I hate her because I love her...

By SerialBruh

324K 6.7K 794

What do you do when the one person you want comfort from the most is the one who caused your pain? How can I... More

I Hate Her Because I Love Her- PROLOGUE
Chapter 1: Who the hell is Dennise?!
Chapter 2: About Denden
Chapter 3: MEGAPHONE
Chapter 4 : She's Dating Denden Lazaro
Chapter 5 : GiRLFRiEND?!
Chapter 6: I CAN'T STAND HER!
Chapter 7: Jealous?
Chapter 8: FLATscreen
Chapter 9 : Date?
Chapter 10 : I'll help you..
Chapter 11 : Kiss
Chapter 12: Babyly & Babyden
Chapter 13: Maybe
Chapter 14: TSS
Chapter 15: Run away
Chapter 16: Placard
Chapter 17: Wanna Play?
Chapter 18: We Broke Up
Chapter 19: Necklace
Chapter 20: I like this girl
Chapter 21: I hate you
Chapter 22: Rain
Chapter 23: Liar
Chapter 24: First
Chapter 25: Changed
Chapter 26: With her
Chapter 27: Welcome home
Chapter 28: Happiness
Chapter 29: Jealous
Chapter 30: Something Wrong
Chapter 31: Slowly breaking
Chapter 32: Fragile
Chapter 33: Letting go
Chapter 35: Pain
Chapter 36: Still
Chapter 37: Too Painful
Chapter 38: Connected
Chapter 39: Don't go
Chapter 40: What should I do?
Chapter 41: Confuse
Chapter 42: Friendzoned
Chapter 43: I need YOU
Chapter 44: Again..
Chapter 45: She's suffering
Chapter 46: Love is Sacrifice
Chapter 47: Truth
Chapter 48: She knows
Chapter 49: Birthday gift
Chapter 50: Please..
Last Chapter
AUTHOR'S UPDATE

Chapter 34: Christmas fair

3.9K 109 21
By SerialBruh

Chapter 34: Christmas fair

MIKA'S POV

"Mika it's over.. I let her go.."

Last line na narinig ko kay Alyssa tungkol kay Denden.

After nung thursday hindi na niya binabanggit kahit name ni Denden sakin o kung kanino man na kasama namin.

Nung friday mahahalata mong iniiwasan niya talaga si Denden, pero syempre hindi niya pwedeng iwasan buong araw si Denden since magkatabi sila sa classroom.

Nginingitian naman niya si Denden pag nasa tapat ng maraming tao, pero pag wala masyadong nakatingin mapapansin mong may mali.

Hindi ko alam kung maaawa ako kay Denden o hahayaan ko nalang yung nangyayari dahil mali rin naman yung ginawa niya.

Nung activity period pumasok si Aly ng classroom ng nakangiti. Niloko pa siya  ni Gretch na mukhang good mood siya since parang ang saya saya niyang pumasok ng room.

Pero nung magsisimula na yung 'meeting' bigla siyang nagsalita na aalis na siya sa Beshies and Friends at lilipat na siya sa ibang org dahil hindi daw siya  makatanggi sa moderator nung org na yun.

Nabigla yung lahat dahil sa sinabi ni Aly, syempre ang the one and only GIRLFRIEND ni Denden lilipat ng org.

Pero pagkatapos ng announcement ni Aly sabay pasok naman ni Denden at Myco.

Nagbulungan lahat ng members sa nakita nila. Nagsmile lang si Aly na parang wala lang sakanya yung nangyari.

"Bye guys. Mamimiss ko kayo." nakasmile niyang sabi

Clueless si Denden at Myco sa nangyayari. Nung tumingin naman ako kay Fille nakayuko lang siya at umiiling. Nung nakaupo na si Myco tumalikod na si Aly at lumabas ng room.

Nung napatingin ako kay Denden nakita kong nakatingin siya sa pintong nilabasan ni Aly. Matagal tagal din siyang nakatingin sa pintuan hanggang sa hinawakan ni Myco yung kamay niya kaya napatingin siya kay Myco at umupo sa tabi nito.

Ako rin eh, hindi ko alam kung masasaktan ako na makita si Myco na kasama ni Denden.. pero.. masaya ako pag kasama ko si Aly. Hindi ko alam kung bakit, pero masaya talaga ako pag kasama ko siya.

December 16

Nag-exam kami sa ADMU. Niyaya kami ni Bang na sumabay nalang sakanya pero tumanggi si Aly. Ang sabi niya, "Hindi.. magpapahatid nalang ako kay Kuya. Si Mika nalang isabay mo."

Tumanggi rin ako dahil pag sumabay ako kay Bang alam kong malulungkot si Aly dahil maffeel niyang nag iisa lang siya. Kaya kaming dalawa yung magkasamang nag exam. Pareho rin kami ng course na pinili.

December 17

Niyaya kong umalis si Aly para manood ng movie. Pumayag naman siya since nalaman niyang libre. Ang kuripot ng babaeng yun! Nakarinig lang ng libre pumayag agad! Pumalakpak yung tenga eh. Naexcite pa! Haha

Pero nagtataka ako nung sinabi kong kumain kami.. umayaw siya.

Nagdadiet daw kasi siya.

DIET?! Eh ang payat niya nga eh. Wait, tumaba siya ng konti kumpara dati pero payat parin siya.

**

Christmas fair

First day ng fair namin ngayon, christmas fair kasi namin ngayong week.

Lahat ng org nag set up ng booths.

BnF 3 booths ang tinayo, yung akin, kay Gretch, at kay Bang. Supposedly apat dapat, pero ayaw ni Denden magtayo ng kanya.

Dahil sa dami ng members ng BnF kalahati nun yung nagtulungan para gumawa ng booths.

Chill chill lang kami kasi kami yung boss. Hahaha

Marriage booth yung kay Gretch at Fille, meron siyang guy na pinasuot na costume ng pari tapos may mini altar, ibang klase parang nasa church talaga. Pwede kayong magpakasal ng may bayad o ihandcuff yung tao na gustong pakasalan nung isang tao by request pero may bayad. Pwede ring sapilitan na pagpapakasal pag pinagtripan nila yung tao.

Dare to pay yung kay Bang. May mga hidden scotch tape sa sahig, once na matapakan mo yun, may dare ka. Nasa fishbowl yung mga dare, kukuha ka ng isa tapos pag nabasa mo na mamimili ka kung gagawin mo, or babayaran mo yung dare para hindi mona gawin yung dare.

Last booth, Picture to Mika. Ahem. Syempre ako may hawak nito. Magpapapicture lang sila sakin tapos makukuha nila yun 5-10 minutes, kasi ieedit pa ng mga kasama ko yung pics. May nakaset up na 2 desktop at 1 laptop para mabilis yung gawa.

Day 2

Second day na ng fair. Busy parin kaming BnF sa booth namin. Halos wala na kaming time para kumain ng sabay sabay. Kanya-kanya na muna kami ng mundo.

Pati si Aly hindi namin nakakasama dahil busy nga kami.

Day 3

Medyo lumuwag yung schedule naming BnF. Sabi nga ng mga teachers kami na raw yung may pinaka maraming kinita to think na 3rd lang namin.

Naglunch kami ng sabay sabay pero hindi namin nakasama si Aly. Mukhang busy parin sya sa org niya kaya hindi na namin masyado pinansin.

Day 4

Lunch break na, hindi ko parin nakikita si Aly. Simula nung monday hindi kopa siya nakakasama ng break. Wala ata ni isa samin ang nakasama siya, siguro si Ella at Fille o baka pati si Rex.

Pero hinanap din siya sakin ni Fille kahapon eh.. it means hindi sila magkasamang kumain.

Pumunta ako sa may booth ni Gretch at Fille to ask if alam nila kung nasan si Aly. "Fille, nakita moba si Aly?"

"Itatanong ko rin sana sayo yun eh. Aayain ko sana siyang kumain kasi oras na ng pagtake niya ng med eh."

"Med? Gamot para san?" tanong ni Grech kay Fille.

"Para sa katawan niya. May sakit si Aly. Sinabi ko naman sayo yun diba? Mahina yung katawan niya kaya kailangan magtake ng gamot." sabi ni Fille kay Gretch

"Ahh oo nga pala." humarap sakin si Gretch, "Sis, hindi pa namin nakikita si Aly eh. Hindi kopa nga siya nakikita simula nung sunday eh."

Actually ako rin eh.. sa totoo lang, simula monday kopa siya hindi nakikita. Hindi ko na siya nakakasabay sa pagpasok at sa pag uwi.

Dumating si Bang at Denden tapos umupo sa tabi ko si Bang. Si Denden naman nakatayo sa isang sulok nagcecellphone.

"Mika.. sa totoo lang she's  been acting weird lately.. she barely goes out of her room. Pagtinitignan ko siya sa room niya, nakaharap lang siya sa PC niya or sa laptop. Hindi ko nga siya nakikitang kumakain eh.." sabi ni Fille

Napansin kong napatigil sa pagc-cp si Denden. Nakatitig lang siya sa cellphone niya, hinihintay niyang may magsalita samin, I guess.

"Baka naman hindi mo lang napapansin na kumakain siya? Baka kasabay niya si Rex o kaya si Nicko.."

Umiling si Fille,"Hinde! We eat together. She's always asleep during meal time. Friday pa to nangyari eh.. bread lang yung kinain niya nung lunch. And that was her meal for  the whole day I think. Hindi ko siya nakitang  kumain nung gabi nun."

Ibig sabihin hindi kumakain si Aly for almost 6 days?!

"Ayun si Rex oh. Itanong mo kaya kung nakita niya  si Aly." Napatingin kaming lahat sa pagturo ni Bang, "REX!" sigaw ni Bang.

Napatingin si Rex samin tapos lumapit siya,"Nakita niyo ba si ate Aly?" nagulat kaming apat sa tanong niya.

Hindi niya rin nakita si Aly ngayong araw, ibig sabihin si Ella nalang yung  nag iisang tao na posible niyang kasama ngayong araw.

"Tinanong ko rin si Ate Ella pero hindi niya rin nakita. Bigla raw umalis si ate nung mga 11am."

Nagtinginan kami ni Fille. 11? Eh 12 na ah?

"Bakit ba kayo masyadong nag aalala  sakanya? Matanda na si Aly. Alam niya yung ginagawa niya. Alam niya yung tama sa mali.. kaya wag niyo nalang siyang pakialaman." tumalikod samin si Denden tapos naglakad palayo.

"Anong problema ng babaeng yun?" napakamot ng ulo si Gretch. "Parang kailan lang tinawagan niya kami ni Bang para uminom pero nung pinag usapan namin si Aly bigla nalang siyang umiya--"

"Gretch stop it." pinutol ni Bang yung sinasabi ni Gretch. "Hindi tamang pag usapan yung nangyari nun sa ganitong situation. Denden's right. Matanda na si Aly.. alam niya yung ginagawa niya. Bumalik nalang tayo sa trabaho kung hindi kayo kakain." tumalikod si Bang tapos pumunta siya sa may booth niya.

Mahahalata niyong nag aalala si Bang kay Aly pero ayaw niya lang ipahalata para hindi narin kami mag alala ng tuluyan.

Pero.. tungkol saan yung sasabihin ni Gretch? Bakit hindi ko ata alam yung mga nangyari nung time na yun..?

Bumili nalang kami nila Gretch ng  pagkain sa canteen at dinala sa may booth namin.

Habang kumakain kami, si Fille hindi mapakali. Malakas daw yung kutob niyang may masamang nangyari kay Alyssa.

Ilang minuto ang lumipas, biglang may lalaki at babae na tumatakbo papalapit saming tatlo, "Fille! Si Alyssa nakita sa may playground ng gradeschool walang malay!"

Napatayo si Fille sa sinabi "ANO?! NASAN SIYA NGAYON?!"

"Nandun parin.. Hinahanap kasi nila si Denden eh, pero hindi nila mahanap. Natatakot yung mga classmate natin na  baka pag ginalaw nila si Alyssa  magalit si Denden."

Tumakbo ako sa narinig ko at pumunta sa may playground.

Doon lang pala siya nagsstay tuwing break. Pero bakit naman sa may gradeschool pa? Kung gusto naman niyang mag isa pwede naman siyang umuwi eh.. safe pa siya dun. Bakit niya ba  ginagawa samin to?

Pagdating ko sa  may playground nakita ko si Aly na nakahiga sa ground walang malay.

Kinabahan ako sa nakita ko, ayokong isipin pero hindi ko mapigilan.

"Hindi namin alam kung  kanina pa siya nandito kasi kakarating lang din namin. Yung ibang kasama namin hinahanap si Denden.." sabe nung isang lalaki.

"Aly? Naririnig mo ba ako?" hindi siya sumagot.

Nawalan nga siya ng malay. Nahimatay siguro siya sa gutom. O baka..?

Una natatakot pa akong tignan kung tumitibok pa yung puso niya pero hindi ko pwedeng paandarin yung takot ko ngayon.

Nilagay ko yung kamay ko sa may left part ng  chest niya para icheck kung may heartbeat pa siya..

Nakampante ako nung naramdaman ko yung beat nito.

Pero kahit ganun nag aalala parin kami ni Fille kaya binuhat ko siya at nagmadaling pumunta sa clinic. Sabi nung mga kaklase naming lalaki sila na yung magbubuhat but I insist.

Habang buhat ko si Aly nakasalubong namin si Denden tumatakbo papunta  samin. Napatigil ako sa pagmamadali dahil huminto sya sa tapat ko, "Mika anong nangyari?!" tanong niya sakin habang hinahabol yung hininga niya.

"Nahimatay lang siya. Wag kang mag alala, ako na ang bahala sakanya."

Nagsimula na ulit akong  tumakbo papuntang clinic. Habang buhat buhat ko si Aly napansin kong magaan lang siya. Pumayat rin yung mukha niya.. siguro nga ginutom niya yung sarili niya.. may kinalaman kaya to kay Denden? O baka naman sa sakit niya?

Alam naman niyang mahina katawan niya eh.. hindi niya na pwedeng pabayaan pa lalo yung kalusugan niya..

Pagdating namin sa  clinic tinanong ako ng nurse kung anong nangyari kay Aly, syempre hindi ko naman talaga alam yung nangyari kaya sinabi ko nalang na nahimatay siya sa gutom.

Nung chineck ng doctor si Aly, tinanong niya ako kung bakit daw walang nakapansin na namumutla na siya.. saka namayat daw siya since nung last na kita niya sakanya.

"Don't worry, gigising narin si Alyssa mayamaya. Mabuti nalang at masyado kang mabilis na girlfriend dahil mabilis mo siyang nadala dito. Kung hindi baka kung ano na nangyari sakanya. Nainform narin naman kami tungkol sa sakit ni Alyssa." Girlfriend..? Girlfriend ko si Aly? "Sige, maiwan ko na muna kayong dalawa."

Pinagmasdan kong matulog si Aly.. unti unti akong napangiti habang tinititigan ko siya.. mukhang mauulit nanaman yung nangyari samin ni Denden noon.. hindi ko mapigilan.. gusto kong mapasaya si Aly.. ayaw kong nakikita siyang nahihirapan.

Pero.. pano ko siya mapapasaya kung yung taong nagpapasaya sakanya ay yung taong nagpapahirap rin sakanya. Ang labo talaga ng life.

After 10 minutes unti unting dumilat yung mga mata ni Aly. Napangiti ako dahil gising na  rin siya.

"Mygosh Aly! Buti nagising kana.. ano, nagugutom kana  ba?" umiling siya, "Bakit kaba hindi kumakain? Alam mo namang kailangan mo ng lakas diba? Hindi mo ba  alam kung gaano ako kinabahan nung nakita kitang nakahiga? Nung nakita kita doong nakahiga tapos walang malay.. I thought baka.." nagdadalawang isip akong sabihin yung kasunod na  salita pero hindi ko kaya..

"Na baka  wala  na ako? Natakot ba kita? Sorry.." ngumiti siya pero halatang nahihirapan parin siyang gumalaw.

Umiling ako, "Hindi mo naman kailangan magsorry eh.. hindi na mahalaga kung natakot ako.. basta okay kana ngayon.."

Nagsmile siya tapos sinubukan niyang umupo. Inalalayan ko siya tapos napatingin siya sa dextrose na nakainject sa kanya. "I hate needles.. but they love me that much, huh?" tapos nagpout siya

"Hindi ka kasi kumakain eh. Ayan tuloy yung kapalit. Hindi ka naman mataba para magdiet eh.."

"Wala lang.. akala ko kasi makukuha ko yung awa niya eh. Akala ko pag naawa siya kasi nagkakaganito ako babalikan niya ko.. pipiliin niya ko.. makukunsensya siya. Hindi pala.. ikaw pa unang nakakita sakin.." she then gave me a slight smile. "Mika.. anong nagustuhan mo kay Myco?"

Bakit niya kaya biglang natanong sakin to? Sa tono ng boses niya parang napakaseryoso ng tanong niya. Parang kailangan sagutin ko ng maayos yung tanong niya..

"Si Myco kasi.." biglang parang may nahulog na bagay sa may gilid ng kurtina.

Tumayo ako para silipin kung sino yun pero bago kopa buksan yung kurtina nagpakita na siya.

"Denden." bati ko sakanya. Tumango lang siya bilang bati.

Napatingin ako kay Aly, mapapansin mong iniiwasan niya ng tingin si Denden kasi nakatingin siya sa may kanan niya.

"Okay na si  Aly. Na-stress lang daw siya, tapos sinamahan pa ng init. Hindi naman ganun kaseryoso yung nangyari."

Syempre nagsinungaling ako. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nahimatay si Aly dahil ginutom niya yung sarili niya para makuha yung awa  ni Denden diba?

Responsibilidad ko na si Aly ngayon. I need to protect her sa mga bagay na makakasakit sakanya.

"Ganun ba.."

Tumango ako,"Oo, wag kang mag-alala. Dadalhin ko siya sa hospital mamaya para makasiguro kami." sinabi ko yun habang nakatingin kay Aly.

Napatingin sakin si Aly,"Hospital nanaman? I told you I hate needles.." nagsmile lang ako sakanya

"Pwede ba tayong mag-usap?" sabi ni Denden habang nakatingin siya kay Aly.

"Sige, maiwan ko na muna kayong dalawa.." tumalikod na ako para iwanan yung dalawa mag usap

Kailangan nila ng  privacy dahil alam kong tungkol sa kanila yung pag uusapan nila.

Hinawakan ni Aly yung damit ko kaya napatingin ako sakanya,"Mika dito ka lang. Wag mokong iwan.."

"Hindi naman kita iiwan eh. Dito lang ako sa may kabilang side, okay?" dahan-dahan niyang binitawan yung damit ko tapos nagsmile ako sakanya.

Sinara ko yung  curtain then pumunta sa may kabilang side. Umupo ako sa may bed. Syempre cloth lang yung mismong harang kaya maririnig ko talaga  yung pinag uusapan nila.

"It's been a while.." narinig kong sinabi ni Aly.

"Anong nangyari sayo? Bakit hindi ka nagkakakain?"

"Wala akong gana eh.."

"Umamin ka nga, dahil ba sakin?" hindi sumagot si Aly. "Dahil ba sakin kaya  hindi ka kumakain?"

"Hindi. Bakit mo naman nasabi na dahil sayo kaya ako nagkakaganito?" Seryosong sagot ni Aly

"Kasi narinig ko yung pinag usapan niyo ni Mika kanina."

Narinig niya? Ibig sabihin kanina pa talaga siya nasa may kabila nakikinig..

"Narinig mo naman pala eh. Bakit nagtatanong kapa?" sabi ni Aly kay Denden

Gusto ko na sanang sumingit sa pag uusap nila dahil alam kong makakasama kay Aly yung ganitong klaseng usapan. Pero hindi naman pwedeng basta-basta nalang akong sumugod sa loob..

"Bakit mo ba kailangan gawin to Aly? Alam mo namang ayaw kong nakikita kang ganito diba?"

"Weak kasi ako.. Gusto ko kasing magkasakit ako para makuha ko yung awa mo. Para maguluhan ka  lalo."

"Aly, intindihin mo naman ako oh.. May cancer si Mycs! Hindi mababaw na sakit yun.. naiintindihan mo ba?"

Cancer? Akala ko ba nagpa-opera  na siya at sabi niya sakin okay na? Sinabi niya rin na once na maoperahan na siya magiging okay na yung lahat at pwede na siya mabuhay ng normal.. pero bakit kay Denden kopa kailangan malaman yung kalagayan niya?

Hinihintay kong magsalita si Aly pero mukhang nagulat siya sa narinig niya kay Denden.

Babalik na sana ako sa bed ni Aly pero bigla akong napahinto dahil narinig kong nagsniff si Aly,"May sakit din naman ako eh.. at hindi mababaw na sakit to.. naiintindihan mo din ba yun?"

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ito na yung time na hinihintay ni Aly.. ang sabihin niya kay Denden na may HCM siya.

"Anong.. sakit.. mo?" pahinto-hintong tanong ni Denden, "Gaano.. kaseryoso?" tinanong na niya kung gaano kaseryoso yung sakit ni Aly.

"Aly.. kayanin mo.." bulong ko kahit di niya narinig.

Unti-unti kong sinilip silang dalawa sa may gilid ng kurtina.

"Pwede akong mamatay sa nangyayari ngayon.. ganun to kaseryoso.."

"Sa nangyayari ngayon..?" nakita ko yung mukha ni Denden. Halatang kinakabahan siya sa mga sinabi ni Aly. Si Aly naman nakita kong umiiyak, pero pinipilit niya parin ngumiti. "Ano ba sakit mo..?"

"Yung puso ko yung may sakit.." tapos tumingin siya sa baba, iniiwasan niya ng tingin si Denden

Mali yung pagkasabi ni Aly. Alam niyang mali yung pagkasabi niya, ayaw niya parin sabihin kay Denden na may sakit siya sa puso.

Pinalabas lang niyang masakit yung puso niya sa nangyayari ngayon.

Nagbago yung expression ng mukha ni Denden,"Alam mo ba kung gaano akong natakot sa mga pinagsasabi mo? Wala akong oras makipaglokohan Aly. Sige, alis nako. Naghihintay si Mycs sa labas."

Binuksan ko yung kurtina at nilapitan si Aly,"Tara na. Hinahanap kana ni Fille.." napatingin samin si Denden saka lumabas.

Pinahiram kami ng wheelchair ng school dahil hindi makalakad si Aly ng maayos kasi nanghihina pa siya.

Sinundo siya ni Nicko sa may front gate at dinala  sa hospital. Tinanong ako ni Nicko kung bakit daw ba nagkaganun si Aly, syempre wala akong masabi. Hindi ko naman pwedeng sabihin na dahil kay Denden kaya siya nagkakaganun. Ayoko ng gulo kaya iiwasan kong magkagulo kung kinakailangan.

Day 5

Mga 1pm pinilit ni Aly na makapasok dahil may mini concert yung org niya ng mga 2pm ngayon.

Nung pumasok siya ng school pinagtinginan siya ng mga students dahil hindi siya makilala ng mga schoolmate namin.

Nakamini skirt siya, white na top, shades tapos nakatali yung hair niya parang nakasiopao yung style. Nakilala lang siya nung tinanggal niya yung shades niya.

"Ready kana ba? Last day nato ng christmas fair.. diba kakanta ka para sa mini concert ng org niyo?" tanong ko sakanya habang inaabot yung binili kong inumin.

Nagsmile siya sakin,"Okay lang. Wala akong choice eh, kailangan daw kumanta ng mga bago. Ayos ba?" tapos uminom siya

Umupo ako sa tabi niya,"Madaming tao mamaya sa gym Aly! Madaming manonood sayo.. tsktsk. What if magkamali ka?" biro ko.

Hinampas niya ako sa may braso,"Lol! Tama ba namang takutin ako? Pag ako hindi nakakanta nako! Ikaw may kasalanan!" tapos tumawa kami pareho.

Natahimik kami ng 5 minutes dahil pareho kaming nakatingin sa may field. Siguro walang may gustong magsalita samin dahil baka bigla naming mapag usapan yung nangyari kahapon.

"Hindi yan.. alam ko namang kaya mo yan eh. Ano nga pala yung kakantahin mo? Sasayaw ka rin ba? Nako! Kailangan ko na ihanda yung camera ko!" I broke the ice.

Gusto ko maging comfortable siya sakin. Ayoko ng nagkakailangan kaming dalawa, syempre.. kami yung magkakampi ngayon eh.

"Kuya will watch later,"I'm pretty sure ivivideo niya rin ako."

Pinisil ko yung left na pisngi niya,"Galingan mo mamaya ah!"

"Psh. Sapakin kita dyan eh. Teka hindi pako nakakapaglaro sa booth niyo! Nakakaasar naman.. busy kasi ako masyado eh. Tsktsk. Anyway, sige punta nako sa may gym. Dun daw gagawin yung event eh! Nood ka ha!" tumayo siya at naglakad na papuntang gym.

Pinamahala ko muna yung booth na hawak ko sa ibang members para makanood ng concert sa gym.

Niyaya ko rin sila Gretch kaya iniwan rin nila yung booth nila ni Bang.

Pagpunta namin sa gym marami rami narin yung tao. Mag-istart na kasi yung show in 5 minutes.

Dumating si Nicko ng mga 2:10, habang naghihintay kami, sa wakas nagstart nadin.

Mga lower batch yung unang nagperform. Si Ella naman kumanta tapos may kaduet siya. Nakaka 8 na nagpeperform na pero wala parin yung kay Aly.

Tumayo si Ella sa may stage may hawak na mic,"And now, we will introduce the newest member of Awesome Music Guild. Please give it up for Miss Alyssa Valdez!"

Nagpalakpakan yung students tapos nagsimula ng tumugtog yung song na kakantahin ni Aly.

"I was a game she would play.." tapos biglang entrance ni Aly. Nagkaroon pa ng smoke effects. Nice! Akala mo singer talaga.

(a/n: Isipin niyo nalang singer talaga si Aly at magaling siya kumanta, okay? Hahaha thanks)

Nabigla lahat ng tao sa gym dahil parang parang ibang Alyssa yung nakita namin. Medyo wavy yung hair niya and naka make-up siya. IBANG-IBA SIYA.

Besides sa  itsura niya, natulala ako sa pagkanta niya. Ang ganda talaga ng boses niya..

Nung dumating sa chorus biglang sinabayan na siya ng mga tao sa pagkanta.

You Got It All ng The Jets yung kinanta niya pero ibang version.

Napansin kong nakatingin siya kay Denden at Myco. Nasa iisang row lang kasi kami kaya mapapansin mo na sa kanila siya nakatingin.

Pagkatapos niyang tumingin sa kanila nakita niya si Nicko tapos kumaway siya. Si Nicko naman vinivideohan siya. Wow. Supportive brother. Tama nga si Alyssa.

"There's just you, you must have been heaven sent. Hearing me call you went, out of the limb. And you're all that she's not. Just look what I've got, 'cause you got it all.. all over her.." bigla siyang napatingin sakin tapos tinuro ako.

Sinenyasan niya ako na lumapit sa kanya. Pero syempre hindi naman ako sigurado kung ako yun. Pero bigla akong tinulak ni Fille patayo sa kinauupuan ko.

"You got it all over her, YOU got me over her. Honey it's true." she winked at me then smiled.

Bumaba siya ng stage tapos hinawakan niya yung kamay ko at dinala ako sa stage. Nagsigawan yung mga tao sa ginawa ni Aly.

"You're all that she's not just look what I've got.. Cause you got it all.. over her."

After ng song niya nagsigawan yung mga tao ng KISS. Hello? Hindi pwede.

Una nanonood si Nicko! Pangalawa nanonood si Denden.

Naghug nalang kami ni Aly tapos nag 'Aww' yung mga tao. Ako naman hindi parin makapaniwala sa ginawa niya.

Pababa na sana ako ng stage ng biglang may tumugtog na song, BABY.

Nagulat din si Aly dahil mukhang hindi niya rin ineexpect yung part nato.

Binigyan ako ng Mic ni Ella, PARA SAN?!

Nagsimula na yung kanta at nagsimula naring kumanta si Aly pero ako hindi parin. Nagsmile siya sakin na parang may sinasabi siyang mika-kumanta-ka-na-lang-pwede? Wth! Nadamay pako?

Wala akong choice kung hindi kumanta nalang. Napatingin ako kila Denden at napansin kong medyo badtrip na yung itsura niya.

Si Aly naman biglang sumayaw, wala naman akong choice kaya sinundan ko nalang yung pagsayaw niya. Lumabas lahat ng org members nung matatapos na yung kanta tapos lahat ng tao nagsayawan na. Theme song ba to ni Aly? Nakita ko rin siya dati ito yung sinasayaw niya kasama  si Denden eh.. siguro kaya naging BABYLY AT BABYDEN?!

**

After nung concert sumama samin si Aly sa mga booth namin. Sakto nabiktima siya ni Bang. Natapakan niya yung mahiwagang scotch tape ni Bang kaya binigay ni Bang yung fish bowl kay Aly, "Kumuha ka ng isa lang ha! Pagkatapos mong basahin sabihin mo kung Dare or Pay." Kumuha si Aly ng isang nakaroll na paper tapos binasa niya ito, "Ano? Dare or pay?"

Niroll ulit ni Aly yung paper tapos nagsmile,"Dare." Binigay niya kay Bang yung paper tapos humarap sakin. Napatingin ako sakanya, nagsmile siya sakin then bigla akong hinalikan sa lips.

WTF?!

"Psh." Tinignan ni Bang yung paper na binigay sakanya ni Aly, "Kiss the person beside you on the LIPS. Fee for the dare would be 300 pesos. Nice one sis!" Nagsmile si Aly at Bang sakin.

Syempre ako naman natulala sa nangyari.

"Nabiktima ako ni Bang shet! Ang mahal kasi ng fee nung dare eh. Kaya pinili ko nalang yung dare." tapos nagsmile siya sakin.

Pagtingin namin sa likod namin nandun si Denden nakatingin samin. Nawala yung smile ni Aly pero humarap siya sakin at nagsmile ulit, "Tara! Dun naman tayo sa booth ni Gretch!"

Hinawakan niya yung kamay ko tapos hinatak ako palapit sa booth ni Gretch. Sakto nag iikot yung mga dakilang alalay ni Gretch at biglang pinosasan si Aly.

Napatingin kami sa taong nasa kabilang posas.. si Denden.

"Sinabi ng hindi nakakatuwang biro to eh." Paglingon ni Denden nabigla rin siya nung nakita niyang si Aly yung nasa kabilang posas. "Hindi ba kayo titigil?! Hindi niyo ba ako papakawalan?!" napatingin yung mga tao sa pagtaas ng boses ni Denden.

Nagsmile si Aly kay Camilla at Ayessa, yung dalawang nagposas sa kanila,"Wag nalang ako yung ipartner niyo sakanya, si Myco nalang. Hindi narin naman kami eh."

Sa pagsabi ni Aly nun biglang nagbulungan yung mga students sa paligid namin. Lahat pinagtinginan si Alyssa at Denden.

Pinakawalan na nila yung dalawa,"Wag na kayo magbulungan. Pwede niyo naman lakasan eh. Okay lang ako." tapos naglakad na si Aly papunta sa may booth ni Gretch kasama si Camilla, "Dapat si Mika nalang para hindi pa kayo napahiya. Ayan tuloy, pati ako nadamay." Narinig kong sinabi niya.

Pagtapos niyang sabihin yun nagsmile naman siya.

"Halika Mika! Hindi ka  pa naman nakakasal diba? Eto bibinyagan ka na namin!" hinila ako ni Camilla sa may altar tapos nagulat si Aly kasi pinosasan nanaman siya, pero ako na yung nasa kabilang posas,"Ayan! Mas bagay naman kayo eh."

Nakita kong kausap ni Gretch si Denden at Bang sa tabi ng booth. Tumayo siya nung nakita niya kami. "OMG! AKO MAGKAKASAL SA KANILA!" nagmadali siyang maglakad sa altar at kinuha yung damit pang pari, tinulak niya yung lalaki, "Tabi! Ako magkakasal!"

Baliw talaga -_-

Ngumiti sakin si Gretch tapos nagsimula ng magtanong ng mahaaaaaaaaabang question. Nung natapos syempre kailangan ng magandang sagot,"I do?"

"Naks!" Humarap naman siya kay Aly tapos magpakyut tapos sinimulan na yung mahaba niyang tanong kay Aly at sagot nalang niya yung inaantay,"Hmm, of course I do."

Tumingin sakin si Gretch at ngumiti,"Oh. You may now kiss the bride! KISS NA!"

"Hoy Mika! Makakadalawa ka ng gaga ka ha!" sigaw ni Bang

Napatingin ako sa kanya para irapan siya pero nakita ko si Denden parang salubong yung kilay.

"Ako kumiss sayo kanina. Ikaw naman ngayon." Nilapit niya yung pisngi niya sakin saka bumulong, "Sira. Bakit kaba natatakot.. wala narin naman kami eh.. wala na yang pakialam sakin.." nagsmile siya tapos tumalikod na.

"Uy! Wala pa yung kiss!" sabi ni Gretch.

Napailing ako sa nangyari. What the heck, wala narin naman sila so.. whatever.

And I think I like her.. maybe. Perhaps.. come what may.

Hinawakan ko yung kamay niya at hinila siya so that I could kiss her on the lips.

-

Dedicated to @Kylelove_22 Hi! Thanks for reading! :)

Continue Reading

You'll Also Like

5.9K 368 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
7.7K 253 16
AshMatt fanfic
21.3K 1.4K 31
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴