(G4S Book3): OUR LEGACY

By Nikkidoo

248K 6K 1.1K

"Love knows no fear and danger." Book 3 of GIRLFRIEND 4 SALE © by Nikkidoo. "Kailan ba matatapos ang lahat ng... More

P R O L O G U E
Chapter ONE --> Apart <--
Chapter TWO --> Madly In Love <--
Chapter THREE --> Unfair Fight <--
Chapter FOUR --> The Playboy <--
Chapter FIVE --> Too In Love <--
Chapter SIX --> Destiny <--
Chapter SEVEN --> The Last Member <--
Chapter EIGHT --> 7-Eleven <--
Chapter NINE --> The Visitor <--
Chapter TEN --> Glimpse <--
Chapter ELEVEN --> Generous Brother <--
Chapter TWELVE --> The Rescuer <--
Chapter THIRTEEN --> Knock <--
Chapter FOURTEEN --> Missing You <--
Chapter FIFTEEN --> Pissed? <--
Chapter SIXTEEN --> The Playboy's Secret Life <--
Chapter SEVENTEEN --> His Adorable Side <--
Chapter EIGHTEEN --> Helping Hand <--
Chapter NINETEEN --> Sexy Pictorial <--
Chapter TWENTY --> First Fight <--
Chapter TWENTY-ONE --> What We're Sorry For <--
Chapter TWENTY-TWO --> 18th Summer <--
Chapter TWENTY-THREE --> Stars and Sky <--
Chapter TWENTY-FOUR --> "Codex" <--
Chapter TWENTY-FIVE --> The Twins <--
Chapter TWENTY-SIX --> A Childhood Memory <--
Chapter TWENTY-SEVEN --> I Must Not. But... <--
Chapter TWENTY-NINE --> Seth & Sam <--

Chapter TWENTY-EIGHT --> City Lights <--

5.1K 152 74
By Nikkidoo



====> Chapter TWENTY-EIGHT --> City Lights <--

[ Cassidy's POV ]

Nakalimutan kong itanong kay Den kung saan kami pupunta.

Humarap ako sa salamin at muling inayos 'yong suot kong damit. Inayos ko 'yong pagkaka-tuck in ng white sleeveless blouse ko doon sa suot kong below the knee na apricot colored skirt. Siguro panlimang beses ko na 'tong ginawa habang hinihintay ko 'yong pagdating ni Den.

Siguro mga isang oras akong naghalungkat sa closet ko ng pwedeng isuot na damit. Parang naging bangketa sa Divisoria 'yong kama ko sa dami ng damit na nagkapatung-patong na. No'ng pumasok nga si Weendy sa kwarto ko para sana itanong kung dito ba ko magdi-dinner, tinaasan niya ko ng kilay.

"Saang ukay-ukay idi-deliver 'yan, beshfren?" sabi niya.

Tapos siguro mga kalating oras din akong namili ng bracelet at hikaw na babagay sa damit ko. Sa huli, I settled for a small diamond earrings na bigay ng parents ko at silver bracelet na regalo sa'kin ni kuya noong debut ko.

Tiningnan ko 'yong teardrop crystal pendant na nakasabit sa leeg ko. Hinawakan ko iyon at naramdaman ko 'yong hugis niyang bumabaon sa palad ko. Parang kumalma 'yong sistema ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali. As in hindi ako mapirmi sa isang tabi. Kanina pa ko pabalik-balik sa harap ng salamin.

Siguro kasi... ito ulit 'yong unang pagkakataon na lalabas kami ni Den nang kaming dalawa lang? Bigla tuloy bumalik sa alaala ko 'yong first date namin sa park. Napapangiti nalang ako tuwing naaalala ko 'yong mga tingin ni Den sa mga batang naglalaro. Talagang makikita mong parang natutuwa siyang panoorin sila. Ang sabi niya, hindi niya naranasang makipaglaro sa ibang bata dati. He and his twin, Brye, were always together when they were little. At dati palang, meron na talagang invisible gap sa pagitan nilang dalawa. Lagi silang uma-attend ng business trips kasama 'yong parents niya. Kung hindi naman, nasa bahay lang siya.

Maybe, that led him astray when he was in his teenage years. Naghahanap siya ng "affection" mula sa mga taong nasa palagid niya. Kailangan niya ng taong magagalit sa kanya tuwing may ginagawa siyang mali. Kailangan niya ng taong tatapik sa balikat niya tuwing malungkot siya. At kailangan niya ng taong pilit na magbubukas ng nakasaradong mundo niya.

"They were all lifeless–those people around me. They gave me fake smiles, saying that I was doing the right thing but actually, I was not. They were praising me just because of my parents' position in the business industry. They never cared about me."

Iyan ang sabi ni Den sa'kin dati. Kaya naman siguro ganito nalang katindi ang bond ng PENTAGON ngayon. PENTAGON was not only a group, but a brotherhood. Pinupunan nila ang pagkukulang ng isa't isa. They treat each other like brothers. Crazy brothers.

Halos mapatalon ako noong bigla akong may narinig na malakas na busina sa labas ng apartment. Sumilip ako sa bintana. May nakaparadang isang hindi pamilyar na gray sportscar sa tapat ng gate. Maya-maya lang ay biglang tumunog 'yong cellphone ko. Kinuha ko 'yon mula sa kama ko. Naka-display sa screen 'yong pangalan ni Den. I swpied the screen. "Hello?"

"I'm here."

So si Den 'yong nasa sportscar? Bagong kotse na naman? Ang yaman talaga no'ng taong 'to. "Give me a minute," I said and immediately ended the call. Mabilis kong hinablot 'yong bag ko mula doon sa sofa at tumingin pang muli doon sa salamin for a one last look. Nilagay ko 'yong tuwid at maitim kong buhok sa magkabilang balikat ko. Huminga ako ng malalim bago ako ngumiti sa salamin.

This is it.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa hagdan. "Oy, beshfren, na-text mo na ba si Kuya Jace?" sabi ni Weendy habang may hawak na mug na may lamang hot chocolate.

Tiningnan ko 'yong relos ko. Mag-a-alas kwatro na pala ng hapon. At nakalimutan kong i-text si kuya! Baka mamaya, hintayin pa niya kong mag-dinner. Dapat kasi uuwi ako ngayon, bale nag-overnight lang ako sa apartment ng kambal since kasama ko na sa condo si kuya. Pero kasi masyado akong na-occupied sa pag-iisip kung paano ko ba mapagbabati si Jenica at Vex. As in parang dalawang oras akong nakahiga lang sa kama at nakatitig sa kisame ng kwarto ko. At isa pa, hindi rin maalis sa isipan ko 'yong date namin ni Den ngayon. Para kong kinakabahan na excited.

Grabe, Cassidy. First date lang?

"Ite-text ko nalang siya on the way," sagot ko kay Weendy.

Dinilaan muna niya 'yong kutsara bago ituro iyon sa akin. "Hay nako, beshfren. Lagot ka na naman do'n! Nagka-boyfriend ka lang ulit, nakalimutan mo na si Kuya Jace!"

"Excuse me? We never broke up!"

"Huwag mo kong ini-English!" Pumamaywang siya. "Basta, i-text mo na siya. As in NOW NA." Pagkatapos ay tumalikod siya sa'kin with matching hampas pa ng buhok. Kita mo 'to? Parang hindi sila nag-away ni Jenica kagabi eh.

"Ito na nga po. Ite-text na," bulong ko habang pababa ako sa hagdan. Tinext ko si kuya habang papalabas ako ng apartment. No'ng makalabas na ko ng gate, bumungad agad sa'kin si Den na nakasandal sa kotse niya at nakahalukipkip. Nakasuot siya ng light blue polo shirt, nakataas 'yong sleeves hanggang siko niya at nakabukas 'yong first two buttons ng damit niya. Black trousers, and a pair of black leather Oxford shoes.

Pero may nakatawag talaga ng pansin sa akin eh. 'Yong buhok niya. Parang may iba. Parang...

Tinaasan niya ko ng kilay. "What?" tanong niya noong makita niyang halos matunaw na siya sa titig ko sa kanya.

"Did you just... cut your hair?" I asked.

"I did." Nilagay niya 'yong parehong kamay niya sa loob ng trousers niya. "And gelled up a bit."

Siguro kung pwede lang tumili ngayon, ginawa ko na. ANG GWAPO NIYA PO. Clean cut. Lalong nangibabaw 'yong facial features niya. 'Yong kilay niya, mga mata, matangos na ilong at mapupulang labi. Mas nakita ko ngayon ang mga 'yon na halos isang kasalanan na dahil nabuhay siya sa mundo.

Ngumisi siya. That lopsided bad boy smirk. "Are you falling harder?"

Namula 'yong mukha ko. "As if," sabi ko. Ang galing ko talagang mag-deny. "You just changed a bit. Nothing special."

"Really now?" Hindi parin nabubura 'yong mapaglarong ngiti sa mukha niya noong lumapit siya sa'kin. Inilagay niya 'yong kamay niya sa ilalim ng baba ko. "Well, you look gorgeous today, Angel. I'm the one falling harder." Kumabog ng napakabilis 'yong puso ko noong unti-unting bumababa 'yong mukha niya. Ipipikit ko na sana 'yong mga mata ko noong bigla kong naramdaman 'yong mabango niyang hininga sa mukha ko. Did he just blow on me?

"I won't kiss you now 'cause you're late. You kept me waiting. So crave for me." Sa gulat ko, tumalikod siya at naglakad papunta doon sa hinayupak na kotse niya. Naiwan akong nakatayo doon, tulala. Pilit na dina-digest 'yong frustration and spoiled moment na binigay niya sa akin.

What. The. Hell?

"Damn you, Den!" I shouted at him. At ang loko, tinawanan pa ko!

"You were late for one minute," sabi niya sa'kin ng nakangiti bago buksan 'yong pinto sa passenger's seat. I rolled my eyes and pushed my way inside the car. Sinarado niya 'yong pinto at umikot para sumakay sa driver's seat.

"You know I don't like to be kept waiting," he said.

"Whatever. Just drive." I crossed my arms and looked through the window. Kausapin mo likod ng ulo ko bwiset ka!

"Come on. Are you mad?"

"Hindi."

"You're not mad, but you're not looking at me?"

"Trip ko. Walang basagan ng trip," sabi ko.

Naramdaman ko nalang na biglang may humawak sa braso ko. Nakalas 'yong pagkaka-cross ng braso ko, habang 'yong kamay ni Den ay gumapang papunta sa palad ko. Dahil dito, napatingin ako sa kanya. Hinalikan ni Den 'yong likod ng kamay ko, brushing his lips and planting little kisses on my knuckles. Parang tumaas 'yong balahibo sa katawan ko at nanghina ang mga tuhod ko. Tiningnan niya ko, his dark eyes piercing their way through me.

"Tonight, I will kiss you until I've had enough. And I won't allow you to say stop."

Umayos siya ng umupo at pinaandar 'yong sasakyan. Nag-drive siya ng hindi inaalis ang pagkakahawak sa kamay ko. Paulit-ulit na nag-e-echo 'yong sinabi niya sa loob ng isip ko. Biglang uminit 'yong pakiramdam ko to the point na tumingin na lang ako sa labas ng bintana kasi feeling kong kapag nakita niya 'yong mukha kong namumula, tatawanan niya lang ako. Natahimik tuloy ako. Kainis.

***

Dinala ako ni Den sa isang high class restaurant. Kakilala daw ng parents niya 'yong may-ari nito kaya naman nakapagpa-reserve agad siya. Tinanong niya kung ano 'yong gusto ko pero ang sabi ko sa kanya, siya na ang bahala. Um-order siya ng tatlong putahe, caesar salad, soup at wine. Ang sarap no'ng wine. Mula siya sa ubas pero iba 'yong tamis niya. He said that it was stored in the cellar since 1942. So kaya naman pala. Ang alam ko kasi, mas matagal na nakaimbak 'yong wine, mas sumasarap siya.

"Are you done?" tanong ni Den.

Napahinto ako sa pag-inom ko no'ng wine. May kinukwento kasi ako sa kanya habang kumakain kami. Well, yeah. Bati na kami. I mean, napatawad ko na siya kanina. Eh kasi naman, 'di ba? Ikaw ba naman 'yong banatan ng gano'ng linya, hindi ka pa ba bibigay?

"Yes. Just finishing the wine. Why?"

Tiningnan niya 'yong relos niya. "It's almost 7 PM. I want to take you somewhere."

Kumunot naman 'yong noo ko dahil sa sinabi niya. "Why? Do you need to do something else after?"

Tiningnan niya ko. Pero napailing nalang siya bago magbuntong-hininga. "Don't make me say it."

Lalo naman akong na-curious. "Come on. What is it?"

Again, another sigh. "Jace told me to take you home by 9 PM."

Halos mabitawan ko naman daw 'yong wineglass ko dahil sa sinabi niya. Kinuha ko 'yong table napkin at itinakip sa bibig ko. Hindi ko mapigilan. Natatawa ako!

"That's why I don't want to f*ckin' tell you." Medyo frustrated niyang hinagod 'yong buhok niya.

"I can't believe it," sabi ko habang may tears of joy pa ko sa mga mata ko. "You actually listened to my brother?"

"What do you want me to do?" Den waved his hands. "I can't see you again if I f*ck his overprotective ass."

"Oh, no. You don't want him hearing that." Tumawa pa ko. Hindi ko talaga ma-imagine na sumusunod ang isang Jayden Bryan La Costa sa kuya ko.

"Jace is so goddamn annoying," sabi ni Den.

"So what are you now?" tanong ko habang may mapang-inis na ngiti sa mga labi ko. "A good boyfriend who complies to her girlfriend's big brother's request? Like, 'Oh, I'm scared because his big bro might not approve of me!'"

Kumunot 'yong noo ni Den. "You're enjoying this, Angel."

"Oh, yes, Mr. La Costa. I'm very much enjoying your humiliation," I said smiling and took a sip on my wine. Nakakatawa talaga. Nagpaalam kaya siya kay kuya? Or tinawagan siya ni kuya noong malaman niya na ilalabas ako ni Den? Well, either way, hindi parin mababago ang katotohanang sumunod siya sa kuya ko and IT'S SO FREAKING HILARIOUS!

"You have to make it up to me," sabi ni Den.

Ibinaba ko 'yong wineglass sa table at pinunasan ng napkin 'yong bibig ko. "Okay. You entertained me so I might as well give you something back." Ibinuka ko 'yong parehong kamay ko sa kanya. "Basic ethics, right?" Pinanliitan niya ko ng mata. AND YES. I'M REALLY ENJOYING THIS.

Tumayo si Den at nagulat ako no'ng bigla nalang niyang kinuha 'yong ko at kinaladkad kung saan. Dumaan kami sa backdoor ng restaurant. Wait, pwede bang dumaan dito? Baka magalit 'yong mga staff!

"Den! Wait! Sa'n tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Pero hindi niya ko kinibo. Umakyat kami ng mga dalawang palapag bago kami huminto sa tapat ng isang pintuan. Binuksan 'yon ni Den at bumungad sa akin 'yong malakas na ihip ng hangin. Dinala ako ni Den sa rooftop. Anong gagawin namin dito?

Napansin kong lumuwag ng kaunti 'yong pagkakahawak ni Den sa kamay ko. Hinatak niya ko papunta doon sa isang steel tower na parang kahawig ng architecture ng Eiffel Tower. Umakyat kami doon sa spiral na staircase. Noong makapunta na kami sa taas, gano'n nalang 'yong pagkamangha ko sa view. Ang ganda no'ng mga ilaw ng building at bahay mula dito, lalo na rin 'yong ilaw na galing mula sa umaandar na mga sasakyan. Idagdag mo pa 'yong reflection no'n doon sa bay na malapit mula dito.

Ngayon lang yata ako nakakita ng ganitong kagandang "city lights."

Wala akong fear of heights, buti nalang, kaya naman lumapit ako doon sa railing. Hinawakan ko 'yon at abalang tumingin sa paligid. Naramdaman ko 'yong presensya at init ng katawan ni Den sa likod ko. Pumalupot 'yong mga braso niya sa tiyan ko, making my heart jump higher than where we are now. "Do you like it?" bulong ni Den sa isang mababang tono.

"Yes. I love it," I honestly said.

"Good. Let's stay here for a while."

Tumingin muli ako sa paligid. Naramdaman kong bumaon 'yong mukha ni Den doon sa leeg ko. Halos mapatalon naman daw ako sa ginawa niya, lalo na noong simulan niya kong bigyan ng maliliit at magagaang mga halik. "Den, nakikiliti ako," sabi ko sa kanya.

"I told you, right? I'll kiss you until I've had enough and I won't allow you to say stop. Bare with it. You owe me," sabi niya at nagpatuloy sa paghalik sa leeg ko.

Hindi naman ako nakakibo. Oo na, sige na. Hindi dapat ako nagtampo sa kanya kanina no'ng hindi niya tinuloy 'yong kiss niya sa'kin at mas lalo namang dapat na hindi ko na siya pinagtawanan pa kanina.

Napasigaw ako nang kaunti noong kinagat niya 'yong tainga ko. "Den!" sabi ko sa kanya. "Foul 'yan. May kiliti ako diyan!"

Tumawa si Den. That low and manly laugh. "Fine. Fine. Ears are off-limits."

Natawa naman ako sa sinabi niya. Hinawakan ko 'yong mga kamay niyang magkahawak at nakapatong sa may tiyan ko. "Den?"

"Hm?"

"You love your parents, right?"

He chuckled. "What's with that all of a sudden?"

Nagkibit-balikat ako. "Wala lang. Curious lang ako. Kasi hindi ko talaga makitang close kayo. I know it was hard, not to be prioritized by your parents. But I think you suffered more than me, right?"

"Perhaps," he said. "I don't know if I love them, but I care enough for them to protect them."

Ako kasi, kahit na masyadong nalunod 'yong atensyon at oras ng parents ko sa business namin, mahal ko parin naman sila. Kahit na hindi ko sila tunay na mga magulang. Hindi naman gano'n katigas 'yong puso ko to the point na i-deny ko na sila.

Sabi nila, hindi kayang tiisin ng magulang ang anak. At sa tingin ko, hindi rin kayang ikaila ng anak ang kanyang mga magulang kahit na nagkulang sila. Children will always have that longing for their parents in their hearts no matter how neglected they are.

"I don't really need so much people in my life. People pass you everyday, but only a few will stay. And those few people are the ones who know you best. I think that's enough," sabi ni Den.

I gave a sad smile. He must be lonely. To say such things. Pero gano'n pa man, may point siya. "You have me," I said.

"I know." Ngumiti si Den. "You alone are enough." Hinalikan niya 'yong pisngi ko. "I love you very much, Angel. Damn myself forever if ever I let you go again."


*******

[A/N]:

Break muna sa intense scenes! Dito muna tayo sa kilig moments. Hihi. Thank you for waiting for the update! Love love love. <3 #CassiDen

Thank you Mich Cacapit for the picture in this chapter! :)

Continue Reading

You'll Also Like

5.3K 379 19
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
1.4M 56K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
80.1K 3.8K 2
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...