Faking It (Published)

By taleswithelle

651K 10.2K 453

Roxanne hates Nikko's guts. Nikko fell for Roxanne. They're worlds apart. Will there be a happy ending? More

Chapter 1 - It Started With A Mess.
Chapter 2 - The Second Encounter.
Chapter 3 - The Deal.
Chapter 4 - Finding Raven.
Chapter 5 - The First Family Bond.
Chapter 6 - The First Fake Girlfriend's Job.
Chapter 7 - Out Of Town Dilemma.
Chapter 8 - The Deceiving.
Chapter 9 - The Folks.
Chapter 10 - Everything Nice.
Chapter 11 - First Kiss.
Chapter 12 - Bye Baby
Chapter 13 - The New Boy
Chapter 14 - The Awkward Phase
Chapter 15 - The Confrontation Phase.
Chapter 16 - The Confussion Phase.
Chapter 17 - The Jealousy Phase 1.
Chapter 18 - The Jealousy Phase 2.
Chapter 19 - It's Real!
Chapter 20 - Nikko's World 1.
Chapter 21 - Nikko's World 2.
Chapter 22 - We Fought.
Chapter 23 - We made Up.
Chapter 24 - Closer.
Chapter 25 - The Betrayal.
Chapter 26 - Astor.
Chapter 27 - The Heartbreak Troubles
Chapter 28 - Secrets Unveiled.
Chapter 29 - Everything Nice & Jealousy's Price 1.
Chapter 30 - Jealousy's Price 2.
Chapter 31 - Family.
Chapter 32 - Perspective.
Chapter 34 - Frustrations.
Chapter 35 - Words Were Said.
Chapter 36 - Little Nikko Things.
Chapter 37 - Conflicts of Interest 1.
Chapter 38 - Conflict of Interest 2.
Chapter 39 - Caught.
EPILOGUE.
SPECIAL CHAPTER [BONUS]
FAKING IT SEQUEL

Chapter 33 - Surprised.

12K 207 15
By taleswithelle

instagram.com/taleswithelle

twitter.com/taleswithelle

----

Linakasan na ni Roxanne ang loob nya at pinuntahan nya ang Daddy ni Nikko sa opisina nito. Mabuti na lang talaga ang mabait si Judith. Automatic ay sinabi nito sa boss nito na andun sya.

Magtatanong lang sana sya kung ano ang balita, since hindi pa tumatawag si Nikko, at twice na sya nag try na tawagan ito in a different time pero unnattended.

"Oh, Roxanne. What can i do for you?" Masiglang bati nito sa kanya ng makapasok na sya sa opisina.

"Eh.. kasi po, hindi ko pa po kasi nakakausap ulit si Nikko. He hasn't called since Monday, eh araw araw madaming beses po sya tumatawag. Makikibalita na rin po ako." Nahihiyang sabi nya.

"Alright. Erah just called me a while ago. They had some difficulties, but I guess, Nikko's fine. Baka nagka aberya lang ang cellphone nya, hija." He explained.

Hindi nya alam ang sasabihin o mararamdaman. Edi sana gumamit ito ng ibang cellphone.

"G-ganon na nga po siguro." She tried to smile.

"Don't worry too much, hija. Nicholas is a big boy now." Nakangiti pa na sabi nito sa kanya.

Edi nag focus na lang sya sa trabaho nya.

"Hindi pa rin tumatawag?" Yna asked. Pagkapasok na pagka pasok pa lang nito sa apartment nila ay iyon agad ang tanong nito.

Umiling lang sya. "Nevermind. Tatawag lang yun kung gusto nya."

"Asus. Miss mo na kakulitan no? Walang nangungulit sayo at naglalambing." Pang aasar ni Yna.

Natawa sya. "Siguro."

"Try mo kaya ulit tawagan?"

"Eh, hayaan mo na. Kung gusto nya talaga ako makausap, tatawag sya." Selfish man ang dating, medyo hindi na sya kumportable na masyado syang mag eeffort kagaya ng ginawa nya kay Alex.

"Alright. Sa facebook?"

Umiling din sya. "Hindi naman yun madalas mag online. Hayaan mo na nga, masyado ka rin nagwoworry." Natatawa na sabi nya.

Tumabi sa kanya sa kama si Yna. "Hindi na kasi ako sanay ng ganyan ka. Sanay ako ng palagi kang kinikilig."

"We! Grabi ka!"

"Oo nga!" Natatawa na sabi nito. "Sino ba ang hindi kikiligin sa jowa mo, diba? Nasa kanya na ang lahat."

"Oo, pati pagka seloso at possessive." Sabi nya pa.

"Aba, ikaw na nagsabi na niloko sya ng ex nya. Parang ikaw lang din, iwas ka na masyado mag pag e-effort. Akala mo hindi ko napapansin? Hmmm. Kapwa kayo me sugat pa rin na kailangan ng closure."

Nangunot ang noo nya. "Woah. Ikaw ba yan? Ang lalim mo yata ngayon?"

"Sira! Seryoso ako. Napapansin ko lang. Kayo rin, kung hindi nyo pag uusapan yan, sasabog na lang bigla yan."

"I guess. Pagbalik nya na lang.. kung babalik pa sya."

"Uyyyy! Miss nya na si Papa Nikko." Pang aasar ulti ni Yna.

"Nakakamiss din talaga may nangungulit eh." Amin nya.

Nag movie marathon na lang din sila ulit ng gabing iyon.

Wednesday, again, wala pa rin tawag o kung ano pa man na contact si Nikko. Hindi nya na gusto na magtanong ulit sa Daddy nito. Basta, tatawag lang ito kung gusto nito, period.

Muli syang nag focus sa mga gawain nya, hanggang sa parang nakatatak na lang sa isip nya na nasa bakasyon si Nikko. Maybe masyado na rin kasi silang attached sa isa't isa dahil araw araw silang magkasama, to think na kailan pa lang naging sila.

Hinding hindi sya magsisisi na ito ang unang lalaki sa buhay nya. She never wished for a fairytale like happy ending, she just wanted a happy one.

At sa tingin nya ay tamang tama si Nikko para sa kanya. Napapasaya sya nito.

"Hoy!" A finger snapped in front of me.

Si Amanda.

"Grabi. Madalas kang tulala. Hindi namin alam kung inlove, broken hearted o kung ano man yang tinitira mo eh." Biro nito.

Natawa sya. "Medyo madami lang ako iniisip."

"Hmmm. Anyway, balita sa office na umalis daw si Sir Nikko papunta ng Paris para doon mag settle down. Is it true?"

She almost chocked on her own saliva. "H-ha?"

"Eh diba friend mo naman sya? Don't tell me, hindi mo alam?"

"A-alam ko na umalis sya, pero hindi ko alam kung hanggang kailan sya doon." Sabi nya.

"Oh, okay. Kapag kinasal yun, panigurado invited lahat ng employees."

Tumango sya. Biglang sumama yung pakiramdam nya.

How would a rumor like that go around the office? Para mag settle down? Ha!

Sya kaya ang girlfriend, at mahal na mahal sya nito.

Unfortunately, ayaw nyang malaman ng mga ka trabaho nya dahil sa lagay nya. Siguro kapag tapos na ang OJT period nya. Almost two weeks na lang naman at okay na. Aayusin nya na lang ang requirements nya para sa graduation.

Dahil sa sinabi ni Amanda ay na out of focus sya. Kailangan talagang malalaman nya pa?

Nakakainis.

Hanggang sa pag uwi ay cranky sya. Hindi pa rin tumatawag si Nikko at naiinis na rin sya.

Another day passed, wala pa rin. Kahit man lang sana magtext ito.

May natanggap syang text, pero hindi galing dito. Kundi kay Alex.

He badly wants to meet and talk to her, pero pinaliwanag nya na wala na sila dapat pag usapan, that they should just remain as friends.

May bago ka na palang boyfriend. - Imbes ay ito ang reply ni Alex.

Yes. - Yun lang repy nya.

He's too good to be true. - Reply ulit ni Alex.

How do you even know him? - Roxanne.

He's a local model, not hard to know things about him. Are you sure na mahal ka nya? - Alex

Nainis sya.

He's not like you. - She replid dahil sa inis.

Alright. I'm sorry, Roxanne. I guess i just really need to move on. - Alex

Akala nya ay makikipag argumento pa tio. Mabuti na lang din at tumigil na ito kaya hindi nya na kinailangan na replyan pa.

Tumunog ulit yung cellphone nya, akala nya ay si Alex ulit kaya nagdalawang isip pa sya kung babasahin. Instead, nakita nya ang pangalan ni Miguel.

Hi Roxanne. It's my cousin's birthday this Saturday. Invite ko sana kayo ni Nikko and Yna.

Matagal nyang tinitigan ang message. Nag isip sya ng irereply.

Wala si Nikko dito eh. He's in Paris. - Reply nya.

Well then, kayo na lang ni Yna, kung okay lang kay Nikko.

Hindi muna sya nag reply. She waited for Yna para itanong dito kung gusto nito.

And syempre, pumayag ito. She tried calling Nikko para sabihin to dito, but yes, as usual ay hindi na naman ito ma reach.

"Hayaan mo na girl. I can attest na tinatawagan mo sya. Tsaka kasama mo naman ako, it's not like ikaw lang yung pupunta doon."

"Okay. Sige."

Nireplyan nya si Miguel, then Miguel told her the time and place. Susunduin na lang daw sila nito since wala naman daw sya gagawin before the party.

She's actually feeling bad dahil baka mag away na naman sila ni Nikko. Pero ano ba naman yung pupunta lang naman sya sa party at kasama nya naman si Yna? Hindi naman sila magsosolo ni Miguel at alam naman na ni Miguel na okay na ulit sila.

Tumawag sya sa kanila para kamustahin ang nanay at tatay nya. Tuwang tuwa ang mga ito. Binalita nya na patapos na ang ojt nya at lahat, pero hindi nya muna sinabi ang tungkol sa kanila ni Nikko. Mahirap na.

Mas maganda kung personal nila sasabihin, and she doesn't want to burden Nikko with the thought yet. Tsaka na lang siguro.

Kinasabaduhan, pumunta muna sila ni Yna sa mall para mag unwind at bumili ng regalo. Miguel told Roxanne na kilala daw sya ng pinsan nito na si Antonio. Doon nya naalala yung tall, dark and handsome na lalaki na nakilala nya nung birthday ng Daddy ni Nikko.

"Okay na ba itsura ko? Ano mas maganda, ito o ito?" Yna was holding two belts in her hands.

Natawa sya. "Kahit ano naman bagay sayo."

"Hindi nakatulong ang sinabi mo. Dali! Ano nga mas maganda?" Halatang atat na ito.

"Yung red." tinuro nya na lang yung nasa kaliwa nito.

Tamang tama ang text ni Miguel na nasa tapat na sya dahil talagang kakatapos lang nila mag ayos. Mukhang napapasabak na sila unti unti ni Yna sa party ng mga mayayaman.

"Ang gaganda naman ng mga kasama ko." Naka ngiti na bati ni Miguel ng maka baba na sila.

Miguel opened the doors for them. Syempre sya sa tabi nito at si Yna sa likod.

"Okay lang ba talaga na pumunta kami?" She asked. Miguel is already focused on driving and she feels uncomfortable na tahimik ang paligid. Si Yna ay busy sa pagtetext.

"Oo naman. i told you, kilala ka ni Antonio. And Yna's fine." He smiled then looked back on the road.

Tig isa sila ng paper bags ni Yna. Hindi naman siguro sila mapapahiya sa regalo nila. Neck tie na mamahalin yung kanya tapos si Yna naman eh mamahalin naman na cuff links.

"Sayang wala si papa Nikko." Naka nguso na sabini Yna.

"Oo nga pala. Kailan ba sya babalik?" Miguel asked, still focused on driving.

"Hindi ko alam." She shrugged her shoulders.

Miguel laughed. "You're funny."

"Seriously." She pouted.

Miguel looked her way at nawala na ang ngiti nito. "Why?"

"Pa mysterious effect pa yun eh." Sagot ni Yna.

Papasok na sila sa gate ng isa'ng mansion when Miguel received a call bago sila bumaba sa kotse nito. He looked shock, at parang bigla rin itong kinabahan, pero nahalata ni Roxanne na madali naman na naka recover ang lalaki at ngumiti sa kanila.

"Uhm.. c-can you please wait for me here for a while? I-i had to attend to something. Sandaling sandali lang."

Tumango sila ni Yna. Natawa pa si Yna kasi parang kinakabahan daw si Miguel.

He waved then he left.

"Ano naman kaya yun?" Tanong ni Yna.

Hindi sya sumagot.

"Naiihi ako." Biglang sabi ni Yna.

Lumingon lingon sila. Madaming tao ang nagkakalat kahit sa garden. Maliwanag naman ang paligid. May mga hawak na kopita ang lahat at kanya kanyang group ang nag uusap.

"Uy, Rox. Naiihi na talaga ako. Hindi ko lang masabi kanina sa kotse." Ngumiwi na si Yna.

She sighed. "Dapat sinabi mo kanina kay Miguel! Naman to. Wala naman tayo ibang kakilala dito."

"Tara, magtanong na lang tayo. Magtext ka na lang kay Miguel na naghanap tayo ng bathroom. Di naman siguro yun magagalit."

Inilabas nya ang cellphone nya at nagtext kay Miguel habang naglalakad papasok.

"Excuse me. Do you know where's the ladies room?" She asked smiling sa lalaki na naka salubong nila.

Tiningnan muna sya nito bago sumagot. "Turn left there, then right. There's a sign." Parang amused na sagot nito.

"Salamat!"

Naglakad sila patungo sa lugar na sinabi ng lalaki.

"Dali, Rox. I can't take it anymore." Hila hila sya ni Yna habang naka tingin sya sa cellphone nya, checking if nag reply na si Miguel.

Nagulat sya ng biglang tumigil maglakad si Yna at nabunggo nya ang likod nito.

"Aray! Ano ba?" Sabi nya bago tingnan si Yna. Biglang nanginig yung kamay nya na humahawak sa kamay nya. "Uy?" Untag nya.

Naka tanga lang si Yna at nakatingin sa harap nila kaya tumingin din sya.

Her jaw dropped when they saw Nikko, coming out of the hallway patungo sa bathroom ng may naka lingkis na babae sa braso nito. Nakangiti pa ito at hindi sila nakita.

Then nakita nila si Miguel na lumapit kay Nikko at sa babae. Miguel might have said na kasama sila nito ni Yna dahil nagulat si Nikko ayon sa reaction nito at agad na tinanggal yung kamay ng babae sa braso nya at lumingon lingon.

Naka tayo lang sila doon ni Yna na parang nakalimutan na ang pag ihi nito.

Then their eyes met. Kita nya ang pagka shock sa mukha ng lalaki. Lumingon din si Miguel, kita nya ang pag pikit nito ng mariin as if he was the boyfriend and he was found out.

Tinanggal nya ang pagkaka hawak ni Yna sa kamay nya at naglakad palabas. Wala na syang pake kung may mabangga man syang tao.

"Baby, wait! Roxanne!" She can hear him.

She tried her best na huwag malaglag yung luha na kanina pa namuo pero bigo sya. Nagpupunas na sya ng luha gamit ang likod ng kamay nya ng maabutan sya ni Nikko. Malapit na sya noon sa gate.

Hinila sya nito at pinaharap.

"Hey.. I'm sorry. It's not what you think." he started to say.

Hindi sya nagsalita. Hindi nya maipaliwanag yung sakit. Pumiglas sya sa pagkaka hawak nito. "i'm going home." Mahinang sabi nya.

Nakita nya sa gilid ng mata nya na sumunod si Miguel, Yna at yung babae. She doesn't want to create a scene kaya she tried her best to hold it in.

"I'm sorry, okay? Kaka dating ko lang kanina and I decided to drop by here bago ako pumunta sa inyo. Sumaglit lang ako. Paalis na ako actually. Baby, don't cry. Let's talk, okay?" Nikko looked liked a lamb begging the wolf not to eat him.

Naisip nya dati na makinig na muna sa explanations bago mag conclude ng kung ano ano. it's a smart move. Pero iba pala kapag nasa mismong sitwasyon na. Ibang iba.

"Let me go. Please." Pumipiglas pa rin sya.

Hinila sya nito at yinakap, but she just pushed him.

"Ano ba? I said let me go!" Bahagya nang tumaas ang boses nya. Some people already looked at them. Yumuko sya.

"N-nikko, h-hayaan mo na muna sya." Lumapit si Yna.

Pero lalong humigpit yung pagkakahawak ni Nikko sa kanya. "Baby, mag usap naman tayo. Please, please."

Huminga sya ng malalim. She stopped moving. Hinayaan nya na lang yung kamay nito na hawakan sya.

"Alright." Sabi nya. "Ayoko naman umalis dito ng kadarating ko pa lang. Huwag nating sirain ang gabi." She said, then she smiled. Tapos liningon nya sila Yna, Miguel at yung babae na halatang nagulat sa ginawa nya.

"Baby.." Usal nya.

"Tara." Sabi nya at naglakad pabalik sa loob. Nagmamadali naman na sumunod yung apat sa kanya. May naka salubong syang waiter na may dalang tray ng drinks at kumuha sya ng dalawang kopita.

Hindi nya alam kung ano ang laman nyon, she just dranked all in the first glass. Napa ngiwi sya sa pait, but when she was about to drink the second glass, Nikko grabbed her hand.

"Stop it, Roxanne. Mag usap tayo." This time ay matigas ang boses nito.

"Do i know you?" Poker face na tanong nya. "If i remember it right, anak ka ng boss ng boss ng boss ko, right?" Gusto nyang matawa sa ginagawa nya pero ang bitter ng pakiramdam nya.

She saw Nikko closed his eyes out of frustration. Naka tingin pa rin sa kanila sila Miguel, Yna at yung babae.

Nikko got the glass on her hand, at ito ang tumungga ng laman noon, tapos hinila sya nito ulit palabas.

This time ay hindi na sumunod yung tatlo.

"Hindi mo ba hihintayin yung paliwanag ko? Stop being childish, Roxanne!" They ended up in the parking space. Pulos sasakyan lang yung nandun at walang tao. "Amy is a friend and also a model na naka sabay ko sa flight pabalik dito. Nagkataon na invited din sya kaya sabi ko, dadaan na lang ako dito bago kita puntahan. You didn't even told me na pupunta ka dito!" Mariin na sabi ni Nikko.

Nadagdagan yung inis nya sa huling sinabi nito. Hindi sya nagsalita. Pakiramdam nya ay sasabog yung dibdib nya sa halo halong inis.

"Roxanne.. " He was calling her as if her name is a plead. "Please, don't make a big deal out of this. I told you, I will never cheat on you."

"Where's your cellphone?" She asked.

"Huh?" Nagtataka na tanong nito.

"Your cellphone?" Nakataas na kilay na tanong nya.

Inilabas ni Nikko mula sa bulsa nya yung cellphone nya. Inagaw nya ito the moment na naiangat na ng lalaki yung cellphone nito. Full charge, full din ang signal. Tapos binalik nya sa kamay nito.

Huminga sya ng malalim. "I called you many times because I was worried. Hindi mo na ako tinawagan tapos ganito makikita ko? This is too much." Mariin na sabi nya.

"What?" Kunot noo na tanong ni Nikko. "I was calling you pero unattended yung number mo." He looked confused.

"Yung number mo yung unattended!" She argued.

"You're kidding, right? Tsaka kailan mo ba ako tinawagan? Ako palagi tumatawag sayo ah? kahit nga sa pagtext, ako palagi nauuna. I thought nakukulitan ka sa akin kaya pinapatay mo cellphone mo." He explained.

She bit her lip. "No. My cellphone was never off." Now, she's also confused.

Nag isip saglit si Nikko. "Damn it."

"Why?" She asked.

"That bastard." Sabi pa nito.

"Sino?" Naguguluhan na tanong nya.

"Astor might did something. He's techy, and he doesn't really like me.. specially me, being happy."

"What? Why?"

He shrugged his shoulders. "Never mind. Just.. just don't be mad anymore, okay? I miss you." Biglang lumambong yung mga mata ni Nikko at yinakap sya. Then he kissed her. "I miss you baby." He said in between kisses. "Kahit si Miguel na naman kasama mo." Pahabol pa nito.

Marahan nyang tinulak si Nikko. "Seriously? Si Miguel na naman?"

"You know how I'm really jealous when it comes to Miguel." He pouted. Bagamat madilim ay kitang kita nya ito.

Bago pa sya makasagot ay nag ring ang cellphone nya. Si Yna.

"Hoy, okay na ba kayo dyan? Bumalik na kayo dito. Naka ihi na ako sa wakas. Jusko!"

Natawa sya sa sinabi nito. Oo nga pala, kanina pa ito naiihi. "Yeah, okay na kami. We'll be back."

"Sino yan? Bakit tumatawa ka?" Agad na usisa ni Nikko.

"Seriously?" Halos sumigaw si Yna ng marinig yung boses ni Nikko. "Napaka seloso!"

Mui syang natawa bago putulin ang linya.

"Let's go back." Aya nya. Naglakad na sya ng ilang hakbang pero hinila sya ni Nikko kaya napa yakap sya dito.

"Wait. Do you want to go somewhere else instead?" Pilyo ang ngiti nito.

Pinalo nya ito sa balikat. "Sira ulo ka. Tara." Hinila nya na ito.

Rinig nya ang tawa nito habang hila hila nya ang kamay nito.

Continue Reading

You'll Also Like

155K 2.5K 42
What hurts the most? Unrequited love or falling out of love?
77.1K 3.7K 35
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
19.7K 997 45
Pleasures 1 of 3 Can lust turn into love? Is love enough to mend a broken man? Is playing with Fire worth it? Two different worlds collide. One seeks...
1.1M 25.4K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...