The Pristine

By thesuchness

2.6M 56.8K 8.1K

. More

The Pristine
Simula
Ang Pang-Una
Ang Pangalawa
Ang Pangatlo
Ang Pang-Apat
Ang Pang-Lima
Ang Pang-Anim
Ang Pang-Pito
Ang Pang-Walo
Ang Pang-Siyam
Ang Pang-Sampu
Ang Pang-Labing Isa
Ang Pang-Labing Dalawa
Ang Pang-Labing Tatlo
Ang Pang Labing-Apat
Ang Pang-Labing Lima
Ang Pang Labing-Anim
Ang Pang-Labing Pito
Ang Pang-Labing Walo
Ang Pang-Labing Siyam
Ang Pang-Dalawampu
Ang Pang-Dalawampu't Isa
Ang Pang-Dalawampu't Dalawa
Ang Pang-Dalawampu't Tatlo
Ang Pang-Dalawampu't Apat
Ang Pang-Dalawampu't Lima
Ang Pang-Dalawampu't Anim
Ang Pang-Dalawampu't Pito
Ang Pang-Dalawampu't Walo
Ang Pang-Dalawampu't Siyam
Ang Pang-Tatlumpu
Ang Pang-Tatlumpu't Isa
Ang Pang-Tatlumpu't Dalawa
Ang Pang-Tatlumpu't Tatlo
Ang Pang-Tatlumpu't Apat
Ang Pang-Tatlumpu't Anim
Ang Pang-Tatlumput Pito
Ang Pang Tatlumpu't Walo
Ang Pang-Tatlumpu't Siyam
Ang Pang-Apatnapu
Ang Pang-Apatnapu't Isa
Ang Pang-Apatnapu't Dalawa
Ang PangApatnapu't Tatlo
Ang PangApatnapu't Apat
Ang Pang-Apatnapu't Lima
Ang Pang-Apatnapu't Anim
Ang Pang-Apatnapu't Pito
Ang Pang-Apatnapu't Walo
Ang Pang-Apatnapu't Siyam
Ang Pang-Limampu
Ang Pang-Limampu't Isa
Ang Pang-Limampu't Dalawa
Ang Pang-Limampu't Tatlo
Ang Pang-Limampu't Apat
Ang Pang-Limampu't Lima
Ang Pang-Limampu't Anim
Ang Pang-Limampu't Pito
Ang Pang-Limampu't Walo
Ang Pang-Limampu't Siyam
Ang Pang-Animnapu
Pagtatapos

Ang Pang-Tatlumpu't Lima

32.9K 760 173
By thesuchness

Sa mga sumunod na araw ay panay ang tawag ni Papa sa cellphone ko. Noong unang beses kong sinagot ay hindi ko alam na siya ang caller dahil hindi naman naka-save ang kaniyang numero sa'kin. 

"I'm sorry sa nangyari sa charity event, Chrissy. I know you're still mad..." aniya.

Galit ako, may galit ako. Hindi mawawala ang poot sa dibdib ko dahil lamang sa isang paumanhin niya sa tawag. 

Still, kahit anong patay o pagpigil ko sa tawag ni Papa ay lalo lamang itong naging pursigido. Tuwing nakikita ko ang numero nito sa aking screen ay sumasakit lang ang dibdib ko.

Bakit noong mga panahong gustong-gusto ko ang kaniyang atensyon ay hindi niya ito naibigay?

Bakit pa ngayong huli na?

Madalas na rin ang pagdalaw ni Ate Yllana sa apartment nitong mga nakaraang araw. Nag-aalala na ako dahil kung hindi humahagulgol na uuwi rito ay lunod naman sa alak. Hindi ako sanay na nasa ganoong estado ang isang Yllana Alejandre. 

Na nananakit, at dinudurog.

"Men...they are such big disappointments. Why do men cheat? Why do they have this need to taste different flavors? Gustong-gusto nila. At gusto, iba-iba. Gusto, kabi-kabilaan." Halos sumubsob ito ng upo sa aking sirang couch. 

"Relax, Ate Yllana. Hindi mo pa naman alam na may babae nga ang fiancee mo, 'di ba? Malay mo naman, busy...or something," kibit-balikat ko.

"Its when they are busy that scares most women, Chrissy. 'Coz, when they are, its not a 'what' they're doing, its a 'who'."

Parang nauupos na kandilang sumandal ako sa upuan. Hindi ko kayang baliin ang layaw na nakatatak sa utak ng kapatid ko patungkol sa kaniyang fiancee. 

Pero kung totoo ngang may ibang babae ang kaniyang mapapangasawa ay una, naawa ako para kay Ate Yllana. Hindi pa sila kasal ay lamat na kaagad ang pagsasama nila. At pangalawa ay galit at awa patungo doon sa babaeng kumakasama. 

Kung itatali na ang isang tao, 'wag na. Tama na. Iyon na ang limitation. Kasi hindi niya alam ang sisirain niyang pamilya, at 'yung maapektuhan ay ang mga bata sa loob at sa labas ng pamilya. Halos nakikita ko ang mga mangyayari dahil iyon ang nangyari sa'kin dalawampung taon na ang nakalipas.

At nangyayari pa rin naman ngayon. Wala akong maramdamang iba sa aking kapatid kung hindi awa at pananakit.

"Boyfriend mo na si Sir Ram?" inosenteng tanong ni Royette nang pumasok na ako sa bistro.

"H-Ha?" Pumula ang pisngi ko.

Para akong usang natulala. Medyo halata siguro kasi palagi akong nagpupunta sa second floor at bumababa si Ram sa likod ng counters upang bantayan ako!

"Ayiiie, si Chrissy! Ayaw pa sabihin!" 

Nakikiusyoso na ang ibang crew sa kitchen. Tumikhim si Colofer na alam kong nakakatunog na sa amin ni Ram. Mas lalong pumula ang mga pisngi ko. Hindi ko naman alam na ganito na pala ka-showbiz ang relasyon namin.

"Ang tagal na. Ngayon mo lang nalaman?" iiling-iling si Mirna kay Royette.

Inulan pa ako ng mas maraming tanong. Nakalimutan na yata nila ang mga customers at mga orders ng mga iyon! 

"Siguro? O-Oo? E, kasi hindi naman siya nanliligaw..." naiilang na sabi ko.

"Hindi pa nanliligaw si sir?! Walang balls!" hysterical si Kurt.

"Hoy! Hindi na uso ang ligaw ngayon, Kurt. Magtigil ka d'yan."

"Uso pa kaya..." singit naman ni Japeth sa gilid. Sinamaan ito kaagad ni Mirna ng tingin at napaiwas ng tingin si Japeth. Napanguso ako. 

"Naku, paano kapag may nangyari sa inyo tapos hindi siya nanligaw? Ang pangit naman noon!" ani Royette.

Muntik na akong mawalan ng balanse sa sinabi ni Royette, dahil natumbok niya. Binggo! Iyon ang aking kinatatakutan dahil pasasaan pa't may nangyari sa amin ngunit hindi naman naging kami?

"So, dapat, ligawan din ako ni Sir Ram?" Tumaas ang kilay ni Jamel sa akin. 

Napaawang ang aking bibig kasabay ng pagdaloy ng kumukulo kong dugo. Naalala ko nanaman ang nangyari sa kanila ni Sir Ram noon, iyong sa ilalim ng table at ang kasama niya ay ang isang pa naming entertainer.

Fuck ka, Ram! You and you pokpokitas!

"E, kung ganyan ang sistema, Jamel. Sana, lahat na ng lalaki rito ay niligawan ka na," halakhak ni Mirna. 

Pilit kong huwag na lamang pansinin ang mga side comments ni Jamel ngunit nahihirapan ako. Ayaw kong makita at ayaw kong matanggap na maraming naunang babae kaysa sa akin. Kahit na alam na alam kong isa siyang bilyunaryong playboy ay hirap na hirap akong tanggapin. 

Iniwasan ko na lamang ng tingin si Jamel at sinubukang sagutin ang tanong ng crew. 

Pagkatapos ng ilang minutong chismisan ay pinakawalan na rin ako ng crew. Tutal ay maaga pa naman kaya tumungo muna akong garden sa likod para magpahangin. 

"I already told you, hindi ako makakapunta. Sinunod kita the last time. Now, pagbigyan mo ako..."

Naabutan ko ang isang Ram na paikot-ikot sa mga cottages na hindi pa re-repair. Siguro, magandang addition 'yan sa bistro. Parang ganoon sa resto na hindi niya ako sinipot. Pinagtiim ko ang mga labi habang tahimik itong sinusundan ng tingin. 

Sino ang kaniyang kausap? 

Pinalaruan ko ang mga daliri habang namamagnet ang aking mga mata patungo sa kaniya. Sa kaniyang suot na puting button down shirt at jeans ay hindi iyon nagmumukhang simple. 

Kung siya ang magsusuot ay tingin kong walang magiging simple. Sa kaniyang bawat pagtapak ay nadedepina nito ang kaniyang matangkad at matikas na pigura. Lumilinga ang kaniyang mga mata sa kaliwa't kanan habang kinagagalitan ang kausap.

Hindi ko na natiis. Dahan-dahan akong nagpunta sa likod nito. Yumakap ako sa matigas at mabangong likod ni Ram.

"I'm not..." Nanigas ang likod nito at hindi natuloy ang sinasabi sa katawagan.

Napabuntong hininga ako habang unti-unting lumalambot ang aking yakap sa kaniya. He smells like the large pillars of a huge empire mixed with his expensive perfume. He smells like he's carrying tons of cash in his pockets all the time. But he also smells a little bit gentle about it.

Umikot si Ram paharap sa'kin at bahagyang kumunot ang noo. Hmm, alam ko ang mga tingin mong ganiyan. 

"Shhh," nilagay ko ang index finger sa labi katulad nang kaniyang parating ginagawa. 

Unti-unti ring tumango si Ram ngunit napailing ito sa sarili. Pinindot niya ang end call button at binulsa ang kawawang cellphone. Hinarap ako nito gamit ang kaniyang buong atensyon.

"Bakit mo pinatay?" nguso ko. 

"Patapos na rin kami," iling nito sa akin, ang kunot sa noo ay naglalaho na. "You...how are you?"

"Uhhh, okay lang!" kibit-balikat ko habang si Ram sa aking harap ay ibinubulsa ang mga kamay sa jeans. Natuon ang aking tingin sa naglahong kaniyan mga kamay paakyat sa matitigas nitong mga braso. Nang huminto ang aking tingin sa kaniyang mga mata ay napaiwas ako kaagad ng tingin.

"Is there anything you want to tell me, Chrissy?" Nagbaba ng tingin si Ram sa akin, ang mga mata ay kumikislap ngunit nagpipigil ngumiti ang bibig, ang mababang boses ay naglalambing.

Naisip ko nanaman ang sinabi ni Jamel. Pinigilan ko ang pag-irap sa kawalan. Humalukipkip na lamang ako. 

"Why is my baby upset? Hmmm?" Lumapit ito ng ilang hakbang sa akin at hinawakan ang aking baba. Bumigat ang aking paghinga ngunit iniwas ko ang aking mukha. "Hindi ako upset!"

Malakas ang naging halakhak ni Ram. Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Ayaw niyang maging seryoso habang ako rito ay naninibugho na doon kay Jamel! Tsk!

Pagkatapos ng masarap na halakhak ni Ram ay tamad lamang itong ngumisi sa akin. Nabigla ako nang yakapin niya ako at siniksik ang ulo sa akin leeg. Umiling ito roon at humalik. Dumiin ang kaniyang hawak sa aking bewang habang ang isang kamay ay binaba ang manggas ang aking tshirt sabay halik sa aking balikat.

"Ram..." Nanlambot kaagad ang aking mga tuhod dahil doon. Gusto ko siyang sigawan na unfair ang kaniyang ginagawa. He's working me up but he's not saying sorry!

"No...you stay here..." nanlalalim an kaniyang boses habang mas pinagdidikit ang katawan namin dalawa. Wala nang space ang gitna noon at ramdam na ramdam ko ang bawat matigas na ukit ng kaniyang katawan.

Hindi ko na napigilan ang malumanay na pagkanta sa kaniyang pangalan.

"I heard you and the crew talking earlier. You let them feast on the informations about us that you gave without my consent..." Sumuporta ang isang kamay ni Ram sa aking likod at ang isa ay taas-baba sa aking bewang. Halos habulin ko ang aking hininga. "Did they believe your words, hmm?"

Ilang segundo lamang bago rumehistro sa aking utak ang kaniyang sinabi. Ayaw niya bang sabihin ko sa iba kung ganoon? Ayaw niyang kumalat na kami dahil waitress  niya lamang ako? Guess what, sila ang nagtanong at hindi ako! Sumasagot lang naman ako!

"K-Kung ayaw mong ipagsabi ko sa iba ay ayos lang! Dahil waitress mo lang naman ako at boss kita kaya ayos lang! Hindi---"

Mabilis na bumaba ang mukha ni Ram patungo sa akin. Ang init kaagad ng kaniyang mga labi ang aking naramdaman at ang mabilis na tibok ng kaniyang puso. Nambubura ng bibig ang kaniyang mga labi at tila ba siya ay uhaw na uhaw sa akin!

"Bitiwan mo ako..." Sinubukan ko itong itulak dahil hindi ako bibigay sa isang halik lamang. Isang halik na gusto niyang nakatago lang!

Inilapat ni Ram ang mukha sa akin, ang kaniyan mga mata ay pikit na pikit at kunot na kunot ang noo. Katulad ko ay hinihingal din ito sa kaniyang halik na ibinigay sa akin. Kahit naduduling ay pinilit kong sumubaybay dito.

"I want you to tell everyone we are official after I show everyone how. This is my consent..." muling bumaba ang mga labi ni Ram sa akin.

His sinfully and heavenly made lips made my knees crumble once again. Kumapit ako sa kaniyang batok para sa suporta ngunit napapaangat lamang ang akin mga paa dahil sa kaniyang tangkad. His large physique covered my entire body and I reveled in it. I wanted much, much more than this kaya naman nagulat ako sa kagustuhan ng aking katawan!

"Go, Sir Ram!!!" sabay-sabay na tili ng crew na nakasilip sa mga bintana at pinto. Agad akong humiwalay ng halik at napaawang ng bibig. Pinandilatan ko si Ram na nakangisi lamang sa akin, my lipstick slightly smeared on his lips. 

Mabilis akong tumungong loob na pulang-pula ang aking mga pisngi!  

Mabilis ang pagdaloy ng araw dahil na rin sa busy sa school at sobrang occupied kay Ate Yllana at kay Ram. Minsang nagtungo ang aking kapatid dito ay hindi ko alam ang isasagot sa kaniyang request. 

"Please, Chrissy! Kahit mga isang oras lang. I promise! Just one hour, then I'll drive you home. Gusto ko lang ng kakampi over the family dinner..." Halos maglupasay ito sa sahig ng apartment ko.

"Ayoko sa bahay niyo. Natatakot ako sa daddy mo," katwiran ko.

"He's harmless, I promise! Nakakawalan gana dahil naroon silang lahat. They knew what's going on between us..."

Kung ganoon ay ako ang mas mawawalan ng gana. Andoon ang buong angkan niya! Ang buong Alejandre! Nahihiya ako sa balat at buto ko dahil sinusuka ako ng pamilya nila lalo na ang pareho naming Mama, at mas lalo na ang kaniyang daddy. 

At syempre, the feeling is mutual. 

"Please! I've been avoiding them since pero ngayong kasama na ang fiancee ko sa dinner...I can't face him. Mangangatog ako. I need you there, sis," mangiyak-ngiyak ito kaya naman napaiwas ako ng tingin.

Umalis na si Ate Yllana dahil pupunta pa itong company nila. Dumaan lang siya nitong umaga para mamayang gabi sa family dinner. Pagkaalis na pagkaalis ng kaniyang kotse ay siya namang pagbusina ng kay Ram. 

Tumakbo ako kaagad patungong gate. Naabutan ko si Ram na palabas ng kotse. Habang kinakandado ko ang gate ay nakahilig ito sa kaniyang kotse at pinanunuod ako.

"Good morning. Anong oras kita susunduin mamaya?"

"Uhh, around six pm." Hinarap ko si Ram. Pinaglaruan ko ang mga daliri habang inigiya niya ako papasok ng kotse.

"You don't have your duty tonight?" aniya nang makapasok na rin siya sa loob. His right hand clad with his expensive silver watch gripped the stirring wheel.

"Tuwing Miyerkules at Biyernes lang. Minsan naman hanggang Sabado..." sabi ko at nag-inhale.

Pati ang kaniyang kotse ay ganoon din ang amoy sa kaniya. Hindi ko mapigilang hindi singhutin lahat ng amoy dito. Tsk!

"Ang ibig mong sabihin ay hindi pa nagtatapos sa bistro ang trabaho mo?" Naguguluhan din ang kunot sa noo ni Ram.

"Uhmm, minsan, uuwi muna ako sa apartment kasi malapit lang naman ako sa school. Matutulog muna ako tapos magtatrabaho na..."

"Then, you'll grind working at the hospital?" Nawala na ang lito sa boses ni Ram at napalitan ng panlalamig.

"Yup."

"Minsan pa lang kitang nakikitang ganoon..."

"Kasi ginugulo mo ang schedule ko! Simple lang. Simula noong dumating ka, parang nag landslide na ang grade ko," paliwanag ko sa kaniya.

"Let's fix your schedule later. I don't want you overworking..." Kinagat ni Ram ang pang-ibabang labi at nababahalang napailing. Bahagya ako nitong sinipat at pinasadahan ang aking buong katawan. 

Hindi ko napigilan ang dugong umakyat sa aking mga pisngi. Alam kong hindi ganoon ang kaniyang intensyon, at sa aking pisikal na kalagayan ang kaniyang concern ngunit hindi ko mapigilan. He's still kinda checking me out either way! And his dark brooding eyes searching me like that makes me shiver! 

"O-Okay lang sa'kin na nagtatrabaho ako sa gabi at hating gabi. Sanay naman na ako roon," winagayway ko ang mga kamay.

Nanatiling tahimik lamang si Ram at hindi na ako tiningnan pa, ayaw magpabali. Napairap ako sa kawalan. Hindi na iyan magbabago ng desisyon at wala na akong magagawa pa.

Ilang minutos din ay dumating na kaming campus. Pinahinto ko ang sasakyan kay Ram ng hindi tumatapat sa aming department. Flashy masyado ang kaniyang kotse at ayaw kong may makakita sa kaniya na kasama ako.

"Mag-text ka kung anong oras kita susunduin..." Ram let his hand drop on his outstretched thigh, at ang kabila ay nanatili sa stirring wheel. I had to look away from the veins protruding on his hands.

"Okay..."

"Text me thirty minutes before your dismissal."

"Baka ikaw pa ang maghintay sa akin kung thirty minutes before, hindi ba?" Tumaas ang aking kilay. I don't get him.

"Ako ang maghihintay o ikaw ang maghihintay. I can't have you waiting for me while other boys flock over you. You'll either give me a heart attack or a head-on collision." Tinaasan din ako ng kilay ni Ram. And believe me when I say he's much better at doing it.

Napanguso na lamang ako at tumango. I said my final goodbye's at pinihit na ang door handle. Humahabol ang kaniyang mga tingin sa akin ngunit sinarado ko na ang pinto sa kaniyang disappointed na mukha. Tumuloy na akong department.

Bukod sa mga murmurs ng iba kong mga kadepartamento ay pinakinggan kong mabuti ang masidhing tunog ng pagharurot ng kotse ni Ram. Ilang segundo pa itong nakahinto, naghihintay, at mabilis ding humarurot paalis.

What?

Napailing na lamang ako rito at tuluyan nang pumasok. 

The day passed like a weeping admirer. No matter how he tried or begged, he's just an admirer from afar. Sa madaling sabi, walang bago.

Gaya ng napagkasunduan namin ni Ram kanina ay trenta minutos bago ang aking out ay tsaka ko siya ni text. Pinaalam kong ring hindi ako makakashift dahil sa kapatid ko. Hinatid ako nito sa aking apartment at kaagad naman akong nagbihis na.

Inaamin kong ayaw kong pumunta roon. Hindi ako kumportable. Makakatikim nanaman ako ng malulupit na side comments ng pamilya ng aking kapatid and I just can't help but wonder, why are they still thinking too highly of themselves when they already had me?

Ako ang nagmamarkang pagkakamali sa pamilya nila. Hindi sila perpekto. Ako ang maitim na alas at kung iniisip nilang pamilya sila ng ginto't pilak ay nagkakamali sila. They're becoming not only cowards towards truth but also hypocrites.

Siguro, ang tanging hawak ko na lamang sa sarili ko ngayon, ang tanging nakakapaglinis ng aking nakaraan ay si Ram.

Nawala ang galit sa puso ko. Malaya ang galit na ito. At, masaya ako at nagmamahal. Sobrang sarap sa puso kung ang dala-dalang pagmamahal ay nasa tama. Sa mundong ito, bihira lang magkaroon ng tamang pagmamahal at ang daming nasisirang mga puso para lang makamit ito. 

Ang pagmamahal ko kay Ram ay tama. Sobrang sarap niyang mahalin at sobrang sarap niyang magmahal. Its the love that everyone must have. This is the love that can never be wrong, its heavenly even.

Pakiramdam ko, nasa tamang landas na ako dahil hindi ko uulitin ang ginawa ng mga magulang ko. That my future child with this man will be safe kahit na malayo pa naman siya. There is no insecurities in this love. No mistakes. Its a very beautiful love.

Hindi katulad ng sa aking mga magulang.

Somehow, I know I am putting him in a pedestal but I can't help it. Gustong-gusto ko siya, kaming kinukumpara sa aking mga magulang dahil malayong-malayo kami sa kanilang kamalian.

"Okay na ba ito? Baka naman medyo formal sa inyo, ate," nababahala kong sabi nang nasa kotse na kami ni Ate Yllana.

"Oh! You look lovely, Chrissy. Naku, ang ganda mo. Bagay na bagay talaga sa'yo 'yan." She smiled perfectly at me.

Ito ay halter dress na beige. Simple lamang na knee length. Isa ito sa mga pinadala ni Ate Yllana noong galing siyang abroad.

"Ikaw naman 'yun..." Pinuna ang kaniyang backless royal blue na damit. Lowcut ito sa harap.

"Kikitain ako ng fiancee kong ilang araw nang hindi umuuwi. I'm not some cheap girl if he thinks I'll sulk and beg! I'm an Alejandre, Chrissy."

Pinagmasdan ko itong halos mag hairflip habang nagmamaneho. Ngumiti na lang akong tipid. Tama naman siyang Alejandre siya't Cajucom ako.

"Good evening po, ma'am. Kanina pa po kayo inaabangan ni mommy niyo..." anang maid na sumalubong sa amin.

"Let her be. Tumatanda na si Mom, Ate Mandy," sagot ni Ate habang tinutungo namin ang loob.

Hindi ko akalaing masisilayan kong muli ang mataas na mga bakod at pader ng bahay ng nga Alejandre. At, ayaw ko rin naman itong makita pa.

Ang ilang silver angels na nagsisilbing mga fountain ay bago sa aking paningin ngunit ang mga pader na salamin ay hindi. This almost glass house screams silver and gold. I couldn't ever forget this type of luxury because its the one I despise most as a kid. My childhood was ruined because of this house.

"Tita Ylls! I thought you're not coming. I missed you!"

Yumukod kaagad si Yllana sa isang batang lumapit. Bilog na bilog ang ulo at mukha nito.

"I missed you too, Joshua! Is your mommy here?"

Tumango ang batang lalaki pagkatapos ay tinitigan ako. Tumayo na si Ate Yllana at minuwestro ako kay Joshua. Tinitigan ko lamang din ito.

"Baby, this is Tita Chrissy. She's my sister. Say 'hi', tita!" 

"Hi...Tita Chrissy." Nawala ang sigla ng batang lalaki at naging natural na malat ang boses. Nagtago ito sa likod ni Ate Yllana. Napangiti ako.

"Sister? I don't you have a sister, Tita Ylls..." 

Bago pa man makapagpaliwanag si Ate Yllana ay tumakbo na ito paalis. Kumaway na lamang ako nang sumubok itong lumingon.

Hinila na ako ni Ate Yllana patungo sa loob. Nag-iba na ang ayos nito nang huli akong tumapak dito. Mas maraming mamahaling mwebles kaysa sa picture frames. Nadagdag ang mga pusa at elepanteng figurines.

"Oh, there's my daughter! I told you she'll come, Ben. Stop being so negative..." salubong ng aming Mama.

Kulay cream ang damit ni Mama at mayroon siyang pearls sa leeg. Iyang hitsurang mestiza, matangkad at flawless ay siyang-siya. Walang pinagbago. Hanggang ngayon ay sobrang ganda pa rin niya.

Umatras ako ng kaunti upang bigyang space ang kanilang yakapan. Ebidente ang napawing stress kay Mama nang dumating ang kaniyang paboritong anak. I had to look away for a second.

"Nariyan ka pala, Chrissy! Ylls, Did you invite her?" ani Mama nang matapos ang kanilang yakapan, ang tabang sa boses ay umaapaw.

"Yes, of course, Mom. Its my wedding and Chrissy is a family. Kailangan present lahat." Ate Yllana smiled at me, urging me to say something.

"Magandang...gabi...po--" Halos hindi ko mailabas ang sasabihin dahil sa kaba ngunit winagayway kaagad ni Mama ang mga kamay sa akin. Blood rushed to my head and I masked my flinch.

"Shall we? Naghihintay sila Eunice at Adonai," malamig na ngiti ni Mama at hinila na si Yllana patungo sa long table.

Nanginig ang aking pang-ibabang labi at nanlamig ang aking mga palad.

Tinanguan ako ni Yllana dahil hindi na ito makakatakas pa sa hawak ni Mama. Dahil nakita na rin naman ako ng lahat ay sumunod na lang ako. 

Sa tabi ako ng aking kapatid nakaupo ngunit hindi pa rin ako kumakalma.

"How are you, hija?" tanong sa'kin ng isang babaeng hindi ko kilala.

"Uhmm, ayos lang po. Salamat po," sabi ko.

"And you are...?"

Hindi ko alam ang isasagot ko. Gusto ko nang maging bula at pumutok na lamang. Tumingin ako kay Ate Yllana na pabalik-balik ang tingin kay Mama at sa'kin.

"She's my daughter too, Eunice. She's Cristina," salo ni Mama sa'kin.

"I see. Ngayon ko lang yata nakita ang isang ito. She does look a lot like you, Mara. And none of her father," sabi ni Madame Eunice.

Sa sobrang itim ng buhok at pilik-mata nito ay para bang may iba siyang lahi. Sobrang puti at sobrang kinis ng balat. The strained elegant posture she was carrying made the whole setting tensioned.

Nilingon ko si Mr. Alejandre na nasa puno ng long table. Seryoso ang tingin nito sa akin. Nakikita ko si Ate Yllana sa kaniya ngunit sobrang lamig at sobrang tigas. Umiwas ako ng tingin.

"Where's your son, Tita Eunice? He's late again..." Sumingit na si Ate Yllana dahil may pressure na sa gitna ng long table.

Doon ay nawala ako sa usapan. Bumuntong hininga na lang ako. Kumain na lang ako kahit na tila ba abo ang aking kinakain.

Andito si Grandma, si Vanj na mommy ni Joshua, si Tito Jesse, at ang mga cousins ko.

Para akong tuod kumain. Wala namang kumakausap sa'kin pero ayos lang dahil sobrang tahimik at sibil ng hapag. Ang mga nagsasalita lang ay ang mga nakakatanda. It is very evident that there is something going on in here.

Nanatili akong anino sa kanilang matitigas na pag-uusap ngunit pinaswitan ako ni Jessica.

"Illegitimate..." she snickered, her pearly white fangs showed.

"Jessica!" kastigo ni Fitz.

"What? Its true. How dare Yllana invite her over? Intimate family dinner ito."

"Jessica's right, Fitz. Siya lang naman ang naiiba. She's still living alone because no one wants a shame. That's what you are. Some things never change, huh?," anang kapatid ni Jessica na si Sandy.

Umiwas na lang ako ng tingin at hinayaan silang magtawanan. The adults are barely hearing them since they're busy at the front. At kahit marinig nila, they'll probably join in too.

Tuwing duduruin nila ako ay hinahayaan ko lamang sila. Tinatanggap ko ang kanilang mga sinasabi dahil totoo naman. Ang alam ko ay kaya ko na silanh harapin ngunit hindi pa pala. Nasasaktan pa rin ako dahil hindi ko alam kung saan nga ba ako nabibilang.

Who is Cristina, and where does she belong? She's just no one, and no one doesn't exist nor should have a sense of belongingness.

"So, tell me, Chrissy, bakit ngayon ka lang dumalaw? I heard your studying abroad. Is that true?" Bigla akong binalingan ni Grandma kaya napapitlag ako.

Ang matandang edad ay hindi balakid sa kaniyang kagandahan. May kulubot man ang ibang mga parte ng mukha at katawan, nakikita ko ang mukhang puno ng kagandahang ng kanilang lahi. Kung ganoon din lang sana ang kanilang pag uugali.

Pinagtinginan ako ngayon ng pamilya ng mapapangasawa ni Ate Yllana. Halos hindi ko kayanin ang titig nila ngunit ang isang mukhang iyon ay kilala ko.

"Hindi po. Sa north pa rin po ako nag-aaral..." sabi ko at binanggit ang aking university.

"Oh, such a shame. Akala ko ay umasenso na..." Tumikhim si Grandma at tinaasan ng kilay si Mama.

My heart felt like burning due to pain. Sinabi ba ni Mama iyon sa kay Grandma para hindi niya ako ikahiya? That maybe me studying abroad will earn a little bit of interest from them?

"Nga pala, ilang taon na si Cristina? Does she hold a position too at Alejandre Industries or she's focused on her studies?" sabat ni Madame Eunice, ang mga mata ay kumikislap ng kay talim.

Nanuyo ang aking lalamunan. Hindi nila alam ang history ng pamilyang ito ngunit napadakong muli ang aking tingin sa babaeng kanina ko pa namumukhaan.

Umiwas kaagad ng tingin si Kyen, ang pinsan ni Ram, sa akin. Kausap niya ang lalaking harap na kamukhang-kamukha niya rin. Ang ibang mukha ay nagiging pamilyar na rin sa'kin.

Anong ginagawa niya rito?

"She's..." 

"Twenty," bulong ko kaagad kay Mama. Nalimutan na niya ang birthday ko, ang edad ko. Ako. 

"She's twenty years old and still studying, Eunice. You know young adults these days, gusto ay ang makatapos kaagad but Cristina will resume to doctorate as she finishes her pre-med. Right, hija?" paliwanag ni Mama.

Tumango na lang ako habang tinitingnan pa rin si Kyen, naguguluhan. Napatikhim ako.

"That's good, Cristina. Gusto pa naman ni Jude ay iyong mga pursigido mag-aral. Right, son?" 

Lumaki ang aking mga mata sa gulat. Ramdam ko ang paninigas ni Ate Yllana sa aking gilid. Hindi ko alam ang isasagot.

Bumaling ulit ako kay Kyen. Nahuli ko ang kaniyang tingin sa'kin. Siya nanaman ang umiwas ng tingin. I unconciously bit my lips.

"Ate Yllana? Kilala ko iyan...si Kyen. 'Di ba?" Dumungaw ako kay Ate Yllana na kapag tinatanong lang sumasagot. Para bang nalulungkot siya ngunit tinatatagan. Hindi pa kasi dumarating ang kaniyang fiancee.

"Yes. Why? You know her, Chrissy?" aniya at kumunot ang noo.

"Kilala ko. Bakit nga siya ulit naririto?" Tumingin ulit ako kay Kyen na nakayuko na.

"Pamangkin siya ni Tita Eunice. Kyen's a cousin of my fiancee. Bakit ba?"

Tumayo si Kyen para mag-excuse. Umaalon ang dress nitong lime green. 

"Wala lang..." Hindi ko maalis ang titig kay Kyen.

Continue Reading

You'll Also Like

29.7M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
25.7M 748K 53
Miguel Imperial-Cordova's whole life revolves around perfection. He has the perfect family, the perfect career, a perfect fiancee. Perfection is a pa...
7M 247K 52
deceret (n.) latin word for "body to body" When Philodemus Elton Treveron's parents were slayed, the only thing that brings him closer to finding the...