HE'S INTO HER Season 2

By maxinejiji

346M 7.1M 17.2M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her Season 2
CHAPTER 95
CHAPTER 96
CHAPTER 97
CHAPTER 98
CHAPTER 99
CHAPTER 100
CHAPTER 101
CHAPTER 102 : INTERHIGH Opening Remarks
CHAPTER 103 : INTERHIGH
CHAPTER 104 : INTERHIGH
CHAPTER 105 : INTERHIGH
CHAPTER 106 : INTERHIGH
CHAPTER 107 : INTERHIGH
CHAPTER 108 : INTERHIGH
CHAPTER 109 : INTERHIGH
CHAPTER 110 : INTERHIGH
CHAPTER 111 : INTERHIGH
CHAPTER 112 : INTERHIGH
CHAPTER 113 : INTERHIGH to PALAWAN
CHAPTER 114 : PALAWAN
CHAPTER 115 : PALAWAN
CHAPTER 116 : PALAWAN to LAGUNA
CHAPTER 117 : INTERHIGH
CHAPTER 118 : INTERHIGH
CHAPTER 119 : INTERHIGH
CHAPTER 120 : INTERHIGH TO PARTY
CHAPTER 121 : SENSUI vs TAGURO
CHAPTER 122 : The First DATES d--,b ♥
CHAPTER 123 : INTERHIGH
CHAPTER 124 : CHAMPIONSHIP
CHAPTER 125 : INTERHIGH Closing Remarks
CHAPTER 126
CHAPTER 127
CHAPTER 128
CHAPTER 129
A U T H O R ' S N O T E
CHAPTER 130
CHAPTER 131
CHAPTER 132
CHAPTER 133
CHAPTER 134
CHAPTER 135
CHAPTER 136
CHAPTER 137
CHAPTER 138
CHAPTER 139
CHAPTER 140
CHAPTER 141
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 142
CHAPTER 143 : Deib Lohr Enrile's Birthday Bash
CHAPTER 144
CHAPTER 145
CHAPTER 146
CHAPTER 147
CHAPTER 148
CHAPTER 149
CHAPTER 150
CHAPTER 151
CHAPTER 152
CHAPTER 153
CHAPTER 154
CHAPTER 155
CHAPTER 156
CHAPTER 157
CHAPTER 158
CHAPTER 159
CHAPTER 160
CHAPTER 161
CHAPTER 162
CHAPTER 164
CHAPTER 165
CHAPTER 166
CHAPTER 167
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 168
CHAPTER 169
CHAPTER 170 : Season Two FINALE ♥

CHAPTER 163

2.7M 66.4K 120K
By maxinejiji

NAIH'S POV

"Hahahahaha! Grabe ka naman makasayaw!" biro ko kay Migz na hingal kabayo'ng naupo sa tabi ko.

"Ano ka ba! Minsan lang 'yan! Nakita mo ng t'wing may ganito'ng Party ay parati na lang emcee ang eksena ko! Ngayon lang ako nakapag-enjoy ng ganito, no! Intrimitida ka!" sagot niya.

Bumaling naman ako kila Lee at Tob na kasalukuyang abala sa pag-uusap habang nagcecellphone.

"Huy! Nambababae ba kayo?!" nakangisi'ng tanong ko at taka naman sila'ng nilingon ako, si Lee ay salubong pa ang kilay.

"What?!" si Lee.

"Kung nambababae ba kako kayo?!" pag-uulit ko ng taas na ang kilay.

"Of course not! Tsh! Shut up, I'm busy.."

Wow ah! Maka-busy naman 'to!

"At saan ka naman busy, Gozon?!" sarkastiko'ng tanong ko. "Siguraduhin mo'ng mas maganda sa'kin 'yan ah?!" pang-aalaska ko pa.

"It's not that, okay? I trying to call Deib, sabi niya papasok na siya?" nag-aalala'ng tugon niya at napaisip naman ako.

"Si Deib?" tanong ko pa at saka ako lumingon sa gawi'ng 'yon papunta'ng parking lot. "Baka naglalakad na papunta dito?"

"'Yun na nga e, hindi naman aabutin ng 10 minutes papasok dito.." nagdadial pa'ng sagot niya. "Subukan mo ulit tawagan.." baling niya pa kay Tob at nagtaka naman ako lalo.

"Baka nag-iisip pa papunta dito? Alam mo ng brokenhearted ang lolo niyo, ano! Valentines pa naman ngayon, syempre---ang Maxpein ang iniisip niyan!" bigla'ng sabat ni Migz at natatawa'ng nilingon ko naman siya. "Diyosmiyo naman kasi si bakla'ng Maxpein, kung maka-inarte akala mo katorse lang ang bewang! Wala walaan ang eksena?! My God! Jogsak tuloy siya sa Chupan!"

"Ano ka ba, ang dami rin kasi'ng pinagdaanan ni Maxpein. H-Hindi niya na siguro kinaya.. Naguiguilty nga ako e, f-feeling ko napaka-useless ko." napapabuntong-hininga'ng sagot ko. "Biruin mo, ako 'yung parati'ng kasama niya pero hindi ko alam kung ano'ng tunay na nararamdaman niya.."

"E kasi nga, teh.. Marami'ng kundisyon sa buhay si bakla! Hindi pwede'ng lahat ay alam mo! Kaya ayun, sinarili ni bakla.. Ending? Naloka! Bakasyon ng maaga.." nagbibiro ngunit malungkot ri'ng sagot niya at napaisip naman ako.

"Namimiss ko na rin siya.."

"Sino ba'ng hindi?"

"Sana ay okay lang siya.."

"Bakla ka! Lumayas nga, 'di ba?! Malamang, hindi okay!"

"E bakit naninigaw ka?!" inis kunwari'ng tugon ko sa kaniya.

"Malakas rin ang sounds, teh! Makareact ka naman!"

"Tse!"

"Hahahahahaha!" tawa niya at saka tumingin sa dance floor. "Hindi mo ba alam kung saan makokontak ang bakla?"

"Psh! Kung alam ko lang ay matagal na sana'ng nandito 'yun! Naaawa na ko kay Deib.."

"Nakakaloka naman kasi si Deib, sabagay.. hindi mo siya masisisi kasi nga naman ay matapos nung malateleserye'ng bakbakan na kinuwento mo e naospital pa ang mga bakla.. tapos ngayon ay hindi malaman kung nasaan ang Maxpein.. Ang hirap lang sa part niya na hindi niya alam kung maghihintay siya o may hihintayin pa ba siya? May babalik pa nga kaya??"

"Kilala ko si Max, kapag sinabi niya'ng babalik siya ay babalik siya.."

"Haaay, sana bumalik na siya agad.. Ang hirap titigan ni Deib ngayon, parang may kulay itim na aura'ng bumabalot sa kaniya.. Kaloka.." malungkot pa'ng aniya at napabuntong-hininga naman ako. "Kadiri ang Michiko, teh! Mukha'ng nag-eenjoy pa'ng kasayaw ang palaka'ng BJ. My God!"

"Hahahahaha! Tulad nga ng sabi mo, minsan lang 'yan!"

"Puntahan na kaya natin!?"

Taka ako'ng nilingon si Tob dahil sa huling linya niya'ng 'yun.

"Bakit?" baling ko sa kanila.

"Naka-off na ang cellphone ni Deib, kanina nagriring pa e." sagot ni Lee, bakas talaga ang pag-aalala sa tono ng pananalita at mukha niya. Nag-alala rin tuloy ako bigla.

"Saan naman kaya pumunta 'yon??" nag-aalala na ri'ng tanong ni Migz. "Try kaya natin puntahan sa parking lot??"

"Tara??" yaya ni Lee at nagsipagtayuan naman kami. "Dito na lang kayo.." baling niya sa'kin at taka naman ako'ng napatingin sa kaniya.

"E-Eh---"

"Dito na lang kayo, babalik kami.." pigil pa ni Lee sa'kin kaya naman napaupo na ulit ako.

At saka sila naglakad papalayo at sinundan naman namin sila ng tingin. Kasunod non ay ang pagbalik nila Michiko at BJ sa table namin.

"Saan ang punta nung mga 'yun?" tanong ni Michiko.

"Hanap hanapan sa Deib Lohr.." sagot ni Migz.

"Bakit? Nawawala?" gulat na tanong ni BJ at inarapan naman agad siya ni Migz.

"Bakla---pakipalitan ang tanong mo bago ako ma-imbyerna sa'yo!" pang-aasar ni Migz sa kaniya.

"Gaga! Seryoso ako! Hahahahahahaha! Baka mamaya ay nahila na sa dilim ang Deib Lohr! Magwawala ang Maxpein!" biro ni BJ.

"Huuuy.. 'wag na nga kayo'ng ganiyan, nag-aalala na ako.." suway sa kanila ni Michiko.

"Ayy, bakeeeyts?? Ikaw ang nawawala teh??" biro naman sa kaniya ni Migz at nagtawanan kami. "Hahahahahahahaha!"

"Nand'yan lang 'yun.." sabat ko pa at saka sumubo ng salad na kinakain ko.

~RIIIING!~

Nagring ang cellphone ko at ramdam ko ang pagba-vibrate nito sa pouch ko'ng nakapatong sa harap ko kaya naman agad ko'ng kinuha 'yon at tiningnan kung sino.

~Barb Calling. . .~

'Bakit naman kaya tumatawag 'to?'

Nagtataka ako pero mabilis ko ri'ng sinagot ang tawag nito.

"Hello??" sagot ko.

"Where are you?"

"Ha?"

"Nandito si Deib sa TB.."

"A-Ano?!" gulat pa'ng tanong ko at napatingin naman sa'king yung tatlo. "A-Ano'ng ginagawa niya d'yan?!"

"E ano pa?! Edi umiinom... mag-isa!"

"H-Ha?!"

"Gulat na gulat!?" sarkastiko'ng tanong niya pa. "Pumunta kayo dito.. Samahan niyo.. Kawawa naman.. Ang gwapo niya pa naman.."

"Tsk! Kaya pala hinahanap siya nina Lee at Tob ay hindi siya macontact!"

"Oo nga, kaya nga puntahan niyo na dito---"

"Nasa party ako e?!"

"So!? Hindi pwede'ng umeskapo?! Mas importante ba 'yan kesa dito sa kaibigan niyo!?"

Napabuntong-hininga ako at saka tumango-tango.

"O-Oh, sige sige! Papunta na kami! Sabihin mo d'yan lang siya.."

"Oo, nasa stage ang Lolo mo, kumakanta at mukha'ng may tama na!"

"Ano?!"

"Oo, kaya pumunta na kayo dito. Don't worry, nakabantay naman kami sa kaniya."

"Sige, salamat salamat! Nako, 'wag na 'wag niyo'ng pababayaan 'yan! Yari talaga tayo kay Max!"

"Letse siya---sabihin mo sa kaniya bumalik na siya'ng bwisit siya dahil ang hirap hirap tingnan ng isa'ng 'to masaktan! My God! Feeling ko pati ako ay brokenhearted!"

"Tsk.. Sige, papunta na kami.. Bantayan niyo ah!?"

"Oo na!"

"Sige, bye!" at ibinaba ko ang linya.

"Ano daw, teh?" si Migz.

"S-Si Deib, nasa TB daw sabi ni Barb.." iiling-iling na sagot ko at gulat naman sila'ng napatingin sa'kin. Idinial ko ang number ni Lee na agad nama'ng sinagot nito. "Hello, Lee?!"

"Oh?"

"T-Tumawag sa'kin si Barb ngayon lang, n-nasa TB daw si Deib---"

"What?!"

"Pumunta daw tayo don dahil lasing na daw si Deib.."

"Tsk! Sige, pupuntahan na namin!"

"S-Sasama ako.."

"Hindi na, d'yan ka na lang. Hintayin mo kami d'yan.."

"S-Sige, mag-iingat kayo ah?"

"Yes, I love you."

"I love---"

*TOOT!*TOOT!*TOOT!*

Nice, Lee.. Nice..

"Ano daw?!" si Michiko.

"E-Eh, sila na lang daw ang pupunta e.." iiling-iling na sagot ko.

"Napano daw si Deib?"

"Wala.. nasa TB daw sabi ni Barb, kumakanta daw at m-mukha'ng lasing na.. Hindi naman nila pababayan 'yon 'don.. Sana maging okay siya don.." nag-aalala'ng tugon ko.

Hindi ko maiwasan ang mag-alala. Nakaramdam rin ako bigla ng awa sa kaniya.

Ang sabi ni Lee.. p-papunta na dito kanina? E bakit bigla'ng napunta sa TB 'yun?

Napaisip ako at saka tiningnan 'yung tatlo'ng bakas rin ang pag-aalala sa mukha.

H-Hindi ko rin naman siya masisisi.. lahat kami ay may partner.. Maliban sa kaniya.. Haaaays.. Max.. bumalik ka na naman oh, lahat kami nahihirapan dahil si Deib.. ang hirap tingnan..

"Hey.." biglang sulpot ni Kim at napatingala naman ako sa kaniya. "Where are they??"

"A-Ahh.." naisagot ko na lang at nagkatinginan pa kami ni Migz.

Sasabihin ko ba sa kaniya?!

"Where are the boys??" dagdag pa ni Kim at napabuntong-hininga na lang ako.

"N-Nasa TB kasi si Deib, s-sinundan siya don nila Lee at Tob.." sagot ko.

"What is he doing there?"

"H-Hindi ko alam.. Umiinom daw sabi nung kaibigan ko e---"

"Ano?!"

"Tsk.. H-Hindi ko alam, ang sabi kasi ni Lee kanina ay papunta na dito.. Ewan ko kung paano'ng napunta siya sa TB.."

Naghalu-halo ang emosyon nami'ng apat na naiwan doon. Lahat kami ay napapaisip at nag-aalala sa lagay ni Deib. Pero lahat rin kami ay wala'ng magawa para sa kaniya.

Ikaw lang Max ang makakaayos nito.. Huling pakiusap, bumalik ka na..

LEE'S POV

Mabilis nami'ng narating ni Tob ang TB at sa 'di inaasahan ay hindi maganda ang inabutan namin! Nagkakagulo sa labas ng Bar!

Nagkatinginan pa kami ni Tob bago tuluya'ng lumapit doon!

Sumiksik kami sa kumpulan ng tao hanggang sa marating namin ang gitna at makita namin si Deib na nakahandusay sa lupa at may mga butil ng dugo sa dibdib at mukha!

"D-Deib?!" nag-aalala'ng napalapit kami ni Tob sa kaniya at mabilis na inaral ang kabuuan niya. "Deib?! Are you okay, dre?! Deib!?" tawag ko pa sa kaniya dahil pupungay pungay na ang mga mata niya!

"Dre, a-ano'ng nangyari dito?!" inis na tanong ni Tob sa mga tao'ng nakatingin lang sa kaniya. "Nakita niyo ng ganito---hindi man lang kayo tumulong!"

"Lee, Tob.." may tumawag sa'min mula sa likuran at nakita namin si Barb.

"Barb, anong nangyari?!" inis na tanong ko.

"Napagtripan si Deib e.." nag-aalala ngunit bakas ang inis na sagot niya. Nilingon niya pa ang isa'ng lalaki'ng hawak hawak na ng mga waiter nila'ng sina Bri at Manyu sa magkabilang kamay. "Loko'ng 'yan! Dalin niyo na sa Pulis 'yang bwisit na 'yan!" sigaw pa ni Barb sa mga waiters niya at saka muli'ng bumaling sa'min.

"Bakit hindi niyo pa siya dinala sa ospital?!" inis na tanong ko at saka bumaling kay Tob. "Tulungan mo ko, dalin natin siya sa ospital."

Dahan dahan naming pinagtulungan ni Tob na buhatin si Deib. Panigurado'ng may tama na siya dahil kahit hindi siya magsalita ay umaalingasaw ang amoy ng alak mula sa katawan niya.

"Dre, dadalin ka namin sa ospital.. Sabihin mo sa'kin kung saan ang masakit, ah?!" nag-aalala ngunit batid mo'ng inis na sambit ni Tob.

"T-Teka.." parang hirap magsalita'ng usal ni Deib at nilingon naman namin siya. Kinaway kaway niya pa ang kaliwa niya'ng kamay kay Barb.

"A-Ano 'yon, Deib?? D-Do you need anything?!" nag-aalala'ng tanong pa ni Barb habang buhay namin sa magkabila'ng balikat si Deib.

"S-Sino 'yung s-sumigaw??" hirap na tanong ni Deib.

"A-Ano'ng sumigaw??" taka'ng tanong naman ni Barb.

"M-May n-narinig a-ako'ng s-sumigaw.. l-lalaki.."

"Ako 'yon!" may nagsalita mula sa likuran namin at dahan dahan kami'ng napalingon.

SI BEKA!

"A-Ano'ng sumigaw ba, Deib??" taka'ng tanong ko.

"T-Tch! I-Ikaw 'yon!?" parang inis at gulat pa'ng tanong ni Deib dito.

"Oo! Bakeeet!?" nakapamewang pa'ng tanong nito.

"B-Bakit b-boses lalaki!?"

"Bakeeeet? Hindi ba ako lalaki?! Tse! Kung hindi ako nagboses lalaki baka tegi ka na d'yan! O siya, dalhin ang gwapo'ng 'yan sa ospital na pinakamalapit at baka mabawasan ang guapito sa mundo!" taboy pa nito'ng bakla sa'min kaya naman dahan dahan munit mabilis nami'ng dinala ni Tob si Deib sa kotse ko.

Maya maya pa ay nasa byahe na kami papunta'ng BISH.

"Pucha! Yari ka na naman nito, dre.. Ginawa mo ng tambayan ang BIS!" inis na singhal ni Tob kay Deib, pareho sila'ng nasa backseat kaya tinitingnan ko na lang sila sa rear mirror.

"Tch.." tatawa-tawa pa'ng singhal ni Deib sa kaniya at napabuntong-hininga naman ako. Hirap siya'ng ibuka ang isa'ng mata niya at mas naningkit naman ang isa pa. "Okay lang ako, b-binugbog lang naman ako.."

"Tsk! Binugbog 'lang'?? Lang?! Ano ba'ng ginawa mo don, Deib??" pigil ang inis na tanong ko at nagtama naman ang paningin namin sa salamin. "Tingnan mo kung ano'ng nangyari sa'yo? P-Pano kung napahamak ka don!? Wala ka'ng kasama.."

"D-Dumating naman si B-Beka e.." hirap pa ri'ng tugon niya at nakaramdam naman ako ng inis. "Tch! Akalain m-mo'ng siya lang pala 'yun.."

"Pa'no kung hindi dumating si Beka?! Sino'ng tutulong sa'yo?!" inis na tanong ko at gumewang naman ang ulo niya at itinuon ang paningin niya sa labas ng bintana.

"S-Sana nga, d-dre.. S-Sana nga ay n-napahamak na lang a-ako.. B-Baka s-sakaling bumalik si T-Taguro---"

"Deib!" inis na sigaw ko sa kaniya ngunit ni hindi man lang niya ako nilingon. Bakas na sa mukha niya ang nagbabadya'ng pag-iyak niya na naman.

"Dre, 'wag ka nama'ng g-ganiyan.." maraha'ng sabat ni Tob ngunit pati siya'y 'di man lang nilingon nito. "S-Sana naman mas isipin mo ang sarili mo.. mas ingatan mo ang sarili mo dahil wala si Max dito.."

"A-Ang hirap tingnan ng m-mga kaibigan mo'ng m-masaya h-habang ikaw.. n-nasasaktan.. G-Gusto ko rin n-naman kayo'ng m-makasama k-kaso.. lalo ko lang s-siya'ng n-naaalala.. G-Gusto ko ri'ng tumigil, gusto ko rin maging o-okay pero ang hirap.. K-Kung n-nandito kaya s-siya.. sing sweet n-niyo rin kami??" mahaba'ng sambit niya habang nasa labas pa rin ng bintana ang paningin. Inis ako'ng itinuon na lang ang paningin sa pagmamaneho at mas binilisan ko. "S-Sana sabihin n-niya sa'kin k-kung may n-nagawa ako'ng mali, m-magsosorry ako k-kahit ilang ulit---"

"Dre.." pigil sa kaniya ni Tob. "Tama na naman, oh?? A-Ako na ang nakikiusap sa'yo.. Tama na.." malumanay na pakiusap sa kaniya ni Tob at natigilan si Deib. Hindi na siya kumibo at itinuon na lang ang paningin sa labas ng bintana.

Mabilis nami'ng narating ang BIS Hospital at agad ring inasikaso ng mga doktor at nurse si Deib dahil kilala na siya ng mga ito.

"Wala naman siya'ng masiyado'ng tinamong sugat.." baling sa'min ng doktor at tumango naman kami ni Tob sa kaniya. "Pero panigurado'ng mas sasakit pa mamaya ang katawan niya. Maigi na ri'ng dinala niyo siya dito para makapagpahinga.."

"Thanks, Doc.." sagot ko pa.

"Welcome.. Pero.. masiyado naman na yata'ng nagiging suki dito ang apo ng nagmamay-ari ng ospital??" sarkastiko'ng tanong niya pa. "Hindi maganda 'to.." dagdag niya pa at napailing naman ako. "Itinawag na namin sa family niya na nandito siya, sana ay 'wag ninyo'ng masamain dahil kami rin ang mapapasama kung hindi namin sasabihin sa kanila'ng nandito si Deib Lohr Enrile."

"N-Naiintindihan namin, Doc. Plano rin naman po nami'ng sabihin." sabat ni Tob. Tumango lang ang Doktor at saka iniwan kami.

Tumingin ako kay Deib at nakapikit siya. Batid ko nama'ng gising siya.

"Deib.." tawag ko pa sa kaniya at 'di naman bumukas ang mga mata niya. "M-May masakit pa ba sa'yo?" tanong ko at doon dahan daha'ng bumukas ang mga mata niya.

Nanatili siya'ng nakatingin sa kisame ng kinahihigaan niya. Hirap pa rin siya'ng imulat ng ayos ang mga mata niya.

Bumuntong-hininga siya at saka bahagya'ng ngumiti.

"Hindi naman n-nabawasan ang sakit, dre.." malumanay na sagot niya at natigilan naman ako. Palihim pa kami'ng nagkatinginan ni Tob.

"Deib, a-ano ba'ng pwede nami'ng gawin para matigil ka na sa pagpapahirap sa sarili mo?" sabat ni Tob sa maraha'ng paraan.

"P-Pinahihirapan ko ba talaga ang sarili ko, Tob?" tanong niya at mas natigilan si Tob at hindi nakasagot. Tumingin si Deib kay Tob at saka muli'ng ngumiti. "G-Ganon ba talaga siya kahirap mahalin??"

"D-Deib.." tawag ko sa kaniya at natigilan naman siya. "Parang-awa mo na, dre.. T-Tama na.." pakiusap ko.

"H-Hayaan mo lang ako, Lee.. Kusa ri'ng mawawala 'to.. alam ko.." aniya pa at saka bumuntong-hininga. "G-Gusto ko'ng magpahinga.. Makakauwi na kayo---"

"Hindi ka namin pwede'ng iwan dito.." marii'ng tugon ko.

"Hindi naman nila ako pababayaan dito.." sagot niya.

"Pero hindi ka rin namin pwede'ng pabayaan dito.." sagot ko at hindi na siya kumontra pa. Ipinikit niya ang mga mata niya at saka hindi na kumibo pa.

Naging makahulugan ang tinginan namin ni Tob at sabay kami'ng naglakad papalayo sa kama'ng kinahihigaan ni Deib.

"M-Masama ba ako'ng kaibigan kung hindi ko alam kung a-ano'ng dapat ko'ng sabihin?" nag-aalala'ng tanong ni Tob. "H-Hindi ko alam kung ano'ng pwede ko'ng gawin para matigil ang kagaganyan ni Deib.."

"H-Hindi kasi natin naranasan ang pinagdadaanan niya kaya baka g-ganito tayo sa kaniya.." sagot ko habang nakatingin pa rin sa kama ni Deib.

"A-Ang hirap naman kasi e.. N-Naiintindihan ko siya pero h-hindi ko rin siya kaya'ng tingnan na nagkakaganyan.. Pucha, parang pati ako.. n-nasasaktan."

"N-Naiintindihan rin kita, ganiyan rin ang nararamdaman ko.." napapabuntong-hininga'ng tugon ko. "Pero hindi tayo ang makakapagpahinto sa kaniya, dre.. Hindi tayo.."

Wala kami'ng ibang ginawa sa mga buwan na nakalipas kung hindi ang panoorin ang mga kilos ni Deib. Ang tingnan kung okay lang siya. Ang mag-adjust kapag alam nami'ng naiinggit siya.

Hindi naman dala ang pinagdaraanan niya pero pati kami ay apektado. Hindi sa nanunumbat kami o nagrereklamo, sadyang ang hirap niya lang talaga'ng pagmasdan dahil nakakaawa na siya.

Sana nga ay maging okay na ang lahat..

Mabilis na lumipas ang minuto at napatayo kami agad ni Tob sa mabilis na pagpasok ng Mommy at Daddy ni Deib kasama sina Randall at Dein.

Sa amin ni Tob agad sila dumeretso.

"What happened to Deib?! Where is he?!" nag-aalala'ng tanong ni Dein sa'min at mabilis rin naman kami'ng nilapitan ng Doktor na tumingin kay Deib.

Ipinaliwanag ng Doktor ang lagay ni Deib at ikinuwento naman namin ang nangyari.

"Oh my God! A-Ano'ng iniisip ng bata'ng 'yan!" pigil ang inis na bulalas ni Tita.

Marahan kami'ng lumapit papalapit sa kama ni Deib at sa oras na 'to ay batid ko'ng tulog na nga siya.

"D-Deib, anak??" tawag pa ni Tito sa kaniya ngunit hindi nagbukas ang mga mata niya.

"He needs rest, panigurado'ng napagod siya sa nangyari sa kaniya." ani Dok at tumango tango naman kasabay ng pagbuntong-hininga si Tito. "M-Magagalit na naman ang Chairman nito dahil sa nangyari sa kaniya.. A-Ano ba'ng ginagawa niya?!" pigil ang inis na bulong pa ni Tito na kay Tita nakaharap.

"Lohrton, a-ano'ng pwede nati'ng gawin para matigil na si Deib?? H-Hindi ko na siya kaya'ng panoorin na nagkakaganyan.. n-nasasaktan rin ako.." naluluha'ng ani Tita at natahimik naman kami.

Sandali pa kami'ng nanatili ni Tob doon hanggang sa mas gumabi. Pinauwi rin kami ni Tito dahil hindi rin naman kami pwede'ng magstay doon. Hindi na rin namin nagawa'ng mag-usap pa ni Tob dahil hindi namin alam kung ano'ng dapat nami'ng sabihin dahil hindi rin namin alam kung ano'ng dapat gawin.

DEIB'S POV

Gising na gising ako pero wala ako'ng lakas para imulat ang mga mata ko't magpaliwanag sa kanila.

Nakakasawang magpaliwanag sa mga tao'ng ang alam lang ay nasasaktan ka at nakakasawa ng tingnan ka..

"Dein, do you think he's okay??" dinig ko'ng bulong pa ni Mommy kay Noona.

No, I'm not okay..

"I'm sure he's tired.. I d-don't know what happened, bakit kasi sa B-Bar siya napunta? Akala ko ba ay Party nila sa s-school siya pupunta?" dinig ko'ng bulong pa ni Noona.

"Hon, d-dumaan siya sa bahay.." sabat ni Randall.

Nandito rin siya? Tsk..

"Ha?? A-Ano'ng ginawa niya don?!" bakas ang inis sa bulong na 'yun ni Noona.

"T-Tulad pa rin ng dati.. T-Tinatanong kung saan niya makikita si Pein.." sagot ni Randall na mas malakas sa bulong nila. Sabay sabay ri'ng napabuntong-hininga sila.

"He's really in pain.." dinig ko'ng bulong pa ni Noona. "N-Naaawa na ako sa kaniya."

"Ssshh, he might hear us, Dein.." bulong ni Mommy.

"Mahal na mahal niya si Pein at hindi ko siya masisisi sa bagay na 'yun.." sabat ni Randall at wala ako'ng ibang ingay na nadinig mula sa iba. "Naiintindihan ko si Deib, pero.. hindi tama ang ginagawa niya'ng pagpapahirap sa sarili niya dahil lang wala si Pein. She also needs space to breathe.. I-I'm not saying that he's occupying all of her space, it's not like that. Everyone needs to have their own space. They both need to give each other the space to grow. They need each other because they love each other. Pero may kaniya kaniya'ng parte sila ng buhay na hindi kailangan ang presensya ng isa't-isa at 'yun ang kailangang maintindihan ni Deib."

"H-Hindi kaya ni Deib ng wala si Maxpein, Hon."

"Trust is the foundation of any good relationship and part of that entails giving her the freedom to have a life separate from his. Hindi naman nawala si Pein sa kaniya, tsh."

"Psh, nasasabi mo lang 'yan kasi hindi ikaw ang nasa situation niya, dumbass!" dinig ko'ng singhal ni Noona sa kaniya at gusto ko ma'ng matawa ay 'di ko rin nagawa.

"Tsh. Alam ko, magiging mahirap para sa parte ni Deib na intindihan 'yun dahil sa kanila'ng dalawa.. mas naubos siya. She has a strong and cold personality, she has the ability to ignore everything. And this one is fragile---he breaks easily. Ibinigay niya ang lahat at wala'ng natira sa sarili niya." dinig ko pa ang buntong-hininga ni Randall matapos ng linya niya.

"Yeah right, baliktad sila.." natatawa kunwari'ng bulong ni Noona.

"Mmm.. Kung nasaan si Pein, gusto niya nandoon rin siya. Kung ano'ng ginagawa ni Pein, gusto niya nalalaman niya. Buntis ka na't lahat, nagseselos pa rin siya. Tsh.." dinig ko pa ang bahagya pagtawa niya. "Siya lang ang lalaki'ng nakakita ng puso sa paningin niya, tsk tsk."

Siraulo!

"Pero.. isang bagay na ikinabilib ko sa kaniya, kahit pa isip-bata siya, hindi siya controlling.. He's just emotional. Tsh, sabagay, hindi niya naman mako-control si Pein kahit gustohin niya." dagdag pa ni Randall.

Malamang.. naiwan niya ako e..

"M-Mga bata pa kasi sila.. H-Hindi pa nila naiintindihan ang lahat lahat.." dinig ko'ng sabat ni Daddy.

"He has to understand that loving too much is not loving enough.." sabat naman rin ni Mommy.

"He doesn't really have to let her go, nobody says he have to do that. All he gotta do is to wait for her." dagdag pa ni Randall at saka bumuntong-hininga.

Hindi ko naman napigilan ang sarili ko'ng damdamin ang sinabi niya.

A-Ako ba talaga ang mali?? Tsk!

Hindi ko rin naiwasa'ng pag-aralan ang sarili ko.

Tch.. S-Siguro nga ay sumobra ako at hindi niya 'yon nagustohan.

Magdamag ako'ng nag-isip at pilit na inalala ang mga bagay na ginagawa ko sa kaniya.

Ang mga bagay na sinabi niya ay pilit ko'ng isinaisip at inintindi isa-isa.

Makalipas ang tatlo'ng linggo..

Ika'tlo'ng linggo sa buwan ng Marso.

"Mister Enrile got the highest score!" tuwa'ng tuwa'ng sigaw ni Miss at nakangiti'ng napatayo naman ako!

*PALAKPAKAN!*

"Woooh! Ang galing ni Deib!" dinig ko'ng papuri pa ni Liel at nginitian ko naman siya.

"Wow, masiyado naman yata ang pag-iimprove mo, Mister Enrile??" nakangiti'ng dagdag pa ni Miss Agaser.

"Sinipag lang magbasa, Miss!" taas-noo'ng sagot ko pa.

"Ay suuus! Kung noon mo pa ginawa 'yan ay hindi na sana ako namroblema pa sa iyo! Hahahahahaha! Halika dito't kunin mo ito'ng test paper mo." senyas pa niya sa'kin. Nakangiti'ng nilingon ko naman sina Lee at Tob.

"Congrats!" nakangiti'ng bati pa nila sa'kin.

Kung may Entrance Exam, meron ri'ng Exit Exam kung tawagin. At ito ang exam na tinake namin ngayon sa lahat ng subjects.

Hindi ko maipaliwanag ang tuwa'ng nararamdaman ko ngayon dahil bukod sa nagawa ko'ng ipasa LAHAT ng subjects ay talaga'ng matataas lahat ng nakuha ko.

Kabado ako sa BIOLOGY na siya'ng naging weakness ko buo'ng high school life ko.

Tch! Tapos SISIW lang sa'kin ngayon?! Bwaahah!

Daig ko pa ang lawak ng ngiti ni Joker nung mahawakan ko ang papel ko at talaga'ng nanlaki ang mga mata ko!

WTF???

"M-Miss, 95?!" gulat na tanong ko kay Miss Agaser at nakangiti'ng tumango tango naman siya! Halos malaglag ang panga ko sa sobra'ng pagkaka-nganga ng bibig ko! "Bwahaaha! Ang galing ko---pakshet!!"

"Mister Enrile!"

"S-Sorry, Miss!" nakangisi'ng paumanhin ko at saka mabilis na bumalik sa upuan ko't mayabang na ipinakita kila Lee at Tob ang test paper ko! "Bwahaha! 95, dre! Kalahati d'yan ay pinag-isipan ko at kalahati d'yan ay sagot ni Batman! Hahahahaha!"

"Naaaaay! Hahaha! Nangopya ka, no?!" biro ni Tob at nginusuan ko agad siya.

"Ulul! Kanino ako mangongopya e nakatalikod ako sa buong mundo?!" mayabang na sagot ko pa!

Totoo.

Nung mag-exam ako ay sindaya ko'ng pumunta sa mismo'ng harapan sa tabi mismo ng table ng Proctors.

Dahil ayoko'ng ma-distract.

Gusto ko'ng sarili ko lang at wala'ng ibang estudyante ang nakikita ko.

Ayoko'ng mapressure mag-exam sa t'wing makikita'ng may nagpapasa na ng papel nila habang ako ay nag-iisip pa lang.

Pinayagan naman ako nung proctors dahil isa sa kanila ay katabi ko habang nag-eexam!

"Libreee!" dinig ko pa'ng buyo ni Lee at tiningalaan ko naman agad siya!

"Pasado na---topnotcher pa! Ano'ng gusto mo, boy linis?! Ha??" mayabang na tanong ko pa sa kaniya.

"Hahahahaha. Sana dati mo pa ginawa 'yan, Deib.. Malay mo, naging valedictorian ka pa??" pang-aasar niya pa.

"Tch! Hindi ako gagraduate ng ganito'ng kagwapo kung matagal ko ng ginawa 'to! Nakakatanda kaya ang stress! Tingnan mo 'to si Tob?? Mukha'ng pinakamatanda sa'ting tatlo! Hahahahaha!" biro ko pa kay Tob na mabilis na nagsalubong ang kilay.

"Psh! 'Di bale ng mukha'ng stressed! At least, may titulo ako!" mayabang na sumbat pa ni Tob at tinapik ko naman ang balikat niya at sumeryoso ang mukha.

"Kahit pa salutotorian ka---mas mahaba pa rin ang magiging speech ko sa'yo!" mayabang na sagot ko.

"Psh! Ulul! Baka 'salutatorian' 'yun?!"

S-Salutatorian ba 'yun? A-Ang alam ko ay salutotorian..

"Hindi ka talaga pwede'ng magkaron ng titulo! Hahhahaha!" pang-aasar niya paat sabay sila'ng tumawa ng malakas ni Lee at nakanguso'ng napaisip naman ako. "Ano naman ang perst?? Valedoctorian?! Hahaha!"

"M-Makapang-asar ka ah!" singhal ko sa kaniya! "Sige nga, itanong mo nga kay Michiko kung ano'ng spelling non.." pigil ang tawa'ng pang-aasar ko kay Tob at sumeryoso naman ang mukha niya.

"Pakyu ka, Deib.."

"Bwahahhaha!" malakas kami'ng tumawa ni Lee sa kaniya.

"Pakyu kayo!" sigaw pa ni Tob at mas natawa kami sa kaniya.

"Tama na nga 'yang lokohan niyo, nagugutom na 'ko.." sabat ni Lee at nilingon naman namin siya.

"Hindi ka ba muna maghuhugas ng kamay, dre??" pigil ang tawa'ng pang-aasar ni Tob sa kaniya.

"Mamaya na---"

"Maghugas ka na, baka narumihan ka sa ginawa mo'ng paghawak hawak sa papel ni Deib kanina e.."

"Tsh, shut up, Tob!"

"Uuuyy, maghuhugas na 'yan.." buyo pa ni Tob at tatawa-tawa naman ako'ng pinanood siya. "Uuuuyyy---"

"Ano ba!" sigaw ni Lee sa kaniya.

"Hugas na! Kaya nga nilagyan ng sanitizer bawat banyo dito ay dahil sa'yo.. Hugas na, Lee! Hugas na---"

"Isa pa, tatablahin na kita!" banta ni Lee sa kaniya at saka tumayo.

"Uuuuyyy!! Maghuhugas na nga!" sigaw ni Tob at galit siya'ng nilingon ni Lee! Tumingin sa'kin si Tob at sabay kami'ng natawa!

"Bwahahahahaha!" malakas na tawa namin habang nakaturo pa kay Lee na nakabusangot na ang mukha!

"Pakyu kayo pareho!" sigaw niya pa sa'min at saka naglakad papalabas ng room.

"Lagot ka, dre.." bwelta sa'kin ni Tob na sumesenyas pa ng daliri niya!

"Loko, bakit ako?!" nakanguso'ng tanong ko.

"Kasi ang lakas mo'ng tumawa. Hahahaha!" biro niya at inambaan ko naman siya.

Magkaakbay kami'ng naglakad papalabas ng room at sumunod kay Lee papunta'ng Canteen.

Nandoon na rin sila Parrot pagdating namin.

"Oh, kumusta exam?? Madali ba??" salubong agad ni Michiko at nakangiti'ng tumango naman si Tob sa kaniya. "Woooow! Sinabi ko na nga ba at sisiw lang sa inyo 'yan e!"

"Psh! Pero hindi ako ang highest ngayon!" sagot ni Tob at saka nagtaka si Michiko.

"Talaga, baby?? E s-sino?!"

"Ehem.." mayabang na ubo ko at gulat sila'ng napatingin sa'kin.

Taas-noo'ng nagpamewang ako.

"Ooooh! Ikaw, Deib?!" sabay sabay na tanong nina BJ, Migz at Michiko.

"Oo naman yes!" mayabang na sagot ko at nagpalakpakan sila.

*PALAKPAKAN!*

"Si Deib ang highest sa lahat ng subjects.." tuwa'ng tuwa'ng kwento ni Lee at mas nagulat sila.

"S-Seryoso?!" si Migz.

"Tch! Bakit gulat na gulat ka?!" singhal ko sa kaniya! "P-Parang sinabi mo na ri'ng boplaks ako ah?! Tch.."

"U-Uyy, hindi ah! Hindi lang talaga makapaniwala'ng 'yang loko mo'ng yan---"

"Hoy! H-Hindi naman na ako maloko nito'ng h-huli ah.."

"Oo nga, hahahahaha! Matino'ng matino ka na.. Kung ganon, alam mo na ang gusto ko'ng ulam ha?? Samahan mo na rin ng dessert!" pang-uuto niya pa.

"Tch! Sige! Sige!" singhal ko pa kunwari at saka nakangiti'ng tinalikuran sila at saka ako nagpunta sa line.

"Sensui.."

Gulat ako'ng napalingon at nagtama ang paningin namin ni Parrot.

"P-Parrot.." utal na usal ko ng bansag niya.

"Tulungan na kita.." malumanay na aniya pa at tatangu-tango'ng napailing na lang ako at saka bumaling sa server.

"Tatlo'ng Set C, at sampung leche flan.." order ko pa.

"Congrats ah??" ani Parrot at taka'ng nilingon ko naman siya.

"A-Ahh, hehehehe. Salamat. Matataas rin naman ang nakuha ni Lee.." kwento ko pa.

"Alam ko, hehehehe. Pero congrats sa'yo, kasi sa wakas.. Nakita mo na ulit ang sarili mo.." aniya at natigilan agad ako. Pero agad rin ako'ng nakabawi at pilit na ngumiti.

"S-Syempre naman, kailangan ko 'to e.."

"Kaya nga congratulations sa'yo.. P-Panigurado'ng matutuwa si M-Max kapag.. nalaman niya'ng ganito ang naging achievement mo.." dagdag niya at ngumiti na lang ako at saka palihim na bumuntong-hininga.

Sa mga nakaraang linggo ay pinilit ko'ng ipa-realized sa sarili ko'ng mas kailangan ako ng sarili ko kesa sa ibang tao.

Pero hindi ka pa rin nawawala sa puso ko.. Ikaw lang ang kailangan ko at kahit ano'ng gawin ko, ikaw pa rin ang laman ng puso't isip ko..

Hindi ko pinilit mag-aral dahil kusa ko 'tong ginusto. Nagfocus ako ng todo at pinahalagahan ang natitira'ng oras ko sa high school. Hindi ko lang pinagbuti kundi ay mas ginalingan ko pa.

Ang basketball ay hindi ko rin pinabayaan, ang totoo.. ako pa ang nagtrain sa mga papalit na varsity sa'min kahit pa gahol na rin ang oras ko sa sunod sunod na projects at completion.

Tapos na ang exit exam kaya petiks na lang kami ngayon at paghahandaan ang graduation sa Friday.

Matapos naming um-order ni Parrot ay magkatulong nami'ng dinala ang mga trays ng pagkain sa table namin.

"Pucha, simula nung dito na tayo kumain sa table nila Michiko, 'yung mga bago'ng varsity na ng basket ang umukupa nung pwesto natin!" nakangisi'ng ani Tob.

"Tsh, hayaan mo sila. Bakit mo ba sila pinapakialaman sa gusto nila?" kontra ni Lee sa kaniya.

"Naalala ko.." sabat ni Parrot at nilingon naman namin siya. "Nung isang beses na kumuha kami ng tubig ni Max d'yan ay pinagtawanan kami nung mga junior varsity niyo! Psh! Kesyo pangmahirap raw ang tubig sa water dispenser! Wow, ah!"

"Hahahahahahaha! Hindi ka na nasanay! Alam mo ng marami'ng maaarte dito!" sabat ni Tob.

"Oo nga, nandon na 'ko sa maarte sila pero duh?! Stop me! Sa dami ng umiinom doon ay kami lang talaga ang napansin nila!?"

Masaya sila'ng nagkwentuhan habang nakikitawa naman ako sa kanila. Masaya naming pinagsaluhan ang lunch na nilibre ko sa kanila.

"Mamimiss ko ang pagiging high school, tsk! Ang sabi ni Noona, iba na daw kapag College ka.. Tch! Pano'ng iba?! E estudyante ka pa rin naman, 'di ba?!" nakanguso'ng tanong ko pa.

"Saan mo nga pala balak mag-aral, Deib??" tanong ni BJ at nilingon ko naman siya.

"Dito pa rin, syempre.. bakit pa 'ko lalayo? Hehehehehe.." sagot ko.

"Pero.. Medicine ang number one course ng College dito sa BIS, hindi naman matunog ang Engineering dito.."

"Oo nga, pero kapag College nako.. mag-iingay 'yan! Hahahahahaha!"

"Sabagay, hahahaha.. 'Yung dumaan ka nga lang sa College Campus e umiingay na lahat ng department! 'Yon pa kaya'ng mapunta ka na sa Campus nila!"

"Marami'ng Engineering, 'di ba?? Alin don??" tanong ni Parrot at nilingon ko naman siya.

"Civil Engineering.." sagot ko.

"Wow, tayu-tayuan ng buildings!" buyo ni Migz.

"Yes.." nakangiti'ng sagot ko.

"Mabuti yan, Mister Enrile.. Para hindi lang 'yung ikaw ng ikaw ang tumatayo.."

"Ssshhkk.. Panigurado'ng magkakagulo ang mga babae sa'yo don, dre.." sabat ni Tob at natawa na lang ako.

"Ano nga pala ang kukunin mo'ng course, Lee?" sabat ni Migz at napatingin kami kay Lee. Iiling-iling siya'ng napangiti habang nakatingin sa pagkain niya. Bumuntong-hininga siya at saka sumandal sa kinauupuan niya.

"Business Management.." sagot ni Lee.

"Oh?? Bakit 'yun?? Mahilig ka ba sa business??" tanong pa ni Michiko.

"'Yon kasi ang linya ng parents ko.." sagot ni Lee.

"E 'yun naman ba ang gusto mo?" tanong ni Parrot.

"Mmm.. of course, hindi naman dahil sa 'yun ang linya nila ay 'yun na rin ang kukunin ko. 'Yon ang gusto ko.." nakangiti'ng sagot ni Lee.

"Gaganiyan ganiyan 'yan si Lee pero magaling sa management 'yan, business-minded rin siya.. Kaya sa tingin ko ay babagay sa kaniya ang course na 'yun.." sabat ni Tob. "Saan mo naman balak mag-aral??"

"Dito rin.." sagot ni Lee at nanlaki ang mga mata ni Tob. Natatawa naman ako'ng napatingin kay Tob.

"D-Dito rin?!" nakanguso'ng tanong pa ni Tob at tumango-tango naman si Lee.

"Bakit??" natatawa'ng tanong pa ni Lee sa kaniya. "Ikaw ba?? Balak mo'ng humiwalay kay Enrile? Hindi ka namin tropa kung ganon.."

"Sssshhhkk.." iling ni Tob.

"Ano nga pala'ng course ang kukunin mo?" tanong ko kay Tob. Hindi siya nagbanggit sa'min kung ano ba ang gusto niya'ng kunin.

"Gusto ko'ng mag-PolSci, hahahaaha!"

PolSci?? A-Ano ba'ng ginagawa non??

Natapos kami'ng maglunch at isip ako ng isip kung ano ang ginagawa ng PolSci kaya naman pag-akyat namin sa taas ay tinanong ko si Tob.

"Dre, bakit 'yong PolSci ang kukunin mo?" tanong ko sa kaniya at natatawa naman siya'ng nilingon ako. "Balak mo'ng pumasok sa politiko?"

"Mmm.. Hindi naman.. Gusto ko lang maging abogado at 'yon ang course na gagawin ko'ng Pre-Law.."

"W-Wow.." mangha'ng sagot ko. "T-Talaga??"

"Mmm.. Bakit parang gulat na gulat ka pa?!"

"Hahahahaha. Wala kasi sa itsura mo'ng gusto mo'ng maging abogado! Mukha ka'ng suspek!"

"Ulul! Hahahha!"

"Bagay nga kay Tob nag maging abogado e.." sabat ni Lee at nilingon ko naman siya.

"Psh! Bakit na naman!?" inis na tanong ni Tob sa kaniya.

"Madada e.. hahaha!" ani Lee at natawa kami'ng dalawa! Nanlilisik ang mga mata'ng tiningnan kami ni Tob.

"Oo, at mas bagay sa'yo ang Nursing! Para ma-master mo ang hand washing! Psh!" suya'ng tugon ni Tob.

"E-Eto naman.. Biro lang e!" panunuyo ni Lee sa kaniya.

"Pwe! Alis d'yan! Hahhaha!"

Dumating ang sumunod na mga Lecturers at wala kami'ng ginawa kung hindi ang magkwentuhan sa mga nangyari nung mga nakaraan.

Tawanan dito..

Hagalpakan d'yan..

"Anu-ano ang mga hindi niyo malilimuta'ng experience sa high school life niyo?" nakangiti'ng tanong ni Miss at nagsagutan naman ang mga babae.

"Acquaintance Party, Miss!"

"Dance Troupe, Miss!"

"Basketball Varsity, Miss!"

"Hingian ng papel, Miss!"

"Interhigh!"

"Cutting classes!"

"Crushes!"

"Bullies!"

Lahat sila ay naglingunan sa'kin.

"Hahahaaha! Lahat sila, dre.. nakatigin 'sa iyo'!" buyo sa'kin ni Tob at inis ako'ng tiningnan siya!

"Tch! Oh, e ano'ng gusto mo'ng sabihin!?" inis na tanong ko sa kaniya.

"Na ikaw ang bully dito! Hahahaaha!"

"Bwaaha!" pinagtawanan pa ako nung mga kaklase namin at ngumuso nalang ako sa kanila!

Tch! Gwapo'ng bully naman 'to..

"Sister Rivalry between Abby and Aimee!" sigaw nung isa sa mga bakla'ng classmate namin. "Hindi nawala wala sa Hot Topics 'yon sa blogs!"

"Sino'ng makakalimot kay Ysay?!" sigaw ni Liel at nagtawanan kami. "My God! Kinikilabutan pa rin ako everytime sasabihin ko ang name niya!"

"E si Choco?!" sabat naman ni Mannie at umalulong ang takot na boses ng mga kaklase ko.

"Oooohhhh!"

"Woooohhh!"

"The Creepy Chowcow!"

"Sino'ng makakalimot kay 'Taguro'??"

Naiangat ko ang paningin ko sa gulat at napatingin ako kay Miss! Siya ang nagsabi ng huli'ng linya'ng 'yon!

Naramdaman ko ang mabilis na pag-iinit ng mukha ko dahilan para mapayuko ako.

Hindi ko man sila nakikita ay ramdam ko'ng nasa akin ang lahat ng paningin nila!

Tsk.. T-Talaga'ng nananadya ang panahon ah!

"Wala, Miss! Wala'ng makakalimot kay Taguro!" sigaw pa ni Liel. "Ang kaisa-isa'ng babae'ng lumaban sa buo'ng school at nanalo! Hahahahaha!"

"Ang nakakabilib, mayabang, hambog at maangas na si Taguro! Yeah!"

"Oo, mamimiss ko'ng panoorin siya'ng sumayaw.. Kasi ay sa iba'ng school ako mag-aaral.."

"Ang babae'ng nakapagpa-ibig kay Enrile! Si TAGURO! Hahahhaha!" malakas na sigaw ni Tob at inis naman ako'ng nilingon siya! "Sige, dre---itanggi mo! Ano?! Itanggi mo!"

"Tch.. Bwisit ka.." bulong ko sa kaniya at nagtawanan naman ang mga nakarinig.

"Hahahahaha!"

Miss na miss na kita talaga.. Gagraduate na 'ko.. hindi man lang kita nakikita..

Nalungkot ako sa sarili ko'ng isipin.

Kasabay ba ng pagtatapos ko dito ay ang pagtatapos ng relasyon ko sa'yo.

Hindi ko kaya, Taguro.. Kailangan kita sa buhay ko..

Sa Parking Lot habang hinihintay sila Parrot, nagkwentuhan na naman kami, at maya maya pa.

"Excited na 'ko sa graduation.." ngingisi ngisi'ng ani Tob at nilingon naman namin siya.

"Tsh, excited ka naman sa lahat ng bagay!" singhal ni Lee sa kaniya.

"Pucha, dre---napapansin ko kanina mo pa 'ko tinitira, ah?! Ano'ng problema mo sa'kin?!" galit kunwari'ng tanong ni Tob sa kaniya.

"Mamimiss lang kasi kita dahil wala tayo'ng pasok bukas hahahaha!" bawi ni Lee. Wala kami'ng pasok bukas bilang preparasyon sa Graduation Day sa Friday.

"Psh! Baka gusto mo'ng magkita pa tayo bukas?! Hahahahahaha.. Ano?! Date tayo'ng tatlo?!" yaya ni Tob at tumingin sila sa'kin. "Iyong tayo'ng tatlo lang.. Walang girls! Hahahahahaha!"

"Oo ba!" masaya'ng sagot ko!

"Talaga?! Sige! Gusto ko 'yan!" ani Lee.

Masaya kami'ng nagsipag-uwian matapos non.

Nakatulog ako pagkauwi kaya naman dinner time na nung maisipan ko'ng ikwento kila Mommy ang naging result ng Exit Exam ko.

"Here, baby.. Kumain ka naman ng gulay.." sabi pa ni Mommy na nilgyan ako ng beef brocolli.

"Mom.." tawag ko pa sa kaniya habang patuloy sa ginagawa niya. "Eto 'yung mga t-test papers ko.." sabay abot nito sa kaniya.

Inosente'ng tiningnan niya naman ang mga 'yon isa-isa. Si Dad at Noona naman ay nakikisilip pero wala'ng nakikita.

Napangiti na lang ako nung unti-unti'ng manlaki ang mga mata ni Mommy habang tinitingnan ang mga 'yon.

"O-Omo---bby!! Yiiiiieeeee!!" bulalas ni Mommy at natawa ako sa kaniya. Gulat na inagaw ni Noona ang mga papel sa kaniya.

"Let me see.." sabi pa ni Noona at inisa-isa rin 'yon.

Tuwa'ng tuwa'ng tumayo si Mommy sa kinauupuan niya at papalapit na yumakap sa'kin!

"I'm so proud of you, baby! Yiiiiieeeee! Ang tataas ng scores mo! Lahat ay 90 and above!" papuri pa ni Mom at nakangiti'ng tumango naman ako.

"Wow, that's great, son.." bilib na sabat ni Dad at nag-fistbump pa kami. "Excellent!"

"At ako ang highest sa buo'ng batch---"

"Wooow!" pigil sa'kin ni Noona! "As in, WOOOW!" maaksyo'ng dagag pa ni Noona at natawa na lang ako sa kaniya.

Nginitian ko sila at hindi ko maipaliwanag ang tuwa'ng naramdaman ko sa dibdib ko dahil nakikita ko sa kanila'ng bilib na bilib sila sa results na nakuha ko. Kahit kasi Exit Exam lang 'yon kung tawagin ay hindi lang 'yon basta basta exam, 'yon ay batayan ng proficiency sa bawat subjects. Lalo pa at ilang buwan ako'ng nawala, talaga'ng nakakabilib ang naging resulta ko.

At lahat ng 'yon ay dahil ikaw ang naging inspirasyon ko.. Maghihintay pa rin ako, Taguro..

"A-Ano'ng gusto mo'ng reward, baby??" nakangiti'ng tanong ni Mommy. "Gusto mo'ng magcelebrate bukas? Wala ka'ng pasok bukas, 'di ba? Why don't you invite your friends and classmates---"

"No, Mom.. May lakad kami nila Tob bukas---NO GIRLS.." nakangisi'ng pigil ko sa kaniya at nakangiti'ng nanlaki naman ang mga mata ni Mommy.

"Omo! Omo! Yiiiiiiieeeee! Sige, sige.. Bibigyan na lang kita ng pang-shopping mo, okay?"

"Tch.. I'm not like Noona, Mom. I don't like Shopping.."

"What do you wanna do then? Play games? Sige, bibigyan kita ng pang-games mo---"

"It's okay, Mom.."

"Aaahh.. Baby, sige na? Huh? I want you to enjoy.."

"I'm already enjoying, Mom.." nakangisi'ng sagot ko.

"Hihihihihihi.. Bibigyan pa rin kita ng money.."

Hanggang sa marating ko ang kama ko ay ramdam ko ang kakaiba'ng saya'ng 'yon sa puso ko.

♥ K ♥ I ♥ N ♥ A ♥ B ♥ U ♥ K ♥ A ♥ S ♥ A ♥ N ♥

Before lunch ay nasa Mall na kami nila Lee at Tob. Doon na rin namin plinano'ng maglunch para sabay sabay kami. Sa mas malayo at mas malaki'ng Mall kami pumunta, hindi sa Mall nila Tob dahil panigurado'ng puro libre lang ang mapapala namin doon dahil kasama namin si Tob.

Pumunta kami sa isang kilala'ng resto at saka kami naglunch.

"Pucha, dapat matagal na nating ginawa 'to e.." sabi pa ni Tob na masaya'ng nakatingin samin.

"Dati na nati'ng ginagawa 'to, dre.. Nawala lang kasi naging busy tayo.." sagot ni Lee.

"Sabagay.. Oh, saan niyo balak pumunta??"

"Games.." sagot ko at nanlisik naman ang mga mata nila.

"Paramihan ng ticket!" hamon pa ni Tob sa'kin.

Yan ang madalas nami'ng gawin at pagandahan kami ng kukuning prize kapalit ng tickets.

"Dre, chicks oh.." inginuso ni Lee ang isang babae malapit sa table namin.

Nilingon naman namin 'to ni Tob ng palihim.

"Psh! I'm taken! Hahahahaha!" ani Tob at natawa naman ako at muli'ng lumingon sa babae'ng 'yon. Maganda siya, mas maganda pa kay Kim kung tutuusin. Halatang matangkad at sopistikada.

Pero sadyang wala ako'ng pakialam.. Hahhaha---

Gulat at mabilis ako'ng napaharap kila Lee at Tob nung bigla'ng TUMINGIN sa'kin ang babae'ng 'yon. Hindi na ako muli'ng tumingin sa kaniya.

Mapapahamak ako sa ginagawa ko, letse! Baka isipin niya pa, trip ko siya. Tch!

Maya maya pa ay masaya na kami'ng naglalaro.

"Bakit nga pala ayaw mo'ng may kasama'ng babae, Tob?" tanong ko sa kaniya habang nag-aarcade kami at may sarili'ng mundo si Lee sa kabila'ng arcade game.

"Dahil dito.. hindi natin maisasama ang mga babae dito.." sagot niya na bakas sa mukha ang inis sa pagkakatalo niya sa'kin. Bahagya'ng natawa naman ako.

Hindi si Parrot at si Taguro.. Maisasama mo sila dito..

Natawa pa ako sa isipin ko'ng 'yon nung maalala ko'ng minsan ko sila'ng nakita sa Game Zone ng Mall nila Tob.

"Mas g-gusto ng mga 'yon ang mag-Shopping kesa maglaro---ay pucha! Talo na naman! Badtrip!" singhal pa ni Tob at nangiti naman ako.

Lumingon pa siya kay Lee na nakanganga pa habang busy'ng busy sa pagtira.

"Alam mo ba'ng.. minsan ko na ri'ng nakita sila Parrot at Taguro'ng nag-aarcade?" kwento ko habang tutok sa laro ko at gulat siya'ng nilingon ako.

"T-Talaga?!" gulat pa'ng tanong niya.

"Mmm.." nakangiti'ng sagot ko ng wala'ng lingunan sa kaniya.

"Madalas ko rin makasama si Naih dito.." malakas na sabat ni Lee sabay palo sa handbord! "Yeah! You lose!" sigaw niya pa at saka bumaling sa'min. "Ano?! Tob?? May nakukuha ka pa ba'ng ticket ha!?" tatawa-tawa'ng tanong niya.

"Psh! Ibig sabihin, si Michiko lang pala ang hindi maisasama sa ganito?!" tanong pa ni Tob habang abala pa rin sa mga controllers ng arcade. Pinanood naman kami ni Lee.

"Sinubukan mo na ba?" tanong ko.

"Madalas.. ko rin siya'ng dalin sa M-Mall namin pero.. puro Shopping ang ginagawa niya---sheeeet! Sheeeeet! Sheeeeet!" sigaw niya pa dahil natatalo na naman siya. "N-Next time, pipilitin ko siya, hehehehehe!"

"Bilisan niyo d'yan, 'don tayo sa basketball!" yaya naman bigla ni Lee.

Matapos non ay nagpunta nga kami sa basketball at doon kumuha ng isa-isa'ng pwesto.

Mayabang pa kami'ng nagtinginan sa isa't-isa at nag-apir bilang luck.

"Galingan niyo.." mayabang pa'ng banta ko.

*TEN! TENENEN TEN TEN TEN TEN!*

"Game!" sabi pa nung Machine at saka nagsimula'ng maglabas ng mga bola.

"Waaaaa!" malakas na sigaw ni Tob at natawa naman kami ni Lee sa kaniya! Ang bagal maglabas ng bola ng machine niya. "Sheeet! Sheeeet! Sheeeet! Bilisan mo!" aniya at nagsimula na ri'ng tumira.

Matapos ang dalawa'ng round ko ay mabilis ako'ng naghulog ng token at nagsimula'ng tumira. Tuloy tuloy ang naging paglabas ng mga tickets sa basketball arcade machine ko.

"Wow, ang gagaling nila.."

"Ang gugwapo pa.."

"Yiiieee.. dito muna tayo.."

Naging maugong ang bulungan nung mga babae'ng nanonood at nakapalibot habang pinapanood kami.

Ilang minuto na kami'ng nakatayo at wala pa rin kami'ng tigil sa paglalaro namin ng basketball.

"Wahahaha! Ang dami ng sa'kin!" sabi ko pa habang naghuhulog ulit ng token!

*PAK!*

Malakas ko'ng pinindot pa'ng muli ang start button at saka muli'ng naglaro.

Sa huli ay ako ang pinakamarami, sumunod si Lee at si Tob ang huli.

Nakanguso si Tob at naniningkit ang mga mata'ng nakatingin sa'min ni Lee.

"Ano na nama'ng tingin 'yan, Yanai!?" pang-aasar sa kaniya ni Lee.

"Ang daya!" sigaw ni Tob at nakanguso'ng napatingin naman kami sa kaniya habang buhat buhat niya ang tatlo'ng rolyo ng tickets niya.

"Ang dami nung kay Deib, hahahahahaha!" papuri pa ni Lee.

"Pucha, ang daya niyo! 'Yung machines niyo---maaayos! 'Yong sa'kin ang bagal!" sumabat pa ni Tob.

"Hindi ka marunong pumili ng machine e hahahaha.." biro ko pa sa kaniya at saka ako napatingin sa walo'ng rolyo ko ng tickets. Anim naman ang kay Lee.

Pumunta kami sa prizes boarding at saka doon ipinabilang ang mga tickets.

"Wow.." mangha'ng sabi pa nung babae doon at saka inilabas ang ticket counter niya.

"Paki-una 'yung sa kaniya, Miss.. Sa kaniya ang pinaka-kaunti.." mapang-asar ang tono'ng turo ko pa sa mga tickets ni Tob! Agad naman nanlaki ang mga mata niya! "Bwaaha!"

"Pakyu ka, Enrile! Mayabang! Hambog!"

"Hahahaaha!" malakas kami'ng nagtawanan at nakitawa rin 'yung babae sa'min.

Maya maya pa ay natapos ng bilangin ang mga tickets namin at andami'ng nakatingin sa'min habang masaya kami'ng tinitingnan 'yung babae'ng ilagay isulat ang total ng mga 'yon sa piraso ng papel. Nagtingin kami sa mga premyo.

"'Yon lang ang kasya sa ticket mo, Tob. Iyong Bread toaster! Hahha!" pang-aasar ni Lee sa kaniya at natawa ako ng malakas talaga. "'Yan na lang sa'yo, haha!"

"Manahimik ka, Lee! Tsk! Ssshhkk.. 'yung skateboard sa'kin, Miss!" nakangiti'ng ani Tob dito.

"Ayy, Sir.. kulang po ang ticket niyo---"

"Bwahaha!" malakas kami'ng tumawa ni Lee.

Nakanganga'ng pinagmasdan ko ang isa'ng teddy bear na mukha'ng mas malaki pa sa'kin.

88,000 tickets..

Nakanguso'ng pinagmasdan ko pa 'yun saka tiningnan ang papel kung saan nakalista ang total ng tickets ko. Napangiti pa ako nung makita'ng 92,000 tickets ang nakuha ko.

"'Yon ang sa'kin!" nakangiti'ng turo ko sa malaki'ng teddy bear na 'yon. Inosente'ng nilingon naman 'yon ni Tob. "Tapos, ibigay niyo na lang sa kaniya 'yung natitira'ng tickets ko.."

"T-Talaga, dre? Waaaaaaa! I love you, Deib!" ani Tob na mabilis pinagplus 'yung matitira'ng ticket ko sa tickets niya.

Pumasok 'yung lalaki sa stock room at saka inilabas ang naka-cover ng see-through na katulad na katulad nung teddy bear na pinili ko. Nakangiti'ng tinanggap ko ang malaki'ng teddy bear na 'yun na talaga'ng mas malaki pa sa'kin.

"Iko-cover muna natin, Sir---"

"Hindi na.." pigil ko doon sa babae. "Mas gusto ko siya'ng dalhin ng ganito.."

"Mahihirapan kayo, Sir.."

"Ayos lang.." nakangiti'ng sagot ko pa.

Maliit na oven toaster ang pinili ni Lee sa ticket niya dahil ibibigay niya rin daw 'yon kay Parrot. Sa huli ay nakuha ni Tob ang skateboard na gusto niya.

Pinagtitinginan ako ng mga tao habang bitbit bitbit ko ang malaki'ng teddy bear na 'yon habang papalabas ng Mall.

"Ang cute.."

"Anggwapo pa nung may dala.."

"Ibibigay niya siguro sa girlfriend niya.."

Hindi ko naiwasa'ng mapangiti sa mga bulunga'ng 'yon at nilingon naman ako nila Lee at Tob.

"Para sa'yo ba talaga 'yan??" natatawa'ng tanong pa ni Lee at hindi naman ako sumagot.

"Bakit, balak mo ba'ng hingin??" natatawa'ng tanong rin ni Tob sa kaniya.

"Tsh.."

~RIIIINNNG!~

Natigilan ako sa paglalakad sa malakas na vibrate ng cellphone ko at hirap na hirap man ay agad ko nama'ng sinagot 'yon.

"Mom??" sagot ko.

"Baby, umuwi ka na.. D-Dadalhin na namin sa Hospital ang Ate mo.." sabi niya sabay baba ng linya.

Nanlaki ang mga mata ko at napatingin ako kila Lee at Tob.

"M-Manganganak na si Noona.." mahina'ng usal ko at nanlaki ang mga mata nila. "T-Tara! Tara!" yaya ko at saka kami mabilis na tumakbo papunta sa Parking Lot.

Mas malayo ang mall na 'to kumpara sa mall nila Tob kaya naman halos bente minutos ang binyahe namin bago kami makarating sa ospital! Nakita ko ang kotse ni Daddy sa labas ng E.R. at pinigil naman agad kami ng guard papasok pa lang.

"Sir, marami'ng pasyente sa loob. Sino po sa inyo ang pasyente?" ani ng guard.

"M-Manganganak na po ang Ate ko.." sagot ko.

"Ikaw na lang ang pumasok, Sir.. Masiyado'ng marami'ng tao sa loob dahil may mass casualty incidente na dito sa'min itinakbo.." aniya pa at hindi naman namin naintindihan nila Lee at Tob ang sinasabi niya.

"Deib, ikaw na lang muna ang pumasok.. maghihintay na lang kami dito." ani Lee at tinanguan ko naman siya. "Sige na, balitaan mo kami, ha??"

"Sige.." paalam ko at saka pumasok sa loob. Nakita ko agad sila Mommy at Chairman habang si Dad ay nilingon ko sa station.

Kinahaban ako at halos manghina ang tuhod ko nung makita ko kung gaano karami ang dugua'ng pasyente ang nasa loob ng E.R.! SOBRA'NG DAMI! Walang sinabi 'yong oras na kami nila Choco ang nandito. Hindi na 'yon pinansin at lumapit na agad ako kay Noona.

"Woooh! Woooh! Woooh!" humihinga sa bibig si Noona habang hawak hawak sa kamay si Mommy! "Aaaaaaaahhh!!! M-Mommy, please call the D-Doctor! Please!" sigaw niya pa!

"W-What?? B-Bakit nandito ka pa?!" tanong ko pero hindi ako sinagot ni Noona. "M-Mom.." tawag ko kay Mommy na bakas ang pagkalito.

Munit napako ang tingin namin kay Chairman nung bigla'ng mandaklot siya ng Doktor na may tulak na stretcher na dumaan sa harapan namin!

"Bakit hindi ninyo inaasikaso ang Apo ko!" sigaw niya pa rito! Agad na nanlaki ang mga mata ng Doktor na 'yon at napatingin kay Noona.

"S-Sorry, C-Chairman Enrile, napakarami'ng pasyente at hindi ko namalayan ang apo ninyo---"

"Bakit hindi ninyo dalhin sa Delivery Room!" sigaw pa ni Chairman sa kaniya.

"P-Paumanhin, Chairman.. Naka-Code White po kasi kami ngayon.. Hinugot po namin lahat ng nakaduty sa taas papunta dito---"

"A-Ano?! Sesanghe! Oh eh---asikasuhin mo na muna ito'ng apo ko!"

"Y-Yes, Chairman.." takot pa'ng tugon ng Doktor pero bago pa man siya lumapit kay Noona ay may agad na lumapit sa kaniya.

"D-Dok.. tulungan niyo po ang Mommy ko---Dok, parang awa mo na po, nabaril po siya sa dibdib niya.." pagmamakaawa ng lalaki'ng 'yon na sa tingin ko ay sing edad ko lang rin.

Muli ako'ng napalingon sa dami ng pasyente'ng nandoon at halos wala ng madaanan ang mga doktor dahil ultimo'ng sahig ay may nakahiga at halu-halo'ng uniporme na ng mga nurse ang nakikita ko.

"Manganganak na ang Apo ko! Dalhin mo muna sa D.R.!" sigaw ni Chairman sa kaniya.

"D-Dok.. parang awa mo na po.. u-unahin niyo po muna ang Mommy ko.." pakiusap naman nung lalaki.

Bakas ang pagkalito sa mukha nung doktor dahil hindi niya malaman kung sino sa amin ang uunahin.

"K-Kami na lang po ang magdadala sa D.R." sabat ko at nilingon nila ako. "Kilala niyo naman po ang kapatid ko---"

"That is not possible!" sigaw sa'kin ni Chairman. "Wala ka'ng alam sa polisiya ng mga ospital at medikal!" sigaw niya sa'kin at natigilan ako.


Continue Reading

You'll Also Like

63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
1.3M 45.3K 63
Astreille knew her capability as a hacker and how her strength in that field can ruin someone else's life. For years, aside from writing stories, she...
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
728K 26K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.