The Day We've Met (BoyxBoy) [...

Od OneIVTree

69.7K 1.7K 171

when the day we've met it turns out to be the most precious moment in my life Více

TDWM: Chap 1
TDWM: Chap 2
TWDM: Chap 3
TDWM: Chap 4
TDWM: Chap 5
TDWM: Chap 6
TDWM: Chap 7
TDWM: Chap 8
TDWM: Chap 10
TDWM: Chap 11
TDWM: Chap 12
TDWM: Chap 13
TDWM: Chap 14
THE DAY WE'VE MET { finale }

TDWM: Chap 9

3.4K 104 9
Od OneIVTree


Timmy

" psst Timmy? " ituloy mo lang ang paglalakad Timmy wag kang lilingon, kapag napalingon ka for sure mamalasin ka na sa buong araw mong ilalagi dito sa school.


" oy ano ba kanina pa kita tinatawag ah! " mas binilisan ko ang paglalakad pero dahil matangkad sya at mahaba ang mga biyas mabilis nya lang akong nasusundan, hanggang sa mahawakan nya yung balikat ko at iharap sakanya, pasalamat sya at nanghihina ako kundi makakatikim ulit sya ng panunuhod.

" ano bang problema mo " ewan ko kung bakit mukha syang imbestigador habang sinisipat yung bawat parte ng mukha ko, " bitawan mo nga ako, baka mamaya malate pa ako dahil lang sa walang kwentang gaya mo " inalis ko yung kamay nya sa balikat ko at naglakad na paalis pero hindi pako nakakalayo ay naiharap nanaman nya ako sakanya,


" teka namumula ka oh " hinawakan nya yung noo ko at leeg pero inaalis ko lang iyon kasi nakakairita sya " teka ang taas ng lagnat mo ah, tara sa clinic " nabigla ako ng hawakan nya yung kamay ko at hatakin pero hinampas ko yung kamay nya para alisin ito sa pagkakahawak sakin,

" pwede ba layuan mo nga ako, papasok na ako " naglakad na ako paalis pero binuhat nya ako ng para bang newly wed kami, " iba mo nga ako " nagwala ako habang buhat buhat ako kaya binaba nya ako,

" ano bang problema mo ikaw na nga tong alalayan papunta sa clinic " sigaw nya sakin, natawa nalang ako dahil sa inaarte nya.

" bakit humihingi ba ako ng tulong sayo na magpapunta sa clinic, atsaka tinatanong mo ako kung anong problema ko? ikaw! ikaw ang problema ko since nung nakilala kita nagkanda letche letche na tong buhay ko kaya please layuan mo nalang ako " tinulak ko sya ng malakas at naglakad na paakyat,

pero hindi pa ako nakakaapak sa first step ng hagdan ay nabuhat nanaman nya ako, pero ngayon hindi ako makapalag dahil sobrang higpit ng hawak nya sa balikat at sa paa ko, " paano ako lalayo sa nagbibigay kulay sa buhay ko " bulong lang yun pero sakto lang na madinig ko, at talagang nagpabilis iyon sa pagtibok ng aking puso.

------------------------------------------------------


Johnny

" nasan na ba yung nurse dito " kanina pa ako nababadtrip dahil hindi pa maasikaso si Timmy sobrang taas pa naman ng lagnat nya, san ba nagsusuot yung nurse nayon! dahil sa sobrang inis ko ay pinagtutumba ko yung mga upuan.


" hoy ano bang ginagawa mo dyan " huminto ako sa pagwawala at pinahiga ulit si Timmy, hinamas himas ko yung ulo nya dahil nung bata ako ay ito lagi ang ginagawa ni mama kapag masama ang pakiramdam ko.


" tigilan mo nga yan " hinampas nya lang yung kamay ko, sakto naman ang pagpasok nung nurse. lumapit ito samin tinignan ko lang sya ng masama.


" san ka ba pumunta ha? tignan mong may pasyente ka dito eh, kung ipasara ko kaya tong clinic na to " kinurot ni Timmy yung tagiliran ko at sinamaan nya lang ako ng tingin,

------------------------------------------------------

Timmy


" dahil nakainom ka na ng gamot mabilis nalang baba yang lagnat mo, basta matulog ka lang ha. sige maiwan kuna kayo " nagpasalamat ako sa nurse at humiga ako ng maayos pero sakto pagtagilid ko ay nakita ko si Johnny na sitting pretty sa gilid ng kama ko at pinagmamasdan ako, naalala ko nanaman yung binulong nya kanina kaya na conscious ako sa mga tingin nya,


" wag mo nga akong tignan at nakakainis! atsaka bumalik kana sa classroom kaya kuna sarili ko " pinikit kuna yung mata ko pero napadilat din ako dahil sa panghihimas nya sa uluhan ko,


" matulog kana dito lang ako sa tabi mo kahit ipagtabuyan mo ako, baka mamaya may kailanganin ka sinong tutulong sayo hindi naman kita ipapaubaya sa tsismosang nurse nayan " tinakpan ko yung bibig nya dahil baka marinig pa sya nung nurse mapaalis pa kami dito.


" kaya ko na sarili ko, atsaka baka mamaya magkasakit pa ako ng mas malala ikaw nga ang dahilan at yung mga kasama mong mokong- - " hindi pa nya ako pinatapos pero tumayo ito at bakas sa mukha nya na parang nangigigil ito, " hoy san ka pupunta " tatayo sana ako pero hiniga nya lang ako at tumakbo paalis. bigla nalang kumirot yung ulo ko kaya hindi kuna sya sinundan pa,


------------------------------------------------------


Johnny



nasan ba yung room nung tatlong loko lokong yun, kanina ko pa nililibot yung building hanggang dun sa cr na pinagkakitaan namin pero wala padin sila. san ba tumatambay yung mga mokong nayon, kapag nakita ko talaga sila babalian ko yung mga yun.


" huli kayo balbon " sakto pagliko sa papuntang canteen ay nandun ang tatlong mokong at mukhang happy happy pa sila.

" yung nambugbog satin! " isa isa silang nag atrasan hanggang sa tumakbo sila pero nahuli ko yung dalawa, pinag untog ko sila ng pinag untog hanggang sa matumba sila.

" boss nag sorry na kami, tinanggap naman nya bat mo pa kami binalikan "

" oo nga boss, mukhang hindi na sya galit "


" oo sainyo hindi pero sakin galit na galit, kung hindi nyo kasi ginawa yung katarantaduhan nyo hindi sana ako nadamay. sumama kayo sakin ipaliwanag nyo sa harap nya na wala akong kinalaman sa kagaguhan nyo " tumayo agad sila at sumunod sakin,


" teka dyan muna kayo sa harap ng clinic may bibilhin lang ako " dumaan muna akong canteen para bilhan sya ng makakain, for sure pag gising nun gutom na sya.

------------------------------------------------------

Timmy

nagising ako dahil sa may humihimas sa pisngi ko, pag mulat ko saktong ang lapit ng mukha ni Johnny sakin kaya kinuha ko yung kamay ni Johnny sa pisngi ko at hinampas sa mukha nya.

" ano nanaman bang ginagawa mo dito ha! " sinandal ko yung likuran ko sa may pader, may kinuha naman si Johnny sa likuran nito isang buong plastic na may lamang mga makakain.

" oh ayan dinalhan lang naman kita ng pagkain baka ka kasi gutumin ka, hoy mga lokong gunggong pumasok na kayo " pumasok yung dalawang lalaki na nakilala ko, sila yung dalawang kasama ni Johnny nung mabuhusan ako ng tubig na malamig sa banyo.


" anong ginagawa nyo dito ha! pag titripan nyo nanaman ba ako ha! " kinuha ko yung unan ko at akmang ihahampas sakanila pero pinigilan ako ni Johnny,


" hoy magsalita kayo " pinagbabatukan nya yung dalawa. sabay naman silang dalawang lumuhod sa harap ko,



" boss, kami lang talaga yung may kasalanan nun hindi talaga sya kasama "



" oo boss. nagbibihis lang si boss Johnny nun hindi lang namin sya pinalabas kasi baka sya yung mabuhusan kaya ayun, please boss sorry na talaga patawarin mo na si boss Johnny "



" anong gusto mong gawin ko sa dalawang ugok na to ha? " inangat ni Johnny yung dalawa gamit lang yung paghatak sa kwelyo nila.




" bitawan mo nga sila. sige na sige na naniniwala na ako umalis na kayo " mukha namang nanalo sa lotto yung dalawa sa sobrang tuwa. pinaalis naman na sila ni Johnny akma na akong hihiga pero biglang tumabi sakin si Johnny at inakbayan ako, pilit ko mang alisin pero binabalik nya lang din kaya hindi kuna inalis dahil napapagod na ako.




" so okay na ba tayo " napasinghap lang ako at nahiga, itatayo nya sana ako pero umacting ako na nasaktan kaya inalalayan nya lang ako mahiga. " sige pahinga kana " hinamas himas nya ulit yung uluhan ko pero hinayaan kuna lang dahil nakakaantok yung ginagawa nya.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

2.1M 60.7K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
101K 2.6K 52
What will you do if you end up in someone else body?
771K 27.1K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
628K 22.6K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...