Faking It (Published)

By taleswithelle

651K 10.2K 453

Roxanne hates Nikko's guts. Nikko fell for Roxanne. They're worlds apart. Will there be a happy ending? More

Chapter 1 - It Started With A Mess.
Chapter 2 - The Second Encounter.
Chapter 3 - The Deal.
Chapter 4 - Finding Raven.
Chapter 5 - The First Family Bond.
Chapter 6 - The First Fake Girlfriend's Job.
Chapter 7 - Out Of Town Dilemma.
Chapter 8 - The Deceiving.
Chapter 9 - The Folks.
Chapter 10 - Everything Nice.
Chapter 11 - First Kiss.
Chapter 12 - Bye Baby
Chapter 13 - The New Boy
Chapter 14 - The Awkward Phase
Chapter 15 - The Confrontation Phase.
Chapter 16 - The Confussion Phase.
Chapter 17 - The Jealousy Phase 1.
Chapter 18 - The Jealousy Phase 2.
Chapter 19 - It's Real!
Chapter 20 - Nikko's World 1.
Chapter 21 - Nikko's World 2.
Chapter 22 - We Fought.
Chapter 23 - We made Up.
Chapter 24 - Closer.
Chapter 25 - The Betrayal.
Chapter 26 - Astor.
Chapter 27 - The Heartbreak Troubles
Chapter 29 - Everything Nice & Jealousy's Price 1.
Chapter 30 - Jealousy's Price 2.
Chapter 31 - Family.
Chapter 32 - Perspective.
Chapter 33 - Surprised.
Chapter 34 - Frustrations.
Chapter 35 - Words Were Said.
Chapter 36 - Little Nikko Things.
Chapter 37 - Conflicts of Interest 1.
Chapter 38 - Conflict of Interest 2.
Chapter 39 - Caught.
EPILOGUE.
SPECIAL CHAPTER [BONUS]
FAKING IT SEQUEL

Chapter 28 - Secrets Unveiled.

11.6K 211 4
By taleswithelle

Kitang kita ni Roxanne kung gaano kasaya si Erah nung makita nya si Raven. She even saw tears ran down her cheeks nung makarga nya na si Raven.

Sinamahan nya si Erah kung nasaan si Raven. People seemed confused, pero ipinaliwanag ni Rex na isinama din nila nung time na iyon ang pangyayari. Alam din pala ni Rex yung tungkol sa kapatid ni Nikko.. the more reason kung bakit pinagkakatiwalaan ito ni Erah.

Actually, habang nasa kotse sila papunta kay Raven, nagkwento si Erah.

"A year before i met Niikko's father, i already gave birth to Astor." She started. She was just looking at her hands. Magkatabi sila ni Erah sa backseat ng kotse. Rex is driving them. "Astor is my son with my ex boyfriend. I did not tell him that i was pregnant when we broke up. I hid Astor in Paris. I let my trusted friend attend to him."

Hindi nagsalita si Roxanne. Mataman lang syang nakikinig.

"Then i met Nikko's father. I never really intend to keep Astor as a secret, pero natakot ako. Lalo na sa pamilya ko. Alam ko na malaki ang chance na maintindihan ako ng papa ni Nikko kung sasabihin ko yung tungkol kay Astor before we marry. But my family doesn't know a thing about Astor. Itatakwil nila ako kapag nalaman nila. Ikakahiya nila ako."

Then Erah paused and looked at her.

"It's the reason why i decided to open a shop in Paris, para may excuse ako para makasama si Astor. Para makita at makasama ko sya. Hindi ako masamang ina."

"P-pero.. sa ginawa nyo po, si Nikko ang nag suffer." Mahinang sabi ni Roxanne. Umiwas sya ng tingin kay Erah.

"I know." She admitted. "I know that now. Palagi ko'ng iniisip na swerte si Nicholas kasi buo kami. He had me, he had his father. Kumpleto kami. Kaya kay Astor napunta lahat ng pag aalaga ko, knowing na hinding hindi ko maibibigay sa kanya yung kung ano man ang meron si Nikko. I thought it was better na mas matutukan ko si Astor."

Erah bit her lips. She seemed to be restarining herself to be emotional.

"But i guess, it didn't work. Astor became entangled with dangerous people in Paris. Nagka affair sila nung anak nung mafia lord sa Paris. I never thought na ganoon na kalala yung problema ni Astor. Si Raven yung bunga noon. I did my best para makuha si Raven, pero tumagal lang sya ng ilang araw sa akin. Nagkagulo. Then the babysitter I hired to attend to Raven vanished. I don't know where i would find her."

"I met her. Doon ko po nalaman at napagbuo yung story nya. I did not believe it at first. She was insisting na anak si Raven ng kapatid ni Nikko. I even thought that she's crazy."

"I understand. Although alam ni Rex yung tungkol kay Astor, hindi nya alam yung tungkol kay Raven. I shoudl have told him, edi sana matagal ko ng alam." She shook her head.

Nakikinig lang si Rex sa kanila pero focus pa rin ito sa pagda drive.

"I don't know how to tell Nikko and his father about Astor and Raven.."

"Sa tingin ko po maiintindihan din nila kayo.. Sa una, baka magalit sila but eventually, maiintindihan nila ang lahat." Ngumiti si Roxanne.

Erah looked at her like she was a ghost. "I'm sorry for the last time we met. I treat you bad."

Umiling iling si Roxanne. "W-wala naman po sa akin yun. Naiintindihan ko naman po kayo. The trught is.. W-wala na po kami ni Nikko. Alam ko po na hindi naman talaga kami para sa isa't isa. Alam ko po yung nararamdaman nyo." Yumuko sya nang sabihin yung huling mga kataga.

"Huh? But why?" Nakit ni Roxanne na nangunot yung noo ni Erah.

She tried to look happy. "I guess, hindi po talaga kami bagay. Naging close lang din naman po talaga kami dahil kay Raven. Wag po kayong mag-alala."

Kita ni Roxanne yung tila pagka bigla ni Erah sa sinabi nya. "I-i wasn't actually planning on breaking up the two of you now.." Napalabi na sabi nya.

Ngumiti si Roxanne. "S-salamat po. Pero okay na po sa akin ang lahat. Maging masaya na lang din po kayo na makikita nyo na si Raven."

Wala ng nagsalita sa kanila after noon.

Inayos nila yung papeles tapos nagka pirmahan. Katulad ni Nikko ay halos dinaan na naman ni Erah sa pera ang lahat. She 'donated' two million.

"I really want to thank you for this, Roxanne." Hindi maipaliwanag yung saya sa mukha ni Erah habang nasa kotse na sila at karga karga nya si Raven.

"Mama! Mama!" They heard Raven said, tapos parang inaabot si Roxanne.

Nahihiya na tumingin si Roxanne kay Erah.

"Oh.. he thinks you are his mom!" Pero nakangiti pa rin si Erah na ikinagulat nya. "Here." Inabot sa kanya ni Erah si Raven.

They heard him giggled.

"Raven! Raven!" Playful na sabi nya habang nilalaro ito. "Miss mo si mama? Miss ka na rin ni mama!" Hinalik halikan nya ito kung saan saan and he just kept on giggling.

May kakaibang kislap sa mga mata ni Erah nung makita ang eksena na iyon.

Nagpa baba na lang si Roxanne sa highway. Bagamat nag insist si Erah na ibaba sya sa mismong tapat na ng apartment nila, nagdahilan na lang sya na may dadaanan pa sya.

Nasa trabaho pa si Yna ng dumating sya, so she used her keys.

Hindi nya pa rin maisip na nangyayari ang ganung pangyayari sa totoong buhay. She's just really happy na ganito na rin yung nangyari. Kaya siguro magaan talaga loob ni Nikko sa bata kasi pamangkin nya pala yung bata.

Small world.

Nang sumagi sa isip nya si Nikko ay parang may kumurot sa puso nya.

Masakit.

Ano na ang gagawin nya?

Nikko pulled his self up.

Hindi sya papayag na makapag move on si Roxanne at mahulog kay Miguel Arenas.

Hindi nya maisip yung sarili nya pagdating ng panahon na iba yung kasama nya, tapos si Roxanne at si Miguel ang magkasama. Gusto nyang manuntok kapag naiisip nya yun.

Malaki ang impact ng mga sinabi ni Rex sa kanya.

He's her first. Ramdam nya yung pagmamahal ni Roxanne, at umaasa sya na hindi agad iyon mawawala at hahayaan sya nito na magpaliwanag.

Pero gusto nya muna na kausapin ang mama nya.

He need to settle things with his mom first. Ipaglalabasn nya si Roxanne kahit ano pa ang sabihin ng mama nya. Besides, kampi sa kanya ang daddy nya.

Nagtawag sya ng katulong para linisin yung condo nya. Naligo sya at nagpasya na dumiretso sa ancestral house nila.

Pero nagulat sya sa sinabi ng katulong ng hanapin nya ang mama nya.

"Senyorito, may pumunta po dito kanina. Roxanne daw sya."

"What? N-nasan na sya?" Biglang kumabog yung dibdib nya. Pumunta si Roxanne doon?

"Kasama nga po umalis ng mama nyo."

"What?!" Hindi maganda yung kutob nya ng sabihin iyon ng katulong nya. "Saan sila pumunta? Anong gagawin nila?"

"Senyorito, hindi naman po mukhang galit si Senyora. Pero hindi ko po alam, hindi sila nagpasabi."

He hurriedly dialled his mother's number. "Where are you? Nasaan si Roxanne?" Tumataas baba yung dibdib nya sa kaba.

"I haven't even had the chance to say hello!" His mom said. "She's at home now, i think. Kanina pa kami naghiwalay." Kalmado na sabi ni Erah.

"Saan kayo pumunta? Ano'ng ginawa mo sa kanya?"

"What? Relax, Nicholas. We just talked."

"Talk? You don't like her for me!"

"Who says so?" Napatigil sya ng sabihin iyon ng mama nya. Mukhang maganda din ang mood nito dahil halatang jumpy ang boses. "But I heard na nag break kayo?"

"Damn it!" Sabi nya bago pinutol ang linya.

Is she mocking him? Kaya ba masaya ang mama nya dahil break na sila?

"Fuck!" Hindi nya mapigilang sigaw bago muling sumakay sa kotse nya at pinasibad papunta kila Roxanne.

Parang tanga na nakatulala si Roxanne sa bintana ng apartment nila ni Yna habang nagpapatugtog sya ng kung anu ano'ng rock songs sa laptop. Nakaupo lang sa sa gilid ng kama nila habang yaka yakap yung unan nya.

Kahit ano'ng pigil nya ay hindi nya napigilan na lumuha.

Namimiss nya na si Nikko.

Gusto nyang yakapin si Nikko, pero tuwing naiisip nya yung ginawa nito sa kanya, ang sakit sakit. Bakit palagi na lang syang naloloko? Kasalanan nya bang magmahal ng lalaki na out of her league? Mga lalaki na kagaya nila Alex at Nikko?

Siguro nga.

Siguro nga yun yung dahilan.

"Kasalanan mo yan, kaya magdusa ka." Sabi nya sa sarili.

Biglang may narinig syang katok.

Masyado namang maaga para umuwi si Yna. Baka maagang na dismiss.

Pinatay nya yung tugtog sa laptop tapos lulugo lugo na lumapit sa pinto at binuksan ang pinto. Nakayuko sya ng buksan iyon kaya hindi nya napansin na si Nikko na pala iyon. Nung nakapasok na si Nikko, tsaka nya lang ito nakita.

"N-nikko? Anong-" Hindi pa sya tapos magsalita ng bigla sya nitong yakapin at halikan ng mariin sa labi.

She froze for a second bago sya nagkaroon ng lakas ng loob na itulak ito palayo sa kanya.

"Nikko ano ba!" Hindi nya alam kung ano ang mararamdaman nya. It was exactly what she wanted to do, pero hindi pwede. Ayaw nya na. Mauulit at mauulit lang din naman yung dati.

"Roxanne, please.." He pleaded. lalapit sana sya ulit si Nikko pero umatras sya and put her two hands in betwen them.

"Umalis ka na Nikko. Please." It's now her turn to plead.

"Let's talk. Don't do this to us. Don't do this to me. Please Roxanne. Hindi ko kaya. Ayoko." Nagsimulang tumulo yung luha sa mga mata ni Nikko. He doesn't look like the dashing and model Nikko. Nanlalaki yung mga eyebags nya.

"Ayoko na rin. Ayoko ng makita ka at makausap. Break na tayo. Ayoko na." She started to cry too.

"Roxanne, wag. I don't know how Lyndsay got there. I was at a party with my male friends.. walang babae. H-hindi ko alam paano sya nakapunta sa condo ko." He was speaking too fast as if anytime ay mawawala si Roxanne sa tabi nya. He tried to get close, pero lumalayo sa kanya si Roxanne.

Napaka sakit sa kanya na makitang lumalayo si Roxanne sa kanya.

"Wala ako'ng pake. Magsama kayong dalawa." Matigas na sagot ni Roxanne kay Nikko but still trying not to let out the sobs.

Nikko started sobbing. Nanghihina na lumuhod sya sa harap ni Roxanne. "Please. I can't live without you. I love you Roxanne, more than i ever knew i would love someone. This was just a mistake. I even told you to pretend to be my girlfriend para umiwas kay Lyndsay! How would i cheat you with her? Please, I love you." Paluhod syang lumapit kay Roxanne.

Nikko hugged Roxanne's waist.

"I'm sorry if you have to see that. Hindi ko alam kung may nangyari sa amin o wala. I admit i was drunk but i would never ever cheat on you. Please, give me another chance! I love you. I love you so much!" Pahigpit ng pahigpit ang yakap ni Nikko sa kanya.

Nakalapat ang kabilang pisngi ni Nikko sa tummy nya.

She doesn't want to talk. Hinahayaan nya lang na tumulo yung luha nya.

"Roxanne, baby. Say something. Say that you are giving me another chance.." Mahinang sabi ni Nikko sa pagitan ng pag hikbi.

Dahan dahan na inalis ni Roxanne yung pagkaka yakap sa kanya ni Nikko tapos dahan dahan syang lumayo at tumalikod.

Dali daling tumayo si Nikko at yinakap mula sa likod si Roxanne.

"Umalis ka na." Sabi ni Roxanne.

"No, please. Ayoko. Dito lang ako." Mahinang sabi ni Nikko habang humihikbi.

"Nikko ano ba!" Linakasan nya yung boses. "Ayoko na nga eh! Umalis ka na! Hindi rin naman tayo bagay. Okay?" Marahas na inalis nya ulit yung pagkaka yakap sa kanya ng lalaki at humarap dito. "Hindi mo ba naisip kung bakit nangyayari to? We're not destined to be together. Mayaman ka, Nikko. Mahirap lang ako. Hindi ako model kagaya mo. Langit ka, lupa ako. Kita mo yung difference?!" Galit na sya this time. Masakit yung katotohana, pero yun yung totoo.

"Wala ako'ng pake. Mahal kita, mahal mo ako. It's all that matters." Nikko tried to calm his self. He needs to compose his self. Kailangan nyang kumbinsihin si Roxanne na bigyan sya ng chance.

"You don't understand, Nikko.." Lumalam yung mga mata ni Roxanne, pasalampak syang naupo sa sahig. Nanghihina na sya. Masyado na syang naging matatag para paalisin si Nikko kanina pa, pero hanggang doon na lang yata sya.

Umupo din si Nikko sa harap nya. Hinila nito yung kamay nya palapit kay Nikko at yinakap sya.

"Let's stop, okay? Mahal kita. Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka sa akin. I won't cheat on you. It's not just a promise. I will do it. Come back to me.."

And it's all that it takes para gantihan nya rin ang yakap ni Nikko..

------------


Continue Reading

You'll Also Like

603K 10.4K 51
(SELF-PUBLISHED) (COMPLETED) [Los Herederos Series: Larzene Del Valle] Sira na ang buhay ni Larzene Faye Del Valle simula pa lang. Magulo na ito, pun...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
3.7K 53 41
Royal Series #5 Coldness is an understatement of Danae's personality. She is an untouchable human because of her disinterest in everything around her...
79.7K 3.3K 61
You can't make someone love you... All you can do is stalk them and hope they panic and give in. -Some chapters contain mature content.