Mr. Know it All [EDITING]

By lesanlaine

6.1K 268 181

(c) lesanlaine All rights reserved 2015 - This the story of Leslie, her unfading feelings for her high schoo... More

Prologue
1st
2nd
3rd
4th
5th
6th
7th
8th
9th
10th
11th
12th
13th
14th
15th
16th
17th
18th
19th
20th
21th
22nd
23rd
24th
25th
26th
27th
28th
29th
29.2
30th
31st
32nd
33rd
34th
35th
36th
37th
38th
39th
40th
41st
42nd
43rd
44th
45th
46th
47th
48th
49th
50th
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
Special Chapter 5

49.1

82 4 2
By lesanlaine


49.1

Leslie

'The sweeter you treat her. The longer you will keep her.'

Iyan ang mga linya na hinding hindi ko makakalimutan na binanggit ni Gio kay Kuya. Nag-usap silang dalawa no'ng isang araw sa bahay, ewan ko ba pero bigla nalang ako napadaan sa kusina at iyan mismo ang narinig kong sinabi niya. Malamang sa oo si Monica ang pinag-uusapan nilang dalawa.

"Mas mabango ba 'to?" pinaamoy ko kay Monica ang isang pabango na hawak ko.

Kanina lang namin naisipan na bilhan ng regalo si Gio. Kaarawan na niya bukas. Ang bilis umikot ng mundo, Mayo na naman ngayon at sa isang buwan lang Hunyo na ulit. Ibig sabihin lamang nito ay nasa ika-huling taon na namin sa kolehiyo. Parang pagbabasa lang ng libro, hindi mo namamalayan na patapos ka na pala sa kwento na no'ng isang araw mo lamang sinimulan.

"Mas magugustuhan niya 'yung isa" komento niya.

Nakakapanselos, mas kilala niya si Gio kesa sa'kin. Wala akong alam kung ano ang tipo ng pabango na gusto niyang gamitin. Kahit sa t-shirt, ang alam ko lang mahilig siya sa puting t-shirt na may kakaibang disenyo na nakalagay sa harap nito.

Si Monica hindi nahirapan sa pagpili ng regalo. No'ng isang araw pa raw kasi nagpaparinig si Gio tungkol doon sa t-shirt na gusto niya. Samantalang sa'kin kahit isang paramdam o parinig na gusto niya nito wala siyang nagawa.

Kinuha ko 'yung pabango na sinabi ni Monica na mas magugustuhan ni Gio. Iyon lang talaga ang unang pumasok sa isip ko na ibigay sakanya, palagi ko siyang naaamoy na may pabangong gamit.

From: Giobels
Good morning.
I thought that's next week, bakit ang bilis naman?
Anyway, I love you :D
-

Nagpalusot ako sakanya na magkikita-kita kami nila Simon ngayon. Sa isang linggo pa naman talaga dahil padating si Ike, sinamahan lang ako ni Monica ngayon dahil hindi na siya pwede bukas. Aalis raw sila para mag out of town.

Mas pinili ko na huwag na muna siyang reply-an baka sa sobrang kadaldalan ko masabi ko pang magkasama kami ni Monica ngayon.

"For three days iyon. Isasama ko nga sana si Diwata at Dyosa kaso nasisilip naman ni Kenn" nakikinig ako sa kwento niya. Ngayon palang kami kakain ng brunch (breakfast at lunch).

"Ni Kuya? Kasama ba si Kuya?"

"Hindi, sinasama siya ni Daddy pero hindi ako pumayag. Siguro next time nalang"

Nakakaawa naman si Kuya. Si Jewel lang ang kasama niya sa bahay ngayong bakasyon. Naghihintay pa sila ng tawag doon sa inaapplyan nilang trabaho. Mahihiwalay na ulit siya kapag sumakay na sila ng barko.

"Balita ko ayos na daw kayong dalawa"

"Sinong nagsabi? Nag-uusap naman kami pero medyo naging basta, okay nga siguro ang tawag doon" nilalaro nalang ni Monica 'yung pagkain niya. Ang bagal kong kumain.

"Ano palang plano mo pagkatapos ng graduation?" pag-iiba ko ng usapan.

"Gano'n ulit, magbabakasyon bago mag trabaho" simpleng sagot niya sabay tingin sa labas, nakapwesto kami sa isang sulok ng kainan kung saan glass window ang katabi namin sa kaliwa. "Nasa barko na sina Kenn noon 'di ba?" tanong niya pa.

"Siguro? Bakit?"

"I promised him at we'll go on a trip before he leaves" sa paraan ng pagkakasabi niya nito halata sa mga mata niya na masaya na ulit siya.

Marami na ngang nagbago sa'ming magkakaibigan. Hindi na kami 'yung sobrang napaka isip bata. Wala na rin halos sobrang OA kung umasta, kahit si Dyosa naging seryoso sa buhay.

Si Charmaine at Diwata, ayon sinusubukan nila kung ano ang magiging resulta ng paglabas-labas nilang dalawa. Hanggang ngayon kasi may gusto pa rin si Cha sakanya.

Kung si Angel naman, marami akong napapansin sakanya na ayaw niyang pag-usapan. Napapansin ko na parating nakabuntot sakanya si Ralph. Kahit sa sectioning namin magkasama silang dalawa. Nagsimula 'to bago matapos ang ika-apat na taon namin sa kolehiyo.

~

Nakatayo ako sa harapan ng bulletin board sa building namin. Binabasa ko ang mga aktibidad ngayong taon, maraming nagbago. Nandito ako sa school para ayusin ang enrollment ko at ni Diwata. Pareho kami ng section na napili. Sa ngayon, iniwan niya ako dito sa building para tingnan si Charmaine kung nandoon sa building nila. May usapan pala 'yung dalawa.

Patapos na ang buwan ng Mayo. Nalulungkot ako para sa sarili ko. Minsan nalang akong magbalak ng surpresa para kay Gio hindi pa natuloy. Biglaan ang naging pag-alis niya sa mismong kaarawan niya pa. Dumating 'yung lolo at lola niya kaya kinailangan nilang sunduin ang mga 'to. Matapos ng pagsundo sa isang hotel sila dumiretso. Hindi naman siya natigil sa pagtetext at pagtawag sa'kin, may balak na kaming puntahan ng araw na 'yon kaso nga maraming pagbabago ang nangyari. Hanggang ngayon hindi pa ulit kami nagkikita.

From: Ike
Bebs! Tuloy na tuloy na this week. May resort nang nahanap sina Jeff. Oks na daw 'yon. Sama ka?
-

Pati ang outing namin natigil. Ngayon nalang ulit matutuloy. Hinintay pa kasi si Jeff na galing sa bagong bahay nila. Matagal silang tumigil doon kaya ngayon palang siya makakasama ulit sa'min.

Habang binabasa ko ang message ni Ike hindi mapigilan na may maamoy ang ilong ko.

Pakiramdam ko may tao sa tabihan ko. Nang tingnan ko kung may katabi ako, mayroon nga, may nakita akong isang lalaki na nakatayo sa tabi ko mismo. Nakatingin siya sa bulletin board na kanina ko pa binabasa, may nilalarong susi ng kotse sa kamay, "Bakit mo tinitingnan, ano'ng meron?" kinausap niya ako. Nakangiti na siya sa'kin.

"Sumagap ng balita. Bakit ka nandito?"

Naramdaman ko nalang ang kamay niya na hawakan at ayusin ang buhok ko na wala sa ayos, "Nandito ka, eh. Stalker mo ako" sagot nito.

"Baliw. Sana sinabihan mo ako na pupunta para makapaghanda ako sa hitsura mo, ang pangit mo na talaga" pagbibiro ko. Pansin kong napagupit siya ng buhok.

Umalis na kami sa harap ng bulletin board. Nagpasya kaming puntahan sina Charmaine at Diwata. Habang naglalakad naka-akbay pa talaga siya sa'kin. Hindi ko na sinaway, wala rin gasinong tao ngayon sa campus kaya hindi ako naiilang. At kahit mailang pa ako, alam ng buong accountancy department na may boyfriend akong Angelo Gabriel Manansala III ang pangalan. "Regalo ko?"

"Gamit mo na nga. Ano pa bang gusto mo?"

Si Charmaine ang nag-abot sakanya ng regalo ko. Dapat kasi talaga may surprise kami sa bahay nila, nabalewala lang lahat. "Date tayo ngayon"

"Kasama natin sina Charmaine, 'di sila pwedeng iwan"

"Sama natin" tiningnan ko siya. Hinihintay niya ang isasagot ko.

"You're blushing, panda" sinabi niya. Mabilis kong iniwas ang tingin sakanya, sa lapit ng mga mata niya sa mata ko baka kung anong emosyon ko pa ang mabasa niya.

~

Nakagawian namin ni Gio na magsimba ng magkasama. Kung hindi man kaming dalawa lang, kasama sina Kitt at Gia. Ngayon, sinama namin sina Charmaine at Diwata. Hindi talaga totally misa ang mayroon ngayon. Dumaan lang kami sa simbahan para magdasal at maglibot ng saglit.

Natitinginan kami ni Gio, nagmamaneho siya pero maya't maya niya akong titingnan. Hindi dahil sa gusto niya lang akong tingnan kundi dahil doon sa dalawa naming pasahero. Kung mag-usap 'yung dalawa ni Diwata at Charmaine parang sila na. Tipong sila lang ang nakakarinig ng pinag-uusapan nilang dalawa. Ang lawak ng espasyo doon sa likod pero sobrang magkatabi sila sa upuan.

Kapag titingnan ako ni Gio, ngingiti siya sabay magtataas ng parehong kilay. Siya ang unang kikiligin sa dalawang love birds sa likod namin.

Naipit kami sa traffic. Palagi nang kaakibat ng paglabas ang traffic sa daan. Ang usapan na dapat bago mag ala sais nasa bahay na ako biglang nawala. Anong petsa pa ako makakarating sa bahay kung ganito ang usad ng mga sasakyan?

Nilingon ko sina Charmaine at Diwata sa likod, tulog na sila. Kinuhanan ko pa ng litrato ang dalawa, matutulog lang kailangan pang nakasandal si Charmaine sa balikat ni Diwata? Bagay silang dalawa. Lalaking lalaki na si Diwata ngayon. Kayang kaya na niyang ipaglaban kahit kanino si Charmaine.

"Let's play a game" giit ni Gio. Napansin niya sigurong sa dalawa nalang nabaling ang atensyon ko.

"What game?"

"Banana and papaya"

Sa gitna ng traffic may naisip pa siyang laro. Banana and papaya? "Huh? Anong laro 'yon, Gio?"

"I'll teach the Panda, listen" nagsimula na siyang magturo. Nakatingin siya sa unahan ng sasakyan niya habang nagsasalita. Pinapanuod ang mga sasakyan at ang mga pulang ilaw nito. Sa unang tingin halatang marunong na marunong siya sa ginagawa niyang pagmamaneho.

Kasing dali nang pagbibilang ng 1,2,3 ang pagmamaneho niya.

Ang sabi niya, "I'll say BA then you'll say NA and I'll say NA again. That's on repeat, BA-NA-NA"

Palitan lang kami ng Banana. Ganun din sa Papaya. Siguro kay Gia na naman niya napulot ang laro na 'to.

"Ba" pagsisimula ni Gio, "Na" sagot ko naman. Habang ginagawa namin 'yon sakanya lang ako nakatingin. Siya naman paminsan minsan lang titingin sa'kin. Nagbubulungan nga kami dahil ayaw namin makagising ng tulog.

"Na" sabi niya ulit.

"Ba" sabi ko, "Na" sagot niya, "Na" ulit ko.

"Ba"

"Na"

"Na"

"Ba"

"Na"

"Na"

"Na" sabi ko. "Why?" napangiti ko siya. "Mali ka. Dapat Ba ulit. Balik tayo sa Ba, hindi Na"

Kung paliwanagan niya ako parang isa siyang tutor. Mali ba talaga 'yung nasabi ko? Banana, tama naman lahat ng sinabi namin.

"Weh? Nakakainis 'to, nililito mo lang ako"

Pinisil niya ang pisngi ko, "Ang cute magtampo. Papaya naman tayo"

"Ayaw. Nalilito lang ako"

Pinaulit-ulit ko sa utak ang Banana. Tama naman talaga 'yung sinabi ko, Na ang sunod sa Na. Ah, ewan.

Habang nag babyahe iniisip ko pa rin 'yung Banana. "Les, come closer" sabi ni Gio sa'kin. Napalingon ako sa pwesto niya, naglalakbay kasi sa daan ang mga mata ko. Ang tahimik ko pa sa byahe pauwi.

"Bakit?" tanong ko. Nag mamaneho siya ng lagay na iyan tapos lalapit pa ako sakanya.

"Just do it"

Nilapit ko 'yung ulo ko sakanya, hinihintay ko ang sasabihin niya sa'kin. May binulong lang naman siya, "I love you" iyan lang 'yon. Ang arte niya pa at may pagpapalapit pa sa'kin para sa I love you niya.
"Kinilig ako" pang-aasar ko naman sakanya.

I never knew it was coming. In a second a received a quick kiss from him.
A kiss on the nose.

~
From: Giobels
Pick up the phone, Les. Just answer it.
-

Kahit ang plain ng text message niya nakaramdam ako ng takot. Kagigising ko lang at sampung missed calls na agad ang mayroon ako galing kay Gio. Isang naligaw na message lang ang pinadala niya sa'kin.

1pm na. At ngayon lamang ako nagising.
Sumunod na ring sinagot ko na ang tawag niya, "Hello, Gio baki—"

"Explain now. What happened yesterday?" tanong niya kaagad. Hindi pa ako nakakatapos sa sasabihin kong pagbati sakanya gusto na niya akong magpaliwanag. At hindi ko nagustuhan ang tono ng boses niya.

"Explain? Ang alin?"

Nagtataka ako sa sinabi niya. Ano ba ang dapat kong sabihin sakanya tungkol sa kahapon? Nag overnight swimming lang naman kami nina Angel, kasama pa namin si Ralph na pinagtaka ko. Tapos, punyeta. Leche.

Sinabi kaya ni Ralph sakanya?

"I'm waiting. Explain everything, why did you end up doing that? Hindi ako galit, gusto kong marinig ang paliwanag mo, Les. Now"

Hindi pa siya galit sa tono ng pananalita niya. May kasamang NOW pa. paano ko ba sisimulan ang pagpapaliwanag? Alam ko na kung ano 'yung kinakagalit niya.

Sisimulan ko ba sa ganito, 'Gio, napagpustahan lang 'yon. Kapag natalo sa card game kailangan mag try ng isang drink. Flavored drink naman 'yon at light lang. Ang masamang parte lang dito, naubos ko 'yung isang bote ng San Miguel Flavored Beer. 19 na ako, pwede na naman akong mag try ng mga ganun. Hindi ko na uulitin'

Sa tingin mo ba matatanggap niya ang paliwanag mo na yan? Tanong ng isang Leslie sa utak ko. Hindi, sagot ko naman dito.

"Sina Ike at Angel naman ang kasama ko sa kwarto. I swear! Nakabukod ng kwarto 'yung mga lalaki. Masakit lang 'yung ulo ko nang magising ako kanina, wala ng nangyari. Iyon lang talaga, Gio. isang bote lang talaga 'yung naubos ko. Sorry na. Sasabihin ko naman sa'yo, sinabi ko na rin kay Kuya kanina nang makauwi ako. Sorry talaga"

Naghihintay ako ng sagot galing sakanya. He just sighed. "Okay. Iyan din sinabi ni Ralph sa'kin. Sinong mga kasama niyo?"

Bumalik na sa dati ang tono ng pananalita niya. Kalmado na, "Wala si Harvey. Nagbabantay sa anak niya" sinabi ko na agad ng diretso. Alam ko naman na tatanungin niya si Harvey, hahanapin niya sa'kin.

"I'm not asking about him. And why Ralph is with you? Wala siyang binanggit na sasama siya"

"I don't know" naghikab pa ako. Kulang ako sa tulog. Literal na gising lang kaming lahat kagabi. Nasa kwarto kami pero nagdadaldalan lang kami nina Ike. "Okay, I'll talk to you later or tomorrow. Tulog ka na ulit"

"How sweet of you pero 1pm na at kailangan ko pang kumain at maligo ulit. Tawagan kita after 2 hours. Joke, bye for now. Love you, babe"

Nagmadali akong tapusin ang tawag. Inaasar ko lang siya doon sa 'babe', may na wrong send sakanya na ang sabi ay 'Babe, pauwi na ako. Nasa bahay ka na ba? Love you, babe' ginaya ko lang.

From: Giobels
Don't call me babe. I'm not your babe, panda. I love you. Mahal din naman kita. Di mo na kailangan sabihin 'yon, di ako galit. Be a good girl next time. You're with boys that time. No one knows what will happen. Okay? Don't skip meals. Just kiss the phone screen for me.
-

~

Charmaine

Nagbubura ako ng messages nang mabasa ko ito:

Magkakasama kami kanina nina Angel. Nagpasama ako sakanila para bilhan ng regalo si Delfino. It is not his birthday. I was just proud of his achievements. Magkakaroon na siya ng kotse dahil sa matataas na grades. I am so lucky to have him in my life. I never own a title with him. We are exclusively dating. For almost 9 months?

Natatawa nalang ako doon sa exchanges of message ni Ralph and Angel. Ang kulit talaga ng dalawa na iyon.

Sa huli naman kasama pa rin si Ralph. Mawawala ba iyon kung nandyan si Angel his love.

From: Babe
(si Delfino pa rin ito)
Hi. Thank you sa efforts. Di ko birthday pero may ganito? Appreciated, Charmaine 😘

Myghad. Kababasa ko palang ng message niya kinilig na agad ako. Ang lakas ng tama ko sa isang ito.

To: Babe
You're welcome, babe 💋 hahaha
Good night! :)

Alam niyang tinatawag ko siyang babe hanggang ngayon. Fake man o totoo. Ang alam ko gusto ko siya. At tuturuan ko siyang magustuhan ako.

-

Continue Reading

You'll Also Like

7.9K 383 13
A 𝗴𝗲𝗻𝘂𝗶𝗻𝗲 yet 𝗱𝗮𝗻𝗴𝗲𝗿𝗼𝘂𝘀 𝗹𝗼𝘃𝗲. - 𝑹𝒆𝒂𝒈𝒂𝒏 𝑺𝒘𝒆𝒆𝒕𝒛𝒆𝒍 𝑨𝒍𝒃𝒂𝒏𝒐 & 𝑨𝒍𝒍𝒐𝒓𝒂 𝑽𝒂𝒍𝒆𝒏𝒕𝒊𝒏𝒂 𝑴𝒐𝒏𝒓𝒐𝒆 ❣
1.4M 32.5K 29
Luke and Aviona - A romance that blosssomed in a society where a governor cannot love the daughter of a prostitute. R18 Adult content
48.1K 2.4K 39
Obsession #1 Elvis Craig Pendleton is an obsessive person. His behavior turns into madness when he met the poor boy, Ken. That madness pushes him to...
848K 40.5K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle