100 Steps To His Heart [Publi...

By Girlinlove

28.2M 300K 100K

Now a published book under Pop Fiction || Summit Media ♥️ Go grab a copy! Si Hope ay isang simpleng babaeng m... More

[PROLOGUE] 100 Steps To His Heart
[1] Meeting Venice and the TRES GWAPITOS <3
[2] The planner
[3] LRT + Party = Confession?!
[4A] First lunch.
[4B] Nosebleed. Literally.
[5A] First REAL Conversation!
[5B] Key chain.. To His heart and my happiness?
[6A] What the freak is "DIZZY" + Field Moments <3
[6B] Iba talaga ang kamandag ng isang Bryle Ortega. <3
[7] Meeting Kuya Nathan + Bryle's Game + Date sa Kikiam-an?!
[7B] Mga kaganapan sa tindahan ni Aling Bibyan + Carlos Miguel
[7C] Wala na. Inlove na. at WALA NA DIN ANG PLANNER OMG!
[8] Magbabati kaya kami? Mukhang malabo.
[8B] Uyyy bati na kami :">
[9] Palengke date with the guy of my dreams. <3
[10] First hug! >:D< At first... OMG!
[11] Patay, nabuking ni Loyola! At ang kapalit? Goodluck!
[11B] Ang alamat ni Enzo at ang pagpapahirap ni Mico!
[12] Ang nosebleed na away ni Enzo at Mico
[12B] Challenge pala ah. Tingnan natin!
[13] Confrontations + Bawian :">
[14] MALIGAW SA GUBAT? Thank you, Lord!
[14B] Stuck sa gubat: Mico+Hope+Enzo = 20 Questions
[15] Bonding sa gubat kasama ang Tres Gwapitos!
[16] Heart to Heart talk namin ni Bryle.
[17] Bryle and Venice. Ang mag EX.
[18] GIRLINLOVE UNIVERSITY INTRAMURALS.... Na napadpad sa Quiapo.
[19] Ang text na may emoticon at ang text na wala. :|
[20] MVP ang Section F!
[21] Saving the dolphins. At right decision ba na iniwan ko siya?
[22] Unang dinner ni Mico sa bahay ko.
[23] I'm ending our Master-Slave relationship.
[24] Tita Mindy?! Mico's family, and his realizations?
[25] Miss Red Umbrella <3
[26] Dare, double dare.
[28] Pag may nawawala, may natatagpuan.
[29] Bryle the Bestfriend? The Reunion ng Tres Gwapitos
[30] Tres Chikas is back!
[31] First Date. First Fight.
[32] Tita's despedida party.
[33 Part 1] Ang clingy ni Mico at badtrip si Enzo. Sinong pipiliin. Bow.
[33 Part 2] A night in jail.
[34] Wrong First Impression
[35] Dance and Kiss under the rain.
[36] Why is there only one Bryle Ortega?
[37] Tres Gwapitos' Day
[38] Pwede ba kitang ligawan?
[39] Hello, Eula
[40] OPLAN pagbatiin si Eula at Enzo. Anong nangyari MICO?
[41] Confessions.
[42] Bati na tayo, Mico.
[43] The PLANNER
[43] Hidden Feelings
[44] Ang pagamin ni Michael Ortiz
[45] We're back to being 'NOTHING' // Closure
[46] Venice' Birthday Part 1
[47] Venice' Birthday Part 2
[48] Happy New Year, Hope Yazon!
[49.1] Training Camp
[49.2] Muling ibalik? Kung may ibabalik...
[49.3] Secret Angel, don't make me fall for you... again.
[49.4] 'Designing'
[49.5] He's Back...
[50] #100STHHSunset
[51] #100STHHValentinesBall
[52.1] #100STHHJealousGuy
[52.2] #100STHHHisPOV
[53] #100STHHUntoldSecrets
[53.2] #100STHHHisMessages
[54] #100STHHSecondChances
55 #100STHHEulasLetter
[56] #100STHHARVD
[57] #100STHHAlmostForever
[58] #100STHHSGOLs
[59.1] #100STHHMeetTheParents
[59.2] #100STHHTheKaribal
[60] #100STHHLigawan
[61] #100STHHTheTask
[62] #100STHHTheOtherSideOfHim
[63] #100STHHCEBUtifulLove
[64] #100STHHOneBigFIGHT
[65] #100STHHGalawangGutierrez
[66] #100STHHDiLangIkaw
[68] #100STHHTheFirstTime
[68] #100STHHTeamAF
[69] #100STHHGraduationDay
[70] #100STHHTheBrokenHeartedOne
[71] #100STHHOneLastTRY
[72] #100STHHHulingHiling
[73] #100STHHLastFavor
[74] #100STHHWeddingMarch
[75] #100STHHGoodbye
[END] #100STHHEpilogue
Announcement

[27] August 28, 2013 Enzo Miguel Gutierrez' Birthday

426K 3.6K 790
By Girlinlove

Sorry matagal ang update! Hindi pa rin gawa si laptop pero tinry ko pa din magupdate. This is long so sana mabawi ko ang pinaghintay niyo! Enjoy! <3 

Chapter 27

Hope's POV

Nandito kami ngayon. Kasama ko si Miks at Chelsea sa ilalim ng centennial tree sa may malaking bench dito sa Girlinlove University. Mahilig kaming tumambay dito kaya dito kami maguusap usap. 

"Marami kayong kailangan pagusapan kaya iiwan ko kayo kasi labas naman ako dito."

At umalis na nga si Chelsea. 

Naiwan kami ni Miks na nakaupo lang. Walang nagsasalita. Naiinis ako. Kelan pa kami naging ganitong dalawa? Pag magkasama kami kulang na lang marindi ang langit sa ingay namin. 

"Miks, anong bang problema mo?"

Dahil medyo naiirita ako yan na ang nasabi ko.

"Wow, wait. Di ko alam na ikaw pala ang galit dito." Sagot naman niya kaya mas lalo akong nairita.

"So galit ka nga? Ano bang pinuputok ng butsi mo? Ba't ba inis na inis ka sa akin ha?!" 

"Sino bang may sabing galit ako sa'yo?!"

"Yang pinapakita mo! Bakit mo ako iniiwasan?! Lumalapit ako sa'yo layo ka ng layo. Bakit ka ba nangiiwan ha?"

Natahimik siya tapos ngumiti. Noong tumingin siya ng deretso sa akin napatigil ako... Nakita ko yung expression niya. Nakita ko yung lungkot sa mata niya. 

"Ang kapal naman ng mukha mong sabihin na ako ang nangiiwan. Sige nga, Hope. Balikan natin lahat.. Isipin mong mabuti yung nangyari sa nakalipas na tatlong buwan. Sige nga.. Hope, sa ating dalawa.. Sino ang nangiwan?" 

Napatigil ako. Nanahimik ako. Wala akong masabi. Nagagalit ako. Naiinis ako pero higit sa lahat nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi nagaaway kami. Nasasaktan ako na kailangan niyang ipamukha sa akin 'to. At nasasaktan ako kasi alam kong mali ako. Kasi alam kong nangiwan ako. 

"Hoy Yazon, never akong bumitaw sa tabi mo. Oo maldita ako. Oo di ako supportive sa pagpapantasya mo, pero nandito lang ako lagi para sa'yo. Hindi kita iiwan kahit na alam kong isang araw lalapit ka na lang sa akin kasi alam kong masasaktan ka sa Enzo mo. Alam kong prangka ako sa lahat ng pagiilusyon mo dahil hindi ako yung tipo ng kaibigan na susuportahan lahat ng katangahan mo. Ako yung tipo ng kaibigan na magpapaalala sa'yo ng realidad sa mundo. Pero hindi ko akalain na hindi mo naman pala kailangan ang ganoon sa buhay mo. Sabagay, oo nga naman. Mas masaya nga namang sumama sa mga bagong kaibigan mo na matagal mo ng pinangarap kesa yung maging loyal ka sa pangako mong hinding hindi tayo maghihiwalay. Sino nga ba ako? Ako lang naman yung kaibigan mong umaasa na sana hindi ako mawalan ng lugar sa buhay mo. Ako yung kaibigan mo na hindi naman humihingi ng lahat basta lang yung maramdaman ko na kaibigan pa rin kita. Pero hindi eh... Pakiramdam ko lumalayo ka, pakiramdam ko nagiiba ka na. At unti unti nagiging isa ka na sa kanila." 

Iyak lang ako ng iyak sa sinasabi ni Miks. Masakit kasi. Masakit talaga. 

"Oo sige, masaya ka sa Tres Gwapitos. Masaya kang kasama mo sila. Oo sige ayos lang na kalimutan mo ako. Okay lang. Matagal na nating hiling yun hindi ba? Ang sana mapansin nila tayo. Pero Hope, mula ng maging magkaibigan tayo alam mong gusto ko si Mico. Pero ano? Ngayon close kayo? Ngayon siya na ang partner mo? Bakit? Dahil si Venice na kay Enzo so kay Mico ka na? Okay lang naman eh. Kung gusto ka talaga niya ano pa bang magagawa ko. Pero... Kapag kasama mo ba siya hindi mo ba ako naalala? Ha? Hindi mo ba naiisip na may isang taong masasaktan pag magkasama kayo? Ha? Bakit Hope naging selfish ka? Bakit ganyan ka na?" 

Nagbago na nga ba ako? Talaga bang masama yung ginawa ko? :( Nakipagkaibigan lang naman ako :( 

"Tapos ngayon ikaw pa yung galit na magtatanong kung anong problema ko at sisisihin ako na nangiiwan ako?! Wow. For your information, Hope Yazon... Nandito lang. Ikaw lang yung walang oras na makaramdam na may isang tao na nandito lang sa tabi mo. Tapos ano? Noong nawala ako saka mo lang narealize yung existence ko? Hindi naman ako nasabihan na lover pala ang ganap ko dito. Kasi ang alam ko sa mga eksena ang bestfriend laging magkasama, hindi naman ako nainform na dito pala iwanan ang drama." 

Nakita kong nagtago siya na magpunas ng luha niya. Awww pinaiyak ko si Miks!! :( Kaya agad akong tumakbo sa side niya at niyakap siya.

"Bakla sorry na! Ikaw naman kasi ayaw mo akong pansinin kaya iniwasan din kita! Namiss kaya kita! Sorry na! Wag ka ng umiyak! Gagawin mo pa akong girlfriend hindi ba?"

"Tumigil ka nga! Anong girlfriend! Di tayo talo. Si Mico ang gusto ko."

"Hay naku! Hindi ko papansinin si Mico promise. Iiwasan ko siya magbati lang tayo."

"Seryoso ka?"

"Oo nga! Mas love kita kay Mico."

"Kadiri ka."

"I love you."

Tapos kiniss ko siya sa cheeks. Todo punas naman siya. 

After noon nagbonding ulit kami! Kinwento ko lahat ng namiss out niya! Namiss ko talaga 'tong si Miks!! Sa wakas bati na kami!! Pero.. Kailangan kong iwasan si Mico para malaman ni Miks na sincere ako sa pakikipagbati ko sa kanya! Isa pa, para di na din ako awayin ni Mico! Hahaha. 

Ang mga sumunod na araw hindi kami mapaghiwalay ni Miks! Si Chelsea kasama si Bryle pero kami ni Miks nagbobonding. Masyado ata naming namiss ang isa't isa. Ngayon half day lang kami sa school kasi may event si Dean eh. Kaya pauwi na ako ngayon. 

"Boyfriend. Una na ako." Biglang yung mukha niya hindi maipinta.

"Utang na loob naman ate. Miski ata bulate sa tiyan ko hindi maatim na maging girlfriend ka."

"I love you too. Ang kiss ko."

"Nakakarami ka na sa akin ah."

"Asus gusto mo naman." Tapos nagflying kiss na lang ako sa kanya. Uuwi na sana ako kaso--

*Boog*

"Hope." 

Shet si Mico. Ilang araw ko na din siyang iniiwasan. Kung nasaan siya hindi ako dadaan. 

"Uy! Musta? Pauwi na ako. Bye."

"Bye agad?" Sabi niya.

"Nagmamadali kasi ako."

"Hatid na kita." HINDI PWEDE.

"Ammm may pupuntahan ako."

"Saan?" Ang dami namang tanong! Kelan pa siya naging interasado sa buhay ko? 

"Sa ano... Sa mall. Bibili ko si Miks ng regalo."

"Miks na naman?"

"Anong masama kay Miks?"

"Wala. Tara hatid kita sa mall."

"Teka teka--" pero hinila niya ako, dumeretso sa kotse niya at nandito na nga kami sa Robinson Ermita. 

"Anong regalo bibilhin mo?" Tanong niya.

"Bakit? Ikaw ha. May napapansin ako sa'yo."

"HUH?! WALA AH." Wala agad wala pa naman akong sinasabi. 

"Uyyy Mico. Ikaw ha." 

"Ay naku tigilan mo ako. Diyan ka na nga. Annoying brat." 

Tapos umalis na siya. Tingnan mo yun! Anong problema noon?! Sasabihin ko lang naman na napapansin kong nagbabagong buhay na siya! Tapos umalis! 

Total nasa mall naman na ako, magagala na lang ako. Sino kaya ang bibilhan ko ng regalo? Pag kasi nasa mall ako mahilig talaga akong bumili ng regalo. Kinuha ko yung phone ko at chineck ko yung calendar, marami kasing nakasave na birthday---

O____O Seryoso ba 'to?!  

August 28, 2013

Enzo Miguel Gutierrez' Birthday <3

Birthday ni Enzo! Nawala sa isip ko! Kaya pala noong isang araw ko pang gusto pumunta ng mall, kasi ibibili ko siya ng regalo! 

Nagikot ikot lang ako. 1:00 PM pa lang naman eh. Pwede ko pa ibigay kay Enzo yung regalo ko. Kaso, ang hirap naman mamili ng regalo eh! 

Maya maya nakakita ako ng stand na may cute na balloon. Ibili ko kaya si Enzo nito? Kaso saan naman niya gagamitin. Pero ang cute talaga eh! Bibilhin ko na nga! 

Binili ko yung mga maliliit na lobo na parang may design na heart heart at sa gitna isang malaking 'Happy Birthday' Ang cute talaga. Kaso, ano pa bang pwede kong ibili kay Enzo--

O___O

Nanghina yung kamay ko. Muntik ko ng mabitawan yung lobong kabibili ko lang. Nakita ko kasi si Enzo at Venice sa mall. Silang dalawa lang. May hawak na.. na lobo si Enzo. Iba lang ang kulay pero halos parehas ng design.

Tapos.. Tapos.. Magkaholding hands sila ni Venice. :( 

Maya maya pa napansin ko na lang na dinadala ako ng paa ko kasunod nila. Sumusunod lang ako sa kung saan sila pumupunta. Nagtatawanan lang sila. Dumaan sila sa ice cream shop tapos nagshare sila ng iisang ice cream.

Ang perfect nila tingnan. Ang ganda niya, ang gwapo niya. Gusto nila ang isa't isa.. Ano pang papel ko dito? Ang magdrama? :( 

Sinundan ko lang si Venice at Enzo. Oo stalker ako. Pero curious talaga ako sa kung anong gagawin nila eh. Masama ba 'to? Tanga na ba 'to? Sige na nga pangangatawanan ko na ang pagiging engot ko. 

Una silang pumasok sa "WithLove" store. Pagtingin ko, puro couple stuff. Malaki yung store kaya pumasok din ako. Hindi ako nagpapahalata na tinitignan ko sila! 

"Enzo, are you sure? This idea is cheesy."

Sabi ni Venice na hawak yung shirt na "Best Partner In The World" tapos may arrow kay Enzo. Anong cheesy doon?! Kung ako yun malamang namatay na ako sa kilig! 

"Please? For me?" Sabi ni Enzo. ANO BA 'TO! Ako ang kinikilig! 

"Fine. Just because you're a cutie." Tapos nagsmile si Enzo. 

Maya maya kinuha naman ni Enzo yung couple phone case. Yung may design na boy na nakasalamin tapos si Venice girl na nakasalamin. Bumili din sila ng couple glasses, couple hat, couple bracelet. Lahat ng couple sa store. Palibhasa mayaman! 

Ugggh. Naiinggit ako! Gusto ko ding magkacouple sa--

"Hi Ma'am. Ano pong hinahanap niyo?"

Ay kabayo! Ano ba 'tong si Ate! Sulpot ng sulpot! Nakakaloka! 

"Ugggh... Ito."

Tapos kumuha ako ng white na.. Ano ba ulit tawag dito? Yung bracelet na rubber? Bracelet siya eh. Pero rubber. Ugggh. Ang hirap maging makakalimutin! :| 

"Ito pong white na wristband?" AYUN! 

So ayun, napabili ako ng wala sa oras. Paano naman kasi yun ang pinakamalapit at yun ata yung wala si Enzo at Venice! Speaking of them, nakita kong umalis na sila kaya minadali ko na si Ate Cashier! 

Pagkatapos ng 5 minutes hinanap ko sila. Mukha akong nawawala sa mall! -_- Pero keber lang. Paninindigan ko ang pagiging stalker. :( Kahit na nakakababa ng pride. 

Nakita ko sila sa bilihan ng balloon. Ang hilig nila sa balloon. Infairness.

"What color do you want?" Sabi ni Enzo.

"Really, Enzo? It's your birthday! I should be the one treating you!"

"I'm still the guy, and this is still a date." 

Aray. So official nga na date ito? Nanghina ako bigla. Napahawak tuloy ako sa may gilid ko tapos--

"Ma'am 50 lang po." Huh?! Ano daw?! Ah, hawak ko pala yung lobo.

"Ay, di ko po bibilhin yan."

"Sayang naman Ma'am. Alam mo ba, yung kulay pulang lobo pag pinalipad mo sa hangin, makikita agad ng mahal mo kahit nasaan pa siya." Medyo ano daw yun?! 

"Naku wag mo na ako isales talk kuya! Di uubra. Isa pa, wala naman akong hinahanap."

"Bakit? Nakita mo na ba?"

"Sino?"

"Si 'the one'?"

"Hindi pa."

"Oh eh di may hinahanap ka pa." 

Ayos din 'tong si Manong sa logic ah! Oo nga naman. Pero... Sayang pera! Wag na uy. :| Teka saan na sina Enzo? Hanap hanap din.. At.. Nagbabayad na sila. Bumili sila ng blue na balloon. Nakita kong medyo lumingon si Enzo kaya napaupo agad ako para di niya ako makita. Maya maya pag tayo ko..

"Hi." Ay kabayo!

"Manong! Nakakagulat ka!" Si Manong kasi dala dala na naman yung pulang lobo. 

"Sasabihin ko lang na sa'yo na 'tong pulang lobo."

"Free?"

"Hindi."

"Huh? So babayaran ko? Hindi nga kuya. Iyo na yan."

"Sa'yo na nga!"

"So free nga?"

"Hindi nga! Pero iyo na yan."

ANG LABO KAUSAP! Tatanggihan ko sana kaso binigay niya na talaga sa akin. Kahit weird na may pulang lobo ako... Kinuha ko pa din! Sayang libre! 

Medyo mas lumayo ako kina Venice at Enzo kasi may pulang lobo ako! Haler! Pero buti na lang madaming tao sa mall ngayon! At uso ang balloon ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero madami akong nakikita na may hawak na lobo.

Sa pagmamasid masid ko, pumasok sila sa Karaoke Bar. Hindi na 'to sa loob ng mall. Lumabas na kasi sila. Madami kasing mga restaurant sa Adriatico, sa may gilid ng mall. Tapos pumasok sila sa KTV. Nakakaloka! Ayoko ngang pumapasok sa ganyan kasi mukhang bar! 

Pero kelangan kong pumasok! Masakit makita sila magkasama, pero mas papatayin ako ng isip ko sa pagiimagine kung anong susunod nilang gagawin. 

So ayun nga, pumasok sila, umorder ng food at namili ng kanta. Unang kumanta si Venice. "Someone Like You" ang kinanta niya. Biruin mong maganda pala ang boses niya! Nageenjoy nga akong makinig sa kanya habang kumakain ng order ko

(Oo, umorder ako. Papalabasin ako pag hindi eh. Yung lobo kong pula, pinabigay ko muna kay Kuya Guard sa labas. Agaw atensyon sa loob! Baka makita pa nila ako!) 

Maya maya tumayo na si Enzo at kumanta. Nagsimula ng tumugtog ang "I'm Yours" ni Jason Mraz. 

Habang kumakanta, titig na titig lang ako sa kanya.... Kahit na titig na titig naman siya kay Venice. Ang gwapo niya, ang talino niya, ang ganda ng katawan niya, ang yaman niya tapos ngayon talented pa siya?! Akala ko ba walang taong perpekto? Eh ano pala si Enzo? 

Matapos kumanta bigla siyang nagmessage. 

"Hi, good evening. Ummm.. Today is my birthday, but I wanna greet that pretty lady wearing white." 

Napatingin ako sa damit ko.. Nakaputi ako. Ako ba?! Tapos napatingin ako kay Venice.. Nakaputi din pala siya. Hay naku. :( 

"Venice, the best partner in the world. Thank you for sharing this day with me. It was awesome.. times two. Everything is better when we're together. You're like.. Another me. You know me so well, and you understand everything I do. Thank you for being so caring and patient. Venice, thank you. And.... You are my hope." 

Hope? Hope daw? Pangalan ko yun. :| Bakit ba kasi adjective ang pangalan ko. Umaasa tuloy ako. :( 

Bumaba siya sa stage, kiniss niya sa cheeks si Venice tapos naghug sila tapos nagyiee yung mga tao. Noong time na yun sobrang nanikip yung dibdib ko. 

Sino ba naman kasing sadista ang sasaktan ang sarili kasi sinundan niya yung taong mahal niya? Ako lang naman. Tapos iiyak iyak ako ngayon. :( 

Buong buhay ko, si Enzo ang hiniling ko. Siguro masakit lang isipin na ngayon.. May iba na rin siyang hinihiling. At yung hiling niya.. Pwedeng matupad, pero yung hiling ko? Hanggang sana at please na lang. :( 

Siguro masakit din yung lagi kong nakikita kasi si Enzo na single, kaya alam ko sa akin... Kahit papaano, may chance pa na pwede, baka pwede. O kaya naman, pwede ko pa siyang pagpantasyahan kasi wala naman siyang mahal. Pero ngayon.. Yung makita sila ni Venice na magkayakap... Wala na. Hindi na pwede. Imposible na talaga. Yung pangarap kong Hope Gutierrez, nabura na. :( 

Sa lahat ng nakita ko ngayong araw na ito, hindi ko mapigilang mawalan ng pag-asa. Ang feeler ko naman kasi eh. Naging close lang kami ni Enzo pakiramdam ko akin na siya. Nakalimutan kong isaisip na baka ako lang naman ang may gusto sa kanya. 

Lalabas na sana ako sa karaoke bar, pero pag labas ko biglang may nakabunggo ako. 

"Sorry." 

"It's okay." Tapos medyo nakita ko yung side view niya. Parang familiar kahit na nakaglasses siya at nakahat. 

Teka wait si..

"BRYLE?"

Bigla naman siyang napalingon ng onti tapos aalis na sana! Si Bryle nga 'to!

"HOY BRYLE! Bryle? Anong ginagawa mo dito?!" Lumakad siya ng mabilis pero sinundan ko siya. Huli ka! 

"Hi, Love." Tapos inalis niya glasses and hat niya. 

"Anong ginagawa mo dito--OHMYGHAD SINUSUNDAN MO DIN BA SI ENZO AT VENICE?!" 

Tahimik lang siya! I knew it! 

"Bakit mo sila sinusundan?! Nasaan si Chelsea?! Anong ibig sabihin nito Bryle?!"

Tumungo siya bigla. 

"I don't know, Hope. I don't know what I'm doing."

Tapos hinatak niya ako papunta sa ibang restaurant. Pero habang naglalakad kami salita lang ako ng salita. 

"Anong hindi mo alam?! Paanong hindi mo alam?! Sinusundan mo si Venice at Enzo. Nagdadate sila! Bakit? Nagseselos ka ba? Wala kang karapatan Bryle! Nasaan si Chelsea?! Wag mo siyang lokohin! Ano bang ginagawa mo!"

Hinawakan ako ni Bryle at pinakalma, madami na kasing tumitingin sa amin. Maya maya pumasok na kami sa korean restaurant. 

"Magpaliwanag ka. Anong ginagawa mo dito." Sinabi ko agad sa kanya.

"I don't know."

"Tangina Bryle wag na tayong maglokohan dito. Ako aamin ako, nakita ko sila, sinundan ko sila at sa huli nasaktan ako. Ikaw, anong ginagawa mo dito?!"

Hindi siya umimik. Tangina naman! Mukhang tama ang iniisip ko ah!

"Bryle, nagseselos ka ba sa kanila kaya mo sila sinundan?" Napatingin na lang sa akin si Bryle.

"No! Hindi!"

"Kung ganoon.. Anong ginagawa mo dito?!" 

Nagagalit na talaga ako kay Bryle dahil una sa lahat pinagkatiwalaan ko siya para kay Chelsea tapos ngayon makikita ko na sinusundan niya si Venice! Anong ibig sabihin noon?! 

"Kapag birthday ni Enzo laging may surprise si Venice, o kaya lalabas sila, o kaya magcecelebrate together. Every year. Tapos pag babalik sila sa amin para sa group party may sarili naman silang mundo. Ang hirap lang kasi hindi namin alam ni Mico kung sila na ba, o kung may nararamdaman sila para sa isa't isa. Wala naman talaga akong pakialam eh. Kaso.. " 

"Kaso ano? Anong connection niyan sa'yo Bryle, ano?"

Hinihintay kong sabihin niya na gusto lang niyang wag gawin ni Enzo ang ginawa niya kay Venice, o kaya nagaalala siya na baka mawalan ng time si Enzo sa Tres Gwapitos, o kahit ano ng dahilan na konektado siya pero alam na alam ko naman ang isasagot niya.

"Nalilito ako, Hope. Naguguluhan ako."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Utang na loob Bryle magsabi ka ng totoo. Bestfriend ko ang girlfriend mo, at kahit anong gawin mo... Ayokong sasaktan mo siya."

"Ayokong saktan si Chelsea. You know how I'm so dedicated to her. She's a nice girl at hindi ko kakayaning saktan siya. Pero.."

"Pero?!"

"Last night, Venice called me." 

"Tapos?"

"She asked me what's the plan for Enzo's birthday then I told her na wala pa. So she told me na icelebrate na lang namin some other day kasi hihiramin niya si Enzo the whole day tapos sinabi niya na papayagan daw niya kami ni Mico manuod sa malaki at bagong TV niya. Tapos.."

"Tapos ano? Nasaktan ka? Nagselos ka?"

"Napaisip ako. Ganoon pala kasweet si Venice? Kaibigan lang niya si Enzo pero dahil lang sa birthday niya hihiramin niya siya sa amin si Enzo tapos papagamit pa niya gamit niya para madistract kami. Napaisip ako.. Paano kung kami pa? Gagawin din kaya niya sa akin yun?"

Napahawak ako ng mahigpit sa table. 

"Bryle.. Anong.."

"Naisip ko kagabi, what if hindi ako nagloko? What if hindi ako naging gago, sigurado ako, ako ang gagawan ni Venice ng ganoon."

"Pero kaya ka namang gawan ni Chelsea ng ganyan."

"Pero si Venice 'to, Hope. Si Venice ko."

Nasaktan ako noong sinabi niyang si 'Venice ko'

"Mahal mo pa siya?"

Natahimik lang siya.

"Bryle, umamin ka nga sa akin. Bakit ka ba nakipagbreak kay Venice?" 

"Gago nga kasi ako."

"Talaga? Kung gago ka, bakit nanghihinayang ka na pinakawalan mo siya?" 

Napatahimik na lang siya. Alam kong nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya ba sa akin o hindi. 

"Bryle, you can trust me. Bestfriend ko si Chelsea, pero kaibigan kita. Isa pa, kung talagang mahal mo pa si Venice, mas okay na yung wag mong lokohin si Chelsea at ang sarili mo." 

Tumingin siya sa akin at hinawakan niya kamay ko. O///O 

"Hindi ko naman talaga gustong pakawalan si Venice noon eh. Hope, help me. I'm so confused. I love Chelsea, but Venice is special." 

Hindi ko alam ang gagawin. Siyempre mas matimbang sa akin ang wag niyang iwanan si Chelsea, pero bakit ba parang gustong bumalik ni Bryle kay Venice? 

"Pwede bang ipaintindi mo muna sa akin? Ano bang nangyari sa inyo ni Venice? Bakit mo nga ba siya niloko?" 

Tumungo siya tapos tumingin ng deretso sa akin at huminga ng malalim. 

"Venice is my first love. She made me believe in love. I was like any other young boy before. I was willing to give her my everything."

"Bakit hindi mo ginawa?"

"Because I've realized that.. Opposite to the fact that I was willing to give her my everything, she wasn't." 

"Anong ibig mong sabihin?"

"Si Venice, andaming pangarap sa buhay. Lahat gustong gawin. Sobrang bait, lahat gustong tulungan. Lahat gusto niya marating. Andaming ambisyon. Eh ako? Bata ako. Ano bang gusto ko? Magsaya. Yung palaging kasama siya. Magmahal. Pero, wala naman siyang oras sa akin.. Kasi nga andami niyang gustong gawin. Andami niyang pangarap na gustong abutin?"

Oo nga. Matalino, active sa clubs, masipag. Siguro nga mataas siyang mangarap. 

"Pero bakit ako? Hindi ba niya ako naging priority? Hindi ba niya ako hangad sa buhay? Bakit? Dahil nakuha na niya ako? Kaya wala siyang oras sa akin? Kaya tinatake for granted niya ako?"

Kung ganoon, dati possessive si Bryle at talagang loyal kay Venice pero walang oras si Venice sa kanya? 

"At dahil bata ako noon, walang alam kung hindi magsaya, bakit ko naman ipapakita na talo ako? Na nasasaktan ako sa tuwing di niya ako binibigyan ng oras? Marami namang may gusto sa akin, maraming babaeng kayang ibigay lahat ng oras nila sa akin. Yung hindi ako sasaktan tulad ng ginawa ni Venice sa akin."

Ang mga lalaki talaga, bakit ba ayaw nilang magpatalo? Bakit ba imbis na ipakitang nasasaktan sila, mananakit pa sila? 

"Kaya nasanay ako sa mga babaeng lahat binibigay, lahat ginagawa. Nakakasawa. Pareparehas lang. Kaya ako playboy, naghahanap palagi ng babae. Kasi..  Ano pa bang bago? Magiging sweet sila sayo? Mamahalin ka ng buong buo? Eh aanhin ko naman yun? Eh kung hanggang ngayon, yung puso ko nasa isang babaeng hinding hindi ako kayang iprioritize. Isang babaeng hindi ako kayang pahalagahan, hindi ako kayang bigyan ng oras."

Ibig sabihin... Mahal pa niya talaga si Venice? At hindi naman naalis yun? Pero si Chelsea? 

"Paano ko ipaglalaban yung pagmamahal ko? Eh alam kong.. Pagdating sa ibang bagay sakanya, talong talo ako."

"Ang gusto ko lang, yung ako. Yung akin siya, ako sakanya. Hindi naman ako madamot, at wala akong balak sakalin siya sa relasyon namin, pero ang gusto ko lang.. Minsan. Maramdaman ko.. Na para kay Venice, mahalaga ako."

"Pero bakit ngayon, si Enzo ang priority niya? Bakit ngayon kaya niya? Bakit noong ako, hindi niya magawa yun? Oo nagseselos ako kapag nakikita ko si Enzo at Venice. Pero ano nga bang magagawa ko? Ako naman ang bumigay noon diba? Ano bang karapatan kong bawiin siya?"

Sa lahat ng sinasabi niya, isa lang ang gusto kong tanungin..

"Paano naman si Chelsea?"

Tumungo siya. Imbis na maawa, nainis ako. Sasaktan niya ang bestfriend ko dahil nagseselos siya?! 

"I like her. Akala ko talaga siya na ang makakapagpabago sa akin. Akala ko yung pagmemeet namin, destiny. Pero... Hindi pa rin sapat eh. Hindi pa rin sapat ang pagmamahal niya para sa akin sa pagmamahal ko para kay Venice." 

Naiinis ako at nasasaktan ako para sa bestfriend ko. :( 

"So makikipagbreak ka kay Chelsea? Ganoon na lang yun? Sasaktan mo siya?"

"Ayoko siyang saktan!"

"Pero hindi mo siya mahal!"

"But I like her enough to stay."

Natigilan ako. So wala siyang balak makipagbreak kay Chelsea? :/ 

"Matuturuan naman ang pusong magmahal hindi ba? Kaya ko namang palitan si Venice sa puso ko gamit siya hindi ba?" 

At doon na tumama sa akin yung sinasabi ni Bryle. Mahal niya si Venice pero ayaw niyang saktan si Chelsea kaya hindi siya makikipagbreak kay Chelsea at pipilitin niyang mahalin niya si Chelsea?

Nalungkot ako para kay Bryle at para kay Chelsea.

Si Bryle mahihirapan kasi pipigilan niyang mahalin si Venice at pipilitin niyang mahalin si Chelsea. 

Si Chelsea masasaktan kasi mahal niya si Bryle pero hindi naman kayang ibalik pa ni Bryle yun. Haay. Bakit ba ang gulo? Bakit ba ang hirap magmahal? 

"Kasi naman Love eh, sabi naman sayong payagan mo na akong manligaw eh." 

"Tsk. Ang gulo ng lovelife mo. Hindi ko akalaing ganyan kakumplikado maging playboy."

"Ikaw na nga lang talaga liligawan ko."

"Oh sige na nga payag na."

"SERYOSO?!"

"Joke lang, asa! Girlfriend mo po ang bestfriend ko at mahal ka nun. Di ko gagawin sa kanya yun."

"Tsk. Pero Love..."

"Ano yun?"

"Crush talaga kita, seryoso."

ANO BA YUN. BAKIT KINILIG AKO. Shocks! Ang gwapo naman kasi nitong si Bryle Ortega eh! 

"Oh eh di dapat Crush na ang tawag mo sa akin at hindi na Love?"

"Ayoko nga. Love pa din. Kung hinahayaan mo na lang kasi akong mahalin ka eh di sana wala ng problema."

"Hindi kasi pwede."

"Bakit? Dahil kay Chelsea? Dahil gusto mo si Enzo? Dahil mahal ko pa si Venice?"

"Hindi."

"Eh ano?"

"Hindi naman kasi pinipilit ang pagmamahal. Kaya ka nga nagmamahal, kaya nga 'falling' in love ang tawag kasi nahulog ka at hindi yung may tumulak lang sa'yo." 

Napatihimik siya. Alam kong kahit nagloloko siya, deep inside nalilito at nasasaktan pa rin siya. 

"Kung mahal mo pa si Venice, pakawalan mo na si Chelsea. Bestfriend ko siya at ayoko siyang masaktan kapag nagbreak kayo. Pero mas lalong ayaw kong makita siyang naniniwalang mahal mo siya pero sa totoo lang hindi naman talaga. Mas masakit maloko ng kasinungalingan, kesa masaktan ng katotohanan." 

Wow. Ang lalim nun ah! Hope! Improving! Pero balik sa eksena..

Mukhang lalo kong napagulo ang isip niya pero yun talaga ang sa tingin ko ang dapat niyang gawin.

"Pero wala naman sa akin ang desisyon. Alam kong mas matalino ka sa akin Bryle at mas alam mo yung nararamdaman mo. Oo mahal mo si Venice pero alam kong mahalaga sa'yo si Chelsea kasi kung hindi eh diba dapat binreakan mo na siya? Pero iniisip mo yung mararamdaman niya. Kaya ikaw na ang bahalang tumimbang. Ang akin lang si Chelsea nandiyan na para sa'yo. Baka magsisi ka din sakanya pag pinkaawalan mo siya tulad ng ginawa mo kay Venice. Pero kung mas mahal mo talaga si Venice, wag mo ng lokohin ang bestfriend ko." 

"God, I hate drama. Why do things always have to be so complicated?!"

"Ganyan talaga ang buhay. Kung walang kumplikasyon, ano pang saysay? Kung wala problema para saan pa ang utak at pagiisip? Kung lahat masaya, paano mo malalaman yung ano nga ba yung pakiramdam ng maging masaya?" 

Ang lalim naman noon Hope Yazon! Yes! High Five! 

"If only you found me first. If only you laid your eyes on me before Enzo noong first day ng school. Eh di sana ako ang crush mo."

"Eh di sana ako din eh matagal mo ng naloko at wala ng usapang ganito."

"What do you mean?"

"Dahil crush ko si Enzo, umeffort ako maging friends kayo kaya naging friends tayo. Eh kung ikaw ang crush ko at umeffort ako na maging friends tayo, baka paasahin mo lang ako tapos after 1 day ibreak din. I'm just like any other girl. Depende na lang talaga yan sa situation na nasaan ka." 

"But still... What if?"

"Masasaktan lang ako sa'yo Bryle. Si Enzo nga na si Venice ang gusto nasasaktan ako kahit na bagay sila at deserve nila ang isa't isa. Paano pa kaya pag nakita kita kasama ang ibang babae na alam kong ibabasura mo lang din?" 

"Ano bang pakiramdam pag napaglaruan ka ng lalaki?"

Napahinga ako ng malalim.

"Isipin no na lang yung pakiramdam na kahit takot kang maniwala na gusto ka niya, ginawa mo kasi nagpaasa siya. Na noong una natatakot ka pero nagrisk ka kasi umeffort siya. Tapos kapag nakuha niya ang loob mo, unti unti siyang magbabago. Hanggang sa isang araw malalaman mo na lang na tapos na ang lahat. Hindi na ikaw ang gusto niya. At unti unti, masasaktan ka, marerealize mo na tanga ka kasi nagpaloko ka pero at the same time gusto mong bumalik siya at ang pinakamasakit eh yung kahit anong pilit wala ka ng magagawa. Tapos na. Wala na. Game over. At yun Bryle Ortega ang pinaparamdam mo sa bawat babaeng niloko mo." 

Hindi makatingin ng deretso sa akin si Bryle.

"Kaya magdedisyon ka ng mabuti kung anong gagawin mo at sino ang pipiliin mo. Si Venice o si Chelsea."

Continue Reading

You'll Also Like

345M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
93.6K 3.2K 14
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
7.2M 181K 28
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
116K 2.5K 18
Dice and Madisson