Meet My Professor ✓

By DamianLane

56.8K 3.4K 107

Series #1 Lana Iya Velasco had a very strange experience during their first-ever bar hopping. She met a DJ wh... More

Meet My Professor
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 12.1
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 19.1
Chapter 20
[SEASON 2]
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Special Chapter
Special Chapter (Part II)
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue

Chapter 04

1.2K 61 2
By DamianLane


"Lahat ba ng post ko lumilitaw sa news feed nito?" Tanong ko sa sarili ko. Ilang araw na bang puro ganito halos laman ng notification ko?
     
     
Czam Luke Sho likes your photo.

Czam Luke Sho likes a video you shared.

Czam Luke Sho likes a post you are tagged in.

Czam Luke Sho likes a post you shared.

Czam Luke Sho reacted to your post.
   
   
Reacted? Pinindot ko 'yong notif ko na 'yon. 'Yong post kong picture naming anim, kasama si Ian at boyfriend ni Anne, sa bar. Ang ni-react niya? 'Haha'. Akala ko pa man normal 'to, hindi pala!

Kagabi pa ko nagpipigil na i-unfriend 'to 'e! Kainis kasi! Kasalanan talaga 'to ng kuya ko 'e! 'Yong mga kaibigan ko naman tinake advantage! Inadd nila pero sa kasamaang palad, hindi sila inaaccept. Nagtataka tuloy ako kung bakit 'yong akin inaccept pero 'yong sa tatlo hindi.

"Hay, salamat," bulong ko sa sarili ko nang mapansin kong natigil na ang pagdating ng notif ko dahil sa kanya. Kapag narinig na naman ako ng kuya sasabihan na naman ako no'n ng 'baliw'.

Pero akala ko lang pala na tumigil na siya. Kasi ngayon, may mas nakakabaliw pa siyang ginawa!
   
   
Czam Luke Sho commented on your photo.
    
    
Mas nabaliw pa ko nang mapansin kong pamilyar 'yong photo na kinomentan niya. Pinindot ko 'yong notif ko at hindi nga ako nagkamali. Nag-comment siya sa profile picture ko!

Nahilot ko ang kaliwang sintido ko nang mabasa ko ang comment niya.
   
   
Czam Luke Sho: Dude Vanlourd Mallet haha found her! *lips emoticon*
   
  
Ni long press ko 'yong comment niya at lumabas 'yong Copy, Delete, Cancel. Agad kong pinindot 'yong delete. Pasensya na lang sa tatlo kong kaibigan pero ia-unfriend ko na talaga 'to at iba-block ko na rin! Hindi ko alam kung maaapektuhan ba no'n friend request nila dahil mawawalan na sila ng mutual friend, pero bahala na.

Napakunot noo naman ako ng hindi nawala 'yong comment. Sinubukan kong i-refresh pero ang lumalabas lang ay 'Can't  connect, tap to retry'.

'Yong wi-fi connection agad ang chineck ko. At tama nga ako, nawala na naman!

"Kuya!"

"Ni-restart ko lang!" Agad na sigaw nito, alam na siguro na 'yong hotspot na naman ang isisigaw ko.

"Puro ka restart!" Sa restart na 'yan ako napapahamak 'e.

"Ang bagal 'e."

"Pa'nong 'di babagal 'e dalawang cellphone mo naka-connect," bulong ko sa sarili ko.

No'ng na-connect na ulit ako sa hotspot agad kong nireload para makita kung nabura ko ba bago mawala 'yong connection. Pero hindi, nando'n pa rin at ngayon may reply pa!

Agad agad kong chineck 'yong reply nang mabasa ko 'yong Vanlourd Mallet.
   

Vanlourd Mallet: 😏 *smirk emoticon*
  

Aba't talagang! Makapagreply nga! Account ko naman 'to 'e!

Lana Iya Velasco: *bomb emoticon*
   

Ilang segundo lang may lumitaw na comment na naman mula kay Van.
   

Vanlourd Mallet: *pill and injection emoticon*
    
  
WHAT?! Sinasabi ba nitong magpaturok na ko ng gamot?! Teka nga, may dirty finger emoticon ba ko rito? Naghana- ako pero puro fist bump, clap lang nakikita ko.

Huminga muna ko nang malalim. Tandaan ang future mo Lhia, future teacher. Hindi magandang impluwensya sa bata 'yan. Okay. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

Sige, hindi ko na papatulan 'to...after kong i-send as reply 'tong isang 'to.

    
Lana Iya Velasco: 💍💔 👏*engagement ring, broken heart emoticon & clap emoticon*
   
  
Biglang namang nag-comment 'yong Czam. Nakalimutan ko nang sa kanyang comment nga pala 'to at nagrereply lang kami.

    
Czam Luke Sho: PM 📩 *receiving message emoticon*
   
  
PM? Personal message? Baka para do'n sa Van na 'yon. Sa Van na 'yon na hindi na nagreply. Ano siya ngayon? Akala niya ha. Kanina ang bilis bilis niyang sumagot.

Nagulat naman ako ng sunod sunod na nagvibrate ang cellphone ko at biglang may chat head na nag-pop out. Napataas pa kilay ko nang makilala ko 'yong DP.

Inopen ko na agad 'yong message.

    
Czam Luke Sho:
That was hard

Really
   
   
Lana Iya Velasco:
And you're saying?
   
 
Czam Luke Sho:
He's still broken. That topic is sensitive
  
   
Lana Iya Velasco:
Okay,

But I can't help it! He's bumptious!
   
  
Czam Luke Sho:
That's him

By the way, in his behalf, sorry for stealing a kiss from you. Just consider it as an exchange for the mark you left
    
   
Lana Iya Velasco:
Mark?
   
  
Czam Luke Sho:
I forgot the term

Wait

Neck bite? that doesn't sound right

Ah whatever

Ah! Chikinini! In Filipino (?)

   
  
Nanlaki ang mga mata ko. Chikinini? Seryoso? Nag-iwan ako no'n sa leeg niya? 'E kaya naman pala gumanti! Pero gano'n ba kalalim 'yong kagat ko? Sabagay, mukhang nasaktan siya no'ng kinagat ko. Umaray pa nga 'e.

Argh! Feeling ko mababaliw ako kapag wala akong nakausap. Naisipan kong i-message si Anne. Takbuhan ko naman 'yon 'pag ganito 'e. Pumunta ko sa may message at napakunot noo ako nang may lumabas sa itaas.
    
  
New Message Requests
From Vanlourd Mallet
      
     
Si Van? Nag-message? Sige Lhia, no'ng nakaraan lakas mong maka-'Will' , ngayon naman lakas mong maka-'Van'. Hindi naman kayo close.

Tinap ko na lang at tsaka tinignan kung ano ba laman ng message nito.
     
    
Vanlourd Mallet
I thought you're different
  
Ignore               Accept
   
Ano raw? Inisip ko muna kung iaaccept ko ba at kung sasagot ba ko sa chat nito. Sige na nga, tutal nabasa ko na rin lang naman 'e.
    
   
Lana Iya Velasco
What?
   
  
Vanlourd Mallet
When you said  you don't meddle with others life
   
  
Napakunot ang noo ko. Totoong sinabi ko 'yon, tapos? Ano'ng gusto nitong sabihin? 'Di ko maintindihan ang tinutumbok 'e.
    
     
Lana Iya Velasco
And? What are you trying to say?
    
     
Lumabas 'yong 'typing' at inintay ko lang kung ano'ng sasabihin nito. Habang wala pa siyang sagot inisip ko muna ulit 'yong sinabi niya. Baka sakaling maintindihan ko na 'yong gusto niyang sabihin.
      
    
Vanlourd Mallet
You don't meddle with others life? But you post a comment about it?
     
      
Comment?

"Ah!" Reaction ko nang maintidihan ko ang gusto niyang sabihin. Ano'ng problema nito sa comment ko? Emoticons lang 'yon, malamang ma-curious 'yong iba pero malamang din na hindi nila maintindihan ang meaning no'n.

Wala namang masama 'e...pero bakit parang nagu-guilty ako? Guilty? Bakit? Ah! Sige na nga! Buburahin ko na nga 'yong comment!

Inexit ko muna 'yong conversation namin at pumunta sa notification ko para mas madali kong mapuntahan 'yong sa comment. Agad kong dinelete hindi 'yong comment ko kundi 'yong mismong comment ni DJ Nel a.k.a. Czam. Para lahat deleted na!

Ayan! 'Pag siya may nasabi pa!

Pinindot ko 'yong chat head sa may gilid at agad akong nag-tap ng reply sa kanya.
     
     
Lana Iya Velasco
Ayan na! Deleted na! Masaya ka na? Okay na? K.
    
    
Subukan mong hindi ka pa masaya n'yan iba-block na kita! Leche ka. Mai-unfriend na talaga mamaya 'yong Czam na 'yon! Pahamak 'e!

Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa 'to sumasagot. Baka talagang hindi na sasagot kasi napansin kong na seen na niya 'yong message ko. Inexit ko na 'yong conversation namin at ni-remove 'yong chat head namin.

Pupuntahan ko na sana ang profile no'ng Czam para i-unfriend ng bigla bigla na lang may tumamang unan sa ulo ko. Inis akong napatingin sa pinanggalingan no'n.

"Ano ba?!" Paangil na sabi ko kay kuya. Bugok talaga 'to! Kahit na sabihing hindi malakas 'yon at more on pabiro pero basta!

Nginitian lang ako nito na para bang nag-aasar. Sira talaga, "Kakain na!" mabilis 'ton naglakad palayo sa'kin.

"Tatawagin lang 'e, hmp!" Naiinis na sumunod na ko rito para kumain.
    
    
*****
       
        
"Talagang walang prof 'yong isa nating subject?" Pinakita ko kay Anne 'yong assessment form ko at tinuro 'yong faculty signature kung saan makikita ang name ng mga professor namin this sem.

"Oo, wala rin sa'kin. Ano'ng subject ba 'yan?" Sagot at tanong sa'kin ni Anne.

Tinignan ko kung ano'ng subject 'yong walang name ng prof, "Intro to research."

"Oo nga pala, may research na tayo," komento ni Shei habang pababa kami ng hagdan. Papunta na kami ngayon sa cashier para magbayad ng tuition, tutal nakuja na naman namin 'yong assessment form namin.

Enrollment ngayon ng juniors kaya nasa school kami.

"Para namang hindi tayo nagbaby thesis no'ng nakaraang sem," si Jade na ang sumagot kay Shei.

Napatango tango ako sa sinabi nito. Tinignan ko ulit 'yong assessment form na hawak ko. "Si Ma'am Gaspar pa rin prof natin sa Assessment 2?" Gulat na tanong ko. Napahinto naman 'yong tatlo sa paglalakad at napatingin sa'kin.

"Ay si Ma'am ulit? Aya...ang baba niya kaya magbigay ng grade," disappointed na sabi nito. Mahina ko 'tong tinulak paabante para maglakad na ulit 'to.

"Ang taas kaya ng expectation niyan sa mga estudyante. Tapos kapag magtuturo sasabihin 'any questions?'  tapos kapag nagtanong ka naman sasabihin 'pinaliwanag ko na 'yan kanina 'e', dagdag naman ni Shei na ginaya pa ang boses ni Ma'am.

Ramdam ko sila. Ramdam sila ng buong section namin!

"Pero 'di ba buntis si Ma'am? Hindi pa ba manganganak 'yon?" Tanong ni Anne.

"Alam ko nga kabuwanan na no'n 'e. Sana kung magli-leave siya, magleave na siya agad," naramdaman ko ang mahinang paghampas ni Jade sa braso.

"Sana nga!" Natawa ako sa sinabi nito. Ang luka, gusto no'ng idea!

Malapit na kamk sa mah cashier ng may bumusina sa may likod namin. Halos sabay sabay kaming napatingi dito at napatabi bigla sa may gilid.

Dire diretso lang dumaan 'yong itim na kotse sa harap namin. Napasimangot ako, "Makabusina, nasa loob ka ng university." Inis na sabi ko, medyo mabilis kasi ang pagpapatakbo nito.
         
         
          
[3rd year: 1st day - 2nd Semester]
    
"Lhia!"

"Inah!" Niyakap ko si Inah nang makalapit na ko rito. "Ah! Namiss kita!"

Niyakap rin ako nito, "Ako rin, ang tagal nating 'di nagkita."

Nilayo ko na 'yong katawan ko sa kanya pero nakaakbay pa rin ang kaliwang braso ko sa kanya. "Kaya nga 'e, ang tagal ng sembreak natin ngayon. Isang buwan ba naman."

Sumang-ayon 'to sa'kin at nagpatuloy lang kaming magkwentuhan. Tapos na ang sembreak at pasukan na ngayon. Nasa hallway kami ng 3rd floor ng Athena building, ang building ng COEd. Sarado pa kasi 'yong room namin, wala pa siguro 'yong may hawak ng mga susi rito. Ilang saglit pa may lumapit sa front door ng room at binuksan 'yon.

Pumasok na kaming section C sa room. Pagpasok naghiwalay na kami ni Inah kasi magkaiba kami ng group of friends. Pumwesto ako sa left row, third lane. Sa may bungad ng lane ako naupo. Nakagawian ko na kasi 'yong pwesto na 'to tuwing dito kami sa room na 'to nagkaklase.

Tahimik lang ako habang inaantay 'yong tatlo. Napatingin ako sa orasan ng phone ko. 8:45 AM. Saktong 9AM pa start ng first subject namin. Kaya siguradong mamaya pa papasok 'yong tatlo. Si Anne malamang mga 5 to 10 minutes bago mag 9AM nandito na. Si Jade at si Shei? Malamang sa malamang late ang dalawang 'yon. Sa grupo kasi namin ako 'yong tinatawag nilang 'early bird'. Lagi kasing on time.

Unti unti nang nagsisidatingan ang mga kaklase ko. Unti unti na ring umiingay sa paligid. Syempre kakatapos lang ng sembreak, maraming baong chika.

May ilan akong kaklaseng binati ako kaya naman nginitian ko rin sila at chinika ng bahagya. Nang tumahimik na ulit, bigla kong naalala na ang subject nga pala namin ngayon ay Introduction to Research. Sino kay prof namin? Ito 'yong subject na walang nakalagay na name ng prof 'e.

Ilang saglit pa dumating na si Anne. Tumabi 'to sa'kin, napansin kong parang tumakbo pa 'to.

"Tumakbo ka 'no?" Bungad ko nang paupo na 'to.

Natawa 'to at nangiti sa'kin. Tumango ito, 'di ko muna dinaldal at hinayaan ko munang bumawi nang hininga niya.

"'Yong dalawa? Late?" Tanong nito nang makabawi na nang hininga.

"Mukha, ewan ko ba sa dalawang 'yon. First day ba naman," komento ko naman. Napansin kong napatingin 'to sa relo niya, "Ano'ng oras na?"

"Malapit na sa 9AM. Mga 8:58AM na," napatango tango ako.

Maya maya pa, dumating na rin si Jade. Tulad ni Anne, mukhang tumakbo rin. Agad 'tong dumiretso na linya namin at tumabi kay Anne.

"Hinga," biro ko rito. Natawa lang 'to tsaka humugot nang malalim na hininga.

"Si Shei?" Tanong nito tsaka lang naupo.

"As usual," si Shei kasi ang strong proof ng Filipino Time sa grupo namin. As in! 'Yong tipong 'pag sinabing 9AM, mga 10 or 11AM na makakarating.

"Ano ba 'yan, late," tinignan ko 'to na parang 'di makapaniwala sa narinig ko.

"Nagsalita," pambabara ko rito.

"Oy, atleast naman naunahan ko prof natin," depensa nito.

"Pero grabe naman 'yong every week, every monday Intro to Research ang first subject natin," biglang pag-iiba ni Anne sa usapan na totoong totoo!

"Sino raw ba prof natin dito?" Nagkibit balikat lang ako sa tanong ni Jade.

"Sana 'wag masyadong strict," hiling ni Anne. May bigla tuloy akong naalala.

"Malay niyo..." sabay pang napatingin sa'kin 'yong dalawa. "...si Czam pala maging teacher natin." Pagbibiro ko.

"Oh my god, ene be," kinikilig na pag-arte ni Jade.

"Mahipan ka sana ng hangin," natatawang sabi ni Anne kay Jade.

"Ang sama mo! Pero mas masama si Czam kasi pa rin inaaccept friend request namin!" Biglang himutok ni Jade. Kulang isang buwan na kasi simula no'ng inadd nila pero hanggang ngayon 'di pa rin sila inaaccept.

Speaking of, hindi ko na inunfriend si Czam tutal naman hindi na nila inabala ni Van. Tsaka para naman kahit papano may update 'tong mga kaibigan ko sa lalaking 'yon.

'Tong mga kaibigan ko na 'to kasi naging fangirl ni DJ Nel kaya ayon.

Napatingin kami sa may front door ng may kumalabog dito.

"Sorry," sabi ng isa naming kaklase na mukhang nadulas kaya tumama ang kamay sa pinto. "Ano nga pala classmates."

"Ano? Ano?" Sagot ng isa ko pang kaklase.

"Nakita ko na kasi 'yong prof natin sa Research, ang sabi niya malelate raw siya ng ilang minuto kasi bigla siyang pinapunta ni Dean sa Dean's office. Pakipasa na lang daw 'yong COR para pirma na lang siya pagdating. Tsaka paprepare na rin daw ng 1/4 sheet." Dire diretsong sabi nito.

"Bakit pinapunta sa Dean's office?" Tanong ng isa kong kaklase.

"Kasi bago yata si Sir kaya pinagreport or winelcome muna sa office."

"Sir? Lalaki? Matanda na?" -classmate 1

"Hindi! Mukha ngang binata pa 'e! Ang gwapo kaya!"

Nagkaingay naman ang buong klase. Hindi niyo kami masisisi, kilala kasi ang section namin bilang all girls section. Literal na all girls ha? Walang nasalit ni isang lalaki o kahit bading.

Kinuha ko muna COR ko sa bag. Inantay ko 'yong sa dalawa tsaka ko pinasa sa harap. 'Yong classmaten naming nag-announce na 'yong kumolekta.

Lumingon ako kila Jade at Anne. "Ayan na guys! Si Czam na 'yan!" Pinupush ko talaga na si Czam 'e.

"Si Czam ba talaga? Malay mo si Ano..." binitin ni Jade ang sasabihin nito.

"Sino?"

"Si Van!" Sabay na sabi pa nila Jade at Anne.

"Weh," 'yon na lang nasabi ko. Dyosme naman! Hindi ko na iniisip ang nilalang na 'yon!

Napatingin ulit ang lahat sa may pinto nang pumasok ang class mayor namin. Tumingin 'to sa kaklase namin na nag-announce kanina.

"Nakuha mo na COR?" Tumango naman 'yong kaklase namin sa class mayor namin. Bumaling ang tingin nito sa'ming lahat. "Announcement! Tahimik lang po," tumahimik naman ang buong klase.

"Nakasalubong ko si Ma'am Cruz kanina, pinapasabi niya na iba na raw ang magiging teacher natin sa Assessment 2," napa-'oohh' kaming lahat. Yes! Sumenyas 'yong class mayor namin na 'wag maingay kaya tumahimik kami.

"Kasi 'di ba buntis si Ma'am Gaspar? 'E kabuwanan na raw no'n ngayon kaya nag-file na ng maternity leave. Hindi nasabi ni Ma'am Cruz kung sino 'yong kapalit pero bagong prof daw."

Madaming naging side comment ang mga kaklase ko. Karamihan natuwa kasi nga ang baba magbigay nang grade 'yon! Hirap hirap ng subject, daming formula tapos ang baba magbigay? O 'di ba?

"Ito pa," nakuha ulit ni Pres 'yong atensyon naming lahat. Pres ang tawag ng karamihan sa kanya kasi nga class mayor/president. "Natawa ko kay Ma'am Cruz no'ng sinasabi niya 'to 'e. Siguradong matutuwa kayo."

"Ano ba 'yon Pres?" Hindi ko napigilang isigaw.

"Lalaki raw kasi 'yong bagong prof. Nasa 22 to 23 years old, single, at gwapo."

Nagkaingay na naman ang buong section.

"Lalaki ba talaga?" Napatingin kami sa isa naming kaklase na nagsalita nang malakas. "Baka naman lalakwe ah."

Nagtawanan ang buong section. 'Pag nasa college of education ka, siguradong lahat ng lalaki pagdududahan mo. Haha.

After no'ng announcement naupo na rin agad si Pres. At after no'ng announcement tsaka lang dumating si Shei. Ano'ng oras na no'ng dumating? 9:20AM. Maswerte siya pinatawag 'yong prof namin.

Sasabihan na sana namin si Shei ng may biglang kumatok sa front door. Natahimik ang buong klase at natingin doon.

"Section C? 3-C, Pre-school major?" Natulala ako sa nakita ko.

"Yes po," sagot no'ng nasa unahan malapit sa pinto.

Ngumiti 'to at tumango tango. Pumasok na 'to nang tuluyan sa loon ng room. Sinundan ko lang 'to ng tingin. Binaba nito ang gamit nito sa professor's table na nasa harapan.

Natahimik ang buong klase. Inikot naman nito ang paningin nito sa buong klase. Hanggang sa huminto 'to sa'kin. Napansin kong nagulat din 'to pero agad din nakabawi.

Ngumiti 'to at nilibot ulit ang paningin sa klase, "Good morning ladies," binalik nito ang tingin sa'kin. "I'll be your professor for this subject."

I'm dead!

Continue Reading

You'll Also Like

16.7M 646K 64
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...
105K 3.4K 41
That ruthless and cold man was her husband. ©SHAANEEPP NOTE: UNDER REVISION EXPECT SOME TYPO'S AND GRAMMATICAL ERRORS.
11K 259 23
What If one day you suddenly find yourself married to someone? Whats worse is when you find out that he's a Mafia Boss? Warning: there's a lot of swe...
908K 29.4K 70
HIGHEST RANKINGS: #1 in teenagegirl #3 in anxiety Maddie Rossi is only 13, and has known nothing but pain and heartbreak her entire life. Only a shel...