Operation: 100 Days With Him

Da itsmemaaaee

83.2K 5.3K 764

Isang aksidente ang bumago sa buhay nila. Paano kung lumipas ang mga taon at muling magtagpo ang landas nila... Altro

OPERATION: 100 DAYS WITH HIM
OOHDWH PROLOGUE
OOHDWH CHAPTER 1
OOHDWH CHAPTER 2
OOHDWH CHAPTER 3
OOHDWH CHAPTER 5
OOHDWH CHAPTER 6
OOHDWH CHAPTER 7
OOHDWH CHAPTER 8
OOHDWH CHAPTER 9
OOHDWH CHAPTER 10
OOHDWH CHAPTER 11
OOHDWH CHAPTER 12
OOHDWH CHAPTER 13
OOHDWH CHAPTER 14
OOHDWH CHAPTER 15
OOHDWH CHAPTER 16
OOHDWH CHAPTER 17
OOHDWH CHAPTER 18
OOHDWH CHAPTER 19
OOHDWH CHAPTER 20
OOHDWH CHAPTER 21
OOHDWH CHAPTER 22
OOHDWH CHAPTER 23
OOHDWH CHAPTER 24
OOHDWH CHAPTER 25
OOHDWH CHAPTER 26
OOHDWH CHAPTER 27
OOHDWH CHAPTER 28
OOHDWH CHAPTER 29
OOHDWH CHAPTER 30
OOHDWH CHAPTER 31
OOHDWH CHAPTER 32
OOHDWH CHAPTER 33
OOHDWH CHAPTER 34
OOHDWH CHAPTER 35
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

OOHDWH CHAPTER 4

3.4K 230 23
Da itsmemaaaee


OPERATION: 100 DAYS WITH HIM

Chapter 4: The Nerdy Side of Her

"I will make you fall over with me again."

- Heather Alexander Morone


Heather Alexander Morone


"Are you okay? Wala ka bang nararamdamang masakit or what?" Pagpasok na pagpasok ko ng hospital room niya iyan agad ang binungad ko sa kanya at diredirecho lamang patungo sa kanya at tila ba na wala si Kianna dito sa kuwarto.

"Aba. Hindi ako pinansin ni walang hi manlang." Parinig ni Kianna. Nakatingin ito sa akin at kahit hindi ko tinitignan ay ramdam ko ang panlilisik ng mata nito sa akin.

Nilingon ko ito, "Oww. Should I even say hi?" Sarkastikong sagot. Bumalik ang tingin ni Kianna kay Rian.

Pabalik balik lamang ang tingin ni Rian sa amin na tila bang nagtataka at matagal na kaming magkakilala.

Hindi na siya sumagot pa at lumapit kay Rian. "Osha girl. Mauuna na ako. Nandiyan na pala yang boyfriend mo. Siya na bahala sayo. Take care ha! Pahinga, okay?" She even emphasized that boyfriend word. Tumango na lamang si Rian sa kanya at tuluyan ng tumalikod, kinuha ang bag sa may upuan at saka bumulong sakin.

"Take care of her. It is an order." Sabi ni Kianna sakin, bago tuluyan umalis ng kuwarto ni Rian.

Mabilis niyang tinungo ang pinto at bago ito isara, ngumiti siya at sinabing "Take care Rian."

Pagkasara na pagkasara niya ng pinto, "Hi Heather. Ikaw ba nagdala sakin dito?" Pagtatanong nito.

"Oo." Casual kong sagot.

"Salamat. Ay teka, pano pala yung exams? Kumuha ka ba?" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Napansin ko na pinipilit nitong umupo dahilan upang alalayan ko ito.

Naospital na at lahat, exam pa din ang nasa utak. No wonder why, she is the student of the university na kilala bilang isa sa may pinakamataas na uri ng scholarship dahil sa angking talino na taglay. "Hindi. Kumuha nalang tayo ng special exams. Sinamahan kita dito. Umalis lang ako saglit ng dumating iyong kaibigan mo." Pagpapalusot ko at mabilis kong tinugo yung upuan sa tabi ng kama ni Rian. Halatang pinilipit niyang tumayo mula sa pagkakahiga.

"Huwag ka tumayo, tatawag ako ng nurse. Sandali lang." Tatayo na sana ako para tumawag ng nurse sa intercom ng biglang hatakin ni Rian ang kamay ko.

"Huwag ka na tumawag, tulungan mo na lang ako umupo." Nakangiting saad nito.

Natuwa ako sa aking narinig. Inalalayan ko siya para makaupo siya at "Maraming salamat Heather. Pasensya ka na kung pati ikaw hindi nakakuha ng exams. Sana iniwan mo na lang ako dito at bumalik ka na ng school." Biglang sabi niya.

Hinawakan ko ang kamay niya, marahang hinalikan ito at sinabi, "Girlfriend kita Rian, responsibilidad ko alagaan ka. Hindi mo na kailangan pa magpasalamat. Iyong exam huwag mo na initindihin. Ayusin nalang natin iyon pag magaling ka na. Magpahinga ka lang dyan."

Ang totoo lumabas ako kanina dahil sumakit ulo ko at hindi ko aakalain na maalala ko na nag lahat. Kung sino siya sa buhay ko. Ang babaeng mahal ko ng sobra simula pa noon.

"Sorry kung pati ikaw nadamay pa at kailangan pang kumuha ng special exams. Dapat hindi mo parin ako binantayan. May mga doktor naman at nurse." Pag iwas nito ng tingin sakin at tila ba nahihiya sa akin.

Ayos lang sakin. Hindi ako papayag na may masamang mangyare sayo kasi mahal kita.

Iyan ang mga salitang gusto kong sabihin ngunit di ko magawa.

"Ayos lang. I don't mind besides, girlfriend kita. And yeah, sabay na natin itake ang special exams natin. We could study together." I even emphasized that word to her. There's nothing wrong naman if we would study together, same course naman kasi but not same class.

She looked at me for a minute bago ito sumagot. "Ah okay, let's study together. Pero hindi mo ako totoong girlfriend Heather. Nagpapanggap lang tayo." She looked away at me.

Maaaring oo, nagpapanggap lang tayo pero tandaan mo balang araw magiging tayo rin.

Hindi ko na pinansin pa ang sinabi nito at iniba ang usapan. "Are you okay? Wala ka na bang nararamdaman?" Pag-aalala kong tanong.

"Yeah. I'm okay na. Hindi pa ba tayo uuwi?" Marahan kong pagtatanong.

She slept throughout the ride. Mukhang puyat na puyat nga talaga siya. She still acts the same. Masyadong nakafocus sa pag-aaral. Isa yan sa mga bagay kung bakit masyado ko siyang hinangaan. I even loved her because of that.

-*-

Kasalukuyan akong naka upo dito sa tambayan namin habang nagbabasa ng libro. Someone gave me a back hug and whispered in my ear "Hey, dear hub. Nag-aral ka na ba at hindi puro laro yang inatupag mo? May quiz tayo later." Agad din naman siyang kumawala sa pagkakayakap at tumabi sa akin at naghihintay ng sagot ko.

Lagi niyang tinatanong kung nag-aral na daw ba ako, gumawa na daw ba ako ng assignment at kung anu ano pa na may kinalaman sa pag-aaral. She always pinpoints to me, the imporatnce of studying hard, it is because for the future.

I looked at her at umango ako "Ah oo my dear wife. Nag-aral na ako. Last night." Proud kong sagot.

"Ah okay." Tumatango tango ito, casual netong sagot ng biglang "Wifey?" nakakunot noong tanong niya.

Actually this is the first time na tinawag ko siyang my dear wife kaya siguro nagulat ito.

Nilapit ko siya sa akin at niyakap ito, "Yeah, my dear wife. Don't you like it? I also prefer on calling you wife. You are my future wife and the future mother to our children." Sumilay ang ngiti sa labi nito at hinalikan ko siya sa noo.

Bigla niya akong ginantihan ng yakap. "Yeah, I like it. Sorry nagulat lang ako hubby." Hinawi ko yung buhok niya na tumatakip sa mukha niya at inilagay ito sa likod ng tenga niya. "Ikaw bakit hubby tawag mo sakin?" I asked her.

Ngumiti ito at sumagot, "Kasi ikaw ang soon to be husband ko. I love you hubby." Mas lalu pang humigpit ang yakap niya sakin at ganoon din ang ginawa ko.

I smiled at her, "I love you too wifey."

Nanatili kami sa ganoong puwesto ng biglang parang may naalala siya. "Pero kahit mahal na mahal natin ang isa't isa wag mo parin kakalimutan pangarap mo ha. I won't be a hinder to your dreams but rather I will be here to support you no matter what. Ganoon naman ang relationship right? Hindi natin kailangan mamili kung ano nang dapat na isakripsiyo kasi kapag mahal mo hindi mo ito papipiliin."

-*-

"Heather?" pagkarinig na pagkarinig ko ng boses niya tila nabalik ako sa sarili ko.

Tumingin siya sa paligid "Nandito na pala tayo. Bakit hindi mo manlang ako ginising? Pano mo naman nalaman kung san ako nakatira?" Ramdam ko nag pagtataka sa boses nito.

"Hinatid kita yesterday. Don't you remember? And mukha ka kasing pagod na pagod kaya di muna kita ginising." Casual kong sagot.

"Thank you ha. Mabait ka pala. Thank you ulit. Goodnight. Mag-iingat ka. Salamat ulit." Pababa na siya ng kotse ko ng bigla ko siyang hinawakan sa braso at bigla siyang napatingin sa akin.

Halata sa itsura niya ang pagkagulat.

I don't want this day to end yet, I don't want to be anywhere but with you.

"Rian, kain muna tayo? Dinner? Ayos lang sayo? Sabay na tayo?" Binitawan ko na siya sa braso niya.

Out of nowwhere hindi ko alam kung ano tumakbo sa isipan ko para ayain siya magdinner.

Gusto ko lang naman na makilala pa siya ng lubusan at para malaman kung ano nangyare sa kanya sa mahigit mag-aapat na taon ng lumipas.

"S-sige." Tipid niyang sagot. "Gutom na din naman ako." Dugtong niya.

"Ayos lang ba sayo kung dito na lang tayo kumain. Ako na ang magluluto? Magpahinga ka nalang muna habang nagluluto ako."

Ngumiti siya at tumango. "Marunong ka pala magluto."

"Yeah. I learned when I was in high school."

Binuksan na niya ang pinto ng condo niya. Pagkapasok na pagkapasok ko palang halatang halata na masinop siya sa gamit. Nakaayos lahat. May oras pa pala siya na mag-ayos ng gamit? Samantalang siya lang ang tao dito? Kung sa bagay babae nga pala siya. Walang kakalat kalat.

May mga litrato din na nakasabit sa dingding at mga recognitions nito ay nakaayos din sa isang lalagyan nito dahilan upang mamangha ako muli para dito.

She looks cute, beautiful and adorable. Pabulong ko sa sarili ko habang tinitignan ang litrato niya noong bata pa siya na sa tingin ko ay nasa apat na taon palang ito. Hawak nito ang isang stuffed toy ni Buttercup sa Powerpuff Girls.

Dumirecho siya sa kusina at tinignan ang ref "Ano gusto mong lutuin?"

"Kahit anong gusto mo." Mabilis kong tinugo ang kusina at tinulungan siya sa pagkuha ng mga rekado mula sa ref.

"Ayos lang ba sayo kung adobo na lang lutuin mo?" Pagtatanong nito.

"Oo. Ayos lang sa akin. Sige na ako na diyan. Magpahinga ka na muna." Kinuha ko yung mga rekado, sinuot ang apron at nagsimula ng magluto. Ang cute ng apron niya color pink, halatang pambabae.

Ipinatong na niya yung mga rekado doon sa counter at tignan ako. "Sige. Magpapalit lang ako ng damit." Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon. Lumabas na siya ng kusina at umakayat sa itaas.

Angelie Marrianne Menova

Hindi ako makapaniwala sa pinapakita ni Heather sa akin. May pagkagentleman pala siya. Sa kabila ng pagiging masungit at suplado nito sa university ay siya naman pala nitong may tinatagong kabaitan. Alam ko nagpapanggap lang kami dahil may kailangan itong patunayan sa kanyang mga magulang na hindi siya bading. Pero minsan hindi ko pa din maiwasan isipin kung bakit ako pa? I mean, madami namang iba dyan na mas maganda at mas matalino kaysa sakin pero bakit ako?

Agad kong tinungo ang kuwarto ko para makapagbihis. Hindi ako makapagdecide kung ano susuotin, kaya natagalan din ako dito sa tapat ng closet ko. Ilang beses ko ng hinahalughog ang aparador ko ngunit hindi pa rin ako makapili ng kung ano ang dapat na suotin.

Hindi naman niya siguro papansinin yung suot ko dahil lugar ko to diba? Hindi rin naman ako puwede magtagal dito baka isipin niya masyado ako nagpapaganda for him. Sagi ng isipan ko.

Bago pa man siya mainip ay nagsuot na lang ako ng shorts at t-shirt at tinignan sarili ko sa salamin. Konting ayos ng buhok at lagay ng powder. Tinignan ko muna sarili ko bago ako bumaba. Maganda naman ako, no doubt.

"You need to make him fall in love with you and you should never fall for your trap."

"In 100 days' time and in that 100th day he should be able to say 'I love you' and that's the end of this dare."

Biglang sumagi sa isipan ko ang mga linyang iyan. Hindi ko kayang gawin. Sorry bes, hindi ko gagagwin. Masyado siyang mabait para lokohin ko at paglaruan.

Naabutan ko siyang seryoso sa pagluluto. Tila naestatwa ako sa kinakataayuan ko. Kahit ito ay nakatalikod sa akin ay ang kisig parin nitong tignan at nakakatuwang isipin dahil marunong din pala itong magluto na sa tingin ko ay lingid sa kaalaman ng lahat. Humarap siya sakin at nakangiti niyang sabi. "Hey. Nandyan ka pala. Hindi ka manlang nagsasalita."

"Uh-Y-yeah. Na-naabala ba kita?" utal utal kong sagot.

"Hindi naman. Akala ko nagpapahinga ka." Tugon nito. Nakangiti lang ako na pinagmamasdan siya na tila ba na parang matagal na kaming magkakilala? He is still serious habang nagluluto and he's wearing my pink apron. Nakakatuwa laang tignan.

Ngayon ko lang narealize na ang gwapo pala niya talaga. No doubt kung bakit ang dami niyang fangirls sa campus, pero unlike other heartthrobs hindi siya playgirl. I haven't heard na may girlfriend siya or what. Kaya siguro napagkakamalan siyang bading. Kaso bakit naman kaya? Aside from his looks, matalino din siya, and nagmula din siya sa isang mayamang pamilya. Well, I know na isa siya sa mga dean's lister sa campus. Ang mas nakakatuwa pa marunong siya magluto, madalang sa mga lalaki ang marunong nun.

Nagulat na lamang ako ng bigla niyang nilapit ang mukha niya sakin.

"Hey! Ano iniisip mo? Why are you smiling? Admiring the view?" He smirks after saying that.

"Huh?" Tila wala sa sarili kong sagot. Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa mga iniisip ko.

Bigla siyang tumawa at sabay sabing "You are out of your mind. What are you thinking about?

Care to share?" Mas lalo pa niyang nilapit ang mukha niya.

"Ah. Nothing. Just thinking of the exams you know." Pagpapalusot ko habang pilit na tinatnggal sa isipan ko mga iniisip ko tugkol dito.

Umiling ito na parang hindi naniniwala sakin. Lumayo na ito at ipinagpatuloy na ang pagluluto.

"Bakit?" I asked him. "Huh?" he replied back. Smile flashed his face.

"Bipolar ka? Paiba-iba mood mo ah." He laughs after saying that.

He looks cute when he is laughing.

"Uh. Nothing. I am just thinking na, we can really be a cute couple. Like a husband cooking for his wife, while she's waiting for me and having good times like this, teasing each other."

"What?"

"I will make you fall over with me again."

- Heather Alexander Morone

Continua a leggere

Ti piacerà anche

422K 2.8K 10
Bebang, a former professor in the year 2000, when she founds out all the confidential and classified information about the Modus Institute, later on...
226K 7K 42
{Completed} Love? How can you say it's true? Book 3 of Hey! Be Mine story ©prettymari
993K 10.3K 9
Teo Lugen. Kapag narinig mo ang pangalan niya. Umiwas kana dahil hindi kaya niya sasantuhin. Pero Maniniwala ka ba? Na ang isang anak ng Mafia Boss a...