Burst Into Flames [ Published...

By xxladyariesxx

657K 27.2K 1.4K

Kingdom of Tereshle Story # 2 [COMPLETED] Anastasia Miller. A strong and one of the top Agent of Tynera. Gust... More

Teaser
Chapter 1: Agents
Chapter 2: Team
Chapter 3: Persidal Village (Mission 1- Part 1)
Chapter 4: Persidal Village (Mission 1- Part 2)
Chapter 5: Persidal Village (Mission 1- Part 3)
Chapter 6: Persidal Village (Mission 1- Part 4)
Chapter 7: Persidal Village (Mission 1- Part 5)
Chapter 8: Lifeless
Chapter 9: Rivalry
Chapter 10: New Mission
Chapter 11: Aurora Swan (Mission 2- Part 1)
Chapter 13: Aurora Swan (Mission 2- Part 3)
Chapter 14: Aurora Swan (Mission 2- Part 4)
Chapter 15: Aurora Swan (Mission 2- Part 5)
Chapter 16: Reward
Chapter 17: Unexpected
Chapter 18: Fear
Chapter 19: Finish Them
Chapter 20: Deal
Chapter 21: The Bait
Chapter 22: Keepers
Chapter 23: Anatasia's Memory
Chapter 24: Fifteen Years Ago
Chapter 25: Explosion
Chapter 26: Right Time
Chapter 27: Revenge
Chapter 28: Traitor
Chapter 29: Good and Evil.
Chapter 30: Scream
Chapter 31: Plan
Chapter 32: Dream
Chapter 33: Trap
Chapter 34: Save The World
Chapter 35: The Shadow
Chapter 36: Rogue
Chapter 37: Absorb
Chapter 38: Dangerous
Chapter 39: Darkness
Chapter 40: Her fire
Chapter 41: Take Over
Chapter 42: Save Her
Chapter 43: Dissolves
Chapter 44: Gone
Last Chapter : She's Back
Author's Note Lang!
Burst Into Flames - PopFiction CLOAK

Chapter 12: Aurora Swan (Mission 2- Part 2)

11.9K 578 6
By xxladyariesxx

Ilang minuto kaming naglakad ni Grayson sa loob ng black dimension. Kahit anong gawin kong pagbukas ng mga mata ko ay wala talaga akong makita. This place is scaring the shit out of me!

"Grayson, this is hopeless. Wala naman exit sa lugar na ito!" reklamo ko sa kanina pa tahimik na kasama ko. Yes, tahimik! Sobrang tahimik! Naglalakad lang ito habang hawak-hawak ang kamay ko. I tried to talk to him, but he just told me to stay quiet and just follow his lead!

Napailing na lamang ako sa inaasal nito. Tumahimik na lang akong muli at nagpatuloy sa paghahanap sa maaaring exit dito sa loob ng black dimension.

Mayamaya lang ay napatingin ako sa gawing kanan ko no'ng makita ako ng munting liwanag. Napaawang ang mga labi ko at mabilis na kinuha ang atensiyon ni Grayson. "Grayson! I saw a light!" masayang sambit ko sa kanya sabay turo kung nasaan naroon ang liwanag na nakita ko.

Sabay kaming tumigil sa paglalakad at narinig ko ang paghugot nito ng isang malalim na hininga. "Let's go!" wika niya sabay hila muli sa akin. Hindi na lamang ako nagsalita at nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa tuluyan na kaming nakarating sa liwanag na nakita ko kanina.

Mayamaya lang ay napipikit ako dahil sa liwanag na tumama sa mga mata. Kung kanina ay sobrang dilim sa loob ng dimension na pinasukan namin, ngayon naman sobrang liwanag na! Inilagay ko ang isang kamay ibabaw ng mata at ikinurap ito ng ilang beses.

Where the hell are we?

Ilang minuto muna ang ginugol ko para makapag-adjust ang mata sa ko liwanag at no'ng makita ko nang maayos kung nasaan kami, napatanga ako. What is this place? I scanned the whole place. Damn it! This place screams enchanted! Nalaglag ang panga ko no'ng makakita ako ng mga lumilipad na mga nilalang. Ikinurap ko ang mga mata ng ilang beses at mas itinuon ang atensiyon sa kanila. Mayamaya lang ay mas lalo akong namangha sa anyo at itsura nila! kumikinang ang mga ito. Fairies! They're fairies! Oh my God! I can't believe this! Nasaan ba kami?

"This is the fairy land. The hidden world of Kingdom of Tereshle." Napalingon ako kay Grayson noong magsalita ito! Mas lalo akong namangha sa mga natatanaw. Fairy land! The magical world where fairies exist!

"Sweet!" wala sa sariling sambit ko at muling tiningnan ang mga fairy na kanina pa lumilipad sa paligid namin. Nakapagsasalita ba ang mga ito? Nakatingin lang kasi sila sa amin at walang ibang ginagawa kung hindi ang lumipad! "Anong gagawin natin sa lugar na ito, Grayson?" takang tanong ko naman at maingat na inangat ang isang kamay. Agad ko namang pinagsisihan iyon noong lumayo sa akin ang dalawang fairy na malapit sa akin.

I silently sighed and bit my lower lip. Okay. I need to focus here. Hindi dapat ako magpa-distract sa mga fairy na ito! Mahina kong tinampal ang kanang pisngi at umayos nang pagkakatayo.

Paanong nangyaring napunta kami rito sa mundong ito? Isa ang fairy land sa mysterious place na mayroon dito sa Tereshle at mahigpit na ipinapagbabawal ng Tereshle's council members ang pasukin ang mundong ito. Fairy land is for fairies. Para lang sa kanila kaya dapat ay hindi makialam ang mga taga-Tereshle sa mundong ito. At dahil nandito kami ngayon ni Gray, mukhang kailangan ko nang ihanda ang sarili kapag umuwi na kami sa Tynera. We're breaking rules here! Hindi ito papalagpasin ng Council!

"Gray, we need to get out of here. Bawal tayong mapunta sa lugar na ito! We need to find that freaking black dimension and return to Enthrea! Malalagot tayong dalawa kapag magtagal tayo sa lugar na ito! Come on!" mariing sambit ko sa kasama. Hinawakan ko ito sa may braso niya at sinubukang hilain ngunit ang loko, hindi man lang umimik sa kinatatayuan niya. He kept his position and continue scanning the whole place.

Napairap ako sa kanya at muling sinubukang hilain ito. "Come on, Grayson! Kinakabahan ako sa kalalabasan nito! Paniguradong mapaparusahan tayo ng Council!" I hissed at him.

"Relax, Anastasia. Nasa bungad pa lang tayo ng fairy land. Wala pa tayo sa mismong lugar nila," wika nito sa akin at hindi man lang natinag sa paghila ko sa kanya.

"Kahit na!" inis na sabi ko sa kanya at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga. This is ridiculous! Our mission was to find Aurora! Not to find this freaking fairy land! Napailing na lamang ako at noong akmang hihilain ko na sanang muli si Grayson noong mabilis akong natigilan sa kinatatayuan.

Wait a minute.

Aurora Swan... the one who loves adventure... fairy land.

Mabilis kong binalingan si Grayson at gulat na tiningnan ito. No hell way!

I mentally cursed when I finally get it. There's no way na nandito nga ang babaeng iyon! I know she loves adventure, but I don't think that she's here! Masyadong mapanganib kung talagang nandito ito!

"Grayson, she can't be here, right? Alam nito ang rule natin tungkol sa lugar na ito."

"She's here, Ana." Napapikit ako sa sinabi nito sa akin. Crap! "I can feel her attribute," dagdag pa nito na siyang muling nagpamura sa akin sa isipan ko. Yeah, right! Grayson Tyler, the Shendra leader, can identify the attribute of his members. At dahil naging parte nga ng Shendra si Aurora noong nasa Tereshle Academy pa kami, malamang mararamdaman ni Grayson ang attribute nito!

Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at binitawan na ang braso nito. "Fine! Tara na't hanapin natin siya sa lugar na ito!" mariing wika ko at ikinilos na ang mga paa. Kung nandito man si Aurora, we need to find her immediately! Kung kikilos na kami ngayon, mas mapapabilis ang paghahanap namin sa kanya! At kapag mahanap na namin si Aurora, kailangan na naming makabalik sa Enthrea. We really can't stay here! Kahit na kasama ito sa misyon namin, still, rule is a rule!

Nagsimula na kaming maglakad ni Grayson at tinahak ang luntiang lupain ng fairy land. Tahimik lang ito kaya naman ay hindi na ako nag-abala pang magsalita. Itinuon ko na lamang ang paningin sa paligid at binusog ang mga mata sa maganda tanawin. This place is magical. Kahit na nasa bungad pa lang kami ng fairy land ay talaga makikita muna ang ganda ng lugar na ito!

"Ana," tawag pansin ni Grayson sa akin. Sa wakas ay nagsalita na rin muli ito!

Napairap na lamang ako at nagpatuloy sa pagalalakad. "Hmm?" mahinang tugon ko sa kanya.

"Don't use your attribute here," anito na siyang ikinakunot ng noo ko.

"Why?" I curiously asked him.

"You know how destructive your attribute, Anastasia. We can't afford to ruin this place. Baka matuluyan tayong mapahamak kung mangyari iyon," kaswal na wika nito na siyang ikina-init bigla ng ulo ko. Seriously?

Aangal na sana ako sa mga sinabi nito sa akin ngunit agad akong natigilan nong may naramdaman akong kakaiba sa paligid. I suddenly felt something strange. Nagpalinga-linga ako at noong mapunta ang paningin ko kay Grayson, namataan kong ganoon din ang ginagawa niya. Mukhang mas naging alerto na rin ito sa paligid namin ngayon.

Humugot muna ako ng isang beses bago napagdesisyunang kumilos muli. Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko noong mas dumoble ang pagiging alerto ko. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at bago pa man ako makagalaw muli sa kinatatayuan ako, isang pag-atake ang naramdaman ko sa likuran ko.

"Anastasia!"

Bahagya pa akong nagulat dahil sa malakas na sigaw ni Grayson sa kinatatayuan nito. Mabilis naman akong napaluhod at gumawa ng fire sword. Mayamaya pa'y napahawak ako sa braso ko. Kunot-noo ko itong pinagmasdan at noong mapagtanto ko kung ano ang tumama rito, napangiwi na lamang ako. It was a freaking arrow! Damn it!

Agad naman akong nilapitan ni Grayson at napamura no'ng makita iyong kalagayan ng braso ko.

"I'm fine," mariing wika ko sabay hugot ng pana sa braso ko. I can heal myself! Walang kaso sa akin ito.

"Are you sure?" nag-aalalang tanong nito at inalalayan ako sa pagtayo. Tumango na lamang ako sa kanya at mabilis na pinagaling ang tamang natamo. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at noong makaramdam kami nang ilang pagkilos sa paligig namin, naging mas alerto kaming dalawa. Damnit! Mukhang napapalibutan na nila kami ngayon!

Segundo lang ay may namataan akong mga tao 'di kalayuan sa puwesto namin ni Grayson. At tama nga ako! Napapalibutan na nila kami ngayon! Sa tansya ko ay mga sampung katao ang narito ngayon at may hawak na kanya-kanyang mga sandata ang mga ito!

Umayos naman nang pagkakatayo sa tabi ko si Grayson at seryosong tiningnan ang mga ito. Mayamaya lang ay napangiwi ako no'ng makaramdam ako nang matinding sakit sa braso ko. Wala sa sarili akong napatingin sa sugat na natamo at takang tiningnan ito. What the hell is this? Bakit hindi naghihilom ang sugat na ito?

Mabilis kong kinagat ang pang-ibabang labi at inilapat muli ang kamay sa braso at inactivate ang healing ability ko pero walang nangyari! Hindi gumagaling ang sugat ko! Crap! "Gray," tawag pansin ko kay Grayson. Shit! This is not good! Segundo lang ay naramdaman kong nanghihina ang buong katawan ko! "G-Gray," mahinang tawag ko sa pangalan nito habang pilit na nilalabanan ang panghihina ng katawan!

Mayamaya lang ay hindi ko na nakayanan pa. Naramdaman ko na lamang bumagsak ang katawan ko sa lupa. Napapikit ako at hinawakan nang mabuti ang sugat ko.

"Damnit! Ana!" bulalas ni Grayson at mabilis na dinaluhan ako. "What the hell is happening? Bakit hindi gumagana ang healing ability mo?"

"I d-don't know," mahinang sambit ko habang nakapikit pa rin ang mga mata.

"Ana! Open your eyes! Ana!"

"I'm... sleepy, Grays...son."

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nawalan nang malay kanina. Dahil marahil sa kung anong mayroon sa panang tumama sa akin kaya naman ay bigla akong nanghina at nawalan nang malay. I silently sighed and tried to move my body. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. I still feel weak. Ang sakit pa rin ng braso ko! Mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin gumagana ang healing ability ko! Damn it!

Mayamaya lang ay napamulat ako ng mga mata no'ng maramdaman kong nakatali sa likod ko ang mga kamay ko. Napaawang ang mga labi ko at sinubukang kumilos. At noong makumpirma ko ang sitwasyong kinaroroonan, napangiwi na lamang ako. What hell? What happened to me? Bakit nakatali ako?

Mabilis naman akong napatingin ako sa paligid na kinaroroonan ko. Kunot-noo kong pinagmasdan ang paligid at hindi makapaniwalang nasa isang kulungan ako ngayon! Seriously? Napairap na lamang ako at humugot ng isang malalim na hininga.

Relax, Anastasia. Clear your mind and think a way to escape from here!

I sighed again and when I remembered what happened earlier, I cursed mentally and tried to move my hands. Si Grayson! Nasaan si Grayson? Bakit hindi ko ito kasama sa kulungang ito? Nasaan ang Tyler na iyon?

Iginalaw kong muli ang mga kamay ko at pilit tinatanggal ang pagkakagapos dito ngunit bigo ako. Ni hindi man lang lumuwag ang pagkakatali nito! I mentally cursed again. Wala na akong ibang pagpipilian pa. I need to use my attribute this time! Mabilis kong ipinikit ang mga mata at buong pwersang sinira ang taling nakatali sa mga kamay ko. Mayamaya lang ay naramdaman ko ang kapangyarihan ko sa sariling mga kamay. Pinagpatuloy ko ang ginagawa hanggang sa may napansin ako.

"Shit!" Napamura ako no'ng makitang walang nangyari sa taling dapat ay sunog na ngayon! "What the hell is this thing?" inis na wika ko at pilit pa ring sinisira ang tali sa likuran ko. Damn this thing!

"Give up already." Napatingala ako sa nagsalita. Agad namang kumunot ang noo ko sa nakikita ngayon. She's wearing an all-black dress. She's expressionless, and I felt danger on her. What happened to this woman?

"Aurora," mariing sambit ko sa pangalan nito.

Blangkong tiningnan lang ako ni Aurora. She didn't utter any word. Mayamaya lang ay tumalikod na ito sa akin at nagsimulang maglakad palabas ng kulungang kinalalagyan ko. At bago pa ito tuluyang makalabas, tumigil ito sa paglalakad at binalingan akong muli. "Huwag mo nang tangkain pang sirain ang taling nakagapos sa'yo. Hihigupin lang nito ang attribute mo. At ang resulta? Mas lalong titibay at hindi masisira ito. Better stay still," walang emosyong wika niya at tuluyan nang umalis sa harapan ko.

She's not Aurora. I can feel it. Physically, yes, she's Aurora that we know pero mukhang wala ito sa tamang pag-iisip. Is she being controlled right now? Sino naman ang gagawa nito sa kanya?

Continue Reading

You'll Also Like

126K 4.1K 58
WATTYS 2018 WINNER The Heroes Category Synopsis: For a lot of people, a name holds the very meaning of a person's existence. It's a word that defines...
10.5M 480K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
10.1M 499K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
701K 41.9K 51
A world where magic is everything. A world where anything is possible. A world where any creatures exists. And a world without the greatest witch of...