The Pristine

By thesuchness

2.6M 56.6K 8.1K

. More

The Pristine
Simula
Ang Pang-Una
Ang Pangalawa
Ang Pangatlo
Ang Pang-Apat
Ang Pang-Lima
Ang Pang-Anim
Ang Pang-Pito
Ang Pang-Walo
Ang Pang-Siyam
Ang Pang-Sampu
Ang Pang-Labing Isa
Ang Pang-Labing Dalawa
Ang Pang-Labing Tatlo
Ang Pang Labing-Apat
Ang Pang-Labing Lima
Ang Pang Labing-Anim
Ang Pang-Labing Pito
Ang Pang-Labing Walo
Ang Pang-Labing Siyam
Ang Pang-Dalawampu
Ang Pang-Dalawampu't Isa
Ang Pang-Dalawampu't Dalawa
Ang Pang-Dalawampu't Tatlo
Ang Pang-Dalawampu't Apat
Ang Pang-Dalawampu't Lima
Ang Pang-Dalawampu't Anim
Ang Pang-Dalawampu't Pito
Ang Pang-Dalawampu't Walo
Ang Pang-Dalawampu't Siyam
Ang Pang-Tatlumpu
Ang Pang-Tatlumpu't Isa
Ang Pang-Tatlumpu't Dalawa
Ang Pang-Tatlumpu't Tatlo
Ang Pang-Tatlumpu't Apat
Ang Pang-Tatlumpu't Lima
Ang Pang-Tatlumpu't Anim
Ang Pang-Tatlumput Pito
Ang Pang-Tatlumpu't Siyam
Ang Pang-Apatnapu
Ang Pang-Apatnapu't Isa
Ang Pang-Apatnapu't Dalawa
Ang PangApatnapu't Tatlo
Ang PangApatnapu't Apat
Ang Pang-Apatnapu't Lima
Ang Pang-Apatnapu't Anim
Ang Pang-Apatnapu't Pito
Ang Pang-Apatnapu't Walo
Ang Pang-Apatnapu't Siyam
Ang Pang-Limampu
Ang Pang-Limampu't Isa
Ang Pang-Limampu't Dalawa
Ang Pang-Limampu't Tatlo
Ang Pang-Limampu't Apat
Ang Pang-Limampu't Lima
Ang Pang-Limampu't Anim
Ang Pang-Limampu't Pito
Ang Pang-Limampu't Walo
Ang Pang-Limampu't Siyam
Ang Pang-Animnapu
Pagtatapos

Ang Pang Tatlumpu't Walo

33.3K 1K 208
By thesuchness

Noon, akala ko, kapag nagmahal ako ay tama na. Kasi, siguro, kaya ang daming nakakaramdam nito ay ito ang pinakatamang bagay sa mundo. Kapag nagmahal ako, baka wala ng susumbat sa mga pagkakamali ko.

Hindi na ako ang batang gawa sa kasalanan kapag nagmahal ako ng tama.

Kay Jerard, nasubukan kong masaktan at umiyak. Minahal ko si Jerard, at iyon na ang patunay na mali ang pinaniwalaan ko sa tanan ng aking buhay.

Ang pagmamahal pala ang walang mali sa mundo. Ang mismong pagmamahal ang purong-puro, walang kasinungalingan at walang labis, walang kulang.

We, the sinners, are the one's at fault in love. Tayong mga nagmamahal ang mali sa pag-ibig, tayong mga nalunod, sobrahan, nakulangan. 

Ngayon, akala ko ay maitatama ko na ang mga mali ko. Sabi ko sa sarili ko na ngayong alam ko na ang daang tatahakin, hindi na ako iiyak at masasaktan pa.

Pero tao nga pala ako. Instrumento lamang ako ng mundo at wala akong kakayahang magdikta o pumigil ng nakatakda nang mangyari.

Nagkamali ka nanaman, Chrissy. Ako nanaman ang mali rito. Bakit ba palagi na lang akong nasa mali? 

Naniniwala akong lahat tayo ay pwedeng magkasala sa mundong ito, pero, sana, kahit isang diretsong kasiyahan naman ang ibigay sa akin. Iyon lang ang hinihiling ko.

Hindi ngayong sobrang saya ko na. Akala ko kumpleto na ang buhay ko. Pakiramdam ko ay napuno na ang mga pagkukulang sa pagkatao ko. Nahihirapan pa rin akong paniwalaan na sa mga pinakamasayang parte ng aking buhay ay doon tinira ako ng pinakamasakit. Giniba at binasag.

Sa mga pagkakataong akala ko ay totoo na, bakit nawala ang lahat sa akin? Bakit ako binawian at ninakawan ng pagkakataon?

Saan ba ako nagkulang? 

Kasi mali nanaman ako ngayon. Ako nanaman ang may pinakamalaking kasalanan. Dahil, Chrissy, nagkamali ka nanaman. 

Akala ko kasi ay kaya ko na. Na baka sakaling sobra na ang pagpapasakit sa akin ng aking nakaraan, at ang  araw-araw nitong paghabol sa akin ay kaya kong wakasan. Sa lungkot na ayaw akong iwan ay baka pwede naman akong sumaya.

Kailangan ko na yatang tanggapin na hindi na ako sasaya sa mundo. Hindi na dapat ako magpanggap pa na may awa sa bawat dalangin ko. Mag-isa ako sa mundo. Palaging duguan, hindi humihingi ng awa. Pero, mag-isa at malungkot.

"Huwag ka munang babalik sa bistro, Chrissy," ani Mirna pagkahatid niya sa akin sa apartment.

Tumango akong tahimik.

Hindi ako makakabalik doon. Pagtataasan ako kaagad ng balahibo na tila ba may ahas na gumagapang sa balat ko. Dinig na dinig ko hanggang ngayon ang lahat.

"Ayos ka na ba rito?" maingat ang boses ni Mirna.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya gamit ang hilam na hilam kong mga mata sa iyak. Hindi ko napigilan ang paghikbi na nasundan muli mg marami. 

Habang nakayuko ako sa kaniyang balikat ay humahaplos ang kaniyang mga kamay sa aking likod, kasabay ng kaniyang mga bulong. I felt like I was in my weakest state.

Hinayaan muna ako ni Mirna na mag-isa sa apartment. Hindi na rin ako nakapasok sa kaiisip. Ani Mirna'y babalik daw siya sa bistro. 

Nang gumabi ay kumatok ulit si Mirna at kasama na ngayon si Japeth. Isinara ang bistro ngayong gabi dahil sa pagkakasira kanina.

"Grabe, kung nakita mo lang kung paano nagwala 'yung ate mo, Chrissy. Ang ganda pa naman niya," sabi ni Japeth.

Si Mirna na katabi nitong nakaupo sa grills ay sinapok si Japeth sa tagiliran.

Napatingala na lamang ako sa mga bituin. Kumikindat silang lahat sa akin, sumasang-ayon din sa sinabi ni Japeth. Hindi naman marunong magsinungaling ang mga bituin, kaya ang nagsisnungaling dito ay ang sinasabi ng puso ko.

Tila ba rasyon ang mga detalye sa aking utak. Ang mga baling kagustuhan ni Ate Yllana na magkita kami ng kaniyang fiancee, ang gabi sa bahay ng mga Alejandre na hindi dumating si Ram, si Kyen na naroon... 

Gusto ko mang mangiti, dahil nakita ko na ang pamilya ni Ram, ay hindi ko magawa. Naalala ko sa aking utak ang napakaganda at elegante niyang Mama. Ang kaniyang mga magulang, mga kapatid at pinsan. 

Kung sana nga lang ay ako ang babaeng kanilang pinamamanhikan ngunit hindi. Only if it was me, the woman that'll be in a white wedding dress. Only if it was me that Ram will answer to. 

Napakalaki ng tiwala ko kay Ram, at iyon ang pinakamasakit sa lahat. Sobrang laki nito na nabulag ako. Masyado kong minahal ang ideyang hindi niya ako sasaktan, na tama ang taong pinili ko.

"Sa tingin mo ba, Chrissy, alam ni Sir Ram? Iyong tungkol sa kapatid mo?" Napaawang ang bibig ni Japeth. 

Mabilis akong nagbaba ng tingin sa kaniya. 

"Malamang na alam na niya ang tungkol doon. Bago pa man niya nakita sa personal si Chrissy. Bago pa man niya binili ang buong bistro! Bago pa niya niloko ang kaibigan ko!" 

"Ano ka ba naman, Mirna? Baka naman nagkataon lang."

"At ano kapag hindi nagkataong magkapatid ang dalawang iyan, Japeth? Maayos lang sa iyo na may kinakasamang iba si Sir Ram? Hindi pa rin! Kahit anong gawin mo, magkakilala man o hindi, magkadugo o hindi, mali pa rin! Nangbabae na, e!"

Palipat-lipat ang aking tingin kay Mirna at Japeth. Wala akong magawa kung hindi ang makinig dahil katulad nila ay wala rin akong ideya kung alam nga niya.

Mas lalong naging madugo ang lahat para sa akin. Parang guguho ang aking mundo kapirasong inpormasyong iyon. 

Kung  totoo ngang kilala na niya ako at plano niya, ako na ang tanga at kaniyang pagtatawanan. Sa motibong hindi ko pa alam ay pinapanalangin ko sana'y masaya na siya. Napaiyak na niya ako at nadurog. He broke me in the most painful and degrading way, and I hope he's satisfied.

"Mahal ka ni Sir Ram, Chrissy," matapang na deklara ni Japeth.

Nakuha niya kaagad ang aking atensyon - ang atensyon ng bugbog sarado kong kaluluwa na siya pa rin ang hiling because I'm so fucking inlove with him.

"Alam mo, kapag papasok siya ikaw kaagad ang tatanungin niya. Unang pasok pa lang niya, consistent na iyon. Sa sobrang sanay ko, ako na kaagad ang nagsasabi! Alam mo 'yun? Ikaw lang tinitingnan niya sa bistro. Ikaw ang palaging hinahanap. Palaging ikaw ang bukambibig..." Napailing si Japeth at ngumisi ng mapakla sa akin. 

In this broken state, I managed a smile. Mahalaga ang inpormasyong iyon sa akin dahil kahit minsan man lang ay naging totoo siya. Kahit kapiraso ng kaniyang oras ay maaaring naging totoo siya. 

"Putanginang iyan. Hindi pagmamahal ang sinasabi mo dahil walang lokohan kapag nagmamahal!" singit kaagad ni Mirna.

Siguro nga.

Pero, para sa akin ay pag-ibig iyon. Kahit bawat kilos niya ay pangloloko lamang, I'd consider it still. I should because if I didn't, I'd go crazy. Linya na lamang ng buhok ang pagitan para mabaliw ako. Iyon na lamang ang aking pinanghahawakan. 

Hindi ako iniwan nila Mirna at Japeth sa apartment. 

Nang pumasok na ako sa kwarto ay nasa labas pa rin ang dalawa at nagkukwentuhan. I wonder what's the real score between them. Masyado akong occupied sa sarili ko na hindi ko man lang kinakamusta si Mirna. 

Nang gumabi ay narito pa rin sila. Nagpasya lang  akong labasin sila noong dinner.

"Umalis ka na! Wala kang naidudulot na maganda!" boses iyon ni Mirna.

May iilang mga nagtatalong boses sa labas. Marahan ang aking mga yapak at sumilip lamang sa screen, kunot ang noo at kinakabahan. 

Nakita ko na kaagad ang kotse ni Ram sa harapan ng apartment ko. Iyon pa rin wasak ang harap kaya naman alam kong siya iyon. Kinagat ko ang aking nanginginig na labi. Kusang naghanap ang aking mga mata sa kaniya. 

"Nariyan si Chrissy, Mirna. Wala siya sa bistro at dito lang naman siya pupunta. Ilabas niyo siya. Shit! Chrissy!" Nagmamatigas si Ram sa haparan ng apartment, laban kay Mirna at Japeth.

"Sige! Tumawag ka! Hindi namin siya ilalabas sa katulad mo at kung andiyan man siya, hindi rin iyon lalabas. Ang tindi naman talaga ng tingin mo sa sarili mo, 'no? E, ikaw ba naman itong tarantadong hindi nakukuntento sa isang dugo!"

"Shut the hell up! Wala kang alam, Mirna. Hindi mo alam kung anong sinasakripisyo ko para kay Chrissy!"

Tumulo na ang mga luha ko. Habang pinanunuod si Ram na nakikipag-away para sa akin ay hindi ko mapigilan ang pagluha. Kung ganiyan lamang siya sa harapan ng maraming tao...sa harapan ng aking kapatid...

"Sir Ram, hayaan na muna natin si Chrissy," kunot-noo si Japeth.

Hindi ito pinansin ni Ram at patuloy na tumawag sa akin. Pinigil ko ang hinina. 

Sobrang nananakit ang puso ko. Hindi ko inakalang magagawa niya sa akin ito. Imposibleng hindi niya alam. Imposible na sa dinami-dami ng tao rito sa mundo ay magkadugo ang napili niya!

Wala naman akong kasalanan sa kaniya, o sa kahit na sino. Pero, sabagay, isa nga pala akong buhay na kasalanan! Sana hindi na lang ako nabuhay! Sana, pinalaglag na lang nila ako noon!

"Ano, alam mo na talaga noong una pa lang? Ganyan ba talaga kayong mga mayayaman? Wala na kayong pagkakaabalahan sa pera ninyo kaya iyong mga inosente naman ang pagdidiskitahan niyo? Siguro kaya mo binili ang bistro ay para mapalapit kay Chrissy!" Nanlilisik ang mga mata ni Mirna sa galit.

Umiling si Ram at nagmura ngunit binigyan siya ng isang sampal ni Mirna.

Hindi ko na kayang pigilin pa ang pagtulo ng aking mga luha. Rumagasa ito sa aking mga pisngi ng walang humpay. 

He did not even deny it! 

Inamin niya na noong una pa lamang ay planado na ang lahat. Una pa lamang ay mayroon na siyang motibo at ginamit lang ako! At para ano?!

Punong-puno ng sigawan at away sa labas ng aking apartment. Wala akong nagawa sa panghihina sa sakit. Parang higit pa sa sampung beses kong binundol ng kaniyang sasakyan. Nanginig ang aking bawat laman sa aking nalaman. 

"Nirespeto kita noong una kasi boss kita. Kahit na hindi na makatarungan 'yung ginagawa mo. Nirespeto ka ng crew. Tinanggap ka namin sa bistro. Pero ngayon? Ginawa mong laruan si Chrissy! Hayup ka, tangina! 'Wag kang babalik doon dahil gugulpihin ka naming gago ka!" 

Umigting ang panga ni Ram, ang ugat sa gilid ng noo ay namumugto. Ang kaniyang katawan ay tila ba kagagaling sa isang nakakapagod na takbo. Nanghihina. Nalulumpo ang mga paa. Puno ng frustration, galit at sakit ang kaniyang  mga mata.

Upang pigilan ang tunog ng aking mga hagulgol ay tinakpan ko ito gamit ang mga palad. Ang hirap tingnan si Ram sa ganiyang estado - nasasaktan at hindi maidipensahan ako, siya, ang kami dahil totoo ang mga paratang sa kaniya!

Ni hindi niya ako madipensahan sa isang tao. Paano pa sa pamilya ko, sa pamilya ni Ate Yllana? Sa buong mundong huhusga sa akin?

 "Chrissy! Damn it! Mag-usap naman tayo! Lumabas ka diyan! Fuck! " Tumungo kaagad si Ram sa gate at sinuntok iyon. Mas lalo kong diniin ang mga palad sa bibig, takot na baka ako'y kaniyang marinig. 

"Sir Ram..." Umiling si Japeth na mukhang nawawalan na rin ng pasensiya.

Gusto kong sabihin ang parte ko kay Ram. I want to tell him all the pain he caused me but I just can't look at him in the eye. Gusto kong magtanong kung kailan pa ito nagsimula, at gusto kong marinig lahat ng sagot na sana ay katotohanan lamang.

Pero wala akong magawa kung hindi ang humikbi ngayon. Sariwa pa ang lahat. Ayaw kong madikit sa balat niyang nahalikan ni Ate Yllana!

"Let me explain everything!" Pinangko ni Ram ang mga kamay sa aking gate, nanghihina at kumikinang ang mga mata. Niyukom ko ang kamao sa sakit na nararamdaman. "Baby...please go out. Please hear me out..." 

Pumikit akong mariin habang patuloy ang pagbagsak ng aking mga luha. Gusto kong labasin si Ram dahil mahal na mahal ko pa rin siya. Despite everything! Shit!

Siguro, mayroon siyang valid reason. Siguro ay naiipit lamang siya o 'di kaya'y walang choice!

Kahit anong rason na pwedeng tumubos sa kaniyang maling nagawa!

And who the fuck am I kidding? There's no remedy anymore! Ngayong tapos na ang lahat!

"Chrissy! I'm sorry! I failed us and I'm so sorry!" sigaw ni Ram habang nakayuko, ang mga kamay ay nakakapit pa rin sa aking gate. 

"Umalis ka na, sir!" sigaw ni Mirna.

"Wala akong ibang hinangad kung hindi ikaw lang. Kahit na ang kulang ay masunog ako sa impyerno tuwing kasama kita," mariing bulong ni Ram, nakayuko, immeasurable hurt etched in his beautiful face. My beautiful Ram, hurting. "I pushed you away too hard but I can't still help it. Still. I'm always yours, baby..."

Kahit nanlalabo ang aking mga mata ay kitang-kita ko ang mga likidong dyamante na galing sa mga mata ni Ram. Hindi ko man makita ang buo niyang mukha ngunit bawat patak ng kaniyang mga luha ay aking napagmamasdan. 

Napaiyak akong lalo. 

"Alis! Hindi ka kailangan ni Chrissy! Iyang nararamdaman mo ay sarilihin mo na!" Tumigas ang panga ni Japeth at sinuntok si Ram. 

Nanlaki ang aking mga mata, umambang lalabas ngunit napigilan ang sarili. Sobrang higpit ng aking hawak sa pintuan. Nanginginig ang aking buong katawan. 

Naupo lamang si Ram sa gilid ng kalsada at sinasalat ng likod ng kamay ang dumudugong labi. Napasinghap ako. Namumungay ang kaniyang mga mata nang tumingala sa aking pintuan. Tila ba ako'y kaniyang nakikita nang mamungay ang kaniyang mga mata sa pagod. 

Bakit ba tayo umabot sa ganito, Ram? 

Bakit ba tayo nagkakasakitan ng ganito? 

Tumingala ako sa mga bituin para sa mga sagot ngunit ang tanging mga bituing aking nasulyapan ay ang mga butil ng luha ng Ram. Patuloy ito sa pagpatak, kumikinang at nagmamakaawa. 

In our situation right now, maybe it says that we are cursed. We are cursed. 

Tahimik akong humikbi.

Pumikit ako ng mariin at pinigtas sa leeg ang mamahaling kwintas na ibinigay niya sa akin. Tumakbo na ako papasok ng kwarto at ni-lock ang pinto. Takot ako baka pasukin ako ni Ram dito at wala akong magagawa kung hindi sundin ang aking puso. 

Buong gabi, walang humpay ang aking mga iyak habang naririnig ang pagkakalampag ni Ram sa gate. Basang-basa ang aking mga unan habang pinakikinggan ang mga sigaw ng pasakit ni Ram.

Kinabukasan ay namumugto ang aking mga mata. Hindi ko alam kung anong oras umalis si Ram dahil  nakatulog na ako sa kakaiyak. Pumasok na lamang ako ng maaga. Nagpasya na rin akong sa apartment muna nila Mirna tumira.

"Sinong iniyakan natin kagabi? Si Jerard?" utas kaagad ni Lucy nang makita ako.

Papasok pa lang ako sa room ay pinagtitinginan na ako ng aking blockmates. Hindi ko maitatago ang mapapaga ng mga mata ko. Sa gilid ay pinagchismisan ako kaagad nina Clarisse. 

"Hindi..." iling ko kay Lucy at naupo na. 

Tuwing lalabas at papasok kami sa bawat classrooms ay hindi ko mapigilang hindi lumingon sa kanan at kaliwa. Natatakot ako na baka sundan ako ni Ram dito. Hindi 'yon malayo dahil halos kabisado niya ang aking schedule.

Nauuna man niya ako sa kaniyang fiancee ay alam kong may limitasyon din siya. 

Malinaw sa aking ang mga oras ko kay Ram ay ang mga bilang at nakaw lamang. Masakit sa aking parte dahil habang tumatagal ay mas marami akong napapatunayang kasinungalingan.

Pilit kong mag-focus sa mga lectures. Buong araw ay kinukumbinsi kong huwag munang intindihin ang sakit dahil kailangan ako ng pag-aaral ko. Pero hindi ko magawa dahil gusto ng man aking utak, ang hapdi naman sa puso. 

Maaga ang dismissal. 

Sa apartment ako nila Mirna nakituloy. Kahit na puno ang tenants ay pinatuloy ako roon. Aniya'y mas dadalas ang nangyaring insidenteng kagabi dahil mag-isa lang ako sa apartment. 

"Ito na ang sinasabi mo noon sa aking mahuhulog sa sariling patibong. Ang sabi mo sa akin ay huwag. Huwag. Hindi nanaman ako nakinig," pag-amin ko kay Mirna, at sa kailaliman ng gabi. Nasa likod bahay kami. 

"Nasa dugo mo kasi iyang pagiging matigas mo. Pero nangyari na, Chrissy. Andiyan ka na at hindi mo na pwedeng baguhin pa." Bumuga si Mirna ng usok ng sigarilyo.

Sumandal ako sa bakal na upuan. Napapagod na sa sakit. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ang mga solusyon, lalo na sa aking kapatid. 

Paano ko ipapaliwanag ang lahat sa kaniya? 

Tatanggapin pa ba ako ni Ate Yllana, o katulad nina Mama ay ipagtatabuyan niya na rin ako? 

That she'll realize that I am the downfall of her life and her family's reputation? 

Napatango na lamang ako kay Mirna. 

"Ang tanging magagawa mo na lang diyan, tanggapin mo. Umiwas ka. Sabihin mo na sa Ate Yllana mo bago pa man magka-alaman. Mahirap na ang maipit."

Habang kunot na kunot ang aking noo sa pagdedesisyon ay kusang umahon ang aking mga luha. Galit ko itong pinahid. 

"Hindi ko kaya, Mirna." Hindi ko kakayanin. Wala akong lakas.

Iisipin ko pa lang na sinasabi ko kay Ate Yllana ang lahat - ang kami - ay para na akong nauupos na kandila. Hindi ito pera niyang nilustay ko lang sa isang mamahaling gamit o utang na hindi ko pwedeng bayaran. Ang pinag-uusapan dito ay si Ram Donofrio. 

Ang lalaking mahal na mahal ng aking kapatid, ang iniiyakan niya gabi-gabi, at ang lalaking kaniyang papakasalan. 

Sino ba ang isang Cristina laban sa lalaking ito? Si Cristina na walang pamilya, at anak sa labas lang.

Hindi ko naisip sa buong buhay ko na ang lalaking mahal ko ay siya ko ring magiging kakumpitensya. 

Napaka traydor kong kapatid. Hindi ko kayang magtapat. Dadalhin ko hanggang sa kamatayan ko ang galit ng kapatid ko. Napakabait sa akin ni Ate Yllana kahit na kalahati lang ng aming dugo ang magkakulay. 

Hindi ko kaya.

"Kayanin mo, Chrissy! Aba'y nasasaktan ka rin dito!" katwiran ni Mirna.

"Ayos lang iyon! Nasasaktan man ako ay sasarilihin ko na lang. 'Wag nang malaman ni Ate Yllana." Dahil iyon, perpekto ang buhay noon. She didn't deserve even just a taste of what I had been through. 

Ako na lang dahil sanay na akong masaktan. Tama na ang mga gabing umiiyak ang aking kapatid. Tama na ang sakit na iyon at huwag nang humantong pa rito. 

Ate Yllana didn't need to know that history wants to repeat itself. That fate had been once again cruel to me. At hindi pa sapat ang kaniyang pamilya, nadamay pa siya sa kamalasang dala ko! 

"Pinaayos 'nung gago iyong bistro. Ang sabi ko sa crew, 'wag na silang pumasok mamaya. Hinihintay ka lang pumasok ni Sir Ram," si Mirna. 

Kinutuban akong gagawin ni Ram iyan. Ngunit hindi ko na kailangang pumunta pa roon para sabihing nag-resign na ako. Hahanap na kaagad ako ng ibang trabaho. 

Hindi kami pwedeng magkita, lalo pa't alam ni Ate Yllana na doon ako nagtatrabaho at siya ang boss ko. Tiyak na bukas o sa isang araw ay tatawag si Ate Yllana o 'di kaya'y susugod sa apartment.

At anong maisasagot ko sa kaniya?

Hindi ko pa rin alam. Gulong-gulo pa rin ako. 

Bago umalis ay nagpasalamat ako sa dalawang pagpapatulog ni Mirna sa akin dito sa bahay nila. Gusto pa nitong doon ako matulog pero nakakaistorbo na ako. Mamayang gabi ay siya naman ang dadalaw. 

Naglalakad pa lang ako papunta sa apartment ay kumabog na ang puso ko.

May kulay puting kotse sa harapan ng bahay. Hindi ko kilala iyan pero hindi malayong kotse ito ni Ram. 

Hinahabol ko ang ritmiko ng aking puso at malapit na ko sa apartment nang i-dial ang numero ni Mirna. Nang makatungtong ako sa tapat ng gate ay namatay ang makina ng kotse. Bumukas ang passenger's seat.

Solido ang panlalamig ng aking buong katawan,  sagad hanggang buto.

"Anong ginagawa mo rito?" Bawat salitang lumalabas sa akin ay dinadaluyan ng nagyeyelong galit.

Ayaw kong makita ang mukha niya rito, o kahit saan. Ngayon, siya ang pinakahuling taong gusto kong makita. Mas lalo kong naalala kung gaano kapanganib ang tinahak naming daan ni Ram, daang tinahak ko sa mukha ng aking ama. 

Heto nanaman tayo sa umpisa, sa nagkakandarapang parte ng aking buhay dahil hindi ko alam kung saang pamilya ba ako nabibilang. 

"You weren't answering my calls, Cristina. Hindi mo rin sinasagot ang tawag ni Ishmael. I wanted to visit you and to see your life here." 

Even in his age, my father still harbored his strong physical features. He still carries himself like the way I see in tv, or in the last time I saw him. Very authoritative and there's always judgement in his eyes. Pakiramdam ko ay ang babaw ko sa kaniyang paningin. 

"I'm busy. At dahil busy ako, wala akong oras para sa mga bisita." Nag-igting ang panga ko.

Umiwas ng tingin si Papa, hindi kinaya ang nakakapasong lamig sa aking mga mata. Imbes ay pinagmasdan nito ang aking apartment. 

"I had to ask information from your work because I can't contact you. This is where that detail brought me, Chrissy. It looks like this will not even survive a harsh rain." Kumunot ang noo ni Papa, distress and dismay written in his eyes. 

Lumagpas na sa akin na ininsulto niya ang bahay na tanging karamay ko simula noong umalis ako sa kaniyang puder. 

"Nanggaling ka sa bistro?" Iyon ang tanging pumasok sa aking tenga. 

Sino ang nagsabi sa kaniyang nagtatrabaho ako roon? Walang ibang pumasok sa utak ko kung hindi sa Kuya Ishmael!

"I had no choice, hija. Mabuti na rin dahil nalaman ko roong si Ibrahim Donofrio ang may-ari ng bistro. You're working for that bastard, Chrissy! Didn't I told you to stay away? And it seemed to me, that's not the only thing that you are hiding..." Naningkit ang mga mata ni Papa sa akin. Alam na niya. Positibo ako roon. 

Tumigas ang titig ko sa kaniya. Until he was burning, until he could feel my loathe for him. 

 "Sabihin mo nga sa akin, Chrissy... Ginawa mo ba iyon para suwayin ako? To spite me for what I did?! And now, where did it got you..." Pinandilatan ako ng mga mata ni Papa. 

"So, you already did knew. Huh. Are you happy about it? Finally, its a like father like daughter situation. Ang huwag mo lang gawin ay ang isiping ginawa ko iyon para sa pangalan mo. Wala akong gagawing kahit anong bagay para sa'yo. I'd never risk anything for you, let alone myself."

Niyukom ko ang kamao, my temper has already risen. Wala akong ibang mabalingan ng aking galit at heto si Papa na siyang kumuha ng lahat. And its not my fault that he's here to take the heat! 

"I want to be completely honest with you. When I went to your work, I took the liberty to confront the Donofrio boy. He's not just a pretty face in the industry, Chrissy. That boy is an asset to the Alejandres, soon to be the one sitting at the throne once the two empires merge. Your sister is basically broke without him. They need him..." 

"What are you saying?" Tumutulo ng kamandag ang aking boses.

"What I'm saying is, hija, mahihirapan ka sa daang tinatahak mo. Hihilahin ng mga Alejandre ang lalaking iyan at wala kang magagawa. They will retaliate and I know..."

"You know because you already experienced it! Sabihin mo nga sa akin, why are you saying these things to me like I'm a big deal to them! Like I'm a threat!" 

"Its because you are, Cristina!" 

"At bakit? Anak lang naman ako sa labas! Sino ba ako sa mundo?!"

"You are my daughter! And that will never change! Kahit ilayo mo pa ang sarili mo sa akin, anak pa rin kita!" 

Nagpakawala si Papa ng malalim ng tikhim. Pinahid ko ang mga luha sa aking pisngi. I bit my shaking bottom lip. 

"They will take action when they know about your affair with the Donofrio boy. He's all they've got right now. In the Alejandres' vulnerable state, you are the perfect threat, Chrissy. Come with me..." Bumaba ang boses ng aking ama na kanina'y sobrang nanggigigil. Namungay ang kaniyang mga mata. 

Nilihis ko ang panlalambot ng aking puso.

"Iyan lang ba kaya ka nagpunta rito? Ang pagbantaan ako dahil anak ako ng dalawang mayamang pamilya? Natatakot ka bang maulit ang lahat ng nangyari noon?" My voice dripped acid. 

"I am so scared, that's why I came here. For you, my only daughter. You don't know how they act but I do. I once stepped on their radar when I loved your mother..." Umiwas ng tingin si Papa sa akin at humugot ng hininga.

"When you loved my mother in the wrong place and time. That's why I'm here. A threat to their power because I have a right for it," galit kong pagtutuloy.

"I want to protect you from them, from everything. If you just give me the chance to do it right this time, Cristina..." Lumambot ang mga mata ni Papa habang pinagmamasdan ako. He surrendered his arms towards me, nag-aabang ng yakap.

Umatras ako na tila ba napapaso roon. 

I looked at his extended arms like it was the serrated knife that bled me to death a hundred times years ago. May pumupunit sa aking puso habang nagmamakaawa sa akin si Papa, dahil sa mga dalawampung taong nakalipas ay hindi na niya mababawi ang lahat ng sakit na naranasan ko. 

"My Papa, you are too late...too late..." I called him like the way I used to when I was young. Young and in his side. Wounded, and bruised yet no aid came. Abot ang tahip ng aking dibdib sa pagpigil ng mga luha.

Ang nang aabot na mga kamay ni Papa ay unti-unting bumaba, tila ba bulaklak na nalanta, nauupos na kandila. I was too hurt to even recognize the same pain that was written in his eyes. The wrinkles on the side of it even accentuating his despair. 

May kinuha si Papa sa loob ng kaniyang vest at iniabot sa akin. Nanginig ang aking mga laman sa disenyo at istilo pa lamang ng papel. 

"Your sister gave this to me personally. I'm just trying to protect my precious little Chrissy. I'm sorry  I'm too late..." 

'Donofrio and Alejandre', it said in an elegant font at the front. 

Binuksan ko iyon at nagsimula nanamang tumulo ang aking mga luha. Wala akong pakielam kay Papa sa aking harapan. Napahagulgol nanaman ako nang kay lakas. 


Our wedding day a new life has its start We'll share with each other one love, one dream, one heart. 

Yllana Alejandre and Ram Donofrio. 


"Our door is always open and waiting for your return, Cristina. We're both lonely and in this world, only blood matters. Ang magkadugo ang magkakampi at nagtutulungan. I have and always will love you, my precious Chrissy..." Humalik si Papa sa aking noo bago sumakay ng kotse.


Continue Reading

You'll Also Like

246K 5.2K 30
Lyza fell in love when she was 11 years old to her best friend. She kept it to herself for two years. When she decided to confess her feelings, a big...
69.4K 217 5
Shae Miramontes is a lady who values her private life, takes pride in her principles, is a loving daughter to her Dad and Step-Mom, is a cool sister...
35.6K 1.4K 71
"You want a game? Then we will play." - RK Montero "Trying to win a game but I end up failing and falling." - Prestine Winters
44.7K 402 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...