Magique Fortress - Published...

By pixieblaire

2.8M 93.6K 19.9K

Pixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortr... More

Magique Fortress
Trailer
Chapter 1 - Lost Soul
Chapter 2 - Welcome
Chapter 3 - New Friends
Chapter 4 - Pets and Legends
Chapter 5 - Weakness
Chapter 6 - Fortress High
Chapter 7 - Touch
Chapter 8 - Connection
Chapter 9 - Good and Evil
Chapter 10 - Distance
Chapter 11 - Wands and Charms
Chapter 12 - Stranger
Chapter 13 - First and Second
Chapter 14 - Boxes
Chapter 15 - Tamed Eyes
Chapter 16 - Forbidden Forest
Chapter 17 - A Talk To Remember
Chapter 18 - Wizard and Guardian
Chapter 19 - Hugs and Kisses
Chapter 20 - Wounded
Chapter 21 - Heartbeat
Chapter 22 - Drown
Chapter 23 - Cold Agony
Chapter 24 - Fighting Fate
Chapter 25 - Fire and Water
Chapter 26 - My Kind of Fairytale
Chapter 27 - Symbolisms
Chapter 28 - Friendship Code
Chapter 29 - Beautiful Curse
Chapter 30 - Good Night
Chapter 31 - Unexpected Reunion
Chapter 32 - Give and Take
Chapter 33 - Blank Spaces
Chapter 34 - Poison Passion
Chapter 34.2 - The Missing Details
Chapter 35 - Quest of Questions
Chapter 36 - Time Travel
Chapter 37 - Ghosts of Tomorrow
Chapter 38 - The Judgement
Chapter 39 - Dawn of Doubts
Chapter 40 - A Daughter's Plea
Chapter 41 - Cataclysmic Revelations
Chapter 42 - Reign of Darkness
Spells and Incantations
Chapter 43 - Devilish Desires
Chapter 44 - She's Back
Chapter 45 - Raindrop and Storm
Chapter 46 - Love Hate
Chapter 47 - A Love That Gives
Chapter 48 - The Flower Bloomed
Chapter 49 - Who To Save
Chapter 50 - I Want To Believe
Chapter 51 - Sacred Ritual
Chapter 52 - Pitch Black
Chapter 53 - Wings of Fear
Chapter 54 - Mark my Word
Chapter 55 - Trigger
Chapter 56 - Identity Impossibility
Chapter 57 - Our Beloved
Chapter 58 - Diamond and Crystal
Chapter 59 - Written in the Stars
Epilogue
Pixie Blaire's Love Scroll
Diamond Series Installment 3 (Stand-alone)
Extras
Special Update
Announcement!!!
MF Book

Chapter 60 - Katapusan

40.9K 1.2K 586
By pixieblaire

This is the last chapter. Wait for the epilogue (Valentine's POV).

Tip: Listen to the song I attached when you have to (maybe you'll need it). Or you can listen first before reading this.

MF citizens, time to explode vo-mments. No thank you's and goodbye's yet, okay? Don't make me cry, it's hard to move on. :'(

Love,
tine x tine x tine
==========
Chapter Sixty
Katapusan

Nakasalampak ako sa buhangin at tulala pagkabalik ko galing Galax Lumino.

Ang hirap pagkasyahin ng mga impormasyon sa iisang utak ngunit mas mahirap pagsiksikin ang sobra-sobrang emosyon sa iisang puso. Ubos na ang enerhiya ko pag-iyak kaya nanatili lang akong tulala hawak-hawak ang wand ko at ang sumbrero.

Kailanman ay hindi ko matatanggap ang katotohanan. Pero sino bang nagsabing kailangan ko itong tanggapin? Ipinaranas sa akin ngayon ng buhay na hindi lahat ng katotohanan ay dapat tanggapin... pero kailangang sundin at gawin.

Dahil hinding-hindi ko talaga matatanggap iyon. Ang tanging magagawa ko na lang ay magtiis na sundin ito kahit labag sa loob ko.

May sumulpot bigla sa ibabaw ng batong katabi ko. Kuminang ito. Gumapang ako nang kaunti at pinulot doon ang isang hour-glass necklace. Pinasadahan ko ng haplos ang maliliit na nakaukit na ancient words. Running out of time, iyon ang ibig sabihin. Kay Death marahil ito galing.

Malapit nang maubos ang buhangin sa itaas na bahagi. Nalalabi na ang mga oras bago ang digmaan.

Time was never gold to me. Time fades so I don't treat it precious. Bakit mo pahahalagahan ang isang bagay na siguradong lilipas? Iyan ang paulit-ulit kong tinatanong dati sa sarili ko.

Then I realized, it's not the time that's precious to us, it's actually the moments we shared with the ones we dearly love. The moments and the memories are the real treasures. Time is just an avenue for us to collect those precious gold and diamonds.

Ayos na. Wala na akong magagawa kundi sundin ang nararapat mangyari.

Pinagsikapan kong tumayo at ituwid ang mga tuhod kong nanlambot na. Nilingon ko ang abandunadong establishimyento at natanaw ko doon si Yuan. He's the first person I want to bid one last hi and goodbye.

Nang mamataan niya ako ay nagbago ang mga mata niya mula matalim na naging maamo. Sa veranda ng unang palapag ay tinabihan ko siya.

"Hi," bati ko sa kanya gaya ng dapat kong sasabihin.

Nakatitig lang siya sa harap, malalim rin ang iniisip.

"Galit ka pa rin ba sa akin?" Pangungulit ko sa kanya.

"Honeybar mo ako, matitiis mo ba talaga ako ha?" Siniko ko pa siya. I genuinely smiled. This is what I want to do right now—fill in our fading time with happy memories.

"Do you want to fly with me? Don't worry, I won't let you fall again Yuan. I don't want you hurt again. I just want you happy. You deserve the beauty and the highness of the skies, not the hardness and coldness of the ground." Napalingon siya sa sinabi ko.

"Siguro kung hindi si Valentine, ikaw ang mamahalin ko. But I don't want you to hate him for his existence. You will always be dear to my heart too, Yuan. Kung wala ka, hinding hindi rin ako makukumpleto. You may not be the half of my heart, but to me, you're as important to my life as a soulmate... If there's such thing." Our eyes met and I just hope he'll feel better.

Bakas sa mukha niya ang pagtataka pero nakita kong tumakas din sa kanyang labi ang tipid na ngiti. "Soulmates are often star-crossed. Hindi lahat ng soulmates ay nagkakatuluyan. Some are not destined. Minsan iyong taong mahal mo ay nakalaan para sa iba. Iyon ang gusto mong sabihin, 'diba?"

Tumango-tango ako at umiwas na ng tingin. Natatakot akong anumang sandali ay maiyak nanaman ako. Why do I have to be so dense at times I have to be strong?

Ang sakit lang kasing isipin na iyong iba ay hindi nasusuklian ng katumbas na pagmamahal ng mahal nila. One-sided. Unrequited.

Minsan, hindi lang iyong nagmamahal ang nasasaktan. Minsan, iyong minamahal ay nahihirapan din.

Tulad ko... Tulad ko kay Yuan.

"You really have a good way to say it, Honeybar." Nang tawagin niya ulit akong ganoon ay piniga ang puso ko. Hinawakan ko ang kanyang pisngi at sinalo ng aking daliri ang tumakas niyang luha.

"Ang iyakin mo pa rin, Yuan." Pilit kong tawa na nagpunas rin ng luha.

"Remember what I told you before?" Aniya. "Naoeti ao cuhaielido oufa eëviiolu. Daoe nioötu baeëliioeuvaeë. Jauesito pulaeëaisoeu laievieo."

I settled my eyes into his and I nodded. "Not a child of evil. Do not believe. Just please live." Sabay naming wika.

"You don't believe him right? Ako ang bestfriend mo kaya sa akin ka maniwala. Huwag mong isipin ang kahit anong ipinanggugulo niya sa isip mo." Aniya. Napangiti ako at tumango. Alam ko na ang lahat. Sinabi nina Cassiopeia ang lahat ng rebelasyon sa akin.

"Sa ngayon hindi ko na iniisip iyan. Before going here to talk to you, I already made up my mind. I already have my final decision for the war."

"You'll still fight? You'll risk it all? Everything?"

"To be able to win or lose, you will play the game, you will volunteer as tribute, you will join the league of life, and you will gamble even if you're all out of something to give. And when you gamble, you will only think of winning because of the fact that you just offered something... Something that might be your everything. Nagtiwala ka sa sarili mong mananalo ka kahit pa iisang porsyento lang talaga ang tiyansa mong manalo. Ganoon ang sugal. Kakapit ka sa patalim. Panghahawakan mo ang katiting na pag-asa."

Pinulupot ko ang kamay ko sa kanyang baywang at humilig ako sa kanyang balikat. Inakbayan niya ako bilang tugon.

"Anumang mangyari sa atin sa pagtutuos, hinding hindi kita makakalimutan, Yuan. Alam mo namang ikaw lang ang pinakagwapong bestfriend sa mundo. Hinding hindi kita maipagpapalit kahit tambaran pa ako ng may mga eight-pack abs dyan na lalaking pwedeng bestfriend-in at paglawayan."

"And you really have a good mouth to tell me such flowery words." He chuckled a bit then sighed. "Napakaswerte ni Val sa'yo. But right now? Hinihiling kong sana ay lumaya na kayong dalawa. You know that the both of you were never free, don't you? You're both caged in the responsibility for your own worlds. Pinro-protektahan niyong pareho ang mga mundo niyo."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Mga mundo namin ni Val?

"Ikaw, mundo mo ang Magique Fortress. You'll do everything to save it. And as for Val, you are his world. He'll die for you." Dumiin ang kapit ni Yuan sa aking balikat.

"Kung si Val ang pro-protekta sa'yo, ako naman ang pro-protekta sa anak niyo. I promise that, ikamatay ko man. You are my world too, you know..."

"Yuan..." Humigpit ang yakap ko sa kanya. Lalong nagpapahirap sa amin ang ganitong usapan, but we need this. We need each other's words. Hindi namin alam ang mangyayari sa digmaan kaya kailangan na naming iparating ang gusto naming sabihin sa isa't isa.

"I wish you greater love, Yuan."

"I wish you greater happiness, Tine."

Kumawala ako sa yakap at hinawakan siya sa mga kamay. "You won't allow me to say goodbye, right?"

"Never will this be goodbye, Honeybar." Hinalikan niya ang aking kamay.

Sa aking paglalakad sa malayong ibayo ay doon ko naman natanaw si Valentine na nakaupo sa mahabang troso. Lumapit ako pero sa kabilang dulo ng troso ako umupo. This is what we really are, so near yet so far. 

Nabingi kami ng katahimikan. Ilang minuto na ang lumipas nang walang nagsasalita sa amin. Nang lingunin ko si Val ay mataman na pala siyang nakatingin sa akin. Tatayo na sana ako pero naunahan niya ako. Mukhang hindi niya rin nakayanan kaya't siya na ang tumabi sa akin.

We just stared at each other's eyes filled with different wonders.

Inutusan ko na ang sarili kong huwag iiyak anumang mangyari. Lalo na kapag maiisip ko iyong kailangan kong gawin at sundin sa digmaan.

That I have to die. If I die, I win. That's the excruciating truth.

Humahataw na ang kabog ng puso ko. I can endure this... Para kay Val. Para sa Magique Fortress.

"Hold my hand," sabi ko at sabay naming pinanood ang pagsasalikop ng aming mga kamay.

Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat at inilabas ko mula sa loob ng aking damit ang aking kwintas na bigay ni Valentine dati. Isang kwintas na ang pendant ay charcoal na kulay kahel at itim, nagpapahiwatig na tila ba ito'y nagbabaga ng apoy. Hinakawan ko iyon at nilagay katapat ng puso ko.

I whispered something to the wind. Few seconds after, we are surrounded by a beautiful magic like a glitter show. May musikang humihimig sa paligid kaya may naisipan akong gawin. Sana ay hindi ako traydurin ng aking boses ngayon. Gusto ko siyang kantahan sa huling pagkakataon.

"The day we met, frozen I held my breath..."

Sa unang pagbuka pa lamang ng aking bibig para kumanta ay lumabas rin mula doon ang mahika sa hangin at nagpakita sa harap ang unang pagkikita namin ni Val. Mabilis na nagpapakita ang mga ala-ala. Bumilis ang tibok ng aking puso. Para ngayon itong kinukurot nang paulit-ulit.

"Right from the start, I knew that I'd found a home for my heart... beats fast, colors and promises. How to be brave..."

We started watching our memories  together and it makes my heart crush a million times.

Oh dear... I don't want to cry.

Napakarami naming pinagdaanan. Sa hirap man o ginhawa. Sa pagkasawi man o tagumpay. Sa lungkot man o saya. A lot of memories have been cherished and valued deep in our souls.

Sadyang masakit nga pala talagang magbalik-tanaw sa nakaraan. Pero mas masakit salubungin ang hinaharap na hindi ko na siya kasama.

"One step closer..."

We're one step closer to a happy ending. But unfortunately, only few is given that kind of fantasy.

Bahagya kaming natatawa nang mapanood ang mga masasayang ala-ala lalo na iyong kasama namin sina Yuan, Daniel, Ellie, at Sage. Iyong paglalaro naming magkakaibigan. Iyong mga asaran at biruan. Iyong napakagandang samahang hindi mo aakalaing hahantong sa ganito kasaklap na kalagayan.

Si Yuan na laging nakangiti, magaang kasama, at nagbibigay kaligayahan sa amin parati. He's our happy pill.

Si Daniel na hinahangaan ko ang lakas at katatagan sa kanyang mga paninindigan. He's our sword of courage.

Si Ellie na matapang na babae at walang inuurungan. She's our fighting spirit.

Si Sage na nagtataglay ng karunungan at kaalaman, na kahit anak siya ng kasamaan ay ramdam ko pa ring hindi kami tinatalikuran. She's our shadow of knowledge.

At si Valentine na handang ialay ang buhay para sa mga taong mahal niya at susuong sa kahit ano maipaglaban lang ang isinisigaw ng kanyang puso. He's our armor of wisdom.

But to me, he's more than that... Because he's my guardian. He's my savior.

Mamimiss ko sila. Sobra-sobra.

Bumuhos ang lahat ng ala-ala kaya ngayo'y sinisikap namin ni Val na manatiling nakaahon mula sa malalim na pagkakalunod.

The pain of reminiscing is unstoppable.

"I will be brave, I will not let anything take away what's standing in front of me..."

Nakaukit na sa aking pagkatao ang lahat ng ala-ala. Masaya ako na nabigyan kami ng ikalawang pagkakataon na ipagpatuloy ang aming pagmamahalan. Kahit tadtad ng unos, dapat ko pa rin itong ipagpasalamat.

I will forever engrave in my mind the way he looks at me like I'm the queen of the world. I will always enfold in my heart the way he smiles at me like he's the happiest man on Earth. And I will embrace his love for me for the rest of my life.

The first encounter, the magical dance, the unforgettable confession, the warm hugs, the countless kisses, the best laughs, the memorable struggles, the invincible love we shared... Everything is worth keeping. Everything's just so hard to forget.

"Every breath, every hour has come to this..."

Pati ang mga ala-ala namin bilang Crystal at Lyndon ay nagpakita. There's a lot of memories. To some, maybe it will all fade. But to me, it'll forever remain.

Valentine is silently crying. Kahit natutuluan ang aking braso ng mga patak ng kanyang luha ay hindi ako kumibo. Nagpatuloy lang akong kumanta habang inaalala namin ang lahat.

And as for me, pinipigilan kong umagos ang aking luha but I'm already dying deep inside. I just chose to manage hurting this way.

"Darling don't be afraid, I have loved you for a thousand years..."

Tumayo ako at hinila siya. Nanatiling magkadaupan ang aming mga palad. Alam na niya ang gusto kong mangyari. Tulad ng unang beses kaming nagsayaw, dahan-dahan kaming humahakbang paikot at hindi nawawala ang titig sa isa't isa.

Hanggang sa ipinatong ko ang isa kong kamay sa kanyang balikat at hinawakan na rin niya ako sa likod. Sabay kaming nagpatangay sa musika, kusang gumagalaw ang aming katawan at isinapuso namin ang pagsasayaw.

Hindi ko naramdaman ang gaspang ng buhangin sa aking mga paa dahil para niya akong pinapalutang, malambing na idinuduyan sa pagsamo ng awit. Para niya akong inililipad nang sobrang taas. Binubuhat niya ako at makailang beses akong umiikot. Dinadama ang bawat himig, bawat liriko, ang isa't isa.

Saka ko lang napapansin na ang bawat apakan namin ay tinutubuan ng maliliit na bulaklak. We are dancing like we are the perfect couple.

Like our story is the perfect fairytale.

Almost.

Huminga ako nang malalim at sinikap na huwag siyang sabayan sa kalungkutan. We can endure this. We can overcome this.

I gave myself a final moment to adore him like I always do. His tousled and soft hair, deep, hazelnut eyes, perfectly defined nose, and bloody red lips. Hinaplos ko ang bawat parte ng kanyang mukha na lahat ay aking paborito.

Kung sana'y marami pa akong oras. Kung sana'y mayroon pa akong araw-araw para siya'y purihin at hangaan. Kung sana'y hindi ko kailangang mamaalam...

We danced like this is our last. Which is actually true... Because this is probably our last dance.

"I'll love you for a thousand more..."

Tumigil siya bigla sa pagsasayaw at inatake ako ng mainit na halik. Inangkin naming dalawa ang labi ng isa't isa.

Saglit kaming natigilan nang mapansing lumabas ang aming Dragons of Wisdom and Love. Nakakatuwang isiping kinakatawan namin ni Val ang dalawang napakagandang values na ito. At higit pa roon, tila nagawa naming pagsamahin ang utak at puso sa pagmamahalan naming dalawa.

Utak at puso, na sabi ng marami'y hindi dapat pinagsasama. Pero sa totoo lang, mas dapat itong hindi paghiwalayin. Mag-isip ka nang may puso at magmahal ka nang may karunungan at kaalaman. With your mind and heart as one, you will never go wrong.

Nagsimula ang panibagong musika ngunit wala pa ring bumibitaw sa aming dalawa. Taimtim at banayad itong iginagawad namin sa isa't isa. Sumasamo. Walang pagpapantasya at purong pagmamahal lamang ang ipinupukaw sa bawat dampi at pagbabanggaang nagaganap. Pinagsasaluhan namin ngayon ang isang makamundong halikan na para bang ito na lang ang tanging pinagkukunan namin ng lakas para magpatuloy.

Lumalim nang lumalim ito at kami ay nagpakasasa at nagpakalunod. Namamayani sa aking pandinig ang tunog na nalilikha. Namumutawi naman sa aking isipan ang halong sarap at sakit na aking nararamdaman ngayon. Pero akin na itong winaglit. Nagpokus ako sa pagkabisado ng kanyang bawat galaw. Dinadala ako sa bagong mundong hindi ako magsasawang paulit-ulit na marating kasama siya.

I will miss you, Valentine.

Kahit ayoko, kahit ayoko pa, at kahit ayoko nang humiwalay ay itinigil ko na iyon dahil natatakot na akong hindi ko magawa ang aking misyon nang dahil sa pagkakaalipin ko sa kanyang halik.

Doon ko lang napagtantong natapos nang muli ang musika. Naglaho na rin ang mahikang nakapaligid sa amin at ang mga larawan sa hangin. Saka ko rin pinahid ang kanyang mga luha. Nang suminghot pa siya ay bahagya akong nagtawa. Bibitiwan ko na sana ang kamay niya para mahawakan ko siya sa magkabilang pisngi pero hinigpitan niya ang hawak sa akin.

"I won't let go, I'll just press my hands on your cheeks." I assured him. Doon lang unti-unting lumuwag ang kapit niya. I held his face and kissed him on his forehead. His fear of losing me is overwhelming.

"I love you," agaran kong pahayag. These three words are enough to declare my unconditional love for him.

"I love you too... I love you more... I love you very much... I love you every day... I love you to greater heights... I love you beyond all horizons... I love you always... I love you, I love you, I love you..." He replied repeatedly. Iyon ang nagtrigger sa akin para mapahikbi. His soft features right now make me see him like a lost boy. He's my lost boy I'd always love to find.

"Kung gusto ng sitwasyong paghiwalayin tayong dalawa, ibig sabihin may mga nasa paligid rin na gustong itakda ang ating kapalaran. But it doesn't matter, Val. As long as we believe that we're meant to be, we will be. Basta't itinakda natin na para tayo sa isa't isa at magkasama tayo, iyon lang ang mahalaga. That's all that matters. Okay? Hmm?" Pagkumbinsi ko sa kanya. I don't want to see him devastated as I am.

Tumango-tango siya at niyakap ako. Ihinilig niya naman ngayon ang kanyang ulo sa aking balikat, nakaharap ang mukha sa aking leeg. I run my fingers through his hair like he's a child. My Valentine doesn't stop crying. Walang maririnig ngunit ramdam ko sa bigat ng kanyang paghinga.

"What have we done to deserve a life like this?" Basag na boses niyang sabi.

"We didn't do anything bad that's why we don't deserve this. Isipin mo na lang na hindi talaga ito ang buhay na laan para sa atin. Na kaya natin natatamasa ang paghihirap na ito ngayon ay mayroong nag-aabang na magandang buhay para sa atin sa hinaharap."

Banayad siyang tumango sa aking leeg.

"Promises are meant to be broken but everyone has a choice of not breaking it. Iyon ang sabi mo dati. Gusto kong ipangako mo rin sa akin ngayon na hinding hindi ka susuko, na kahit anong mangyari ay kakapit ka lang at maniniwalang hindi ako mawawala sa'yo. Na kasama mo ako palagi. I want you to promise me you will live. Promise me and tell me you'll not break it, Val."

Kumawala siya sa yakap at ipinakong muli ang mga mata niya sa akin. "I promise and I will not break it."

Napangiti ako. "We are each other's destiny. That's the only truth I want you to believe in."

I kissed him again on his forehead, but this time, I let it linger much longer. "Trust me."

"I trust you." Pagkasabi niya no'n ay tumayo agad ako at pinalabas ang Circle of Insignia.

I swished my wand to reveal the invisible ropes binding the two of us. Laking gulat ko nang makitang may mistulang lubid na nakatali sa aking puso at nang sundan ko ang kakonekta non, tila nababalutan ng lubid si Val. Talaga palang taling-tali siya sa akin.

Kapag namatay ako, patay rin si Valentine. At ayokong mangyari iyon.

It will be unfair to him. Kaya kung ako man ang mawala, alam kong kakayanin ni Val. Kakayanin niya na wala ako. Matatagalan man pero alam kong kaya niya. Hindi ko kakayanin na pareho kaming mawawala sa mundo.

That's why I have to break the bind now.

Nang itaas ko ang wand ko ay umangat si Val sa ere at nakikita niya na rin ang mga tali. Nanlaki ang mga mata niya at mukhang alam na niya ang gagawin ko.

The only way to break the bind is to cut it. Hindi ng guardian na gumawa ng ritual, kundi ng wizard na pinag-alayan niya ng kanyang buhay.

"No! Don't do this! Ginawa ko ito para sa atin, huwag mong baliin! Please! I offered my life to you, don't hurt me like this!" Pagsusumamo niya. This only makes things harder for me.

"You promised me you'll live and you told me you'll not break it. Kapag nakakabit ang buhay mo sa akin at nawala ako, mawawala ka rin. I can't risk you, Val. Kung ipagpapatuloy natin ang pagkakatali na ito at ikaw ang mawala tapos ako ang mabubuhay sa atin, hindi ko kaya, Val. Ako ang mundo mo, pero ako, ikaw ang buhay ko. Kung ako naman ang mawawala, alam kong makakabangon ka pa rin." Sabi ko sa kanya kahit alam kong sa paraang ito ay pinapaasa ko siya na mabubuhay kaming pareho.

"No! Hindi ko rin kakayanin kapag ikaw ang nawala! Tine! Don't cut the bind! Sinabi mo sa akin kanina lang na itinakda mong magkasama tayo! Na ito ang pinili nating kapalaran. Pero bakit mo puputulin iyan ngayon?" Nagwawala na siya. He struggles to get rid of the magical ropes binding him.

If only I can erase his memories about me, mas mapapadali. Pero ayokong alisin sa kanya ang lahat. It will be more unfair to him. I love him! Dammit! It hurts like hell but I don't have any choice but to break this bind!

"See? Ganyan ka nakatali sa akin. Mahirap kumawala kung sarili mo lang. I should be the one to let you go from it." Nagliwanag na ang tip ng aking wand. I'm ready... To rip my heart once again.

"Kung mawawala ka lang rin pala, ano pang saysay ng buhay ko? Para mo na rin akong pinatay. Nakalimutan mo na ba ang sabi ko sa'yo? Kung saan ka, doon din ako. Huwag mo namang ipagkait iyon sa akin... Tine, please... Sasama ako sa'yo kahit saan. Kahit saan sasama ako... Sasama ako sa'yo... Sasama ako... Isama mo ako... Kung mabubuhay tayo, sabay tayo mabubuhay. Kung mamamatay tayo, sabay rin tayong mamamatay... Sasama ako sa'yo... Bakit ayaw mo... Hindi ko maintindihan..." Tumatagas ang kanyang luha.

"Kung alam mo lang na mas takot akong mahiwalay sa'yo... At napakalaki ng tsansang 'yon, Tine. Losing you is more deadly than death. Don't leave me..." Pagtangis pa niya lalo na para bang alam niyang talagang mawawala ako sa piling niya.

Nanginginig na ang kamay kong hawak ang wand. Halos ikabulag ko ang pagtutubig ng mga mata ko. Humahagulgol na siya at gusto ko siyang patahanin pero hindi ako dapat magpadala sa emosyon ko ngayon.

"Ito ang makakabuti para sa atin, Val. Just remember the only truth I want you to believe."

"How can I believe that now kung ikaw ang unang bumitaw?"

"Sacrifice."

"You chose to sacrifice me then?" Garalgal niyang boses.

"Sacrificing is trying to merge heaven and hell but you're stuck in the middle. Ito 'yung paniniwala na ang mali ay hindi pwedeng maging tama at ang tama ay kailanman hindi nagiging mali. Pero kailangan mong may panigan na desisyon. It's a matter of embracing one and letting go of the other. But in my case, I am both embracing you and letting go of you. I am saving you so I have to let you go. Hindi kita isinasakripisyo dahil hindi ko kayang isugal ang buhay mo. Inililigtas kita sa paraang ito. Naiintindihan mo ba ako? Ito ang makakabuti para sa atin. Just trust me. Trust me one last time."

His eyes are bloodshot from tears. "Gusto rin kitang iligtas! Kayo ng baby natin! Kaya ko! Ako na ang gagawa ng sakripisyo para sa atin! You don't have to do this! Please... Please don't... Being your guardian means a lot to me."

Pinigtas ko ang hour-glass necklace sa leeg ko at tinignan iyon. Kaunting-kaunti na lang.

"I'm saving everyone! I just need you to trust me. We don't have much time."

I prepared to cast the spell, "I am Cristine Aria Sylvestre, Princess Crystal of Magique Fortress..."

"Tine! No!" His face is in mix fear, pain and horror.

"Trust me! Iyon lang ang huling kahilingan ko sa'yo!" Sigaw ko na sa kanya.

"This isn't goodbye!"

"Ipapanalo ko ito! Paniwalaan mo lang ako at manalig ka sa pag-iibigang ito!" Winning means dying. Shit. Patawarin mo ako, Val.

Gulong-gulo na siya at hindi maipinta ang sakit. "Yes! Okay, yes! I trust you! No matter how hard it is, I am trusting you!"

Pagkasabi niya no'n ay kinumpleto ko na ang mga salita. "I am Cristine Aria Sylvestre, Princess Crystal of Magique Fortress... And I am breaking the bind... From me to my guardian, Valentine Archangel, Prince Lyndon of Magique Fortress."

"Mangako kang hindi mo ako iiwan! Mangako ka rin! Mangako ka!" Pakiusap pa niya.

I promise you, Valentine Archangel.

"Daset Cutaparo Iroyu!" Hiyaw ko na hudyat para sa malakas na puwersang tuluyang pumutol sa taling nagkokonekta sa aming dalawa.

It's done.

I looked at the hour-glass. Ubos na ang aming oras.

Pagmulat ko ay kaharap ko na ang mga Soverthells, Royalties, Elemental Heads and Beings na lahat ay mga nakahanda na. Sinenyas nina Ama ang aking likuran. Pagkaharap ko ay namutawi sa akin na ito na nga... Ito na nga ang ikatlong digmaan.

Tiningala ko ang araw at buwan na malapit nang magkadikit. Iginala ko ang tingin ko dito sa hanging grounds ng Gemlack Territory at ng Soverthell Domain na aming inaapakan ngayon na pansin kong nagkadikit na pala. Ang dalawang kaharian at communities na magkahiwalay ay nagsama ngayon bilang aming battle ground.

Death's army—the Gemlacks and the Fortress creatures are waiting for us from the other end.

Hindi ko alam kung nasaan ngayon sina Yuan, Daniel, at Valentine. At kung sa pagkakataon bang ito'y panig na kaya sila sa amin.

Niyakap ako ni Ina. "Baby ko, ayos lang ba ang baby ko? Hmm?" Bakas sa kanyang mukhang nag-alala siya nang husto.

"Opo, ayos lang po ako. We can end this war now. Let's end this now." Hinalikan ko siya sa pisngi. "I love you, Mommy Eni."

Inakap kaming dalawa ni Ama. Nanatili na sila sa aking tabi. Sa akin manggagaling ang hudyat.

Sampung segundo... Hinigpitan ko na ang hawak sa Gemthell Sword sa aking kaliwa at ang aking Dragon Star wand naman sa kanan. Isang beses kong nilingon ang aming hukbo at saka ako tumango.

"Ngayon na!" Signal ko bilang aming pagsugod.

Tumakbo na't sumugod ang Soverthells at nakipagsagupaan sa Gemlacks. Nagsalubong sila sa gitna, attacking each other with those spells and charms. Ang Elemental Heads naman at ang Elemental Beings ay nilalabanan ang iba't ibang outcasts at Fortress creatures.

Ang Royalties at Fortress Professors ay direkta ang atensyon sa papalapit na Dark Family. Sina Enchantress Enikka at Supreme Majesty Diamond, Kings Ralf and Darius, Queens Shayne and Gwyneth, and Guardian Heads Lindrenne and Kierre laban kina Winona, Sage, Bethany, Finn, Philia, Reinhold, Oliver, at Adam.

Habang ako naman ay hindi pa kumikibo dahil direkta ang tingin ko sa lalaking mataman din ang titig sa akin sa kalayuan—Death Venomo Syrwon.

Nagsimula akong maglakad patungo sa kanya. Tuwing may magtatangkang patamaan ako ng kanilang espada o mahika ay pinapatalsik ko ang mga ito. "Davrantus!"

Basta't kay Death lamang ang mga mata ko. Tumigil ako sa paglakad nang lumitaw sa lupa ang malaki, malawak, at patag na bato na mukhang pinasadya para aming dwelo. Kulang na lamang ay harang para maging isa itong mistulang boxing ring.

Umapak ako doon at sa harapan ko ay si Kamatayan. "Dumating ka."

Gumuhit ang demonyong ngisi sa kanyang labi.

He took a step sidewards at nakita ko si Valentine na may hawak na espada. His eyes are blazing fury. Parang handang pumatay. Nanlaki ang mga mata ko sa namumuong kutob. Jusko... Huwag naman sanang...

"Napaghandaan mo naman ang laban ninyo ni Valentine, hindi ba Cristine?"

Nalaglag ang panga ko. Nanuot ang takot sa aking sistema. Niyanig ako ng posibilidad. Mistulang tinangay ng hangin ang lahat ng aking katwiran. Kapupulot ko pa lamang ng basag-basag ko nang puso ay nahulog nanaman ito.

"Anong sinasabi mo? Tayo ang magdudwelo! Tayo ang magtutuos!" Nanginginig kong sabi.

"Love is a challenge. Take it and claim it." Aniya.

"You call this a challenge?! At anong alam mo sa pag-ibig?" Nagpupuyos ako sa inis.

"Love is a sole reminder that the strongest can be the weakest and the weak will only be weaker." Seryoso niyang tugon. "At kapag mahina ka, talo ka. Wala kang silbi. Nakakaawa ka."

Anong karapatan niyang insultuhin ang pag-ibig? Love is for the strong ones. Gawa siya sa kalungkutan at inggit, at doon sinakluban ng dilim ang kanyang katauhan.

"Sige na, magpatayan na kayong dalawa. Kahangalan ang pag-ibig!"

Ganito ba talaga? He really ordered Valentine to kill me? Siya ang aking kalaban sa duwelo? Hindi ito ang nasa plano! No please...

Humalakhak lamang siya at tinalikuran kami. Sumulpot sa magkabilang gilid ng dueling platform sina Daniel at Yuan na nakakadena at mga walang malay.

"Simulan na ang duwelo!" Sigaw ni Death sabay upo sa kanyang trono na mukhang panonoorin lang kami.

"No!" Humakbang ako para sugurin siya pero ihinarang ni Val ang espada niya sa may leeg ko. I almost lost my breath.

This... Can't be... Happening...

"Huwag kang duwag!" Sigaw ko kay Death pero ngumisi lamang siya at sinindak pa ako.

"Oh I'm not a coward. Don't underestimate me, Princess. Kung tutuusin, I can already cast the murder spell to you. But I didn't! Gusto mo ba ng sample?" Nangilabot ako nang kuminang ang kanyang nagbabagang mga mata. Tumayo siya at ikinumpas ang kanyang wand.

May minamata siya sa hukbo ng mga Soverthells at Gemlacks na nagsasagupaan ngayon. Who is it?

"Say goodbye to..." Hindi na niya nasabi ang pangalan nang dugtungan na niya iyon ng Murder Spell. "Cascada Kidethall!"

Tila kidlat na kapangyarihan ang kumaripas mula sa tip ng kanyang wand at may pinatamaan sa pulong ng mga naglalaban. Sinong natamaan? Sino?!

Humalakhak siya na umalingawngaw sa buong Fortress. Akmang tutungo ako sa direksyon ng pinatamaan niya ngunit may transparent glass nang bumabalot sa amin, humaharang, kumukulong. Kami lamang nina Yuan, Daniel, Valentine, at Death ang nasa loob ng Duel Battling Ground.

"Enikka!!!" Iyon ang sunod na mahabang sigaw na umalingawngaw sa aking pandinig. Ang boses ni ama! Saka kumulog nang napakalakas at nagsimulang umulan.

Natanaw ko sa malayo si Ina na bumagsak ang katawan pagkatama sa kanya ng kapangyarihang iyon. Sinalo agad siya ni Ama at kitang-kita ko ang mabilis na pagsasalin ng puso ni Ina kay Ama para hindi rin ito mamatay.

Nanigas ako sa kinatatayuan at para bang naputulan ako ng dila sa isang iglap. Mistulang nag-slow motion ang aking paligid. Pinagbagsakan ako hindi lang ng langit, kundi ng buong daigdig.

Nanginig ang labi ko at pinipiga ang puso ko. Umalipoy ang galit sa mga mata ko. Para akong pinupusan ng hinga. Umigting ang nagbabagang emosyon sa aking sistema. Nakakapanlumo nang husto. Para akong uminom ng lason pero iba ang namatay. Si Ina...

Death used the murder spell to her.

Enikka's gone.

My mother is dead.

Sumigaw ako kasabay nang pagtakbo ko patungo kay Death pero sinusugod rin ako ni Val kaya nagkiskisan ang aming mga espada. "Dadaan ka muna sa akin bago ka makalapit sa kanya." Val is under dark magic again.

My mom! My most precious mom was killed by that monster! Nilulukot ang buong pagkatao ko. Pakiramdam ko ay lahat ng aking lamang-loob ay humahataw. Para akong sasabog.

Ngunit kahit gaano ko pa kagustong patumbahin si Death ay kailangan kong kontrolin ang sarili ko dahil maaari itong ikapahamak ni Val na ngayo'y nagsisilbing tagapagligtas niya. Baka masaktan ko pa si Val. Kailangan kong pigilan ang nagsusumigaw na galit!

Nang harapin ko si Val ay para naman akong kinikitilan ng mga litid sa katawan. Is this it? Kami ni Val ang maglalaban? It should be Death! Si Death dapat ang kalaban ko... Si Death dapat ang nakalaang papatay sa akin! Hindi siya! Hindi si Val!

Hindi ko alam kung paano niya ito tatanggapin kapag natauhan na siya. Ganito ba talaga kapait ang pagkakataon para sa amin?

My tears exploded by the constant reminder that my mother is dead right now. My father's in pure agony and I have no idea if he can still fight with a strong heart. Then this, I have to defeat the man I love and the father of my child.

Kunot noo kong pinipigilan ang pagtangis ngunit hindi ko mapigilan. I'm in the midst of mourning for my mother's death and wrestling bone and blood with the love of my life. If the situation calls for it, then okay... I'll fight while crying.

Tama lamang ang desisyon ko na putulin ang pagkakakabit ng kanyang buhay sa akin. I've made the right decision.

"So this is it? This is how we'll end? Then let's do this together. Nakakatuwa... Magkasama pa rin tayo hanggang sa huli." Natatawa na naiiyak ko pang tanong sa kanya kahit alam kong sarado ang isipan niya sa kahit ano.

"I'll fight with you, Valentine." Hindi ko nga lang inakalang kaming dalawa ang maglalaban. Sumasakop sa aking utak na siya... Ang lalaking pinakamamahal ko ang papatay sa akin.

I want to talk to him some more pero napag-usapan na namin ang lahat kanina. We already said our vows to each other. Nakakalungkot nga lang dahil hindi namin iyon nagawa sa aming kasal.

Ni hindi man lang kami naikasal ni Val. Mananatili na lang siguro iyong pangarap para sa akin hanggang sa hukay.

Ipinapasa-tadhana ko na lamang ang mangyayari sa amin ngayon. Sana talaga ay kayanin niya. Kakayanin naman ni Val hindi ba?

Just trust me and believe the only truth I told you, Val.

Isinantabi ko na ang lahat ng aking emosyon. Tuwing dadapo sa isip ko na pinatay ni Death ang aking ina ay nanggagalaiti ako lalo. At kapag maiisip ko namang magkakasakitan kami ni Val ay natitibag muli ang galit ko. Hindi ako pwedeng malito. I need to get my head into this battle.

Kahit maya't maya ang salitan na pagpigil at pagpapakawala ko sa aking mga panaghoy ay pumosisyon ako sa kanyang harapan katuwang ang Gemthell Sword. Itinabi ko ang aking wand sa aking likod.

Makailang beses nang nagtatama ang aming mga espada. Maraming galos na rin ang natamo ko sa kanya. Ganon rin siya sa akin. Duguan na kami pero wala pa ring natatalo at nananalo.

I won't kill him anyway. Hinding hindi ko iyon magagawa. Kailangan ko lang libangin si Death nang sa ganon ay makahanap ako ng tiyempo para siya ang kalabanin. Kailangan kong malampasan si Val para si Death ang makatunggali ko.

Ngunit ilang sandali lang ay pinaapuyan na ni Val ang kanyang espada. His sword is covered with flames. Dumaplis lang iyan sa akin ay paniguradong sunog ang balat ko.

I'm a Fire Elementor too. Hinigop ng mga kamay ko ang apoy. But it's not enough, may mga naiiwan pa ring apoy. I started whistling to produce a strong wind that will blow the fire away.

It worked. "Just fight fairly. This is a sword fight, so be it. Okay hmm?"

"Huwag mo akong pakialaman."

"Hinding hindi ako mawawalan ng pakialam sa'yo."

Mata sa mata. Espada sa espada. Pero naalala ko nanaman ang kanina. Iyong nanay ko... patay na.

"Kill the baby first. Then kill it's mother." He laughed evilly. "That's right Valentine, kill your family."

Tangina, ang sakit sakit na!

Patuloy si Val sa pagpapatama sa akin. Nang mapahiga ako sa sakit nang sipa niya sa may tiyan ko ay muntik na rin niya akong saksakin kung hindi lang ako nakaiwas. I wish him to have mercy on our baby... Ayoko siyang masaktan. Pero kung iisipin, mula pa lamang nang siya'y mabuo, puro pasakit ang naidulot ko sa kanya. I'm all stressed out and inconsolable. Sobrang nakakasama iyon sa kanya. I'm the worst mother. Anak, mahal na mahal kita. Sana ay alam mo iyon. Kahit ano ka pa, anak. Patawarin ninyo ako ng Papa mo.

I'm so sorry. Pagsisisihan ko ang lahat. Tanggap ko ang karagdagan pang pagpaparusa.

Nang makaupo ako ay bigla niya ulit akong patatamaan kaya napapikit ako sa pagkagulat. Ngunit pagmulat ko ay tumigil pala siya. Sinalubong ko ang kanyang mga nakakamatay na mata. Bakit siya tumigil? Pinigilan kaya siya ng katawan niya? Posible siguro iyon ano? Nakikilala niya pa rin ako bilang babaeng mahal niya.

Sinamantala ko na ang pagkakataon. Kinawit ko ang paa ko sa paa niya kaya siya naman ang napasalampak. I took that opportunity to destroy his sword.

Nang pulutin niya iyon ay putol na. Bago pa man niya ako ulit lingunin ay sinakyan ko siya sa likod. Pinulupot ko ang braso ko sa kanyang balikat at ang mga binti ko naman sa kanyang baywang. Nagpupumiglas siya pero mahigpit ang aking kapit at pagkakasakay. Nang ilagay ko ang espada ko sa kanyang leeg ay natigil siya.

"Bitaw!" Aniya.

"Hinding hindi ako bibitaw, mahal ko."

"Sa likod mo!" Dinig kong sigaw ni Yuan.

Ngunit saktong paglingon ko ay tumambad sa akin ang likod ni Death at nang iurong ko pa ang aking paningin ay nakita ko si Yuan sa kanyang harapan. Nabitawan kong bigla ang Gemthell Sword.

Nasaksak na siya ni Death sa kanyang dibdib. Nakatingin si Yuan sa akin at bago bumagsak ay ngumiti pa ito.

Nang siya'y pumikit ay para akong binaril nang walang tigil. Ganoon ang pakiramdam. Sunod-sunod na sakit.

Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung sisigaw ba ako o iiyak o magagalit o tatakbo sa kanya at ililigtas siya...

Pati ba naman si Yuan? Sobra na... Tama na!

Kanina si Enikka, ngayon naman si Yuan. Wasak na wasak na ako. Durog na durog na. I cannot stand another death of a loved one.

Sa ikalawang pagkakataon matapos ang ginawa niya kay Ina ay naabot muli ang tugatog ng aking galit. Sa galit ko ay tumalon ako sabay kapit sa balikat ni Death at akmang babalian ko siya ng leeg nang may maramdaman akong tumagos na matigas na bagay mula sa aking likuran...

I immediately hugged Death from his rear when I realized Valentine already stabbed me at the back.

Niyakap ko pa lalo si Death nang mahigpit kasabay ng pagdiin ng pagkakasaksak ni Val sa akin kaya tagos rin kay Death ang saksak. Sapul sa dibdib mula sa likod ang kanyang tama.

Yuan, naipaghiganti ko na kayo ni Ina.

Humiyaw si Death sa nangyari habang unti-unting nababasag ang kanyang katawan. Makailang sandali lang ay sumabog ang black ashes sa paligid. Siya kasama ng kanyang mga alagad ay naglaho na nang tuluyan.

Nang hugutin ang espada mula sa aking likuran ay hinawakan ko ang aking tiyan at doon ako napaluhod.

Sinalo ako ni Val at ihinarap sa kanya. He's back! My love is back...

Inalala ko ang sariwang pangyayari. I was close to defeating Val but Yuan called my name to warn me that Death is behind me. Maaaring akmang papatayin na rin ako ni Death bilang pandadaya ngunit nagising si Yuan at kumalas sa pagkakakadena niya. Sinugod niya si Death pero humarap agad ito at agad sinaksak si Yuan sa dibdib. Sa galit ko ay bumaba ako sa pagkakasakay sa likod ni Val at sinugod si Death ngunit nasaksak rin agad ako ni Valentine patalikod.

"Tine..." He broke down fast-paced. Napakabilis ng pangyayari na ngayo'y naabutan kong nasa bisig na ako ngayon ng mahal ko.

Malalaking butil ng kanyang luha ang sumalubong sa akin.

"I... I killed our baby... Si... Sinaksak kita... Napakasama ko! Na... Napakasama! God, no! Blaite, please don't! Mahal na mahal ko sila! Mahal na mahal! How could you make me kill my family! Hindi! Hindi pwede!!!" Mga hiyaw niya. Sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari.

Niyakap niya ako nang napakahigpit habang humahagulgol at nalulungkot akong marinig ang kanyang ganitong tinig. Hinawakan ko ang kanyang pisngi, "You did the right thing, Val. You just saved our world."

"At kayo ang kapalit? Hindi ko maintindihan! Bakit?! Bakit ito ang nangyayari?! Hindi ko maintindihan?! Tine... Patawarin mo ako... Hindi ko ito kayang gawin sa inyo, maniwala ka... Hindi ako iyon! Patawad... Patawarin mo ako, huwag mo akong iiwan..." Pagmamakaawa niya.

"It's about time for you to fulfill your promise. You will continue to live your life, hmm?"

Umiling-iling siyang humahagulgol at hindi na makapagsalita. Blood is flowing from my tummy. Ganoon rin sa aking bibig.

I'm sorry my baby... Mahal na mahal ka ni Mama...

Lovenhope Pristine, forgive your parents... Please forgive us. We tried to be the best but we ended as the worst.

Nanlalabo na ang mga mata kong nakita si Daniel na tinanggal ang pagkakasaksak kay Yuan. Ngayon ay para akong pinatay ng tatlong beses. Ang baby namin, si Yuan, pati si Ina.

"Ellie, Daniel, kayo nang bahala kay Yuan ha? Dalhan niyo palagi ng bulaklak ang kanyang labi, he will surely like it." I tired to smile at them habang sila'y hindi na makangiti.

Ganito pala ang pakiramdam na malapit ka nang mamatay, manhid ka na. Hindi mo na maramdaman ang sakit.

Hinawakan ako sa mukha ni Valentine at paulit-ulit niya akong hinalikan sa noo. Damang dama ko ang sobrang takot sa kanya. "Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Mahal na mahal kita, Tine. Si baby natin kawawa naman... Hindi natin siya naisilang. Hindi natin siya naipakita sa buong mundo. Hindi niya naranasan ang ganda ng buhay. Marami akong pangarap para sa atin... Pero ako rin pala ang hindi tumupad sa mga iyon... Ako pa ang tumapos sa lahat ng ating mga pangarap para sa pamilyang ito. Baby... anak, tinusok ka ni Papa, masakit ba anak ko? Gusto kong marinig ang iyak mo, Baby. Lovenhope 'diba?" Pagkausap sa amin ni Val. Rumagasa ang luha ko.

"Patawarin mo si Papa, mahal na mahal kita. I love you and your Mama..." Hindi na malaman ni Val kung anong una niyang hahawakan. Ang aking tiyan ba, mukha, kamay, o yayakapin niya ulit ako nang mahigpit.

"Don't blame yourself. Bumangon ka sa buhay. Alagaan mo ang ating mundo. Iyon ang bilin ko sa iyo. Babantayan ka namin ng anak natin." Sinasalo ng aking mukha ang mga tulo ng luha niya. Nanginginig ang mga kamay niyang pilit ginagamitan ako ng mahika para gamutin.

"Ama..." Tiningala ko si Diamond na buhat-buhat ang katawan ni Ina. Itinabi niya ito sa akin saka hinawakan niyang agad ang aking kamay. "Wala na ba ang mga kalaban?"

Tumango siya sa akin na umiiyak rin. Napangiti ako. It's done. Nailigtas na ang Magique Fortress mula sa masasamang budhi. Tapos na. Tapos na ang laban. Sumapit na ang huling hantungan.

Panay hagulgol ang naririnig ko sa aking paligid. Hindi ko na masyadong makita ang mga imahe nila. Sa totoo lang ay hindi ako natatakot na mamatay. Mas natatakot akong mahirapang bumangon ang mga maiiwan kong mahal ko sa buhay. Iyon talaga ang takot ko.

Sumisikip na ang aking paghinga. "Ama, huwag kang mag-alala, aalagaan ko si Ina."

"Anak ko, patawarin mo ako..."

Umiling ako sa kanya. "You don't need to ask for my forgiveness. You are the perfect father, Daddy Diamond." Humikbi siya pero batid kong ayaw niyang ipakita sa akin na siya ay durog na durog. Pareho kaming nawala ni Ina sa kanya ngayon. Hindi ko alam kung paano niya ito tatanggapin. Tumayo siya at tumalikod, naglakad palayo na para bang ayaw niyang makita ang paghihirap ng kanyang prinsesa.

"Kaya pa kitang isalba. Mabubuhay ka. Kumapit ka lang sa akin ha. Huwag mong bibitawan ang kamay ko. Hold my hand tight..." Wala na sa sariling sambit ni Val habang ibinabalik ang mga umagos na dugo pabalik sa aking katawan.

"Love is endless and thank you for giving me the unconditional one, Valentine." Pinawi ko ang mga luha niya pero nanghina na ang kamay ko.

"You're the air that I breathe. You're the water I always tend to drown for. You're the solid ground I always fall for. And you're the fire that heats me up and burns me within. You're my source of true life." Pagbanggit ko sa kanya ng eksaktong sinabi niya noon.

"Hanggang ngayon ay tandang-tanda ko pa rin ang mga salita mo, Val. Iyan rin ang laman ng damdamin ko para sa iyo noong magkaaminan tayo. Ang swerte swerte ko sa'yo, alam mo ba 'yon?"

He momentarily lessened his loud cries as he listens to me. "Hush... Nahihirapan ka na magsalita..." He caressed my cheeks at hinahawi ang buhok na dumidikit sa aking mukha gawa ng mga luha.

Hinigpitan ko ang kapit sa kanyang kamay na parang doon ako kumukuha ng aking lakas.

"Gusto kong malaman mo na sobrang saya ko na ipinagkaloob ka sa akin, na ako ang pinili mong mahalin kahit mahirap ang buhay kapiling ako, na inalay mo ang lahat-lahat mo para sa akin. Nagpapasalamat ako dahil ipinaranas mo sa akin ang walang hanggang pagmamahal, Val. Babaunin ko ang pag-ibig mo habambuhay."

"Fuck! Dammit! Hell no, baby! Please don't leave me yet. I'm not ready! I will never be ready for this. Don't! Ito na nga ba ang sinasabi ko e... Kasama niyo dapat ako hanggang kabilang buhay..." Hinapit niya lalo ako sa kanya.

"You told me you will win! Dapat ay ako ang sinaksak mo. Dapat ay ako na lang. Huwag mong sabihing nagparaya ka para sa akin... mapapatay ko lalo ang sarili ko. Tine naman..." Pulang-pula na ang mga mata niya, halos mamaga na ang mga ito.

"I won, Val. We won." Umiling-iling siya at napapikit. Niyapos niya ako na parang hindi na ako  pakakawalan.

"Wala man na ako sa tabi mo, patuloy kitang mamahalin. Walang kapaguran. Walang paghinto. Walang hanggan. Araw-araw. Tuloy-tuloy. Lagi-lagi. Parati. Pangako 'yan, hinding hindi kailanman mapapako." Naghihingalo kong sabi pero pinipilit kong sabihin nang normal.

Please... Kaunting oras pa. Huwag muna akong malalagutan ng hininga.

Tumatangis kaming pareho. Iling lamang siya nang iling na parang ayaw niyang tanggapin ang aking pamamaalam.

My heart is racing rapidly. Dahan-dahan pa akong humuhugot ng hinga. "Ang kamatayan ay hindi batayan ng pang-iiwan. Kapag malungkot ka, tatabihan kita. Kapag umiiyak ka, aakapin kita. Kapag nanghihina ka, aakayin kita. Kapag masaya ka, ngingiti rin ako at tatawa kasama mo. Huwag mong isipin na nawala ako kasi hindi iyon totoo. Kung mayroon mang isang bagay na imposibleng lumipas kahit pa sa tagal ng panahon, iyon ay ang pagmamahal ko sa'yo. Kaya huwag kang bibitaw, Val ha?"

"Blaite, I call upon your magic. Make me her guardian. Make her my wizard..." Nangangatal niyang binabanggit muli ang ritual. Ikinakabit niya ulit ang buhay niya sa akin.

"Val, tama na..." Bulong ko. "Sa Golden Pavilion, doon sa ating puno, doon mo ako ilibing ha?" Inuubos ko na lang ngayon ang aking mga luha.

"Souls intertwine, hearts go bind, bloods be on the same line, now until the end of time..." Inaawat siya nina Kierre pero ayaw niya akong bitawan.

"Huwag ka munang maghahanap ng iba ha? Sundin mo 'yung three month rule kundi mumultuhin kita. I want you happy, Val. Please find another happiness... Even if it doesn't include me anymore." I struggled to say these words pero parang hindi naman niya ako pinapakinggan. Iling pa rin siya nang iling at tulala sa aking mga mata.

"Pull us together, push to each other. Today, tomorrow, and forever... Huwag niyo sabi akong pigilan!" Pagtabig niya sa mga humahawak sa kanya. Paos na ang kanyang boses sa kakasigaw at kakaiyak.

I don't want him devastated, broken, and hopeless all at once... Pero wala na akong magagawa. I traded half of Pennelope's wings to the Constellations as compensation. So it will never really work. This is my end. Kailangan niyang tanggapin ito.

"I claim to be her guardian, our lives shall now be just one. Make us one! Bakit hindi gumagana! Pwede pa ito! Tine lumaban ka! Parang awa mo na... Tulungan niyo ako, tulungan niyo kami! Ina, ama! Maibabalik natin siya! Gamutin natin siya. Nagmamakaawa ako, parang awa niyo na..." Siniksik niya ang kanyang mukha sa aking leeg at doon pa ulit umiyak nang umiyak.

Sa digmaang naganap, maraming buhay ang naisakripisyo. Kabilang na doon ang sa amin ni Ina at ni Yuan. Sa hinaba-haba ng aming nilakbay, sa ganitong paraan lamang pala matatapos ang aming sapantahak. At iyon ang sinasabi kong kailanma'y hindi ko matatanggap.

I am actually ready for this. I'm ready for death. Ang hindi ko nga lang napaghandaan ay ang sitwasyong si Valentine pala ang tutuldok sa aking buhay. At kung paano niya dadalhin at tatanggapin ang kinahinatnan ko.

"I will always be captivated by your eyes. Please don't fill it with tears from now on. Fill it with new happiness... new life." Ginamit ko ang huli kong natitirang lakas para hulihin ang kanyang mukha at halikan siya sa labi.

"Hanggang sa muli," I whispered as I take out my one last breath. Maybe we can continue our story in another lifetime.

We are each other's destiny even if I am now walking a different path. Sana ay paniwalaan pa rin niya iyon. At sana, tuparin niya ang kanyang pangako sa akin na magpapatuloy siya sa buhay.

Siya ang nagparanas sa akin ng abot langit na kasiyahan. Siya lang ang nagbigay buhay sa akin at siguro nga baliw na ako pero, ikinasaya ko na rin ngayong siya ang kumuha sa aking buhay. There will be no greater way to end my life. Para sa'kin, siya lamang ang may karapatan sa aking buhay. Sa lahat-lahat.

As I close my eyes, I told myself I have no regrets. This is what the prophecy truly means. That's the truth I have to obey but I cannot ever accept. Kasi marami akong masasaktan, ang mga maiiwan ko.

Ito ang itinakda ng aking mundo. I have two souls. But then Dreyxin's soul was transferred to my baby. Lovenhope is in the prophecy. All evil will disappear through my baby. Napakasaklap. Pilit kong tinatanggap ang katotohanang nalaman ko sa mga bituin pero napakahirap.

That's the truth. And the truth says, I am bound to die to save Magique Fortress.

Totoo rin pala ang sinabi ko dati...

Si Valentine lamang talaga ang simula at katapusan ko.

Continue Reading

You'll Also Like

431K 16.7K 48
SAFIARA ACADEMY BOOK 2: DESTINY'S CHOICE (COMPLETED) EDITED Lady Elafris Hale was a Fiarae trapped in the Human Realm. Isang araw, nagdesisyon siyang...
28.3K 1.3K 38
Nascent Internecine is a war, yet no one knows who will really survive. Welcome to Artesian Academy! Wienerzel Fantasy Series #1 Book cover credits t...
341K 19.1K 56
COMPLETED | TAGLISH | PRS BOOK #1 A Fantasy/Adventure Story ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ Xechateus, a world where Midnight Children reside, exi...
640K 31K 78
Growing up in fear of the wicked empire overruling the entire continent, Blaire Everett endures hiding in the arctic southern region with her family...