We're Married (Published)

By heyairaaa

19.7M 173K 21.3K

WATTPAD PRESENTS: NOV 2-6, 2015 ❤ PUBLISHED UNDER LIB/PASTRYBUG BOOK 1 - P99.75 BOOK 2 - 109.75 "Kasal nga ka... More

We're Married
1. King
2. Dinner
3. Wedding
4. Elle
5. Married
6. Side
7. Day
8. Night
9. Plan
10. Him
11. Flashback
12. Date [1]
13. Date [2]
14. Trip [1]
15. Trip [2]
16. Feelings
17. Sorry
18. Awkward
19. Talk
20. Dreams
21. Chance
22. Solved
23. Party
24. Paradise
25. Decision
27. Boss
28. Past
29. Luis
30. Luke
31. Truth
32. Kiss
33. Crazier
34. Pain
35. Game
36. Secrets [1]
37. Secrets [2]
38. Listen
39. Confrontation
40. Grief
Note [1]
41. Orphanage
42. Tomb
43. Sign
44. Heart
45. Misery
46. Consequences
47. Start
48. Rose
49. Note
50. Friendship
51. Love
Note [2]
Epilogue
Special Chapter [1]
Note [3]
Note [4]
Note [5]
▪ Wattpad Presents ▪

26. Goodbye

343K 2.8K 214
By heyairaaa

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

-Elle’s POV-

 

“Elle!!!” naalimpungatan ako sa pagkakatulog ko ng marinig ang sigaw na iyon sa labas ng kwarto ko.

Nakaramdam ako ng kaba bago buksan ang pinto ng kwarto ko pero nawala din iyon ng makita kung sino ang nasa labas.

“Marga!” masayang sabi ko at bigla nalang nya akong niyakap ng mahigpit.

“Elle!! Nakakainis ka! Bigla ka nalang nawawala! Hindi ko alam kung saan ka hahanapin! Tapos nandito ka lang pala sa resthouse nyo sa Cebu. Halos isang buwan kang hindi nagpakita sa amin, kung hindi ko pa napilit ang pesteng Luke na yun, baka hindi pa tayo magkikita.” mahabang sabi nya at ramdam ko ang pag-aalala nya sa akin.

Bumitaw ako sa pagyayakap kasi hindi na talaga ako makahinga sa sobrang higpit nyang yumakap.

“Relax lang, Marg! Buhay pa naman ako, saka...” napahinto ako ng biglang sumagi sa isip ko ang mukha nya na agad ko namang binura. “Tara nga, maupo muna tayo.” aya ko sa kanya. Binigyan nya ako nang makahulugang tingin pero sumunod naman sya sa akin papuntang sala.

Past 3pm na pala at hindi ko namalayan na matagal na pala akong naidlip.

“Elle, I need an explanation. Ang weird ng mga kinikilos ng mga tao doon. Ang hirap ng walang alam sa mga nangyayari, Elle. Lalo na at bestfriend mo pa ko.” may hinanakit na sabi nya.

Mahabang katahimikan ang lumipas bago ko napag-desisyunan na magsalita.

“N-nakita mo na ba sya? Si F-iona?” parang may bumabara sa lalamunan ko habang sinasabi ko iyon. Ang hirap pa din talagang tanggapin.

Mukhang nagulat sya sa sinabi ko. “Yun ba ang dahilan kung bakit ka umalis? Hindi ko pa sya nakikita at wag syang mangahas na magpakita sa akin dahil hindi ko alam ang pwede kong magawa sa kanya. Pero nalaman ko iyon kay Luke.”

“Yes, isa iyon pero marami pang dahilan ang pag-alis ko. Masyadong kumplikado ang buhay ko ngayon, Marg.” Huminto muna ako at nag-isip muna kung itutuloy ko pa ba ang tanong ko. “Si K-king? May balita ka ba sa kanya?”

Umiwas sya ng tingin at huminga ng malalim. “Ayaw nya kong harapin. I really hate that guy. I thought he cares for you but he doesn’t bother to find you.” puno ng hinanakit ang boses nya.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko at huminga ng malalim para pigilan ang pagragasa ng emosyon sa puso ko. Ginusto mo to, Elle. Kaya panindigan mo.

 

“I’m pregnant, Marg.”

Nanlaki ang mata nya at parang hirap na hirap syang i-process ang nalaman nya. Masyado ko yata syang nabigla.

“Alam ba ito ni King?” sabi nya pagkalipas ng mahabang katahimikan.

Umiling ako at yumuko. Napahawak ako sa maliit ko pang tiyan.

“What?! Magkaka-anak kayo kaya dapat nyang panagutan yan!”

Huminga ako ng malalim parang bumabalik na naman ang sakit na naramdaman ko ng makita ko si King na kayakap ang totoong mahal nya. Tama na, please.

“Marga, may dapat kang malaman.”

*

“Aalis ka na talaga?” tanong ni Marga sa akin. Ilang araw na din ang lumipas ng pumunta sya sa Cebu at nasabi ko na din ang balak kong pagpunta sa Germany para ipagpatuloy ang pag-aaral ko.

“Oo, siguro ito na din ang way para mabigyan namin ng oras ang isa’t-isa.”

“Elle, you’re 20 years old, nasa tamang edad ka na para malaman kung tama ba o mali yang desisyon mo. Kasal pa din kayo ni King at hinding-hindi mo iyon matatakasan.”

Malungkot na ngumiti ako sa kanya. “Alam ko at pagbalik ko haharapin ko iyon.” sabi ko at tumayo na nang marinig ang flight ko.

Nakatingin lang sya sa akin at tumayo na din.

“So it’s really a goodbye?”  sabi nya at niyakap ako.

I hugged her too. “For now.”

Bumitaw na ako at tuluyang nagpaalam na.

Tumalikod ako at naglakad papalayo. Pero bago ako umalis, mag-iiwan ako ng pangako.

Sabi nga ni McArthur, I shall return.

Continue Reading

You'll Also Like

719K 575 1
Because of one night mistake, she unexpectedly got pregnant. As soon as her grandfather discovered the disgrace she had committed, she was deported t...
1.5M 58.6K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
53.7K 3.2K 54
Pasaway na amo Pasaway na kasambahay Sundan ang istorya ni Isabelle at Kylle sa Maid for each other. Credit to the owner of the pictures.
473K 18.3K 45
Ang buhay ko ay kakaiba simula palang ng ipinanganak ako. Habang lumalaki ako nakikita at nararamdaman ko ang pagiging kakaiba ko sa ibang tao. Kahit...