The Pristine

بواسطة thesuchness

2.6M 56.6K 8.1K

. المزيد

The Pristine
Simula
Ang Pang-Una
Ang Pangalawa
Ang Pangatlo
Ang Pang-Apat
Ang Pang-Lima
Ang Pang-Anim
Ang Pang-Pito
Ang Pang-Walo
Ang Pang-Siyam
Ang Pang-Sampu
Ang Pang-Labing Isa
Ang Pang-Labing Dalawa
Ang Pang-Labing Tatlo
Ang Pang Labing-Apat
Ang Pang-Labing Lima
Ang Pang Labing-Anim
Ang Pang-Labing Pito
Ang Pang-Labing Walo
Ang Pang-Labing Siyam
Ang Pang-Dalawampu
Ang Pang-Dalawampu't Isa
Ang Pang-Dalawampu't Dalawa
Ang Pang-Dalawampu't Tatlo
Ang Pang-Dalawampu't Apat
Ang Pang-Dalawampu't Lima
Ang Pang-Dalawampu't Anim
Ang Pang-Dalawampu't Pito
Ang Pang-Dalawampu't Walo
Ang Pang-Dalawampu't Siyam
Ang Pang-Tatlumpu
Ang Pang-Tatlumpu't Isa
Ang Pang-Tatlumpu't Dalawa
Ang Pang-Tatlumpu't Tatlo
Ang Pang-Tatlumpu't Apat
Ang Pang-Tatlumpu't Lima
Ang Pang-Tatlumput Pito
Ang Pang Tatlumpu't Walo
Ang Pang-Tatlumpu't Siyam
Ang Pang-Apatnapu
Ang Pang-Apatnapu't Isa
Ang Pang-Apatnapu't Dalawa
Ang PangApatnapu't Tatlo
Ang PangApatnapu't Apat
Ang Pang-Apatnapu't Lima
Ang Pang-Apatnapu't Anim
Ang Pang-Apatnapu't Pito
Ang Pang-Apatnapu't Walo
Ang Pang-Apatnapu't Siyam
Ang Pang-Limampu
Ang Pang-Limampu't Isa
Ang Pang-Limampu't Dalawa
Ang Pang-Limampu't Tatlo
Ang Pang-Limampu't Apat
Ang Pang-Limampu't Lima
Ang Pang-Limampu't Anim
Ang Pang-Limampu't Pito
Ang Pang-Limampu't Walo
Ang Pang-Limampu't Siyam
Ang Pang-Animnapu
Pagtatapos

Ang Pang-Tatlumpu't Anim

29.8K 724 183
بواسطة thesuchness

"Excuse me," sabi ko sa hapag.

Kyuryuso ang mga mata ni Ate Yllana sa'kin ngunit pinagdikit ko lamang ang labi. Nawala na si Kyen sa likuran ng maliit na fountain dito sa garden ng mga Alejandre.

Pareho kami ng tinahak na daan hanggang sa pumasok na ako sa powder room.

"Your little pet is here..."

Nahugot ko ang hininga. Hindi ko gusto ang tono ng boses ni Kyen ngunit tumuloy ako.

"Uh-huh. 'Wag kang dadalo. Its already creepy to see both..." Humahagod ang mga daliri ni Kyen sa kaniyang hanggang bewang na buhok. Ang isang kamay naman nito ay hawak ang iPhone sa tenga.

Tumikhim ako nang humarap sa parehong salamin. Nilingon lamang ako ni Kyen sa repleksyon at tumaas ang kilay. Pagkatapos, dumiretso sa pakikipag-usap sa phone.

Sa una pa lang naming pagkikita ay matalas na kaagad ang kaniyang mga mata. Ngayong napapakinggan ko ang kaniyang boses sa kulob na space ay nalaman kong hindi lang pala mata ang matalim at matalas sa kaniya.

Simple kong kinuha ang foundation sa loob ng sling bag. Marahan ang pagdampi ko sa bandang cheekbones.

Tiningnan ko itong muli sa repleksyon namin. Nakanguso si Kyen at para bang kumikislap ang mga mata sa tuwa. Sa isang segundo ay bumalik ang lahat sa pagiging malamig at maarte nito.

"You fucking coward!" Kyen's voice dripped with disappointment. 

But for who?

Napaawang ang aking bibig.

Bakit pa ba kasi ako nagpunta rito? Well, ang sabi nga nila ay maliit ang mundo. Hindi ako dapat mabahala. Ang mundo ng mga mayayaman ay isa lang kaya posibleng makita ko sila Kyen dito.

Nang ibabalik ko na ang foundation ay muntik nang nalaglag ang sling bag na nakapatong lang sa mosaic na tiles.

"Uhmm! Salamat..." Kinagat ko ang labi.

Nasapo iyon ni Kyen. Kumunot ang kaniyang noo sa'kin at tumango. Muli ay nanumbalik ang atensyon niya sa kausap.

"Would you try to stop licking pussies of the same claws, please," aniya.

Bumalik na ako sa long table namin. Binuga ko ang hiningang kanina ko pa pinipigilan.

Hindi ko man nakausap si Kyen ay kinumbinsi ko na lang ang sarili na wala lang 'yon. Maliit nga naman ang mundo.

Sa bawat pagsubo ko habang kumakain ay parang laste akong nabibinat. Malapit na akong maputol dahil nauubos na ang pasensiya ko. Gusto ko nang umuwi. Gusto ko na ulit sa yakap ni Ram.

Kalagitnaan sa hapag nang gabing ito ay bigla na lamang tumayo si Ate Yllana at nagmamadaling nag-sorry.

Napaawang ang bibig ko. Natigil ang lahat ng kumakain. Si Jessica ay ngumisi lamang habang sinusundan ng tingin si Ate Yllana na nanginginig ang balikat.

"Excuse us, please. Eunice, Adonai. Kakausapin ko lang si Yllana." Si Mama naman ang tumayo at nag-iwan ng napkin sa table. Sumunod si Mr. Alejandre.

Akalo kapag naging bakante ang mga upuang iyon ay makakahinga ako. Hindi pala dahil mas nakaka suffocate dahil nasa akin ang atensyon nilang lahat.

"Tell me, hija. Did Yllana invited you over? Nagpunta pa siya sa inyo para lang sunduin ka?" kibo ni Grandma na sumisimsim ngayon ng wine.

"O-Opo..." Kinagat ko ang labo.

"Then if that's the case, you should not have accepted. Your sister is just being polite. Nakita ka siguro ng kapatid mong mag-isa at walang kasama. What she feels for you is only pity, hija." Umiling si Grandma at ngumiting diskyumpado sa akin.

Dumiretso ang likod ko. Parang lalagutok 'yon sa sobrang tigas. Nanginginig ang buong katawan ko sa hiya at galit.

"Please, Mrs. Alejandre! Cristina is a very beautiful young lady. Its a pleasure to dine with her." Humalakhak si Madame Eunice nang nakataas ang kilay. Like she's mocking me and this family. Hindi ko iyon mapagtanto. 

Sa gilid ng aking mga mata ay bukas na bukas ang mga mata ni Kyen sa palitan ng salita. Blanko lamang ako nitong tininnan, tinatanya ang aking mga galaw. 

"Chrissy is not our cousin, Tita Eunice, if you don't mind me interrupting. Anak po siya sa labas because of Tita Mara's carelessness with that old politician or something," walang prenong sabat ni Jessica. 

Nilabanan ko ang pagtakip sa aking bibig dahil sa kaniyang sinabi. Nakakabastos iyon at sa lapag pa kung nasaan presentable ang lahat!

Papalit-palit ang tingin ko sa kanilang lahat na nagulat at suminghap. Hindi ako makapagsalita o dipensahan man lang ang sarili ko. Hindi ko kayang kumibo o paganahin ang matapang na tabas ng aking dila kasi totoo. Tama naman si Jessica, tama silang lahat.

"Oh! I'm terribly sorry, hija." Lumaki ang mga mata ni Madame Eunice sa gulat at sa simpatya ngunit umiling ito. "I didn't know such a family like yours would have a drama like you. Siguro ang mommy mo ay nakakaproblema palagi." 

Hirap akong lunukin ang malaking balakid sa aking lalamunan. Umusok ang gilid ng aking mga mata. 

"Don't mind her, tita. Hindi naman siya kaparte ng pamilyang ito. Her existence is almost laughable. She'll never be an Alejandre," si Jessica.

Kinurot ko ang munting parte ng table cloth habang nakikinig sa kanilang lahat. Naririnig ko ang munting mga bulungan mula sa mga matatanda at tawanan sa mga pinsan ko. Lahat sila ay pinagpepyestahan ang aking bawat reaksyon and I'm just sitting here, fucking helpless. 

Walang luhang lumalabas sa aking mga mata dahil sa puso ko sila tumutuloy. Bawat patak ay mahapdi at masakit. Nang mapuno ito ay saka lamang nag-unahan anga mga mainit na likido sa gilid ng aking mga mata.  Kahit na nilalabanan ko ay kay hirap. 

"Excuse me..." Halos bumaon sa lupa sa paa ng upuan nang magpasya akong umalis. 

Pinirmis ko ang likod ng kamay sa ibaba ng isang mata para pigilan ang luha. Ayaw nitong papigil. Humihikbi ako habang naglalakad palayo nang napatigil sa nag-aaway na mga Alejandre. 

"He's not coming again, Mom! Hindi nanaman siya dadalo at ayos lang sa inyo! He's fiancee for god's sake and he's not only disrespecting me but he's also disrespecting you! Ayos lang sa inyo!" Humahagulgol si Ate Yllana habang ang mascara ay umaagos na sa dalawang pisngi. Napatigil ang aking mga luha dahil sa gulat. 

Oh my  god!

"We're only trying to salvage of what's left of our company, Yllana! That's why we had no choice but to accept their proposal! As long as the Donofrio supports our business then I don't care what the hell he chooses to do and so should you!"

"Our company is already crumbling down and you know it. There is no salvaging on this because the company's dead!" Ate Yllana sobbed. "Binibenta niya ako for a lost cause! They will just liquidate everything to put it under their name!"

"Tanga, Yllana! You are blinded by your love towards your fiancee. I didn't say you couldn't love him but be this close minded? My god, Cassandra Yllana! If he likes to have some tumble in the sack before getting married then let him. He's anticipating the married life then its a good thing!"

"Fuck the marriage! I want out!" 

Sa aking kinatatayuan ay malinaw na malinaw kung paanong malakas na nagmura ang daddy ni Ate Yllana bago lumagapak ang palad sa pisngi ng ate. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig at doon lamang naisipang umaksyon.

Mabilis akong kumilos. Sinangga ko ang ikalawang sampal na igagawad ng mga kamay ni Mr. Alejandre. Nagpuyos lamang lalo ang apoy sa mga mata nito.

"You... How dare you come in my house and dine with my family? Nakakasuka! You're the living disgrace of this family!" bulyaw niya sa'kin, ang litid sa leeg ay puputok na. 

Napapikit ako sa gulat at sa takot. Noong bata pa lang ako, kahit pupunta lang ako rito sa bahay nila Mama ay walang oras na hindi ko sila maririnig at makikitang nagtatalo. Ako ang kanilang pinagtatalunan palagi at palagi ay uuwi akong bugbog sa trauma.

Naririnig ko ngayon, sa dalawa kong tenga, ang nakaraan. Kung paano sila magmurahan at ang kaba sa puso ko tuwing makikita kong sinasaktan niya si Mama.

"Dad, stop! Hindi kasali siya kasali rito. Chrissy, bumalik ka na roon!" Sinangga ni Ate Yllana ang katawan para sa akin katulad ng ginawa ko sa kaniya kanina. 

"Hindi ako babalik do'n. U-Uuwi na ako," tuloy-tuloy kong sabi.

"Good to hear, then! Pumasok ka sa pamamahay ko at sumingit pa sa away naming pamilya nang walang hiya! Huwag kang magkakamaling bumalik sa bahay na ito---"

"Benjamin! Tama na!" Matigas ang boses ni Mama na sumingit.

Hindi ako makapaniwala nang nilingon ko si Mama. Mukhang nagulat din siya sa kaniyang inastang panananggol. Would you defend me now, mother? After all those years, would you defend your daughter? Uminit na muli ang sulok ng mga mata ko.

"Now, you're against me, Mara. Nakita mo na ang nagagawa ng anak at kabit mo? My wife and my daughter, against me! Wala nang ginawang mabuti ang kalandian mo, Mara!"

Napaluha si Mama at umiling. Umatras ito ng hakbang na tila ba sumusuko na sa mga salita ng kaniyang asawa. Yumuko ako. That's a no, then. Papayag at susuko nanaman ang Mama ko para lang insultuhin ako ng ganito ng kaniyang lalaking pinili, at hindi si Papa 'yon.

"And you, my child. Stop being so paranoid. Kaya ka lang naman nababahala ay dahil madalas mong kasama ang kapatid mo sa labas. You're thinking way too many possibilities that this mistake will happen once again. Iyan ang impact ng pagsama mo sa Cristina na iyan!" ani Mr. Alejandre.

"No! Hindi totoo 'yan. She's been comforting me all along habang kayo ay kumakampi pa sa kagaguhan ng lalaking iyon--"

"'Wag ka nang muli pang sasama sa babaeng ito and you will stay in your fiancee's house. Is that clear, Yllana?" dagdag pa nito.

"Dad, please!" 

"Do I made myself clear or do I have to forfeit all your trips abroad?"

Natulala ako sa makintab na tiles. Narinig ko ang, "yes", ni Ate Yllana sa pinakamaliit na boses. Iyon na ang patalim na pumutol sa lubid na nakatali sa aming dalawa. Iyon ang kaniyang pagpayag na magkahiwalay kami. 

Pagkaraan ng ilang segundo ay umalis na si Mr. Alejandre kasunod si Mama.

"Pasensiya ka na kay Chrissy, Ben. She's always insecure and maybe she envies Yllana kaya ganoon..." Naririnig ko ang kanilang mga boses na nagtatalo pa rin.

Nakatingin lamang ako sa sahig, nanghihina at naubusan ng paninindigan sa sarili. Hindi ko na alam kung ilang pambabatikos ang sinabi nila sa'kin pero alam kong kahit hindi ko ilista ay nakamarka sila sa pagkatao ko.

Siguro, iyon ang pagkatao ko, ni Chrissy. Walang pamilya. Nabuhay sa mali. Naiinggit.

Nag-angat na ako ng tingin kay Ate Yllana na takip ang kaniyang bibig para pigilan ang paghikbi. Umiiling ito sa akin na tila ba humihingi ng tawad pero hindi makapagsalita.

"Okay lang, ate..." Ngumiti akong mapait at humakbang patungo rito. Niyakap ko na lang si Ate Yllana, my big sister, my protector, but she's broken and bleeding right now. 

Kahit mas matanda si Ate Yllana sa akin, tanggap ko na ang kapalaran ko. Pero, ang makita siyang nagkakaganto ay hindi maaari. Ibibigay ko ang lahat para lang huwag niyang maranasan ang mga naranasan ko. Dahil bilang kapatid niya, ayaw kong makita siyang nasasaktan katulad ko.

"Goddammit, Chrissy. Sorry! I'm so sorry! I had no choice!" Panay ang sorry ni Ate Yllana nang nang nasa kotse na kami. 

Sa nangyari ay natigil na ng intimate family dinner kaya mabilis itong pumuslit. Ngumiti akong tipid dito, despite all my dried tears. 

"Okay lang. Hindi mo kasanalan..." 

"Salamat ulit kanina, Chrissy. Ikaw lang talaga ang nakakaintindi sa akin. Its hurts so much that even Mom and Dad doesn't side with me on this one..." sabi niya habang nagda-drive.

Tumango akong tahimik.

Nagpokus ako sa mga nadaraanan naming mga puno. Medyo maaga pa naman pero hindi pa rin ako kampante na magmamaneho pa ulit si Ate Yllana pabalik.

"Hey..." tawag niya pagkaraan ng ilang minuto.

Binalingan ko ito. 

Ngumiti si Ate Yllana. Ngayong hindi na siya umiiyak at wala na ang sumabog na make-up sa mukha ay gumaan ang dibdib ko. Lumilitaw pa rin ang kaniyang ganda kahit na namumula ang mga pisngi sa ilong. 

"Kanina ko pa napapansin iyang necklace mo. It really suits you. Is that Pandora?" Nililingon ako nito.

"Oo. Bigay ng boyfriend ko." Kinagat ko ang labi at napangiting tipid. Naalala ko iyong birthday ko na binigay ito ni Ram. 

Tumigas ang tingin ni Ate Yllana sa daan at medyo nawala ang ngiti. Napahawak ako sa binigay sa kwintas. 

"My fiancee likes to give those kinds of jewelries too. I know he only asks his secretary to buy it but for me, it means so much. I'm sorry..." Ang kaniyang ngiti ay muling nauwi sa mga luha. Sumikip ang aking dibdib haban tinitingnan itong nakakabasag-basag. 

"He kinda left a mark in me, you know...somewhere around here..." Dinuro nito ang puso at lumuha nanaman. Nanatili akong tahimik. 

"Mag-iingat ka sa pagda-drive. Huwag kang masyadong mabilis," sabi ko nang nasa tapat na kami ng apartment ko.

"Yes. Thank you."

Ngumiti ako rito. Bago rumolyo paitaas ang bintana ng driver's seat ay dumungaw si Ate Yllana. "Love you, sis..."

"Love you, too!" sagot ko, nararamdaman sa aking puso ang mainit na kamaong yumayakap dito. 

Papasok pa lang ay dinudutdot ko na ang cellphone. May missed call doon si Ram na dalawa kaya naman ang numero niya kaagad ang dinial ko.

Walang sumasagot. Kinagat ko ang labi.

Nagpasiya akong magbihis na muna. Mga trenta minutos ang lumipas ay tumawag akong muli ngunit dalawang beses na akong tumawag ay wala pa rin. 

Maaga pa naman ang alas nueve. Hindi pa iyon tulog. O, baka naman may ginagawa? O, baka nasa bistro. Nagpaalam naman na ako kanina na hindi ako aattend sa shift at babawi na lang sa weekends.

Si Mirna na ang tinawagan ko.

"Problema mo? Busy!" bulyaw niya kaagad.

"And'yan ba si Ra-- si Sir Ram?" Kinagat ko ang labi. Naririnig ko na ang buhay ng bistro sa background. Medyo naging kampante ako dahil nakauwi na rin ako sa wakas. 

"Ah, 'yung Sir Ram mo? Ayon nangbababae."

"A-Ano?" Napaawang ang labi ko. Anong nambababae?

"Joke lang! Wala. Hindi pumasok, e. Wala bang sinabi sa'yo, Chrissy?"

Nakahinga ako ng maluwag ngunit hindi iyon sapat. Hindi naman iyon nagpaala sa'kin na may pupuntahan. Saan iyon nagpunta? 

Bakit hindi siya pumasok?

Nagpasalamat na lang ako at pinatay ang tawag. Sinubukan ko ulit ang numero ni Ram ngunit wala talagang sumasagot.

Baka may ginagawa lamang sa kumpanya. At hindi naman ako nananakal kung ganoon.  Hindi ko siya kailanman pipilitin. Kahit na ang gusto ko ngayon ay ang kasiguraduhan na may uuwian ako, kahit hindi permanente pero totoo. Iyong hindi ako itataboy at ikakahiya.

Dalawang oras akong tulala sa kisame ko, nag-iisip.

Hindi ako makatulog at pagkaraan pa ng isang oras ay bumangon akong kama. Hindi ko na kinaya! Hindi naman ganito si Ram kaya naman masama ang aking kutob.

Dire-diretso ako sa palabas ng bahay at binaon ang susi sa bulsa matapos mag lock. Gusto ko si Ram. Gusto ko siyang makita. Kailangan ko siya ngayon sa rason na kukumpirmahin kong may taong nasa tabi ko pa rin. 

Malamig ang simoy ng hangin sa labas. Mabilis akong nakapunta sa labas ng bahay ni Ram at tinangala ito. Mukhang wala d'yan si Kyen o kahit na sino dahil naka-lock ang gate at wala ang sasakyan ni Ram. Wala ring bukas na mga ilaw.

Tumawag ulit ako sa numero ni Ram ngunit katulad kanina ay wala paring sumasagot kaya naman nag-text na lang ako. 


Ako:

Nasaan ka?


Tiningala kong muli ang saradong bahay. Napabuntong hininga na lamang ako bago naupo sa gutter dito sa labas. Pagkatapos siguro ng kalahating oras ay babalik na ako sa apartment. Magbabakasakali na lang muna ako. 

Halos mag-iisang oras na ako rito ngunit wala paring dumarating na text o anino ni Ram. Nabali ang kalahating oras ko. Nilalamok na ako sa labas ng gate ngunit dumaan pa ang isang oras ay wala pa rin. 

Nasaan na ba kasi si Ram?

Napasuklay ako sa buhok. Bakit ba kasi ako nagpunta pa rito? Na kapag ba nakita ko si Ram ay maaaring mawala itong bigat sa loob ko? Na baka ilang taon na rin ang nakalilipas simula noong mayroong taong totoong nakakita ng aking mga problema?

Dahil iyon lang naman ang nakikita kong dahilan. I've been alone since the longest time I remember that any contact from anyone can do, ngunit ang binibigay ni Ram sa akin ay walang kapantay. And I basked in it. 

The attention...the intimacy... its just been so, so, so long. Nakakapagod maging mag-isa. 

 Tumayo na ako at nagpagpag ng pang-upo. Hindi pa man humahakbang ay narinig ko kaagad ang pamilyar na huni ng sasakyan.

Si Ram!

Gusto kong mangiti ngunit nanlaki kaaad ang mga mata ko nang hindi tumigil ang headlights itim na kotse. Rumaragasa ito patungo sa bahay, kung nasaan ako. Mabilis akong tumakbo palayo rito, ang ulo ay pumipintig. 

Sumalpok ang sasakyan ni Ram sa malapad na gate ng kaniyang bahay. Bangga iyong bumper at nakalas ang isang bisagra noong gate! Fuck!

Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib ngunit halos liparin ko ang patungong driver's seat. Nangilid ang mga luha sa gilid ng aking mga mata ngunit kabadong-kabado akong sumilip. 

"Ram! Anong nangyayari sa iyo? Shit!" Basag ang bintana ng driver's seat at madali kong nabuksan ito. Isang malakas na buntong hininga ang aking pinawalan nang makitang walang galos si Ram o bahid ng dugo. Inflated ang airbag sa steering wheel.

Fuck, muntik na akong masiraan ng bait! Damn it! 

Niyugyog ko kaagad ang balikat ni Ram dahil nakapikit ang kaniyang mga mata. Sa ilaw sa loob ng kotse ay pulang-pula ang kaniyang leeg at tenga. Lasing na lasing ito, for pete's sake!

"Halika na sa loob, Ram. Lasing ka na..." Kinawit ko ang mabigat nitong braso sa aking balikat at hinawakan sa bewang. Halos madapa kaming dalawa habang papasok sa front door. Kahit nanginginig ay pinilit kong tatagan ang sarili.

Pero shit, anong nangyari at ganito siya kalasing? He's too fucking wasted to even know where he should park his car! Wawasakin niya yata ang buong gate!

"Sorry...I'm so sorry..." paulit-ulit ang mga bulong ni Ram habang kinakapa ko ang susi sa kaniyang bulsa.

Wala ang susi nito sa bulsa niya sa jeans kaya naman dumungaw ako sa breast pocket ng kaniyang long sleeves. Habang kinakapaan siya'y napatigil ang aking nanginginig na mga kamay. 

Ngayong malapitan ay naaamoy ko na ang kakaibang pabango na hindi naman niya ginagamit. Pamilyar ang amoy, ngunit nakikipagtalo sa amoy ng alak. Nakita ko kaagad na hindi lang sa alak nagsimula ang pagpula ng kaniyang leeg.

"Ram! Akin na ang susi. Nasaan mo iyon nilagay?" Mas nanginig ang mga kamay ko sa paghahanap. Napalitan ang kaba sa aking dibdib at siguradong aatikihin na talaga ako sa puso sa sakit na nararamdaman. 

Nagsisipag-unahan kaagad sa mga mata ko ang mga luha kahit na pinipigilan ko. Dumako ulit ang tingin ko sa kaniyang kwelyo at leeg na punong-puno ng mapupulang marka ng labi. 

Lipstick iyon, sigurado ako, at mabuti na lang dahil iisang shade ito. Isa lamang ang kaniyang babae ngayong gabi at hindi katulad noong nangyari sa bistro. 

"I didn't mean to, honey...hindi ko sinasadya, please ..." Nakapikit si Ram at binasa ang pang-ibabang labi. Beads of sweat formed on his forehead. He looked extremely pale. 

"She saw me, and...and..." Hindi na niya maituloy pa ang paliwanag dahil sa kalasingan. 

Hindi ko na kinaya. Iba ang klase ng sakit na ito kaysa sa sakit kanina. Lasing na lasing si Ram at uuwi  ng ganitong estado. Saan siya talaga nanggaling? Hindi ba't binigay ko ang sarili ko sa kaniya? 

Kulang nanaman ba ako? 

Mabilis kong dinungaw ang dibdib nito at binuksan ang unang tatlong butones. Hindi ko na napigilan. I can't help but to look at it with my own eyes. Tulo ng tulo ang aking mga luha nang makitang may marka ng halik at karmot doon. Umaabot iyon sa kaniyang likod pababa.  

Halos matumba kami sa panghihina ko.

"I love her so much. Please..." punong-puno ng pagsusumamo at kadesperaduhan ang kaniyang boses. 

Niyukom ko ang nanginginig na kamao. Sobra na ang pagpipigil ko sa aking mga hikbi. Hindi ko pinansin ang kaniyang mga bulong at patuloy na hinanap ang susi. Sira ang kaniyang iilang butones, pati ang mga braso ay may kalmot at bahid ng pabango.

"Ana...I love..." Kahit nakapikit ay bumagsak ang mga luha mula sa mga mata ni Ram. 

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

8.7K 306 34
Her story of moving on and finding love along the way.
1M 28.7K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
69.4K 217 5
Shae Miramontes is a lady who values her private life, takes pride in her principles, is a loving daughter to her Dad and Step-Mom, is a cool sister...
56.2K 945 38
ME Series #1 : NOTICE ME a novel written by: MiaBellaHart Kapag nagmahal ka, Kapag nagmahal ka, nagpapansin ka. Kapag nagmahal ka, lahat gagawin mo...