I hate her because I love her...

By SerialBruh

324K 6.7K 794

What do you do when the one person you want comfort from the most is the one who caused your pain? How can I... More

I Hate Her Because I Love Her- PROLOGUE
Chapter 1: Who the hell is Dennise?!
Chapter 2: About Denden
Chapter 3: MEGAPHONE
Chapter 4 : She's Dating Denden Lazaro
Chapter 5 : GiRLFRiEND?!
Chapter 6: I CAN'T STAND HER!
Chapter 7: Jealous?
Chapter 8: FLATscreen
Chapter 9 : Date?
Chapter 10 : I'll help you..
Chapter 11 : Kiss
Chapter 12: Babyly & Babyden
Chapter 13: Maybe
Chapter 14: TSS
Chapter 15: Run away
Chapter 16: Placard
Chapter 17: Wanna Play?
Chapter 18: We Broke Up
Chapter 19: Necklace
Chapter 20: I like this girl
Chapter 21: I hate you
Chapter 22: Rain
Chapter 23: Liar
Chapter 24: First
Chapter 25: Changed
Chapter 26: With her
Chapter 27: Welcome home
Chapter 28: Happiness
Chapter 30: Something Wrong
Chapter 31: Slowly breaking
Chapter 32: Fragile
Chapter 33: Letting go
Chapter 34: Christmas fair
Chapter 35: Pain
Chapter 36: Still
Chapter 37: Too Painful
Chapter 38: Connected
Chapter 39: Don't go
Chapter 40: What should I do?
Chapter 41: Confuse
Chapter 42: Friendzoned
Chapter 43: I need YOU
Chapter 44: Again..
Chapter 45: She's suffering
Chapter 46: Love is Sacrifice
Chapter 47: Truth
Chapter 48: She knows
Chapter 49: Birthday gift
Chapter 50: Please..
Last Chapter
AUTHOR'S UPDATE

Chapter 29: Jealous

4.6K 115 9
By SerialBruh

Chapter 29: Jealous

DENDEN'S POV

"Huy gising na! Magseseven na, kelangan mopang umuwi para magready sa school."

Naramdaman ko yung paghampas sakin ni Aly sa may braso. Mygosh. Parang kakatulog ko lang tapos kelangan ko ng gumising? Joke ba to?

"HEY! It's already 7! I've been nudging you for 5 minutes already!" Sabi ni Aly pagkatapos niya ako bigyan ng malakas na hampas.

Dinilat ko na yung mga mata ko tapos nakita ko si Aly nakaupo sa tabi ko.

"Kiss muna." Demand ko.

"UMUWI KANA! MAY PASOK PA TAYO!" Biglang bumukas yung pintuan ng kwarto ni Aly

"What's happening?! What happened? Why did you shout?"

Napatingin kaming dalawa kay Nicko, halatang nag aalala siya dahil kitang kita sa mukha niya.

"Nothing. I was just trying to wake her up."

"Tsk. Stop shouting! I told you not to stress yourself! Denden, don't make her shout. She's-- I mean it's irritating. Get ready na for school." Lumabas si Nicko at sinarado yung pinto.

Nginitian ko si Aly, medyo nagsmile din siya. Siguro good mood siya.

Tumayo nako tapos niyakap si Aly,"Oh wag ka daw sisigaw."

Niyakap niya din ako,"Sorry.. ayoko lang kasing malate ka. Pero wala eh, malelate ka parin kahit anong mangyari. Sige na, umuwi kana, wag kana kumain ng breakfast sa inyo, okay? Ipagluluto kita!"

"Sige, basta siguraduhin mo lang na hindi sasakit tiyan ko ah? Uwi nako." Kiniss ko siya sa noo niya tapos lumabas na ng kwarto niya.

Nagjogging ako pauwi ng bahay para exercise narin, hassle nakalimutan kong may training kami. Anong oras narin kasi ako nakatulog. Hassle talaga!

Pagdating ko sa bahay dumiretso nako sa banyo para maligo. Nakapagbihis nako at lahat lahat syempre late na late nako. 8 nag istart yung class 8:45 am na.

Nagmadali na akong maglakad dahil alam ko pagdating ko sa school hahampasin ako ni Aly. Nakakainis pa dun, 4th floor kami! Bago ako makarating dun, malamang nakapagstart na sila ng 2nd period.

Gaya nga ng sabi ko nagstart na nga ang 2nd period. Pagpasok ko iba yung teacher namin, si Aly napansin kong umiling.

"You're late Ms. Lazaro. What have you been doing all night?"

"Nakipagbahay-bahayan sa my love niya!"

Nagtawanan buong klase sa sinabi ni Bang,"Is that true?! You're with Myco all night? Kayo pa pala." napatingin ako kay Aly, yung itsura niya parang nagtataka."I thought you two broke up.. glad to hear that you and Mr.Antonio are still together. Ilang years na nga ba ulit kayo? 4 o 5?" Tuloy tuloy na sabi nung teacher namin.

Nagbulungan yung mga kaklase ko. Si Aly iniwasan ako ng tingin. Holy shit, galit nanaman to. Ang daldal kasi nitong teacher nato eh! Ang sarap sampalin!

"Sir matagal na silang wala. May iba napong mahal si Denden. Si Alyssa Valdez po, ayun siya sa likod." Tinuro ni Mika si Aly.

THANK YOU MIKA!

Napatingin si Mr.Sanchez kay Aly,"Ay ganun ba? Sorry.. hehe! Tumatanda na talaga ako. Hindi nako updated sa mga balita. Let's move on. Denden umupo kana."

Naglakad ako papunta sa upuan ko at umupo na. Tinignan ko si Aly pero hindi siya lumilingon sakin. Alam ko naman na wala lang yun sakanya eh, pero hindi ko lang alam kung bakit naapektuhan siya ngayon.

Minsan hindi ko rin maintindihan to si Aly, pag tinatanong ko siya kung okay lang ba siya sasabihin niya okay lang pero hindi naman siya okay. Minsan ang haba ng pasensya niya, pero minsan biglang pumipitik.

Pero hindi ibig sabihin na naaasar ako o umaayaw na ako. Nakakapagtaka lang yung pagbabago niya. Kahit kelan PMS siya, yun nalang ata hindi nagbabago sa sistema niya eh.

Buong period hindi niya ako kinakausap, kahit isang tingin hindi niya ginawa. Ilang beses kong sinubukang magpacute sakanya pero hindi umeepekto! Amp. Ano ba kasi ginawa kong mali? Hindi naman ako yung nagbanggit nun eh! Bakit ako kailangan magsacrifice ng ganito?

Break time namin, tumayo si Aly tapos lumabas ng classroom. Gutom na gutom nako! Sabi kasi ni Aly wag daw akong kumain sa bahay, ipagluluto niya daw ako kaya eto hindi nga ako kumain. Pero sa sitwasyon namin ngayon, malaki ang posibilidad na hindi niya ako pansinin hanggang uwian.

"Eto na yung pagkain mo." Nilapag niya yung tupperware sa may armchair ko tapos naglakad na siya palabas ng classroom.

Binitbit ko yung tupperware tapos sinundan si Aly. Naglalakad siya ng mabagal habang nakayuko.

"Aly."

Napahinto siya tapos lumingon sakin,"Bakit?"

"Samahan mo akong kumain."

Lumapit siya sakin tapos naglakad na kami pabalik sa classroom. Magkatabi kaming nakaupo sa may tabi ng bintana. Halatang ayaw niya parin akong tignan.

"Wag mo ng pansinin yung kanina. Teacher kasi namin yun nung 1st  year kaya alam niya. Siguro hindi niya nabalitaan na wala na kami ni Myco at ikaw na yung--"

"Okay lang. Sanay narin naman ako eh." Sabi niya habang nakatingin parin sa may bintana.

"Kanina mopa ako hindi tinitignan.. nalulungkot nako. Feeling ko ako yung may kasalanan eh. Sorry na.. tignan mo naman ako kahit isang beses lang."

Hindi parin siya lumingon sakin,"Tinignan na kita kanina."

Hinawakan ko yung kamay niya pero bumitaw rin siya agad. Hindi ko na pinilit na tignan niya ako, alam kong hindi ko siya mapipilit. Ayan si Aly, matigas ulo.

Sinubukan kong makipag usap sakanya, oo sumasagot siya sa mga tanong ko pero isang tanong isang sagot lang talaga. Ayaw niya makipagconverse ng maayos.

Biglang tumayo si Aly at tumakbo palabas ng room, sinundan ko siya pero paglabas ko di ko na siya makita.

Ang turo sakin ng mga taong nakakita sa CR daw siya pumunta. Kaya pinuntahan ko siya. Alam kong may tinatago siya sakin, nararamdaman ko yun..

Iniiwasan niyang sagutin nung tinanong ko siya kahapon. Ngayon gusto ko siyang pilitin para lang sabihin sakin yung tinatago niya! Ano ba yun? Big secret ba talaga? Hindi niya ba talaga ako pinagkakatiwalaan?

Pagpasok ko ng CR ilang segundo lang lumabas narin siya ng cubicle. Mukhang nagulat siya dahil medyo nanlaki yung mata niya.

"Wala ka naman kinain pero nagsuka ka.. may masakit ba? Ano ba kasi yung sakit mo?"

Diretsuhan kong tanong. Tumalikod siya sakin tapos lumabas ng CR. Sinundan ko siya.

"Wala. Bakit mo naman nasabing may sakit ako? Dahil sa nagsusuka ako?"

Hindi ko pupwedeng palampasin to. Kailangan ko malaman yun totoo.

"Napapadalas eh. Kung wala kang sakit edi buntis ka nga?! Sabihin mo na kasi!" hinawakan ko yung kamay niya para huminto siya sa paglalakad."Ayokong makipaglaro ng hulaan! Alam mo namang mainipin akong tao eh! Sabi mo rin ayaw mo ng secrets, eh ano to?! Sabihin mona yung totoo!"

Hinila niya yung kamay niya kaya napabitaw ako sa paghawak,"Oo may sakit ako. Under observation pako. Okay naba?" Tumalikod na siya tapos naglakad na papasok sa room.

Under observation..? Ibig sabihin hindi pa grabe yung sakit niya? Inoobserbahan palang pag ganun diba? Alam ko ganun yun eh.. ganun nga ba? Bakit.. kelangan niyang itago pa sakin yun? Diba nga dapat ipapaalam niya sakin para suportahan ko siya? Akala niya ba iiwan ko siya pag nalaman kong may sakit siya? Ganun ba kababaw tingin niya sakin? Wala ba siyang tiwala sa pagmamahal ko sakanya? Nakakasama ng loob ah..

Pumasok ako sa loob ng room, pagkaupo ko hindi na kami nagpansinan ni Aly.

Lunch time kasama niya si Rex, sila Bang naman nagtatanong kung may problema daw ba kami. Syempre sabi ko wala. Wala naman eh, masama lang yung loob ko kasi bakit kailangan niya pang itago sakin yung sakit niya. Wala akong alam kung anong klaseng sakit ba yun.. hindi ko alam kung dapat ba talaga akong magpanic dahil may sakit siya. Pero ewan.. ang gulo.

Last subject na, tumayo si Aly tapos tumabi kay Ella kasi wala pa yung teacher namin. Nag usap sila tungkol kay Rex dahil sa kalagayan ng lola niya, narinig ko rin pinag uusapan nila yung tungkol sa pagcocollege.

"Alam mo naba kukunin mong course? San ka magcocollege?"

"Yep, sa ADMU ako. Ikaw?"

So sa ADMU parin pala siya. Sa college nitong school namin. Malapit na yung entrance exam dun, siguro nagreready na siya para sa exam. Ako hindi ko alam, volleyball nalang pag asa ko dun.

Napapalakpak si Ella,"Sa ADMU rin! Si Mika rin ata dun plano mag aral eh."

Nagstart na yung last subject, Filipino. Ganun parin kami, hindi nagpapansinan. Ayoko na muna siyang kausapin, kanina ko pa sinusubukan makipag usap pero ayaw niya. Masama loob ko kasi ngayon niya lang sinabing may sakit siya, nakakainis! UNDER OBSERVATION PA HA! Tss. Nakakatampo!

Tapos na yung Filipino class, lumabas ako papuntang locker para ilagay yung mga libro ko.

Tumawag ako sa boss ko para sabihin na mga 7pm nako makakapasok. Tinanong niya kung si Aly makakapasok ng maaga, hindi ko alam ang isasagot ko. Sabi ko nalang na tatawagan ko siya pag papasok si Aly. Yun ay kung malalaman kopa.

Sa may center stairs ako bumaba dahil alam ko na sa side stairs bababa si Aly.

"Sis!" Lumingon ako sa likod ko at nakita si Gretch at Bang tumatakbo papalapit sakin,"Bakit mo kami iniwan! Sabi ko sayo kanina sabay na tayong pumunta ng gym ni Bang eh. Nagmamadali ka ah."

"Sorry. Hahaha! Nawala sa isip ko!"

"Tara na! Baka inaantay na nila tayo."

Kumapit sa braso namin si Bang tapos naglakad na kami papuntang gym.

Pagdating namin sa gym nagpalit kaagad kami ng damit. Buti nalang at may mga extra akong damit sa locker ko kundi uuwi pa ako ng di oras para lang kumuha ng damit.

"Denden, may naghahanap sayo sa labas." sabi sakin ni Amy, teammate ko.

"Sige salamat." Nagslight nod ako sakanya tapos lumabas na ako ng locker room.

Paglabas ko nakita ko si Aly nakasandal sa wall, nakayuko. Nilapitan ko siya tapos napatingin siya sakin. Ngumiti siya ng pilit pero yumuko ulit siya.

"May kailangan kaba?"

Napatingin siya bigla sakin,"Ah.. wala naman.."tapos nagsmile,"Sige, mauna nako.. mukhang busy ka eh."

Tumalikod na siya tapos nagmadaling maglakad.

"Alyssa!" Tumakbo ako palapit sakanya, hinwakan ko wrist niya para pigilan siya,"Hindi ka naman pupunta dito kung hindi importante sasabihin mo diba? Hindi pa naman kami nagsisimula eh.." Napatingin si Aly sa likod ko, pati ako napatingin din. Nakita ko yung teammates ko lumalabas na ng locker room, ibig sabihin magsisimula na yung training."Tara dito tayo mag usap." Hinila ko siya papasok sa may gym room. Umupo ako sa may bangko, siya sumandal ulit sa may wall."Game."

"Sa totoo lang ulcer lang yung sakit ko. Wala ka naman talagang dapat ikatakot eh. Saka.." nagsmile siya,"Sorry.. tinopak ako eh.." tapos napayuko siya. Inaantay kong tapusin niya yung sasabihin niya, pero ang tagal naming natahimik. Ayoko rin naman putulin yung sinasabi niya since alam kong may karugtong pa yun. "Nagselos kasi ako eh.. eto nanaman ako, pinairal ang selos. Pagbigyan mo na ako.. minsan lang naman ako magselos eh.. Hindi ko mapigilan, tuwing napaguusapan yung tagal ng pagsasama niyo ni Myco, tuwing yung mga taong nakakaalam nung tungkol sa inyong dalawa pinag uusapan yung past.. nahihirapan akong pigilan yung selos. Weird no?" Natawa siya ng mahina, tapos biglang nagsalita nanaman siya, mahina lang pero sakto para marinig ko,"Naiinsecure kasi ako.. feeling ko sobrang saya niyo kaya umabot kayo ng ganun katagal.. feeling ko hindi kita mapapasaya gaya nung ginawa niya.. feeling ko rin bigla mo akong iiwan tapos babalik ka sa kanya.. hindi ko kaya.."

Napatayo ako tapos nilapitan ko siya, tinakpan niya yung mukha niya tapos umiyak.

"I love you.." hinawakan ko siya sa may balikat tapos niyakap,"I love you.. I love you so much.." Hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya, gusto kong iparamdam na nandito lang ako sa tabi niya.. at hindi ko siya iiwan. "Sorry din iniwasan kita kanina. Nainis lang ako kasi akala ko kung ano na yung sakit mo. Ano kaba.. mahal din naman kita eh, mahal na mahal.. Bakit mo ba ako pinapangunahan? Hindi naman kita iiwan eh, hindi ko rin kaya.."

Napatingin siya sakin tapos nagsmile, then niyakap ako ng mahigpit. Eto yung gusto ko eh, pagtapos ng tampuhan or away, maghahug kayo.. yung hug na nakakagaan ng loob.

Yung alam mong ayaw mo ng matapos yung moment na yun kasi sobrang special.

Pinunasan niya yung mukha niya tapos nagsmile sakin,"Sige na, bumalik kana sa court. Baka bigyan kapa ng punishment ng coach mo eh, ako pa sisihin mo."

Tumango ako,"Papasok kaba sa work?"

"Yup, magbibihis lang ako tapos didiretso nako dun. Sabihin ko nalang na hindi ka makakapasok."

Umiling ako,"Hindi, tumawag na ako. Sabi ko mga 7 ako makakapasok kasi may training. Intayin mo nalang ako dun, okay? Sabay tayong umuwi." Nagsmile siya sakin,"Ay oo nga pala. Yung egg kanina masyadong matamis. Sugar yung nilagay mo hindi salt. Saka yung hotdog hindi masyadong luto. Marunong kabang magluto?"

Nagpout siya tapos umiling,"First time ko yun eh, sorry.."

"Okay lang. Basta sa susunod kailangan tama na yung luto mo, okay?"

Nagnod siya tapos lumabas na kami ng gym room."Sige na, mauna nako. Goodluck!"

Nagnod ako tapos tumakbo na papunta sa court. Syempre tama siya, pinarusahan nga ako ni coach. Pero wala na yun sakin, ang mahalaga okay si Aly at okay na kami.

Mas okay ng ulcer lang yung sakit niya kesa naman mas malala pa. Tss akala ko naman kasi kung ano na.

Mga 6:30 natapos yung training. Dumiretso nako sa locker room para maligo at ng makapunta na sa work ko.

Napansin kong kanina pa nakatingin sakin sila Bang at Gretch, hindi naman nila ako kinakausap. Nakatingin lang sila sakin.

"May problema kaba? Kanina kopa napapansin na parang wala ka sa sarili eh." tanong sakin ni Gretch

"Oo nga, nag away na naman ba kayo? Masyado ka ng visible. Madali ng malaman kung may gumugulo sa isip mo, hindi katulad dati.. nanghuhula pa kami." sabi naman ni Bang.

Lumapit sila sakin,"Tama siya. Sabihin mona yung totoo.. Promise, makikinig kami."

Ganun naba kahalata kung may bumubulabog sa isip ko? May problema nga ba ako?

Pero diba naayos na nga yung problema namin ni Aly kanina? So ibig sabihin wala na akong problema. Pero bakit nila nasabing napansin nilang parang wala ako sa sarili?

Dapat kasi hindi ko dinadala yung mga thoughts ko sa court. Pangbahay lang to eh. Hay nako natututo narin pala akong mag isip. Hahaha pero napaka unprofessional ng ginawa ko. Hinayaan kong makita nila na may iniisip ako habang naglalaro. Pano nalang kung game na yun? Ako pa yung magiging dahilan kung bakit matatalo yung team.

Tumingin ako sa kanilang dalawa, hinihintay nila yung sagot ko. Ngumiti ako sa kanila. Yep, kailangan kong sabihin sa kanila. Silang dalawa lang yung taong sobrang pinagkakatiwalaan ko ngayong oras nato.

Napayuko ako,"Nahihirapan nako.. hindi ko na ata kaya.." kinuha ko yung bag na nasa loob ng locker at nilagay yung madumi kong damit sa loob nun tapos sinara yung locker at napatingin sa kanila,"Hindi ko na ata kaya pang mahiwalay kay Aly.." tahimik lang silang nakikinig sakin. Eto ako masyadong nagpapadala sa nararamdaman ko. Pero kailangan nilang malaman yung mga sasabihin ko, kasi kung hindi sila.. edi sino pang masasabihan ko?"Hindi ko maimagine na wala siya sa tabi ko.. oo alam kong kailan lang kami nagkakilala, pero alam niyo yun? Yung mga oras na yun.. sobrang hindi ko makalimutan. Kung pano kami nagkakilala, yung konting tampuhan.. lahat." umupo ako sa tabi ni Bang,"Parang sasabog yung puso ko sa sobrang pagmamahal ko sakanya.. kaya kanina, iniisip ko kung kakayanin ko bang mahiwalay sakanya kahit isang linggo lang.. pero hindi eh, alam niyo yun? Sumakit to oh." tinuro ko yung puso ko.

Napangiti sila sakin,"Edi pakasalan mo siya. O kaya maglive-in kayo."

"Nahihibang kana ba? Anong ipapakain ko sakanya? Pagsama samahin mo yung allowance at kinikita ko, hindi kami mabubuhay ng maayos nun. Saka bata pa kami, hindi siya papayag lalo na yung parents namin."

"Pero sis, alam naman namin na ganun din nararamdaman ni Aly eh. Kahit hindi niya sabihin sating lahat, nararamdaman namin na ayaw niya rin mahiwalay sayo at yun din yung gusto niyang mangyari." pinatong ni Bang yung kamay niya sa balikat ko,"Wag mo munang pangunahan si Aly, hindi mopa nga natatanong tapos nag aassume kana agad na hindi siya papayag. Wag ganun sis."

Pakasalanan.. napakalalim ng meaning nun eh. Oo madaling magpakasal, pero mahirap imaintain yun eh. Dapat wag muna kasal.. live-in muna. Kaya lang baka panget tignan.. ano nga bang pake ko sa kanila? Pero wala naman masama kung tatanungin ko siya kung gusto niyang maglive in diba? After highschool pwede na kami magsama kasi 19 nako next year tapos 18 naman siya.

Papayag naman siguro parents namin sa plano ko diba? Tama. After graduation.. aayain ko siyang tumira sa isang bahay.. kahit saan niya pa gusto.

Continue Reading

You'll Also Like

123K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
4.3K 75 67
"I won't leave you. I am always here by your side. I will always be your number one fan and supporter." ...
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
5.6K 62 18
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...