Mr. Know it All [EDITING]

By lesanlaine

6.1K 268 181

(c) lesanlaine All rights reserved 2015 - This the story of Leslie, her unfading feelings for her high schoo... More

Prologue
1st
2nd
3rd
4th
5th
6th
7th
8th
9th
10th
11th
12th
13th
14th
15th
16th
17th
18th
19th
20th
21th
22nd
23rd
24th
25th
26th
27th
28th
29th
29.2
30th
31st
32nd
33rd
34th
35th
36th
37th
38th
39th
40th
41st
42nd
43rd
44th
45th
46th
47th
48th
49th
49.1
50th
Epilogue
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
Special Chapter 5

Special Chapter

80 4 0
By lesanlaine

17 Jan 2022

Note: SERYOSO? GAANO AKO KASIPAG MAGSULAT NOON? DI PA NAKUNTENTO SA 50 CHAPTERS? MAY SPECIAL CHAPTERS PA? ANAK KA NG WRITER! Hindi ko pa talaga na-edit lahat ito. Sa susunod na buhay na lang po.

xx

Special Chapter 1

A/N: May nag request na gumawa ako ng special chapters. Ito na po. Salamat sa pagbabasa nito. ♥

~

Leslie

"Mommy will drive" sabi ni Gio sa batang nasa likod ng kotse.

Nasa may gas station kami ngayon. Habang naghihintay sa sunod na pila, kinakausap niya si Alexis. Papunta kami sa mall para bumili ng bago niyang sapatos. Sa tuwing may ilalabas na bagong brand ng rubber shoes dapat mayroon din siya.

Iba na talaga kapag CPA. Sa'ming dalawa siya 'yung may trabaho na pinaka nagagamit ang pinag-aralan. Sa ngayon kasi nasa bahay lang ako. Bukod sa nag-aalaga kay Alexis, buntis ako kaya hindi niya ako pinayagan na pumasok. Naka leave ako hanggang sa manganak.

May kinuha na rin si Gio na katulong para may kasama ako sa bahay. Dati kasi ako lang ang naiiwan kapag wala si Gio.

"Ako? Ayaw ko, Gio. Kinakabahan akong mag drive" ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ako sanay na mag drive lalo na kung sa skyway kami dadaan.

"No. Mommy will not drive, dad. You nalang, please"

Nakiusap si Alex. Wala siyang magawa kahit gusto niyang umupo sa tabi ko o ng daddy niya. Doon lang siya sa likod, nakatayo. Buong byahe siyang nakatayo, kinakausap si Gio.

"Sir, excuse lang po. May raffle po kami. Paki-fill out po nito"

May babaeng lumapit sa kotse namin. May inabot siya kay Gio na parang coupon, kailangan lagyan ng mga details tungkol sa sarili. Iyon ang nakita ko, eh.

"Sagutan ko lang 'to" sabi niya sa'kin, "Alexis, may gagawin lang si daddy. Huwag kang makulit" sabi ko sa anak ko. Nakinig naman siya.

"Mommy, I want to go to Kongkong, can we?"

Napataas ang kilay ko doon sa sinabi niya, "Anak, Kongkong? Saan 'yon?"

Narinig ko ang pagtawa ni Gio, "Les, sa Hongkong daw. Disney land pa rin"

Tiningnan ko si Alexis, nakangiti siya sa'kin. Akmang magdadasal pa dahil sa sobrang pagsasabi ng please, "Please, mommy. Please"

"Bawal pa si mommy, after I give birth nalang? Is that fine?"

"Yehey! Okay lang mommy, okay lang"

Naupo na siya sa may likuran, natagalan kasi si Gio sa pagsasagot. "Ano iyon?" tanong ko sakanya nang ibalik niya sa babae 'yung papel.

"Tinanong lang kung ano ang trabaho ko, saan nakatira mga ganun"

"Ano'ng nilagay mo?"

"Sabi ko doon personal driver ng asawa ko. Ikaw ang boss ko, ah"

Hinampas ko nga ng isa, "Baliw. Ganda-ganda ng trabaho mo 'yon ang nilagay mo?"

May inaabot siya sa'kin na pera, "Ano gagawin ko diyan?" tanong ko sakanya.

"Sa'yo na. Sukli ko, ikaw na magtago"

Dakilang taga ipon ako ng asawa ko ng mga sukli niya lalo na kapag kasama niya ako sa pagpapagas o kaya naman sa pamimili. Kinuha ko nalang sakanya 'yung sukli, "Alex, you want to go to Hongkong?" tinanong niya 'yung bata na nasa likod.

"Yes, daddy"

"Call tita, say you want to go to Hongkong" inabot sakanya ni Gio 'yung phone, kinuha niya lang 'yung cellphone pero hindi tinawagan si Gia. "Ano'ng ginagawa niya?" tanong ko.

"Naglalaro ng subway surf. Gusto niyang nilalaro 'yon. Ang sakit ng hampas mo, nasobrahan ka sa panggigigil sa'kin" hinihimas niya 'yung braso niya.

Hindi naman ah, "Sorry. Na-guilty tuloy ako. Sorry na"

"Kiss muna dito" tinuro niya 'yung pisngi niya. "Mukha mo, Gio. Mag drive ka nalang diyan"

Apat na buwan palang 'yung tiyan ko. Matagal pa ang hihintayin namin bago makita 'yung susunod na anak namin. Hindi ko nga inalam kung ano ang kasarian ng bata. Gusto namin surprise, si Gio naman puro pangalan ng NBA player ang gusto niya. Zach, Andreu, Leandro, Stephen at Dwayne. Kung anu-ano pa nga ang sinasabi niya sa'kin na gusto niyang pangalan. Lahat para sa lalaki talaga.

Nakakahiya man aminin pero palagi kong gusto na makita si Gio. gusto ko lagi siyang katabi sa pagtulog, kasabay sa pagkain. Kung pwede nga na pati sa paliligo nagawa ko na pero ayaw niya. Minsan ayaw ko na siyang papasukin sa trabaho, gusto ko na lagi siyang nakikita. Ang bango-bango niya kasi kahit walang pabango. Ang sarap niyang yakapin kahit ang init ng panahon. Tawa lang siya nang tawa kapag ginagawa ko iyon sakanya. Nananantsing na raw ako. Matagal na daw pala akong may pagnanasa sakanya. Ang kapal ng mukha ng asawa ko 'di ba?

Kung nagtatanong naman kayo ng tungkol sa mga kaibigan namin, simulan ko na kay Monica, sila na ulit ni Kuya. May plano na rin silang magpakasal kapag umuwi na si Kuya.

Si Charmaine at Diwata naman, walang sila. Ayaw talaga ni Diwata sakanya. May boyfriend si Charmaine ngayon, si Paul. Kahit kami nagtaka na silang dalawa ang naging sa huli.

Si Ralph at Angel naman medyo nagkalabuan. Si Angel kasi buntis na rin ang problema hindi si Ralph 'yung ama ng bata. Walang may alam kung sino ang ama ng pinagbubuntis niya. Ayaw niya kasing sabihin sa'min.

Si Dyosa naman, may boyfriend na foreigner, Irish ang boyfriend niya. Actually, nagpa sex change na rin si Dyosa. Isa na siyang matatawag na transgender, mas maganda pa siya sa'min nina Angel.

Si Jewel naman, kasama niya sa bahay 'yung girlfriend niyang Russian. Ang tangkad nga ng babae na iyon, pinakilala na niya sa'min. Sa pagkakaalam nga namin buntis na rin 'yung babae. Saka na raw ang kasal kapag nanganak na 'yung babae.

Maraming nagbago sa'min lalo na noong magkaroon kami ng mga sariling trabaho. Si Ralph nangongolekta yata ng sasakyan, niregaluhan pa nga niya si Angel. Ang sabi naman nila tanggap niya 'yung bata kahit hindi sakanya.

Lahat nga kami nagulat nang malaman namin na buntis si Angel, ang sabi namin baka tinatago niya lang na si Ralph ang ama ng bata pero si Ralph na mismo ang nagsabi sa'min na hindi siya. Wala pa daw silang ginagawang milagro.

"Mas maganda ba 'yung black o white?" tanong ni Gio sa'kin. Malapit na kami sa entrance ng mall, kanina pa niya iniisip kung ano ang kulay na bibilhin para sa sapatos.

"Black and white meron ba? Mas maganda iyon para sa'kin"

"Tingin tayo ng black and white. Alex, let's go."

Naunang bumaba si Gio, ang palagi niyang ginagawa kinukuha si Alexis sa lkiuran at bubuhatin niya ito. Tapos hihintayin niya ako na makalabas ng kotse, sabay kaming maglalakad. Parang pati ako anak niya, hindi maaalis 'yung kamay niya na nakahawak sa isang kamay ko.

Inaalalayan niya ako sa paglalakad. Inaasar niya kasi ako na baka maiwan niya ako dahil ang bagal ko daw maglakad. Lumalaki raw 'yung tiyan ko sa dami kong kumain.

Buhat-buhat niya si Alexis. Gawain na niya iyon kapag nalabas kami, "Nakatingin ka na naman sa pagkain" asar niya sa'kin.

"Di ah. Tumitingin lang ako sa mga bilihin" pagpapalusot ko. Nakakita kasi ako ng violet na cake, mukhang masarap. "Kaya nga hawak ko 'yung isang kamay mo para hindi ka makapagturo" natatawa niyang sinabi.

Para hindi makapagturo? Eh, kahit nga hindi ko sabihin na bilhin niya magugulat nalang ako dala na niya.

"Baka naman matiis mo ako Mr. Manansala, saan na ba tayo pupunta?"

Binaba niya si Alexis, "Hold mommy's hand" utos niya sa bata na sinunod naman nito, "I want ice cream, daddy. The green one, I want that"

"Green?" tanong ni Gio sa bata, "May green ba na ice cream?" tanong naman niya sa'kin.

"Sa tingin ko naman meron" tumingin siya sa paligid sabay sabi ng, "Yung nanay ang gusto violet. Yung anak naman green, sana yung bagong baby huwag naman blue"

"Narinig ko iyon" sabi ko sakanya, "Ay, narinig mo pala? Ang lakas talaga ng pandinig ng mga buntis"  nakangiti pa siya ng malapad.

Paano niya nagagawang ngumiti ng ganun kahit pagod na sa trabaho? Kauuwi lang ni Gio galing sa office. Dito na kami mag didinner sa labas. Hanga na rin ako sa lalaking ito.

Tiningnan ko lang siya. Ang saya-saya, eh. "Biro lang, bati tayo, wife" inakbayan niya ako. "Sorry na. hindi ka mabiro, ang bilis mong magtampo. Hindi kita yayakapin" dugtong pa nito, nakatingin lang ako sakanya.

Hinihila ni Alexis 'yung kamay ko, "Mom, I want to eat. Let's go"

"Di 'wag. 'wag ka rin tatabi sa'kin mamaya. Sa kusina ka matulog" inalis ko ang pagkakaakbay niya sa'kin at nagsimula nang maglakad kasama si Alexis.

"Mommy, si daddy wait lang natin" pinigilan ako ni Alexis na lumayo kay Gio.

Ito talagang bata na 'to mukha ng daddy niya ang laging hinahanap. Bukod sa hawig siya ni Gio palagi niya pang bukambibig ang daddy.

"Si mommy galit kay daddy" sumbong ni Gio sa bata, nakaupo pa siya para magpantay sila ni Alexis, "Tumayo ka na diyan. Ang arte mo, Gio. Gusto nang kumain ni Alexis"

Napakamot nalang siya sa batok, "Ang gulo ng mga buntis. Mas makulit ka ngayon" rinig kong sinabi niya.

~

"Bakit may ganyan? Hindi naman bagay" reklamo ko. Nanunuod kami ni Gio ng palagi niyang pinapanuod bago matulog. Nakakalimutan ko 'yung title ng movie na 'to. Wala naman akong pakialam sa palabas sa cable. Ang alam ko lang 45 dahil kay Alexis.

'Daddy, I want 45. I want Chase' palagi niyang sasabihin kapag naabutan niya kami ni Gio na nanunuod.

"Okay lang iyan, buti nga tulog na si 45" sabi niya. 45 ang minsan niyang tawag kay Alexis. Itong lalaki 'to nasisihasa na, sa tuwing manunuod kami ako ang ginagawa niyang unan, 'yung balikat ko ang lagi niyang sasandalan. Hanggang sa ako nalang ang nanunuod at siya tulog na.

"Gio, ang bigat ng ulo mo. Ang bigat na rin nitong bata na 'to. Matulog ka nalang kaya?"

Wala siyang sagot. Nilalaro niya 'yung isang kamay ko. Bibilangin niya 'yung daliri ko tapos maya-maya lang hinihigit na niya isa-isa. "Kantahan mo ako ng lullaby tapos may good night kiss at bed time stories din" nakatingin siya sa'kin habang sinasabi niya 'yon.

"Nahawa ka lang kay Alexis, ayaw ko nga"

Siya ang nagpasimula ng bed time stories na iyan. Kung minsan bible books pa ang binabasa niya kay Alexis. Pati nga 'yung bata sa tiyan ko kinukuwentuhan ni Gio bago matulog. Palagi niyang kinukuwento 'yung Little Red Riding Hood at Three Little Pigs, iyon daw kasi ang saulo na niya.

"Dali na. Inaantok na din ako"

Nakatingin lang ako sa TV screen, nag-iinarte lang si Angelo. Yung mukha niya dinidikit na niya sa pisngi ko. Pati yung noo niya nararamdaman ko na sa pisngi ko.

"Kulang ka na naman sa injection" sabi ko sakanya. "Matulog na tayo. Bawal akong magpuyat, 'di ba? Sabi mo"

Tiningnan niya ako saglit, sumunod rin naman siya sa sinabi ko. Pero ayaw niya akong tigilan sa pagyakap niya sa'kin, "Ang taba mo na nga. Seryoso"

"Alam ko. Kaya tigil tigilan mo ang pang-aasar sa'kin. Hindi na ako ulit manganganak" sabi ko sakanya. Ayaw ko na ng isa pang pag-iyak at pagpapahirap habang nanganganak. Huli na talaga 'to. "Tingnan natin"

"Baliw 'to" tinatawanan niya lang ako. Naaamoy ko na naman si Gio. Ang bango na naman niya kahit matutulog na kami. "Papasok ka pa ba bukas? Dito ka nalang" sabi ko sakanya. Nakahiga na kaming dalawa, tinitingnan ko lang siya. Nakapikit na siya ngayon, "Kailangan ako bukas. Sa isang araw naman sabado na, hintay lang ng kaunti"

"Eh gusto ko nandito ka bukas. Gusto kitang makita bukas, buong maghapon. Dali na, Gio" kinukulit ko na siya. Lahat na ng paglalambing gagawin ko. "Kiss mo muna ako" ginawa ko agad. Hinalikan ko siya sa may ilong lang, "Papasok pa rin ako bukas kahit ilang beses mo pa akong halikan at yakapin, bawal absent" sabi niya pero ngayon nakatingin na sa'kin.

"Ang daya naman, eh. Si Harvey na nga lang tatawagin ko. Sasabihin ko dalhin niya si Athena dito para may kalaro si Alexis"

"Sige, absent na pala ako bukas. Magpapahinga muna ako, good night kiss ako 'asan?" natawa ako bigla kay Gio. bawal ang absent pero nang sabihin niya na hindi siya papasok bukas parang hindi na niya pinag-isipan.

Binibiro ko lang naman siya na huwag ng pumasok. Alam kong kailangan talaga sya sa office bukas. Kahit araw-araw kailangan siya. Ang sarap lang pakinggan na gagawin niya kahit ano ang hilingin ko. Kahit alas dos na madaling araw gigising siya kapag sinabi ko na gusto ko ng ganito at magluto siya ng ganito.

Wala pa akong balak matulog. Kinukulit ko lang si Gio. hinahawakan ko 'yung mga pilik mata niya tapos pipisilin 'yung mga pisngi nya. Kapag hindi pa rin ako dinadalaw ng antok kinikiliti ko pa siya. Bulungan mo lang siya ng malapit sa may leeg tatawanan ka na niya. Nakikiliti daw siya kapag may nagsasalita sa bandang 'yon ng leeg niya. Kahit kailan hindi pa niya nagawang mainis sa'kin.

Pinagbibigyan daw niya ang buntis kahit mapuyat siya. Dapat lang, siya ang dahilan kung bakit may laman na bata 'tong tiyan ko, eh.

"Gio, hindi pa ako inaantok" sabi ko sakanya. Nakikinig pa rin iyan sa'kin, kahit ganito ako kakulit nauuna pa rin akong makatulog sakanya. Hinihintay niya raw akong matulog kahit pikit na 'yung mga mata niya.

Wala akong narinig sakanya. Hinahaplos niya lang 'yung ulo ko, gusto niya kasing ginagawa 'yon sa buhok ko. Parang sinusuklayan niya ako tapos hindi ko nararamdaman na dinadalaw na ako ng antok. "Good night, wife. Pagod na ako, matulog ka na. Mahal kita palagi" nakatingin siya sa'kin nang sabihin niya iyan, "Naks! Makata ka na pala ngayon. Good night na rin, pa-kiss ako" para akong bata na nangungulit dito.

~

Continue Reading

You'll Also Like

43.6K 96 49
Enjoy
138K 7.7K 46
Porcia Era Hart x Chrisen
522K 19.1K 28
Akaizha and Gwen | "we can never be friends"
346K 8.4K 16
She is a well-known actress. She knows how to act, and to fake her emotions, even her civil status. Who would have thought that she is already marrie...