AND I LOVE YOU SO

By fedejik

2.2M 41.4K 808

Two different people with two different world, fall so deeply in love with each other, but only to find out i... More

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2.1.2
Chapter 2.2.2
Chapter 3.1.2
Chapter 3.2.2
Chapter 4.1.2
Chapter 4.2.2
Chapter 5.1.2
Chapter 5.2.2
Chapter 6.1.3
Chapter 6.2.3
Chapter 6.3.3
Chapter 7.1.4
Chapter 7.2.4
Chapter 7.3.4
Chapter 7.4.4
Chapter 8.1.3
Chapter 8.2.3
Chapter 8.3.3
Chapter 9.1.3
Chapter 9.2.3
Chapter 9.3.3
Chapter 10.1.2
Chapter 10.2.2
Chapter 11.1.3
Chapter 11.2.3
Chapter 11.3.3
Chapter 12
Chapter 13.1.3
Chapter 13.2.3
Chapter 13.3.3
Chapter 14.1.2
Chapter 14.2.2
Chapter 15
Chapter 16.1.3
Chapter 16.2.3
Chapter 16.3.3
Chapter 17.1.2
Chapter 17.2.2
Chapter 18.1.2
Chapter 18.2.2
Chapter 19.1.3
Chapter 19.2.3
Chapter 19.3.3 (RESTRICTED)
Chapter 19.3.3 (Edited SPG)
Chapter 20.1.2
Chapter 20.2.2
Chapter 21
Chapter 22.1.2
Chapter 22.2.2
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26.1.2
Chapter 26.2.2
Chapter 27
Chapter 28.1.2
Chapter 28.2.2
Chapter 29.1.4
Chapter 29.2.4
Chapter 29.3.4
Chapter 29.4.4
Chapter 30 (Finale)

Chapter 25

31.2K 596 9
By fedejik

Published: October 8, 2013

CHAPTER 25

RICKY’s POV

            Nahirapan akong matulog kagabi dahil puro si Katie ang laman ng utak ko.  Sumakit tuloy ang ulo ko at nawala ako sa kundisyon. Pero kailangan kong bumangon nang maaga dahil ihahatid ko na kasi ang mga nanay sa bus station.  Kailangan na kasi nilang umuwi sa Isabela at hindi naman din puwedeng mag-absent nang matagal ang mga kapatid ko.  Sobrang bilis nang panahon.  Who would have thought na halos nakaka two weeks na rin pala ako dito sa Pilipinas?  But sadly, ang natitirang one week ko, I’ll be spending it alone.  Hindi naman din ako makasama sa Isabela dahil na nga rin sa mga naka-set na meetings ko. 

            Matapos ko silang ihatid sa bus station, I decided na dumiretso sa opisina ni Katie.  Yes, sa office niya!  This is wrong, pero wala naman sigurong masama kung makasama ko siya kahit sandali. 

          “Ma’am, someone here wants to see you.”  Nasa harapan lang ako n'ung secretary niya at tinatawagan si Katie sa loob opisina.  “Mr. Ricky Olivares, ma’am…”  Sumulyap pa siya sa akin at matapos nga ang maikling pag-uusap ay sinamahan niya ako sa opisina ni Katie.

Pagbungad pa lang ay nasalubong ko na ang tila gulat niyang mukha.

            “Hi.”  I awkwardly greeted her.

            “H-hi...  What are you doing here?”  Takang tanong pa niya.

            “I just wanted to see you.”  Ngumiti lang ako at nasa pinto pa rin ako katabi n'ung secretary niya na obviously kinikilig.  Nag-angat lang ng kilay si Katie d'un sa babae na mabilis din namang napatalikod.  “May I come in?” 

          “O-of course!”  Taranta pang sabi niya at bahagyang umiling-iling.  I know that look, she’s happy to see me. 

            Noon na ako tuluyang pumasok sa opisina niya at kinabig ko iyon pasara.

            “Can I offer you anything?  Coffee or juice?”  Pormal pa niyang tanong.

            “You might want to tell me to sit first.”  Biro ko pa at napanguso lang siya.

            “Jeez, I need proper training!”  Natatawa pang sabi niya at hinila ako paupo sa leather couches niya.

            “Nice office…”  Inilibot ko ang tingin ko sa paligid ng opisina niya.  Like mine in New York, full glass wall ang likuran ng table niya.  Tanaw na tanaw ang mga buildings from the outside.  Carpeted din ang buong area at may receiving area, tulad nang inuupuan namin ngayon. Centralized ang aircon and may sariling comfort room din.  The whole place is painted white kaya masarap lang sa mata.

            “Thank you.”  Matamis pa siyang ngumiti.  “Probably, mas maganda ang office mo in New York?”

          “Yes.”  Hindi na rin ako nagsinungaling.  Kahit papaano naman kasi’y maganda na ang posisyon ko doon.

            “What can I do for you then?”  Pormal pa ring sabi niya at hindi ako makapaniwala sa ipinagbago niya.  Bahagya mang nagmature ang hitsura niya, she was still the most beautiful woman I've seen.  

            “Hinatid ko lang ang mga nanay sa bus station pauwi sa Isabela.  Alam mo na, may pasok sina Gelyn at Pikoy.” 

            “And?”

          “Like I said, I just wanted to see you.”  Mataman ko pa siyang tinitigan sa mukha.  Jeez, I wanted to kiss her but it’s wrong now.

            “Namimiss mo ako?”  Diretsa pang tanong niya.

          “Yes.”  Walang kagatol-gatol ko rin namang sagot.  “Nag-breakfast ka na?”

          “Not yet.  Pero nandiyan na ang pagkain ko.  Want to share with me?” 

          “Sa takaw mo kulang pa 'yan.” Biro ko pa.

            “Ang sama nito!”  Umirap pa siya pero agad ding tumayo para kuhanin ang breakfast na sinasabi niya na nakalagay sa paper bag.  “Favorite mo ‘to…  Longsilog.” 

          “Hmm, na-predict mo bang darating ako?”

          “No.”  Bahagya pa siyang umiling at muling tumabi sa akin.  “I just missed you that is why.”  She said without looking at me.  She flushed crimson after saying that.

            “Me too.”  Noon na siya napatingin sa akin at bahagyang napaawang ang kanyang labi.  Napatitig ako doon and the urge to kiss her is getting stronger.  Oh fvck!  I really don’t care if it is right or wrong!  “So, okay lang bang abalahin kita for the next few days?”

          “Next few days?”

          “One week na nga lang ako diba?  Can you keep me company habang nandito ako?”

            Napailing lang siya at malalim na nag-isip habang inaalis sa paper bag ang pagkain. 

            “N'ung malaman nating parehas tayo ng ama ay bigla mo na lang akong iniwan without saying a word.”  Nanghihinampo pa niyang sabi. “Next thing I knew, nakaalis ka na papuntang America.”

          “I know…”  Napayuko ako at masakit pa ring alalahanin ang mga panahong iyon.  Kung alam lang niya kung gaano ang hirap na pinagdaanan ko n'ung layuan ko siya.  Pakiramdam ko talaga ay papanawan ako nang katinuan noon.

            Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa.  Tila nawalan kasi ako nang lakas ng loob na magsalita ulit matapos niyang alalahanin ang masakit na nakaraan.

            “Eat.”  Iyon na lamang ang nasabi niya at tipid na ngumiti.

            “Sure.”  Tumango ako at da totoo lang ay nagugutom na rin ako.  Hindi ko na rin kasi nakuhang mag-breakfast sa hotel kanina.  Para ngang wala akong gana.  Pero ngayong nakita ko naman na siya ay tsaka ako nakaramdam nang gutom.

            Nagsalo na nga lang kami ng breakfast niya at saglit na kinalimutan ang naging pag-uusap namin kanina.

            “This is good huh?”  Sabi ko pa habang sinusubuan ko siya. Namiss ko tuloy ang pag-aalaga ko sa kanya and vise versa.

            “Yup.”  Tumango pa siya while chewing the rest of her food.  “Sa canteen 'yan.  Masarap naman diba?”

          “Ows?  Hindi ka na maarte ngayon ha?”  Nakangiting sabi ko pa at manipis lang siyang napahalakhak.

          “Hindi na 'no.”  Ngumuso pa siya sabay irap. “Tinuruan mo nga ako diba?”

            Ngumiti lang ako at nagpatuloy ulit sa pagkain.  Patapos na kami noon nang biglang may tumawag ulit sa landline niya.

            “Sige papasukin mo siya.”  Iyon na lang ang narinig kong sabi niya at alanganin pang ngumiti sa akin bago ibaba ang phone.  “May bisita lang ako.”

          “Ohh…”  Tumango ako at uminom na ng soda.  "You want me to go?"

"No.  Please, stay."  Sabi pa niya at mapait na ngumiti.

            Humarap siya sa salamin at mabilis na nag-ayos.  Agad din siyang naglagay nang kaunting lipstick sa labi niya at dinaanan ng mga daliri ang damit.  I wonder kung sino ang bisita niya sa ganitong kaaga.

            Hindi naman nga din nagtagal ay bumukas na ang pinto ng office niya.  Mula doon ay pumasok ang hindi katandaang lalaki na parang kasing edad ni Don Alonzo. Jeez, kailan ba ako masasanay na tawagin siyang papa?

            “Katie, good morning. Pasensya ka na sa abala.”  Sabi pa n'ung lalaki. 

            “It’s okay, uncle.”  Uncle?  Kapatid kaya siya ni Don Alonzo?  Alam kaya niya ang tungkol sa amin ni Katie?

            “Oh, may bisita ka pala.”  Sabi pa niya at tila nag-alangan pa.

            “Ahh, it’s alright.  He’s my boyfriend.”  Nakangiting sabi pa niya at bahagyang kumindat sa akin.  Mas masarap pa ring pakinggan na boyfriend kaysa brother.  Parang kinikilabutan ako sa tuwing maiisip kong magkapatid talaga kami sa ama.

            “Oh really?”  Tinitigan niya ako kaya't mabilis akong tumayo at kinamayan siya.  “Sir, Ricky po.”  Pakilala ko pa.

          “Nice meeting you, hijo.” Sabi naman niya habang kinakamayan ako.  “Husband ako ng mom ni Katie.  Just call me tito or uncle Rogelio.”  Kaswal namang sabi niya.

            “How are you, tito?”  Tanong ko pa.

            “I’m fine.  Thank you.  Having breakfast together?”  Nanunukso pang sabi niya sabay tingin kay Katie.

            “Yes, sir.”  Ako na lang din ang sumagot at kinindatan ko lang si Katie.  “Iwan ko muna kayo so, you can talk.”

          “No, baby!”  Umiling pa si Katie at mabilis na humawak sa braso ko.  “Stay here.  Okay lang.”  Sabi pa niya.

          “O-okay, I’ll be at your table.”  Sabi ko na lang at pumunta na nga ako sa table niya at doon naupo. 

            Nakakahiya rin naman sa tito niya kung makikiupo pa ako sa kanila sa couch.  Mas mabuti na rin na medyo nakadistansya ako.

            “Bakit po, tito?  May problema po ba?”  Tanong pa niya.  I can’t see her expression dahil nakatalikod siya sa akin.

            “May nangyari kasi-”  Sabi pa ni tito Rogelio.  Sinubukan kong 'wag tumingin habang nakikinig sa kanilang pag-uusap.  Nang galawin ko nang bahagya ang wireless mouse ni Katie sa table ay agad na nagliwanag ang screen ng laptop niya. Surprisingly, picture namin ang naka-wallpaper sa laptop.  Gusto kong matawa dahil kaparehas ko, picture din namin ang naka-wallpaper sa laptop ko sa office sa New York.  Masokista yata ang tawag sa aming dalawa.  Gustong sinasaktan ang sarili.

            “Pero uncle diba po kaka-deposit ko lang n'ung nakaraang araw?”  Hmm, did I miss something?  She gave him money? But why?  Dumiretso ako nang upo at mas lalo akong naintriga sa usapan nila.

            “Ninakawan kami sa bahay. Nakuha lahat-lahat ng mga importanteng bagay sa amin ng mama mo, including ang pera na ibinigay mo.”

          “What?!”  Gulat pang sabi lang ni Katie.  Nagpahiram ng pera si Katie sa mama niya?  I thought may kaya rin sa buhay ang mama niya?

            “I’m really sorry…”  Sabi pa ni tito Rogelio at hindi ko naiwasang tumingin sa uncle niya.  Malungkot ang reaksyon niya. I have this weird feeling of not liking him.  “Wala rin kasi kaming malalapitan ng mama mo. Pinagbabantaan na rin kami ng mga pinagkakautangan namin.”

            “Pero uncle, kahit gusto ko kayong tulungan, hindi pa naman formally inililipat ni papa ang mga inheritance ko.”  Taranta pang sabi niya. “At ang ipinahiram ko po sa inyo ni mama, galing po sa savings ko 'yun.”

          “Parang awa mo na Katie. Ikaw lang ang makakatulong sa amin ng mama mo.”

          “P-pero uncle… wala na po akong naitatabi pa sa banko ko.  Naibigay ko na po lahat kay mama.” 

          “Please, Katie.  Maybe puwede kang manghingi ng pera sa papa mo.”  Muli akong napatingin kay tito Rogelio.  There is something wrong with this man.

            “I don’t know.  Masyadong malaking halaga po ang hinihingi ninyo ni mama.”  Umiling-iling pa siya.   “He will not approve that.”

          “Hihingin mo lang naman ang para sa’yo diba?  Paniguradong hindi ka tatanggihan ng papa mo.”  Suhestiyon pa niya.  Tinuturuan niyang magsinungaling si Katie para sa pera?  I don't like him.

            “I’m not sure, uncle…”  Alanganin pa si Katie.  “I’m sorry I can’t help you.”

            Natahimik ang tito niya.  Biglang kumunot ang noo niya at parang gusto ring magalit.

            “Hindi mo alam na ikaw mismo ang nagpapahamak sa mama mo.”  Sabi pa niya sabay tayo.  “Maraming salamat sa oras mo.”  Noon na siya dire-diretsong naglakad palapit sa pinto.

            “Uncle…”  Tangka pa sanang pipigilan ni Katie ang tito niya pero hindi na lumingon at nagdiretso na palabas ng opisina.


            Kaya naman nang tuluyan nang makaalis ang tito niya ay tsaka na ako lumapit sa kanya.

            “Hey,”  pukaw ko pa sa malalim niyang pag-iisip.

            Sa halip na magsalita ay tumayo lang siya at mahigpit na yumakap sa akin.

            “May problema ba?”  Hinagod-hagod ko ang kanyang likod.

            Hindi pa rin siya nagsalita at nanatili lang siyang nakayakap sa akin.  Matapos ang ilang minutong nasa ganoon kaming posisyon ay tsaka siya bumitiw sa akin at bahagyang ngumiti.

            “Would you like to talk about it?”  Tanong ko pa.  Nag-aalala lang naman ako sa kanya.

            “No.”  Mabilis pang tanggi niya.  “Problemang pamilya lang. Ayoko nang idamay kita sa stress ko.”

          “You know you can tell me everything.”  Assurance ko pa sa kanya.  “But of course, if you want it private, naiintindihan ko rin.”

            Knowing her of course, hindi niya kayang maglihim sa akin so she told me everything. Everything that made me drop my jaw to the floor.

            “That’s a lot of money, Katie!”  I am still in shocked.

            “I know…”  Malalim lang siyang napabuntong-hininga at naguguluhan pa rin.

            “You should tell your papa.” 

          “Knowing my-”  Bahagya pa siyang natigilan.  “…our Papa…” Nag-aalangan pang sabi niya.  Hindi nga yata ako masasanay na makitawag ng papa.  “Hindi niya ibibigay ang inheritance ko para lang ibigay kay mama.”

          “But of course, Katie!  Hindi naman birong halaga ang hinihingi nila.”

          “Pero baka kung ano mangyari kay mama…”  She’s worried dahil mama pa rin niya iyon.  “Ano bang dapat kong gawin?”

          “Hmm,  the best thing to do is to tell your papa the truth. He knew better than you.”

            Napatahimik lang siya sa sinabi ko.  Panay pa rin ang isip niya.

            “Sige na, hindi na kita aabalahin pa sa work mo.”  Paalam ko pa.  Hindi na niya magawang magtrabaho dahil sa akin.

          “Aalis ka na?”  Sadness immediately crossed her face.

            “Yup.  Looks like you need sometime alone.”  Noon na ako tumayo.  “Ang mga bodyguards mo, masama ang tingin sa akin.  Itong mukha bang ito ang gagawa nang masama sa’yo?”

            Napangiti lang siya sa sinabi ko at bahagyang umiling. 

            “Don’t worry, I told them boyfriend kita.  So, hindi ka nila gagalawin.” 

          “So, hanggang ngayon wala pang nakakaalam na half siblings tayo?”

            Umiling lang siya at tipid na ngumiti.

            “Iyon din daw ang gusto mo sabi ni papa.  Ayaw mo daw i-recognize ka pa niya in public.”

          “Yeah. I just hate the idea na magiging Del Castillo na rin ako. I’m fine being Olivares.  Surname lang naman 'yun.”  Mapakla pang sagot ko lang.

            “Are you going to call me tomorrow to keep you company?”  Curious pang tanong niya.

            “Hmm, maybe.  Thanks for breakfast.”

            “No problem.”  Tipid pa siyang ngumiti at inihatid na niya ako sa may pintuan.  “Hindi na ba kita mapipigilan to stay?”

          “No.”  Marahan lang akong umiling.  “Work is work.  Ingat ka sa pag-uwi mamaya ha.”  Tila nawala sa loob ko at bigla ko na lang siyang hinalikan sa labi.  Shit!  “Oh, I’m sorry… Nakalimutan ko!” 

            Hindi naman siya kumibo sa sinabi ko at sa halip ay hinalikan ulit niya ako sa labi.

            “Bye, Ricky…”  Malungkot pang sabi niya.

Napabuntong-hininga na lang ako at tumitig sa kanyang mukha.

            “Bye, Katie…”  Noon na ako lumabas ng opisina niya.  This may sound obtuse, pero hindi ko talaga maramdamang magkapatid kami.  God, forgive me because I love her still… So much.

Continue Reading

You'll Also Like

507K 19K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
46.2K 952 34
A true Prince Charming who turned into a Heartless Devil VS A Weirdest Girl. This is the Side Story of Gabby Amoroso. Ang isa sa bestfriend ni Ace...
361K 11.8K 33
A Rom-Com story that you shouldn't miss! ^_^
1.1M 20.1K 53
Dati ng crush ni Corine si Liam, isang sikat na football star player sa school nila. Pero hindi niya iyon ipinapaalam sa kanyang mga kaibigan dahil...