Locker 246

By lycopenelover

217K 8.9K 1.8K

Mico Padua is deeply and secretly in love with Tyrone Rivera, an obnoxious, tall, dark and handsome guy from... More

Disclaimer
PROLOGUE
First Chapter - The "Stalker" and the "Gangster"
Second Chapter - Rude Boys
Third Chapter - Ang Kayamanan ng Gangster
Fourth Chapter - Halik
Fifth Chapter - New
Fifth Chapter - New (Part II)
Sixth Chapter - The Deal
Seventh Chapter - Kiss v. 2.0
Eighth Chapter - Y so stubborn, Mr. Gangster
Ninth Chapter - Pakielamerong TJ
Tenth Chapter - Luis
Eleventh Chapter - Mahal kita, mahal mo siya
Twelfth Chapter - Gusto Kita
Thirteenth Chapter - Changes
Fourteenth Chapter - Flashbacks
Fifteenth Chapter - Memories
Sixteenth Chapter - He's 20.
Seventeenth Chapter - Best Birthday Gift Ever
Eighteenth Chapter - The Unexpected Visit
Nineteenth Chapter - Secret Uncovered
Twentieth Chapter - Golden Stars
Twenty-first Chapter - First Night Together
Twenty-second Chapter - Deleted
Twenty-fourth Chapter - It starts...
Twenty-fifth Chapter - Actions say it all
Twenty-sixth Chapter - Apology Gift
Twenty-seventh Chapter - Stalker No More
Twenty-eighth Chapter - Gangster No More
Twenty-ninth Chapter - Congratulations!
Thirtieth Chapter - Gabriel
Thirty-first Chapter - Love(d)
Thirty-second Chapter - Saltikin
Thirty-third Chapter - The Gangster, The Saltikin and Me
Thirty-fourth Chapter - Saltikin <3 Bansot
Thirty-fifth Chapter - Harana
Thirty-sixth - The Night That Changed Everything
Thirty-sixth - The Broken Vow (36.2)
Thirty-seventh Chapter - Yakap
Thirty-eighth Chapter - I Can Feel It
Thirty-ninth Chapter - A Rabbit In A Lion's Den
Fortieth Chapter - The Lion's Secret
Forty-first Chapter - The Rabit's Knights
Forty-second Chapter - Lion Unmasked

Twenty-third Chapter - Galit Ako

4.6K 194 9
By lycopenelover

Para naman ito sa mga #TeamTyronexMico!! Sana magustuhan ninyo! <3

---------------------LOCKER246----------------------

CHAPTER 23

Mico's PoV

Lunes na naman and I started hating Monday nang magsimula ang sem na 'to dahil sa Basketball class ko.

Pero dahil ayokong bumagsak, pinipilit ko talaga yung sarili ko na pumasok sa klaseng to.

At ngayon nga ay hinihintay namin ang varsity players dahil sila ulit ang magtuturo samin.

Naiinis ako dahil bukod sa ang tamad ng instructor namin magturo, makikita ko na naman yung taong gustung-gusto ko ng kalimutan at burahin sa buhay ko. How am I supposed to forget kung maya-maya lang ay nasa harap ko na naman siya at makakausap pa?

Ano bang problema ng tadhana at ganito ang ginagawa niya sakin? Napaka-unfair lang ha.

Ilang minuto lang ay dumating na sila, at siya talaga ang unang-unang natagpuan ng mga mata ko. Ang aga-aga naiinis ako.

"Oh baka may himatayin na naman ha?" paalala ni instructor na ikinatawa ng mga kaklase ko habang nakatingin sakin.

"Wag kasing tatanga-tanga." segunda pa ng kaklase kong babae na naka-full make-up pa. Grabe, anong akala niya beauty contest ang gagawin namin?

"Ikaw kaya yung mukhang tanga dyan sa make-up mo." nainis naman siya sa sinabi ko at aktong susugurin na ako nang pigilin siya ng instructor namin. Nagtawanan din yung mga kaklase ko sa sinabi ko.

"Tama na yan. Sige na, pumunta na kayo sa kanya-kanya niyong partner! One..two.." inirapan niya na lang ako.

Ewan ko ba, dahil na rin siguro sa inis kaya nasabi ko yun. Oh well, I believe she deserved that.

Nagulat ako dahil lumapit sakin si Luis at hindi ko inexpect na nandito rin siya. Hindi ko siya napansin kanina.

"Hey! Morning." bati niya sakin. And just like that, naglahong parang bula yung inis ko.

"Oh hi! I didn't notice youre also here." bati ko rin sa kanya at ngumiti.

"You really wouldn't notice me coz youre too busy looking at him." ngumiti siya pero alam kong peke yun.

Hindi naman ako makasagot. Napakamot lang ako sa ulo. Tinapik niya naman ako sa balikat.

"Well that's okay. I understand. You've been doing it for too many years, I can't expect you to get over it in just a week." aniya at ngumiti, this time, totoo na yung ngiti niya kaya ngumiti na lang rin ako.

"I heard he's your partner." kinuha niya yung hawak kong bola.

"Ahh...yeah."

"You know, I can go and ask coach if I can be your partner."

"Really? You can do that?"

"Yeah, but I'm not just sure if he'd allow it. Wait, I'll try." iniwan niya ko para lumapit saglit kay instructor na tamad magturo. Nagusap sila at ilang saglit pa ay bumalik si Luis at mukhang hindi pumayag si instructor dahil sa hitsura niya ngayon habang naglalakad palapit sakin.

"Guess he said no?" tumango lang siya sa tanong ko. "It's okay. I just have to bear with it for an hour and a half. Go to your partner na. I'll be fine." nagpalitan lang kami ng ngiti at lumapit na sa kanya kanya naming partner.

Nasa gitna siya ng court at nagpapractice magshoot. Hindi niya pansin na nakalapit na ako sa kanya kasi nakatalikod siya sakin.

"Hoy." napalingon siya sakin at mababakasan ang gulat sa tinawag ko sa kanya.

Ako rin nagulat sa sarili ko. Pero siguro okay na rin to. Baka sakaling makuha ko yung tagumpay na makalimutan siya kapag pinilit kong magalit sa kanya. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko, diba?

Napadako yung tingin niya sa buhok ko.

"Hoy ka rin." aniya at shinoot yung bolang hawak niya. Sinundan ko naman ng tingin yung bola at muntik na kong mapa-wow nang pumasok ito sa ring. Buti na lang napigilan ko.

We're like 3 meters away from the 3-point borderline pero nagawa pa rin niyang ishoot yun?

Hep. Mico, calm yourself. Stop admiring him. Basketball lang yan, and you hate basketball right? Tama! Yan, breathe in, breathe out. Kumalma ka.

I maintained my poker face.

"Magstart na tayo." monotone kong sabi.

"Nagwarm up ka na ba?" monotone niya ring sagot at hinarap ako.

"Kailangan pa ba yun? Magstart na tayo para matapos na to." I'm doing it right, right?

Akala ko magsstart na kami pero bigla siyang nagstretching for warm up. Pinanood ko lang siya, kung pano nafeflex yung muscles niya sa braso habang nagsstretch siya, they look so strong.

Okay, eto na naman ako. Mico, calm yourself. Eh ano kung ang strong tingnan ng mga braso niya? Galit ka sa kanya, okay? Braso lang yan.

"Gayahin mo ko. Magwarm up ka." aniya habang patuloy na nagwawarm-up.

Hindi ko siya sinunod. Nanatili lang akong nakatayo.

"Ayaw mo? Okay. Hindi naman ako yung magkaka-singko eh."

"Eto na nga, magwawarm up na. Wala namang sinabing ayaw eh. Napaka." dahil sa phobia ko sa grade na 3 o 5, nagwarm up na rin ako.

"Napakagwapo? Tsk. You need not say what's too obvious." ginaya ko lang yung ginagawa niya.

"Hinde. Napakahambog. Feeling ka dyan."

"Napaka mo rin." napatingin tuloy ako sa mukha niya, "Napakalampa. Nag-almusal ka ba? Ano bang klaseng warm-up yan?"

"Ginagawa ko yung best ko kaya pwede ba?" pinamewangan ko siya.

"Best?" tumawa lang siya nang mapang-asar.

Kinuha ko na yung bola at nag-dribble.

"Magsimula na nga tayo." naging mabilis naman yung kilos niya at inagaw sakin yung bola. Nalanghap ko yung mabangong hangin na umihip nang dumaan siya sa gilid ko.

'Eh ano kung mabango siya, Mico? Mabango din si Luis, diba? Oo. Tama. Galit ako.'

I turned around para tingnan siya. Nagdidribble siya ngayon habang nakatingin sakin.

"Ako ang masusunod. We won't start until I say so. Naiintindihan mo?" seryoso siya kaya parang nahipnotismo akong tumango.

"Footwork muna tayo. Ganito." he slowly demonstrated kung pano yung footwork na sinasabi niya.

Ginaya ko naman and I suddenly felt proud of myself dahil nagawa ko.

"Mani lang pala eh."

"Wag ka munang magyabang. Basic pa lang yun. Ngayon ganito naman." bagong pagkilos naman ng mga paa yung dinemo niya at medyo mabilis na.

"Pwede pakibagalan? Masyadong mabilis eh."

"Magfocus ka kasi! Psh." inulit niya naman at medyo binagalan. I tried it at nagawa ko naman. Tinry ko rin yung mabilis at napatalon ako sa tuwa dahil nagawa ko.

"Tuwa ka na nyan?" aniya na nakataas ang isang kilay. Tinaasan ko lang rin siya ng kilay.

"Edi matuwa ka rin kung naiinggit ka."

Hindi niya na pinansin yung sinabi ko. Kinuha niya na yung bola.

"This time, dribbling naman. First, dribbling in place." nagdribble siya nang nakastay sa pwesto niya at mukhang namang madali tingnan kaya ginawa ko na.

"Sisiw." aniko habang pinapatalbog yung bola.

"This time, sabay naman, magdribble ka habang ginagawa mo yung footwork number 1." and he demonstrated kung paano. I felt my heart melted because of the way he moved, ang guwapo niyang tingnan.

'Hep! Hep! Mico, ano ba? Galit ka nga diba? Nakakainis ka na ha!'

"Oh ano na? Try mo na."

"A-Ah...eh..sige." sinubukan ko kaso nalilito ako pag pinagsabay na. Napalayo tuloy yung bola tapos mukha sigurong zombie yung footwork na ginawa ko.

"Haha. Hindi kasi ganyan." napatingin ako sa kanya, did I just hear him laugh? "Try mo ulit."

"O-Okay."

'Puso pwede bang kumalma ka? Tumawa lang siya! What's the big deal with that? Wag kang magpadala sa tawa niya. Isipin mo yung ginawa niyang pagtapon sa basura nung regalo mo sa kanya. Magalit ka.'

Inalala ko yung moment na yun at umepekto naman.

Kinuha ko yung bola at muling sinubukan. Nagfocus ako at nagawa ko naman.

"Sige, okay na yan. Passing and receiving naman. Make sure na kapag pinasa mo yung bola, you put your force on your arms and hands. At kapag ni-receive mo naman siguraduhin mong hindi lalambot lamot yang mga daliri mo kung ayaw mong mabalian. Gets?" tiningnan ko lang siya. "Sige try natin. Wag mong iilagan, saluhin mo." nakaready na siyang magpasa nang biglang may tumamang bola sa likod niya. Malakas siguro yun kasi napahakbang siya tsaka ang lakas ng tunog.

"Oops." dinampot ni Luis yung bola. "Sorry." aniya at ngumiti kay Tyrone, wait. Tingin ko hindi ngiti yun, it was more like a smirk. Hindi ganun ngumiti si Luis.

Kinawayan naman niya ako bago bumalik sa partner niya.

"Gag* yun ah." dinig kong bulong ni Tyrone. Nasaktan kaya siya? Tsaka sinadya kaya yun ni Luis? Hindi naman siguro. Marami kasi talaga kaming nasa court ngayon kaya posibleng mangyari yun.

"Nasan na nga ba tayo?" tanong niya. Gusto ko sana sabihing 'Nasa court parin' kaso ang dark bigla ng expression niya kaya wag na lang.

"Passing and Receiving."

"Sige subukan na natin. Pumosisyon ka na." Panong position? Wala naman siyang tinuro eh. Bahala na nga. Kung anong posisyon lang ginawa ko. Eh malay ko ba, diba?

"Hindi ganyan." lumapit siya sakin at sa sobrang lapit ay nalalanghap ko na naman yung nakakaadik niyang amoy. Hinawakan niya yung magkabila kong balikat at binend niya yung mga binti ko gamit yung paa niya. "Uulitin ko, hindi dapat lalambot lambot yung mga daliri mo kung ayaw mong mabalian." tango lang ang naging sagot ko dahil tiyak na mauutal na naman

ako kapag sinubukan kong magsalita habang ganito kalapit ang mga katawan namin.

Tumalikod na siya at bumalik sa pwesto niya, mga isang metro ang layo sa kinatatayuan ko.

"Okay ipapasa ko na. Ready?" tumango lang ulit ako.

And so he passed the ball at napaaray na lang ako nang parang nabali yung buto sa kanang hinliliit ko.

"Aaaaw." daing ko habang hawak hawak ng kaliwang kamay ko yung daliri ko.

"Sabi na kasing wag lalambut-lambot eh." ani Tyrone habang lumalapit sakin. "Patingin nga." inagaw niya yung kamay ko at hinawakan yung hinliit ko. "Tsk tsk. Masakit ba?" dahan-dahan niyang tong inikot. Nakatingin lang ako sa mukha niya at parang nakalimutan ko sandali yung sakit.

This can't be. Binawi ko yung kamay ko.

"Okay lang ako." tumalikod ako sa kanya at tiniis yung sakit. "Iinom lang ako." naglakad ako papunta sa bleachers kung nasan yung bag ko.

Naglalakad ako nang biglang may humablot ng braso ko.

"Hindi yan okay." seryoso siya nang tingnan ko yung mukha niya.

"Okay nga lang!" I shrugged his hand off my wrist at nagpatuloy sa paglalakad.

Bigla namang may tumamang bola sa kamay kong nabalian.

"A-Aaw." muling pagdaing ko sa sakit.

"Sorry." ani ng kaklase ko habang dinadampot yung bola.

"Akala ko ba okay lang?" napalingon ako sa kanya na nasa tabi ko na pala.

"Oo masakit!! Sobra!! Pero ano bang pakialam mo?!" hahakbang palang ako nang..

"May paki ako!" nagulat ako kasi medyo malakas yung boses niya, buti nalang busy lahat kaya walang nakapansin.

"At kelan ka pa natutong mangialam sa isang baklang lahat gagawin makuha lang yung gusto nila?!"

"May paki ako dahil una, ako ang may kagagawan niyan. Pangalawa, sakin ka pinagkatiwala ni coach. Kaya akin na hihilutin ko yan."

I looked into his eyes. They have a slight touch of brown in them. They're like a deep ocean na talaga namang malulunod ka kapag natitigan ka.

"Hindi na kailangan. Kaya kong masahihin to mag-isa." umakyat na ko sa mga bleachers at naupo sa tabi ng bag ko.

"Bahala ka sa buhay mo!" aniya at umalis.

Sinundan ko naman siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng gym.

I'm doing it right, am I not?

I must not let his insincere gestures get to me again. Ayoko ng umasa. Pagod na ko kaya tama na.

Minasahe ko yung daliri ko hanggang sa maging medyo okay na ulit kaya bumalik na ko sa court at nagpractice mag-isa.

Nagshushoot ako kaso hindi naman pumapasok. Kung hindi kapos, sa board tatama. Nakakafrustrate.

"Bakit nagpapractice ka na naman? Diba nabalian yung daliri mo?" napalingon ako sa likod ko.

Bakit bumalik pa siya? Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa pagshoot ng bola.

"Kinausap ko na si coach kung yung grade mo lang yung inaalala mo." napatingin ulit ako sa kanya. "I told him na it was my fault kaya pwede ka ng hindi muna magpractice."

Inagaw niya yung bola sakin.

"Akin yan." inagaw ko pabalik yung bola kaso naiwas niya agad.

"Pumunta ka na lang muna sa clinic." hindi ko pinansin yung sinabi niya, nagpatuloy ako sa pag-agaw nung bola.

"Ayoko. Akin na sabi yan." naiwas niya na naman.

"Ang kulit mo rin talaga eh, ano?"

"Ikaw ang makulit! Akin na yang bola."

"Ayoko nga. Agawin mo kung maaagaw mo." tinaas niya yung bola kaya nagtatalon ako kaso hindi ko maabot dahil masyadong mataas.

"Akin na sabi eh!! Ano ba?!"

"Agawin mo." nagdribble siya palayo. Hinabol ko naman siya kaso parang pinaglalaruan lang niya ako. Ang bilis niyang kumilos kaya hindi ko maagaw yung bola.

"Tyrone ano ba?!"

"Agawin mo nga sabi."

Para na kaming mga tanga na naghahabulan. Hanggang sa biglang may tumamang bola sa mukha ni Tyrone. Sa sobrang lakas ng pagtama ay natumba siya at napahiga sa semento.

"TYRONE!" may tumutulong dugo sa ilong niya. Nagkumpulan naman yung mga estudyante paikot samin. Dinilat niya yung mga mata niya at tumayo. Inalalayan ko siya.

"Dumudugo yung ilong mo." pinunasan niya gamit ang kamay yung dugo.

"Sinong naghagis nung bola?!!!" galit na galit siya. Humawi naman yung mga kaklase ko and there was Luis, standing and smirking to him.

"Ikaw?!!"

"Didn't do that on pur--" bago pa man matapos ni Luis yung sasabihin niya ay tumama na ang kamao ni Tyrone sa panga niya na ikinatumba nito.

Nagkagulo ang mga babae at nag-awat naman yung mga varsity players.

"F*UC*K YOU!!" tatlo yung umaawat kay Tyrone pero nagawa niya paring makatakas sa mga ito pero agad naman siyang naharang ng iba pang players.

"That's enough, TJ! He said he didn't do that on purpose!" si Jet pala yung humarang sa kanya.

"I'M GONNA KILL THAT F*VCKING @SSH0L3!!"

May biglang pumito na guard at umawat na rin.

"Anong kaguluhan to?!" nakita niya si Luis at Tyrone na parehas duguan. "Kayong dalawa, sa dean's office! Ngayon na!"

"Hindi na kailangan, Bert." napalingon lahat kay instructor/coach. "Ako ng bahala sa dalawang yan. Mga arki, dismissed na kayo."





Tyrone's PoV

"You are supposed to be a team!!" sermon ni coach. Nandito kaming tatlo ngayon sa stock room na punum-puno ng ibat ibang equipments. "Pero ano to?! Kayo pa mismo ang magpapatayan?!" tiningnan ko nang masama yung gag*, nakatingin lang siya kay coach na parang alien ito.

"As your punishment, you will clean this room and you will not play for the upcoming season opening!"

"Pero--/But--" sabay pa kaming magrereklamo kaso hindi na natuloy.

"This is your punishment! And while cleaning this room, reflect upon your stupid and childish actions!! If I caught you two fighting again, you'll be both off the team, understood??!?!! I don't need boxers in my team!" ani coach at lumabas na "And don't close the door! It's broken, okay?" pahabol pa nito.

"This is all your fault!" agad ko siyang sinisi.

"Dude, why can't you understand it? I didn't do that on purpose?"

"Yeah? Do you expect me to believe a f*cking bastard like, fortunately, you?"

"Can't you just, for once, stop being stupid?"

"F*ck you! Maglinis ka mag-isa mo!"

"Where are you going? We still need to clean this room!"

"Go clean by yourself!"

"That's great. I'd be happy to tell coach that you left, and I'd be so glad to have you off of the team."

Sa sobrang inis ko, sinipa ko na lang yung kung anong nasa harap ko. Sinimulan niya ng iarrange yung mga bola.

Hinati namin yung kwarto para pantay yung lilinisin namin. Mabilis niyang natapos yung side niya. Katulong yata to sa bansa nila e.

"Sh*t." napapamura na lang talaga ko dahil sobrang maalikabok.

"I've done my part. I gotta go."

Naiwan akong naglilinis dun. Puro alikabok na ko tapos ang init-init pa. Wala pang ilaw. Nakakaput@ngina lang talaga.

Napalingon ako sa bukas na pinto nang may kumatok.

"Nasan si Luis?"

"Nakikita mo ba dito?" pumasok naman siya at hinanap yung hinahanap niya.

"Sabi niya kasi nandito daw siya, eh."

"So? Nakikita mo nga dito?" inirapan lang ako nito. Psh. Baklang-bakla e.

Naglalakad na siya palabas nang biglang lumakas yung hangin sa labas at sumara yung pinto.

"Hala." aniya habang pinipihit yung doorknob. "Bakit ayaw bumukas? Bakit nakalock?"

"Ha? Bakit mo nilock?" napatakbo naman ako sa pinto. "Tabi." nagbigay daan naman siya. Pinihit ko yung doorknob kaso ayaw. Ayaw ngang bumukas.

Kinalampag ko nang kinalampag yung pinto.

"May tao ba dyan?" tanong ko habang patuloy na kinakalampag ang pinto. "Sh*t." walang sumasagot.

"Bakit ayaw bumukas?" tanong ng kasama ko.

"Hindi ko rin alam." this time ay sinisipa ko na yung doorknob kaso ayaw talaga. "Sh*t. Sh*t." naghanap ako ng pwedeng ipang sira sa door knob kaso walang ibang bagay na nandito kundi mga bola, flaglets.

"May phone ka?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Teka." dumukot siya sa bulsa niya. "Ay empty battery na nga pala. Ikaw, yung phone mo?"

"Wala, nasa bag ko."

"Nasan bag mo?"

"Nasa locker."

"Ha? Eh pano na tayo ngayon niyan? May klase pa naman ako."

"Baket ikaw lang ba?" pinaghahampas niya yung pinto at sinubukan pang gibain sa pamamagitan ng paghampas ng katawan niya dito.

"Tulong! Tulungan niyo po kami!"

"Useless yan." napatingin siya sakin. "Kita mong hindi ko nga nakaya kanina, ikaw pa kaya? Tsaka, walang makakarinig sayo. Walang pumupunta dito. Hanggang loob lang sila ng gym."

Nasa likod kasi ng gym tong stock room kaya wala talagang napapapunta dito. Kaya nga ganito karumi kasi kahit janitor hindi pumupunta dito.

"So ibig sabihin, dito na tayo forever?"

"OA mo naman. Anong forever? Walang forever. Maghihintay lang tayo hanggang sa may taong maligaw dito."

Pinagpatuloy ko na yung ginagawa kong paglilinis. Nagumpisa na naman siyang magsisisigaw.

"TULUNGAN NIYO PO KAMI!!! MAY TAO PO DITO!! TULONG!!! TULO--" bigla naman siyang suminghot tapos narinig ko na lang na humihikbi na siya.

"Walang magagawa yang pag-iyak mo."

"Bakit sa dinami-rami ng pwedeng makasamang makulong dito ikaw pa! Huhuhuhu." sigaw niya.

"Tumigil ka nga dyan!"

"Huhuhuhuhuhuhuhu." lalong lumakas yung iyak niya. Ano ba yan. Ganto ba talaga to? Hindi ako makapaniwalang nagka-- ah basta. Ang ingay niya. Ang sakit sa tenga.

"Hoy ano ba! Ang sakit sa tenga ng iyak mo!"

"Huwaaaaaaaaaahuhuhuhuhuh." napatakip na lang ako ng tenga at hinintay na mapagod siya kakaiyak.

Matagal bago siya tumigil. At nang humupa yung paghagulgol niya, sobrang tahimik naman niya. Tiningnan ko kung anong ginagawa niya. Nakaupo na sa sahig at nakatulala.

Hala, nabaliw na yata.

"Huy, okay ka lang?" lumapit ako sa kanya. Tumingala naman siya para tingnan ako.

"Ang sama-sama mo." bulong niya ngunit sapat na upang umabot sa aking pandinig at kumislap ang isang luhang dahan-dahang tumulo mula sa mata niya.

*******

Bitin, right? Haha.

Comments. Votes. Reactions. I appreciate the 7k reads guys! Sobrang nakakataba ng puso't kaluluwa. Lol. No, really. Thank you for your support to my story. <3

Muaaaps :*

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...