Romeo's First Love (RFL #1)

By sayuriMa

11.9K 230 40

Sa bawat kuwento mayroong leading man, leading lady, kontabida at mga extra. Paano kung sa simula leading lad... More

*PROLOGUE*
Chapter 1 *Dance Socials*
Chapter 3 *Seven Things*
Chapter 4 *Stronger*
Chapter 5 *Encounter
Chapter 6 * Overnight
Chapter 7 * Film Fest
Chapter 8 *New Life
Chapter 9 *Question
Chapter 10 *Quit
Chapter 11 *Real Feelings
Chapter 12 *Give it a Try
Chapter 13 *My Prince
Chapter 14 *Broken Heart
Final- My Romeo
Book 2: Inside the Shell (Coming Soon)
Book 3: Cinderella's Midnight (Coming Soon)
Book 4: The Boy Who Said I Like You

Chapter 2 *Letter to my Prince*

778 16 1
By sayuriMa

Para hindi masabing bitter, I chose to have Ken again as a friend. Dahil doon nagkaroon uli kami ng communication.

One night, nagka-text kami.

Hindi ko na maalala ang pinag-usapan namin, basta isang bagay lang ang naalala ko.

Yung last text niya:

'"Break na kami."

"Break na sila?" Paulit-ulit na nagflash back iyon sa isip ko. Hindi ko na nga namalayan na napapa-smile ako.

I think nabuhayan ako ng loob. Biglang pumasok sa isip ko na baka sakaling magkabalikan pa kami....

"Ayos lang yon, Ken. Kung gusto mo sumama ka na lang sa two days conference."—- iyon ang reply ko sa kanya.

At sumama nga siya.

Ang akala ko iyon ang magiging way para tuluyan na niya akong magustuhan, at mauwi na kami sa happy ending, pero hindi pala.

Yung pagpapa-relax ko ng buhok... wa-effect

Pati yung paggamit ko ng pampuputing sabon, hindi rin tumalab para gumanda ako sa paningin ni Ken.

Akala ko kapag nag-ayos ako, at nagpaganda papansinin na niya ko, pero hindi pala.

Ang bigat ng dibdib ko. Isang pakiramdam na pilit kong nilalabanan.

"Okey lang yon....

Ganun naman kasi talaga ang buhay...

For now I should continue what I am doing while waiting for my real prince charming.

I'll prepare myself for him."

 

Kumuha ako ng isang notebook ,

Sa unahan nito, isinulat ko ang Dear My prince...

Simula sa araw na iyon... isusulat ko sa notebook ang mga mensahe at current feelings sa aking future husband. Tinawag ko si future husband na ...aking prinsipe—-my prince.

Dear my prince,

Nakakainis ka... ikaw ang may kasalanan kung bakit hindi puwedeng maging kami ni Ken... ikaw kasi ang laan sa kin.

 

 

"Nak, bakit ka umiyak?" tanong ni mama isang gabi. Napansin niya ata ako na nag-e-emote sa kwarto ko.

Pinahid ko agad ang luha ko, kasi nahiya ako. Pero nang lapitan niya ako at ngitian, doon na ko nagsabi. Ipinagtapat ko sa kanya ang tungkol sa damdamin ko kay Ken.

Maiksi lang naman ang sinabi ni mama.

"Wag kang paapekto... show him na it's okey."

Tumatak sa isip ko ang sinabing iyon ni mama. At oo, I'll do it...

I must...

 

Dear my prince,

                Sinunod ko si nanay.

Nung nagkita kami ni Ken sa simabahan (sa Org) binigyan ko siya ng malaking ngiti. Ipinakita ko sa kanya na hindi ako affected kahit may niligawan siyang iba.

My prince,

Don't worry... dahil magpapakatatag ako —-para yon sayo.

 Ikaw rin ha, ingatan mo ang sarili mo hanggang sa magkita na tayo.

—-Aia

***

Tama na siguro ang pag-eemote. Oras naman para ituon ko sa ibang bagay ang isip ko.

 

Katulad nang nasabi ko, kabilang ako sa isang organization. Isa itong religious group na kilala sa buong mundo.  Dito ko nakilala si Ken at ang iba ko pang mga kaibigan.

Bukod sa org may mga kaibigan din ako sa school.  Start na uli ng second sem kaya may mapaglilibangan na ako.

I'm a Masscom student. Bago pa lang ang Mass Comm sa University namin kaya kaunti pa lang kaming mga estudyante. Actually sa klase namin siyam lang kami, at yung dalawa pa roon, irregular. Meaning to say pito lang talaga kami na naka linya gumaradweyt.

Pero dahil maunti kami, naging mas bonded kami. As in naging mag b-best friend! We called our group BARKADA (all caps) and we celebrate our Friendship day every 22 of the month.

For 2nd sem.  7:30 am to 2pm ang pasok namin, at ang last subject namin ay Stat.

Seryoso kaming lahat. 

Nakasubsob talaga sa sinasagutang seatwork. Kapag kasi usaping Math, tameme kami.

Yes! Ako ang unang natapos.

Pagkababa ko ng ballpen, napalingon ako sa may pinto.

Bigla akong natigilan dahili nakita ko si ex.

"Oh why, bakit siya nagpunta rito?"

Umiba ko ng tingin.

*Dug! DUG! DuG!*Bumilis ang tibok ng puso ko.

Anong reason, bakit siya nandito?

One  second.  Two seconds.  Three seconds.Hanggang  one minute ata bago uli ako tumingin sa labas pero wala na siya.

Doon lang ako parang nabunutan ng tinik, pero tila ba nanghinayang ako...

Nang gabing yon, sa bahay namin natulog ang dalawa sa mga classmate ko na sina Shane at Sandra, may tinatapos kasi kaming project.

Tulog na si Sandra pero kami ni Shane gising pa.Ganun kasi kami, mahilig magkwentuhan at mag analyze ng mga bagay-bagay.

"Siguro gusto ka pa rin niya..." sabi ni Shane.

"Kung gusto niya ko, bakit may niligawan siyang iba at tsaka bakit hindi niya sabihin sakin?" sagot ko.

"Well, baka gusto lang talaga niyang siguraduhin kung gusto mo pa ba siya o hindi na..."

Napaisip ako.

"Ano, gusto mo pa ba siya?" tanong ni Shane

Tumango ako.

"Kung ganon, just go with the flow."

"Go with the flow?"

"Just wait kung anong mangyayari... tigilan mo na ang masyadong pag-iisip kasi baka maloka ka na," nakatawang payo ni Shane.

"Sa bagay..."

 

Sabi nga ni Shane wag na kong mag-isip, pero ang hirap... hindi ko mapigilan.

Dear My prince,

Gusto pa ba ko ng ex ko?

 Ako kasi gusto ko pa rin sya.

Sorry ha, kung hanggang ngayon hindi ko pa siya nakakalimutan. Wag kang mag-alala kapag nagkita na tayo, for sure ikaw na ang mahal ko.

I love you my prince, sana dumating kana...

 

 

Pagkatapos kong magsulat, nakining ako ng music. Pini-lay ko lang naman yung Mp3 ko. Una kong narinig yung Japanese song na Aitakute.

Matagal ko na itong paborito, theme song kasi ito sa isang anime na madalas kong panoorin noong bata pa ako.

Pinakinggan ko ito nang paulit-ulit.

Ang lungkot, pero ang ganda ng message (base sa English translation)

Bigla ko tuloy naalala yung lalaki na meron nito sa cellphone.

Yung Mac. Siguro kapag nagkita kami uli at mas nagkakilala magkakasundo kami.

Dear my prince,

Iniisip mo ba na crush ko na yung lalaki?

Hindi ah... natuwa lang ako dahil pareho naming gusto ang song na Aitakute.

Sana no... maging magkaibigan kami.

 

 

"Hello!!!" bati ng baklitang si Lance. Ah mali, nagpapakalalaki na nga pala siya.

Sinadya niya talaga ako sa bahay. Gusto niya kasing sumama sa night swimming namin.

Actually activity yon ng mga kabataang babae (young women) sa org.  Leader ako ron kaya kasama talaga ako... si Lance nag-request kung pwedeng sumama. Since masarap naman siyang magluto at close siya ng mga Young women at ng iba pang mga leaders, isinama na namin siya.

Sobra ko'ng na enjoy ang swimming.

Masaya, dahil mababait yung mga kasama naming young women. Nagkakainan na kami nang ma-open ang isang tanong.

"Oy, kamusta na pala si Ken tsaka yung pinopormahan niya?" tanong ni Lance kay Yani.

Sumubo muna si Yani ng hilaw na mangga bago sumagot. "Ayun... sila na!"

Napalunok ako. Muntik na kong mabilakuan.  Sila na agad?

 Nasaktan talaga ako sa narinig ko, pero syempre nagpretend ako na parang wala akong naramdaman.

Malaki pa rin ang smile ko.

***

Pagdating sa bahay, sa banyo agad ako nag diretso. Umiyak ako.

Mali talaga na umasa.

Hindi na babalik sa akin si Ken

Hindi na.

Dear my prince,

Maging masaya ka na dahil kalilimutan ko na si Ken. Mula ngayon... hindi mo na siya karibal.

Aayawan ko na siya, aayawan ko na si Ken.

 

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.2K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
10.6K 503 27
|| SELF-PUBLISHED|| Paano kung isang gabi, nagkaroon ka ng misteryosong panaginip, at may nakita kang isang tao na sa panaginip mo lang nakilala? Pa...
4.2K 267 12
WW1-Short Novel Writing Contest Entry ~ @ Top 7 --- Sa mata ng pag-ibig, mahalaga nga ba ang anyo para mahalin? Nililimitahan ba nito ang patutunguha...