The Pristine

By thesuchness

2.6M 56.6K 8.1K

. More

The Pristine
Simula
Ang Pang-Una
Ang Pangalawa
Ang Pangatlo
Ang Pang-Apat
Ang Pang-Lima
Ang Pang-Anim
Ang Pang-Pito
Ang Pang-Walo
Ang Pang-Siyam
Ang Pang-Sampu
Ang Pang-Labing Isa
Ang Pang-Labing Dalawa
Ang Pang-Labing Tatlo
Ang Pang Labing-Apat
Ang Pang-Labing Lima
Ang Pang-Labing Pito
Ang Pang-Labing Walo
Ang Pang-Labing Siyam
Ang Pang-Dalawampu
Ang Pang-Dalawampu't Isa
Ang Pang-Dalawampu't Dalawa
Ang Pang-Dalawampu't Tatlo
Ang Pang-Dalawampu't Apat
Ang Pang-Dalawampu't Lima
Ang Pang-Dalawampu't Anim
Ang Pang-Dalawampu't Pito
Ang Pang-Dalawampu't Walo
Ang Pang-Dalawampu't Siyam
Ang Pang-Tatlumpu
Ang Pang-Tatlumpu't Isa
Ang Pang-Tatlumpu't Dalawa
Ang Pang-Tatlumpu't Tatlo
Ang Pang-Tatlumpu't Apat
Ang Pang-Tatlumpu't Lima
Ang Pang-Tatlumpu't Anim
Ang Pang-Tatlumput Pito
Ang Pang Tatlumpu't Walo
Ang Pang-Tatlumpu't Siyam
Ang Pang-Apatnapu
Ang Pang-Apatnapu't Isa
Ang Pang-Apatnapu't Dalawa
Ang PangApatnapu't Tatlo
Ang PangApatnapu't Apat
Ang Pang-Apatnapu't Lima
Ang Pang-Apatnapu't Anim
Ang Pang-Apatnapu't Pito
Ang Pang-Apatnapu't Walo
Ang Pang-Apatnapu't Siyam
Ang Pang-Limampu
Ang Pang-Limampu't Isa
Ang Pang-Limampu't Dalawa
Ang Pang-Limampu't Tatlo
Ang Pang-Limampu't Apat
Ang Pang-Limampu't Lima
Ang Pang-Limampu't Anim
Ang Pang-Limampu't Pito
Ang Pang-Limampu't Walo
Ang Pang-Limampu't Siyam
Ang Pang-Animnapu
Pagtatapos

Ang Pang Labing-Anim

43.7K 852 130
By thesuchness

Kaagad akong nagpumiglas. Binitiwan naman ako nito. Dumausdos ang kaniyang mainit na palad sa dalawa kong binti. Hmm...oh, shit!

"Ano bang ginagawa mo?" inis kong sabi rito.

Hindi ba't sabi niya ay hindi na niya ako papakielaman? Ang sabi niya'y kaniya-kaniya na kami na pinapaboran ko rin naman!

"I'm just carrying you! If you don't want to be--"

"Talagang ayaw ko!"putol ko rito. Matalim ako nitong tiningnan kaya naman napaiwas ako ng tingin.

"Whatever. Let's just go upstairs, then..." Tumango ito sa second floor. 

"Bakit? Nagtatrabaho ako rito, sir." Kumunot ang aking noo ngunit sinubukan kong maging mahinahon. Sa gilid ng aking mga mata ay mariin ako nitong tinitingnan na tila ba dudang-duda siya sa akin.

"You are obviously not right in the head, Chrissy. Nilalagnat ka! Let's go upstairs to check you...out..." Naging patigil-tigil ang kaniyang pananalita sa bandang ulo.

Nag-angat ako kaagad ng tingin dito. Tinaasan ko siya ng kilay sa kaniyang sinabi. The hell?

"That's not what I meant! Sige na, tara na sa itaas..." Napahawak ito sa kaniyang batok dahil hindi niya ma-explain ng mabuti.

"Ayoko, sir. Baka may tao nanaman..." 

"Chrissy!" Kumulog kaagad ang kaniyang boses. Napaigtad ako. 

Patuloy akong umiling sa kaniya at sa kaniyang hiling ngunit nakalabas ang ubong kanina ko pa pinipigilan. Nagbaba ito kaagad ng tingin sa akin at sa tingin pa lang ay sinasabi niyang siya na ang tama.

"Huwag nang makulit, please..." marahan niyang sabi. Sa kaniyang marahang pakiusap ay dinaig ko pa ang isang grade one na hindi makaintindi.

Nang tingnan ko ito ay mukhang wala siyang balak umatras. At wala rin naman ako sa mood makipagtalo dahil sa aking nararamdaman. Napamura na lamang ako ng mahina. Anong ginagawa natin, Chrissy?

"Go upstairs now. I'll be there in a minute. Tatapusin ko lang ito," mariin niyang utos.

Siguro nga ay wala na ako sa tamang pag-iisip nang sumunod sa kaniya. Lulugo-lugo akong maglakad patungong second floor. At sa aking pag-akyat ay maraming nakatingin sa akin. Si Royette sa ibaba ay takang-takang nanunuod habang sina Mirna ay laglag ang panga.

Ang malamig na bugso ng temperatura rito ay nagpatindig ng aking mga balahibo. Nanginig akong lalo. Pinagsalikop ko ang mga kamao at naupo na sa bakanteng itim na sofa roon.

Napanatili ang aking tingin bagong miyembro ng office ni Sir Ram. Iba na ang kaniyang desk. Ang mahogany na table ay naging stainless at transparent na. Napanguso na lang ako.

Hindi rin nagtagal ay umakyat na si Sir Ram. Habang naririto siya ay mas lalong umiigting ang kaniyang mamahaling pabango na umiikot sa buong opisina. 

Naka light blue itong long sleeves ngayon. Lalo lamang nadepina ang kaniyang mga matang magkahalong kulay asul at itim. Naka jeans ito at isang branded na sapatos. Para itong modelo, pero sa tingin ko ay mas bagay niya ang maging isang temperamental at milyunaryong businessman.

Napataas na lamang ako ng kilay nang makita ang kaniyang mga dala.

"Ano iyan?" matabang kong sabi. Umasim ang aking mukha.

"Food and medicine."

Nahiya ako sa aking kinauupuan.  Ang makita siyang may hawak na tray at first-aid kit sa magkabilang kamay ay nakakapagod, lalo pa't hindi naman para sa kaniyang benipisyo iyon. 

Hindi niya bagay ang magsilbi. Ang bagay sa kaniya ay nasa itaas at tinitingala.

Nang matapat muli sa akin ang swing ng air-conditioner ay tumindig muli ang aking mga balahibo. Napakapit ako sa aking mga braso.

Mahinang napamura si Sir Ram at mabilis na binaba ang kaniyang mga hawak. Dumiretso ito sa makina upang hinaan iyon.

"Is this okay?" Malalim ang kaniyang boses.

Tahimik lamang akong tumango. Nagtungo na rin si Sir Ram sa aking pwesto. Nilapag nito ang tray at kit sa kaniyang desk habang siya'y nakaupo sa katapat kong sofa. Mayroong kumalabog sa loob ng aking dibdib.

"Kumain ka na ba ng dinner?" tanong nito habang tinitingnan ang aking pasa sa labi.

Kung paano mag focus ang mga mata nito sa isang bagay ay nakakanginig. Mariin itong nakatingin sa aking mga labi habang dumidilim ang mga mata. Napalunok ako at tumango.

"You don't look like it, then. You're very pale and you look weak. Like you could snap in two."

"Huh?" naguguluhan kong sabi.

Mabilis itong nag-angat ng tingin sa aking mga mata. Napigil ko ang paghinga.

"Never mind. Just eat and drink these. I hope you like steak..." Matipid na umangat ang sulok ng kaniyang mga labi. Sa bilis ng pagkawala nito ay aakalain kong hindi naman talaga iyon nangyari.

Tumango ako rito. Nang harapin ko ang pagkain ay hindi talaga siya nagbibiro. 

"Steak?" nagugulantang kong tanong. 

"Why? You don't like it?" Napanguso ito.

Sa kaniyang maliit na simangot ay gusto kong ngumisi. Ngunit, nang tingnan kong muli ang pagkaing nakaharap sa akin ay pinigilan ko ang pag-awang ng bibig. Steak itong talaga at hindi isang mainit na soup o mas madaling kainin na pagkain para isang may sakit.

"Hindi naman sa ganoon..."

"Tell me what do you want to eat. Ipapatawag ko si Mirna para kumuha--"

"H-Hindi! Okay lang ito!" mabilis kong putol.

Kung ipapapalit niya pa ay mas lalo lamang akong kakainin ng hiya, at isa pa, lalong magsususpetsa sina Mirna.

Habang kumakain ay hindi ako mapakali. Malilit na hiwa lamang sa steak ang aking ginagawa sa takot na mabilaukan. Kahit mahirap at nakakatamad itong nguyain ay kinain ko pa rin para hindi masayang ang effort ng aking boss. Hindi ko alam kung paanong pagsubo ang aking gagawin dahil nasa harapan ko lamang si Sir Ram.

"I'm sorry for what happened the other night..." anang baritono niyang boses.

Napatigil ako sa aking pagkain. Unti-unti akong nag-angat dito. Hindi tulad kanina ay seryoso na ang kaniyang mukha. Palipat-lipat ang kaniyang mga mata sa aking mukha. Kumalabog ang aking dibdib sa kaniyang malalim na tingin.

"I'm sorry for saying those things to you. I am sorry for losing my control..." 

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Kahit na nagso-sorry ito ay hindi pa rin umaamo ang kaniyang mukha. Patuloy pa rin ang pagdidikit ng kaniyang mga kilay at pagkunot ng kaniyang noo. Mas lalo lamang nadepina ang kaniyang panga.

"Uhhmm..." Hindi ko alam ang aking sasabihin. Hindi ko naman pwedeng sabihing okay lang iyon dahil hindi talaga iyon okay! 

Pero ngayong ang isang katulad niya ay humihingi ng tawad...

"Ang sakit mo magsalita, sir. Pero sana ay wala ng next time," mahina kong sabi. Naging isang diretsong linya ang aking mga labi.

Kahit na tumango ito ay hindi pa rin ako makahinga ng maayos. Patuloy pa rin ang mabilis na pagkalabog ng aking dibdib.

Pagkatapos kong kumain ay ininom ko na ang gamot na katabi. Naroon pa rin si Sir Ram sa aking tapat ay maingat na pinanuod ang aking bawat galaw. Tingin niya ay mababasag akong bigla dahil lamang sa kaunting hilo ko.

Pumangalumbaba ito sa kaniyang magkapatong na hita. Kumikislap nanaman ang mga mata nito at sa tuwing gagawin niya iyon ay pumupula ang aking mga pisngi.

Stupid pisngi!

"Good girl..." kumento nito nang mainom ko na ang gamot.

Mas lalong pumula ang aking pisngi. Hirap ko itong pinigil nang iharap na niya sa akin ang first-aid kit. Dinuro nito ang aking labi at braso.

"Sinong gumawa niyan, Chrissy? If that was that boy again, I swear---"

"Hindi! Hindi si Jerard ito, okay? Maliit na...cat fight lang," mabilis kong putol. 

Kumunot ang noo ni Sir Ram nang banggitin ko ang pangalan ni Jerard. Gusto kong sapakin ang sarili. Napailing naman ito na tila ba mayroong pinipigilan.

"And why were you on a cat fight? Para kanino ka lumalaban, huh?"

"Para sa sarili ko. Syempre." Namayagpag ang pagmamalaki sa akin. Ngumisi ako rito.

Matagal ako nitong tiningnan upang alamin kung nagsisinungaling ako o hindi. Confident ako sa mga unang segundo ngunit masyadong intense ang kaniyang mga mata. Ngunit hindi ko iniwas ang tingin. Nag-smirk lamang ito at nilahad ang first-aid kit.

"Ako na, sir. Nurse ako. Madali lang ito," pigil ko sa kaniya.

Nag-tap ang kaniyang daliri sa kaniyang desk. Mayroon nanaman siyang pinipigilan ngunit tumango rin sa akin.

Una kong ginamot ang aking siko. Maliit lang naman ang karmot ni Clarisse doon kaya band aid lamang ang katapat. Nang sinusuri ko na ang aking labi ay nagnakaw ako ng tingin kay Sir Ram. 

Kahit nakaupo ay matipuno pa rin ang kaniyang hitsura. Nakatingin ito sa aking ginagawa at napapatingin sa aking mga labi. Napalunok ako at napabasa ng mga labi. 

Umaawang ang bibig ni Sir Ram. Dinig ko ang mahina niyang mga mura.

Binilisan ko na lamang ang paggamot. Ang aking tuhod ay sa bahay ko na lang gagamutin. Nang matapos ako ay nawalan na ako ng rason dito kaya naman tumayo na ako at nagpasalamat.

"You will have the rest of the night at home. Get yourself some sleep and I expect you to be healthy as ever the next time I see you..." saad nito habang inayos ang gusot sa kaniyang collar. Nag-flex ang kaniyang mga muscles sa balikat at braso.

"Thank you, sir." Hindi ko na napigilan ang pagngiti ng malaki. Sa wakas! Off ko na!

Hindi ko alam kung ano ang kaniyang nakain ngunit sana ay kainin niya ito ng madalas para madaming off!

Nagtungo na akong kaniyang pinto habang nakatanaw ito sa akin. Nawala ang ngiti sa aking mga labi nang hawakan na ang handle. Pinagdikit ko ang mga labi.

"Hey..." 

Mabilis ko itong nilingon. Tumaas ang aking mga kilay at kumalabog ang aking dibdib.

"You deserve better, Chrissy..." malamig niyang sabi at umiling.

"Nagkataon lang na ganoon ang naabutan mo, sir. Pero sa mga normal na okasyon, siya na ang pinakamatinong lalaking nakilala ko," paliwanag ko rito.

"He's just a boy, Chrissy. No matter how decent he looks or how expensive he dresses, he's just a boy. And boys like him usually gets under situations that are far beyond his control..." kalkulado niyang saad.

 Napaiwas ako ng tingin. Sobrang swerte ko kay Jerard ngunit...napailing ako.  

"Hindi mo naman alam iyon," sabi ko.

"Of course, I do. The most decent guys are the most dangerous ones..." 

Matipid akong tumango rito at tuluyan nang umalis. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya roon ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang. Nagpaalam lang ako kay Mirna atsaka umuwi na.

Kinabukasan ay weekend kaya naman mahaba ang aking tulog. Medyo maayos na rin ang aking pakiramdam dahil nabawi ko ang aking tulog. 

Habang nagkakape ay napangiti ako nang maalala si Sir Ram. Nang marealize iyon ay pilit kong binura ang ngiti sa aking mga labi. Tsk!

Sa aking taimtim na pamamahinga ay nag-ring ang aking cellphone sa tabi. Nakita ko kaagad ang pangalan ni Ate Yllana kaya naman alanganin kong sinagot iyon.

"Hello, ate..."

"Hello, Chrissy! How are you? Pasensiya ka na at ngayon lang ako tumawag. Hectic shedule!" matinis na boses niyang bati.

"Ok lang! Uhmm, nakauwi ka na?" Sinubukan kong huwag umubo dahil mamaya ay baka kung ano nanaman ang kaniyang isipin.

"I'm okay! Don't worry, sis. Baka by next week ay nariyan na 'ko. Why, na-miss mo na 'ko, ano?" Humalakhak ito.

Ngumisi ako,"miss you..."

Nagkwento si Ate Yllana at doon ay nasama nanaman ang kaniyang plano sa aking pagiging maid of honor niya. Nanlumo ako kaagad. Hindi ako um-oo ngunit hindi rin ako humindi. Siya na kaagad ang nag-isip na masaya ang aking reaksyon.

Kabaligtaran noon ang aking nararamdaman. Natural mente na mag-aabot kaming lahat sa wedding niya. Mas lalo lamang akong kinakabahan dahil hindi ako handa sa mangyayaring pangliit nanaman sa pagkatao ko.

Pagkatapos ng tawag ni Ate Yllana ay nanumbalik ako sa aking pahinga. Nagluto ako ng breakfast atsaka nagsiyesta nanaman. Sulit na sulit ang aking maghapon dahil wala akogn ibang ginawa kung hindi ang humilata.

Noong hapon ay nagtungo na 'kong bistro para sa shift. Hindi ko alam kung bakit ako ngiting-ngiti lalo pa't sinipat ang second floor.

"Putragis ka, Chrissy! May ginawa kayo sa itaas ano? Kaya ang tagal-tagal mo dahil may ginawa kayo ni Sir Ram." Masama ang tingin sa akin ni Mirna.

Napawi ang ngiti ko,"wala kaming ginawa, Mirna. Ano ka ba? Hindi ako si Jamel, ano!" 

Sa gilid ay inismiran ako kaagad ni Jamel. Aamba pa ito ngunit mabilis na umamba si Mirna.

"Hala ka, Chrissy. Mag-iingat ka riyan kay Sir Ram. Playboy iyan, ateng."

"E, bakit ikaw, gustong-gusto mo kahit playboy?" tanong ko rito.

"Kasi hindi na ako nag-aaral at hindi na rin ako virgin. Malapit na kaya akong mag-trenta, malamang humahanap ako ng sugar daddy!" sigaw niya kaagad.

"TMI, Mirna! TMI!" Humalakhak ako rito. "Gusto mo sayo lang, ganoon? Gusto mo wala ako sa spotlight?"

"Nakikita ko ang pagtingin sayo ni Sir Ram, e. Iba e, ano, Chrissy. May something..." Tumaas-baba ang kilay nito.

"Anong something?"

"Something na iiwasan kasi, hoy, bata ka pa! Bente singko na yon!" sigaw nitong bigla. 

Napanguso ako sa aking kaibigan. Wala naman akong dapat iwasan dahil wala namang nangyayari. Tama siya na isang playboy si Sir Ram, isang mayaman at delikadong playboy kaya dapat ay wala siyang ikatakot. Dahil ang mga katulad ni Sir Ram ay hindi ako lalapitan. Hindi ako ang mga type ng playboy.

Habang nagtatrabaho ay hindi ko mapigilan ang pagtingala sa second floor ng bistro. Para bang nagbaliktad dahil si Rapunzel na ngayon ang tumatanaw sa tore. Pansin kong patay ang mga ilaw doon. Napakunot-noo na lamang ako.

Pagpatak ng alas onse ay hinanda ko na ang sarili. Inayos ko ang tayo ng likod at hinanda ang ngiti para sa customers. Ngunit, lumipas na ang sampung minutos ay hindi pa rin bumababa ang boss namin para sa inspeksyon.

Bumaba ang aking mga balikat sa hindi malamang kadahilanan.

Kinabukasan ay pahinga pa rin kaya naman mahaba ang aking tulog.

Habang nagluluto ng itlog at hotdog ay napatigil ako sa naalala. Bakit kaya hindi bumaba si Sir Ram? Punctual ito lalo na sa mga oras. At kahit kailan, hindi pa siya uma-absent sa kaniyang pag-round tuwing alas onse na ng hating gabi sa bistro.

Nang matilansikan ng mantika ay saka lamang ako bumagsak sa realidad. Nagkibit-balikat na lamang ako.

Sa shift ko ng hapong iyon ay ganoon parin. Patay ang mga ilaw ng second floor at kahit minsan ay hindi ko pa nakikita ang aming boss. Nag-tap ang aking daliri sa counter.

Binalik ko ang tingin sa espasyo ng bistro. Soft muna ang lighting dahil kabubukas pa lang. Ang mga entertainer ay naghahanda sa stage at ang iba ay nakikipaghuntahan pa sa mga maagang customers. Bumuntong hininga ako.

"Hoy!!!" Sumigaw si Ivan sa tenga ko!

"Ano nanaman ba? Naku, grabe ka naman, Ivan!" Napakamot ako sa ulo.

Humilig ito sa counter saka sinilip si Japeth at Mirna sa aking tabi. Pumito si Ivan nang nahuli akong nakatingin sa ikalawang palapag. Umiling ako rito. 

Nagpapapansin kasi sa akin ang second floor kaya tingin ako ng tingin!

"Ahh, wala si Boss kahapon at ngayong araw. May inaasikaso sa Maynila at hindi pa alam ang balik kaya party party!" sabi ni Ivan.

Ano? Maynila

"Anong ginagawa niya sa Maynila?" Hinarap ko kaagad si Ivan na pinapakielamanan ang inayos kong menus. Inagaw ko kaagad iyon.

"Sabi niya sa akin na may aayusin siya. Hindi ko naman na tinanong kung ano," aniya.

"Anong gagawin niya roon? E, bakit siya sayo nagpalaam?!" gulantang kong tanong. Ang daya naman nitong Ivan na ito!

"Hindi ko alam. Nabanggit niya lang sa akin noong nag carwash ako sa kotse niya. Ang lakas nga mag-tip! Sana naging carwasher na lang ako!" 

Nasa Maynila si Sir Ram ngayon at kahapon. Kaya tahimik ang second floor at ni isang ilaw ay patay. Napanguso ako.

Siguro nga ay mayroon siyang aayusin doon. Siguro ay malapit na siyang bumalik ng Italy dahil doon niya nabanggit kung saan siya galing. Tama lang naman na naroon siya sa Maynila dahil naroon ang mga mayayaman. Tama lang siya doon at hindi rito.

At...siguro, may girlfriend! Ay, wait. May girlfriend na nga ba ito? 

Pagkarating ko sa university ay napapaungol na lamang ako. Ayaw kong makita ang mga tao rito. Ayaw ko rito. Ang gusto ko ay sa bistro na lang ako ngunit wala doon ang diploma.

"Kamusta na iyang mga galos mo, Chrissy?" tanong ni Lucy.

"Okay na..." tango ko. Syempre ay nagamot...napailing na lang ako sa naisip.

Maya-maya pa'y lumapit sa akin si Jaime. Naupo ito sa aking tabi. Tumaas ang kilay ko rito.

"Chrissy...sorry na raw sabi ni Eamonn..." aniya.

Napabuntong hininga ako. Sabi ko na nga ba. Hindi ko na alam kung sino ang aking uunahin. Wala naman akong ginagawang masama sa mundo ngunit bakit ganoon na lamang kahaba ang buhok ko.

"Kamusta na siya, Jaime?"

"Ayun. May excessive bleeding sa puso..." Ngumisi ng hilaw si Jaime. Kinuwento nito ang madalas na pagyaya ni Eamonn ng inuman.

Tumango ako ng matipid dito. Nagpasalamat na lang ako sa inpormasyon kahit na wala naman akong magagawa.

Dumaan ang mga araw sa bistro ay hindi pa rin pumapasok si Sir Ram. Kapansin-pansin ang pagiging tamad ng crew. Higit pa roon ay nababawasan kami ng customers nitong mga nakaraang araw dahil na rin siguro sa pagiging lumbay ng bistro.

"Bakit pa kailangan ng rosas? Kung marami namang nag-aalay sa'yo..." 

Pati ang banda at mga entertainers ay nalulumbay na rin sa kanta. Lanta ang crew na tila ba mayroong kulang. Walang spark ng mahika ang bistro. Mayroong kulang. At iyon ay walang iba kung hindi si Sir Ram. Si Sir Ram at ang kaniyang pambubulyaw at pangunguna.

"Uwi na tayo, Chrissy..." ani Mirna dahil kaunti lang ang tao. 

Nang nilibot ko ang paningin sa bistro ay si Royette lamang ang tanging nakangiti dahil kaunti ang kaniyang gagawin.

Umuwi ako nang bagsak ang mga balikat. Nakaatang ang kakulangan ng bistro rito. Sa aking kama ay pabiling-biling ako at hindi makatulog. Kailan kaya babalik si Sir Ram? Hindi na ba siya babalik?

Pinilig ko ang ulo sa nahihibang na isip. Ano naman kung hindi iyon bumalik? Sus!

Tumunog kaagad ang aking cellphone. Tamad kong binuksan ang mensahe.

Unknown number:

Good evening, Chrissy. How are things holding up?

Kumunot kaagad ang aking noo sa mensahe. Masyado itong pormal. At tuwing nababanggit ang pormal ay isang tao lamang ang pumapasok sa aking isip. Nag-reply ako.

Ako:

Sino ito? Saan mo nakuha ang number ko?

Wala pang isang minuto ay nakatanggap ako ng reply. 

Unknown number:

Sa staff directory. This is Ibrahim Donofrio. I'm surprised that you didn't even bother to store my phone number.

Lumaki ang aking mga mata nang mabasa iyon. Oh my god? Si Sir Ram ito! Kaagad akong hinanap ang dating unknown number din ngunit bumaba ang aking mga balikat nang maalalang nabura ko na pala. Walang kwenta!

Mabilis akong nag-reply.

Ako:

Good evening din, Sir Ram. Pasensiya na.

Kagat-kagat ko ang daliri habang nag-iintay ng reply nito. Nang dumating iyon ay halos maputol ang daliri ko sa bilis pumindot.

Sir Ram:

Okay lang.

Kinagat ko ang labi. Buhay na buhay ang dugo ko na kanina ay latang gulay. Nag-panick ako kaagad dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Hanggang doon na lang magtatapos ang aming conversation? Mag-send kaya ako ng emoji?

Muntik ko nang sapakin ang sarili. Nag-reply na ako kaagad.

Ako:

Sir? Kailan ka babalik galing Maynila? Anong ginagawa mo dyan?

At ano ang ginagawa niya roon? Date? Nag-aayos ng kumpanya? 

Napanguso ako sa aking text. Kahit na hindi ko ito kaharap ay nahihiya pa rin ako. Mabilis na dumating ang reply nito.

Sir Ram:

May inaasikasong flight. Maybe, the day after tomorrow ang balik ko.

Aalis na ba siya? Tama ba ang aking hinala? Siguro ay babalik na nga talaga siyang Italy. Iiwan na niya ang bistro! Napakagat na lamang ako na labi. Hindi ko alam ang aking magiging reaksyon ngunit hindi ako makaisip ng reply.

Nakatulog ako sa kakaisip. Gumayak na ako para sa aking klase.

Habang nanunuklay sa harap ng salamin ay napatingin ako sa aking cellphone. Naroon nanaman ang pagbagabag sa aking isip. Napanguso ako sa pag-aalangan. 

Itetext ko ba si Sir Ram? Kasi, nakakabastos naman na hindi ako nag-reply kagabi. Oh, wait, siya ba dapat ang huling mag-rereply o ako? 

Ano ba iyan, Chrissy! Napamura na lamang ako ngunit sa huli ay dinampot ko ang cellphone para dumutdot.

Ako:

Hi, Sir Ram. Good morning!

Habang binabasa ang aking text ay nanlumo ako. Parang may ibang ipinararating ang aking text. Nakakahiya! Hindi ako makagalaw habang hindi pa ito nagrereply. Baka naman tulog pa at istorbo ako. Shit!

Ding!

Ayan na, oh my god!

Mabilis ko iyong binuksan.

Sir Ram:

Hello.

Lumaki ang aking mga mata. Sumingkit ang aking mga mata sa screen. Ang awkward naman! Mabilis akong nag-reply tungkol sa nangyayari sa bistro ngunit nakapasok na ako't lahat-lahat ay wala pa ring reply. 

Nanlumo na akong tuluyan. Bandang lunch time na nang sunod-sunod itong nag-reply. Muli akong nabuhayan ng dugo.



Sir Ram:

Anong ginagawa mo? You're slacking off again, aren't you? Chrissy.

Sir Ram:

Kamusta ka na pala? Uminom ka  ba ng gamot? And about that...

Sir Ram:

Dapat ay hindi ka na pumasok. Wala naman ako.

Sa pagkataranta ay pagputok ng pisngi ay agad akong nag-type ng text. Teka! Anong about that? Ano 'yung 'that'? Napangiti ako nang ma-isend ang aking text.

Ako:

Maayos na ako. Mukhang busy ka sir. Anong ginagawa mo?


Napatitig na lang ako sa screen at naghintay ng reply. Matagal ang titig ko rito ngunit nakauwi na akong muli sa apartment ay wala pa rin.

Continue Reading

You'll Also Like

8.7K 306 34
Her story of moving on and finding love along the way.
56.2K 945 38
ME Series #1 : NOTICE ME a novel written by: MiaBellaHart Kapag nagmahal ka, Kapag nagmahal ka, nagpapansin ka. Kapag nagmahal ka, lahat gagawin mo...
6.2K 306 46
Astraea Felisse Galve, the rebellious girl of Manila will transfer to Esmeris National Highschool, a troublemaker, a teacher's enemy at higit sa laha...
154K 2.5K 42
What hurts the most? Unrequited love or falling out of love?