We're Married (Published)

By heyairaaa

19.6M 173K 21.3K

WATTPAD PRESENTS: NOV 2-6, 2015 ❤ PUBLISHED UNDER LIB/PASTRYBUG BOOK 1 - P99.75 BOOK 2 - 109.75 "Kasal nga ka... More

We're Married
1. King
2. Dinner
3. Wedding
4. Elle
5. Married
6. Side
7. Day
8. Night
9. Plan
10. Him
11. Flashback
12. Date [1]
13. Date [2]
14. Trip [1]
15. Trip [2]
16. Feelings
17. Sorry
18. Awkward
19. Talk
20. Dreams
21. Chance
23. Party
24. Paradise
25. Decision
26. Goodbye
27. Boss
28. Past
29. Luis
30. Luke
31. Truth
32. Kiss
33. Crazier
34. Pain
35. Game
36. Secrets [1]
37. Secrets [2]
38. Listen
39. Confrontation
40. Grief
Note [1]
41. Orphanage
42. Tomb
43. Sign
44. Heart
45. Misery
46. Consequences
47. Start
48. Rose
49. Note
50. Friendship
51. Love
Note [2]
Epilogue
Special Chapter [1]
Note [3]
Note [4]
Note [5]
▪ Wattpad Presents ▪

22. Solved

351K 2.7K 423
By heyairaaa

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

-Elle’s POV-

 

“Sure ka na ba dito, sis?” tanong sa akin ni Marga na kanina pa palakad-lakad sa likod ko.

 

Inayos ko ang lipstick ko at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Perfect. Hinarap ko ang bestfriend ko na kakauwi lang galing probinsya at dito talaga sa akin kaagad sumugod.

 

“Marga, business party ang pupuntahan namin ni King at kailangan naming pumunta doon. Saka magkikita at magkikita rin kami lalo na at malapit nang magsimula ang next sem. Hindi pwedeng takasan ko nalang lagi ang problema ko, ano pa ang silbi ng tapang na ipinagmamalaki ko kung lagi nalang ako magtatago, di ba?” mahabang litanya ko kahit sa loob ko ay parang sasabog na ang puso ko sa kaba.

 

“Are you giving him a second chance?” sabi nya at humarap sa akin na puno ng pag-aalala.

 

Hindi ko din naman sya masisisi sa nararamdaman nya ngayon. Alam kong nag-aalala lang sya sa akin pero nakapagdesisyon na talaga ako.

 

I just gave her a smile.

 

*

 

Huminga ako ng malalim bago itinulak ang pinto para pumasok.

 

“Elle!!” bungad sa akin ni Mommy na sobrang ganda ngayon sa kanyang gold dress.

 

Agad nya akong hinalikan sa pisngi at wala sa sariling tinanggap ko iyon. Ginala ko ang paningin ko sa paligid at nung makita ko ang hinahanap ko parang dumoble ang kaba ko. Eto na naman, hindi talaga uubra ang tapang ko sa kanya.

 

“May problema kayo, right? I hope na maayos nyo na yan.”

 

Nagulat ako sa sinabi ni Mom. Alam nya?

 

Napatingin lang ako sa kanya na nagtataka. Ngumiti sya sa akin at hinawakan ang braso ko.

 

“I’m your mom, Elle. Hindi ko man alam kung anong problema yan pero nararamdaman ko ang tensyon sa inyo.”

 

Natahimik ako sa sinabi nya. Hindi pa man ako nakaka-recover sa sinabi nya ng tawagin nya si King para lumapit sa amin.

 

Seryoso lang ang mukha nya. Gusto ko sya titigan pero naiilang ako kaya umiiwas ako agad ng tingin.

 

“Mauna na kayo sa party. Mahuhuli kami ng parents ni King kaya kayo munang bahala doon.” sabi ni mom sa amin.

 

Gusto kong mapailing pero pinigilan ko lang. Alam ko naman na ginagawa lang nila to para magkaroon kami ni King ng alone time sa isa’t-isa. Ayaw nilang nahuhuli sila sa isang event kaya halatang plano nila to.

 

Nauna akong lumabas at sumakay sa sasakyan. Kahit medyo labag sa loob ko, sumakay ako sa tabi nya.

 

Sumakay na din sya at nagsimulang mag-drive. Diretso lang ang tingin nya, ako naman ay tumingin lang sa paligid. Madilim na sa labas, buti nalang talaga hindi traffic.

 

Wala na sana akong balak umimik ng bigla syang mag-iba ng way. Agad akong napatingin sa kanya pero parang wala lang sa kanya ang ginawa nya.

 

“King.. saan tayo pupunta?”

 

Tumingin lang sya sa akin pero binalik din nya ang tingin nya sa daan. Hindi sya umimik o nagsalita.

 

Bumalik ang kaba sa dibdib ko at nakadama ako ng takot.

 

“King, saan mo ko dadalhin?” medyo inis na sabi ko.

 

Nakita kong pumikit sya ng mariin tapos dinilat din yun agad. May kung anong emosyon sa mata nya pero hindi ko iyon mabasa dahil sa madilim na paligid.

 

“Just keep quiet, Hailey. Please.” may pagsusumamo sa boses nya at parang may malamig na pakiramdam ang humaplos sa puso ko dahil sa lambing ng boses nya.

 

Hindi ako nakapagreklamo at natahimik nalang sa upuan ko habang nakatingin sa pamilyar na daan na tinatahak namin ngayon.

 

Tahimik lang kami hanggang sa makadama ako ng antok...

 

*

 

Unti-unti kong dinilat ang mata ko at sumalubong sa akin ang madilim na paligid na may mangilang-ngilan na ilaw.

 

Pamilyar sa akin ang lugar. Tiningnan ko ang tabi ko at wala na sya doon. Bumaba ako ng sasakyan at nagulat ako ng mapagtanto ko kung nasaan kami.

 

Dahan-dahan akong pumasok sa lugar na yun at nakita ko sya na nakatayo sa harap ng altar. Nakatalikod sya sa akin kaya hindi nya ako nakikita.

 

Lumapit ako sa kanya pero hindi ganoong kalapit, tama lang para marinig namin ang isa’t-isa. Hindi nya naramdaman ang pagdating ko, mukhang may malalim syang iniisip.

 

“Bakit, King?” tanong ko nung hindi nya pa din napansin ang pagdating ko.

 

Lumingon sya sa akin at ngumiti ng tipid. Mukha syang nahihiya pero may iba pa akong nararamdaman sa kanya.

 

“Gising ka na pala.” sabi nya pero hindi ko pinansin yun at inulit ko ang tanong ko.

 

“Bakit mo ko dinala dito, King?” ulit ko.

 

Eto ang simbahan na matagal ko nang pinapangarap na ikasal. Dito kinasal sina Lolo’t Lola pati na din ang mga parents ko. Paano nya nalaman na gusto ko ang lugar na to?

 

Biglang pumasok sa isip ko si Luke. Sya lang ang tanging may alam nito kaya sya lang ang pwedeng magsabi nito kay King pero bakit nya ko dinala dito?

 

Tumawa sya ng mahina. He’s so.... cute.

 

“I don’t know. Gusto ko lang na makapag-usap tayo na hindi mo ko matatakasan at dito ako napadpad.” nangi-ngiting sabi nya.

 

Gusto kong magalit pero hindi ko magawa. Bakit ganyan sya? Parang wala lang sa kanya ang mga nangyari sa amin dati. Kung makangiti sya parang hindi nya ko sinaktan.

 

Tumalikod ako at naglakad ng mabilis palabas. Tinawag nya ko pero hindi ko sya pinansin hanggang sa makarating kami sa hindi ko alam na lugar. Basta walang tao at medyo malayo na sa simbahan. Marami akong gustong sabihin sa kanya at ayokong bastusin ang simbahan kaya mas magandang sa iba kami mag-usap.

 

“Bakit ka tumakbo dito?” tanong nya ng makahabol sa akin.

 

“Gago ka ba o sadyang gago lang?” bulalas ko at nagulat naman sya. Di yata nya expected na magiging ganun ang reaksyon ko.

 

“H-hailey..” bulong nya at akmang hahawakan ako pero kinabig ko yun.

 

“Leche ka King!! Naglalaro lang ba tayo? Hindi ka ba nagsasawang saktan ako? Kung ginagawa mo lang to para makabawi sa mga nagawa ko sayo dati pwes tama na, sobra na. Sa sobrang sakit, nakakamatay na.”

 

Medyo nakaramdam ako ng hilo pero hindi ko lang pinansin at tumingin ng diretso sa kanya. Hindi sya umimik at nakatitig lang sa akin.

 

Tahimik lang sya kaya napagdesisyunan ko nang tumalikod pero bago pa ko makalayo ay narinig ko sya ulit na nagsalita.

 

“Last chance, Hailey. Let me prove to you that I’m dead serious.”

 

Huminga ako ng malalim at napahawak sa puso ko na sobrang bilis ng tibok.

 

Di ba sabi ko sa sarili ko nakapagdesisyon na ako? Kaya ko bang mag-risk ulit, ngayon na marami ang pwedeng mangyari? Na alam ko sa huli, ako lang din ang masasaktan?

 

Humarap ako at huminga ng malalim.

 

“One last chance, King.”

 

Last na to, promise.

Continue Reading

You'll Also Like

22.7K 1K 26
TWINS ARE IN LOVE BOOK 2 Copyright © 2019 by GandangSora All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any m...
1.7M 5.1K 6
A cliche love story that starts with a stupid Dare. Everything happens for a reason. Love is Blind Love is Unconditional Love is Sacrifice But for...
6.9M 23.3K 6
Bubbly and fierce, Mariz Ochua, is not a typical secretary. She worked hard and was getting ahead when all of a sudden, the CEO for whom she was a se...
109K 3K 53
Reunited with her highschool classmate, who's the owner of her company's new project, Eli will have to deal with him and her heartaches from his ex a...