Burst Into Flames [ Published...

By xxladyariesxx

656K 27.2K 1.4K

Kingdom of Tereshle Story # 2 [COMPLETED] Anastasia Miller. A strong and one of the top Agent of Tynera. Gust... More

Teaser
Chapter 1: Agents
Chapter 2: Team
Chapter 3: Persidal Village (Mission 1- Part 1)
Chapter 4: Persidal Village (Mission 1- Part 2)
Chapter 5: Persidal Village (Mission 1- Part 3)
Chapter 6: Persidal Village (Mission 1- Part 4)
Chapter 7: Persidal Village (Mission 1- Part 5)
Chapter 8: Lifeless
Chapter 9: Rivalry
Chapter 10: New Mission
Chapter 12: Aurora Swan (Mission 2- Part 2)
Chapter 13: Aurora Swan (Mission 2- Part 3)
Chapter 14: Aurora Swan (Mission 2- Part 4)
Chapter 15: Aurora Swan (Mission 2- Part 5)
Chapter 16: Reward
Chapter 17: Unexpected
Chapter 18: Fear
Chapter 19: Finish Them
Chapter 20: Deal
Chapter 21: The Bait
Chapter 22: Keepers
Chapter 23: Anatasia's Memory
Chapter 24: Fifteen Years Ago
Chapter 25: Explosion
Chapter 26: Right Time
Chapter 27: Revenge
Chapter 28: Traitor
Chapter 29: Good and Evil.
Chapter 30: Scream
Chapter 31: Plan
Chapter 32: Dream
Chapter 33: Trap
Chapter 34: Save The World
Chapter 35: The Shadow
Chapter 36: Rogue
Chapter 37: Absorb
Chapter 38: Dangerous
Chapter 39: Darkness
Chapter 40: Her fire
Chapter 41: Take Over
Chapter 42: Save Her
Chapter 43: Dissolves
Chapter 44: Gone
Last Chapter : She's Back
Author's Note Lang!
Burst Into Flames - PopFiction CLOAK

Chapter 11: Aurora Swan (Mission 2- Part 1)

15.2K 599 8
By xxladyariesxx

Enthrea.

One of the four divisions of the Tereshle and the people here are all earth attribute user. Sa lahat ng division na mayroon ang Tereshle, ang Enthrea ay may pinakamagandang mga lugar at tanawin. Dinadayo pa nga ito ng mga Tereshlian para magbakasyon at syempre, isa sa attraction sa lugar na ito ang mga tournament nila na isang beses lang na nangyayari sa isang taon.

"Wow!" Manghang wika ko no'ng makakita ako ng mga bulaklak sa sentro ng Enthrea. Ang gaganda talaga nila! Nature friendly ang mga Tereshlian na naninirahan sa division na ito. Since they're the earth attributers of Tereshle, they have all the skills in terms of taking care of the nature. Isa na roon ang mag-alaga ng iba't-ibang uri ng halaman sa mundong ito. "This place is freaking cool!" Kumento ko pa at matamang tiningnan ang paligid habang nakangiti.

Nasa Enthrea Division na kami ni Grayson ngayon para sa isang misyon namin. Aurora Swan, our dear old friend, suddenly went missing. We need to investigate first before taking some actions here. At sisimulan namin iyon sa mansyon ng mga Swan. Talagang curious ako sa misyon na ito. Aurora was part of the Shendra group in the academy. She's not an ordinary attributer. Kaya nagtataka talaga ako sa biglaang pagkawala niya.

"We're here," mahinang sambit ni Grayson no'ng nasa tapat na kami ng mansyon ng mga Swan. Napamasid ako sa kabuuan nito. Malaki ang mansyong pagmamay-ari ng pamilya ni Aurora pero kung ikukumpara ito sa mansyon na mayroon ang mga Miller at maging sa mga Tyler, it's a bit little bit smaller. Kung sabagay, ang pamilyang Bruce ang namamahala sa buong Enthrea at hindi ang mga Swan.

Mayamaya lang ay sinalubong kami ng isang 'di katandaang lalaki. Bahagya itong ngumiti at yumukod sa amin. "Welcome to the Swan Mansion, Agents. Let's go. Mr. Swan is waiting for you," anito sabay talikod sa amin ni Grayson at nagsimulang maglakad papasok ng mansyon. Nagkatinginan naman kami ng kasama ko at noong tumango ako sa kanya, nagsimula na rin kaming maglakad at pumasok sa magarang mansyon ng mga Swan.

Bumungad sa amin ang isang napaka-engranding sala pagkapasok namin sa mansyon. This place definitely screams luxury. Sa mga gamit pa lang nan aka-display sa salas nila ay talagang mapapansin mo kung gaano kataas ang estado ng mga Swan dito sa Enthrea. So, dito pinanganak at lumaki si Aurora? Kaya naman pala ganoon ito kumilos at makipag-usap sa amin noong nasa Tereshle Academy pa kami. She's so classy! Walang-wala sa pag-uugaling mayroon ako noong nag-aaral pa ako!

"Agents." Napatitig ako sa taong nasa harapan namin ngayon. It's Mr. Alfonso Swan. Aurora's father!

"Mr. Swan," ani ni Grayson sabay lahad ng kamay nito sa ama ni Aurora. Tinanggap naman agad iyon ni Mr. Swan at nakipagkamay kay Grayson. Ganoon din ang ginawa ko at tipid na tinanguhan ito. Tiningnan kong mabuti ang ama ni Aurora. He's calm. Sa kagaya niyang isang buwan nang nawawala ang anak ay tila kalmado lang ito at 'di nag-aalala sa kaligtasan ng nag-iisang tagapagmana nito. "We're here to ask some question, Mr. Swan. Tungkol kay Aurora," sambit muli ni Grayson at umayos nang pagkakatayo sat tabi ko. Nanatili naman ang titig ko sa ama ni Aurora at noong tumango ito sa amin, mabilis niya kaming niyayang maupo sa isa sa sofa nila rito sa malawak na salas.

Tahimik naman kaming sumunod ni Grayson sa nais nito at noong magsimula na kami sa trabaho namin, biglang naging seryoso lahat.

"Isang buwan na ang lumipas mula noong nawala ang anak ko." Panimula nito habang matamang nakatingin sa aming dalawa. "Sa sentro ng bayan siya huling nakita ng mga taga-Enthrea. Pagkatapos no'n ay hindi na siyang nakita pang muli."

"Anong ginagawa niya sa sentro?" I asked him intently. Nanatili naman ang titig ko sa ama ni Aurora habang nakikinig sa bawat salitang binibitawan nito ngayon.

"It was her daily routine. Nagtutungo siya roon para mamasyal at magpalipas ng oras," sagot nito sa naging tanong ko sa kanya. Noon pa man ay madaling ma-bore si Aurora. No'ng nasa loob pa kami academy ay gusto-gusto nitong palaging may ginagawa. She's an adventurous type of a person. She loves nature, obviously, kaya naman ay gusto rin nitong magtungo rito sa Enthrea kapag bakasyon o 'di kaya'y walang misyon ang Shendra group namin.

Ngayon ang tanong, saan siya nagpunta? Bakit bigla itong nawala ng parang bula? Sa estado ng pamilya niya, imposibleng may nangahas na dukutin ito. Respetado ang pamilyang Swan sa division na ito!

"Hindi niyo po ba ito nakausap bago ito nawala? Maybe she just went to somewhere... far? Iyong malayo mismo rito sa Enthrea. We all know that she loves to explore around," wala sa sariling sambit ko na siyang nagpatigil sa ama ni Aurora. Namataan ko ang pagkunot ng noo nito kaya naman ay nagkaroon ako ng ideya sa isipan. Mukhang hindi nito alam na kakilala namin ang anak niya! "We know her, Mr. Swan. We're schoolmates. Kasama namin si Aurora sa Tereshle Academy," imporma ko sa kanya na siyang ikinatango na lamang nito sa akin. Tipid naman akong ngimiti at nagpatuloy sa pagsasalira. "Kagaya nga nang sinabi ko kanina, Mr. Swan, baka nagtungo lang si Aurora sa isang lugar at hindi na pinagsabi sa inyo."

"No, hindi niya iyon gagawin. Nangyari na ito noon sa amin. She went for an adventure pero nagpaalam siya sa amin ng ina. Kinausap niya ako at nagpaalam ito mismo sa akin. Iba ang sitwasyong mayroon kami ngayon. Ni walang abisong naganap bago ito umalis!" mariing sambit nito sa amin. Natahimik naman ako at pilit na pinagtatagpi-tagpi ang mga impormasyong nakukuha mula sa kanya. I sighed and tried to think the possible reason why Aurora's missing.

"We all believed that my daughter was captured by someone," wika ni Mr. Swan na siyang ikinapilig ng ulo ko pakanan.

"Kidnapped... I think that's impossible, Mr. Swan. Hindi nila basta-bastang makukuha si Aurora. She can fight. Hindi ito papayag na mahuli agad ng kung sino man," matamang sambit ko sa kanya.

"May alam ba kayong puwedeng gumawa nito? Like... your family's enemy? Mayron ba, Mr. Swan?" tanong ng kanina pang tahimik na si Grayson. Kita kong umiling si Mr. Swan sa kasama ko. Napanguso ako at isinandal ang likod sa backrest ng upuan. "Are you sure, Mr. Swan? Think about it. Iniisip niyong may kumidnap kay Aurora. Marahil ay isa ito sa mga kaaway ng pamilya ninyo. Sila lang ang maaring may motibo para gawin iyon sa anak niyo," dagdag pa ni Grayson na siyang mabilis na ikinahugot ng isang malalim na hininga ni Mr. Swan.

Nanatili naman ang titig ko sa kausap namin. He's frustrated. Mukhang wala talaga itong ideya sa kung ano o sino ang may motibo sa pagkawala ng anak niya!

"Kung may naging kaaway ang pamilya namin, agad naman itong naaayos. Sa ngayon, wala akong makita kung sino ang may motibo para kunin ang anak ko!" Natahimik kami ni Grayson sa narinig mula sa ama ni Aurora. "Respetado ang pamilya namin sa buong Enthrea. Hindi nila iyon magagawa sa akin, lalo na kay Aurora!"

I silently sighed. Imposibleng mawala na lang ng parang bula si Aurora. Kung tama ang hinala ni Grayson, isa sa mga naging kaaway ng pamilyang Swan ang kumuha kay Aurora. Pero... sino ang maglalakas loob na gawin iyon? At talagang sa sentro pa talaga ng Enthrea!

Alright. This job is getting more complicated. Hindi ko inaasahang ganito na kalala ang sitwasyong mayroon sa pamilyang ito!

Pagkatapos ng pag-uusap naming tatlo ay nagpaalam na kami ni Grayson kay Mr. Swan. Wala kami masyadong nakuhang impormasyon sa kanya. Aside from the fact na sa sentro ang huling lugar kung saan nakita si Aurora, wala talagang maisip si Mr. Swan na naging kaaway at may matinding galit sa pamilya nila. It's dead end. Damn!

"I think mas mabuti kung ipa-background check muna natin ang mga Swan. Let's see kung sinu-sino ang naging kalaban ng pamilya nila," suhestiyon ko kay Grayson. Naglalakad na kami ngayon patungong sentro ng bayan at nagbabaka-sakaling may makausap tungkol sa huling araw na nakita roon si Aurora. "What do you think, Gray?" I asked him while trying to find a better solution to solve this problem.

"I don't think that's a nice idea, Ana," rinig kong sagot nito sa tabi ko.

"Why? Ikaw na nga itong nagsabi na baka may kaaway na gustong maghiganti sa mga Swan," wika ko namang muli sa kanya. Wala sa sarili akong napairap sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. Minsan talaga malabong kausap itong lalaking ito! Kaasar!

"Yes. Sinabi ko nga iyon. At sa tingin ko'y 'di na natin kailangan gawin iyon," matamang saad nito sa akin sabay hinto sa paglalakad. Natigilan din ako at napatingin sa paligid. Nasa pinakasentro na kami ng bayan. Napakunot-noo naman ako at takang tiningnan ito. Nasa unahan ko ito kaya naman ang likod niya ang nakikita ko ngayon. "It's here," rinig kong sambit niyang muli. Ano raw? It's here? What does he mean by that?

Nagpatingin ako sa paligid. Normal naman ang lahat. Ano na naman bang nasa isip ng Grayson na ito? "What do you mean, Grayson?" I asked him. Kaunti na lang talaga mababatukan ko na ang isang ito. Ang daming alam sa buhay!

Akmang ihahakbang ko na sanang muli ang mga paa noong mabilis akong natigilan. Bumaling sa akin si Grayson at noong napansin ko ang kakaibang ekspresiyon nito sa mukha, napa-arko ang isang kilay ko. What the hell is wrong with him?

"Okay. Anong mayroon, Grayson?" malamig na tanong ko at namewang sa harapan niya.

Hindi niya ako sinagot at mabilis na humakbang palapit sa akin. "Let's go," mabilis namang sambit nito sabay hila ng kamay ko at hinigit na ako. Lalo akong naguluhan sa inaasal ni Grayson ngayon. Ano bang problema ng lalaking ito at bigla na lang nanghihigit?

Akmang babawiin ko na sana ang kamay ko mula sa kanya noong mabilis akong natigilan. Agad naman akong naging alerto noong makaramdaman ng kakaibang enerhiya sa paligid. Ipinilig ko ang ulo pakanan at pilit na hinahanap ang pinanggagalingan ng enerhiyang nararamdaman ngayon.

What the hell is this?

"It's here... nasa loob na tayo," mahinang sambit ni Grayson na siyang ikinatingin ko sa kanya. "Another dimension that exist here in Tereshle, Ana," muling turan ni Grayson at mas lalong lumakas ang enerhiyang nararamdaman sa paligid. What? What dimension? "Kanina, habang abala ka sa mga bulaklak, pinakiramdaman ko ang buong sentro ng Enthrea. I felt something strange kaya naman ay sinabi ko sa'yong bumalik tayo rito. At mukhang tama nga ako. May dimension dito!" Pagkukuwento niya sabay hila ulit sa akin at nagsimulang maglakad.

Napailing na lamang ako at noong sinabayan ko na ito sa paglalakad, unti-unting nagbabago ang itsura ng paligid. Segundo lang din ang lumipas ay hinid ko na makita ang mga bahay sa sentro ng Enthrea. At sa muling paghakbang ko ng mga paa, biglang nagdilim ang paligid! Napaawang na lamang ang mga labi! What the hell is this? Wala na akong makita!

"Uhm... can I create a small fire, Gray? Ang dilim ng daang tinatahak natin ngayon! Wala akong makita!" bulalas ko sa kanya.

"No, you can't, Ana. This dimension is the black dimension." Black dimension? Wait... parang narinig ko na ito noon. "Once gumamit ka ng kahit anong uri ng attribute, hihigupin lang nito ang kapangyarihan mo... hanggang sa maubos ito," dagdag pa ni Grayson na siyang ikinaawang ng labi ko. "Endure the darkness, Ana. Kapag makalabas tayo sa black dimension na ito, paniguradong makikita na natin sa Aurora."

I silently sighed. "Paano ka nakakasigurong nandito sa siya? It's just a freaking dimension, Grayson! We're not trained to deal this kind of thing!" mariing sambit ko at hinampas ang braso nito. Narinig ko naman ang pagdaing nito at mabilis na hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Natigilan naman ako sa ginawa niyang paghawak sa kamay ko. Right! He's holding my hand right now!

Napailing na lamang ako at nagpatuloy na kaming dalawa sa paglalakad sa loob ng black dimension. Tahimik at maingat ang bawat galaw namin. Hindi namin alam kung anong mayroon sa dimensyong ito kaya dapat ay maging alerto kami. We can't use our attributes while we're inside this black dimension. All we have now is our sharp senses!

Nagpatuloy kami sa paglalakad at noong hindi na ako nakatiis sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa, napangiwi ako at muling nagsalita. "Grayson," tawag pansin ko sa kanya.

"Hmm?" mahinang tugon nito sa akin.

"Sino ang gumawa ng dimensyong kagaya nito? Taga-Tereshle lang din ba? Anong klaseng kapangyarihan ang kayang gumawa nang ganito?" sunod-sunod na tanong ko sa kasama ko.

Hindi sumagot si Grayson sa naging tanong ko bagkus ay mas hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kamay ko.

Napangiwi na lamang ako at muling nanahimik.

Continue Reading

You'll Also Like

192K 3.6K 11
60 stunning girls, One handsome bachelor, One reality dating show, A battle of fancy dresses and stilettos begins. In a journey of dreams, hope, lov...
851K 33.5K 32
Demigoddess Trilogy - 1/3 ϟ Summary? Oh, I got the lord of the gods as my father and the gods as my half siblings. I'm a teenage demigod and the fab...
65.9K 2.7K 56
Azalea is known as the hidden princess. A fantasy story that you'll surely love
3.3M 106K 96
THANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 #4 in Fantasy #3 in Fantasy