The Pristine

By thesuchness

2.6M 56.6K 8.1K

. More

The Pristine
Simula
Ang Pang-Una
Ang Pangalawa
Ang Pangatlo
Ang Pang-Apat
Ang Pang-Lima
Ang Pang-Anim
Ang Pang-Pito
Ang Pang-Walo
Ang Pang-Siyam
Ang Pang-Sampu
Ang Pang-Labing Isa
Ang Pang-Labing Dalawa
Ang Pang-Labing Tatlo
Ang Pang Labing-Apat
Ang Pang-Labing Lima
Ang Pang Labing-Anim
Ang Pang-Labing Pito
Ang Pang-Labing Walo
Ang Pang-Labing Siyam
Ang Pang-Dalawampu
Ang Pang-Dalawampu't Isa
Ang Pang-Dalawampu't Dalawa
Ang Pang-Dalawampu't Tatlo
Ang Pang-Dalawampu't Lima
Ang Pang-Dalawampu't Anim
Ang Pang-Dalawampu't Pito
Ang Pang-Dalawampu't Walo
Ang Pang-Dalawampu't Siyam
Ang Pang-Tatlumpu
Ang Pang-Tatlumpu't Isa
Ang Pang-Tatlumpu't Dalawa
Ang Pang-Tatlumpu't Tatlo
Ang Pang-Tatlumpu't Apat
Ang Pang-Tatlumpu't Lima
Ang Pang-Tatlumpu't Anim
Ang Pang-Tatlumput Pito
Ang Pang Tatlumpu't Walo
Ang Pang-Tatlumpu't Siyam
Ang Pang-Apatnapu
Ang Pang-Apatnapu't Isa
Ang Pang-Apatnapu't Dalawa
Ang PangApatnapu't Tatlo
Ang PangApatnapu't Apat
Ang Pang-Apatnapu't Lima
Ang Pang-Apatnapu't Anim
Ang Pang-Apatnapu't Pito
Ang Pang-Apatnapu't Walo
Ang Pang-Apatnapu't Siyam
Ang Pang-Limampu
Ang Pang-Limampu't Isa
Ang Pang-Limampu't Dalawa
Ang Pang-Limampu't Tatlo
Ang Pang-Limampu't Apat
Ang Pang-Limampu't Lima
Ang Pang-Limampu't Anim
Ang Pang-Limampu't Pito
Ang Pang-Limampu't Walo
Ang Pang-Limampu't Siyam
Ang Pang-Animnapu
Pagtatapos

Ang Pang-Dalawampu't Apat

35.9K 740 156
By thesuchness

Noong hapon ay tumawag si Ate Yllana. Dumating na pala ito galing ng abroad.

"Shopping tayo, ha? I missed you so much, Chrissy!" Sa tinis ng kaniyang boses ay para akong kumain ng cotton candy.

"Miss din kita. See you..." 

Pumayag ako sa kaniyang gusto. Wala rin naman akong masyadong gagawin nitong mga susunod na araw.


Sa school naming puros puno ay mahangin. Napapaigtad ako sa pagkakaupo tuwing sumasablay ang pinanunuod na archers. Si Lucy ang aking kasama na pumasok naman.

"Boyfriend mo ba iyon, Chrissy?" Puno ng pagtataka ang mukha nito habang kumakain ng chichirya.

"Boss ko siya. Ano ka ba?" inis kong sagot dito.

"Ahhh. Akala ko may pamalit ka na kay Jerard. Ayaw mo kay Eamonn, kaya nag-assume na akong gusto mo ng older guys." 


Nalaglag ang panga ko kay Lucy. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kaniya kung hindi pa siya tatahimik. 

Anong ibig sabihin niyang gusto ko ng mas matanda sa akin? Damn it!

"Pumunta ka bukas sa banda. Atsaka sa open jam." Sinisiko ako ni Lucy habang pauwi na kami. 

Hindi ako makakasiguro roon. Hindi naman kasi ako talaga pumupunta sa mga event ng school. Ang tingin ko rito ay sayang pamasahe. Isa pa, pupunta roon si Jerard. Baka kung ano pa ang makita ko.


Pagkarating sa apartment ay nagbihis na ako para sa shift. Tinitimbang ko sa aking isip kung bakit ba nagkaganoon si Sir Ram kahapon. Ang mas matimbay ay ang realisasyon niyang isa lang naman akong employee. Isang mahirap at immature na employee.

"Ang sungit nanaman ni Sir Ram. Ina-ano mo nanaman?" Siniko ako kaagad ni Mirna pagdating ng bistro.

Umiling ako sa kaniya. Iniiwasan ko ang tanong nito dahil wala naman akong ginagawa. Ako nga ang iniwan!

"Hindi ko alam kung anong mayroon sa inyong dalawa, Chrissy. Pero sinasabi ko sa'yo..." Sumingkit ang mga mata nito sa akin bilang babala. Tinampal nito ang aking pwet bago siya umalis.

"Aray ko, ha!" sigaw ko sa likod nito.


Wala namang namamagitan sa amin ni Sir Ram. Siya na ang nagsabi, at siya na rin ang nagtaboy. Ilang beses na niya akong pinapaalis ngunit bakit ba hindi matatak iyon sa aking utak? Panay pa rin ang aking sulong.


Nagtrabaho ako ng husto. Hindi ko na namalayan ang oras. Nang tingnan ko iyon ay eleven p.m. na pala. Narinig ko kaagad ang pamilyar na pagkalabog ng screen sa second floor.

Habang pababa si Sir Ram sa mga baitang ay tinitingala ko ito. Nang salubungin niya ang aking tingin ay may kung anong nagkalas sa aking sistema.


Ngayong pababa siya ay pinagmumukha nanaman niyang runway ang mga hagdan. Naka long-sleeves at jeans nanaman ito ngunit tila nagugulat pa rin ako tuwing makikita. Ang depina nitong panga at matangos na ilong ay nagbibigay highlight sa kaniyang makakapal na kilay. Magkadikit nanaman ito. 

Ang tingin ng maraming babae ay isa siyang lalaking tutuparin ang lahat ng kanilang mga pangarap, bibilhin ang kanilang mga gusto at nanghahalik sa noo. Ngunit hindi ganoon ang takbo ng kaniyang makina. Kung ano siya sa labas, malamig at matigas, ganoon din sa loob.


"But we know this. We got a love that is homeless. Why can't it be like that? 'Cause I'm yours..." malamyos ang boses ng solo piano ngayong gabi.


Habang naglalakad sa aking harapan ay nakasulyap pa rin ito sa akin. Para akong insektong nadawit sa liwanag. Naputol lamang iyon nang dumiretso na siyang kitchen.

Dumaan ang iilang minutos. Inaabangan ko ang pag-akyat muli ni Sir Ram ngunit hindi na ito dumating. Siguro ay naiirita ito dahil hindi niya ako kayang tingnan. Na-realize na niya siguro na ang halikan ang isang niyang employee ay mali.


Namura ko na ang sarili dahil hindi naman iyon maapektuhan ng dahil sa akin. Ang taas lang ng tingin mo sa sarili, Chrissy!

Kinailangan kong magtungong kitchen dahil sa mga naipong tray. Habang kausap sina Kurt doon ay lumulutang ang aking pag-iisip. Nang mapunta ako malapit sa exit ay nahagip ng aking mga mata si Sir Ram.


Dinadala ng malamig na hangin ang mga usok ng kaniyang sigarilyo patungo sa akin. Tumapang ang aking mukha sa anghang ng usok.

Pinanuod ko ito habang naninigarilyo at nakatanaw sa pool. Mababa ang mga bituin na para bang gusto siyang abutin. Iisipin kong may kapayapaan siya sa sarili ngunit nahihilo ako sa dami ng emosyon sa kaniyang nakasingkit na mga mata.


"Get back inside, Chrissy..." Lumalim ang tono ng kaniyang boses sa malamig na gabi.


Napalunok ako nang lingunin ako ng matangkad niyang pigura. Kanina pa ba niya alam na nanunuod ako?

Tumaas ang kaiyang kilay nang hindi ko ito kibuin. Kumagat pa lalo ang liwanag ng buwan sa mukha ni Sir Ram.


"Bakit mo ako iniwan kanina?" inosente kong tanong.


Wala naman akong balak na mamilit. Kung ayaw niyang sabihin ay ayos lang. Para sa isang katulad niyang makapangyarihang lalaki ay iilang bagay lamang ang pwedeng makapagpaapekto sa kaniya. 

Malaking bagay siguro iyon kaya stressed siyang naninigarilyo. 


Matagal ako nitong pinakatitigan.

"I'm stuck, and downright trapped. That's why." Nag-iwas ito ng tingin at muling humithit.

Napaubo ako nang ako ang makatanggap ng usok. Kumunot ang noo ni Sir Ram atsaka lumayo ng kaunti.


Saang bagay naman kaya siya naiipit? Hindi ba kaya ng kaniyang diskarte at pera na makawala? Hindi ba't iyon ang silbi ng pera? Ang maging solusyon sa lahat ng bagay, lalo na ang pagtakas?


Tumango na lamang ako rito at hindi na siya tinanong pa. Pasulyap-sulyap lamang ito sa akin habang siya'y pinanunuod ko. Mukhang hindi naman na niya ako uutusang pumasok sa loob.

"Sana kung lalayo ka rin lang, huwag ka nang lumapit," mahina kong sabi habang inaalala ang kanina.

"Hindi ako ang lumalapit..."


Nang wala akong maisagot pabalik ay kinagat ko ang loob ng pisngi. Tama naman siya. Dahil iyon sa aking pakay na alam kong gagana.

Mariin ako nitong tiningnan. Bumaba ang kaniyang tingin sa aking mga labi ay napaatras ako.


"I don't chase, Chrissy. If that's what you want to hear, then I don't really chase. Stop confusing me too much, honey..." Pumikit itong mariin at nagpakawala ng sunod-sunod na mura.


Gusto kong umatras pa. Hindi ko makaya ang napakalakas na kalabog ng aking dibdib, at ang nagkakamahog nilang pagtibok. Hindi ako makahinga. Habang pinagmamasdan na nahihirapan si Sir Ram ay ayaw ko nang huminga pa.


"Hindi ka malilito sa akin dahil diretsong daan lang ang gusto ko. Hindi katulad mo na umaatras-abante..." Kinagat ko ang pang-ibabang labi.

"Kapag ikaw na ang hinahabol ko ay matakot ka. Dahil kapag humabol na ako, hindi ko na kayang pigilan. Hindi ako tumitigil at kahit nakuha na ng iba ay aagawin ko pa rin." Sa kaniyang matalim na titig ay nagawa nitong ngumisi. 


Nanuyo ang aking lalamunan. Ngayong ako ang pinagmamasdan ni Sir Ram ay ramdam ko ang umaatikabong init sa aking balat tuwing dadampian niya ng tingin. Ang aking saradong kamao ay nanlalamig sa kaba.


"Damn girl,  you're such a poison to me..." Nag-iwas ito ng tingin at tuluyan na akong tinalikuran.


Pumihit na ako patungo sa loob. Kumakabog pa rin ang aking dibdib. Hindi ko iyon mapigilan at nangingig ang aking mga kamay habang nagtatrabaho.


Nang kinagabihan ay hindi ako makatulog. Paulit-ulit sa akin ang tungkol sa nangyari kanina. Napapikit na lamang ako ng mariin.

Totoo man o hindi ay alam kong simpatya lamang iyon para sa akin. Simula pa noong nakilala niya ako sa aksidente. Minsan lang mapalapit ang isang tulad niyang mayaman, sa isang mahirap. Iyon ay buo at solidong simpatya na hindi na dapat kalituhan pa. 

Dahil ang totoo naman nito, siya ang aking kandidato para protektahan ang sarili ko sa mga sakit na naidulot ni Jerard. Isang rebound, na alam kong hindi ako papatulan, kaya mas magiging mas madali para sa akin.

Iyon ang katotohanan.


Kinabukasan ay nagbago ang aking isip sa pagpunta ng mini concert. Dahil ayaw akong pumunta ng bistro (sa unang pagkakataon!) ay pumayag ako kay Lucy.

Dumaan akong saglit ng bistro para magpalaam kay Mirna. 

"Oh, ipinabibigay ni Sir Ram. Ano nanaman ito?" Hinampas kaagad ako ni Mirna sa dibdib gamit ang bouquet na hawak.

Kinurot-kurot ko ang palad habang pinagmamasdan ang mga bulaklak. Naka cover ng light pink ang mga pulang-pulang rosas na mahigit kumulang singkwenta. Napabuga ako ng hangin sa bibig.

Red roses!

"Ginagawa ka bang bulag ng bokalista na iyon kaya hini mo na alam ang flowers?" Sinimangutan ko si Mirna. Kinurot nito ang aking tagiliran.

"Maraming pwedeng landiin pero hindi lahat, gusto lang ay landian! Ang tanga mo naman, Chrissy!" pabulong nitong bulyaw.


Ang ibig sabihin ba niya ay isang seryosong lalaki si Sir Ram? Tsk, hindi naman iyan ganoon. Isa siyang ultimate playboy na alam kong hindi magtatagal dito sa bistro. Iiwan din niya kami.

Sa pala-isipang iyon ay naubusan ako ng hininga. Hindi ako makagalaw nang makita ang future na ganoon.

Iniwan ko kay Mirna ang bouquet para balikan na lang bukas. Tumungo akong kitchen para magpaalam kay Colofer ngunit naroon si Sir Ram nang aking abutan.


Natahimik ang crew nang lingunin ako ni Sir Ram. Ang kausap na si Colofer ay hindi na nito pinansin.

"Where are you going?" Kumunot kaagad ang noo nito nang magpaalam ako.

"May event kami sa school. Uhmm, babalik din ako...sir." Nag-tap ang aking mga daliri sa jeans. 

Namumuo ang malamig na pawis sa aking noo dahil sa malamig na tingin ni Sir Ram, at sa buong kitchen na tutok sa amin.

"Anong oras ka babalik?"

"H-Hindi na. Baka matagalan..."

Nanatiling kunot-noo si Sir Ram sa akin. Ang mga alon sa nanlulunod nitong mga mata ay halos hindi na ako pahingahin. Naninikip nanaman ang aking dibdib. 


"Fine. Enjoy..." Nag-iwas ito ng tingin sa akin.


Gusto kong tumalon sa saya. Kakaiba iyong pakiramdam na payagan niya ako sa unang pagkakataon!

Noong kakaunti na lamang ang nang-uusisang crew ay bumulong ako kay Sir Ram. Naamoy ko nanaman ang manghang nitong pabango kaya medyo umatras ako.


"Thank you sa flowers..." maingat kong sabi rito.

At take note, totoong flowers na, na galing sa kaniya. At hindi kay Joel.

Tumikhim ito at namulsa sa kaniyang jeans. Nag-flex ang muscles sa kaniyang braso. Pilit kong inalis ang focus doon dahil hinahabol ng mga mata ni Sir Ram ang aking tingin.

"You're welcome. Text Mirna when you get there..." Habang busy siya sa isang plating ay patuloy pa rin ang pagsagot sa akin. Tumaas ang isang sulok ng kaniyang labi.


Naging doon na ang sentro ng aking focus, at hindi na sa mga ugat na sumisilip sa braso nito.

"Hindi pwedeng ikaw ang i-text ko?" Napanguso ako rito.

"No, Chrissy..."

"Bakit?" Pinigilan ko ang pagtaas ng boses. Umigting ang panga ni Sir Ram habang nag-aayos ng plating. Pilit nitong kinokontrol ang boses dahil nasa loob kami ng kitchen.

"Just a no..."

"Kasi may girlfriend ka at baka makita niya--"

"Wala akong girlfriend, alright?" Inirapan ako nito. Nang manahimik ako ay bumuntong hininga naman siya.


"Do you want me to sweet talk you right now? Do you want to go upstairs and maybe, stay there for a while? I can do that...I can be persuasive..." Lumalim at naging malambing ang kaniyang boses. Pasulyap-sulyap ito sa akin habang may ginagawa.


Sinalubong ko ang maintinding init sa aking tiyan. Ang init na iyon ay humahawi sa iba't ibang parte ng aking katawan na sinusulyapan ni Sir Ram. Pinilig ko ang ulo para mabalik sa huwisyo.

"A-aalis na ako..." Napanguso ako rito. Hinintay ko na lamang ang kaniyang tango atsaka lumayas.


Maingay at marami na kaagad tao sa bungad pa lamang ng university. Bukas lahat ng Christmas lights, maging sa mga puno at sa lagoon. Makulay ang university. Parang hindi ang impyerno. Ang daming tao at mga ilaw.

"Bahala kayo kapag hindi kayo gum-raduate!" Ngumisi si Lucy sa mga kakilala naming nagpapa-picture sa statue ng university.

Sa open field ay nakapalibot ang kung anu-anong mga booths, stalls, etc. Maraming tindahan ng kung anu-ano na siyang pinupuntahan ng mga tao.

Nakakulong kaming dalawa ni Lucy sa bilog ng tao sa oval. Sabay-sabay ang pagputok ng fireworks at lagablab ang trap music na sinasabayan ng dubstep bilang paunang tugtog.


Humiyaw kaming dalawa ni Lucy at nagsayaw kasabay ng mga taong hindi kilala. Para akong lumulutang sa gitna ng alon ng tao, sa ibaba ng maliwanag na buwan at bituin, sa iba't ibang mga ilaw!

Naka-ilang kanta kami bago nagpasyahang mamahinga at kumain naman sa mga stalls. Pagod na pagod akong umupo.


"Kung hindi ka nagpunta, anong nangyari sa'yo?" halakhak ni Lucy.

Maya-maya ay nagyaya naman ito sa university pool dahil dumating na ang firetruck. May wet party na nagaganap doon ngayon na hindi naman kalayuan sa open field.

"Start na ang open jam, Lucy..." Dinuro ko ang DJ na tumungo nang mixer.

Mabuti na lang ay may dala akong jacket. Nilalamig ako ngayon dahil nagwisik ng tubig kanina ang firetruck. Lumipat kami ni Lucy sa grandstand. Naririnig ko pa rin ang dagundong ng bass mula sa university pool. Walang guard doon kaya may free booze. 

Napailing ako. Nakinig na lamang ako sa mga sumubok na tumugtog pagkatapos ng banda. Ang ilan ay nagkakahiyaan. Ang iba ay kahit solo ay ang lamig at ang sarap ng kuryente ng boses.


"Minsan di ko maiwasang isipin ka. Lalo na sa t'wing nag iisa. Ano na kayang balita sayo..."


Para akong kinukuryente habang nakadukdok sa aking mga hita nang marinig ang unang strum pa lang ng gitara. Tumaas ang mga balahibo ko.

Hindi ko makikita kung sino ang kumakanta dahil sa dami ng tao. Hindi man magaling at medyo natatawa ay nanlamig akong lalo. Umayos ako ng upo at tiningala ang mga bituin.


 "Ipipikit ko ang aking mata dahil nais ka lamang mahagkan. Nais ka lamang masilayan. Kahit alam kong tapos na..."


Napupuno ng tudyo ang kumakanta. Nakikita ko na ang singkit nitong mga matang mas lalo pang sumisingkit dahil natutuwa sa nangyayari. Buo na sa utak ko ang labi nitong manipis na nababanat.

Mali man ang ilang tono ng ay napapangiti ako. Hindi na dapat ako nangingiti. Pero ngayong gabi ay hinayaan ko ang aking sarili. Pinikit ko ang mga mata habang napupuno ng sakit ang aking puso.


Sobrang unfair ng buhay. Hindi ito patas na pati sarili mo ay kailangan mong kalabanin. Hindi pa pala nagtatapos ang laban sa mga taong nakakasalamuha, dahil ang totoong laban ay nasa sarili natin.

Natapos ang kanta ni Jerard. Kating-kati ang aking mga kamay sa railings. Gusto kong tumakbo at bumaba para sabihing sana ay hindi na lang nangyari ang mga nangyari. Ngunit pinigilan ko ang sarili.


Hindi ko na alam kung ilang oras ang aming itanagal sa pananayaw sa wet party. Nakailang shots na rin ako para maibsan ang paulit-ulit na maling strum ng gitara ni Jerard.

Habang pauwi ay sarado ang aking mga mata. Hindi ko na alam kung kaninong kotse ang aming nasakyan pauwi. Hilong-hilo ako at pawis na pawis.


"Chrissy, andito ka na...huy..." boses iyon ni Lucy, at may tumatapik na rin sa aking pisngi.

"Alexia, salamat sa paghatid..." Kumaway ako kahit nasa loob pa ako ng kotse.

"Hinay-hinay lang kasi, Chrissy..." ngisi nito sa lasing kong pigura.


Hindi naipasok ang kotse sa subdivision dahil sarado na ang malaking gate nito. Tanaw ko na rin naman ang signage ng bistro kaya ayos lang. Kumaway ulit ako sa kotse nang bumusina ito bago umalis.

Lugo-lugo akong naglakad. Natalisod ako sa humps at minura ito. Hindi ko alam ay tumutulo na ang aking mga luha. 


Bakit ba kailangan pang lumuha ng isang tao? Na para bang hindi pa sapat ang saksak sa dibdib at mga salitang natatamo? Bakit kailangang painitin pa ang mga mata habang umaalala?

Napakalasing ko na nga siguro dahil ayaw nang tumigil ang pag-agos ng aking mga luha. Sobrang sikip ng aking dibdib kahit na hindi ko naman maalala kung bakit ako umiiyak. Ang tanging alam ko lamang bukod sa pumipintig kong ulo ay ang malamig na boses kanina.


Sa bistro ang naging diretso ko at hindi sa aking apartment. Hindi ko na rin kinaya dahil malayo pa ang bahay ko.

Papasara na ang bistro. Wala si Janina sa reception. Ang ilang mga bangko ay nakataas na rin sa lamesa. Nakita ko si Ivan na nagmo-mop habang si Japeth ay kausap si Mirna.

"Mirna! Tara, uwi na tayo." Nagpunta ako sa kanilang pwesto ay humilig sa counter.

"Oh, Chrissy! Kanina ka pa ba d'yan?"

"Huy!"

"Umiiyak si Chrissy..." puna ni Japeth sa gilid.


Napakurap ako at pinunasan ang mga luha sa aking pisngi. Nagmumura si Mirna habang iniinspekto ang aking mukha. Iginala ko ang umiikot na tingin sa bistro.

Dumako ang tingin ko sa isa pang lamesa sa gilid. Iyon na lamang ang tanging okupado. Napaawang ang aking bibig sa dalawang bultong naroon. 

Magkasalikop ang kanilang mga kamay. Sumingkit ang mga mata para makita ang iniinom nilang casual beer. Tila ba nabuhay ang lahat-lahat sa akin.


"Sino 'yung babaeng 'yon?" Kahit na hillong-hilo ay pinilit kong tumayo ng maayos. 


Nilingon ni Mirna si Sir Ram at ang kaniyang kainuman. Dumadaloy pa rin ang mga luha ko habang humahakbang patungo roon. Kinagat ko ang pang-ibabang labi.

May flowers pa siyang nalalaman! Hindi pa ba sapat na nasaktan na ako kanina? Ngayon ay may babae na siya...siguro ay girlfriend!

"Chrissy! Umuwi na tayo!" Huli na si Mirna at Japeth na humahabol sa akin. 

Nilingon ako ni Sir Ram at kaagad na kumunot ang noo. Mula ulo hanggang paa ang pagtitig niya sa aking hindi stable na pagtayo. Namumuo ang pait sa aking dibdib.


"What the hell, Chrissy? Are you freaking drunk? Mirna!" Lumagabog kaagad ang kaniyang boses sa buong bistro. Hindi ako sinalubong ng takot dahil inirapan ko ang babae niyang kaharap.

Maputi. Maganda. May bangs iyon at medyo maikli ang suot pero may dating. Hindi 'yung katulad ng entertainer at si Jamel. Ito ang may hangin. Malinis tingnan at naiirita akong lalo.

Mabilis na tumayo si Sir Ram para alalayan ako. Pilit kong inalis iyon dahil nangangati ang aking balat! 

"Kinain mo rin lang ang sinabi mo kanina, huh? Sinungaling!" matigas kong angil dito. Hindi ko na halos makita ang paligid dahil sa kalasingan.

"Let's get you home! Sinundo na dapat kita kanina." Panay ang kaniyang mura habang inaalalayan pa rin ako.


"Ram?" biglaang tawag ng babae niya.


Hindi ko na kinaya. Napundi na ako sa pagpipigil dahil sa babaeng iyan! 

Doon ay pumikit akong mariin at pinilit kong tumayo ng maayos. Umiling ako kay Sir Ram. Kinunutan ko ng noo ang babaeng iyan at kinwelyuhan si Sir Ram. "Akin ito." 







Continue Reading

You'll Also Like

Persevered Hearts By K.

General Fiction

1.6M 33.9K 72
Victoria "Tori" Fontanilla used to be Rath's everything. Seven years ago, she left without saying a word. Seven years had changed Tori, but Rath did...
53.8K 1K 49
An Arcella Series Castalia Nazrene Monteniel Or shall we call her, Nazie or Naz. She is perceived to be immature, nagger and with no hopes. Her bad r...
1M 28.6K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
627K 11.7K 53
Para kay Mary Lorraine Samonte, sapat na sa kanya ang makita at masilayan ang ngiti ng kanyang crush na si Lawrence Fontanilla. Maliban sa wala naman...