Mr. Know it All [EDITING]

By lesanlaine

6.1K 268 181

(c) lesanlaine All rights reserved 2015 - This the story of Leslie, her unfading feelings for her high schoo... More

Prologue
1st
2nd
3rd
4th
5th
6th
7th
8th
9th
10th
11th
12th
13th
14th
15th
16th
17th
18th
19th
20th
21th
22nd
23rd
24th
25th
26th
27th
28th
29th
29.2
30th
31st
32nd
33rd
34th
35th
36th
37th
38th
39th
40th
41st
42nd
43rd
44th
45th
46th
47th
48th
49th
49.1
50th
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 5

Special Chapter 4

81 3 6
By lesanlaine


Special chapter 4

Leslie

A/N: Sa loob ng isang pribadong silid, may isang babae at lalaki na nag-uusap. Magkatapat silang dalawa na pinaghihiwalay ng isang maliit ng lamesa.

"Magsalita ka naman. Kanina ka pa tahimik" ayan na naman siya sa 'magsalita ka naman' eh leche, ano'ng gusto niyang sabihin ko sakanya? Kaya pala nag eenjoy ka sa pagpasok kasi maganda 'yung 28 years old mo na sekretarya. Lechugas na bulok, sino ang niloloko ni Gio?

No'ng isang araw problemado siya sa paghahanap ng bagong secretary dahil sa nag abroad na 'yung dati tapos ngayon kaya pala hindi na nababanggit sa'kin dahil sa may pumalit na. at, hindi lang basta secretary, 'yung tipo ng babae na pasadong pasado sa pleasing personality. Leche talaga! Kung hindi pa naligaw si Dyosa doon sa office nila Gio hindi niya malalaman 'yon. Ang kalechehan naman kasi nitong asawa ko, sana hindi nalang siya naging abogado ng wala na siyang kailangan na sekretarya. Lintek, hindi nga nag o-ovetime, ilang oras naman niya kasama 'yung palakang babae na 'yon. Nag-iinit ang ulo ko.

Tapos, wala siyang nababanggit sa'kin na may bago na siyang kasama doon sa office niya. Ayos 'di ba? Dalawa lang sila doon sa loob. Alam ko na ang mga ganitong kwento, eh. Yung boss magkakaroon ng affair doon sa secretary niya tapos 'yung tunay na asawa maiiwan. Hihiwalayan. Ano 'to? Love story sa dramarama sa hapon ng GMA? Aba! Leche.

"Diyan ka lang! wala akong sinasabi na lumapit ka sa'kin. Hanggang dyan ka lang sa upuan mo, Angelo Gabriel" pagbabanta ko sakanya nang subukan niyang maupo sa tabi ko. Bumalik naman agad siya sa dating pwesto niya, "Leslie naman, bati na tayo"

"Hindi tayo nag-away" sabi ko. Hindi ko siya tinitingnan, nakikita ko ang sarili ko doon sa TV screen. Kulay itim nga lang ako.

"Hindi mo nga ako kinausap kanina. Kumakain tayo pero 'yung mga bata ang kinakausap mo. Tapos tinutulungan kitang maghugas ng plato pero 'yung katulong ang pinagtuloy mo. Ngayon naman na matutulog na tayo bakit dito ako sa sofa mahihiga? Ang laki-laki ng kama, kasya tayong lima doon"

Hindi ko rin alam. Nag-iinit ang dugo ko doon sa mga sinabi ni Dyosa. Ang leche naman kasi, bakit kapag nangiti 'tong si Gio parang wala ng bukas? So dapat kapag kausap niya 'yung secretary niya may kasamang pag ngiti? Mas mapapabilis ba 'yung trabaho kapag may kasamang pag ngiti? Ayos din.

"Edi dyan ka matulog sa kama na mag-isa. Doon ako sa tabi ni Alexis" tumayo na ako para lumabas ng kwarto, "Wife, ano bang problema ko sa'yo? Galit na galit ka sa'kin, naglilihi ka na naman ba?"

Aba't ang leche na 'to. Ang sarap niyang sampalin ng tsinelas, "HOY, ANGELO GABRIEL MANANSALA III PARA SABIHIN KO SA'YO SA SUSUNOD NA MANGANAK AKO HINDI NA IKAW ANG AMA. HAHANAP AKO NG GWAPONG FOREIGNER YUNG KAMUKHA NI ADAM LEVINE"

Nagawa pa niyang tawanan 'yung sinabi ko, "Akala ko buntis ka na naman, eh. Ihahanda ko na sana 'yung mga braso ko"

At ang kapal talaga ng mukha nito, "Wala akong pakialam sa mga braso mo, tabi nga dyan. Doon ka matulog sa labas, bawal ka dito sa tabi ko o sa gilid ko o kahit sa paanan ko o kahit saan pa. Labas!"

Nakatayo ako sa harapan niya, nakapameywang. Nanggigigil ako sa ngiti niyang leche siya. Tumayo rin siya sa harap ko, "Ngayon ka lang naging ganito. Kanino ka naman nagseselos?"

Paano niya ako nagawang tanungin ng ganan ka-kalmado? Nakakainis. Dapat galit ako! Galit ako, "Wala akong pinagseselosan. Umiinit lang ang ulo ko sa'yo"

"Edi buntis ka nga?"

"Hindi! Walangya ka, puro kamanyakan 'yang nasa utak mo. Lumabas ka na ngayon. Kung hindi ka lalabas sisigaw ako dito"

"Go. Shout with all your might"

Argh. Bakit ganyan siyang makitungo sa'kin kapag nagagalit ako. Ang hinahon niyang magsalita. Nasaan naman ang hustisya? Nahihiya na akong sumigaw sa harapan niya kung ganyan siya kakalmado. "Okay sige, mag-usap tayo" umupo ako sa dating pwesto. Tinabihan niya ako. Magkaharap kami ngayon.

"Kanino at bakit ka nagseselos?" seryosong tanong niya sa'kin. Tiningnan ko siya saglit para mag-isip. Tama ba na sabihin ko sakanya? Baka isipin lang nito nakapa immature kong asawa, nagseselos sa maliit na bagay. "Wala" pagsisinungaling ko.

"Hanggang ngayon hindi ka pa rin magaling sa acting. Ienroll kaya kita sa drama club, tingin mo?"

Inirapan ko lang siya. See, ang tino kong makipag-usap sakanya tapos sasabakan niya ako ng mga ganyang biro. Kaya kapag nag-aaway kaming dalawa, mga sampung minuto lang ang tinatagal. Ako lang naman kasi 'tong nagsisimula ng away, si Gio lang ang umaayos. "Kung ienroll ko 'yang mukha mo?! Matutulog na ako, tumabi ka sa dadaanan ko" utos ko sakanya. Itinabi nga niya sa gilid 'yung mga paa niya, leche talaga. "Gio naman, ang kulit mo. Seryoso ako dito tapos nagagawa mo pang ngumiti diyan. Leche ka talaga"

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat, "Look at me, straight into my eyes. Ano ba 'yung sinabi ni Dyosa sa'yo at ganyan ka? Yung secretary? Nagseselos ka do'n? Kilala mo ba kung sino 'yon?"umiling ako. Ngumiti siya, "Kapatid 'yon ng brother-in-law ng kapatid mo"

Ano raw? Nag-isip ako ng medyo slight lang. "Kapatid ng asawa ng kapatid ni Monica?" naguguluhang tanong ko. "Yes. Kapatid ng asawa ni Kuya Mico. Ano, kanino ka pa nagseselos?"

Nakakahiya. Ano ba naman kasing paminta ang pumasok sa kukote mo, Les? Ang dami mong alam. Ang dami mong dahilan para magselos. Sobra. "Ang arte ko" sabi ko sakanya. Sa totoo lang binubulong ko nalang sa sarili ko. Tumawa siya, "Iyan kasi, sana kinausap mo agad ako. Akala ko naman may Angelo IV na, eh. False alarm lang pala"

Sinampal ko siya ng mahina, "Baliw. Hanggang ngayon nasa isip mo pa rin 'yang Angelo IV na 'yan? Pero, sorry na. Ikaw naman kasi, bakit ba ayaw mo akong bumalik sa trabaho? 'di naman ako hahanap ng gwapong boss, promise!" nakangiti kong sumpa sakanya. Pinitik niya ako sa noo, "Mag toothbrush ka nalang, ang layo na ng imagination mo"

Hindi pa pala kami nagsesepilyo, "Oops, ako una. Tabi dyan" hinarangan ko siya sa pinto ng banyo, makikisabay na naman sa pagsesepilyo. Mang aagaw na naman siya ng toothpaste, "Pwede naman tayong sabay, ah"

"Bawal" pigil ko sakanya. Sumimangot siya, "Bayan, sa paliligo nga 'di na sabay pati ba naman sa pag totoothbrush?"

Pinag-iinit niya talaga ang mukha ko. "Yang utak mo, Angelo Gabriel. Edi mauna ka, mag toothbrush ka hanggang alas tres ng madaling araw" sabi ko. Hinintay ko siyang makapasok ng banyo pero naghihintay lang rin siya sa pag galaw ko.

Inunahan ko na siya sa pagpasok. Ang arte talaga niya. Pareho kami. Kukunin ko na 'yung toothpaste nang agawin niya sa'kin, "Ako muna" ang gentleman niya, sobra. Imbes na ipaglagay niya ako ng toothpaste sa toothbrush, siya ang gumamit nito.

Nang ayos na 'yung sa'kin, inagaw naman niya 'yung toothbrush ko, "Hoy, sa'kin 'yan, Gio. pati ba naman 'yan" reklamo ko. Hinding hindi ko gagamitin ang toothbrush niya.

"Open your mouth, mommy. Here's the airplane" napakunot ang noo ko doon, "Anong airplane?"

"Sige na, ako mag to-toothbrush sa'yo. Nasanay ako doon sa kambal, I just want to try"

Napaatras ako. Baliw na talaga siya, "Pati ako gagawin mong baby? Kaya kong mag toothbrush" sabi ko.

"Sus. Ang arte ni Mrs. Manansala, naglilihi ka nga siguro"

"Hindi" protesta ko, "Fine, ikaw mag toothbrush sa'kin. Ako mag totoothbrush sa'yo" kaagad niyang inabot ang toothbrush niya sa'kin. Ngiting ngiti naman ang lolo niyo. Minsan 'tong si Gio parang takas sa mental kung mag-isip.

Siya talaga ang nag toothbrush sa'kin. Tuwang tuwa pa habang ginagawa iyon. Ang cute ko raw kasi ang bait kong bata. Noong siya naman ang totoothbrush-an ko, ang likot. Gusto niya pang naka akbay sa'kin habang kinukulit ako sa ginagawa ko.

31 years old na talaga kami, mga kilos teenagers lang.

~

"Masahihin mo, sumakit kanina" utos ko. Nakahiga 'yung ulo ko sa dibdib niya. Hindi ako nag-iinarte, sumakit talaga 'yung ulo ko kanina. "Kakaselos mo. Ayan tuloy" reklamo niya.

Siya 'yung tipo ng tao na bago magreklamo nasunod na 'yung utos ko. May instant taga masahe ako ng ulo. "Dapat ako din. Ang sakit ng batok ko palagi. Hindi mo naman minamasahe"

"Kaya mo na 'yan. May kamay ka kaya" giit ko. "Ikaw rin may kamay" sagot niya.

"Nasaan? Nawawala" sabi ko. Niyakap ko agad siya. Isang kamay sa likod at isa sa harap. May naging silbi na rin 'yung mga braso ko, "Odiba, nawawala. Kaya mo na 'yan, ten minutes lang tapos tutulog na tayo"

"Ten minutes? 'di pa ako nakakapag kwento sa'yo. May nakita akong bagong rubber shoes sa mall kanina. Gusto kong bilhin sa sabado, okay lang?"

Nagpanggap akong tulog. Usapang sapatos na naman kami. Punong puno na ng rubber shoes 'yung dapat lagayan niya ng black shoes. Hinayaan ko lang siyang magsalita. Nakikinig naman ako sa bawat sinasabi niya, "Si Alex din gusto kong bilhan. Sa tingin mo ba dapat sa kambal magkapareho ng gamit o hindi? 'wag nalang 'no? baka malito sila. Kung magkaiba na rin ng style, okay lang siguro, 'no Les?" hindi ako nagsasalita. Nagpanggap talaga akong tulog. Ilang sandali lang may pumitik na sa ilong ko, "Ang pangit mo talagang magpanggap. Mag acting workshop ka na bukas" ngumiti lang ako.

"Ganyan ka nalang, ah? Huwag mo nang alisin. Matutulog na ako. Tomorrow I want to see those arms hugging me still, okay? Good night, wife. Good luck with your acting skills. Love you" Ang palpak ko talaga sa pag-arte. Wala tuloy akong good night kiss.

"Could you stay up 'til morning, Gio?" tanong ko sakanya. Tiningnan ko siya pero nakapikit na rin. "May gusto kang gawin sa'kin? Bukas nalang pagod na 'ko"

Yung malapad na ngiti niyang 'yon nakita ko na naman, "Ang kapal talaga ng mukha mo, Angelo Gabriel"

"Easy, it can be talking with me until tomorrow or staring at me 'til 3 in the morning. Nasty things are running in your mind, wife. Just sleep"

Wala pa rin good night kiss. T.T
~

Continue Reading

You'll Also Like

381K 9K 16
She is a well-known actress. She knows how to act, and to fake her emotions, even her civil status. Who would have thought that she is already marrie...
154K 1.6K 9
Kapit-bahay ng gurong si Ian si Tatay Ben. Palihim niya itong pinagpapantasyahan. Isang araw, niyaya siya nitong uminom. Ito na kaya ang maging daan...
215K 527 18
SPG