I hate her because I love her...

By SerialBruh

324K 6.7K 794

What do you do when the one person you want comfort from the most is the one who caused your pain? How can I... More

I Hate Her Because I Love Her- PROLOGUE
Chapter 1: Who the hell is Dennise?!
Chapter 2: About Denden
Chapter 3: MEGAPHONE
Chapter 4 : She's Dating Denden Lazaro
Chapter 5 : GiRLFRiEND?!
Chapter 6: I CAN'T STAND HER!
Chapter 7: Jealous?
Chapter 8: FLATscreen
Chapter 9 : Date?
Chapter 10 : I'll help you..
Chapter 11 : Kiss
Chapter 12: Babyly & Babyden
Chapter 13: Maybe
Chapter 14: TSS
Chapter 15: Run away
Chapter 16: Placard
Chapter 17: Wanna Play?
Chapter 18: We Broke Up
Chapter 19: Necklace
Chapter 20: I like this girl
Chapter 21: I hate you
Chapter 22: Rain
Chapter 23: Liar
Chapter 24: First
Chapter 25: Changed
Chapter 26: With her
Chapter 27: Welcome home
Chapter 29: Jealous
Chapter 30: Something Wrong
Chapter 31: Slowly breaking
Chapter 32: Fragile
Chapter 33: Letting go
Chapter 34: Christmas fair
Chapter 35: Pain
Chapter 36: Still
Chapter 37: Too Painful
Chapter 38: Connected
Chapter 39: Don't go
Chapter 40: What should I do?
Chapter 41: Confuse
Chapter 42: Friendzoned
Chapter 43: I need YOU
Chapter 44: Again..
Chapter 45: She's suffering
Chapter 46: Love is Sacrifice
Chapter 47: Truth
Chapter 48: She knows
Chapter 49: Birthday gift
Chapter 50: Please..
Last Chapter
AUTHOR'S UPDATE

Chapter 28: Happiness

3.8K 101 14
By SerialBruh

Chapter 28: Happiness

DENDEN'S POV

Lumabas narin ng banyo si Aly at Fille, holding hands pa ha! Naks.

Habang papalapit silang dalawa napansin kong medyo malungkot yung mukha ni Fille. Ano ba kasing meron? Anong nangyari sa loob ng CR? Ano bang alam nila na hindi ko alam? Ano ba yung tinatago nila sakin?

Tumayo ako,"Anong nangyari?" Napatingin si Fille kay Aly.. ano balak pa nilang itago sakin?! "Anong nangyari?! Bakit ayaw niyong magsalita?"

Napayuko si Aly tapos si Fille tumingin sakin,"She's 8 weeks pregnant.."

Napatingin si Aly kay Fille,"FILLE!" Humarap siya sakin,"Sorry.." tapos naglakad siya papunta sa bench na inuupuan ni Ella.

"Pa.. no.. ba.. kit.. ni..lo..ko.. niya.. ko..?" Paputol putol yung salita ko. Hindi ko alam kung pano sasabihin yung gusto kong sabihin. Buntis?! Tama diba? Tagalog ng PREGNANT, BUNTIS?! Wth. SINONG TATAY?!

Niloko niya ko..

"Hey! I was just JOKING!" natawa sila Gretch at Bang. Pinatong ni Fille yung kamay niya sa balikat ko,"Joke."

Naiwan ako doong nakatayo. Nakatulala. A JOKE? Tsk. Hindi nakakatuwa yung joke na yun! Halos atakihin ako sa gulat nung sinabi niya yun eh! The fvck. Ganun naba joke ngayon? Sasabihin nila bigla buntis yung girlfriend mo?! Jusko lord!

Lumapit sakin si Mika tapos inakbayan ako."Okay ka lang ba?"

Tumango ako tapos ngumiti,"Buti naman at napilit ka nila Bang na bumalik ka dito. Matutupad na yung deal natin na dapat sabay sabay tayong gagraduate sa school nato. " inakbayan ko rin siya.

"Maiiwan ko ba ang Beshies and Friends? Malamang hindi diba?"

Nagtawanan kami tapos umakyat na kaming pito sa classroom, habang paakyat kami nakasalubong namin si Myco. Nagkatinginan kaming dalawa, ngumiti nalang  ako sakanya tapos hinawakan ko yung kamay ni Aly. Napansin kong napatingin siya sa kamay namin kaya umiwas nako ng tingin sakanya.

Pagdating namin sa classroom umupo na agad ako sa upuan ko.

"Kailangan kitang makausap.. mamayang uwian. Magkita tayo dun sa dating lugar.. hihintayin kita."

Ano kaya yung sasabihin niya sakin? Importante ba yun? Pwede naman niyang sabihin sakin yun kanina kung ganun ka-importante yung bagay na yun eh, pero hindi niya agad sinabi. Bahala nalang kung ano magiging desisyon ko mamayang uwian!

**

Dismissal na, hindi ko parin alam kung anong desisyon ko.

Lumabas ako at naglakad palapit kay Aly, nag aayos siya ng locker niya habang kausap si Bang. Pinagmamasdan ko lang siya..

Habang tumatagal.. mukhang hindi ko na kayang mawala si Aly sa tabi ko. Dahil sakanya, nakalimutan ko lahat ng  galit ko sa past, napapakita ko na yung tunay na Denden, naging masaya ulit ako at dahil sakanya natuto ulit akong magmahal at magtiwala sa taong mahal ko.

Mygosh! ANG CHEESY!

Hindi ko mapigilang ngumiti habang tinitignan ko siya, siguro iniisip nila nababaliw nako.. siguro nga. Pero mas mababaliw ata ako pag nawala siya sa tabi ko.

Hinampas ako ni Mika sa may balikat,"Hindi halatang masaya ka ah? Tama na yan! Natutunaw na si Aly!" Siniko ko siya,"Alyssa! Si Denden kanina kapa inaantay!" Napatingin samin si Aly tapos ngumiti.

"Bitch ka talaga! Hindi ka parin nagbabago!"

"Whatever! Nagbago kaya ako! Hindi moba napansin? Mas maganda na kaya ako sayo!" tinaasan niya pako ng kilay. Tumawa kaming dalawa sa inasal niya."Sige mauna nako." Kumaway siya sakin habang paalis.

Nilapitan nako ni Aly tapos bumaba na kami ng building. Bigla siyang humawak sa braso ko, unconciously, napangiti ako. Sa totoo lang.. masaya talaga ako at nakilala ko si Aly. Palagi ko na atang sinasabi yun eh, pero seryoso ako. Masaya talaga ako at nakilala ko siya.

Ihahatid ko na siya sa bahay nila, habang papalapit kami ng papalapit naiisip ko na magkakahiwalay na naman kami at bukas ko nanaman siya makikita. Parang ang bilis masyado ng araw ko pag kasama ko siya.

Tama nga sila,'Time flies when you're happy.'

Dumating na yung oras na magkakahiwalay nanaman kami, bumitaw na siya sa braso ko tapos humarap sakin,"Sige, pasok nako.. ingat ka sa pagpunta mo sa work, okay? Tawagan mo nalang ako pagkauwi mo pag hindi hassle.." nagsmile siya tapos tumalikod na.

Ayoko pang magkahiwalay kami kaya hinawakan ko yung kamay niya,"Gusto mo bang.. sumama sa work ko? Para naman ganahan ako magtrabaho."

Sana pumayag siya.. pumayag ka!

Humarap siya sakin tapos ngumiti,"Akala ko hindi mo na itatanong yan eh. Pasok ka muna, magsho-shower lang ako."

Binuksan nung yaya nila yung gate tapos pumasok kaming dalawa sa loob ng bahay. Tahimik yung bahay nila, wala ata si Nicko.

"Kuya's not home, I think he's with our uncle."

"Ahh."

Ohmy.. wala yung kuya niya.

"You wanna wait here, or in my room?"

"HA?!" nagsmile siya sakin. Sinabi niya bang sa room niya? Her room..

"Halika, dun tayo sa kwarto ko."

Teka, bakit bumibilis ata heartbeat ko? Nakapasok nako sa room niya dati eh. So wala ng problema kung papasok ulit ako. Saka aantayin ko lang naman siyang matapos ma..li..go..

Omg nagiging perv na ata ako!

Pagpasok namin ng kwaryo niya, nilagay niya agad yung bag niya sa may table sa tabi ng PC niya.

Tsk. Ano ba siya! She's fvcking teasing me!

"Upo ka muna." Umupo ako sa may sofa tapos umupo siya sa may bed niya,"Ayaw mo tumabi sakin?"

Napanganga ako sa sinabi niya. Wth. Ano ba tong nangyayari sakin? Saka ano ba yung ginagawa niya..

"Ayaw mo?" Nagsmile siya sakin,"Okay."

Tinutukso niya ba ako? Huh. Wag niya ako subukan ~

"Bakit ba ayaw mong tumabi sakin? Psh. Sige, ako nalang tatabi sayo." Tumayo siya tapos umupo sa tabi ko, bigla niya akong niyakap."Sixth note scenery.." bulong niya.

"Huh?"

"Wala. Sige maliligo nako! Dito ka lang ha!" tapos bumitaw na siya."Ay may bago akong laptop! Pinadala ng Dad ko galing States." Kinuha niya yung laptop niya sa may cabinet niya,"Gusto ko sabay natin buksan eh, pero naexcite ako kaya binuksan ko na siya kagabi. Cute no?" nagsmile siya tapos lumabas na ng kwarto niya.

Tinignan ko yung laptop niya, maganda nga. Spoiled nga talaga to, binibilhan ng bagong gamit kahit hindi naman kailangan. Sa bagay, hindi naman siya magastos na tao eh. Premyo niya to dahil mabait siyang anak.

Binuksan ko yung monitor ng PC niya, tapos naghalungkat ng kung anu-ano. Pumunta ako sa My pictures. Ang daming folders, syempre una kong nakita yung MY LOVE na folder, all caps ba naman eh.

Kinlick ko yung folder pero hindi ko mabuksan, may password pang kailangan! ANO BA TO! Sino kaya yung nasa loob nun? Ayokong mag assume na ako yun. Pano kung si Jovee yun?! Shet!

Biglang bumukas yung pintuan ng kwarto tapos pumasok si Aly. Tapos na siyang maligo?! Saan siya naligo?! Diba dito yung banyo niya?!

Hindi pala siya dito maliligo.. psh.

"ANG INIT SA LABAS! GRABE!" sinabi niya yun habang nagpapay pay siya gamit yung kamay niya.

OMG SHE LOOKS SOOOOOOO... HOT?

Basa pa yung buhok niya.. ano bato! Change topic!

"Nakabukas na nga aircon mo eh. Teka, hindi mo ba to pinapatay?"

Umiling siya,"Simula last month ayaw nilang ipa-patay yung aircon eh. Okay lang  daw kahit tumaas yung bill ng kuryente basta wag lang daw patayin yung ac. Kahit si Fille ayaw niya ipa-patay eh, nagagalit. Hehehe! Weird no?"

"Oo, weird nga. Ano, tara na?"

"5 minutes." umupo siya sa may couch tapos nagsuklay ng buhok.

Tumayo ako tapos umupo sa tabi niya,"Can I have a kiss? A long--" naputol yung sentence ko kasi bigla niya akong hinalikan.

After nung kiss namin, medyo naging awkward yung moment. Napansin kong nagblush siya tapos tumayo na. Niyaya kona siya sa bahay para samahan akong magbihis.

Pagkatapos kong magbihis dumiretso na kaming dalawa sa work ko. Pagdating namin, ang dami na kaagad tao, puno na yung place pero wala namang mga inorder.

"Inaantay ka ata nila. Pinagtitinginan ka oh. "

"Tss. Wala akong pakialam, ginagawa ko lang naman trabaho ko eh."

Naglakad na kami papunta sa may counter,"Dito ka sa table na to, dito moko hintayin okay? Anong gusto mong kainin?"

"FILLET!" nagsmile ako sakanya tapos hinawakan yung mukha niya,"Uy.. kelan pa nagka piano dito? Wala naman yan dati ah?"

"Gusto kasi ni boss gawing medyo sosyal yung place eh, kaya ayan naglagay sila ng space para sa piano. Yun nga lang walang marunong tumugtog."

"Magkano bayad?"

Mukhang pera.

"150 per night. Mga 10 songs dapat."

"Sige! Sabihen mo mag aapply ako bilang pianist! Hehehe! Start nako ngayon ah?" Tumayo siya tapos pumunta sa may piano, umupo siya tapos binuksan yung cover ng keys.

Nagsimula na siyang tumugtog. Lahat ng tao napatingin sakanya, kahit si boss napalabas ng opisina niya at napatingin kay Alyssa.

"Siya yung girlfriend mo diba? Magaling siya mag piano."

"Gusto niya raw mag apply, kung okay lang  daw.."

"Tanggap na siya. Sabihin mo, kung marunong rin siyang kumanta mas maganda. Dadagdagan ko ng 50 pesos bawat song na kakantahin niya. Okay ba yun?" Tumango ako.

Parang mas malaki pa yung kikitain niya kesa sakin ah? Piano at kanta lang siya, samantalang ako naglilinis ng table at kumukuha ng orders nagpapakahirap.

Nakaka 5 songs na si Aly, sabi ni boss magbreak daw muna siya ng 1 hour. Umupo kaming dalawa ni Aly, binigay ko na sakanya yung Fillet na inorder niya kanina.

Napansin kong masaya siya kanina habang nagpipiano, siguro hilig niya talaga yun.

*Bzzzt*

Calling..

Rex Intal

Sinagot ko yung tawag habang nakatingin sakin si Aly.

"Si Denden to."

"Si ate Aly? Kailangan ko siya makausap.."

"Teka lang.." inabot ko kay Aly yung cellphone niya,"Si Rex. Mukhang importante eh."

Kinuha niya yung phone,"Hello?" Biglang nanlaki yung mata ni Aly,"Nasan ka ngayon? Okay ka lang ba?" Tumatango tango siya, parang nakikita siya ni Rex ah?"Sige, pupunta ko dyan! Antayin moko, okay?" Binaba niya na yung phone.

"Ano daw yun?" Dahan dahan niyang inangat yung ulo niya,"May nangyari ba?"

Tumango siya,"Yung lola ni Rex dinala sa hospital kagabi.. hindi niya alam yung gagawin niya kasi hindi pa raw gumigising.. hiwalay na kasi yung parents niya at may kanya kanyang pamilya kaya yung lola niya nalang yung nag aalaga sakanya."

Halatang nag aalala siya kay Rex. Parang magkapatid narin kasi turingan nila. Mabait na bata si Rex kahit kelan lang namin siya nakilala. Lagi niya kaming binibigyan ng foods, pag lunch lagi silang nagkukwentuhan ni Aly.. kaya pala wala siya kanina kasi nasa hospital siya.

"Sige, tapusin nalang natin yung work, tapos diretso na tayo sa hospital, okay?" Nagnod siya sa sinabi ko.

Tinuloy namin yung work namin, kunwari wala nalang nangyari, tumugtog siya ng masasayang kanta, ako naman tuloy sa pagsilbe sa mga customers.

Habang tumatagal dumadami parin yung customers. Masaya sana eh, kaya lang si Aly nag aalala na.

Pagdating ng 10pm, nagmadali na kaming makakuha ng taxi at pumunta sa hospital.

Mga 2 hours din kaming nandoon, gusto pa sanang magstay ni Aly pero may pasok pa kami bukas.

Medyo kumalma na si Aly dahil napansin niyang okay lang naman si Rex. Nagtaxi lang rin kami pabalik tapos nagpababa sa tapat ng village namin.

Nakabalik naman kami ng kampante yung loob. Hinawakan ko yung kamay niya para alam niyang nasa tabi niya lang ako.

"Alam mo, ang laki ng pinagbago mo. Hindi kana stupid slash bad girl. Lover kana ba?" Tumawa siya ng mahina. "Ayoko ng makikipag away ka ha? Ayaw ko ng may mangyari sayo.."

"Lalaban lang ako kapag sinabi mong lumaban ako.." tumingin siya sakin tapos ngumiti. "Seryoso. Babawian ko lang yung mga hipokrita na yun kapag sinabi mo lang na 'Denden lumaban ka!' para may permission ako."

"Promise?"

"Promise."

Pagdating namin sa park may limang girls na bigla kaming hinarang, yung isa pa sa kanila tboom.

Wtf? Kakasabi lang ni Aly na wag ako makikipag away eh. Holy shit, yung away talaga lumalapit sakin.

"Ang kapal talaga ng mukha mo! Pwede ba layuan mo na yung boyfriend ng kaibigan ko!"

Sinong boyfriend ang sinasabi nito?! Hindi ko nga siya kilala eh.

"Nag away yung dalawa dahil sayo alam mo ba yun?!"

"Hindi ko alam pinagsasasabi mo."

Lumapit sakin yung tboom tapos sinuntok ako sa kaliwang pisngi.

"Siguro ngayon naaalala mo na?"

"SINO KA PARA SUNTUKIN SI DENDEN HA?!" sigaw ni Aly tapos bigla niyang sinampal yung tboom,"Siguro naman naaalala mo na rin na hindi ka namin kilala diba?!" Napatingin ako sakanya bigla.

Ang labo nitong babaeng to. Siya nagsabi sakin na wag makikipag away tapos siya tong nakikipag away! Hindi niya ba naiisip na lima sila dalawa lang kami? Walang magagawa yung sampal niya lalo na di niya pa sinasabi yung permission ko.

"Matapang ka ha!" Inangat niya yung kamay niya tapos pasampal na sana siya kay Aly pero hinawakan ko yung kamay niya.

"Ako yung kailangan niyo, right? Hindi siya. Gawin niyo na yung gusto niyong gawin sakin. Wag na wag niyo lang gagalawin si Aly."

"Sige." Sumenyas na siya gamit yung kamay niya.

Naglapitan sakin yung mga babae.

"Tutuparin ko yung promise ko sayo. Tumalikod ka muna, ayokong makita mo yung mangyayari sakin." Ngumiti ako sakanya tapos bigla na akong sinuntok ulit nung tboom.

Paulit ulit na sampal at suntok ang inabot ko, nakakarami na sila. Naririnig ko si Aly, sumisigaw.. sabi ko sakanya wag siyang tumingin eh! Matigas talaga ulo niya! Kung ayaw niya ako mabugbog isigaw niya yung MAGIC WORD! Nagparinig na nga ako eh!

"STUPID! FIGHT BACK! YOU DUMBASS! LUMABAN KA!"

Napangiti ako bigla, mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo dahil na out balance ako dahil sa suntok nung tboom. Sinimulan ko ng gumanti. Nabigla yung 3 girls dahil hindi ata nila inakalang lalaban ako, tumakbo yung tatlo naiwan yung isang tboom at isang babae. Ginantihan ko ng tuluyan yung tboom, hipokrita siya! Ang sakit nung suntok niya kanina!

Bigla na silang tumakbo paalis kaya naiwan na kami Aly. Lumapit siya sakin tapos hinawakan yung mukha ko,"Gago yung mga yun ah! Sinira mukha ng babyden ko.. are you okay?"

Umiling ako,"Malamang hindi.. ang tagal mo kaya sabihin yung magic word! Ayan nakarami tuloy sila sakin! Tinupad ko yung promise ko sayo ah?"

Niyakap niya ako tapos bigla siyang umiyak,"Hey! What if wala ako ngayon sa tabi mo then nangyari ulit to.. you won't be able to fight back kasi hindi ko masasabi yung magic word.."

Niyakap ko siya ng mahigpit,"Kaya nga kailangan lagi kang nasa tabi ko.. para hindi ako masasaktan. Pero sa totoo lang.. mas tatanggapin ko tong sakit ng katawan kesa bigla kang mawala.."

Mygosh! Nakapag bitaw nanaman ako ng cheesy line. Bigla bigla nalang lumalabas sa bibig ko yung mga yun! Parang.. ah ewan! Hindi ko rin alam gagawin ko minsan. Parang kailangan ko talagang sabihin sakanya yung naffeel ko eh. Tss

Naglakad na ulit kami papunta sa bahay ni Aly. Hindi ko na iniisip yung sakit ng katawan at mukha ko kasi kasama ko siya. Halos 17 hours ko siyang kasama ngayong araw.. lagpas pa ng kalahating araw eh. Pero syempre kailangan na talaga naming maghiwalay.

Nakarating na kami sa tapat ng bahay ni Aly, dalawang beses na nangyari to ngayong araw. Pero ngayon seryoso na.

"Hmm.. Denden.. gusto mo bang.." pinutol niya yung sasabihin niya. SAY IT DAMMIT!

Nakayuko lang siya, parang nag aalinlangan siyang sabihin sakin yung karugtong nun,"Ano yun? Gusto kong ano..?"

"Gusto mo bang.."

ANO YUN? AYOKO NA NG PAPUTOL PUTOL PA!

"Samahan kita ngayong gabi?" ANO DAW?

Nagulat ako sa sinabi niya, hindi ako makapagreact. Tama ba yung narinig ko? Mygosh!

"Kasi, wala kang kasama tuwing gabi sa bahay mo.. walang mag aasikaso sayo. Tignan mo yung itsura mo oh." Hinawakan niya yung mukha ko,"Kung gusto mo dito ka nalang matulog sa bahay namin.. Kuya will understand."

Teka, san ba mas walang sagabal? Sa bahay ko o sa bahay niya? SHET! SA BAHAY KO!

"Dun tayo sa bahay ko." nagnod siya.

Ano naba tong nangyayari sakin. HAHAHA

Tumalikod na siya tapos nagdoorbell.

Lumabas si Nicko,"Oh bakit ngayon lang kayo?" Napatingin siya sakin,"Ano nangyari sa mukha mo? Okay lang ba kayo?!"

Nagnod si Aly,"Kuya, Denden will sleep here tonight. She's hurt because of me.. she saved your sister so let her sleep here."

WAIT! USAPAN SA BAHAY KO AH?! AMP. NAISIP NIYA ATA NA DALAWA LANG KAMI DUN. SAYANG! Etong si Aly talaga!

"Okay okay."

Pumasok na kaming dalawa ni Aly ng bahay niya tapos papunta na kami sa kwarto niya,"HEY! You're gonna sleep together?"

"You wanna sleep with her instead?"

"NO!"

"See. So she'll be sleeping in my room."

Matalino talaga tong babaeng to eh. Pati kuya niya nauuto.

"NO WAY!"

"Kuya, listen okay? MATUTULOG LANG KAMI."

"Okay fine." Tumingin sakin si Nicko."Denden, I trust you."

Kiniss ni Aly sa pisngi si Nicko,"Goodnight kuya."

Hinawakan ni Aly yung kamay ko tapos naglakad na kami papunta sa kwarto niya. Pagpasok namin umupo ako sa may couch tapos siya may kinuhang first aid kit.

Umupo siya sa tabi ko, binuksan yung first aid kit na bag tapos kinuha yung gamot.

"Medyo masakit to ah."

Nilagyan niya ng gamot yung cotton buds tapos dahan dahan nilagay sa part mukha ko na may sugat.

"Masakit ba?" Hinipan niya yung sugat para hindi kumirot.

Nilagyan niya ng band aid yung sa may sugat sa baba ko tapos nilagyan niya naman ng gamot yung sa lower lip ko. Ang seryoso ng itsura niya habang naglalagay siya ng gamot. Pati yung sa may kamay ko napansin niya rin yung mga sugat.

"Tanggalin mo yung shirt mo." Napa 'ha' ako sa sinabi niya,"Pupunasan kita.. gamitin mo muna yung shirt ko."

Napasmile ako sakanya tapos tumango ako. Lumabas siya ng kwarto tapos pagbalik niya may dala na siyang ice.

"HOY PARA SAAN YAN?!" biglang pumasok si Fille,"HOY BAKIT NAKABRA KA LANG?!"

Tinakip ko yung shirt ko sa harap ko.

"She got into a fight.. she's being a bad girl again."

"HEY! Stop being a bad girl, okay? GOODNIGHT!" sinara ni Fille yung pinto.

Si Aly nilagyan munang ice yung part na may pasa.

"Hindi ko alam kung tama tong ginagawa ko eh haha! Wag na nga lang natin lagyan ng ice. Punasan nalang kita." Kinuha niya yung basin na may water tapos yung small face towel  nilubog niya sa basin na may tubig. Piniga niya yun at dahan dahang pinunasan yung katawan ko,"Ayoko na, ikaw na gumawa!" Binigay niya sakin yung towel.

"Tuloy mo! Parang maaabot ko eh." Tinuloy niya yung pagpunas ng nakasimangot.

Magsa-suggest suggest tapos hindi naman pala itutuloy. Tss

Pagkatapos niya akong punasan, inabot niya sakin yung shirt niya.

Humiga na siya sa kama niya,"Sige dito nalang ako sa sofa. Goodnight."

"Ano kaba, tabi na tayo.. okay lang naman eh."

Napangiti ako bigla, syempre hindi ko pinakita sakanya!

Tumayo ako at umupo sa kama niya,"Okay lang ba talaga?" Tumango siya habang nakangiti.

Humiga ako sa tabi niya,"Denden.. anong ibig sabihen ng happiness para sayo?"

Ano nga ba ang happiness? Yun yung feeling na kuntento ka diba? Ewan ko.. hindi kopa ata nafifeel yun eh.. siguro.. ata.. baka.. hindi ko madescribe kung ano talaga yun eh, mahirap sabihin.

Niyakap ko siya tapos bumulong sa tenga niya,"Itong feeling nato.." Hindi ko kayang iexplain sakanya kung ano ba talaga ang happiness, kasi para sakin, yung feeling na nararamdaman ko ngayon, alam kong happiness yun. Alam kong walang makakatalo sa nararamdaman ko ngayon.

Yung tipong sasabog yung puso ko pag hindi ko napatunayan sakanya na mahal ko siya. Kung hindi pa siya ready sa gusto kong mangyari, okay lang. Nirerespeto ko siya ng sobra, lahat titiisin ko para sakanya.

"I love you.. so much.." bulong ko sakanya,"Thanks for making me this happy.. please let me spend forever with you.."

Hindi na siya sumagot, sinilip ko kung tulog na siya, tss. Tulog na nga.. pero nakasmile parin siya.

This is the girl I wanna be with, forever.

-

Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 147 6
AD in parallel universes. NOTE: All works are fiction. Please separate fiction from reality.
181K 7.9K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...
5.2K 60 18
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
122K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...