The Kpop Star And I

By sarcasticbella

173K 3.1K 489

I will always be your forever Wendy. - Annika More

The Kpop Star And I
PROLOUGE
TKSAI 1
TKSAI 2
TKSAI 3
TKSAI 4
TKSAI 5
TKSAI 6
TKSAI 7
TKSAI 8 Day 1
TKSAI 9 Day 2
TKSAI 11 Day3Part2
TKSAI 12 Day 4
TKSAI 13 Day4Part2
TKSAI 14 Day 5
TKSAI 15 Day5Part2
TKSAI 16 Day 6
TKSAI 17 Day6Part2
TKSAI 18 Day 7
TKSAI 19 Day 8
TKSA1 20 Day9 (Fansigning Event)
TKSAI 21 (Day 10)
TKSAI 22 (Day 11)
TKSAI 23 (Day12)
TKSAI 24 (Day13)
TKSAI 25 (Heart Attack)
TKSAI 26 (Don't you let it go)
TKSAI 27 (Best moment ever!)
TKSAI 28 (Trust me. I won't let you fall -Luhan)
TKSAI 29 (Wait for me)
TKSAI 30 (Most beautiful girl)
TKSAI 31 (Last day)
TKSAI 32 (His voice...)
TKSAI 33 - (Promotion video)
TKSAI 34 - (OMG!)
TKSAI 35 - (Birthday)
TKSAI 36 - (OT12)
TKSAI 37 - (His final gift)
TKSAI 38 - Bashers
TKSAI 39 - "For you, I won't."
TKSAI 40 - PressConferrence
TKSAI 41 - Satisfaction
TKSAI 42 - His surprise.
TKSAI 43 - God Gave Me You
TKSAI 44 - I will fight for you
TKSAI 45 - Accident
TKSAI 46 - Meet
TKSAI 47 - Eat
TKSAI 48 - Badly
TKSAI 49 - Thinking
TKSAI 50 - Your Forever Wendy

TKSAI 10 Day 3

4K 68 9
By sarcasticbella

*

"WHERE are we going?" Tanong ko kay Luhan. Siya na naman kasi tong pumunta sa bahay, eh. Kagabi, sinabi ko na sa kanya na ako na lang ang pupunta dun. Pero, hindi siya pumayag. Sinabi ko kasi sa kanya na baka pagkaguluhan siya kapag siya lang ang mag-isa. Pero, hindi daw naman nangyayari yun dahil private ang tinutuluyan niya. Medyo makulit siya 'no? 

"Seunghwan called me awhile ago. Sinabi niya sa akin na pumunta daw tayo sa isang private resort. Tayo lang dalawa ang nandun pati yung mga staff. Dun daw muna tayo mag-i-stay." 

"H-ha? How about my ---" 

"I already talked to her. Pumayag naman kaagad siya dahil ako naman daw ang kasama mo," seryosong sabi niya habang nakatingin pa din sa daan. Seryoso yata niya ngayon? 

Tumango na lang ako sa kanya. 

Nang makadating kami sa private resort. Kami lang ang tao dun at wala ng iba. Bukod pa dun sa mga staff. Iilan lang din yung mga staffs, e. Puro babae pa. Jeez. Nauunang maglakad sa akin si Luhan. Ewan ko pero, seryoso yata siya ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Nasunod lang naman ako sa kanya. 

Magkahiwalay kami ng room ni Luhan. Alam niyo yung pakiramdam na ang sama ng tingin sayo ng mga tao dun? Halos lahat yata, gusto akong sabunutan. Lahat ng mga babaeng staffs dito, kilala si Luhan. Dahil dun daw nag-stay ang EXO nong naisipan nilang mag-relax. Di ko alam yun ah? 

Inayos ko yung gamit ko sa closet nung room. Pumunta ako sa verandah at tiningnan ko ang buong paligid. Wow! Ang laki ng lugar na to! Bukod sa dagat, may ilang pools pala dito. Ang dami ding kubo at ang daming cottages. Paano naging private resort to? Baka naman sinita nila? 

Ipinikit ko ang mata ko nang maramdaman ko ang malamig na hangin na dumampi sa buong katawan ko. Mula dito sa verandah sa itaas, kitang-kita ko ang buong lugar. Ang ganda! Asul na asul ang tubig. Honestly, first time kong makapunta sa ganitong lugar. 

Napabuntong-hininga ako. Tatlong araw ko ng nakakasama si Luhan, so 27 days to go? Matagal pa naman diba? Ano kaya ang ginagawa ni Luhan sa room niya? Inayos ko yung buhok ko na napapalad ng hangin. 

Para akong tanga kasi hanggang ngayon, iniisip ko pa din kung totoo ba tong nagyayari sa akin. Kagabi, sinapak-sapak ko pa ang sarili ko para lang magising ako pero hindi, eh. Totoo ang lahat ng to. 

"I promise, susulitin ko ang bawat araw na kasama kita, Ann. I don't know but I'm sure, I will be happy as long as I'm with you," 

Napangiti ako nang maalala ko yung sinsabi ni Luhan kagabi. Bakit niya kaya nasabi yun? Kinilig talaga ako kagabi at dahil dun hindi ako nakatulog ng bongga! Duh? Hanggang pangarap lang naman tayo diba? Oa na kung oa pero shit. Hindi ko lubos akalain na maririnig ko kay Luhan ang mga salitang makapagpapasaya sa akin. 

Wala akong pakialam sa dahilan niya kung bakit niya nasabi yun. Ang mahalaga sa akin, kasama ko si Luhan at magiging masaya daw siya kapag kasama niya ako. Hell. Ako ang pinasasaya ni Luhan, eh! 

Nilibot ko ang mata ko sa kuwarto. Hmmm, maganda siya. Black and white ang kulay. Maganda din ang kama. Mukhang malambot. 

Lumabas na ako ng kuwarto. Natigilan pa ako nang makita ko din si Luhan na kalalabas lang ng kuwarto niya. Ngumiti ako sa kanya. "U-Uh, Hi..." Nahihiyang sabi ko sa kanya. 

Ngumiti siya sa akin. "Hi," bahagya pa siyang kumaway. "So, let's go?" 

Nakangiting tumango ako sa kanya. Susulitin ko din ang bawat araw na kasama ko siya! Kahit sa huli, alam kong iiyak ako ng sobra! Sa seashore kami pumunta ni Luhan. 

Hinubad ko ang tsinelas ko at naglaro ako sa tubig pero sa mababaw lang naman. Nakangiti lang si Luhan habang nakatingin sa akin. Medyo naiilang ako pero hindi ko pinahalata sa kanya. Tumingin ako sa kanya at kinawayan ko siya. 

"Hey, Luhan! Come here! Let's play!" Sigaw ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin. Ako naman, naglaro lang ng naglaro. Nagtatampisaw ako sa tubig. May dala naman camera si Luhan, magpipicture kami mamaya! DSLR ang dala niya. Nakasabit sa leeg niya.

"Ow," sambit ko nang biglang lumipad ang buhok ko. Oa ha! Lakas ng hangin! Pati ipit ko nadala. Kaya ayun, ang likot-likot ng buhok ko. Napapatawa na lang ko sa sarili ko kasi para akong batang naglalaro. Nang masawa ako, tumakbo ako patungo sa seashore at naupo ako sa white sand. 

Naramdaman kong naupo si Luhan sa tabi ko. "Tired?" 

Nakangiting tumango ako sa kanya pero sa dagat ako nakatingin. Ang saya! "Let's play, Luhan! Please?" Tumingin ako sa kanya. Nagulat pa ako nang pagkabaling ko sa kanya, nakatapat sa akin yung camera. "Yaaaa! Hey, delete that picture!" 

Pilit kong inaagaw sa kanya yung camera pero hindi niya binibigay sa akin. Ang ginawa pa, tumayo siya at inaasar ako. Ugh! Nairal na ang pagkamakulit ng mokong na mahal kong to, ah. 

"Luhaaaan!" Sigaw ko.

Humalakhak siya. "What, Ann?" 

"Can I see it?" 

"No," tumakbo siya kaya naman hinabol ko siya. 

"Ugh! Lulu! Please!" Sigaw ko habang natakbo. Wala namang tao dito kaya kahit anong gawin namin, walang mangingialam.

Tumigil siya kaya tumigil din ako. Magkatapat kami pero malayo kami sa isa't-isa. Parang lang tanga ano? 

Naglakad siya palapit sa akin. Parang nag-slow motion ang paggalaw niya. Shocks. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko. O hell. 

"Look," sabi niya at iniharap niya sa akin yung camera. 

Nanlaki ang mata ko nang makita ko yung pictures ko. Sa dagat, habang naglalaro ako. Ang ganda ko naman pala! Yung ibang shots, magulo ang buhok ko pero nakangiti ako. Yung isa naman, nilalaro-laro ko yung tubig. Meron din nung, lumipad yung ipit ko. 

Yung sa huli, napatitig ako. Ito yung nasa seashore na ako, yung nakaupo na ako sa white sand, naka-side view ako habang nakatingin sa dagat pero nakangiti ako. Tapos yung buhok ko, nakalagay sa side ng may balikat ko. 

"You are so beautiful," 

Napatingin ako kay Luhan. Namula yata ang pisngi ko nang dahil sa sinabi niya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya saka ako ngumiti. "T-thanks," 

"Do you want to eat?" He asked.

Umiling ako. "No, busog pa ako, eh." 

Tumango-tango siya. "Me too. So, where do you want to go?" 

"Anywhere," nakangiting sagot ko sabay tingin sa kanya. Nag-init ang mukha ko nang titigan na naman niya ako. Seriously? Siya naman tong titig ng titig sa akin ngayon pero masaya ako kasi hello?! Tinititigan na ako in person ng taong pinapangarap at minamahal ko ng patago! Goddamn it! Tanga ko na lang kung hindi ako maging masaya! 

Naglakad-lakad lang kami ni Luhan sa seashore. Nauuna siya ng kaunti kasi kumukuha siya ng picture. Nasa likod lang niya ako. Napabuntong-hininga ako. Luhan, 30 days, nagpapasalamat na kaagad ako dahil pinapasaya mo ako ng ganito. Salamat kay Mary dahil ako ang napili niya. 

"Ann," 

Napakurap ako. "H-ha?" 

"Can I take a picture of you? Wearing that cute floral summer dress of yours?" Nakangiting sabi niya sa akin. 

Huminga muna ako ng malalim. That smile! Ugh! Ang bilis talaga ng tibok ng puso ko. Yung pakiramdam bang parang mas malulunod ako sa ngiti niya kaysa sa lalim ng dagat na to. Tumingin muli ako sa kanya. 

"S-sure," 

"Smile, okay?" 

Tumango ako sa kanya. Binigay ko lahat para mapaganda yung ngiti ko. Maalam naman akong mag-pose kahit papano. Nakikita ko sa mga ulzzang. Tumakbo ako sa kanya palapit nang makita kong nakangiti siya. 

"Maganda ba?" Sabik kong tanong.

"As always," sagot naman niya. 

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Shocks! Ano ang pakiramdam niyo kapag sinabihan kayo ng bias niyo na ang ganda niyo? 

"Hey, Miss. Can you take us a picture?" 

Napatingin ako kay Luhan. Kinakausap niya yung staff na naglalakad-lakad. "Sure, sir," sagot naman nung babae haban titig na titig kay Luhan. Kinuha niya yung camera. 

Nagulat ako nang akbayan niya ako at kabigin ako palapit sa kanya. E-eh? Ano ba yan. Baka marinig niya yung tibok ng puso ko. 

"1...2....3...." 

Ngumiti na lang din ako. Naglakad si Luhan palapit dun sa babae at kinuha yung camera. Ako naman, huminga ako ng malalim at pinaypayan ko yung sarili ko. Malamig nga pero pakiramdam ko, ang init-init dahil pinagpapawisan ako sa kaba. Si Luhan naman kasi, e! 

Habang tinitingnan ko si Luhan na kumukuha ng pictures sa paligid, naupo na lang ako sa kubo. Aba, nakakapagod din maglakad 'no. Hahaha! 

"Ann!" 

Napatayo ako at tumakbo palapit kay Luhan. "Oh?" Panic kong tanong. Ang lakas kaya ng boses niya 'no! 

Napatingin ako sa kanya  nang bigla siyang tumawa. "Your face is your funny! " He said then he laugh. 

"Why did you shout?" 

Umiling siya, naging seryoso na ang mukha niya. "I just want you to stay beside me." 

Hindi ako nakapagsalita nang dahil sa sinabi niya. Alanganing ngumiti ako sa kanya. "N-nasa ku ----" Napaatras ako nang hawakan niya ang kamay ko. "W-w-why?" Nanginginig na tanong ko. 

"Ann," 

"H-h-ha?" Ano ba yan! Ano ba naman kasi ang ginagawa niyang ito! 

He smiled. "I can't help myself but to stare at you. You're too cute. Unlike the other girls in Korea," 

Napangiwi ako. "Don't think so. Koreans are beautiful." 

"Well, I don't think so, too. Filipino women are more beautiful," 

Napangiti ako. "I know," Inayos ko yung buhok ko. "Luhan, let's play, please?" 

"Why do you want to play?" 

"I just want to," I shrugged. 

"What kind of game, then?" 

Nag-isip ako. "Hmmm, hide and clap." 

"What's that?" Kunot-noong tanong niya. 

Umiling ako. "Ahh, wag na lang pala yun. Hide and seek na lang," 

"Sinong taya?" 

Dinilaan ko siya. "You," simpleng sagot ko. 

"Why me?" Nakangiting tanong naman niya. 

"Please?" 

"Hmmm, okay okay." 

Tumalikod na si Luhan. Ako naman nagtakbo na para magtago. Nang makapagtago na ako, sinilip ko si Luhan. Napangiti ako nang makita ko siyang naghahanap. Hindi ako makapaniwala na naglalaro kami ni Luhan ng ganito. Yung kasama ko siya. Sobrang saya ko lang talaga. Susulitin ko talaga to promise! Kahit saan kami magpunta, sasama pa din ako sa kanya. 

Tutulungan ko siya sa kung ano man ang gagawin niya. My mission? To make him happy and forget the difficulties because of those problems. 

Ayy? Nasan na si Luhan? Tumayo ako at sinilip ko siya. Nandito naman kasi ako sa likod ng kubo. Sinilip-silip ko si Luhan pero hindi ko talaga siya makita. Napakamot ako sa ulo ko. 

"Nasaan ba ----- Ahhhhhhhhhhhhhhhh!" Tili ko nang biglang may pumulupot na braso sa baiwang ko. 

"I got you now," bulong niya. 

Biglang nagsitayuan ang balahibo ko sa buong katawan. Naramdaman ko ang hininga ni Luhan sa leeg ko. Nanatili lamang kami sa ganoong posisyon. Shit Luhan, why are you doing this to me? 

"You don't know how to hide." I heard him laughed. 

Humiwalay ako sa kanya. Iniwas ko ang tingin ko at inayos ko ang damit ko at buhok ko. "H-hehe. Nakakagulat ka naman, Lulu." Nahihiyang sabi ko sa kanya. 

Tila nahiya din naman siya. "S-sorry." 

Isiningit ko yung buhok ko sa likod ng tainga ko saka iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "A-ahh, tara na. Kumain na tayo," 

Tumango lang siya sa akin. Nauna na akong maglakad sa kanya. Hindi ako naiilang, actually, kinikilig pa nga ako kasi nangyayari ba talaga to? Hindi ako makapaniwala. Hanggang pangarap lang para sa akin ang mga nangyayari ngayon. 

Napabuntong-hininga ako. Oo, masaya ako pero hanggang kailan lang to? Ano ba yan. Nag-iisip na naman ako. Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ko si Luhan. Nagulat pa ako nang makita ko siyang kinukuhaan ako ng picture. 

"Hey, what are you doing?" Taas-kilay na tanong ko sa kanya. 

Mukhang nagulat siya kaya tinago niya yung camera sa likod niya. He smiled at me. "S-sorry, I can't help myself. You're really cute," 

Nag-init ang buong mukha ko nang dahil sa sinabi niya. Ganyan ba ang mga koreans? Straightforward talaga sila? Napadabog ako at naglakad ako palapit sa kanya. "Let's go," sabi ko sa kanya. 

"Where?" 

Napairap ako. "Kakain nga diba? Gusto mo sa puso mo?" 

Nagkibit-balikat siya saka ngumiti. "Okay lang sa akin yun." He winked at me. 

Napamaang na lang ako sa kanya. 

**

Votes and comments! 
Thankyou! <3
-Kai
 

Continue Reading

You'll Also Like

38.2K 1.8K 25
Abisinden şiddet gören bi kızın kurtulmak için bulduğu çözümle kendini çekişmeli bi aşkın içinde bulur...
4M 85.7K 62
•[COMPLETED]• Book-1 of Costello series. Valentina is a free spirited bubbly girl who can sometimes be very annoyingly kind and sometimes just.. anno...
16.6M 642K 63
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...
6.8K 478 30
[COMPLETED] A story about friendship, hope, passion, adventure, and dreams. The art of finding the unsought in music, but what if the rhythm can no...