The Pristine

بواسطة thesuchness

2.6M 56.6K 8.1K

. المزيد

The Pristine
Simula
Ang Pang-Una
Ang Pangalawa
Ang Pangatlo
Ang Pang-Apat
Ang Pang-Lima
Ang Pang-Anim
Ang Pang-Pito
Ang Pang-Walo
Ang Pang-Siyam
Ang Pang-Sampu
Ang Pang-Labing Isa
Ang Pang-Labing Dalawa
Ang Pang-Labing Tatlo
Ang Pang Labing-Apat
Ang Pang-Labing Lima
Ang Pang Labing-Anim
Ang Pang-Labing Pito
Ang Pang-Labing Walo
Ang Pang-Labing Siyam
Ang Pang-Dalawampu
Ang Pang-Dalawampu't Isa
Ang Pang-Dalawampu't Dalawa
Ang Pang-Dalawampu't Tatlo
Ang Pang-Dalawampu't Apat
Ang Pang-Dalawampu't Anim
Ang Pang-Dalawampu't Pito
Ang Pang-Dalawampu't Walo
Ang Pang-Dalawampu't Siyam
Ang Pang-Tatlumpu
Ang Pang-Tatlumpu't Isa
Ang Pang-Tatlumpu't Dalawa
Ang Pang-Tatlumpu't Tatlo
Ang Pang-Tatlumpu't Apat
Ang Pang-Tatlumpu't Lima
Ang Pang-Tatlumpu't Anim
Ang Pang-Tatlumput Pito
Ang Pang Tatlumpu't Walo
Ang Pang-Tatlumpu't Siyam
Ang Pang-Apatnapu
Ang Pang-Apatnapu't Isa
Ang Pang-Apatnapu't Dalawa
Ang PangApatnapu't Tatlo
Ang PangApatnapu't Apat
Ang Pang-Apatnapu't Lima
Ang Pang-Apatnapu't Anim
Ang Pang-Apatnapu't Pito
Ang Pang-Apatnapu't Walo
Ang Pang-Apatnapu't Siyam
Ang Pang-Limampu
Ang Pang-Limampu't Isa
Ang Pang-Limampu't Dalawa
Ang Pang-Limampu't Tatlo
Ang Pang-Limampu't Apat
Ang Pang-Limampu't Lima
Ang Pang-Limampu't Anim
Ang Pang-Limampu't Pito
Ang Pang-Limampu't Walo
Ang Pang-Limampu't Siyam
Ang Pang-Animnapu
Pagtatapos

Ang Pang-Dalawampu't Lima

35.7K 790 104
بواسطة thesuchness

Hinihila na ako ni Sir Ram palabas ng bistro.

Hindi ko na masundan ang bulto ng kaniyang likod dahil umiikot na ang paningin ko. Napahawak ako sa tuhod.

"Damn it, Chrissy! I thought you're more responsible than this!" Namewang si Sir Ram sa aking harapan. 


Habang sumusuka ako ay wala siyang nagawa. Dumampi ang kaniyang mainit na palad sa aking likod at hinagod ito. Hinawi niya ang aking buhok sa isang balikat.

Tiningala ko ito at nilukot ang mukha. Binabaling ko ang ulo sa kaliwa at sa kanan sa hilo. Halos murahin ako nito ngunit nakasuporta pa rin siya sa aking likod.

Pagkatapos kong isuka lahat ng aking bituka ay dumiretso na kaming parking lot. Panay ang mura ni Sir Ram habang pinapasok ako sa loob ng kaniyang kotse. Tiningnan ko ang malaki nitong kamay na nakaikot sa bewang ko. Sobrang laki ng kamao nito. 

Nang dumilim ang paligid ay wala na akong alam.


Kinabukasan ay nagising akong nananakit ang ulo. Pumipintig ito at nagbibitak. Mas lalong sumakit ang aking ulo nang mapagtantong hindi pamilyar ang kwarto.

Ginala ko ang mga mata sa kulay royal blue, brown at mga kulay na nalalapit doon. Ang sheets ay puti at ang mga unan ay light blue. Maluwag ang kwarto at maaliwalas.

Bumagsak ang aking ulo sa unan nang maalala ang mga pangyayari kagabi. 

Shoot! Bakit ba habit kong mapasok sa mga issue na mahirap takasan? Damn it!


Mas nalukot ang mukha ko nang maalala ang pagsuka ko kagabi. Kung nasukaan ko rin ang kotse ni Sir Ram ay wala na ako mukhang maihaharap pa. Mas mabuti ay kainin na lang ako ng lupa!

Napadaing ako sa mga pinagsasabi ko kagabi. Holy...shoot... Tinilian ko ang unan. Mas mabuti na kung mag-resign ako dahil wala na akong mukhang maihaharap pa. At naroon sila Mirna kagabi!

Limang minutos akong nag-iinternalize sa kamang ito. Tiningnan ko rin kung may damit pa ba ako. Malakas ang aking buntong hininga nang makita pa iyon doon.


Sa aking pagbangon ay malakas na pumintig ang aking ulo. Tinandaan kong huwag na huwag nang ilalapit ang sarili sa kahit anong klase ng alak. Hindi na dapat pa ako pumunta sa mini concert. Naglasing lang naman ako roon para maibsan ang sakit na nararamdaman.

Pumikit akong mariin habang nakatayo. Napaka-iresponsable mo, Chrissy!

Nangangati ang aking katawan dahil sa alak at pawis. Gusto kong maligo o kahit maghilamos man lang. Pakiramdam ko ay sobrang baho ko na.

May pinto akong nakita sa loob ng spacious na kwartong ito. Ito yata ang master's bedroom. Gusto ko iyong pasukin pero mamaya ay kung anu-anong isipin ni Sir Ram. 


Oh, wait. Kay Sir Ram nga ba ito? Kay Sir Ram nga ba ako napunta? Shoot!


Patuloy akong nagmumura pagkatapos maghilamos at magmumog sa banyo. Umuusbong ang kaba sa akin habang binabaybay ang maliit na hallway. Sa dulo ay naroon ang isang malaking bintana.

Lumapit ako roon para makita ang pamilyar na street ng aming subdivision. Nagpasalamat na lang ako kung sinong santo ang nakakarinig. Kaunting lakad na lang ay apartment ko na.

Mayroong hagdanan paibaba at paitaas ulit sa tabi ng bintanang ito. Tiningala ko ang mas maliit na hagdanan sa itaas. Iyon siguro ang daan patungong roof deck. 


Kinagat ko ang labi habang maingat na bumababa. Naririnig ko na ang mga nag-uusap na tinig.

"Kuya Jude visits often kaya ko nalaman. We're okay with it if he wants to settle down. Dadalaw naman daw kami sa inyo, 'diba?" 

Kumunot kaagad ang noo ko. Nasilip ko na ang may kalakihang living room ngunit hinahanap ng mga mata ko ang boses ng babae.

"I doubt it. Dapat ay sabay kaming uuwi pero nauna na ako. I don't want to get involved, Kyen. Now, Mamma thinks we're handling the hacienda both," tinig ito ni Sir Ram.


At...sino si Kyen?


"May espesyal siguro rito, huh? Ayaw mo na yatang bumalik."


Umabot ako sa modernong kitchen. May tatlong bintana roon, mga matataas na cupboards at kumpleto sa appliances. Nanaig sa aking paningin ang dalawang pigurang nag-uusap at magkaharap sa mini bar.

Napatingin kaagad sa akin si Sir Ram. Napatingin din sa akin ang babae.

Lumunok ako ng maraming beses sa kanilang presensiya. Umaapaw ang aking pagiging insekyurada patungo sa babaeng iyon. Ang lakas lamang ng aking loob kagabi na pagsalitaan ito ng kung ano!

Ang babae ay maputi at makinis. May pagkakulot ang buhok niyang naka-pony. Ang suot nito ay puting T-shirt na pinatungan ng denim jacket. Naka-shorts at puting sneakers ito. 

Kahit na nasa itaas ako at iyon ay nasa ibaba, siya pa rin ang mas lamang. Naaasiwa ako sa kaniyang binabatong mga tingin sa akin. Tinitimbang nito ang aking reaksyon.


Ito ba ang kaniyang girlfriend? Ito ba ang kaniyang madalas na kausap sa cellphone?


Nag-iwas ako kaagad ng tingin. Sa hindi malamang kadahilanan ay bumibigat ang aking loob. Kinakapos ako ng hininga sa bigat nito. 

Si Sir Ram ang sumalubong ng aking tingin.


"Morning..." Tinaasan ako nito ng kilay habang unti-unting nginunguya ang oats. Ang tingin niya ay tinitimbang din ang aking reaksyon. 

Naka-black itong wife beater at jogging pants. Sumisigaw ang biceps at balikat nitong medyo pawis pa. Morning run? Umakyat ang titig ko sa buhok niyang medyo humaba na. Hindi ito naka-style ngayon.

Nanghina ang aking mga tuhod nang maabutan niya akong pinagmamasdan siya. Mas tumaas pa ang kaniyang kilay. Kinagat-kagat ko ang labi dahil para akong matutunaw sa kaniyang titig.

Tabi ba kaming natulog kagabi?

Ah, shut up, Chrissy!

"G-Good morning..." Sa sobrang awkward ay hirap akong magsalita.

Hindi ako makagalaw. Gusto kong umalis na dahil naririto na ang kaniyang girlfriend. Kahit na simple itong pumorma ay hiyang-hiya pa rin ako sa aking balat!

Pansin siguro ni Sir Ram na hindi ako gumagalaw. Napabuntong hininga ito at tumayo. Dumiretso ito sa ref para kumuha ng freshmilk atsaka dinampot ang cereal. 

"Sumabay ka na sa breakfast, Chrissy," aniya.

Hindi ko ito pinansin. Naalala ko ang mga ginawa at sinabi ko kagabi.


Nilingon ko ang babaeng kumakain din ng light breakfast. Ito ang babae kagabi, hindi ako nagkakamali. Nang maramdaman siguro ang aking tingin ay nilingon din niya ako. Nanlamig ako sa aking kinatatayuan dahil may sinasabi ang kaniyang presensiya.

Tumaas ang kaniyang kilay sa akin, katulad ng pagtaas ng kilay ni Sir Ram.

Hihingi ba ako ng pasensiya tungkol sa kagabi? Magso-sorry ba ako? Shit!


"Uhh, uuwi na lang ako, Sir Ram. Nariyan lang namang ang apartment ko..." Nag-iwas ako ng tingin sa babae.

Doon na lang ako kakain, at sasapukin ang sarili dahil sa ginawang kahihiyan. Hinding-hindi na ako iinom.

"I'm not your boss outside the bistro, Chrissy..." 


Lumamlam ang aking mga mata. Mabilis na binalingan ako ng banyagang babae. Sumimsim ito ng kape at sinipat akong muli. Tumagilid ang kaniyang ulo habang nananatiling tahimik.

Pumula ang aking pisngi sa kahihiyan. Ano ba itong napasok ko?

"Stop embarrassing her, Kyen," ani Sir...Ram, at binalingan ako. "At ikaw, dito ka kakain. "

"I'm not embarassing her..." Nagsalubong ng tingin ni Kyen at Ram. Umiling ito tapos ay tumalon sa stool. Nilagpasan ako ni Kyen nang umakyat na.


Napaawang ang aking bibig nang umalis ito. Napanatag ang aking loob. Nakakahiyang gumalaw sa harapan ng babaeng iyon.

"Don't mind Kyen. She's just real quiet like that.  Kumain ka na..." tikhim ni Ram sa stool. Nanunuri pa rin ang kaniyang tingin sa akin.

"S-Sino ba siya? Girlfriend mo?" Humalukipkip ako. Umuusbong na ang pait sa sistema ko.

"No..." Mabilis na kumunot ang noo ni Ram sa pagtataka.

Pinagsingkitan ko ito ng mga mata atsaka tinakbo patungong labasan. Hindi niya ako maloloko! Ano ba ako sa tingin niya?

Ngayong nasa labas ay tanaw ko ang kalakihan ng bahay. Alam ko ang bahay na ito! Palagi ko itong nakikita kapag sa likod ng subdivsion ako dadaan. 

Shit! Kay Ram din ito? Ugh!

Nilagpasan ko ang nakaparadang itim na kotse nito at tinungo ang malaking black at brown na gate. Napamura na lamang ako nang makitang lahat ay naka-lock. Damn it!


Nanlilisik ang aking mga mata habang pabalik sa kitchen. Naabutan kong nagbabasa na ng artikulo si Ram. Binaybay ng aking mga mata ang kaniyang tagiliran na hinuhubog ng wife beater. Bumabakat ang matigas niyang pangangatawan, at ang bawat arko na nagagawa ng mga muscles niya.

Pilit kong pinilig ang ulo at marahas na pumasok.

Hindi natinag ang postura nito nang padarag akong bumalik.

"You eat first, then I'll unlock the gates..." malamig niyang saad.

Napatingin ako sa hapag. May chapatti roon. May coffee, freshmilk, at cereal. Umugong ang lintik kong sikmura.

"Sino muna si Kyen?" Namula kaagad ang pisngi ko. Bakit ko pa ba tinatanong?

"Pinsan ko si Kyen. Inaway ang ina kaya tumatakbo sa akin." Tinaasan ako nito ng kilay.

Unti-unti ay napaawang ang aking bibig. Mabilis ko iyong sinarado.

Ang tanga...tanga mo, Chrissy! Kung anu-ano pa ang aking sinasabi kagabi kaya naman ganoon na lang iyon makatingn! Damn it! Inutil!


Sa hindi malamang kadahilanan ay nawala ang bigat at tinik na nakatarak sa akin. Napanguso na lamang ako nang dahan-dahang lumapit sa mini bar. Tumabi ako malapit kay Ram.

Dinig ko ang kaniyang buntong hininga nang ibaba ang dyaryo. Nagsimula na itong palamanan ang aking sandwich.

Napapanguso na lamang ako dahil nakalahad sa aking harapan ang kaniyang braso. Nakatago iyon palagi tuwing nasa bistro siya. Ngayon ay malaya ko itong nasusulyapan. Mukha iyong matigas lalo na kapag siya ay nagpipigil.

"Uhh, magkatabi ba tayong matulog?" mahina kong tanong. 

Hindi maalis ang aking tingin sa kaniyang braso, at sa mga ugat na naroon. Pinamulahan ako ng pisngi.


"No. Sa sofa ako kagabi."


Tumango ako habang pinapanuod ang sanay nitong mga kamay. Binawal ko ang sariling tumingin sa kaniyang balikat na naninikip sa tigas.

"Drink this pagkatapos mo kumain. Then, you can go," aniya nang matapos sa sandwich at dinuro ang dalawang Advil sa gilid. 

Tumango ako at tinanggap ang sandwich. Nagsalin ng fresh milk at tubig sa Ram para sa akin. Nangalumbaba ito pagkatapos. Pinakatitigan niya ako.

Pilit kong ginawang maliliit ang aking mga kagat. Ang aking dibdib ay naghihingalo na sa pagtitig ni Ram. Napaiwas na lamang ako ng tingin.


"Bakit ka naglasing kagabi?" Bumira kaagad ito.


Sinalubong ko ang nang-aakusa niyang mga mata. Gusto kong magtago sa likod ng aking sandwich dahil masyado iyong mabigat. Pakiramdam ko ay nasa principal's office nanaman ako!

"Naparami lang dahil may event..." Pinira-piraso ko ang mga sandwich dahil nawawalan na ako ng gana.

"Sabihin mo sa akin ang mga pangalan ng mga lalaking kinukursunada---"

"W-Wala nga lang ito! Naparami lang!" mabilis kong putol sa kaniya.

Baka kung anong gawin niya sa mga lalaking yon. At kahit na gustong-gusto ko iyong mangyari ay alam kong mas mabuti pa rin na huwag na siyang mangielam sa loob ng school namin.

 "I don't believe you..." Sumingkit ang mga mata nito sa akin.

"Kailan ka ba naniwala sa akin?" Tumingin na lang ako sa sandwich na hawak.


Iyon siguro ang hudyat kung bakit nanahimik si Ram. Mabuti naman. Umamba itong ipaghahanda akong muli ng tinapay ngunit umiling ako. Tumupad naman siya sa usapan at binuksan na rin ang gate.


Daig ko pa ang lula habang naglalakad patungo sa apartment. Tinawagan ko kaagad si Lucy dahil baka kung saan siya napunta. Nasa bahay naman daw ito at may hangover din.

Kahit masakit ang ulo ay naghanda pa rin akong pumasok. Pumipintig ang aking mga kilay sa mataas na sikat ng araw habang naglalakad patungong sakayan. Mayroong bumusina sa aking gilid.

Namuo kaagad ang malamig na pawis sa aking noo. Nilingon ko ang bumababang heavy tinted na bintana ng sasakyan.

"Ihahatid na kita, Chrissy..." pinal na kung sino ang awtoridad sa kaniyang boses.

Makintab nang muli ang kaniyang buhok at styled na. Naka-light blue itong long sleeves na bumagay sa kaniyang mga mata. Sharp na sharp nanaman ang dating nito habang nakadantay ang siko sa bukas na bintana.

"Hindi na. Kaya ko," sabi ko habang naglalakad.

At bakit naman niya ako ihahatid? Hindi na ako lasing at hindi niya ako obligasyon. Atsaka aasikasuhin niya ang kaniyang pinsan.

"May errands akong pupuntahan. I'll just drop you off at school..."

Napanguso ako at tiningnan ang malayo pang sakayan ng jeep. Pumipintig-pintig pa rin ang ulo ko at parang namamaga ang aking mukha. 

"Sige na nga..." Napakamot ako sa ulo habang binubuksan ang likod ng pintuan ng kotse nito.

"Do I look like a driver? Dito ka sa harapan!" naiinis niyang sabi.

Sumingkit ang mga mata ko sa naiirita niyang mukha. Nagmumura akong umikot patungo sa passenger's seat. Napaka-snappy naman nito!


Nang makasakay ay naghanap ako ng senyales na sumuka ako kagabi pero wala naman. Napabuntong hininga ako roon.

Natahimik nanaman ang aming byahe. Tanging ang masarap sa tengang ugong lang ng makina ang naririnig ko, at ang malakas na tibok ng aking puso.

Bumagal ang kotse at lumiko sa drive-thru ng isang fast food. 

"Kakakain lang natin, 'di ba?" Napabulalas ako.

Nagkibit-balikat ito sa akin at nag-order na. Inabot niya ang isang coffee sa akin, at ang isa ay sa kaniya. Pagkatapos ay dinampot nito ang itim na Ray Bans sa dashboard at inabot din sa akin.

"This will help the hangover," aniya na tila ba eksperto sa sinasabi.


Ang tingnan siya ng diretso ay mahirap. Hindi ako sanay sa gawain niyang ito, at sa kaniyang mga paninilbihan. Sanay ako sa kaniyang  bossy at masungit na attitude at hindi ang isang Ram na ibibigay lahat ng aking kailangan.

Mas lumakas lamang lalo ang kinikimkim kong pagtibok ng puso. Sana ay huwag niya iyong marinig.

Sinuot ko na lamang ang kaniyang Ray Bans at sumimsim sa kape. Hiniga ko ang ulo sa headrest ng upuan para sa ginhawa.


Mabilis kaming nakarating sa school. Pinahinto ko na kaagad kay Ram ang kotse nang matanaw sila Jaime.

"Anong...oras ka uuwi?" Nag-iwas ng tingin si Ram sa akin. Para habang hirap itong huminga.

"Hmmm. Basta! Salamat!" sabi ko atsaka bumaba na.

Bago pa ito umapila ay binagsak ko ang pintuan ng kotse. Habang patungo kina Jaime ay hindi pa rin umaalis ang sasakyan. Napanguso na lang ako.


"Ang gara talaga ni Chrissy!" Sinalubong ako ni Marion.

"Shhh..." Pumula kaagad ang aking pisngi. Kasi ay ayaw pang umalis noong kotse! Tsk!

Pumirma na ako sa sheet na hawak ni Jaime. Naroon sila Clarisse na inirapan ako habang sumusulyap sa kotseng nasa likod pa rin.


"Oh god, may naloko nanaman ang isang ito. Siguro, nagbenta ng...alam mo na!"

"Tingnan mo nga naman. Ang bilis niyang lumakad dahil may reserba na kaagad."


Nanigas ang aking kamao sa ere. Pinilit kong huwag makinig sa kanila kahit na nagtatagis na ang aking bagang.

Sinukbit ko ang shades sa tshirt at nagpatuloy sa pagsusulat. Nang hindi nakatingin si Jaime ay pinirmahan ko rin si Lucy.

"Kamusta naman ang laptop, Jaime?" sabi ko sa kaharap.

"Malapit na maayos 'yon. Gusto mo bang tingnan..." Napatingin si Jaime sa pulutong nina Clarisse.


Gusto ko ay nasa bistro na lang ako ngayon, may dalang tray at nakangiti sa mga customers. Siguro ay kaya hindi ko maiwan ang bistro dahil naging parte na rin iyon ng pang araw-araw ko. Iyon ang aking comfort place dahil ang university? Hindi ko na alam ang tawag.

Attendance lamang ang kailangan sa maghapon. Nag-text na lang ako kay Lucy na huwag na siyang pumasok dahil okay na. 


Pasakay na akong jeep nang makita ang sasakyan ni Ram na kumakabig. Bumusina ito kaagad.

Kumunot ang aking noo dahil naririto siya sa likuran ng jeep. Atsaka, hindi ba't may pupuntahan pa siya? Tumambay lang siya sa school, ganoon?

"Get inside, Chrissy..." Bumaba ang bintana at inilahad si Ram.

"Pasakay na akong jeep. Umalis ka na!" Napanguso ako. Nakaharang siya sa pila, e! Tsk! Ako nanaman ang may kasalanan niyan!

Tuluyan na akong pumasok sa loob. Ako na lamang ang tanging iniintay ng jeep para makaalis.

Sinilip ko ang kotse ni Ram na naroon pa rin ngunit inayos ang parada. Dinig ko ang pagpatay ng makina nito. Kinagat-kagat ko ang labi. Wala pang isang segundo nang bumaba na ito sa kaniyang kotse at kinausap ang driver ng jeep.

"Ano bang ginagawa mo? Nakakahiya..." Pumula ang pisngi ko dahil pinagtitinginan na ako ng mga tao rito. 

Hindi ako nito sinagot. Nakita kong binunot ni Sir Ram ang kaniyang wallet at humugot ng ilang kulay blue na papel. Maagap ang halakhak ng driver na kanina ay halos umusok ang tenga. Pati ang barker ay biglang nakiusyoso. 

"Halikana, Chrissy..." Tinaasan ako nito ng kilay tapos ay sumakay sa kaniyang kotse.

Napuno na ako ng inis. Ang yabang niya talaga! Wala siyang kasing yabang! 


"Alam mo kasi, hija, ang pagmamahal may away talaga 'yan. Ngayon, magbati na kayo ng boyfriend mo. Big time pala!" Winagayway ng driver ang pera nito sa akin nang may ngiti sa labi. 

 "Hindi ko ho siya boyfriend, manong! Salamat ha!" bulyaw ko rito atsaka bumaba na.

Padarag akong pumasok ng kotse ni Sir Ram dahil baka mamaya ay bilhin niya ang lahat ng jeep dito sa sakayan. Pilit kong kinokontrol ang sarili. Ang gusto niya kasi ay gusto niya! Hindi ba ako pwedeng mamasahe?

"Tsk, nakakainis na! Ano bang gusto mo? Pwersahan ito? Sasakay lang naman ako sa jeep!" Nag-iinit ang ulo ko. Yabang!

"Oh, that's barely forcing you. Kung alam mo lang..." Umiling si Sir Ram at pinatakbo na ang sasakyan.


Habang nakahalukipkip ay mahina ko itong pinariringgan. Patuloy ang pagpintig pa lalo ng aking ulo. Tsk.

"You're having a hangover right now, Chrissy. Hindi ka dapat pinapalabas ng bahay kapag ganyan ka dahil iba kang kumilos. You didn't even know what you did to me last night when you're intoxicated. Hindi ko hahayaan na gawin mo iyon sa iba..." matigas niyang iling.

Lalo pang sumakit ang aking ulo dahil sa kaniyang mga ingles. Ano bang sinasabi niya? 

"Shhh! Kung anu-anong sinasabi mo. Huwag mo akong binabanatan ng ganyan---"

"Ikaw ang banat ng banat kagabi. Binanatan mo na ako, inangkin mo pa..." Tumagilid ang ulo nito sa akin at ngumiti.












واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

154K 2.5K 42
What hurts the most? Unrequited love or falling out of love?
1.4M 57.2K 58
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
9.1K 1.5K 36
LOVE STRINGS Series III She hates being with men, and He loves playing with women. They're a total stranger to each other until Cupid raise his bow t...
6.1K 470 44
[COMPLETED] Amora Cruz is just a simple girl who wants to live a happy and peaceful life. Sapat na sa kanya ang kung ano man ang meron sya. Kahit kap...