Terra Incognita(Ang Hiwaga Ng...

By araavinante

46.6K 1.4K 84

In a land of superstitions and mysticism, and in the midst of a clash between good and evil, can love be pos... More

AUTHOR'S NOTE
BLURB
PROLOGUE
Chapter 1.1
Chapter 1.2
Chapter 2.1
Chapter 2.2
Chapter 3.1
Chapter 3.2
Chapter 4.1
Chapter 4.2
Chapter 5.1
Chapter 5.2
Chapter 6.1
Chapter 6.2
Chapter 7.2
Chapter 8.1
Chapter 8.2
Chapter 9.1
Chapter 9.2
Chapter 10.1
Chapter 10.2
Chapter 11.1
Chapter 11.2
Chapter 12.1
Chapter 12.2 (Final Chapter)

Chapter 7.1

1.2K 47 1
By araavinante

"Harah!" galit na wika ni haring Balik nang mag-ulat dito ang kararating lang na si Yurik. Inihagis pa nito ang hawak na kopita ng alak. Nagpulasan ang mga babaeng Dalaketnon na nakapaligid dito. Alam ng mga ito kung paano magalit ang kanilang hari. "Talagang sinusubukan ako ng haring Samael na iyan," nagpupuyos na wika nito.

"Ano ang susunod nating gagawin, amang hari?" tanong ni Yurik sa nanggigil na hari.

"Ano pa? Ibibigay natin ang hinihingi nila. Isang malawakang digmaan ang ilulunsad natin laban sa kanila. Kakausapin ko ang mga pinuno ng iba pang masasamang engkanto. Hihikayatin kong sumama sila sa atin laban sa mga Piritay. Palalabasin din natin ang dalawang halimaw sa ilog ng Dalaket. Tingnan ko lang kung hindi lumuhod sa harap ko ang Azrael na iyan at ang lolo niyang si Samael sa pagmamakawa."

"Ngunit paano? Hanggang ngayon ay hindi natin alam kung paano makapapasok sa lagusan ng Terra Incognita? Habang naproprotektahan ng Ellora ang sagrado nilang lupain ay hindi natin sila mauubos?"

Saglit na nag-isip si haring Balik. "Ipatawag mo si Hayik. Ang batang nagsasanay upang maging isang mandirigma na sumama sa inyo kanina."

Ilang saglit pa ay nasa harap na nila si Hayik. Ilang daang taon na ito pero mukhang bata pa rin.

"Nagawa mo ba ang iniutos ko sa iyo kanina, Hayik?"

"Opo, mahal na hari. Hindi namalayan ng mga Piritay na nakalapit ako sa higanteng usa na si Pashnar at pinadapo ko sa kaniyang balat ang lamok na may lason."

"Lamok na may lason? Ano'ng kinalaman noon sa mga plano mo, amang hari?" maang na tanong ni Yurik.

Nakangising sumagot ang hari. "Simple lang, Yurik. Magdadala ang lamok na iyon ng isang uri ng sakit sa mga Piritay. Sakit na hindi nila kayang gamutin."

"Imposible, amang hari. Mahuhusay ang mga manggagamot nila. Hindi hahaba nang ganoon ang buhay nila kung hindi dahil sa kanilang medisina at siyensya."

"Hindi nila kilala ang sakit na dadalhin ng lamok na iyon sa kanilang pamayanan. Matagal na pinag-aralan iyon ng ating mga mangkukulam at babaylan. Matuklasan man nila ang gamot ay baka huli na. Marami na sa kanila ang namatay." Hinimas-himas pa ni haring Balik ang mahabang niyang balbas.

"At ano ang kinalaman noon sa posibleng pagpasok natin sa Ellora?"

"Hindi matitiis ng isang inang Piritay na naghihirap at namamatay ang kaniyang anak. Isa sa kanila ang siguradong magmamakawa sa atin upang ibigay ang pangontra sa sakit kapalit ng orasyon sa pagbubukas ng Ellora."

"Magaling ang naisip mo, amang hari." Napatango-tango si Yurik. "Ngunit kailangang magmadali tayo. Kakaunti na ang ating panahon. Sa ikatlong gabi ay nakatakda nang lumitaw ang bughaw na buwan at ang diyos nating si Magaul. Siguradong gutom na gutom ito at kapag wala pa ang ating alay ay siguradong tayo ang pagbabalingan niya."

"Hindi lang iyon, Yurik. Nakakaramdam na ako nang unti-unting panghihina. Kumukulubot na rin ang balat ko tanda na kailangan ko nang uminom ng dugo nang isang mortal na nagmula sa angkan ni datu Makdum."

"Kapag nabigo tayong ialay ang mutya sa paglitaw ng bughaw na buwan ay mauubos tayong lahat, amang hari. Magaganap ang nakatakda."

"Ano'ng nakatakda?"

"Ayon sa aklat ng ating lipi, nakatakdang malipol ang ating lahi sa panahon ng Akharon Yom o ang huling araw. At magaganap ito sa ika- dalawampung siglo dahil sa pakikialam ng isang prinsipe. Ngayon ang ika-dalawampung siglo at maaaring si Azrael ang prinsipeng tinutukoy sa propesiya kung hindi natin ito mapipigilan."

"Hindi mangyayari iyon," gigil na wika ng hari. "Isinusumpa ko sa ngalan ng ating diyos na si Magaul na hindi magaganap ang itinakda. Narito na tayo sa simula pa lamang at patuloy na iiral ang ating angkan sa mundong ito hanggang sa wakas ng panahon."

"Sana nga, amang hari."

"Kung kaya gagawin ko ang lahat ng kasamaan upang magwagi sa padating na digmaan. Tawagin mo ang lahat ng mangkukulam at babaylan sa ating angkan. Utusan mo sila na tawagin na ang dalawang halimaw na natutulog sa ilog ng Dalaket, samantala'y personal kong kakausapin ang mga pinuno ng mga kaaalyado nating mga maligno."


Continue Reading

You'll Also Like

3.9K 178 41
"No one touches me without my permission, woman." - Ameru Zion Georgina Zus is one of the Martials of the Black Diamond Group, the number two of thei...
7.7K 283 41
Because of a traumatic experience from the past, Alec's life never be the same again. That's why his parents do their best to find the girl he used t...
203K 3.6K 35
Angel With A Shotgun Series #4: Mariyah, The Fierce Eye #Wattys2018 Winner The Revisionists! Mariyah is a secret agent slash slaved-thief but not in...
31.4K 682 30
Some were police, some were engineers, but I fell in love with a priest. - Hideo Constello and Fennela Lei Gomez enjoy each other's company really we...