The Pristine

By thesuchness

2.6M 56.6K 8.1K

. More

The Pristine
Simula
Ang Pang-Una
Ang Pangalawa
Ang Pangatlo
Ang Pang-Apat
Ang Pang-Lima
Ang Pang-Anim
Ang Pang-Pito
Ang Pang-Walo
Ang Pang-Siyam
Ang Pang-Sampu
Ang Pang-Labing Isa
Ang Pang-Labing Dalawa
Ang Pang-Labing Tatlo
Ang Pang Labing-Apat
Ang Pang-Labing Lima
Ang Pang Labing-Anim
Ang Pang-Labing Pito
Ang Pang-Labing Walo
Ang Pang-Labing Siyam
Ang Pang-Dalawampu
Ang Pang-Dalawampu't Isa
Ang Pang-Dalawampu't Dalawa
Ang Pang-Dalawampu't Tatlo
Ang Pang-Dalawampu't Apat
Ang Pang-Dalawampu't Lima
Ang Pang-Dalawampu't Anim
Ang Pang-Dalawampu't Pito
Ang Pang-Dalawampu't Walo
Ang Pang-Dalawampu't Siyam
Ang Pang-Tatlumpu't Isa
Ang Pang-Tatlumpu't Dalawa
Ang Pang-Tatlumpu't Tatlo
Ang Pang-Tatlumpu't Apat
Ang Pang-Tatlumpu't Lima
Ang Pang-Tatlumpu't Anim
Ang Pang-Tatlumput Pito
Ang Pang Tatlumpu't Walo
Ang Pang-Tatlumpu't Siyam
Ang Pang-Apatnapu
Ang Pang-Apatnapu't Isa
Ang Pang-Apatnapu't Dalawa
Ang PangApatnapu't Tatlo
Ang PangApatnapu't Apat
Ang Pang-Apatnapu't Lima
Ang Pang-Apatnapu't Anim
Ang Pang-Apatnapu't Pito
Ang Pang-Apatnapu't Walo
Ang Pang-Apatnapu't Siyam
Ang Pang-Limampu
Ang Pang-Limampu't Isa
Ang Pang-Limampu't Dalawa
Ang Pang-Limampu't Tatlo
Ang Pang-Limampu't Apat
Ang Pang-Limampu't Lima
Ang Pang-Limampu't Anim
Ang Pang-Limampu't Pito
Ang Pang-Limampu't Walo
Ang Pang-Limampu't Siyam
Ang Pang-Animnapu
Pagtatapos

Ang Pang-Tatlumpu

35.5K 632 85
By thesuchness

Mabilis ding umalis sa Ate Yllana dahil aniya'y may aasikasuhin pa siyang importante sa kanilang company. Pumayag kaagad ako dahil ayaw ko siyang nakikita - sa loob ng aking apartment. Naglaba muna ako, at pati ang kay Ram ay idinamay ko rin.

Napanguso ako nang italbog ko na ang mga iyon sa washing machine. Balak ko sanang kausapin pero baka mas mabaliw lang ako lalo. Sa kaniya.

Nakakabigla pa rin ang nangyari kagabi. Akala ko ay masaya nang lahat pero nakalimutan ko yatang walang tuloy-tuloy na kasiyahan. Parang pinutok ang bubble ng aking kasiyahan at doon ako kinakain ng dagundong ng ulan.

Hindi ako nakatulog ng maayos dahil iniisip ko si Ram kagabi. Nababaliw na nga yata talaga ako dahil tuwing maalala ko ang ginawa niya para sa akin ay umiinit ang puso ko. Ramdam na ramdam ko ang pag mamay-ari ni Ram sa puntong iyon. 

Hindi ko alam na mahilig pala ako sa pakiramdam na iyon. Shit, gustong-gusto ko iyon na nagmumula kay Ram. Damn!

"Kamusta kagabi?" Ngumisi kaagad ako kay Lucy pagdating sa classroom namin. Inirapan ako nito kaya naman napahalakhak ako.

"E 'di, ayun! Iniwan ng kaibigan. Buhay single ako kagabi, Chrissy!" madrama niyang sabi. Hmm. Totoo. Si Ram lang naman ang kasama ko kagabi.

Habang nag-iintay ng professor ay sinabi ko kay Lucy ang tungkol sa nangyari kagabi. Maski siya ay gulat na gulat sa inasta ni Eamonn...dahil...hindi ganoon si Eamonn. Hindi ko rin alam kung paano na kami ngayon dahil sa ginawa niya.

Alam kong kaibigan ko siya sa matagal na panahon pero, ang nangyari kagabi, tingin ko ay kailangan ko muna ng distansya.

"Nakita ko iyang may kasama nanamang bagong lalaki. Parang kating-kating palitan si Jerard..." bulgarang saad ng isa akong classmate nang matapos na ang lecture.

Napatigil ako sa pag-aayos ng aking gamit ngunit itinuloy din kaagad. Napapayukom ako ng kamao ngunit umiling si Lucy sa akin.

"Iiwan siya noong lalaking kasama niya..."

Pumikit akong mariin at dire-diretso nang lumabas ng silid. Gusto kong sumigaw! Gusto kong isigaw sa kanila na hindi pa ba sila kuntento sa nangyari, huh? Pinakikielamanan pa nila ako gayong alam nilang tapos na tapos na kami ni Jerard dahil may panibago na rin naman na siya? 

"Girls, girls, shhh. Kawawa naman si Chrissy, okay? Hayaan niyo na siya. She's all crumpled and broken now," anang boses ni Clarisse sa aking likuran. Dinig ko ang iba pang mga sumang-ayon sa kaniya kaya naman binilisan ko ang lakad.

Wala na rin naman akong mapapala sa kanila. Gusto ko na lang na maging masaya si Clarisse kay Jerard dahil sa oras na malaman niyang isa lang siyang panakip-butas ay siya ang madudurog. 

Pinauwi ko na kaagad si Lucy dahil aasikasuhin ko pa ang sa department. Nang malaman ko kaagad ang naging resulta ng aking make-up tests ay nawala lahat ng negatibo sa akin. Gusto kong tumalon sa tuwa!

"Mukhang inspired si Ms. Cajucom. Ikaw, ha!" tudyo sa'kin ni Mr. Romano. Kumintab ang mga mata nito sa makakapal na reading glasses.

Ngumiti na lang ako at hiningi ang aking papers para i-double check ang scores ko. Halos lahat naman sila ay naroon kaya walang problema. Masaya ako sa nakuha ko!

Habang pauwi ay sobra ang aking excitement. Nababaliw na talaga ako dahil hindi ako makapag-intay na ibalita kay Ram ang lahat. Nagbunga ang aming mga hindi pagtulog, at well, ang pagpunta niya sa aking maliit na apartment.

Uminit kaagad ang aking pisngi na naiisip, ngunit bumagsak din ang aking balikat. Wala na nga talagang tyansa pa na maulit ang mga iyon. Well...kung ibabagsak ko ulit ang aking mga exams...

Holy...! Naiisip ko talaga iyon? Tsk!

Namahinga lang akong saglit sa aparment pagtapos ay nag-shower at tumungo na sa buhay na buhay na bistro. 

Sumalubong kaagad sa akin ang isang old school na kanta. Taimtim iyong kinakanta ng banda sa mini stage habang ang pulang dimlits ng bistro ay sinasayaw ang mga tao na naroon. Nang makita ko si Mirna ay kaagad akong kumaway. Isang middle finger lamang ang sinukli niya sa akin.

Pagkatapos kong binaba ang mga gamit sa counter ay hindi na ako nag-atubili pa. Halos talunin ko ang mga baiting patungong second floor sa sobrang excited ko. Gusto kong ibalita kaagad ang matataas kong scores kay Ram! 

Napahinto akong saglit sa screen ng second floor. Kinalma ko muna ang sarili ko dahil ayaw kong magmukhang tanga sa harapan ni Ram. Inayos ko pa ang aking buhok at ang pagkapula ng aking mga pisngi. 

Oh, Chrissy, bakit ka naman naghahanda pa ng ganyan? Ugh...

"I'll do it ASAP, yeah? Don't worry about it..." Mayroong kausap si Ram sa telepono nang unti-unti kong binukas ang screen. Pinisil-pisil ko ang akign palad habang patungo sa kaniya dahil kumakalabog ang aking puso. Oh, shut it!

Ngunit...hindi ko iyon magagawa. No. Habang tinutungo ko si Ram ay hindi na ako iniwan ng kaniyang mga mata kahit pa siya ay may kausap na iba. And, he just looks so sexy in his long sleeved polo and slacks. Hindi na ako makahinga nang makarating ako sa kaniyang harapan.

Nilagay ni Ram ang kaniyang index finger sa bibig kaya naman napatingin ako roon. Gusto ko ang kaniyang mga labi. Naalala ko ang gabi. Then, I have never looked away so fast. 

Kinontrol ko ang sarili. Hindi iyon ang aking first kiss ngunit pakiramdam ko ay ganoon dapat ang mga klase ng first kiss. God, I haven't been kissed that thoroughly. Si Ram lang.

Unti-unti kong binalik muli ang tingin kay Ram. Naka-smirk ito sa akin, tila ba alam na iyon ang aking iniisip. Mas lalong pumula ang aking mga pisngi! Really, Ram? 

"I'll sign everything when I get there. Ililipat ko ang kalahati," mariin niyang sabi sa kausap. Kumunot ang kaniyang noo. He looked like he really meant business.

Pinagmasdan ko siyang may kausap sa phone. Napapaurong ako sa aking kinatatayuan tuwing tumatalim ang kaniyang boses. His voice drips authority, his words firm and clear. Its his bossy version of himself. Iyong reserved at hindi maaabot. 

Parang kahit ako ay hindi ko rin siya maaabot. Napanguso ako habang patuloy siyang pinanunuod.

Bumaling siya ng tingin sa akin at medyo gumaan ang kaniyang boses. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at umambang pupuntang katapat na sofa ngunit mabilis akong hinawakan ni Ram sa pulso. Marahan niya akong hinila at dinala paupo sa kaniyang mga hita.

Napigil ko ang aking hininga. Parang kahit isang paghinga ko ay maririnig ng kaniyang kausap na hindi ko naman kilala. Dinantay ni Ram ang isang kamay paikot sa aking bewang habang nakikipag-usap pa rin.

Hindi ko mapigilan ang pagpikit ng mga mata. His thighs were firm and hot on my ass. Ramdam ko roon ang purong muscles. Kung sabagay ay nagdyi-gym si Ram. Its very noticeable in his built body. 

Nang matapos ang tawag ni Ram ay inilapag nito ang cellphone sa kaniyang desk sa aming harapan. Dumantay ang isa pa niyang malaking kamao sa aking hita at ang kaniyang baba sa aking balikat. 

I liked it. Very, very much. Ngunit, pakiramdam ko ay isa akong sigarilyong nauupos. He's so hot and I just can't help but to burn and melt away. 

"You're giddy tonight. Why?" bulong ni Ram sa aking tainga.

"P-Pasado ako sa lahat ng remedials ko. Ang taas ng scores ko!" Pinigilan ko ang pagtaas ng aking balahibo. Naalala ko ang aking dahilan kung bakit tumungo ako kaagad dito. Ngumisi ako kay Ram.

"Alam ko namang matataas ang makukuha mo roon. You're smart and passionate. I liked my woman like that," malalim ang kaniyang boses.

"Iyon lang? Smart and passionate?" Napanguso ako kahit na pumula nanaman ang aking pisngi.

"Smart, passionate and sexy. My smoking hot and sexy Nurse Chrissy..." malalim na halakhak ni Ram. Kumintab ang kaniyang mga mata at ang gilid ng mga labi ay nanayo. Ngumisi ako rito pabalik.

 "Uhh, salamat sa pagtulong sa akin sa pagre-review. Hindi magiging ganoon kataas ang scores ko kung walang umalalay sa akin. Thanks..." seryoso kong sabi pagkatapos. Totoo naman iyon. Paanong hindi tataas ang aking scores kung kada gabi ay may kumakatok sa aking apartment, may dalang pagkain, gwapo at tinutulak akong mag-review?

Nagkibit-balikat lamang si Ram sa muling dumukdok sa aking balikat. Naiilang ako sa kaniyang ginagawa ngunit ayaw ko rin namang tumayo. 

Hindi na nagsalita pagkatapos. Nanatili ako sa kaniyang mga hita sa iilang minutos. Ramdam ko ang paghigpit ng kaniyang hawak sa akin ngunit hindi ako nagreklamo. Ang kaniyang ulo sa aking balikat ay bumibigat na tila ba natutulog na siya.

Nilingon kong bahagya si Ram. Gusto kong hagurin ng aking mga daliri ang kaniyang buhok. Ngayong sa malapitan ay nakikita ko ang pagod na nakaukit sa kaniyang gwapong mukha. Something's bothering him and whatever it is, it exhausted him. A lot. 

Pumasok kaagad sa aking isip ang kaniyang buhay sa labas ng probinsya namin. Hindi pa niya sinasabi ang tungkol doon at baka tanungin ko rin one of these days. Ngunit, hindi siguro ngayon. Ngayong pagod na pagod siya at gusto na lamang ay ang matulog.

Kung hindi iyon, ano kaya ang pumagod sa malamig at maawtoridad na Ram Donofrio?

"Magkano ang naging gastos mo sa laptop? I'll pay for it," mariin niyang tikhim kahit na nakapikit.

Nagulat ako ngunit nagproseso iyon sa aking utak. 

"Hindi. Okay na iyon, Ram," mabilis kong sabi. Hindi ba't sira ko ay gastos ko? Atsaka, nabayaran ko na nga. Ayaw ko namang bayaran niya ako pabalik!

"Look, Chrissy. I already have a new one. Ginastos mo iyong allowance mo para doon. We can't have that, can we?" malambing niyang sabi at nakapikit pa rin.

Kinagat ko ang mga labi. Napaka-unfair ni Ram! Gusto ko siyang sabunutan at sigawan pero hidni ko magawa dahil sa pinapakita niya sa akin ngayon. Bago sa aking paningin ang kaniyang napapagod na mukha. Nawawala ang lahat ng matitigas na emosyon doon at nakikita ko lamang ay pagod.

"E, bakit pumayag ka pang ipagawa ko kung babayaran mo rin lang? Pumayag ka pa, hindi mo rin lang tutuparin. Okay na nga sabi," dikit-ngipin kong sabi habang pinapaalis ang mga kamay ni Ram sa akin.

Hindi ako pinayagang makaalis ni Ram. Mariin niyang hinawakan ang aking mga kamay at ang aking bewang. Naiinis ako dahil hindi pa iyon ang todong pwersa ni Ram pero wala na akong magawa! Hindi ako makaalis!

"Tumupad naman ako. You fixed it, then, I'll pay for it..."

"Hindi gano'n! Kapag pinagawa mo, sarili mong pera. Para rin lang ikaw ang nagpagawa, at ikaw ang nakasira. Ako nga nakasira---"

"I don't want to argue, baby girl..." 

Doon ay napatikom ako kaagad ng bibig. Tumiklop ako sa kaniyang marahan at nanghihinang boses. Muntik nang iyong talunin ng ugong ng aircon ngunit dinig na dinig ko pa rin. Tumigil ako sa pagpupumiglas ngunit nakairap pa rin ako. 

"Thank you..." namamaos niyang bulong sa aking tainga.

Kinagat ko ang labi at nilingon si Ram. Parang sumikip ang aking puso nang makitang namumungay ang kaniyang kilay habang nakapikit. Tila ba ito lamang ang nakakapagpaginahawa sa kaniya. 

"Hey..." Hindi ko napigilan ang pagdantay ng aking kamay sa kaniyang leeg. Mainit iyon at mas lalo pang uminit sa aking palad. Ramdam na ramdam ko ang kaniyang paglunok.

Binukas ni Ram ang isang mata at tamad akong tiningnan. Pinakikiramdaman ko ang kaniyang mga tingin. 

"May problema ba, Ram?" marahan kong tanong.

Para bang alam na niyang iyon ang aking magiging tanong. Binaon kaagad nito ang mukha sa aking leeg. Mainit ang kaniyang pisngi at hininga roon. Tumataas ang aking mga balahibo, lalo na nang ang bibig na niya ang dumampi sa aking balat. Oh god.

Wordlessly, Ram shook his head and grunted. Bumaba ang aking mga balikat ngunit napataas muli dahil bumuntong hininga si Ram. Ang init ng kaniyang hininga at alam kong nararamdaman na niya ang aking mga goosebumps!

Tinanong ko siyang muli at sa wakas ay inangat na niya ang ulo mula sa aking mga balikat. Mapungay ang kaniyang mga mata ng tingnan ako. 

"Its the company. They're haranguing me, so..." 

"Company? The company?" pag-uulit ko sa kaniyang sinabi.

"My company," paglilinaw niya.

Umawang kaagad ang aking bibig. Nang matapat sa ilaw ang kaniyang Rolex ay kumindat ito sa akin na tila ba humahalakhak. Para bang gusto nitong sabihin na ang tanga-tanga ko at ngayon ko lang nalamang may sarili siyang kumpanya!

Pinilig ko kaagad ang ulo. Gulat man ay tinago ko iyon dahil ang Ram na kaharap ko ngayon ay ang naghihinagpis niyang bersyon.

"Bakit...ang kumpanya mo? Nalulugi ka na?" Halos mabulol ako nang itanong ko iyon. Hindi ako kumportable kahit na iyon naman na kaagad ang aking suspetya noon pa.

"I don't think I'll ever run out of money," matunong na halakhak ni Ram.

Tumagilid ang aking bibig nang mapagtantong para naman akong gold digger sa tanong ko!

"Okay. A-Anong nangyari? Bakit pagod na pagod ka?" Napanguso ako.

"Let's not talk about it. Its boring," kibit-balikat niya sa akin.

Kahit ayaw kong paapekto ay alam kong nabigo ako. Siguro ay iniisip niyang wala naman akong maiintindihan dahil isa lamang akong waitress. Hindi kaya ng utak ko ang isang malaking kumpanya na tulad ng kaniya. Hindi ko na lamang pinahalata at tumango na lang ako.

Pinakwento niya sa akin ang aking naging scores sa remedial. Iyon ang aming topic hanggang sa yayain niya ako sa isang sikat na restaurant. Iyong totoong restaurant talaga at hindi ganito sa aming bistro. 

Habang nagtatrabaho na ako sa baba ay iyon lamang ang aking iniisip-isip. Kahit na alam kong minsan ay hindi talaga ako makakapasok sa mundo ni Ram, pakiramdam ko ay pilit niya itong pinag-aabot. Sapat na iyon sa akin. Ayaw kong pangalanan ang aming gagawin pero naproseso na ng aking utak na 'date' ang tawag doon.

Maagang nagpauwi si Ram ngayong shift. Wala akong ibang rasong naiisip kung hindi ang aming magiging date mamaya kaya naman pinauwi niya kaming maaga. Syempre, masaya ang lahat ng crew.

As usual ay hinatid ako ni Mirna sa aking apartment. Nagsususpetya na siya dahil ang tagal ko raw sa itaas ngunit nginisihan ko lang ito. Matanda na iyan si Mirna. At ang mga matatanda ay kaunting mga bagay na lang ang hindi alam, hindi ba?

Isang light blue na sundress ang aking suot (kahit na walang sun!). Isa iyon sa mga binigay ni Ate Yllana noong dumalaw siya. Nakalugay ang aking buhok at naglagay ako ng kaunting lipstick sa aking labi at cheeks. 

Sobrang laki ng aking ngiti nang tumungo nang venue. Nababaliw na nga yata talaga ako. 

Dahil maraming ginagawa si Ram kanina at isisingit lamang ang date na ito ay nagboluntaryo na akong mauna na lamang. Ayaw pumayag ni Ram ngunit pinilit ko ito. Isa pa, malapit lang naman ito sa apartment ko.

Hindi ko mapigilan ang paglingon-lingon sa aking paligid habang nag-iintay sa table. Naririnig ko na itong sikat na restaurant dati pa man. Ito ang talagang pang mayaman at pang may kaya. Magkakalayo ang mga tables at mayroong malaking fountain sa gitna na gawa sa puting-puting marmol. Ang sarap pakinggan ng classic na violin sa ere.

Binunot ko kaagad ang aking cellphone dahil baka nag-text na si Ram sa akin. Nang wala pa ay ako na ang nag-text.

Ako:

Andito na 'ko. :)


Nag-vibrate kaagad ang aking cellphone! Pumintig ang puso ko! Mabilis kong binuksan ang message ngunit huli na ang lahat nang makitang si Ate Yllana pala ang sender. Bumaba ang aking mga balikat.


Ate Yllana:

Hey, sis! What are you doing? I'm bored here. 


Napataas ang aking mga kilay. Katulad ng ganyang mga text niya sa akin dati ay alam kong nasa meeting nanaman siya ng kanilang kumpanya. Si Ate Yllana na ang alam kong chief nito. Minsan ay naiisip kong mayaman man ang aking kapatid ay hindi niya rin ma-enjoy ang pera.

Nag-type ako.


Ako:

Naghihintay sa kung sino. Ikaw?


Dahil bored na bored siguro ito ay napakabilis ng kaniyang reply.


Ate Yllana:

We're having a discussion about the prenuptial agreements. Kasama ko ang pamilya ng groom, and with Mom and Dad. 

Muling tumaas ang aking kilay. Natural na talaga siguro ang mga prenups sa mga mayayaman. Ang alam ko ay kapag nag-asawa lang ng mas mataas ang estado sa iyo iyon. Siguro, matindi ang yaman ng mapapangasawa ni Ate Yllana kaya naman gusto pa ng prenup. 

Bago ako mag-reply muli ay tiningnan ko ang aking inbox. Wala pa ring reply si Ram doon. Labin-limang minutos na ang lumipas. Bumuntong hininga ako. Baka naman marami lamang siyang ginagawa at medyo mali-late...

Ilang palitan din ng texts ang ginawa namin ni Ate Yllana hanggang sa itigil niya iyon dahil may gagawin na raw siya. Sa mga oras na iyon ay hindi pa rin dumadating si Ram. 

Bumibigat na ang hamog sa gabi. Ilang beses na akong binabalikan ng waiter para mag-order ako at ilang beses na ring nagpapalit ang mga mukha ng customer na malapit sa akin. Naghintay ako ng mahigit isang oras na.

Nginitian ko na lamang ang paalis na waiter na kagagaling sa aking table. Kumbinsido na itong hindi darating ang aking kikitain dahil mapait na ang ngiti niya sa akin. Ngunit, hindi ako naniwala doon. Hindi naman niya kilala si Ram. Hindi naman ganoon si Ram. First date namin ito, at well...

Sisiputin mo naman ako, Ram, hindi ba? 

Nang matapos ang dalawang oras kong paghihintay ay wala na akong nararamdaman pa. May bigat sa aking dibdib na nakadagan lamang ako roon habang tumatayo mula sa aking kinauupuan. Masikip na masikip ang aking dibdib at umuusok ang gilid ng aking mga mata.

Pigil na pigil ako sa kahit na anong emosyon habang naglalakad ako paalis sa venue. Naalala ko ang naging paanyaya ni Ram sa akin kanina sa aming magiging date ngunit baka naman, dahil lang iyon sa pagod siya at hindi siya nag-iisip ng tama.

Ayaw ko na lamang isipin. Gust kong bigyan ng mga rason ang aking utak kung bakit hindi nakadalo si Ram at pinag-hintay ako. Wala man lang text or call o ano. 

Siguro ay nakatulog dahil sa pagod, o hindi kaya'y, hindi maiwan ang trabaho...

Just...fuck it...

"Chrissy?" anang isang pamilyar na boses. Mabilis akong nag-angat ng tingin dito. Siguro sa kaiintay ko kay Ram ay kahit anong boses ay magiging katunog ng kaniya, kaya naman mas lalo akong napanghinaan ng loob ng makita si Jerard na naroon.

"Good evening," tipid kong bati kay Jerard. 

"What are you doing here, Chrissy? Sinong kasama mo..."

Hindi makapaniwala si Jerard na ako nga ang nasa kaniyang harapan at iginaya ako nito sa kaniyang table. Gusto ko siyang tanungin kay Clarisse ngunit maiikli lamang ang aking sagot sa kaniyang mga tanong. 

Wala naman akong nagawa. Kanina pa ako naghihintay, nanlalamig at nag-iisa. At sinalo ako ni Jerard ngayong gabi. Hinayaan ko na lang muna.










Continue Reading

You'll Also Like

225K 14.7K 74
After securing his dream job at a luxurious resort abroad, Sinag thought he had found a perfect backdrop for a new chapter of his life. Little did he...
53.8K 1K 49
An Arcella Series Castalia Nazrene Monteniel Or shall we call her, Nazie or Naz. She is perceived to be immature, nagger and with no hopes. Her bad r...
Persevered Hearts By K.

General Fiction

1.6M 33.9K 72
Victoria "Tori" Fontanilla used to be Rath's everything. Seven years ago, she left without saying a word. Seven years had changed Tori, but Rath did...
56.2K 945 38
ME Series #1 : NOTICE ME a novel written by: MiaBellaHart Kapag nagmahal ka, Kapag nagmahal ka, nagpapansin ka. Kapag nagmahal ka, lahat gagawin mo...