8ET: Sweet Temptation (COMPLE...

By MyJaff

1.2M 29.3K 794

* Eight Evil Torturer Book 5 @MyJaff WARNING: SPG Jaguar Chui "Torturer Lover.. Hate that I love you.." More

EIGHT EVIL TORTURER
Prologue
1. Nurse R. Makalaylay
2. Mr. Dreamboy
3. I hate you
4. Robbie's Seduction
5. Worst Day
6. Dream Date
7. Rode to Heaven
8. Reality
9. Chances
10. Until forever ends
11. The Battle Begins
12. Property
13. Contented
14. Love, Enemy, Desicions
14. Hurt
15.Broken Robina
16. Chasing My Man
17. Strong enough to make me scream
18. I won't leave you again
Special Chapter
20. It's Over Now
22. Broken Hearted?!
23. The Awarding
24. Love conquers all

19. Not Again

36.3K 977 17
By MyJaff

~

ANIM NA buwang nakaratay si Ayana sa Hospital. Walang nagawa si Jaguar kundi ang bantayan ito at hindi umalis sa tabi ng babaeng mahal na kabilin bilinan ng Reyna. Kahit naman hindi nito sabihin sa kanya ang bagay na iyon. Alam naman niya sa sarili niya na kailangan niyang manatili sa tabi ng dalaga. God! How he really missed her voice. Her sweet voice.

Hindi din alam ni Jaguar kung ano ba ang nangyari kay Lizana Aviona. Basta bigla nalang itong naglaho ng parang bula. Somehow, hindi mawala sa isip niya na may kinalaman doon ang Reyna, pero malaki na din ang pasasalamat niya dahil at last, natapos na din ang kabaliwan ng babaeng iyon.

Ngayon, ang tanging nagpapabagabag nalang sa kanya ay ang kalagayan ni Ayana. Sabi ni Black, maging ito ay hindi nito masabi kung kailan ba gigising si Ayana, hintay hintay nalang daw muna pero putang ina lang! Anim na buwan na ang nakalipas hanggang ngayon ay hindi pa din nagigising si Ayana! Damn!

Hinawakan niya ang kamay nito at saka inilagay iyon sa kanyang pisngi, ipinadaus-os niya ito sa kanyang labi.

"Wake up babe.. hanggang kailan mo ba ako paghihintayin?!" bulong niya.

Nag aabang siya ng reaksyon nito ngunit bigo lamang siya ng hindi man lang gumalaw ng kahit kaunti ang kamay ni Ayana. Sa totoo lang, nawawalan na siya ng pag asa ngunit pilit pa din siyang kumakapit.

Napabuntong hininga na lamang siya. Sa ngayon, bukod sa pagbabantay niya kay Ayana ay inaayos niya na din ang gulong pinasokan ng kapatid niyang si Leon. Gulong may kinalaman si Lizana Aviona. Hindi niya alam kung paanong nangyari iyon ngunit ayon sa mga nakalap niyang impormasyon, planado nito ang lahat, mula kay Vinia na unang minahal ng kapatid hanggang sa paggamit ni Leon sa kasalukuyang asawa nito na si Miss De Vera para mahanap si Vinia.

Magulo! At alam niyang hindi naman niya storya iyon ngunit kailangan niyang makialam. Hindi naman niya hahayaang makasakit ang kapatid niya ng dalawang babae dahil lang sa kagagohan nito. Kahit naman sabihin na hindi na sila madalas magkitang magkakapatid kahit na nasa iisang grupo naman sila dahil may kanya kanya silang pinagkakaabalahan, very hands on pa din siya sa mga kapatid niya kaya hindi niya hahayaan lamang ang ginagawa ni Leon.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto. Pumasok doon sina Black at ang kapati na lalaki ni Ayana. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya kinakausap nito. He didn'y even try to talk to him too. Hindi niya kasi alam kung paanong mag i-start ng conversation kay Robin Makalaylay. Iniisip niya na baka tulad niya ay iniisip din nito na siya ang may kasalanan kung bakit nangyari ito kay Ayana.

Linapitan siya ni Black. "Master."

Tinangoan naman niya ito. "Hanggang kailan ba siya matutulog Black? Hanggang kailan ba siya ganito?" Mahinahon ngunit puno ng emosyong tanong niya.

Nagyuko naman ng tingin si Black. "Hindi ko din masabi Master, sa ngayon, kailangan natin ay ang manalangin ng manalangin na gigising talaga siya." Binalingan nito ng tingin si Ayana. "Tanging si Robbie lamang ang makakatulong sa sarili niya, nasa sa kanya kung lalaban siya o hindi."

Hindi mapigilan ni Jaguar ang maluha. Damn! Paano nalang kung hindi na lumaban si Ayana dahil sa paulit ulit niyang pagtataboy dito?! Fuck it! Kasalanan niya talaga ang lahat ng ito. Fuck! Fuck! Fuck!

"Mahal, pwede bang iwanan mo muna kami ni Mister Jaguar Chui." Dinig niyang anang kapatid ni Ayana ngunit hindi niya alintana iyon. Punong puno siya ng emosyon ngayon.

Maya maya ay narinig niya pa ang pagbukas at pagsara ng pinto. Malamang ay lumabas na si Black ng silid. Yabag na lamang ni Robin Makalaylay ang naririnig ni Jaguar. Pumwesto ang binata sa kabilang side ng kama ni Ayana. Nakatitig naman ito sa kapatid, habang siya ay patuloy ang pagbuhos ng luha.

Narinig niya ang pagtikhim ng binata. Hindi niya ito tinitingnan, nanatili lamang ang kanyang mga tingin sa babaeng mahal niya ngunit handa din naman siyang makinig sa binata.

“Robina is the only family I ever had. I'm so scared to loose him, and seeing your face makes me wants to kick the hell out of you here!” Kalmado lang ang pagkakasabi nito. Hindi naman sita umiimik. “But come to think of it, wala din naman akong mapapala kung maghahanap ako ng masisisi. Wala akong alam sa totoong nangyari at wala na din akong balak alamin pa, malaki ang tiwala ko kay Aisne at nang sabihin niyang pa-plantsahin niya ang lahat ng gusot, kumapit ako sa kanya, kase naniniwala ako sa kakayahan niya. Bagay na hindi mo nagawa.” bumuntong hininga ito.

Hindi naman siya naka-imik. Oo, hindi niya nga nagawang ipagkatiwala sa Reyna ang problemang ito. But look at the situation right now, mukhang naayos na nga nito ang gulo.

Pathetic Bastard!

“Hinihiling ko nalang na sana magising na si Robina. At that time, hahayaan ko siyang magdesisyon kung balak pa ba niyang manatili ka sa buhay niya matapos ng pasakit na dinala mo sa kanya.”

Again. Hindi siya naka-imik. It's like that, he lost out of words. Hindi nama niya kase talaga mahanap ang tamang salita para sabihin, o talaga namang wala dapat talaga siyang sabihin dahil alam niyang may punto ang kapatid ng babaeng minamahal.

Napabuntong hininga na lamang siya. He won't let Ayana out of his sight. Not again.

INAAYOS NI Jaguar ang mga gamit niya na gagamitin niya sa pananatili niya pa sa Hospital. Hanggang ngayon kasi ay wala pa ding improvement ang kalagayan ni Ayana. But then, umaasa pa din siya, kakapit siya na magigising pa ang babaeng mahal niya at makikita niya pa ang maganda nitong ngiti.

Her playful smile.

Duh! Ako ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa! Kabog ko kaya si Pia Wurtzback!

Hindi niya maiwasan ang mapangiti ng tila magbalik tanaw sa kanya ang tinig ng dalaga. Miss na miss na niyang ibida nito sa kanya ang kagandahang taglay nito. Ang mahangin nitong pag uugali at ang sobra sobra nitong confidence sa katawan.

Nang maayos na niya ang mga gamit niya. Dumiretso muna siya sa kwarto ng kapatid niyang si Falcon. Gusto niya munang siguradohin ang kalagayan nito bago pansamantalang manatili muna siya sa Hospital.

“Fal?!” Aniya pagkabukas niya ng pinto.

Pinaputokan siya nito ng baril sa bandang gilid ng paa. Hindi siya tinamaan, sanay na siya doon. Ganito ang uri ng pangwe-welcome ni Falcon sa kahit sino.

Ngumisi siya dito at saka nilapitan ang kapatid. “I'll be gone for a while.”

Tinangoan lang siya ng kapatid. Napailing siya, ano pa bang bago?! Napakatipid talagang magsalita ng kapatid niyang ito.

“You take care here and in every mission you took.” tinapik niya ito sa balikat bago naglakad papalabas. Bago niya muling buksan ang pinto ay liningon niyang muli ang kapatid. “Don't look after her Falcon, I told you, once an enemy will always be our enemy. Let it go, bro.”

“I know.”

Tumalikod na ito sa kanya, mukhang papasok ito sa private movie room nito sa loob mismo ng silid nito. He just shook his head, malala na ang tama ng kapatid niya sa babaeng naging bihag nito pero kailangan niyang hadlangan iyon, ang kaaway ay kaaway, aahasin ka lang nito kapag pinanatili mo ito sa buhay mo.

Pagkasarang pagkasara niya ng pintoan ng kapatid eksakto namang nag ring ang cellphone niya. Agad siyang nabuhayan ng makita niyang si Black iyon. Unang pumasok sa isip niya na baka may maganda ng balita tungkol kay Ayana.

“Black!”

Hindi niya masyadong maintindihan ang unang mga salitang sinabi nito ngunit isa lang talaga ang tumatak sa isip niya.

“She's awake Master.”

HALOS PALIPARIN ni Jaguar ang Ford Everest niya para lang makarating sa Hospital ng mga Makalaylay. Damn! Dagsa ang pagbuhos ng mga luha niya dahil sa sobrang tuwa. Oh, fuck! Sa wakas ay makikit na niya muling dilat ang mga mata ng babaeng mahal niya. Sa wakas ay makakahingi na siya ng tawad sa mga nangyari. Oh,God! He's really thankful.

Dali daling bumaba si Jaguar sa sasakyan niya ng makarating siya sa hospital. Ni hindi na nga niya nai-park ng maayos iyong sasakyan niya dahil sa kamamadali niya. Fuck! He need to see her now, he need to touch her, kissed her and made her feel how much he's still in love with her,mas lalo pa ngang nadagdagan iyon ngayon.

Hindi na siya gumamit pa ng elevator. Pisti! Ang tagal pa e! Nasa ground floor siya iyong, nasa 14th floor naman yung elevator. Damn! Inakyat nalang niya iyong hagdanan.

Hinihingal pa siya ng buksan niya ang pinto. At halos magwala ang puso niya sa sobrang bilis ng pagtibok ng masilayan niya ang babaeng mahal niya, may malay na ito at naka half sit, half laying sa kama. Mukhang nakikipag usap ito sa kapatid nito ngunit natigil lang ng mapunta sa kanya ang atensyon ng lahat.

Nakatitig lang sa kanya si Ayana. Mas lalo siyang kinabahan dahil sa uri ng pagtitig nito, parang may iba, parang may kakaiba.

Nilingon niya ang Reyna na kasalukoyang naroon din sa loob ng silid. Tinaasan lang siya nito ng kilay at saka dumantay sa balikat ng asawa. Hawak hawak din nito ang malaki at bilogan na nitong tyan.

Humakbang siya papalapit kay Ayana.

“Ayana..” Halos pumuyok pa siya dahil sa nag uumapaw na emosyong nararamdaman niya. “Ayana.. babe..”

Nakita niya kung paanong nangunot ang noo nito at nagtatakang napabaling ng tingin sa kapatid nito.

“Robin, sino siya?!”

Boom!

It's like there is something loud explosion inside him. Fuck it! Pakiramdam niya ay isa siyang kandilang unti unting natutulos dahil sa narinig.

How come she didn't recognize him?

Muli siyang lumapit dito. Hinawakan niya ang kamay nito. “Babe.. it's me. Don't you remember me Ayana?!”

“I don't!” Walang abog na anito.

Lalong nadurong ang puso niya ng bawiin nito ang kamay nito sa kanya. Nagsumiksik ito ng yakap sa kapatid nitong si Robin.

“Make him leave Robin! He's creeping me out! Hindi ko naman siya kilala!” Umiiyak na anito.

Parang nagkagulo na sa loob. Siya naman ay walang nagawa kundi ang lumabas na. Narinig niya pa ang sinabi ng Reyna bago siya tuloyang makalabas ng silid.

“Black! How come na naalala niya tayo samantalang si Jaguar hindi?! Damn it.”

Durong na durog ang puso niyang napasandal sa pader sa gilid ng pinto ng silid ni Ayana. Napaupo siya sa sahig doon. Damn! Ang sakit.

Is he loosing his Ayana for the second time?

Oh please! Not again!

**

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 36K 34
Buong buhay ni Jane passive siyang tao. Plain hindi lang ang hitsura niya kung hindi pati ang personalidad niya. Kaya naman kahit kailan hindi siya u...
24.2M 709K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
120K 5.9K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
1M 857 1
Even though it has been two years since Katherine and Deren separated, the pain and agony of yesterday were still buried in her chest. Her heart was...