"Don't listen to BI's," Arjuna countered while driving.

"Uhh, Ramona. Kahit huwag niyo na akong isama ay okay lang. Baka sinabihan kayo ni Papa na isama ako. Tsaka sa mga susunod na magbibilin siya ay huwag na lang. Hindi ko naman kayo isusumbong," mahaba kong paliwanag.

The last thing I want right now is another bunch of half relatives that's irritated by me. Sapat na ako sa mother side ko. Tsaka, ayos lang din naman sa aking mag-isa muna ako at walang social life.

"Oh, si Tito Nick. Sinabihan naman niya kami kahapon na i-tour ka sa school but that's it. I was the one who brought you with us at the club. Wait. Hindi ka ba nakalusot kagabi?"

"Kanina," Beth corrected which Ramona just rolled her eyes to.

"Nakalusot naman."

"Great! Lusot ka naman pala kaya anong pinoproblema mo?" Tinaasan ako nito ng kilay.

Umiling na lamang ako atsaka umakyat na para magbihis. Sakto naman ang kanilang dating nang makababa na ako. I was relieved when they're just wearing casual clothes on a weekend. Hindi out of place ang aking tshirt at short.

"You're going out, Chrissy?" Papa came into view just as I was about to greet the trio.

Tinaas baba nito ang aking suot at bahagyang kumunot ang noo.

"Hello, Tito! Hindi tayo nag-abot kahapon. How are you?" Si Arjuna ang nanguna sa tatlo, si Ramona at Beth ay sumunod na nagbeso. Tahimik na lamang akong naupo.

"I was in a meeting, I'm sorry. Anyway, hihiramin niyo yata si Chrissy?" 

They all sat down as I remained silent. Tumango si Ramona at ngumisi. "Yes, tito. We're going shopping. Wanna come?"

"I'm too old and impatient for that, Mona." Sa pagiging kaswal ng tawa ni Papa sa iba ay nakaramdam ako ng kaunting kalabit sa aking dibdib. I brushed it away.

Nakiwentuhan pa sila ng ilang minutos bago nagpasya si Papa na aalis na. Sabay na kaming lahat patungo sa drive way. Out of boredom, I was checking out Ramona's ombre shorts and tank top. Tinawag ako ni Papa.

"Here's my card, Chrissy. You can return it tomorrow," aniya at iniabot sa akin ang isang itim na credit card. 

Matagal ko iyong tinitigan atsaka tumingin sa kaniyang mukha. Its been a while since he's approached me since, well since that awful breakfast.

"I still have money so need---"

"Just take it, okay?" mabilis niyang putol sa akin.

Napabasa ako ng pang-ibabang labi at tiningnan muli sa ere ang kaniyang nakalahad na kamay. Tingin ko ay mauubos ang natitira kong pera sa mga kamay ng magpipinsang Cajucom. Pero, tingin ko, sumusubok nanaman si Papa sa akin.

I don't know what to do.

And I think that's better than I know that I hate something, or I know that I loathe something. From him. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon sa nakalahad niyang kamay.

"Grab that gold, Chrissy! Time's ticking!" Arjuna stuck his head out of his window after he honked the car. "Just grab the solid gold!"

And so I did. 

Dinampot ko ito ng mabilisan. Bumulong ako ng thank you na hininga ko lang ang nakarinig. I never even made eye contact. Pumasok na ako kaagad ng sasakyan, mabilis ang tibok ng puso.

Hindi namin kasama si Arjuna sa pamimili. Dinaan niya lang kami atsaka mabilis na pinaharurot ang sasakyan, tila ba may zombie apocalypse. 

"Umaatake ang allergy ko sa shopping," he said in a very serious mode and shuddered. Hindi ko ko napigilan ang pagngisi.

Naiwan ako kay Ramona at Beth, at dahil doon ay mas lalo ko pang napuna ang laki ng kanilang pagkakaiba. Si Ramona ay mapagbigay ng kaniyang saloobin, walang kahit anong pumipigil sa talas ng kaniyang bibig pero si Beth naman ay tahimik at mapag-obserba. 

Habang kasama ko sila ay minsang uupo muna ako sa bench dahil may kinakausap silang barkada o 'di kaya'y nagbabayad ng kung ano. Alam kong napapagod na ako sa kalalakad pero alam ko ring nakalimutan ko na ito noon.

The socializing, the limitless credit cards and all.

Nakaka-intimidate ang dating sa akin ngayon dahil nasanay na ako sa buhay ko dati. Isang kahig, isang tuka. Umuulit nanaman ang lahat na sinasanay ko ang sarili ko.

I remember my first months alone. It was so hard since all I've felt was its me against the world. The pan was always burnt and the plates always taste like liquid soap. Pero nakaraos naman din. At syempre, ngayon, makakaraos ulit.

Nakauwi kami noong papalubog na ang araw. Dalawang item lang ang nabili ko. Isang halter top at isang ripped na shorts, lahat ay si Ramona ang nag-suggest. 

"Are we going to attend Alexi's party?" ani Beth sa isang bored na tono. Nakasandal ito sa balustrade ng rooftop namin, hinahalo ang juice. 

Nagtama ang aming tingin. Pinagdikit ko ang aking mga labi at tumango sa kaniya. Tumaas lamang ang dalawang kilay nito sa akin. 

"No. I hate that two faced bitch and my feet hurts," reklamo ni Ramona na nakasalampak sa bin bag habang minamasahe ang kaniyang paa.

"Do...you...do you like to go? Chrissy?" Tingin ko'y unang beses akong i-address ni Beth sa aking pangalan, which took me by surprise.

"Pagod na rin ako," dahan-dahan kong pag-amin. "Atsaka hindi ko naman kilala ang kaibigan niyo."

"Alright," pormal lamang itong tumango atsaka wala nang sinabi. Para ko tuloy gustong bawiin ang sinabi ko pero baka maprangka lang ako ng magpinsan.

"Can I ask you something?" ani Ramona habang tinitingnan akong mabuti. Pinigilan ko ang pagpula ng mga pisngi at tumungo na lamang sa lounger.

"Sure," I shrugged.

"Are we prying? Do you feel like we're prying?" 

Nanlaki ang aking mga mata sa pagkakabigla nanaman. 

Sinipat ko si Beth na nakahalukipkip sa tabi, tila ba nagpanting din ang tainga kay Ramona. Bumaling ito sa pinsan. 

"A little bit," pinagdikit ko ang thumb at index finger. Are two days and two nights enough to pry? "Mostly for the intimidating part."

"Oh god, lahat na lang ng tao ay na-iintimidate."

"Do you normally do these? Alam mo na, magdala ng bago sa parties, sunduin for shopping..." I asked truthfully. Sadyang forte ito ni Ramona, o 'di kaya'y hindi lamang ako sanay.

Before coming back, this whole thing was considered a privilege for me. Unlike now, it feels like a familiar thing. Sometimes feels like a chore. Miss na miss ko na ang apartment ko at ang bistro.

"This is our first time and I think, we're doing good so far. Right?" 

Ngumiwi si Beth kay Ramona. Napangisi ako at nagkibit-balikat.

"You see, we don't have that many cousins around here. Either nag-migrate abroad, or too busy flying around in a plane and talking about politics. Its this family's both salvation and disease. Pulitiko kung saan magaling si Dad, sila Tito and look, Arjuna will be next," paliwanag ni Ramona, sounding like she's collecting marbles off of places.

"I know there's rumors about my father and his past issues," paninimula ko. I just want them to know before its too late. They'd just despise me more. Lumandas ang rekognisyon sa mga mata ni Ramona, confirming that I'm true. Every family has dark issues. "Anak ako sa labas ni Papa. Kasal na siya noon at kasal na rin ang Mama ko. Magkaiba kami ng nanay ni Kuya Ishmael."

Hindi ako umalma nang nagtaas ng tingin sa akin si Beth. Hinarap ko mata sa mata ang kaniyang panunuri sa akin. 

Iyon naman talaga ako at hindi na iyon magbabago. Tanggap ko na ang sarili ko. Gusto kong ako ang magsabi sa tao ng harapan bago pa nila iyon malaman sa likod ko. 

And it feels so good, even in the first time.

"Kaya ka nagpunta rito? To claim your rights from Tito Nick and you're living with your poor mother all this time?" Tumaas ang kilay ni Ramona, tumalas ang dila.

"Her mother is Mara Alejandre. I heard Dad and Tito talked about her once." Beth piped in.

Tumango ako sa bahagyang pagkislap ng mga mata ni Beth. 

"Oh, shit! I get it now. She was once a supporter on the campaign. And when I say supporter, a filthy rich one with donations after donations. I knew something was going on between Tito Nick and that woman."

Iyan ang hindi ko alam. Kung iisipin, wala akong alam sa relasyon ni Papa at Mama noon. Kung paano sila nagkakilala, at kung saan nagtapos ang lahat. Papa didn't give me the time and when he's ready, I already lost the battle and fled. 

"It sounds so weird talking about past affairs..." Ngumiwi si Beth at napangisi ako.

Tila ba may flashlight na ngayon sa isang madilim na parte ng aking buhay. Atleast, nalaman ko ang kaso noon ni Mama kay Papa. Supporter, huh? What did my Papa promised her that she donated mountains of gold to his aid? What did my Mama believed in?

"So, let me clarify this. You, Chrissy Cajucom, was a child of a Cajucom and an Alejandre, a half sister to Ishmael Cajucom."

Tumango ako kay Ramona.

"And why did you return?" dugtong na tanong ni Beth. 

I felt like that's a question she'd been anticipating to ask since I've been here. Bumuntong hininga ako, umiiling sa kanila.

"Now,  you're prying..." ngisi ko.

"Ohhh..." ngisi ni Ramona, ang aming ngiti ay aydentikal. Parang may dumagan sa aking dibdib sa salitang iyon.

I looked at Beth for her reaction. As usual, I can never read her body language. Nanatili lamang itong tahimik pero kuntento. I'm okay with that. 

"Was it about your mother? Financial? Boyfriend?" panunuloy pa ng kyuryuso na si Ramona. Hindi ako makangisi kaya't tinitigan ko na lamang siya. Parang wala iyong epekto at tumango-tango pa sa akin.

"Ramona..."

"What, Beth? I like chismis, duh!"

Napabunghalit ako ng maliit ng tawa ngunit agad din iyong namatay. Naghanap ako ng lakas ng loob para muling ipakilala ang sarili ko.

"Anak ako sa labas at alam kong hindi iyon tanggap ng ilang tao, o ng pamilya. Pero andito na ako. Wala na kong magagawa pero tanggap ko kung ano ako," paninimula ko. "At ayos lang kung ano man ang iisipin niyo sa akin o kung bukas, hindi na kayo pupunta rito dahil alam niyo naman ang sasabihin ng mga tao. Sabi mo nga, sa pulitika umiiral ang pamilyang ito."

I know all my cons, all my liabilities, everything a child like me should be limited of. Despite all of those fractures in my life, with the issues I'm facing right now, I might as well be dead. Pero hindi. Humihinga pa rin ako at tinatanggap ang lahat ng katotohanan. 

The truth will always be my foundation, and it should always, always come from myself, to define myself.

"I was a child of both political parties, been living it with my whole life. And there's an important rule we live by to survive. Its that, blood is thicker than water. Family is important and we never abandon our own." Umiling si Ramona sa akin, at ngumisi.

Tila ba isa akong katawa-tawang bagay para sa kaniya dahil sa mga pinagsasa-sabi ko. But I never felt insulted. Naroon nanaman ang dumadagan sa aking puso at hinayaan ko iyon doon.

Nilingon ko si Beth sa aking gilid. Naghahalo lamang ito ng juice ngunit tinapatan niya ang aking tingin. Tinaasan ako nito ng kilay atsaka bahagyang ngumisi.

"Is it true that the Alejandres owns hardcore casinos? That's on my bucketlist and maybe go batshit crazy for a night? Pwede pa arrange---"

"Oh god, stop." Hinilot ni Beth ang sentido. Napanguso ako. 

"What? They've never even let us near a casino. Not even once!"

"You suck at poker."

"Because they never let us!" 

"Uhmm, may alam akong pinupuntahan ni Papa na casino. He's in there tonight. Iba ang betting rules at bihira lang ang pumapasok. But I can always tell Harold I'd go and visit him, maybe? Sneak inside? I still have his card so..." Binunot ko ang itim na credit card ni Papa sa aking jeans.

"Cool!" Ramona jumped from the bin bag. Dinuro nito ang aking phone. "But you need to deactivate your facebook account first."

"Why?"

"It stinks."

Napairap ako at ngumisi.

Continue Reading

You'll Also Like

4.2K 310 43
[COMPLETED] After the death of her parents, Scarlett Natasha Romero or Sha sha seems to have died as well with all the pain and hatred she feels. Wal...
35.6K 1.4K 71
"You want a game? Then we will play." - RK Montero "Trying to win a game but I end up failing and falling." - Prestine Winters
43.7K 367 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
627K 11.7K 53
Para kay Mary Lorraine Samonte, sapat na sa kanya ang makita at masilayan ang ngiti ng kanyang crush na si Lawrence Fontanilla. Maliban sa wala naman...