Just The Strings (COMPLETED)

By beeyotch

53.3M 1.4M 879K

All her life, Mary Imogen Suarez was led to believe that she should end up with Parker Adrian Palma. Na dapat... More

About The Story
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Epilogue
Special Chapter # 1
Special Chapter # 2
Special Chapter # 3
Special Chapter # 4

Kabanata 25

853K 23.7K 15.2K
By beeyotch

#JustTheStrings

Kabanata 25

Hindi ako agad nakasagot kay Saint. I was caught off guard. Ilang beses akong kumurap sa harapan niya dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi niya.

"It's okay, Mary. I'm not rushing anything, alright? Take your time," he said and then smiled a little.

Biglang may parang kumurot sa puso ko sa mga sinabi niya. Na para bang sigurado siya na hindi ako sigurado sa nararamdaman ko. Na para bang mas kilala niya ang sarili ko. Somehow, it hurt... It did hurt. It stung. Hindi ko akalain na sa kanya ko pa maririnig ang mga salita na 'to... and I shouldn't be hurt kasi hindi naman totoo ang sinasabi niya.

I like him. I really do... kasi hindi naman ako masasaktan nang ganito sa mga sinasabi niya kung hindi, e.

I wanted to refute the words that he said pero parang buo na rin naman na iyong isipan niya tungkol sa nararamdaman ko. Bakit ba ganoon iyong ibang mga tao? Na para bang mas alam pa nila iyong nararamdaman mo kaysa sa iyo? Sila ba iyong may kontrol sa puso mo? Bakit pakiramdam nila mas alam nila? Kaysa sa 'yo na mismong nakakaramdam?

"Just... don't say yes if you're not sure with me. Because that would suck."

He smiled at me pero hindi umabot sa mga mata niya iyong ngiti niya... pero sinubukan ko na ngumiti pabalik kasi alam ko na wala naman siyang hangad na masama sa mga sinasabi niya sa akin. He meant well. But it did hurt.

Nag-ikot kaming dalawa sa mall at nag-usap na lang tungkol sa ibang bagay. Weird pala sa pakiramdam iyong ganito na umaarte kayo na okay kayo kahit na alam mo naman na hindi. Na kahit marami kayong pinag-uusapan, alam mo na mayroon kayong iniiwasan. Ang bigat pala sa pakiramdam nito.

Nasa loob kami ng isang ice cream parlour at hinihintay iyong order namin na banana split. Saint's his usual self again. Hindi na siya iyong seryoso kanina. Sa ilang buwan na kakilala ko si Saint, minsan ko lang talaga siya nakikita na seryoso kasi madalas, masaya lang naman siya. Unang beses ay 'yung nakita niya akong umiiyak dahil sa wedding booth ni Parker at Cindy... At 'yung pangalawa ay iyong ngayon. Pero kahit na medyo nakakatakot iyong seryoso na Saint, I liked it. I liked seeing all parts of him... Hindi lang iyong masayang Saint. I liked the serious Saint. I liked the happy Saint. And I will like all versions of him.

"Okay ka na talaga?" Hindi ko kasi mapigilan na tanungin siya. Ayoko kasi nung iniisip niya na hindi ako sigurado sa nararamdaman ko para sa kanya... I had been there and it was not a very nice place to stay at.

Mabuti na lang at dumating na iyong order namin. He dug in and began eating.

"Why wouldn't I be?" he asked back.

"Wala... Baka kasi—"

He looked me in the eyes. Ito na naman. Seryoso na naman siya. Ang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko.

"Mary, I'm okay. I'm not like some people. When I say I'm okay, it means I'm okay. If I say I'm not, it really means I'm not... I'm very literal," sabi niya sa akin ng hindi pinuputol iyong tingin sa mga mata ko. Ngayon ko lang napansin na itim na itim pala 'yung mata niya. "I'm okay, okay?"

Kaya napatango na lang ako. Ngumiti naman siya.

"Now, come on. Let's enjoy the ice cream, alright?" he asked and I began smiling.

Nag-usap lang kami tungkol sa mga ibang nangyayari at gumaan na rin talaga ang pakiramdam ko. Iba kasing kasama si Saint... Parang mawawala iyong mga problema mo kasi masaya lang siya palagi. I like being around these kind of people. Sobrang gaan sa pakiramdam.

"I'll be gone for a week."

"Ha?"

"I'll be in Brunei for training," he mentioned. "Pasalubong?"

Napabuntong hininga naman ako. Akala ko naman makakasama ko na ulit siya pero parang hindi na naman... Minsan pala kahit ano'ng pagiging supportive ang gusto mong gawin, may punto na gusto mo na lang maging bola. Para kasing mas masaya maging bola.

"One week talaga?" I asked and he laughed. Tss. Tinawanan pa ako.

"Miss mo na agad ako?" he teased.

Hindi na ako sumagot dahil tutuksuhin niya na naman ako.

"It'll be fast, I swear. You won't even notice that I'm gone."

Paano? E kahit nga isang araw lang na wala siya, napapansin ko, e. Palagi na kasi kaming magkasama. Lalo na nitong nakaraang linggo na literal na magkasama kami araw-araw... Tapos biglang one week na wala na naman siya. Parang salit-salitan lang, e.

"I doubt," I replied. "Kailan ang alis mo?"

"Tomorrow."

"Agad?"

He nodded and I pursed my lips. I heard him sighing.

"Aww don't be sad. How will I play if you're here in the Philippines pouting? Baka hindi pumasok lahat ng bola ko."

Napa-buntong hininga na rin ako.

"Ano'ng oras 'yung flight mo?"

"5am."

"Hatid kita."

Hindi ko alam kung bakit sinabi ko 'yun. He laughed shortly.

"Do you even know how to drive?" sabi niya. Psh. Porke magaling siyang magdrive, e.

"Papahatid tayo kay Kuya," I said at mas lalo namang lumakas ang tawa ni Saint.

"Yeah, do that. Pretty sure he'd crash the car to kill me."

Kung anu-ano lang ang pinag-usapan namin hanggang sa makarating kami sa bahay namin. Saint was persistent that time would fly pero ang tagal kaya ng one week. Ang dami kayang pwedeng mangyari sa loob ng isang linggo...

"Ayaw mo talaga?" I asked him again.

He laughed and shook his head.

"I'll have Austin drive me to the airport," he said. Hindi pa rin tapos! Kailan kaya ang expiration date ng kontrata ni Austin? Ang tagal na rin talaga, e. Curious na talaga ako kung saang pustahan natalo si Austin kaya lang baka naman kasi secret sa pagitan nilang magkakapatid iyon kaya hindi ko magawang itanong.

I sighed.

"Okay..."

He laughed at my reaction. Tawang-tawa talaga siya sa akin ngayon.

I was unbuckling my seatbelt pero sa inis ko yata ay hindi ko matanggal iyon. Lumapit si Saint at saka siya ang nagtanggal para sa akin. Nahigit ko iyong hininga ko dahil sobrang lapit niya sa akin. And when I heard the unbuckling of the seatbelt, hindi pa rin siya umaalis sa pwesto niya. Nakapatong iyong ulo niya sa balikat ko at iyong dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ng katawan ko.

I could hear his heavy breathing.

"Please miss me while I'm gone," he said, his breathing ragged.

Para akong nanigas sa kinauupuan ko.

"M-mamimiss naman talaga kita," I replied. Mas lalong gumulo iyong loob ng sistema ko.

Ang sarap nung yakap ka ni Saint kahit pakiramdam ko medyo awkward iyong pwesto namin dahil sobrang tangkad niya. Pero ayoko pa ring gumalaw kahit ganoon. One week kasi na mawawala si Saint kaya gusto kong sulitin iyong panahon na 'to... Siguro dapat alamin ko na iyong schedule ng Gilas para hindi ganito na nabibigla na lang na kung saan pala siya pupunta.

Wala pang isang minuto kaming magkayakap nung biglang may malakas na katok sa bintana ni Saint.

"Every freaking time," Saint said under his breath. Umalis na siya sa yakap namin at saka sabay kaming napatingin sa bintana sa labas. Nandun si Kuya na kinakatok iyong bintana. "Preston's a psychic. Parang alam niya kung kailan dapat maging epal."

Nakadikit iyong mukha ni Kuya sa bintana na parang sinisilip iyong loob pero hindi niya makita dahil heavily tinted iyong bintana ni Saint. Ibinaba ko iyong bintana kaya napaatras bigla si Kuya. Nakakunot iyong noo niya.

"Bakit, Kuya?"

"Ano'ng ginagawa niyo sa loob?"

"Nag-uusap," I replied.

"Bakit ang tagal niyo sa loob?"

I nodded.

"May problema, Kuya?" I asked. Umiling naman siya kaya bumaba na lang ako. Tinignan ko ulit si Saint. "Ingat ka sa flight mo," I said with a heavy heart.

He winked at me. Feeling ko sinadya niya iyon dahil katabi ko si Kuya.

"Always," he replied tapos nagpaalam naman din siya kay Kuya pero si Kuya, hindi naman siya pinansin. Arte talaga.

--

Nagsimula iyong linggo na wala si Saint pero nakakausap ko naman siya palagi online. Minsan nga lang pagod na talaga siya kaya sandali lang kami nakakapag-usap. Pero mas okay na naman iyon kaysa sa wala. Iyon nga lang, iba pa rin kapag kasama ko siya dito mismo. Weirdo niya kasi online, e. Kung anu-anong link at video ang sinesend sa akin. Minsan din nagmumusical.ly siya. Pinipilit nga niya ako kaya lang hindi talaga ako magaling, e. 

Sa cafeteria muna kami nila Kath dahil freecut kami sa isang subject. Usually, nasa labas na kami ni Saint kapag ganito at kumakain ng kung anu-ano... Haaay. Nakakamiss talaga iyong tao na 'yun.

"Let's go out tonight!" biglang sabi ni Kath nung mapansin niya na tahimik kami ni Liza.

"Ano'ng gagawin natin?"

"Let's party!"

Napatingin kami ni Liza sa isa't-isa at saka umiling.

"Ayaw namin," we said in unison.

Kath groaned. "Ugh! Please naman! 18 na kaya tayong lahat kaya pwede na!" she pleaded but the idea of going to clubs wasn't very appealing... Hindi kasi ako mahilig sa mga lugar na maraming tao at masisikip. Pakiramdam ko nga medyo claustrophobic ako kasi hindi ako makahinga nang maayos kapag masyadong maraming tao ang nakapaligid lalo na kapag enclosed iyong space.

"I don't know..." Liza replied hesitantly.

"Come on, it'll be fun!"

"We can have fun without going to clubs naman..." I offered. "What about sleepover?"

She groaned.

"I don't want to wear pajamas and paint our nails. Come on! Night life naman tayo for a change!" sabi niya. "And para naman makapag-unwind ka from all these love life drama!"

Buong araw niya kaming kinukulit ni Liza. Friday naman daw ngayon kaya dapat pumayag na kaming dalawa. Kung anu-ano pa ang sinabi niya para kunsensyahin kaming dalawa pero ayoko talaga... Bukas na kasi ang uwi ni Saint galing Brunei and I wanted to talk to him tomorrow pronto.

Nung matapos na iyong mga klase namin, hindi pa rin tumitigil si Kath.

"Come on! What should I do ba para mapapayag kayo?" She was really serious about it.

I looked at her.

"Fine," I huffed. She squealed but I continued. "But no drinking."

"KJ naman!"

Liza nodded.

"For me rin," she said.

"Ikaw rin?!"

Liza nodded again. "You're the only one who's drinking among the three of us."

"And let's be home by 11."

Kath grunted again but she said yes, nonetheless. "I really should consider having friends besides the two of you," she said then walked away. Napailing na lang kami ni Liza. Kami lang naman ang gusto niyang kasama palagi kasi naiinis siya sa mga ibang babae sa school.

Pagkatapos nun, umuwi na agad ako dahil 7pm ako susunduin ni Kath para naman daw masulit iyong gabi namin. Nagpaalam ako kila Papa at pinayagan naman agad ako nung sinabi ko na sila Kath ang kasama ko pero syempre dapat kasama ko raw si Kuya Preston. Pagdating ni Kath, nasa kwarto pa rin ako dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong suotin. Hindi naman kasi ako familiar sa mga dapat isuot sa club. Dapat si Kuya ang tatanungin ko pero hindi pa rin siya nakakauwi... Baka sumunod na lang daw sabi ni Papa.

"Bakit 'di ka pa ready?" Kath asked. Nakaayos na siya. Nakasuot siya ng white fitted skirt, black halter top, at saka ankle boots. Ang cute niyang tignan. Sayang wala si Kuya.

I sighed.

"Hindi ko alam isusuot, e..."

Napailing na lang si Kath sa akin at saka siya pumasok sa walk-in closet at naghanap ng pwede kong isuot. Pero hindi ako sure kung may mahahanap siya na papasa sa taste niya kasi karamihan naman sa mga damit ko, masyado daw manang sabi niya. Hindi naman kasi ako mahilig magsuot ng mga sinusuot niya kasi masyadong fitted o kaya naman maigsi.

"This," sabi niya sabay pakita nung black high-waist pants, green na midriff na hindi ko alam kung saan niya nakuha, at saka iyong Valentino shoes na bigay sa akin ni Mama nung 17th birthday ko na never ko namang nagamit. Iniisip ko pa lang na suot ko ang mga hawak niya, nakikita ko na si Kuya na inaatake sa puso.

"Wala bang—"

"Decent naman 'to!" sabi niya.

"Oo nga kaya lang—"

Pero hindi na ako natapos sa sinasabi ko dahil tinulak niya ako papasok sa CR kaya wala na akong nagawa. Mabilis lang na nilagyan ako ni Kath ng makeup dahil mukha daw akong multo dahil ang putla ko. Pinabayaan ko na siya dahil pagod na akong kumontra dahil siya rin naman ang nanalo sa huli.

"Ayan, mukha ka ng human!" sabi niya nang naka-ngiti. Mukhang masaya siya sa kinalabasan ng ginawa niya sa akin. Bumaba lang kami at nandun sila Mama. Kakatapos lang yata nila kumain. "Alis na po kami," Kath said.

Mama smiled at her. She liked Kath kasi. "Okay. Ingat kayo. Susunod na lang si Preston..."

We both smiled pero nung nakalabas na kami, I heard Kath uttering under her breath, "Kahit 'wag na po." Napailing na lang ako.

Pagdating namin sa club, wala pang masyadong tao. Nagrereklamo si Kath dahil daw para kaming tanga na alas-syete pa lang pero nasa club na. Daig pa raw namin ang may most punctual award. E siya naman ang may gusto nito...

Sa VIP area kami pumunta.

"Two virgin rum for the two virgins," sabi ni Kath na ikinalaki ng mata namin ni Liza. "What? It's true!"

"Ikaw rin naman!" sabi ko sa kanya.

"Sshh! 'Wag mong ipagkalat!" sabi ni Kath.

"Na alin?"

"Iyong V-word! Secret lang 'yun!"

Hindi ko maintindihan ang takbo ng isip ni Kath kaya pinabayaan na lang namin siya ni Liza. Nageenjoy kaming dalawa sa non-alcoholic drinks namin habang si Kath, hindi ko alam kung ano ang iniinom niya. Kanina pa siya dire-diretsong umiinom kaya lasing na yata siya... Hindi ko naman alam kung lasing na ba talaga siya dahil kahit naman hindi lasing si Kath, para din siyang lasing kumilos.

Nagtext na rin naman si Kuya kung nasaan kami kaya nagreply ako. Minutes later, nandito na rin sila... Kasama niya sila Kuya Benj, Kuya Jackson, Ate Jas, Parker, pati si Cindy. I smiled at them.

"Hi, girls!" bati nila Kuya sa amin. Nung mapatingin si Kuya sa akin, kumunot ang noo niya. "Bakit ganyan ang suot mo?!"

Napatingin silang lahat sa suot ko. Napatingin din ako sa suot ko. Ayos naman.

"So prude, Preston," sabi ni Kath. Namumula na siya at halatang lasing na. "She's in a club. Ano gusto mong isuot niya? Rash guard?"

Inakbayan naman ni Kuya Jackson si Kuya.

"Ayos naman suot niya. 'Di ba, babe?" sabi ni Kuya Jackson kay Ate Jas and Ate Jas gave me a thumbs up.

Cindy cut in. "She looks lit," sabi niya at saka kinindatan ako. I smiled at her. Cool naman pala talaga siya...

Naupo na sila sa couch at si Kuya, hindi yata talaga nakatiis dahil hinubad niya iyong jacket niya at saka pinatong sa balikat ko.

"Ang init, Kuya."

"Magtiis ka," sabi niya lang sa akin. Pinabayaan ko na siya kaysa naman mainis siya sa akin... At saka hindi rin naman din ako masyadong kumportable sa pinasuot ni Kath dahil masyadong fitted sa katawan.

Nagsimula na silang umorder. Ang saya nilang tignan pero hindi ako makasabay dahil hindi naman ako umiinom at saka wala din talaga akong balak uminom. Nakikinig lang ako sa mga pinag-uusapan nila. Iba rin kasi iyong mga topic nila Kuya dahil mas ahead sila sa amin e freshie pa lang kami.

I excused myself nung kalagitnaan ng pag-inom nila. Pumunta ako sa CR dahil napadami na yata iyong inom ko ng diet Coke.

"Hi!" I happily said nung tumawag si Saint. Siya kasi ang unang tumatawag dahil iniisip ko na baka makaabala ako sa training nila. Mukha pa namang strict iyong coach niya.

Ang lalim ng paghinga ni Saint sa kabilang linya. Mukhang kakatapos lang talaga niya sa training.

"Pahinga ka muna," I suggested. "Hindi pa naman ako matutulog, e."

"Where are you?" he asked, nakakunot ang noo. "Wait, that's not your room," sabi niya habang tinitignan iyong background sa likod ko.

"Club. Si Kath kasi, e..."

"What are you wearing?" he asked. Pinakita ko iyong suot ko sa kanya. "Damn, girl." Nakaawang iyong labi niya. Hinubad ko muna kasi iyong jacket ni Kuya dahil ang init kaya. 

"Bakit? Pangit ba 'yung suot ko?" I asked, worried. Kasi pati si Kuya ayaw din dito, e...

"No... You look... Wow I'm actually loss for words."

"Hindi ka galit? Kasi si Kuya sabi niya masyado daw revealing, e."

He shook his head.

"That's your body and women shouldn't feel the need to cover themselves up because of the fear of being harassed. Guys should be the ones to control themselves," he explained. Pero hindi pa rin ako mapalagay kasi hindi naman talaga ako sanay sa ganitong suot. 

He sighed. "Seriously. You look amazing, Mary. But are you with your brother? I'm not there to fend off the gawking guys."

I nodded and said, "Oo. Kasama ko rin sila."

Hindi agad nakasagot si Saint. Ako naman, hinihintay ko lang iyong sasabihin niya. Ngayon lang kasi kami mag-uusap kasi buong araw siyang busy sa practice nila, e.

"You're with Parker?" he asked.

"Nandito rin siya," I replied.

"Oh."

Iyon lang ang sinabi niya pero ramdam ko iyong pagbabago ng mood niya.

"Okay," he said after a few seconds of heart-shaking silence. "Don't stay up too late, okay? Message me when you're home." Iyon lang ang sinabi niya tapos binabaan niya na ako ng tawag... Ni hindi man lang ako nakapagsabi ng goodbye o good night.

Ilang segundo akong natulala at nakatingin lang sa harap ng salamin. Dapat ba sinabi ko na lang na hindi ko kasama si Parker? Pero hindi ba pagsisinungaling iyon? Ito tuloy ang iniisip ko hanggang sa makarating ako sa couch.

What Saint said really bugged me. Hindi ko siya maalis sa isipan ko kahit na ano'ng pilit kong gawin. Gusto kong 'wag isipin kasi kasama ko iyong mga kaibigan ko at nag-eenjoy kami pero hindi ko talaga matanggal, e.

Bakit ba siya ganoon? Binigyan ko ba siya ng dahilan para pagdudahan ang nararamdaman ko? I came to him honestly and said what I was feeling. Sinabi niya sa akin noon na ayaw niya ng sinungaling and that was what I gave him. Maybe I was wrong. Maybe honesty wasn't what he needed...

Ah, ewan ko. Gusto kong mainis pero mas nangingibabaw na namimiss ko siya... Kahit medyo nakakainis siya ngayon. Konti lang naman.

"Trouble in paradise, babe?" Kath asked. Iyong boses niya, sobrang hindi na maintindihan.

I nodded. Halata na kasi sa buong pagkatao ko na bothered ako sa nangyayari... It wasn't like before na friends lang kami kaya alam ko sa sarili ko na wala akong karapatan na magtampo sa kanya kapag ganito. It was different now. He was courting me and our feelings were mutual.

And it was just different this time... A lot more different.

Because I really like him now. I really do. Hindi ko alam kung bakit niya pinipilit na niloloko ko lang ang sarili ko kasi alam ko na hindi naman.

"Ano ba kasi ang problem?" Kath asked again. They have been asking for a while kung ano ba ang naging problema namin ni Saint pero hindi ko magawang sabihin... Hindi kasi ako masyadong kumportable na pag-usapan lalo na at ilang beses na akong napagalitan noon nina Liza tungkol kay Parker.

They said he was bad news. Hindi lang talaga ako nakinig dahil alam ko na hindi naman... That though he kept on hurting me, he didn't mean harm.

Hindi niya lang talaga ako mahal. And that wasn't his fault.

Lumabas kaming tatlo at nasa veranda kami. Hindi ko kayang magkwento sa table dahil nandun sila Kuya. Ayoko na marinig niya kasi malamang sasabihin niya sa akin na iwanan ko na si Saint... At wala akong mahabang pasensya para sa ganoon ngayon. Baka masipa ko si Kuya.

I sighed before beginning. Sinabi ko sa kanila iyong mga nangyari at iyong huling sinabi sa akin ni Saint. Every word was hard. Iba pala talaga kapag sobrang saya mo tapos biglang ganito. Ang bigat sa pakiramdam.

"Babe, sorry to say this pero this time, I think the fault's on your part," sabi ni Kath.

Agad na kumunot ang noo ko.

"Bakit ako?" I asked, honestly. Hindi ko kasi makita kung saan ako nagkamali... I already said sorry for eavesdropping. But I wouldn't say sorry for my feelings because they were my own. Mas alam ko ang nararamdaman ko kaysa kay Saint.

"Saint won't doubt your feelings naman if you weren't giving him any reasons to..."

Sasagot pa sana ako pero naunahan na ako ni Liza. Binibigyan ko ba si Saint ng rason para magduda? Hindi naman. Wala akong maalala na ginawa ko.

"What did Imo do? She's friends with Parker way before Saint entered the picture. There's nothing wrong with it naman..." she calmly explained dahil lasing na si Kath at halos sumisigaw na siya sa mga sinasabi niya.

"He's not just friends with Imo and we both know it. Duh? High school years? Patay na patay si Imo kay Parker? Remember?" sabi ni Kath habang napapailing sa akin.

"But it's all in the past. Wala ka ng feelings para kay Parker, 'di ba?" Liza asked me and I nodded. "See? It's all good. Bakit ba kasi hindi pwedeng maging friends pa rin sila e they're a part of each other's world naman..."

Tama naman iyong sinabi ni Liza. Bakit ba bawal akong makipag-usap kay Parker? Friends lang naman kami. Wala naman kaming masamang ginagawa.

"I'm not saying that they can't be friends—"

"But that's what you're implying," sabi ni Liza. "If Saint can't live with it, then maybe he's not worth it. Bakit ba threatened masyado kay Parker? Sorry, Imo, but I just can't understand why you can't be friends with Parker just because you're with Saint... It's too illogical for me. Sorry but that's what I think."

I just smiled a little at Liza. I knew where she was coming from but I also have to take Saint into consideration. Ayoko siyang saktan but I didn't want to lose friends, either. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Para ba kasing kahit ano ang piliin ko, kahit saan ako lumugar, may mawawala at mawawala pa rin.

"They're not friends! Duh! Imo and Parker can't be just friends! Fact 'yun. Fact!" sabi ni Kath at saka iniwan kami ni Liza. Natumba naman siya habang naglalakad siya pabalik sa couch pero buti nandun si Kuya Benj at saka inalalayan siya patayo.

Bumalik na si Liza sa couch habang nagpaiwan naman ako sa veranda. Kailangan ko ng oras para pag-isipan lahat ng mga sinabi nila... Hindi ko kasi alam kung saang punto ako maniniwala. Ang dami nilang sinabi na hindi ko na alam kung alin ang totoo. I wanted to call Saint and ask him what did I do wrong kaya lang natatakot ako sa sagot na makukuha ko. Saint was very honest... minsan nga brutally honest. Baka hindi ko kayanin iyong sasabihin niya.

So I stayed and thought about things... hoping that maybe, mayroon akong makuhang sagot.

But as I was trying to think, may mga boses na nagtatalo.

"Cindy, I'm tired."

Napako ako sa kinatatayuan ko nung narinig ko iyong boses ni Parker.

"You're always tired! You're always busy! You always have a reason why you're not talking to me!" malakas na sigaw ni Cindy.

Hindi ko masyadong marinig iyong sinasabi ni Parker pero iyong iyak ni Cindy, naririnig ko.

"That's bullshit, Parker! I'm your girlfriend! If you have a problem, talk to me instead of shutting me out!"

"You can't help."

"But maybe I can!"

"Hindi nga," mahinahon na paliwanag ni Parker.

"You know what? Fuck you and your excuses! Just talk to me when you're ready to be my boyfriend again because now? You're just a drunk asshole," she said and then slapped him before leaving.

Hindi ako nakagalaw. Ngayon lang ako nakarinig ng taong nag-aaway. Pati ako, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Para bang kasama din ako sa away nilang dalawa.

"You're here."

Napatingin ako kay Parker. Nasa harap ko na siya ngayon. Namumula iyong mukha niya pati iyong tenga niya.

"Hello," I awkwardly said. Hindi ko alam kung dapat ba akong makipag-usap sa kanya ngayon dahil lasing siya... Sabi kasi nila, hindi raw matinong kausap ang mga lasing.

Naglakad siya palapit sa akin at saka doon huminto sa tabi ko. He reeked of alcohol. Ang dami naman kasi nilang inorder sa table namin.

"GDL's not here?" he asked.

I shook my head.

"Nasa Brunei."

He just absent-mindedly nodded his head.

"Pasok na ako," I excused myself dahil hindi ako kumportable na kami lang dalawa tapos lasing pa siya. Aayain ko na si Kuya na umuwi dahil gusto ko na rin makausap si Saint at sabi niya, magmessage ako kapag nasa bahay na ako.

Pero bago pa man ako makapasok, hinawakan ni Parker iyong braso ko.

"Wait," he said. Napahinto ako at saka nakatingin sa kanya. "You're gonna leave me?"

"Papasok lang ako sa loob."

"Why do you have to leave me?"

Nakakunot iyong noo ko.

"Pupuntahan ko si Kuya," I calmly answered.

"Really? Baka naman si Saint ang pupuntahan mo," he said, his words slurry.

"Wala nga rito si Saint—"

Bigla niyang sinipa iyong bakal sa may veranda.

"Saint, Saint, Saint! Fuck that name!"

Nanlaki iyong mata ko at mabilis na iyong tibok ng puso ko dahil sa ginagawa niya. Ngayon ko lang nakita si Parker na ganito at natatakot ako sa kanya. Gusto ko nang umalis pero hindi makagalaw iyong mga paa ko.

"What does he have, huh? You've known him for what? 3 months? 3 months tapos in love ka na agad?" he said and then arrogantly laughed. "Are you in a hurry to get rid of your feelings for me that you'll fall in love with the first guy who shows motive?"

Biglang nangilid iyong luha sa mga mata ko. Hindi ko akalain na maririnig ko 'to sa kanya. Hindi ko akalain na si Parker pa sa lahat ng tao ang magsasabi nito sa akin. Halos buong buhay ko kakilala ko siya kaya dapat alam niya na hindi ako ganoong klase ng babae.

Gusto ko siyang sampalin pero hindi ko magawa. Puro pagtulo lang ng luha iyong nagawa ko.

Lumapit siya sa akin tapos hinawakan iyong mukha ko. Gusto ko siyang itulak palayo pero natatakot ako sa kanya. Natatakot ako sa pwede niyang gawin o sabihin sa akin.

"Why, Imo? Huh? Why can't you just stay... Masaya naman dati, 'di ba? Bakit kailangan may magbago?"

At saka tumulo rin iyong mga luha sa mata niya.

I wanted to sympathize.

I wanted to feel the hurt for him.

"Can't go back to before? When we're all happy?"

I stared at his eyes.

"Hindi ako masaya dati, Parker. Hindi mo alam kasi kahit kailan, hindi mo naman ako tinignan."

Continue Reading

You'll Also Like

630K 23.1K 71
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
3.7M 64.2K 50
Katropa Series Book 1 [Completed] Language: Filipino Ang nobelang Ang Pag-ibig ng Aswang, ay isang pinaghalo-halong kuwento ng; katatakutan, mystery...
31.8M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...