Burst Into Flames [ Published...

By xxladyariesxx

657K 27.2K 1.4K

Kingdom of Tereshle Story # 2 [COMPLETED] Anastasia Miller. A strong and one of the top Agent of Tynera. Gust... More

Teaser
Chapter 1: Agents
Chapter 2: Team
Chapter 4: Persidal Village (Mission 1- Part 2)
Chapter 5: Persidal Village (Mission 1- Part 3)
Chapter 6: Persidal Village (Mission 1- Part 4)
Chapter 7: Persidal Village (Mission 1- Part 5)
Chapter 8: Lifeless
Chapter 9: Rivalry
Chapter 10: New Mission
Chapter 11: Aurora Swan (Mission 2- Part 1)
Chapter 12: Aurora Swan (Mission 2- Part 2)
Chapter 13: Aurora Swan (Mission 2- Part 3)
Chapter 14: Aurora Swan (Mission 2- Part 4)
Chapter 15: Aurora Swan (Mission 2- Part 5)
Chapter 16: Reward
Chapter 17: Unexpected
Chapter 18: Fear
Chapter 19: Finish Them
Chapter 20: Deal
Chapter 21: The Bait
Chapter 22: Keepers
Chapter 23: Anatasia's Memory
Chapter 24: Fifteen Years Ago
Chapter 25: Explosion
Chapter 26: Right Time
Chapter 27: Revenge
Chapter 28: Traitor
Chapter 29: Good and Evil.
Chapter 30: Scream
Chapter 31: Plan
Chapter 32: Dream
Chapter 33: Trap
Chapter 34: Save The World
Chapter 35: The Shadow
Chapter 36: Rogue
Chapter 37: Absorb
Chapter 38: Dangerous
Chapter 39: Darkness
Chapter 40: Her fire
Chapter 41: Take Over
Chapter 42: Save Her
Chapter 43: Dissolves
Chapter 44: Gone
Last Chapter : She's Back
Author's Note Lang!
Burst Into Flames - PopFiction CLOAK

Chapter 3: Persidal Village (Mission 1- Part 1)

17.6K 809 28
By xxladyariesxx

Ilang metro pa ang layo namin sa pinaka-main entrance ng Persidal Village ay tumigil na ang karwaheng sinasakyan namin ni Grayson.

"Hanggang dito na lang ako," wika ng lalaking kutsero sa amin. "Kahit na nanggaling ako sa nayon na ito, hindi pa rin mawawala sa akin ang takot dahil sa nangyayari sa lugar na ito. Pasensiya na pero hindi ko na kayo maihahatid hanggang sa mismong pasukan ng nayon namim," paliwanag nito at binalingan kami ni Grayson. Hindi ako nagsalita at tahimik na pinagmasdan na lamang ito. I can feel it and understand him. Natatakot talaga ito sa kung anong mayroon sa sariling nayon nila.

"Sige po," maingat na sambit ni Grayson na siyang ikinabaling ko naman sa kanya. Nagkibit-balikat na lamang ako rito, dinampot ko na ang bag at mabilis na isukbit ito sa may balikat ko. Akmang magbabayad na si Grayson sa lalaki noong umiling ito sa kanya. Natigilan akong muli at hindi inalis ang paningin sa kutsero.

"Huwag na kayo magbayad sa naging serbisyo ko. Ayos lang na hindi niyo ako bayaran sa paghatid sa inyo rito. Basta ipangako niyo lang sa akin na tutulungan niyo ang mga Tereshlian na naninirahan sa nayon na ito."

Nagkatinginan kami ni Grayson sa narinig. Napataas ang isang kilay ko sa kanya at mayamaya lang ay wala sa sariling napatango na lamang. Nauna akong bumaba kay Grayson at noong balingan ko itong muli, namataan ko ang paglapag nito ng pera sa kinauupuan nito kanina. Mabilis na umiling ang lalaki kay Grayson pero tila wala itong narinig sa kausap. Tahimik ko itong pinagmasdan at noong makababa na rin ito sa karwahe, napasalamat na kami sa kutsero at nagpaalam na sa kanya.

Tahimik kaming naglakad ni Grayson hanggang sa tuluyang matanaw namin ang main entrance ng Persidal Village. I looked around. This place looks so peaceful. Masyadong tahimik. Tanging huni ng mga ibon at hampas ng hangin sa matatayog na puno lamang ang naririnig ko. Napahugot na ako ng isang malalim na hininga at pinagpatuloy ang pagmamasid sa tahimik na paligid.

"So, what's the plan?" basag ni Grayson sa katahimikan naming dalawa. Tiningnan ko ito at hindi agad sinagot ang naging tanong niya. Am I really teaming up with this man? Sa dinami-rami ng Agent sa Tynera, si Grayson Tyler pa talaga ang makakasama ko sa trabahong ito! I can't believe this! Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na kasama ko sa isang trabaho ang lalaking ito!

I took a deep breathe before answering him. Wala na akong pagpipilian pa. "Let's go to the village first," mahinahong sambit ko sa kanya. Nandito na kaming dalawa. Ano pang inaarte ko ngayon? Grayson is a strong wind attributer, a strong Agent. Alam kong matutulungan niya ako sa misyon na ito. I'll set aside first our personal issues. Bahala na pagkabalik namin sa Tynera. Doon ko na siya aawayin ulit! For now, kailangan naming magtrabaho muna!

Tahimik kaming dalawa ni Grayson habang naglalakad papalapit sa mismong nayon. Panay ang baling ko sa magkabilang parte ng gubat at nagbabaka sakaling may mamataan ako maliban sa naglalaking mga puno. Pinakiramdaman kong muli ang paligid. This place is annoyingly quiet! Nakakabanas ang katahimikang nararamdaman ko ngayon sa lugar na ito!

"Strange." Narinig kong sambit ni Gray sa tabi ko. "I don't sense anything. Ni walang mababangis na hayop akong maramdaman ngayon sa paligid natin."

Napatango ako sa tinuran nito. I agree with him. Sa ganitong klaseng gubat ay dapat mayroon na kaming makikita man lang na mababangis na hayop. Ilang minuto na kaming naglalakad ngunit ni isa ay wala kaming nakita man lang!

Napailing na lamang ako at pinagpatuloy ang paglalakad. Mayamaya pa'y natigil kaming dalawa sa paglalakad noong makarinig kami ng kaluskos. "Heard that?" Grayson quitely asked. Napairap ako sa kanya. Obviously, Gray. Of course, narinig ko iyon! Pinandilatan ko ito ng mga mata at pinatahimik na. Ang ingay talaga ng isang ito! Nagpalingon-lingon ako sa paligid at hinanap ang pinanggalingan ng kaluskos na narinig. Ipinilig ko ang ulo pakanan noong muling tumahimik ang buong paligid. Great! Wala na naman akong maramdaman na kung ano sa lugar na ito!

"This is frustrating!" I hissed.

"Come on. Pumasok na tayo sa main village para masimulan na natin ang misyon na ito," ani Grayson sabay hila na sa akin. Hindi na ako pumalag pa at nagpahila na lamang sa kanya.

Abala ako sa pagmamasid sa paligid noong napansin kong tumigil sa paglalakad si Grayson. Mas nauuna ito sa akin kaya naman ay napatigil na rin ako at tumingan sa unahan naming dalawa. Napakunot ang noo ko at noong makita ang kung anong nasa harapan namin, napakagat ako ng pang-ibabang labi ko.

The main entrance of Persidal Village!

Agad kaming nagkatinginang dalawa ni Grayson Tyler. It's like we're talking through our eyes. Tumango ito sa akin at nakuha ko agad ang nais iparating niya. Mabilis kaming kumilos at nilapitan na ang main gate ng nayon kung saan naroon ang misyon naming dalawa.

Ilang segundo lang ay nasa tapat na kami ng main entrance ng village. Kita kong natigilan ang iilang Tereshlian noong makitang pumasok kaming dalawa ni Grayson sa main entrance nila. Nagbulong-bulangan pa ang mga ito at ang iba'y napailing pa noong mamataan kami sa nayon nila. Tahimik lang kaming naglakad ni Grayson habang pinagmamasdan ang mga Tereshlian na naroon. Pinakiramdaman ko rin ang paligid. At kagaya nang kanina, wala akong maramdaman sa paligid na kakaiba.

What's wrong with this village? Nakakapagtaka na, ah!

"Sino kayo?" Sabay kaming natigilan ni Grayson sa paglalakad at napabaling sa unahan namin. Napatingin ako sa nagsalita at pinagmasdan ito nang mabuti. He's an old guy. At base sa nakikita ko, sa pananamit nito at sa mga taong nasa likuran niya, mukhang ito ang pinaka-pinuno ng lugar na ito. Seryoso lang itong nakatingin sa amin at hinihintay ang magiging tugon namin sa tanong niya kanina.

"We came from Tynera. We're Agents, Sir. I'm Grayson and this woman here is Anastasia," pakilala ni Grayson sa aming dalawa.

Rinig ko ang pagsinghap ng iilang villagers at nagsimulang lumapit sa kinaroroonan namin. Napabaling ako sa kanila at natigilan noong mamataan ang pag-asa sa mga matang nakatingin sa amin. Tiningnan ko sila isa-isa. Sa itsura nila ngayon, tila nabunutan sila ng tinik dahil sa presensiya naming dalawa ni Grayson. Ibang-iba na ang ekspresiyon nila kanina noong unang nakita kami sa main entrance ng village.

"I'm Lycon. Ako ang namamahala sa buong Persidal village," pakilala naman ng lalaki sa amin habang matamang nakatingin pa rin sa aming dalawa ni Grayson. "At ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako sa pagpunta ninyo sa nayong ito."

Tahimik akong napatango kanya at muling tiningnan ang mga mamamayan ng Persidal Village. "Wala pa kaming ginagawa ng kasama ko. Tsaka na po iyang pasalamat mo kapag naayos na namin ang pakay namin dito sa nayon niyo. Now tell us, anong mayroon sa lugar na ito?" I asked and looked at him again. Hindi ito agad nakasagot sa naging tanong ko. Naging tahimik rin ang mga villagers na malapit sa kinatatayuan namin ni Grayson kaya naman ay mas lalo kong ginustong malaman ang kung ano ba talaga ang mayroon sa lugar na ito.

Mayamaya lang nakita kong napabuntonghininga si Lycon bago magsalita at sagutin ang naging tanong ko. "Doon tayo mag-usap sa bahay ko, Agents. Sasabihin ko sa inyo ang lahat ng nais niyong malaman sa lugar na ito. Let's go." yaya nito sabay talikod na sa amin. Nagkatinginan muli kami ni Grayson at tahimik na sinundan na lamang si Lycon.

Tahimik kong pinagmamasdan ang bawat nakikita sa loob ng Persidal Village. Hindi ko makuha kung ano ang mali dito. Ni hindi ko maramdaman kung ano ang problemang gumagambala sa nayong ito! This is so freaking strange!

"Hindi sakit ang mayroon sa nayon namin. Walang sakit na kumakalat dito." Iyon agad ang bumungad sa amin pagkapasok namin sa bahay ni Lycon. His house is made of native materials. Mula sa sahig hanggang bubong nito. A typical house for a village like this. Pero... ano raw? "Walang sakit dito," pag-uulit nito na siyang ikinatigil ko. Ipinilig ko ang ulo pakanan at kunot-noo ko itong tiningnan.

"What do you mean, Sir?" Grayson asked the man. "Kung hindi sakit ang mayron ang lugar, then, what is it? Bakit kailangang magsinungaling kayo sa request letter niyo sa Council at sa Tynera?"

"Inilagay lang namin sa request letter ang impormasyong iyon, Agent. But the truth is, wala talagang sakit na kumakalat sa buong nayon ng Persidal," pag-aamin nito na siyang ikinataas ng kilay ko.

"So, you're telling us na nagsinungaling talaga kayo tungkol sa request letter niyo sa Tynera?" I crossed my arms against my chest then looked at him intently. "Really? Alam niyo bang may kaparusahan ang ginawa niyong pagsisinungaling sa request letter niyo sa Tynera?"

Yumuko lang si Lycon sa harapan ko, maging ang dalawang lalaking kasama nito noong pumasok kami sa bahay niya. This is ridiculous! Ang buong akala ko'y mayroong sakit na kumakalat ngayon sa buong Persidal Village! Kaya nga ito ang napili kong misyong dahil maari kong magamit ang special ability ko sa pagtulong sa kanila! And it turns out na nagsinungaling lang sila sa request letter nila sa amin? Sa anong dahilan namin? Paniguradong may rason ang mga ito pero siguraduhin nilang maganda ito dahil kung hindi, ako na mismo ang magpapataw nang parusa sa kanilang lahat!

"It was a curse. Iyan ang mayroon sa nayon namin ngayon." Natigilan ako at agad na napalingon sa nagsalita. There. I saw a woman, same age as me, looking at the man sitting across me, Lycon. She has these deep green eyes that captures my attention. And... and who is this girl?

"Clarisse," banggit ni Lycon sa pangalan marahil ng babaeng kadarating lang. "She's my daughter, Agents." Pagpapakilala pa nito sa amin sa babae. Hindi ako kumibo sa puwesto ko at nanatili lang ang tingin ko kay Clarisse. For a villager like her, I admire her confidence. Iba siya sa ibang mga taga-nayon. She's different... I can feel the gap between her and the rest of the villagers.

"What are you talking about, Clarisse? A curse? In this remote village?" I asked her without breaking my eye contact with her. She looked at me and somehow, I felt something strange. For the first time, I felt something here in this freaking village! Now, this is new. Simula noong napadpad kami ni Grayson sa lugar na ito, wala akong naramdamang kakaiba. And now, with her presence, I can say that we're getting something from her.

"Ana," tawag ni Grayson sa akin ngunit hindi ko siya pinansin. We need to know what's wrong in this village! I need to know the details and Clarisse will give it to me.

Nanatili ang tingin ko kay Clarisse. Ganoon din siya sa akin. Tila ba'y nagsusukatan kami nang lakas gamit ang mga titig namin. At wala ni isa sa amin ang nais magpatalo. Come on, missy. Tell us! Tell us so we can help you and the rest of the villagers!

"The whole village was cursed. Someone cursed our village and make us suffer from it." She finally gave up. Namataan ko ang pagbuntonghininga nito at pag-ayos nang pagkakatayo. Pero... ano raw? The whole what? The whole Persidal Village was cursed? Really? "A year ago, there was an incident happened here. Isa sa magaling na attributer na mayroon kami rito sa Persidal Village ay biglang nawalan ng kakayahang gamitin ang attribute nito. In an instant, he became powerless."

I froze. I felt my hands went cold. Powerless. Someone became powerless.

"At nasundan pa iyon. Hindi lang isang beses, kung hindi maraming beses na itong nangyari dito sa village. Ilang malalakas na kasamahan namin ang nawalan din ng attribute," pahabol na sambit nito na siyang ikinakabog ng dibdib ko.

"If I'm not mistaken, you guys are water attributers, right? Nasasakop pa ng Lynus Division ang village na ito," wika naman ni Grayson sa tabi ko. Nagsitanguhan lang mga kasama namin ngayon habang matamang nakatingin sa aming dalawa.

Water attributers.

"Paano nangyari iyon? Paanong nawala ang attributes ang mga Tereshlian na ikinukuwento niyo sa amin?" gulong tanong ko sa kanila. This is impossible! Anong klaseng mahika o sumpa ba ang tinutukoy nila? No one can do that! Not in my knowledge, of course! I never encountered this kind of situation before. A Tereshlian lost its own attribute... No way! Ikamamatay ng isang Tereshlian kung mawawala ang attribute na mayroon ito!

"We have an idea. Pero... hindi namin makumpirma ito," sambit naman ni Lycon na siyang ikinatigil kong muli. "For a year, twelve water attributers become powerless. At nangyayari lamang iyon tuwing kabilugan ng buwan." Full moon. A full moon only happens once a month, right? So, isang buhay ng isang attributer ang nawawala tuwing kabilugan ng buwan.

"Tuwing bilog na ang buwan, lahat ng taga Persidal Village ay nanghihina. Tila ba may humigop sa mga attributes nila. And when the daylight comes, one of them became powerless, dead," sambit muli ni Clarisse na siyang ikinaarko ng isang kilay ko.

"Them? Ibig mong sabihin ay hindi ka kasali roon? Tama ba?" I suspiciously asked her. Tumango naman sa akin na siyang lalong nagpagulo sa isipan ko. What the hell?

"Yes. Hindi ako kasali sa mga attributer na nanghihina tuwing kabilugan ng buwan," maingat na sagot nito sa akin na siyang napakagat sa akin sa pang-ibabang labi ko.

"Paanong nangyari iyon?" This time, Grayson is the one who asked her. Tumingin muna si Clarisse sa ama bago magsalita at sagutin ang mga katanungan namin sa kanya.

"Because... I'm not just an ordinary water attributer tulad ng mga villager dito," turan nito na siyang marahan na ikinatango ko. I see. So, she has a special ability like us. Mas malakas nga ito kumpara sa ibang naninirahan sa lugar na ito.

"Special Ability-" ani Grayson na siyang mabilis na ikinailing ni Clarisse.

"No." Natigilan ako sa sagot nito. What? Wala itong special ability kagaya naming mga Agent ng Tynera? If she's not an ordinary water attributer, and she doesn't have a special ability like us, then this woman has a... I froze and stopped what I'm thinking. No! Could it be the...

"Cursed Magic. I possessed one of it."

Continue Reading

You'll Also Like

7.9K 699 31
Project Malthus #2 COMPLETE (EDITING) Who said Project Malthus was the only virtual reality made to save humanity? Waking up to a strange place, Iry...
10.5M 480K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
1.2K 223 14
A boy who doesn't know the death and a girl named Lala whose waiting to be fetch by the light. How long will he gonna visit her in the abandoned man...
281K 15.7K 59
It takes one crown to become the persona of death. It takes two to be the destroyer of worlds. One mission. A series of deaths. A discovery of secr...