The Pristine

By thesuchness

2.6M 56.6K 8.1K

. More

The Pristine
Simula
Ang Pang-Una
Ang Pangalawa
Ang Pangatlo
Ang Pang-Apat
Ang Pang-Lima
Ang Pang-Anim
Ang Pang-Pito
Ang Pang-Walo
Ang Pang-Siyam
Ang Pang-Sampu
Ang Pang-Labing Isa
Ang Pang-Labing Dalawa
Ang Pang-Labing Tatlo
Ang Pang Labing-Apat
Ang Pang-Labing Lima
Ang Pang Labing-Anim
Ang Pang-Labing Pito
Ang Pang-Labing Walo
Ang Pang-Labing Siyam
Ang Pang-Dalawampu
Ang Pang-Dalawampu't Isa
Ang Pang-Dalawampu't Dalawa
Ang Pang-Dalawampu't Tatlo
Ang Pang-Dalawampu't Apat
Ang Pang-Dalawampu't Lima
Ang Pang-Dalawampu't Anim
Ang Pang-Dalawampu't Pito
Ang Pang-Dalawampu't Walo
Ang Pang-Dalawampu't Siyam
Ang Pang-Tatlumpu
Ang Pang-Tatlumpu't Isa
Ang Pang-Tatlumpu't Dalawa
Ang Pang-Tatlumpu't Tatlo
Ang Pang-Tatlumpu't Apat
Ang Pang-Tatlumpu't Lima
Ang Pang-Tatlumpu't Anim
Ang Pang-Tatlumput Pito
Ang Pang Tatlumpu't Walo
Ang Pang-Apatnapu
Ang Pang-Apatnapu't Isa
Ang Pang-Apatnapu't Dalawa
Ang PangApatnapu't Tatlo
Ang PangApatnapu't Apat
Ang Pang-Apatnapu't Lima
Ang Pang-Apatnapu't Anim
Ang Pang-Apatnapu't Pito
Ang Pang-Apatnapu't Walo
Ang Pang-Apatnapu't Siyam
Ang Pang-Limampu
Ang Pang-Limampu't Isa
Ang Pang-Limampu't Dalawa
Ang Pang-Limampu't Tatlo
Ang Pang-Limampu't Apat
Ang Pang-Limampu't Lima
Ang Pang-Limampu't Anim
Ang Pang-Limampu't Pito
Ang Pang-Limampu't Walo
Ang Pang-Limampu't Siyam
Ang Pang-Animnapu
Pagtatapos

Ang Pang-Tatlumpu't Siyam

33.3K 989 246
By thesuchness

Buong gabi nanaman akong mulat.

Ang makita si Papa rito sa aking tinitirhan ay sapat na, ngunit ang malamang nakausap niya si Ram at alam ang tungkol sa amin ay iba pang bagay. Alam niya ang tungkol sa sitwasyong kinalugmukan ko ngayon. 

When he mentioned me posing as a threat, it wasn't exactly news to me. I have my rights, even the slightest ones. There is a group of numbers waiting for my command and a property or two. Fallen or not, I have a fair share in the company. Kahit tanggalin man nila iyon sa dugo at pamilya, mayroon pa rin sa papel. 

Sa aking paglakad ay dala ko ang Cajucom, ngunit nakasunod naman sa akin ang Alejandre.

For years, I was always trying to avoid the limelight. I don't like these names chasing me. I always felt caged and tortured. Kaya ako naparito sa kabilang panig ng mundo para makaalis sa kanila, to be free. Even with these fancy last names prancing around, I did not settle my scores, get even! I will never dream of wreaking havoc because I just wanted out!  

Kahit singkong duling ay wala akong ginalaw sa kanilang mga pera.

At ngayon, heto nanaman ako. Nasa unang palapag at tila ba walang nakamit na kalayaan. Narito nanaman silang lahat ngunit napagtanto kong isang bagay lang naman iyan. Kung ako'y hinahabol ng kamalasan, o kung sa una pa lamang ay ako na ang may dala. 

The latter would be much more appreciated since I situated myself right at the devil's open mouth. They say that devils are beautiful, and yes, he is. 

Ang taksil at sinungaling. 

Papa said that Ate Yllana gave an invite to him personally. It was a bold and a crazy move. Galit na galit ang Mama sa kaniya at iimbitahin pa niya ito sa kaniyang kasal. Naalala ko ring ako pala ang kaniyang napiling maid of honor.

Sa pagkakapatong-patong ng lahat ay hindi ko na alam kung ano ang uunahin.

The next few days came as a blur. Hindi na ako makapuntos sa akademiko, at hindi na rin ako makapasok ng trabaho. Hindi ko maalagaan kahit pa ang sarili ko.

I felt so ashamed of myself. Of the fool that I had become.

Para bang nakikisabay ang panahon sa akin ay makulimlim ito ngayong hapon. Kaharap ko ang apoy at kasirola habang nagpapakulo ng tubig. Hindi ako makabili ng groceries kaya naman noodles na lang muna ang pagkain ko.

Kaninang umaga ay hindi na ako kumain dahil late na, at kaninang tanghali naman ay pinilit lamang ako ni Lucy na kumain. Medyo masama ang pakiramdam ko dahil sa nangyayari.

Halos mabitawan ko ang tinidor na hawak nang tumunog ang aking cellphone sa mesa. Napamura ako at mabilis na dinampot iyon. Pinatay ko na ang apoy.

"Hello?" sagot ko kahit pa hindi tinitingnan ang caller.

Muli akong napamura. Maaaring si Ram ito. Madalas ang kaniyang pagtawag sa akin at noong nagpalit ako ng sim ay may contact pa rin siya. Ayaw ko nang gamitin ang cellphone kung maaari kung hindi lang importante.

"Hi, Chrissy! Kamusta ka na?" My sister's voice sounded too cheerful, like a bright sunny day.

Napalunok ako, bumilis ng ilang daang tibok ng aking puso na tila ba isang kriminal na nahuli sa akto. Hindi ko inaasahan ang tawag ni Ate Yllana. 

Nanghihina akong napaupo, sapo ng aking dalawang kamay ang telepono na tila ba dito nakasalalay ang aking buhay. 

"H-Hello! O-Okay lang ako! Ikaw, maayos ka lang ba diyan?" 

"Yes, thank you! Everything is fine now. Gusto kong magpasalamat sa iyo dahil hindi mo ko iniwan noon. Ikaw lang ang nakinig sa akin, Chrissy. I'm so thankful..." Her voice dipped low full of admiration towards me. 

Hindi ako makapagsalita dahil natatakot akong baka basag at nananakit na boses lamang ang marinig niya mula sa akin. Nanginginig ang aking mga kamay dahil sa kanilang mga kasalanang buhat.

"Without you, I would've gone crazy. Nobody believed me except you," aniya. "Nobody had ever given me such gift, little sister. Thank you for listening..." 

Nagbabadya nang tumulo ang aking mga luha. Tumingala ako upang pigilan ang mga ito.

I am so sorry, my dear ate. I didn't know. I swear on my life that I didn't know.

And if I did, I would've left him for you. I would not put up a fight, and I will give him to you without hesitance. 

Ikaw lang din ang nakikinig sa akin. Ikaw ang pamilya ko. 

I swear that I didn't know!

"Chrissy, are you there?" nababahala niyang tanong sa aking pananahimik.

Pumikit akong mariin. Inipon ko ang lahat ng natitirang lakas upang huwag mabasag ang boses at um-oo. 

She's told me many things about her recent trips. In-update niya ako sa mga panahong hindi niya ako natawagan. Sobrang masaya at maligalig ng kaniyang boses. Siguro, umuwi na si Ram doon dahil wala pa siyang mapapala sa akin dito! 

Kahit pa ganoon ay nanatili akong tunog masaya para sa kaniya. Burado ang kasalanan ni Ram sa kaniya, at masaya na ang kapatid ko ngayon. Desisyon kong huwag nang sirain pa ang kaniyang kaligayahan. 

 Ang tanging ginawa ko lamang ay makinig at itago ang pagrereklamo ng aking damdamin.

Habang niloloko ko siya at ang aking sarili, wala akong ibang maramdaman kung hindi ang guilt.

Sa pagkakataong nagsisinungaling na ako sa sarili kong desisyon, sinusunog ang aking balat mula sa baga ng impyerno.

"Let's have dinner together here. Maaga pa naman at ipakikilala kita sa kaniya. Ram's here with me now and we're expecting you! See you, okay?" huli niyang sinabi sa akin, alok na hindi niya ako pinatanggi.

Tama nga ang aking hinala. Umuwi na roon si Ram!

Pagkatapos na pagkatapos ng tawag ay napasapo na lamang ako sa aking noo. Lahat ng iniipon kong mga luha ay lumabas ng tahimik. Walang tunog akong lumuha. 

Hearing her say his name for the first time makes me want to vomit. It hurts so fucking much!

Iniisip ko pa lamang kaninang doon tumuloy si Ram ay sobrang sakit na. Ngayong narinig ko mula sa kaniyang bibig ay para akong namatay. Hindi ko matanggap na napaglaruan ako ng ganito!

I'm so tired of everything! I'm just so tired of my life...of myself... I just want out of this...

So demons and devils, angels and saints, please help me. 

Naka puting tshirt ako at maong, atsaka sandals nang magtungo sa address na binigay ni Ate Yllana kanina. Nakapunta na ako rito minsan ngunit hindi ko lang sukat akalain na para sa kanilang dalawa ito. 

Kulay brown at cream ang bahay.  May steel at glass sa halos palibot ng modernong two-storey house. Ang nagpalambot sa itsura nito ay ang mga halaman at bulaklak sa mga gilid. 

Wala akong maramdaman, at iyon ang problema. Hangin lamang ang loob ng aking dibdib dahil ang puso kong wasak na wasak ay hindi na mabuo sa dami ng mga kapiraso. 

Pinindot ko ang doorbell nang nanlalamig. Ilang segundo bago bumukas ng malakas ang gate. Ayaw nang dumaloy ng dugo sa aking katawan. 

Bumungad sa akin ang mga mata ni Kyen. Madiin at kyuryuso, ngunit hindi marunong magtanong.

"Evening..." pormal kong sabi nang pumasok na. Hindi ko alam na kaya pala wala siya sa bahay ni Ram ay dito na siya naglalagi.

Tanging malamig na tango lamang ang ibinigay ni Kyen bago naglakad na patungo sa loob. Napakagat na lamang ako sa pang ibabang labi. 

Ang loob ng bahay ay mas malaki kumpara kung titingnan sa labas. Moderno at minimal ang design, at ang mga espasyo naman ay maluwang. This was Ram written all over. I see and remember him in these walls. 

"Alam na ba ni Ate...Yllana?" Nilingon ko si Kyen na nauuna, hinahabol ang kaniyang tingin.

Slowly, she stopped and clicked her tongue. Nang lingunin niya ako ay naguguluhan ang kaniyang matigas na ekpresyon.

"If she does, then she wouldn't invite you for dinner," nag-iwas ito ng tingin.

Tumango ako at bahagyang napatingala. Gusto kong malaman, at gusto ko ng kasiguraduhan. Hangga't maaari ay ayaw kong malaman ni Ate Yllana. Maaaring makaya niya, ngunit ako ay hindi. Mamamatay ako sa oras na malaman niya.

Nagpatuloy si Kyen sa paglalakad, at iyon din ang aking ginawa. Tumigas ang aking titig sa gilid ng kaniyang mukha. Hindi nakalagpas sa akin na kasabwat siya ni Ram. Nagkita kami sa bahay ng mga Alejandre noon, pero katulad siya ng kaniyang pinsan.

"Dito ka na pala nakatira at hindi na sa...kuya mo. Gaano na katagal?" matigas kong sabi.

"Less than a month---" As if noticing my change of tone, nilingon niya ako. 

"Gaano na katagal ang panloloko niyo sa amin?" Mata sa mata ay tinabla niya ako. Diniinan ko ang aking ma katanungan. "Gaano katagal mo nang alam, Kyen?" 

"Long enough to understand..."

"And why hadn't you told my sister yet? You chose to deceive her too! Paano ka nakakatulog sa gabi sa sikretong ito? Paano mong nasisikmurang huwag magsalita?" my voice lowered to a pained whisper.

Ang kaniyang kunot-noo ay mas lalong dumiin. Sa iba't ibang haligi ng bahay siya tumingin, tila ba naguguluhan din. Niyukom ko ang mga kamao. Pagkatapos ng ilang segundo ay tinabla niya ang aking tingin nang mas kalkulado at kalmado. 

"What is it that Ram has to bother another woman when clearly, he's to be a married man? At paanong nangyaring ako pa, sa dinami-rami ng babae diyan?" Pinigilan ko ang pag-sigaw. 

"It doesn't matter anymore. Now that things are changed. And he wasn't careful enough..." 

"Tell me, Kyen! I'm begging you..." 

"I didn't tell your sister because I was a heartless bitch, Chrissy. I chose not to interfere. I stayed quiet because Kuya Ram told me so. He said he needed help." 

"Help? Bakit kailangan niya ng tulong?"

"Because there's trouble and he was supposed to dodge it."

"Who's in trouble, Kyen?" 

"Everybody," she said in a heartbeat. "Ever since that sister of yours showed up, everything was a mess. She's responsible for this. And that stupid piece of land. Its like a bidding process."

"My sister, she plotted against you that's why you chose to retaliate? Aren't they going to be married? Ate Yllana and---"

"Yllana? She's not what I'm talking about..."

"Enough, Kyen." A deep voice in the dark driveway called out.

Nilingon ko ang boses na iyon. Hindi pa man nagtatagpo ang aming mga mata ay tuluyan na akong nanlalamig. Nahirapan akong huminga. Ito nga pala ang kaniyang tirahan at sarili ko lamang ang aking dala.

Ram came out of the dark, weariness in his eyes and I looked right into it. Pinagmasdan ko ang mga mga mata niyang nagdudusa, kagaya ko. 

"Hindi ba dapat ay nasa loob ka rin? Tend to your soon to be wife and be the best husband of the year?" puno ng hapdi ang aking boses.

"We wouldn't last a year..." mabilis niyang balik sa akin, naglalakad patungo sa akin.

Tumindi ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata, at ang paninikip ng aking dibdib. Nawalan ako ng pake na nariyan pa si Kyen dahil sa wakas ay nagkaharapan din kami. Mata sa mata. 

Pilit kong hinahanap ang sagot sa kaniyang mga mata. Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit niya ginawa sa akin ito dahil sobrang sakit.

"You left Yllana back there? She'll come here any second to get you," matamang sabi ni Kyen at nilingon ako. "Your sister is very clingy."

Hindi ko napigilan ang pait at selos. 

Putangina...

"Shut up, Kyen. Go inside and help her cook. I already told her and she's expecting you..." Ram spoke to Kyen without tearing his eyes off of me. Iniwas ko ang tingin. 

"Distraction, you mean! I fucking hate it when you pair me with her. She's so bossy," ani Kyen habang sinusunod ang utos ni Ram. Nagtama ang aming tingin, tila ba mayroong gustong sabihin sa akin ng pribado.

Sa gilid ng aking mga mata ay sa akin pa rin ang tingin ni Ram. Lumingon lamang ito sa pintuan upang masigurong wala na si Ken. Na kaming dalawa na lamang.

Ang hanging umiikot sa sistema ko ay napalitan ng buhay na buhay na dugo. Tiningala ko si Ram nang hindi ko malaman kung ano ang aking dapat na maramdaman.

"Why did you really come here, Chrissy?" he breathed, tickling my ear in the process.

"Inimbita ako ng kapatid kong malapit nang ikasal sa bago niya bahay," nanginginig sa galit kong sagot.

"No, no...the truth..." punong-puno ng pasensiya at paghihintay ang mga mata ni Ram. Iniiwas ko ang mga mata ngunit mas masuyo ang paghabol niya ng tingin. I'm so afraid that I'd break infront of him!

That I'd all we could ever have now is our memories! Takot akong umiyak sa kaniyang harapan!

"Bakit ikaw ay pwede kang magtanong ng katotohanan? Bakit ako ay hindi? Its unfair, Ram. What you are doing to me is so unfair!" Nabasag ang aking boses.

"Shhh... You can ask me anything now. I'll answer everything..." 

Kinagat ko ang labi. He looked at me with full assurance. It sounded too good to be true but this is all I've wanted.

Like a child promised of her new treasures, I nodded. Humugot ako ng lakas ng loob.

"Bakit?" Una kong tanong, bakit sa lahat. Bakit ako, at bakit nagkaganto.

Ram nodded but it looked like it was for himself. He readied by regaining his authoritative and demanding presence. His eyes went cold and still. 

"Your sister holds all the knots and keeps their business rooted still. My family managed to hit a few limbs but Yllana was smart," aniya. "She's always found a way out. Always know how to dodge a bullet."

"Is there something wrong between..." Hindi ko alam ang sasabihin ngunit tumango kaagad si Ram. 

"Its like a non stop wildfire."

"At nasama ako? Is that it? You couldn't hold down my sister so you had to marry her instead. And take your sweet revenge and come after me? Am I just a pawn to this, Ram?" Bigo at nang gagalaiti kong sabi.

I didn't fully understand what's the real score between Yllana and Ram's family, and I wouldn't want to know. Ang pakiealam ko ay ang sarili ko, dahil nadamay pa ako sa gitna. And just like before, nobody will notice. Nobody will be held responsible because that's just my life!

"You are everything, Chrissy. Not a pawn, not even a piece. You're everything to me..." In his eyes, stone cold, he looked at me pained and still.

"Sinungaling..." My tears dripped.  Galit ko itong pinunas. I distinctly noticed Ram advancing towards me ngunit umiling ako. Still, he continued.

Ram easily towered over me. Bumukas ang ilaw sa garahe dahil lumubog na ang araw. Unti-unti akong pinaatras ni Ram sa madilim na pader, ang isang kamay niya ay nasa ibabaw ng aking ulo. His hot, minty breath softly hits the top of my head. 

"Did you...did you have sex with her?" tanong ko, punong-puno ng luha ang aking mukha at puso. Sa wakas ay naramdaman ko ang hirap nitong pagtibok.

"I didn't."

Isang sampal ang iginawad ko sa kaniyang pisngi. Hindi natinag si Ram at binaba lamang ang mukha, malamig na nakatingin sa mga kamay kong nanginginig.

"Sinungaling," I pronounced even harder near his ear.

He didn't flinch a bit and my tears couldn't stop.

"Did you have fucking sex with her, Ram?" I repeated painfully.

" I...didn't..." And he repeated too, angrily spitting every word out.

"Sinungaling! I heard you two at your office! How you moaned and how you pleasured her! Sinungaling! Liar! You do nothing but lie to my face, Ram!" Hindi ko na napigilan ang pagsampal sa kaniyang mukha ng ilang beses.

Humapdi ang dulo ng aking mga daliri dahil sa pagbali ng mga kuko ngunit hindi ko ito ininda. Ang tao sa aking harapan ang nagwasak at dumurog sa buo kong pagkatao, at iyon ang mas masakit.

Ilang mahihinang mura lamang ang pinakawalan ni Ram ngunit hindi ito nanlaban. I probably carved marks in his face but he just let me. I continued til I couldn't breath anymore and that's his signal to hold me down.

Sa kaniyang lakas ay wala akong nagawa nang hagilapin niya ang aking mga kamay ay igapos gamit ang kaniya. He pinned it above my head as I cried silently, mixture of tears and sweat trapping strands of my hair on my face.

"You... I already gave you an answer but if that's your stand then I know you'll keep it. This is your stand so I will respect it..." All I could hear in Ram's voice was helplessness even if he doesn't want to show it. I sobbed harder.

"Everything that you assumed is right. I was arranged to marry if not your sister, then any of you who is legitimate. It was tradition but I already knew there was a hidden motive beneath. It was until we flew back here at the Philippines that they told me about you."

The way that Ram still kept his cold monotone voice stung. He's operating me like I'm a business proposal he needs approval but I can feel...I feel so hollow just listening to his voice. 

Oh, Ram...

My beautiful Ram...

"You are the untouched gem of the Alejandres. Its only right to bring you out in the surface. Everything will deteriorate once you go back up while I liquidate every possession, every percent that I can..."

"Why did this fail? What stopped you?"  

"You..." Dinikit ni Ram ang gilid ng mukha sa aking leeg. Tila napaso ito ay bahagya niyang inilayo ang sarili sa akin. Ang kaniyang hawak sa nakagapos kong mga kamay ay lumuwag.

"Its better to fail the mission than to fail a pretty girl like you. My beautiful, stubborn Cristina..."

"You already failed me, Ram." Pumikit akong mariin sa pagkakapunit ng aking puso. 

"I know, baby. I'm sorry..." 

Unti-unti ay tuluyang pinawalan ni Ram ang aking mga kamay. Ang isa niyang kamay ay bumaba sa aking leeg. He dropped his head on my shoulder and I felt continuous hot liquid on my neck. 

As Ram cried, not a single sound was made.

Wala akong nagawa kung hindi ang sumabay sa kaniyang mga luha. Sobrang bigat ng aking dibdib, tila ba hinihila ang lahat ng problema ng mundo at ang puso ko ay hindi ko na mabuo sa dami ng basag. 

Sobrang sakit pa rin. 

Dahil niloko niya pa rin ako.

Noong dinner na ay ako ang unang pumasok. Si Ate Yllana ay nanumbalik na sa dati niyang sarili, iyong maraming baong kwento at palaging interesado, hindi tulad noong huli kaming nagkita. Sa kalagitnaan ng hapunan sumabay si Ram.

Hindi ko alam kung ano ang kaniyang dahilan para sa mga sugat niya sa mukha, pero isa siyang magaling na sinungaling. Nalusutan niya ang mga tanong ni Ate Yllana, at ito naman ay madaling naniwala. Sa kahit na sinong nakakapanuod, walang laban ang puso ni Ate Yllana sa mga tingin ni Ram. 

Wala akong alam sa kung paano ako nakakain sa hapag ng bahay na ito. Kung paano ako nakapagsalitang maayos, at kung paano ko itinago ang pagmamasid sa mga kaunting bagay na napapansin ko. 

Like how Ate Yllana serves Ram dinner like he was a king, or how Ram subtly declines her all of her offers. Kulang na lang ay mag hugis puso ang mga mata ni Ate Yllana sa tuwing titingnan si Ram. 

Hindi ko alam kung paano ko tinapos ang dinner, at lumabas sa kanilang bahay. Buo man ang aking katawan ay alam kong sa loob ay lasog-lasog na ako. 

"Thank you for accepting my request, Chrissy. I've been telling Ram about you ever since kasi. Sana magkasundo kayo, ha." Sa labas ng kanilang gate ay malaki ang ngiti sa akin ni Ate Yllana.

Nilingon ko si Ram sa kaniyang tabi. Nakababa ito ng tingin sa akin, ang mga mata ay para bang may gusto pang ihabilin.

Nagbaba ako ng tingin sa kaliwa niyang kamay. Hindi iyon mapakali. Tila ba nagpipigil ngunit tila ba gusto ring humabol at yumakap.

Nag-iwas ako ng tingin dito.

"Magkakasundo kami para sa'yo," sagot kong puno ng katotohanan.

"I know you guys will. I'm so lucky to have the both of you!" Ate Yllana beamed and let go of Ram's other hand. 

She looked up at him and my heart did  a skid. Eksakto ang paglingon ni Ram patungo rito, mula sa akin, nang magtama ang kanilang mga mata. 

Umigting ang aking panga sa kutsilyong tumarak sa aking dibdib.

Ram did a subtle nod with a restrained smile towards her. As if she's urging him to go on, he put his arms on her waist and gave a little squeeze on her side.

I hated it.

His arms around her. His stares on her. His name on her.

Guilt and hurt bombarded me right at this moment. Because I shouldn't feel this way, and because only time and distance, if it ever can, will heal me. I hope it does.

"Naku, ano ba iyan! I'm sorry you had to see that, Chrissy. Ram's just like being touchy. You'll get used to it." Pumula ang mga pisngi ni Ate Yllana, ang mga mata ay kumikislap sa tuwa.

"Its okay. Ikaw ang dapat na masanay dahil ikakasal na kayo," nakangiti kong sabi.

"Now that you mentioned it, pinagawa ko na ang gown mo dahil hindi tayo nagkikita. And, I know all your measurements so its all set! I would be extremely sad when my maid of honor couldn't have an extravagant gown that matches her!" Sobrang saya ng kaniyang mga mata. Matindi ang kislap at ang ngiti ay nakakahawa. 

Sa unang beses ay gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. Tanging ang kaligayahan lamang ng aking kapatid ang aking nakikita, ang tanging mahalaga sa oras ito. 

Siya lamang ang mahalaga at ang kaniyang kaligayahan. Hindi ang sakit na nararamdaman ko. 

Nang dumating na ang hinihintay na taxi ay bumitaw si Ate Yllana kay Ram. Ni hindi ko tinabla ang lahat ng mga tingin na binibigay ni Ram sa akin, dahil si Ate Yllana lamang ang tanging nakikita ko.

"Thank you again, Chrissy," bulong ni Ate Yllana sa akin nang yumakap ng kay higpit.

Gusto kong isukli ang saya sa kaniyang mga yakap ngunit hindi ko na kayang pagsinungalingan pa ang sarili ko. Yumakap na lamang ako ng sobrang higpit dahil mangungulila ako sa mga yakap na ganito.

My dear sister, I have always loved you and I would do anything to protect you. You know that. I'm sorry that you'll be sad on your wedding day, and I'm terribly sorry for what I am about to do.

This might be the last time I'll see you in a long, long time. So...thank you too for everything. For the love, and the memories. I wouldn't have made it without you. 

I'm so sorry for loving the wrong man.

I'm so, so, sorry.

Humiwalay ako kay Ate Yllana at sumakay na ng taxi. Kumaway ako sa kaniya, tears brimming my eyes. And the last remaining seconds that I am in this town, I offered it all to Ram. 

He's standing still in there. One hand keeps on forming into fists and then loosens again. Para bang gusto niyang magalit ngunit ibang istorya ang sinasabi ng kaniyang mga mata. His deep dark eyes made me feel alone. More than ever.

His thick eyebrows were set into a straight line like always, and his jaw, tightening. His broad shoulders heaved up and down together with his wide chest. His bloodshot eyes never leaving me.

Baby, you weren't meant to take care of me. So take care of her, okay?

Bago pa man dumaloy ang isang segundong pagmememorya ko kay Ram ay nawala na siya sa aking paningin. Tanging ang makina ng sasakyan ang aking naririnig at ang nanghihinang kabog ng aking dibdib.

Naging blanko ang lahat sa akin, at sa isang iglap ay nanumbalik muli kasabay ng aking malakas na mga hagulgol na kanina ko pa pinipigilan. 

Bumuhos ang aking mga luha at sinapo ko ang mukha gamit ang isang kamay.

Ikakamatay ko ang pananatili rito. Ang kataksilan ng lalaking mahal ko, at ang panggagamit sa akin ay siyang ikakamatay ko.

Mabilis na hinagilap ng aking isang kamay ang cellphone sa jeans. Tuluyan nang sumuko ang kalahatan sa akin. 

Ika-unang ring pa lamang ng telepono ay sumagot na ito kaagad. 

"Papa..." Iyak ako ng iyak.

Continue Reading

You'll Also Like

225K 14.7K 74
After securing his dream job at a luxurious resort abroad, Sinag thought he had found a perfect backdrop for a new chapter of his life. Little did he...
3.7K 827 38
Cara Mallari, a high school student who prefers to spend her time alone at the library. Her miserable life has no effect on her positive outlook on t...
45K 402 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

88.1K 2.4K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]