Mr. Know it All [EDITING]

By lesanlaine

6.1K 268 181

(c) lesanlaine All rights reserved 2015 - This the story of Leslie, her unfading feelings for her high schoo... More

Prologue
1st
2nd
3rd
4th
5th
6th
7th
8th
9th
10th
11th
12th
13th
14th
15th
16th
17th
18th
19th
20th
21th
22nd
23rd
24th
25th
26th
27th
28th
29th
29.2
30th
31st
32nd
33rd
34th
35th
36th
37th
38th
39th
40th
41st
42nd
43rd
44th
45th
46th
47th
48th
49.1
50th
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
Special Chapter 5

49th

82 4 2
By lesanlaine


49

Leslie

"Ohmygosh! Grabe itey, hindi keri ng mga brain cells ko ang nangyayari. What happened sakanya? Kaloka ah, gwapo pa naman siya" -Dyosa

"Gaga, talagang pinagnanasahan mo pa? Yung mga kaibigan daw ng jowaers niya ang may pakana ng lahat. Hindi ko rin keri, girl. Nakakaloka ang mga nangyayari ngayon" -Diwata

"Sinabi nang change is coming, ayaw maniwala sa'kin" - Monica

Nakikinig lang ako sa usapan nilang tatlo. Magkakasama kami sa may tapat ng cafeteria, simula nang magkaroon ng mga bagong school officers, naglagay na sila ng mga bench sa kahit saang lugar sa campus. Basta pwedeng maupuan ng mga estudyanteng walang klase.

Imbes na mag-aral kami para sa papalapit ng finals exam, ito ang ginagawa nila ngayon. Nagbabasa sila ng mga balita sa dyaryo, may subject kami na kailangan maging updated sa mga nangyayari sa paligid. Bago magsimula ang klase nagkakaroon ng essay writing, tungkol sa mga news article na nabasa namin. Kaya lang, sina Dyosa isang karumaldumal na balita ang binabasa.

May isang lalaki na natagpuan sa ilog, wala na itong buhay. Napag-alaman na ang mga kaibigan ng kanyang nobya ang may kagagawan ng krimen. Walang nasabing dahilan kung bakit nagawa iyon ng mga kaibigan ng nobya niya sakanya. Ang sinabi lang sa balita, may hindi magandang ginawa ang lalaki sa kanyang kasintahan. Naloka ako doon sa binabasa nila. Wala akong pinagsabihan ng nangyari noong isang araw. Kasi kung may nakaalam, baka isa na si Gio sa mga nababalita na lalaki na lumulutang sa ilog.

Kahit sina Kuya at Jewel walang alam. Isang napaka walang kwentang palusot ang ginawa ko nang mapansin nilang galing sa iyak ang mga mata ko. Sinabi ko nalang na nanuod kami ng A Walk to Remember tsaka Titanic, sa sobrang nakakaiyak ng mga palabas pati ako napaiyak. Naniwala naman si Jewel, kaso si Kuya parang nagdududa.

Mas pinili ko na walang makaalam. Hindi ko lang sigurado kung may pinagsabihan si Gio. Ang alam ko lang ngayon, iniiwasan ko siya. Hindi ako nagrereply sa mga texts niya. Pati na rin lahat ng tawag niya hindi ko sinasagot. Nag message siya sa'kin sa messenger pero ini-ignore ko lang ang lahat na ito. Alam niyang nabasa ko iyon, seen kasi ang makikita niya. Tumawag siya sa bahay, ako ang nakasagot kaya binaba ko rin agad ang tawag.

Nagtataka si Papa at Mama, bakit daw hindi dumadalaw si Gio sa bahay namin. Si Jewel naman tuwang tuwa. May iba na daw siguro si Gio o baka natatakot sakanya kaya ayaw bumisita.
Kung alam lang nila ang nangyari, hindi na nila siguro gustong hanapin si Gio sa'kin.
Sumagi na rin sa isip ko ang pakikipaghiwalay sakanya. Ewan. Naguguluhan na ako. Hindi ko alam kung bakit naging gano'n si Gio. May nakain ba siyang mali? May nagawa ba akong mali sakanya? Wala naman akong ibang boyfriend. Ang tapat-tapat ko sakanya tapos gano'n lang ang gagawin niya sa'kin? Leche talaga.

Pansin ko naman na nagsisisi siya sa ginawa niya. Hindi nga daw niya kayang magpakita sa'kin. Kahit ako, ayaw ko siyang makita.

Araw-araw pa din siyang nagtetext. Hindi lilipas ang araw na walang Giobels sa inbox ko. Hindi rin pinatawad ang messenger ko, palagi nalang may bagong message. Minu-minuto yata siyang nag cha-chat. Halos lahat hindi mawalan ng sorry sa dulo.

Parang ganito:
Leslie, I know I'm such a jerk for doing that. But please, talk to me. Please. I'm really sorry I mean it. I know you hate me now, tomorrow and the next day. Just talk to me, please. I'm sorry.

Wala na akong ibang mabasa sa mga messages niya kundi 'sorry'. Paulit-ulit na sorry.

*Good morning, sorry. I love you.

*Good night, Les. I'm still sorry. I love you.

*I miss you and I'm sorry.

Kapag naaalala ko lang 'yung ginawa niya sa'kin hindi ako makatulog. Kung minsan kahit nasa school ako nakatulala lang ako sa hangin. Ang tahimik ko na nga daw sabi ni Diwata, 'nagbabagong buhay ka na, 'te? Ganyan ba ang malapit nang mag 5th year?'

Kung lahat pwedeng daanin sa biro, nagawa ko na. Kung lahat ng bagay nakukuha sa maraming sorry. Wala sana akong problema ngayon. Kung hindi ko sana siya sinagot agad, walang mangyayari na gano'n. Masyado siguro akong nagmadali. Hindi pa naman siguro huli ang lahat, pwede ko pang bawiin lahat ng naging desisyon ko.

From: Giobels
We really need to talk. I'll be there in a while. I can see you from here. PLEASE DO NOT RUN AWAY FROM ME. I'm begging.

Nang mabasa ko 'yung message niya kinabahan na naman ako. Ano ba ang dapat naming pag-usapan? Palagi nalang ba siyang hihingi ng tawad? Paano kung hindi ko siya patawarin, ano'ng gagawin niya?

"Si Charmaine, Diwata" napunta ang atensyon ko kay Monica. Lumagpas daw si Charmaine pero hindi kami dinaanan. Ngumiti lang siya kay Monica.

Hindi ko siya nakita. "Hayaan mo siya" sagot ni Diwata. Naririnig ko na naman ang parte niyang lalaking lalaki kung magsalita. Kaunting sakal at sabunot lang dito matatauhan na rin siya. Isa siyang tunay na lalaki at hindi niya mababago iyon.

"Bitter ka pa din sakanya, bakla?" tanong ni Dyosa. Tinitingnan siya nito. Umiiwas naman ng tingin si Diwata.

"Hoy, Delfino, umamin ka nga. Ano ba ang ginawa sa'yo ni Charmaine at ganyan ka? Baka ikaw ang may ginawa sakanya, ah. Umayos ka!" pinagsasabihan siya ni Monica.

"Wala naman akong gagawin sakanya. Hindi nga kasi kami talo. Wala akong gusto sakanya, 'di ko siya type" sagot ni Diwata, "Nainis lang ako. Hinalikan niya kaya ako. Kaloka, 'di ba? Alam kong that was a quick kiss. Pero lecheng babae 'yon, 'yung mga lips kong virgin pa hinalikan niya. Nakakadiri" para siyang kinikilabutan habang nagkukuwento. Hinalikan siya ni Charmaine? Totoo?

Narinig ko na ulit 'yang salitang 'yan. Ayaw ko nang maalala pa 'yung nangyari.

"Gaga, malamang gagawin niya iyon sa'yo. Bet na bet ka ng bruha na 'yon" -Dyosa.

"Sa ganda niyang iyon ikaw pa ang nandiri? Iba ka, Delfino. So, kaya wala kayong pansinan ngayon dahil sa ginawa niya? Lalaki ka na ba?" tanong ni Monica.

Malaki ang pinagbago ni Diwata, hindi na siya nagbibihis babae. Napapansin na rin siya ng ibang babae sa iba't ibang course. May nagtanong nga sa'min dati ng pangalan niya. Balak na rin siyang isali sa contest ng professor namin. Siya ang ipanglalaban ng course namin, sa section namin kukuha ng babae. Hindi pa siya nakakapag desisyon kung papayag siya.

"Yuck! Don't me nga, ayaw ko sakanya. Nagnanakaw siya ng halik. Kung gusto ko siya matagal ko na siyang nahalikan" iritadong sagot ni Diwata. "Gaga ka pa din, subukan mo lang kaya. Malay mo naman you're meant for each other. Walang masamang mag try" payo ni Dyosa.

"Tama, huwag mo nang gayahin si Dyosa, lalaki talaga ang hanap niyan. Ikaw, may pag-asa ka pang maging lalaki" galing naman kay Monica, "Ano ang masasabi mo, Les?" tanong ni Monica sa'kin.

"Huh? Siya bahala" kalmadong sagot ko.

"Ang tamlay mo ngayon" puna ni Monica sa'kin.

"Truelalu, kahapon ka pa nga ganyan ay hindi the other day pa" dugtong naman ni Dyosa. Napapansin nga nila na may pinagbago ako noong isang araw pa.

"Change is coming nga kasi" hirit ni Diwata, "Hoy, Monica, huwag nga ako ang pag-usapan. Yung sainyo ni Kenn, ano? Drawing nalang?" tanong niya kay Monica. Mukhang nahuli ni Diwata si Monica sa tanong niya, nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Natahimik din siya bigla.

"Yung sa'min makakapaghintay pa. Malapit na akong maka graduate, bahala na si Batman. Kung kami, kami talaga" paliwanag ni Monica.

Totoo pala na walang sila. Walang sila ulit. Hindi pa siya sinasagot ni Monica ulit. Matagal manliligaw ang kapatid ko.

"Ayan na pala si Gelo" nang marinig ko ang sinabi ni Monica automatikong napatayo ako mula sa pagkakaupo. Hindi ko nakikita si Gio na paparating, mukhang sa likuran siyang mang gagaling. Kailangan ko nang umiwas.
"Les, saan ka pupunta?" tanong ni Monica sa'kin, "Sa CR. Sandali lang ako" nagmadali na ako sa pagtakbo. Kailangan ko siyang iwasan.

Galit ako sakanya. Nagagalit ako sakanya.

~

"Ang tahimik mo ngayon"

Kasabay ko si Vincent at Ralph na maglakad palabas ng building namin. Minadali ko silang dalawa na makalabas ng classroom. Ayaw kong makasabay sina Gio sa paglabas ng building, alam kong nandoon pa sila sa room. Kanina pa dapat siya nakauwi, pero hihintayin niya daw akong umuwi. Ihahatid niya daw ako sa bahay para makapag-usap kami.

"Ginagaya kasi kita" palusot ko kay Vincent.

"Ako? Hindi naman ako tahimik" sagot niya sa'kin, "Tahimik ka kaya. Maingay ka lang kapag may recitation, 'no, Les?" tanong naman ni Ralph sa'kin.

Wala siyang kaalam-alam. Wala siyang nababanggit sa'kin. Ang tanging tanong niya lang kanina, 'bakit tinext ako ni Manansala kung nagrereply ka sa'kin?' iyan lang. Sinabi ko lang na nawalan ako ng load nang magtext si Gio. Sumagot lang siya ng 'Ah kaya pala'.

"Bakit pala hindi mo kasabay si Gio ngayon? Di ba lagi kayong sabay umuwi?" tanong ni Vincent. Nakakainis siya! Ang dami niyang napapansin.

"Nakauwi na yata siya" simpleng sagot ko.

Tumigil si Ralph sa paglalakad, "Hindi pa. Nandyan pa 'yung kotse niya. Kita ko mula dito" nakatingin siya sa may parking area ng school. Kita nga mula sa kinatatayuan namin ang kotse ni Gio. Kahit ako nakita ko agad ito.

Nandito pa talaga siya sa school. Paano ko ba siya maiiwasan ng tuluyan?

"Vincent, Ralph, una na ako. May bibilhin lang ako sa bookstore para kay Kitt. Kita nalang tayo bukas" sabi ko sakanila. Hindi ko na sila hinintay pa na makasagot. Nagmadali na ako sa paglalakad. Kailangan kong makasakay kaagad ng jeep pauwi.

At sa kinasamaang palad, wala pa akong masakyan na jeep. Lahat ng lumalagpas ay puno na. Mas pinili ko nalang mag tricycle. Kung kailan naman sasakay na ako sa tricyle may naramdaman akong kamay na pumigil sa'kin. May nakahawak sa braso ko.

"Usap tayo"

Leche. Bakit ang seryoso ng tingin niya sa'kin. Seryoso din ang pagkakasabi niya na mag-usap kami. Napatingin sa'min ang ibang pasahero na nakapila.

"Bukas nalang, uuwi na ako. Pinapauwi na ako ni Kuya" pagsisinungaling ko.

Nagbabakasali na kapag binanggit ko ang pangalan ni Kuya hahayaan niya akong umuwi. Bibitiwan niya ang braso ko at aalis na siya, pero hindi. Iba ang nangyari, nakatingin lang siya sa'kin.

"Gio naman, bukas nalang tayo mag-usap. Kailangan ko na talagang umuwi" pakiusap ko sakanya.

"Alam kong galit ka sa'kin but please huwag mo naman akong iwasan"

Iniwasan ko ang tingin niya.

"Uuwi na ako"

Pinipigilan niya akong makaalis, "Gio, aalisin mo 'yan o maghihiwalay tayo ngayon?"

Kahit ayaw niya akong bitiwan wala siyang nagawa. Hinayaan niya akong makaalis. Binitiwan niya ako.

~

Sa bahay, wala akong ibang ginawa kundi ang magkulong sa kwarto ko. Kasama ko si Bebs, sakanya ako nagsusumbong. Naiintindihan niya yata ako, kanina pa siya hindi umaalis sa tabihan ko. Nakatingin nga lang siya sa'kin habang nagsasalita ako. Pinipigilan ko na maiyak.

Katext ko si Ike ngayon pero mas pinili ko na walang sabihin sakanya. Nakausap ko si Mara kagabi at wala rin akong nabanggit sakanya. Walang may ibang alam. Ayaw ko na may makaalam. Nahihiya ako para sa sarili ko. Nahihiya ako sa nangyari.

From: Ike
Bebs, basta kapag pinaiyak ka ni Gio bebe mo sabihin mo lang sa'min. Ready nang mang jombag sina Jeff at Simon. Kahit si Harvs isasama namin.

Ako: Bakit naman napunta tayo sa usapan na yan?

From: Ike
Sabi kasi ni Angel mukhang may problema kayo. Di daw kayo nagpapansinan ni Gio sa school. Bakit nga ba hindi?

Ako: Nagpapamiss lang ako sakanya. Hahahahaha

From: Ike
Yang mga ganyang tawa hindi talaga masaya.

From: Monica
Leeeeeeeees, change of sched daw kayo bukas nagtext si Ma'am Kristine sa'kin. 10am kailangan nasa school na kayo. Maaga klase niyo sakanya kasi may check up sya ng 1pm. 'kay?

Ako: Thanks sa info, Aica. 'Di ako sinasabihan nina Ralph.

From: Monica
'di iyon magloload. May pinagkakaabalahan.

Ako: Lagi naman siyang busy. Salamat ulit. 'di ka pupunta sa bahay?

From: Monica
Pupunta ka naman sa bahay sa sabado ah. Ikaw nalang.

From: Ike
Les, usap tayo mamaya nina Mara. May gagawin lang ako. Bye muna. Labyou. :D

Nakakabagot pala na tumambay lang maghapon sa kwarto. Nakakapagtaka na hindi ako kinakatok nina Kitt at Kuya dito. Kahit si Jewel walang pakialam, naririnig ko ang pagtawa nila sa labas.

Hindi nangungulit si Gio. Wala siyang texts o tawag ngayong araw. Hindi pa ako nagbubukas ng messenger, sa palagay ko naman wala rin siyang iniwan na message. Pinag-iisipan niya siguro 'yung sinabi ko kanina. Makikipaghiwalay talaga ako sakanya kapag kaya ko nang sabihin sa harapan niya na ayaw ko na. Magagawa ko iyon, hindi lang muna ngayon.

~

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Tumatawag sa'kin ang mommy ni Gio. Kinabahan na naman ako. May alam kaya siya sa nangyari? Sasabihin niya rin ba na kausapin ko na ang anak niya? Hindi! Wala siyang alam, Les.

Leche. Hindi maalis sa isip ko 'yung sinabi ni Gio dati, sinasabi niya sa mommy niya lahat. Alam ng mommy niya lahat ng ginagawa at nangyayari sakanya. Huwag naman sana ang bagay na iyon.

"Good afternoon po, tita" bati ko nang sagutin ang tawag. Kung hapon o gabi man hindi ako sigurado. Ang alam ko lang nakatulog ako kasama si Bebs, nakikinig siya sa sinasabi ko ngayon. Maging siya ay nagising.

'Hi, Leslie. Busy ka ba ngayon?'

"Hindi naman po, bakit po?"

'Gusto ko lang makipag kwentuhan'

Kwentuhan? Ngayon lang ako tinawagan ng mommy ni Gio at gusto niyang magkwentuhan kami. Bakit?

"Tungkol saan po?"

'I'll go straight to the point, may problema ba kayo ni Gio?'

Inasahan ko na ito. Itatanong niya sa'kin si Gio. "Wala naman po. Bakit niyo po naitanong?"

Marami na akong naging kasalanan ngayong linggo, hindi na ako mapapatawad sa mga pagsisinungaling ko. 'Hindi siya umuuwi ng bahay. Palagi siyang nasa condo. Tinatawagan ko siya kagabi pero hindi niya sinasagot, ang sabi ni Cy palagi lang nakakulong sa kwarto niya. Inisip ko na baka nag-away kayo. Ngayon lang naman siya naging gano'n'

Pareho lang pala kaming nag-iisip sa nangyari. Siya ang may kasalanan. Tama lang na mag-isip siya. Napakamali ng ginawa niya sa'kin. Hindi iyon tama, sana alam niya na hindi iyon tama.

"Tita.." pinag-isipan kong mabuti ang susunod na sasabihin sakanya, "...sorry po. Pasabi na din po kay Gio na sorry"

Matagal bago ako nakarinig ng sagot, 'Nag-away nga kayo? Kayo pa ba ng anak ko?'

Kami pa. Sa kabila ng nangyari kami pa rin.

"Opo, may hindi lang po kami napag-usapan ng maayos, iyon po siguro iyon"

'Hindi ko dapat sinasabi ito sa'yo pero para na rin sa anak ko, Les, please kung ano man ang pinag-awayan niyo hindi 'yon dahilan para maghiwalay kayong dalawa. Lahat nadadaan sa usapan. Alam kong mga bata pa kayo para maintindihan ang lahat ng bagay pero subukan niyo lang na unawain ang isa't isa. Kahit hindi niyo mismo aminin sa'kin, ramdam kong may mali.'

~

"Anak, on diet ka ba?" tanong ni Papa.

Napatingin ako sakanya, kay Kuya at kay Mama. "Bakit po?" tanong ko sakanya.

"Kung kumain ka parang pusa. Damihan mo naman, paano ka tataba niyan?"

Si Papa talaga gusto akong patabain. Para daw magkaroon ako ng shape 'yung bilog. "Huwag niyong pilitin, Pa. Nag-iinarte lang iyan" sabi ni Kuya. Tiningnan ko talaga siya ng masama.

Ako, nag-iinarte? Kaya pala siya itong hanggang ngayon hindi maayos ang kung anong mayroon sakanila ni Monica kasi mas maarte siya sa'kin. Leche. Nawalan lalo ako ng gana.

"Kenn, kumakain tayo" sita ni Mama sakanya.

"Ma, bukas gusto ko ng fried chicken tapos maraming kanin" singit ni Kitt. Mabuti pa 'tong kapatid ko, walang problema sa buhay. Kinuwento niya sa'kin kanina na pinansin na siya ni Patricia, 'yung crush niya, nanghiram sakanya ng pantasa.

Maliit na bagay na ikinatuwa niya naman.

"Sino'ng maghuhugas ng mga plato ngayon?" tanong ni Papa sa'min. Tiningnan agad ako ni Kuya.

"Oo na, ako na" sabi ko sakanya.

Ako naman palagi. Kailangan ako dapat ang laging mag adjust? Dahil sa babae ako, dapat marami daw akong alam sa gawaing bahay. Eh, paano naman silang mga lalaki? Ano ang kaya nilang gawin? Manakit ng babae? Ganyan naman palagi, eh. Leche.

~

Sampung minuto akong nahuli sa alarm ko. Kanina pa ito tumunog pero hindi man lang ako nagising. Masyadong marami na akong iniisip kagabi. Hindi na ako kumain ng almusal, naligo agad ako at nagmadali sa paglabas ng bahay.
Nakasalubong ko pa si Jewel na naglalakad, papunta siya sa bahay.

"Les, bakit ang aga ng pasok mo ngayon?" tanong niya. Hinabol nalang niya ako ng tingin kasi sobrang nagmamadali na ako na makalabas ng bahay.

"May adjustment sa sched. Bye"

"Good morning!" sigaw niya sa'kin. "Ingat sa pagtawid" pahabol niya.

-

Muntik pa akong hindi makapasok ng campus dahil sa ID ko. Mabuti nalang naisingit ko siya sa bag ko kagabi dahil kung hindi, dito lang ako sa labas ng school maghihintay.
Walang text galing kina Vincent o Ralph kung nasa school na ba sila. Mga tamad talagang magtext, nagpaparamdam lang kapag kokopya ng notes sa'kin.

Maraming akong nakakasalubong na estudyante ngayon. Marami rin palang may klase ng ganitong kaaga. Kaagad naman akong nagtungo sa building namin. Pagpasok ko sa building, nakita ko na may nilalagay 'yung ibang freshmen sa bulletin board namin. Naki tsismis muna ako bago umakyat sa floor namin. Ah, announcements lang pala para sa final examination.

Nagtungo na ako sa hagdanan, nagtetext ako kay Angel habang naglalakad pataas. May napansin akong mga paa na nakaharang sa dadaanan ko. "Hi, ate Leslie" bati ni Dylan sa'kin.

"Oh, bakit ka nandito? Sa kabila building niyo ah"

"May nag-utos kasi sa'kin na ibigay sa'yo 'to" may inaabot siya sa'king isang piraso na puting rosas.

Alam ko na ang patutunguhan nito. "Galing kay Gio?" tanong ko sakanya.

"Kunin mo na, ate. Baka isipin ni Kuya Angelo hindi ko binigay sa'yo. Sorry din daw" napansin ko din na may papel na nakadikit sa tangkay ng bulaklak. 'SORRY'.

Tinanggap ko nalang 'yung rosas, "Salamat"

"Huwag ka sa'kin magpasalamat. Siguro monthsary niyo ngayon" nakangiti niyang sinabi.

Umiling lang ako. Hindi. Wala kaming ganun. Kung mayroon man, sorry ang sasabihin niya bilang pagbati sa'kin?

"May klase pa ako, salamat ulit sa'yo" sabi ko sakanya bago tuluyang umalis sa harapan niya.
Gano'n din naman ang ginawa niya, tumakbo na siya palabas ng building namin.
Nang makaliko na ako para sa sumunod na hagdanan, leche, bakit ang daming sophomores dito sa dadaanan ko?

Lahat sila may dala ng bagay na binigay ni Dylan sa'kin. Lahat din ng rosas na ito ay may papel na nakadikit sa tangkay. Nasaan ba si Gio? Pati ang mga batang ito dinamay niya.

Isa-isa silang lumapit sa'kin at iniabot ang rosas na puti rin. Wala silang ibang sinabi, ako lang ang nagpasalamat sakanila.

Gano'n din ang nangyari sa sumunod na palapag ng building na 'to. Bago ako tuluyang makarating sa room namin sina Ralph, Vincent at Diwata naman ang bumungad sa'kin. May inabot rin silang bulaklak sa'kin.

"Akala ko malalate ka ngayon, eh. Kanina pa kami dito. Magbati na kasi kayo" habang inaabot ni Ralph 'yung bulaklak sa'kin sinabi niya 'yan. Nakangiti pa siya habang pinapayuhan ako.

Ang alam ba nila simpleng away lang ang nangyari, kung oo, mali 'yung iniisip nila.

Wala kaming klase ng 10am. Sina Monica at 'yung ibang kaklase ko na babae ang nasa loob ng room namin. May hawak din silang bulaklak. Kasama niya si Angel at Charmaine. Lahat sila napangiti nang makita ako.

Hindi ko pa rin nakikita si Gio. Sa dami ng bulaklak na hawak ko, "Sa tingin ko hindi ko na matatanggap 'yan" sabi ko sakanila. Ang dami ko nang hawak, mas dadami pa ito kung tatanggapin ko 'yung na kina Monica.

"Bawal tanggihan. Nag so-sorry na si Gelo, please, mag-usap na kayo, Les"

Hinanap ng mga mata ko si Gio sa paligid ng room, nasaan siya? Wala siya dito sa loob.

"Hinahanap mo?" tanong ni Charmaine sa'kin. Gano'n na nga ang ginagawa ko.

"Wala kang ginamit na pabango ngayon? 'di ka niya napansin diyan, Gigi"

Napalingon nalang ako sa likuran ko, may kinakausap dito si Charmaine. Nakita ko na si Gio, nakatayo siya sa likuran ko lang mismo. Nang magsalubong ang mga mata namin isa lang ang nakita ko sakanya. Hindi siya masaya. At, bago pa ako makapagsalita isang 'Sorry' na naman ang narinig ko sakanya.

~
Parehong walang nagsasalita sa'min.
Magkaharap kaming dalawa. Iniwan kami nina Charmaine dito sa room. Walang klase ng 10am. 1pm pa talaga ang dapat na klase ko ngayong araw. Magkasama man kami sa isang silid, walang nagsasalita. Siya lang naman ang hinihintay ko na magsalita. Wala akong dapat sabihin. Nabilang ko na rin kung ilan ang hawak kong bulaklak, 35 piraso na puting bulaklak. Puti na naman. May paglalamayan ba kami ngayon?

"Kung wala tayong pag-uusapan, pwede na akong lumabas?" nagsalita na ako. Nasasayang ang oras namin pareho dito.

Nakatingin siya sa'kin, "Sabihin mo sa'kin na hindi tayo maghihiwalay"

"Sa totoo lang, napag-isipan ko na 'yan. Gusto ko nang makipaghiwalay, Gio"

Seryoso ako sa sinabi ko. Walang halong biro at walang halong panloloko. Hindi ko binalak na patawanin siya sa sinabi ko. Nilapitan niya ako, hinawakan ang magkabilang balikat ko, "Tell me you're not going to do that" diretso ang tingin niya sa'kin. "Look, listen okay? I'm doing this because I badly need your attention. I need to hear it clear from you, are you going to accept my apology? I know it is not easy to forgive me but I'm hoping--"

"Alam mo naman pala, eh. Bakit mo ba ginawa 'yon? Sa tingin mo ba mapapatawad kita dahil lang sa mga 'to? Kahit buong flower shop pa ang ibigay mo sa'kin ngayon hindi ko masasabi sa'yo lahat ng gusto mong marinig. Gusto mo rin lang na mag-usap tayo, ngayon palang magpapakatotoo na ako. Galit ako sa'yo. Galit na galit"

Nawala nang biglaan ang mga kamay niya sa balikat ko. Nakayuko siya ngayon. Pinipigilan ko lang ang sarili ko. Gusto ko siyang awayin pero hindi ko magawa. Gusto ko siyang sigawan, sampalin, lahat na. Pero hindi ko kaya. "I'm sorry. Gago ako. Tanga ako kasi ginawa ko 'yon sa'yo. Nawalan na ako ng respeto. Galit din ako sa sarili ko" mahina man ang pagkakasabi niya pero sapat lang para marinig ko.

"Ano ba'ng gusto mong mangyari ngayon?"

"If you want to break up with me,do it. It's fine by me. I know I hurt you that much. I'm ready to face any consequences from you"

Tumigil bigla 'yung mundo ko.
Bakit nang siya na ang magsabi, bakit no'ng sa bibig na niya mismo nanggaling, bakit ang sakit sa damdamin ng mga sinabi niya?

Tumayo siya, "I hate to admit this but I don't want to cry in front of anyone. Good bye, Leslie"

Palabas na siya ng silid na ito. Dapat ko ba siyang pigilan? Kapag ba hinayaan ko siyang lumabas wala ng kami? Tapos na ang lahat sa'min? Iyon nalang iyon, 'good bye, Leslie'.
Iiwan na niya ako.

Tiningnan ko 'yung mga bulaklak na hawak ko. Lahat may 'sorry' na nakalagay.
*Nag-effort siya. Sincere siya sa pagsasabi ng sorry kahit sa texts lang, Leslie. Sana naiintindihan mo 'yung mga gusto niyang sabihin sa'yo. Hindi naman niya gusto 'yung nangyari. Wala siyang intensyon na saktan ka.*
Ang daming Leslie sa utak ko.

"Gio.."

*Ang tanga mo, Leslie. Ngayon mo pa siya tatawagin, wala na si Gio. Umalis na siya. Iniwan ka na niya. Iyan naman 'yung gusto mo 'di ba? Galit ka sakanya, dapat matuwa ka pa na iniwanan ka na niya. Wala ng kayo. Wala na. Pwede ka nang tumawa. Pwede mo nang itapon o iwan nalang 'yung mga lecheng rosas na iyan sa isang sulok. Pwede ka nang makahinga na maluwag. Wala ka ng iisipin. Wala ng mangungulit sa'yo.*

Mali. Hindi ko gusto ito. Hindi.

Sinubukan ko siyang habulin pero wala siya sa hallway. Tiningnan ko na rin 'yung room nila pero walang tao dito. Nasaan na siya? Wala na akong ibang option. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng bag ko, tinawagan ko 'yung number ni Gio.

"Sumagot ka, please. Sagutin mo"

Leche. Walang sumasagot. Tinawagan ko ulit pero wala talagang sumasagot. Ngayon, alam ko na ang pakiramdam ng binabalewala.
Napasandal nalang ako sa pader na katapat ko.
*Ang tanga mo, Leslie. Sobrang tanga mo. Bakit hindi mo man lang siya inintindi? Bakit hinayaan mo siyang umalis? Sana binigyan mo pa siya ng isang pagkakataon. Humingi na nga ng tawad, hindi mo pa pinatawad. Ang arte mo. Ang tanga mo. Ang selfish mo.*

Leche. Oo na. Ako na 'yung mali. Ako na 'yung walang kwenta. Ako na 'yung hindi marunong mag desisyon.
Ilang Leslie pa ba ang magagalit sa'kin?
Napaupo nalang ako bigla. Ngayon alam ko na kung para saan ang mga bulaklak na 'to. Kailangan ko ng props sa pag-iyak. Iiyakan ko ang sariling katangahan ko.

"Ang bilis mo namang maglakad. Gano'n ba kasakit 'yung sinabi ko? Ngayon ayaw mong magpahabol, nakakainis ka naman, Gio. Akala ko si Harvey lang ang mahirap habulin. Ikaw din pala"

Wala na akong pakialam kung may makakita sa'kin dito. Wala na rin akong pakialam kung iiyak ako nang iiyak. Nadidiligan ko naman 'yung mga bulaklak.

"Gano'n nalang 'yon? Mag momove on na rin ba ako?"

Kinakausap ko 'yung mga bulaklak sa harap ko. Halos maging mukhang bulaklak na rin ako. Sa sobrang lapit ng mukha ko sa mga ito, sila 'yung naligo sa luha.

"Nakakainis ka naman, Angelo Gabriel III. Hindi man lang tumagal ng isang linggo 'yung pagkainis ko sa'yo. Nakita lang kita kanina nawala na lahat ng inis. Tapos ngayon naman may pag walk out ka pa. Umiyak na nga ako sa harap mo, eh. Ang unfair mo! Leche"

Tumayo na ako. Walang mangyayari sa pag eemote ko dito. Walang nakakarinig sa'kin. Kailangan ko nang ayusin ang sarili ko. May klase pa ako mamaya. Marami pang bukas para makausap si Gio. Ako naman ang... "Sorry" may biglang yumakap sa'kin. Hindi pa ako nakakaalis mula doon sa tapat ng pader na pinag dramahan ko kanina, may 'sorry' na naman akong narinig.

He's crying. He's hugging me while crying. He's crying really hard.

"Gio.."

"Yung sinabi ko kanina, kalimutan mo nalang, okay?" sabi niya. Nakayakap pa rin siya sa'kin.

"Gio kasi.."

"Please, Leslie. Please"

"Gio, 'yung mga bulaklak. Naipit mo na"

He chuckled. Kanina umiiyak siya ngayon tumawa siya. "Sorry, hindi ko naman nasira 'di ba?"

"Ayaw ko nang marinig 'yung sorry ngayong araw. Tapos na 'yon"

Kung ano man ang naging desisyon ko ngayon sana wala na akong pagsisihan pa.

"Are we okay now?"

Tumango ako. Pinunasan ko 'yung luha sa pisngi niya, "Malinis 'yung kamay ko" sinabi ko sakanya habang ginagawa 'yon.

"It's fine. Kahit madumi pa iyan wala akong reklamo"

"Saan ka galing kanina? Tinawagan kita hindi ka naman sumagot. Nagpabebe ka pa ganon?"

He kissed my forehead. "Mahal talaga kita. Sorry kung gago akong boyfriend. 'di ko na uulitin"

"Nakakainis ka kaya! Bakit ang bilis nawala ng galit ko sa'yo? Isang sorry mo lang sa'kin gumagaan 'yung pakiramdam ko. Hindi na talaga mauulit. From now on no more kisses"

"What!"

Nagulat siya sa sinabi ko. "I'm serious, Manansala"

"Kahit forehead and nose kisses bawal na?"

Tumango ako. "Oh, hell. What have I done?" tanong niya sa sarili niya.

"I love you, too, Gio"

Napangiti nalang ako sa hitsura niya ngayon. Kagagaling niya lang sa pag-iyak kanina tapos ngayon halatang inis na inis siya sa sarili.
Tanga na kung tanga. Mahal ko rin naman siya. Maaaring may mali siyang nagawa pero handa akong magpatawad. Kung mahal mo iintindihin mo siya. Bibigyan mo ng pagkakataon na patunayan ulit ang sarili sa'yo.
Wala namang perpektong tao. Mas lalong walang perpektong relasyon. May mga magkasintahan ba na hindi nag-aaway? Hindi ba sila nagtatalo kahit sa maliit na bagay?
Kung nagawa tayong patawarin ng mga taong pinagkasalaan natin. Tayo pa kaya ang hindi mapatawad ang mga taong nagmamahal at mahal natin.
Simula palang ito. Wala pa kami sa kalagitnaan ng mga padating na problema.
Bago ko pa pagsisihan ang lahat, mas pinili ko na gawin kung alin ang sa tingin kong tama.

~

Linggo.

Magkakasama kami nina Kuya at Jewel sa bahay. Iniwan kami ni Mama at Papa, sinama nila si Kitt sa simbahan. Kami naman, siguro mamayang gabi nalang mag sisimba. May misa pa naman ng alas syete. May sasakyan naman si Jewel kaya libre sakay, kami nga lang ang bahala sa pang gasolina.

May dalang pagkain si Jewel, isang kahon ng cake, maliit na cake lang naman. Para lang daw sa'kin. Ewan ko ba kung bakit may dala siyang ganito ngayon. Hindi naman siya gano'n dati, hindi nga ako binibigyan ng kahit ano maliban nalang noong Valentine's day matagal na ang nakalipas.

Nilinaw ko naman sakanya na bawal niya akong ligawan dahil may Gio na ako. Wala siyang sinabi. Dedma nga lang ang inabot ko sakanya.

From: Giobels
Oy Panda, nandito ako sa labas ng bahay niyo. Am I welcome?

Kinabahan ako nang mabasa 'yung message ni Gio. Medyo nagulat na rin, ayos na naman kami. Medyo ayos, naiilang pa din ako sakanya kapag malapit siya sa'kin. Pinipilit naman niya na huwag masyadong dumikit. Pumayag rin siya doon sa kondisyon ko. Huling tawad niya kahit hindi na daw halik sa labi. Kahit sa ilong o noo nalang, pero syempre ayaw ko pa din. Natakot na ako sakanya.

"Bakit?" tanong ni Kuya sa'kin. Nakatingin lang kasi ako doon sa cellphone ko, "Nagtext si Gio. Nasa labas daw siya" sagot ko. Wala siyang sinabi kanina na pupunta siya ngayon. Sanay ako na tuwing sabado siya pupunta. Kapag nakapag simba na sila.

"Hahayaan mong lamukin doon o yayayain mo dito sa loob?" -Kuya

Nagulat ako. Seryoso ba siya? Kapatid ko ba talaga ito?

"Oy, bakit ka naman ganyan sa'kin? Boto ka na kay pareng Gio?" tanong naman ni Jewel sakanya.

"Boyfriend ng kapatid ko, wala na akong magagawa. Ang bilis mag ninja moves. Inunahan ka"

Naririnig ko pa dati si Kuya, 'Nawala lang ako nakaporma na agad' habang nag-uusap sila ni Papa. Hindi naman siya nagalit sa'kin, sa tingin ko nga natuwa pa  kasi hindi si Monica ang gusto ni Gio.

"Pupuntahan ko na nga"

Tumayo na ako para lumabas ng bahay. Mula sa may pintuan ng bahay namin kita ko na may tao sa labas ng gate. Wala siyang dalang kotse.

Pagbukas ko ng gate, siya agad ang nakita ko. Nakatayo sa mismong tapat ng gate. "Kotse mo?" tanong ko.

"Yung kotse 'yung namiss mo? Iniwan ko na. Mag byahe daw ako sabi ni Mommy"

"Kawawang bata. Bakit ka nandito? Uwi na, may curfew na" pagbibiro ko.

Wala talaga akong balak na papasukin siya sa bahay. Gio. Jewel. Kuya, parang hindi sila makakabuo ng matamis na timpla. "Wala pang 6pm curfew agad nasa isip mo. Dito lang ako sa labas?"

Nakatingin lang ako sakanya. Bakit mukha siyang nakakainis ngayon? "Pumapangit ka, Gio" sabi ko. Kabaligtaran. Ang hilig niyang magsuot ng puting t-shirt. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

"Okay lang. May girlfriend naman akong mukhang panda, bagay kami"

"Baliw. Pasok ka na sa loob, hinahanap ka ng tropa mo"

Ngumiti siya, "Miss na nga ako ni double n"

Sa tingin ko naman wala na silang magiging problema ng kapatid ko. Huwag lang malalaman ni Kuya ang kalokohan ni Gio, maghahalo ang balat sa tinalupan. Ano raw? Wala na akong alam sa sinasabi ko.

Hinintay pa niya akong mauna sa pagpasok sa loob ng bahay. Kahit pwedeng pwede naman siyang mauna, "Oy, may bisita pala tayo. Bawal nang manligaw. Gabi na bata, uwi na" pambungad ni Jewel sakanya.

"Wala naman akong nililigawan dito, may girlfriend lang ako dito" sabi ni Gio sabay upo doon sa pwesto ko kanina. Napatingin siya doon sa cake na katapat niya ngayon.

"Pinaupo kita?" tanong ko sakanya. Tinatarayan ko siya.

"Wala akong pinapadala na ganito" tinuro niya 'yung cake.

"Malamang, pre, sa'kin galing 'yan. Kurips ka kasi, cake lang 'di makabili. Katawan lang dala mo ngayon? Ano 'to silay nalang?" ang init ng pagtanggap ni Jewel kay Gio. Kung siya ang may-ari ng bahay namin baka napaalis na agad niya si Gio pagtungtong palang dito.

"Psst! Bawal maingay may tulog" sita ko sakanya. Pansin ko kasing papatulan pa ni Gio ang sinabi ni Jewel sakanya. Naupo nalang ako sa tabi ni Gio, "Tulog si Tita?" tanong niya sa'kin.

Umiling ako, "Si Bebs. Kanina pa tulog"

Narinig ko ang binulong ni Jewel sa isang sulok, "Ang pangit naman ng aso. Kamukha ng nagbigay"

Sira talaga ang ulo nito. Mukha siyang bitter kay Gio, wala naman silang nakaraan.

"Gabi na pagdalaw mo. Baka hanapin ka sainyo, bata" si Kuya naman ngayon ang bina-bata nalang si Gio. "Nagpaalam naman ako" sagot ni Gio kay Kuya pero hindi niya ito tiningnan.

Ang mga lalaki nga naman kanya-kanya na rin ng istilo sa buhay. May kasama akong abnormal, may isang suplado kuno at may isang mapagpatol din. "Uwi ka ng maaga. Bawal puyatin ang kapatid ko"

Kung alam mo lang kuya kung anong oras na kami natatapos sa kwentuhan ni Gio. Iba na rin kapag maraming load 'yung tumawag sa'yo, kung minsan alas dose na gising pa kaming dalawa. Nagkatinginan kami ni Gio, "Bawal ka palang magpuyat" sabi niya sa'kin. Napapangiti nalang siya, "Kaya siguro kumakanta ka gamit ang dust pan, kulang ka sa tulog"

"Kapal ng mukha. Uwi ka na nga"

Wala siyang sinagot doon sa sinabi ko, ang ginawa niya...kumuha ng tinidor at sinimulan nang kainin 'yung cake na nasa harapan niya. Kakainin ko na dapat iyon kanina kaya may tinidor na sa lamesa, kaso nga dinaldal ako nina Kuya kaya nawala na sa isip ko 'yung cake. Ngayon si Gio naman ang kumakain.

"Hoy! Para kay Leslie iyan, si Leslie ka ba?" pinipigilan siyang kumain ni Jewel. Inilalayo naman ni Gio ang plato mula kay Jewel.

Yung kapatid ko tinatawanan sila ng palihim. "Leslie, 'yung boyfriend mong bata kinain na 'yung cake mo" sumbong ni Jewel sa'kin.E

"Okay lang" sagot ko naman sakanya.

"See, ayos lang sakanya. Ubos na rin naman"

Grabeng mang-inis si Gio. Minadali niya 'yung pagkain para walang matira kay Jewel, "Hindi masarap. Wala bang gayuma iyon? Baka ma-inlove ako sa'yo, pre. Hindi tayo talo"

"Gago! Uwi na!" tinataboy na ni Jewel si Gio. Binabato na niya ng unan. Wala naman siyang matamaan, tinatawanan nga lang ni Gio ang mga ginagawa ni Jewel. Nakakatuwa silang panuorin. Para silang mga bata na nag-aaway.

-

Hanggang sa pagsimba namin kasama si Gio. Wala raw siyang tiwala kay Jewel. Ito namang si De Castro ang lakas ng sapak, pinapababa si Gio ng sasakyan kasi sakanya daw ito. Sinabihan siya ni Gio na isasama niya ako sa pagbaba. Mag babyahe kaming dalawa, wala naman nagawa si Jewel. Ayaw niyang kaming dalawa lang ni Gio ang magkasama.

Doon nga niya pinapaupo si Gio sa unahan, huwag daw akong tatabihan. Makulit rin naman si Gio kaya mas iniinis niya si Jewel. Nag-uusap kaming dalawa, kami lang, hindi niya kinakausap sina Kuya. Miss na raw ako ni Gia. Ako naman daw ang pumunta sa bahay nila.

Nang bumaba nga kami ng sasakyan kanina, hindi ko alam kung nagpakitang tao lang siya sa kapatid ko, nauna siyang bumaba tapos nang ako na 'yung bababa inalalayan niya ako. Hinawakan niya 'yung isang kamay ko. Nakita ni Kuya iyon, alam ko, napatingin kasi siya kay Gio. Bale wala lang naman kay Gio, hindi nga niya tinitingnan si Kuya. Pakiramdam ko ayaw pa rin nila sa isa't isa.

"Kain tayo mamaya" bulong ni Gio sa'kin. Ilang saglit nalang patapos na rin ang misa.

"Dinner? Uuwi na ako, wala akong kasabay"

"Ako. Hatid kita, byahe nga lang" nakatingin siya sa'kin, "Next time nalang, umuwi ka na muna, gabi na. Delikado sa daan"

Kung may dala siyang kotse pwede ko pa siyang padaanin sa bahay para doon nalang din kumain, kaso mahirap na. Wala siyang dalang kotse, malayo pa 'yung bahay nila may traffic pa sa daan. At gabi na rin, "Ang bait mo pala"

"Baliw"

"Nasa simbahan ka, oy. Tahimik na muna, baka 'di nila tayo ikasal dito. Ang ingay natin"

Lumala na naman ang sakit niya. Nawala na sa tamang katinuan ang isang 'to. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya. Natutuwa ako sa'ming apat, may mga kasama akong nagmumukhang mga kapatid ko. Pero hindi kami magkakamukha, wala sa mukha namin na magkakamag-anak kami.

Hinawakan ni Gio ang isang kamay ko sabay tingin sa'kin nang nakangiti, "Bakit?" tinanong ko siya.

Ngumiti siya, "I've been blessed to be given a second chance. I love you dearly", tiningnan ko nalang ang mga kamay namin na magkahawak. Kahit sabihin ng iba na masyado pa kaming mga bata para sa pag-ibig, kaya namang turuan ang puso. Basta utak ang pagaganahin at susundin. At hindi sa tagal ng pag-aaway nasusukat ang tunay na pagmamahal. Minsan kasi kailangan mo lang mag-isip ng panandalian. Mas maganda pa rin na matutong magpatawad.

~

Dear Someone,

I fell in love with you. Don't know how, when, where I just did. I don't promise to hate you but all I know is that I can love you almost every day.

~
A/N: Single po talaga ako. Hahahaha. Sorry na sa kadramahan. Ayaw ko lang na mas patagalin pa ito.

Continue Reading

You'll Also Like

145K 1.6K 9
Kapit-bahay ng gurong si Ian si Tatay Ben. Palihim niya itong pinagpapantasyahan. Isang araw, niyaya siya nitong uminom. Ito na kaya ang maging daan...
50K 201 8
Dalawang lalaki ang makikipag agawan sa dalagang kanilang inalagaan. Si Arthur, ay ang Ama ni Celia. Minahal at inaruga niya ang dalaga hanggang sa t...
95.1K 154 55
Enjoy
Lilac Mist By ‎

Short Story

701K 23.3K 80
an epistolary