-Liera's Pov-
Simula noong napunta ako sa lugar na ito, isang beses ko lang nasaliyan ang mundong kinalakihan ko. Yun ang araw na pinayagan ako ng kambal na bumalik sa mundo ng mga mortal para kunin lahat ang mga bagay na mahalaga sakin. Mahalaga rin sana sakin yung bahay ko kaso di ko na dinala, ang bigat eh. Try niyo.
Yun ang huling beses na nakita ko ang mundo ng mga mortal. Di na ako nakabalik pang muli.
3 days nalang pala at pasokan na dito sa lugar na tinatawag na Dreamland. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko. Naeexcite ako na parang kinakabahan din, kasi ako lang pala ang mortal na nakapasok dito sa mundo nila. 'You're not a mortal Liera.' Pangongorek ng kabila kong isipan.
At sabi pa ni Genson ay wala daw dapat akong pagsabihan tungkol sa pinanggalingan ko. Ayaw niya namang sabihin kung bakit, ayaw ko ring basahin kung anung nasa isip niya mas maganda kasi kung may thrill.
At hanggang ngayon pala hindi pa nila alam na may mahika rin ako kagaya nila. Ewan ko ba. Merun talagang pumipigil sakin na wag munang sabihin sakanila ang tungkol doon.
Natuon ang atensiyon ko sa pinto nang may kumatok.
"Pasok .."
Sabi ko doon sa kumakatok. Binuksan niya naman ito.
"Liera? Magtatanghalian na pala. Kumain na tayo." Yaya sakin ni Genson.
Tumango lang ako kaya umalis na siya sa pinto.
Lumabas na ako ng kwarto at dahan dahan na nanaog ng hagdan para pumunta sa dining area nitong bahay.
Sa ilang araw kong pagtira dito ay hindi ko pa rin nakikita kung nasaan ang mga parents nila. Silang dalawa lamang ang andito sa bahay nato. Maganda itong bahay, masyadong malaki para sakanilang dalawa.
"Jift sabay na pala tayong tatlo sa pagbili ng mga school supplies natin. Ilang araw nalang kasi at pasukan na." tumango lang sakanya ang kakambal nito na tuloy tuloy parin sa pagkain.
"Ah-eh. Wala akong budget. Siguro kayong dalawa nalang." sabi ko dun kay Genson.
"Haha don't worry Liera. Kami ng bahala dun." pagtawa ni Genson sakin habang panay ang pagsubo sa kinakain. Mabulunan ka sana.
"Salamat.."
"Staka nga pala. Bibilhan kana rin namin ng mga bagong damit. Yung style mo kasi dito ng pananamit ang wierd niyan tingnan dito Hahaha." pagtawa niya ulit sakin.
Anung wierd ang pinagsasabi nito? Parang ang weird nga dito.
Ni isa wala pa akong nakitang mga babae dito na naksuot ng mga shorts, pantalon, pidal, etc. Puro naka dress at nakapalda tapus may mga flower pa sa ulo. Masyadong formal. Di ko type, babaeng babae talaga ang dating.
Alam ko yun, kasi nakikita ko sila sa 2nd floor ng bahay na ito. Medyu malapit kasi itong bahay nila sa park. Pero simula noong dumating ako dito hindi ko pa nasusubukang lumabas ng bahay. Kahit yayain pa ako ni Genson na lumabas ay tinatanggihan ko lang ito. Wala akong gana. Pakiramdam ko ay parang galing na ako sa lugar na ito at hindi ko lang alam kung kailan, pero imposible naman diba? kasi nga doon ako sa mortal lumaki.
Napapitlag ako sa aking kinauupuan dito sa dining nang hilahin ni Genson ang aking braso noong natapos na kami sa pagkain.
"Teka lang. Liligpitin ko pa yung pinagkainan natin." sabi ko sakanya habang hindi inaalis ang tingin doon sa mesa. Hatak hatak niya parin ang braso ko.
"Hayaan mo dyan, May magliligpit rin niyan." sabi niya sa excited na tuno na ikinakunot ng aking nuo.
Bakit kaya? At sino namang magliligpit niyan. Ako naman palagi ang nagliligpit ng mga pinagkainan namin.
Impossible namang si Jift. Eh tamad yun. Pagkatapos nung lumamon iiwan lang niya ang mesang nakatiwangwang lalo na kapag siya yung nahuhuling kumain.
"San ba tayo pupunta?" Takang tanung ko kasi nalagpasan na namin ang mga kwarto namin.
"Basta."
Tipid niyang sagot sakin habang nakatalikod at hila-hila parin ako ngayon.
BASTA? Anung lugar yun? Merun bang ganoong lugar dito sa bahay na to, Basta?
Huminto siya sa kulay violet na pinto. Pinihit niya ang doorknob nito at binuksan. Pagkabukas niya nito ay tumambad samin ang madilim na kwarto pero nakikita ko pa rin naman ang desenyo niyon kahit na madilim. Agad niyang binuksan ang ilaw dito sa loob na ikinamangha ng aking mga mata.
Halus lahat ng gamit sa loob ay kulay violet, ma pa-mesa man o upuan. Pati dingding nito ay kulay violet rin. Maliban sa ilaw na kulay puti at malaking salamin na napapalibotan ng napakaraming ilaw na maliliit ang gilid. Para itong dressing room ng mga lalaki .
Anu namang naisipan niyang gawin namin dito. Magpapamake up ba siya? Ay naku! Sarili ko nga di ko maayusan siya pa. Kahit simpleng pag-ahit nga ng kilay di ko nga magawa eh. Hindi ako marunong magmake up, in short.
Pinaupo niya ako sa kulay violet na upuan sa harap ng napakalaking salamin. Nilingon ko siya sa likod, ngumiti siya ng malawak sakin. Humarap muli ako sa salamin at tiningnan ang aking sarili. Ew! Kahit ako di ko kayang tingnan ang sarili ko sa ganitong itsura.
"Avah? I need you now."
Tawag niya doon sa Avah ang pangalan. Isang tawag lang niya sa pangalang yun ay nasa harap na niya ang babaeng mukhang dewende pero yung height niya hindi pang dewende, matangkad siya at ang ganda ng ng pangangatawan nya. Pang model ang dating ng height niya. Basta, no need to describe, she's beautiful, period!
"Yes your highness." sabay bow niya kay Genson.
Hanuu raw? Highness ba kamu!? Aba ewan! Baka may bumara lang ng kaunti sa tenga ko.
"I need your help. Gusto kong ayusan mo siya, ang pangit niya kasi." pabulong na sabi niya sa huling salitang binitawan niya pero narinig ko naman. Gag* to ha! Kung di lang siya nagjojoke uupakan ko to mamaya.
"My pleasure your highness." sagot nito at nagbow ulit kay Genson.
Ngumiti si Avah noong humarap na siya sakin. Hangkyut niya. Mahahaba yung pilik mata niya tapus ang tangos tangos ng ilong, hiyang hiya yung ilong ko sakanya.
Nagpaalam muna sa amin si Genson pagkatapos ay lumabas na ng kwarto. Doon nalang daw siya maghihintay sa labas ng kwartong to.
"Okey. Simulan natin sa mukha mo. Ahmm. Pwede ko bang kunin tong salamin mo?" sabay tanggal niya doon sa salamin ko. Hindi pa nga ako sumagot kung Ou o Hindi eh, tinanggal na agad, excited lang?
"Hindi naman siguro malabo ang mga mata mo diba?" tanung niya. Ngumiti ako sakanya bago sinagot ang tanong niyang yun.
"Hindi naman po talaga to malabo. Hihi." sagot ko. Sadyang nakasanayan ko lang talaga ang magsuot ng salamin simula noong bata pa ako.
Narinig ko namang humagikhik siya sa naisagot kong iyon. Hangkyut pakinggnan.
"Pikit ka muna." utos niya sakin kaya agad naman akong pumikit. Hinawakan niya ang talukap ng aking mata at ramdam na ramdam ko ang pag ahit ng blade doon sa kilay kong makakapal. Pagkatapos niyang gawin yun ay lumipat naman siya sa kabilang kilay ko at doon naman nag-ahit.
"Ang haba ng mga pilik mata mo at ang kapal pa." pagpuri niya doon sa mga pilik mata ko habang inaahit ang aking kilay. Napangiti naman ako sa isip.
"Done!" sabi niya sabay ihip niya sa mga ilang kilay na dumikit sa mukha ko. Nagmulat ako and wow! Nagmukha akong mataray sa bagong ahit na kilay ko ngayon.
Nagpalabas naman siya ng kaunting mahika at minahika niya ang paglagay ng make up sakin. Pagkatapos niyang gawin yun ay may hinalungkat muna siya doon sa mini bag na dala dala niya at may kinuha.
It's a pink lip gloss. Pagkatapos niyang lagyan ng lip gloss yung labi ko ay nilugay niya ang mahaba kong buhok at minagic iyon, kung dati mukha itong bruha ngayon ay maayos na ito.
"Ay bongga. Ang ganda mo pala eh." nagpalakpak siya ng isang beses at ngumiti ng tagumpay dahil sa ginawa.
Ngumiti ako sakanya na para bang nahihiya. Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako.
"Wait. We're not yet done!" sabi nito sa iritang tuno at pumadyak ng isang beses.
"Total nakatayo kana dyan. Sisimulan ko na rin." ha? kanina pa naman kami nagsisimula ah.
Bigla niyang winagiwas ang hintuturo niya at sa isang pitik lang niya ay nag iba na ang damit ko.
Dress sya na kulay violet at kita ang balikat ko.
Pagkatapos ay minagic niya rin ang suot kong tsenelas ngayon at sa isang iglap lang ay naging heels na ito. Color violet ito na para bang glass ang dating, may maliit itong ribbon sa pinakdulong parte ng heels.
Umikot ikot siya sakin na para bang inoobserbahan kung anu pa ang kulang sakin.
"Ahaa!" sabay pagpalabas niya ng magic. In just one snap again, I already have necklace and earrings.
"Perfect. Alam kung bagay talaga sayo yung ganyan. You look like a princess.", sabay yakap niya sakin.
"Hihi. Hindi naman." nahihiyang pagsagot ko sakanya sabay kamot sa batuk ko.
Humarap ako sa salamin upang tingnan ang aking sarili, and wow. Yun lang ang tangi kong mailarawan sa sarili ko. Hindi ko alam kong imagination ko lang ba to o sadyang ako talaga to. Hindi ko inaasahan na may tinatago rin palang kagandahan ang katulad ko.
Kita ko namang tumawa sakin si Avah dahil sa naging reaksiyon ko sa sarili.
"Chelax! ikaw parin yan. Mas gumanda nga lang. Haha." sabay tapik niya sa dalawa kong balikat noong humarap ako sakanya.
Humarap ulit ako sa salamin at tiningnan ang aking sarili. Di ko talaga maiwasang hindi mapakurap kurap dahil sa nakikitang bagong bersiyon na ako. Ang ganda ko nga talaga.
Magpapasalamat na sana ako kay Avah kaso nga lang bigla siyang nawala sa likod ko. May ganun? May appointment siya te? Ang bilis naman niyang umalis.
Napailing nalang ako at naglakad nalang palabas ng kwarto. Kita kong nakasandig si Genson doon sa dingding habang nakapikit ang dalawang mata. Natutulog ba siya?
Dahan dahan siyang nagmulat nang marinig ang tunog ng takong ko, maingay rin eh no?
Gulat ang unang naging reaksiyon niya nang makita ako at para bang hindi makapaniwala, na kulang nalang sabihin niyang, "Liera? Ikaw ba yan?". Agad siyang nag iwas ng tingin noong nginitian ko siya. Ay?
Noong naglakad ako papalapit sa kinaroroonan niya ay biglang bumalikwas itong suot kong heels. Papansin rin eh no!? Hindi ko kasi kere yung mga ganito, first time kong magsuot nito sa tanang buhay ko.
Mabuti nalang at mabilis agad akong nasalo ni Genson.
"Haha. Nakakatawa ka naman. Hndi kaba marunong magsuot niyan?" sabay turo niya dun sa heels ko.
"Hindi eh. First time ko to." sagot ko habang inalalayan niya ako sa pagtayo.
"Ang galing talaga ni Avah. Napaganda ka niya ha." sabay talikod niya sakin at nagsimula ng maglakad .
Nagpanguso ako don sa sinabi niya.
"So? Anung ibig mong sabihin? Pangit talaga ako dati? Okey lang, totoo naman eh. Hahaha." sabay tawa ko ng pilit.
Bakit pag ibang tao ang magsasabi sa akin ng pangit ako, okey lang sa akin? Pero bakit kapag siya? Parang di ko matanggap na pangit talaga ako.
"Hindi..Ang cute mo nga eh. Gumanda kana ngayon. Pero cute ka parin para sakin.", sagot nito habang nakatalikod at tuloy tuloy pa rin ang paglalakad niya.
Bigla naman akong nabato sa kinatatayuan ko dahil sa binitawan niyang salita.
Pakiramdam ko ay umakyat lahat ang dugo ko sa mukha ko. Pulang pula na to for sure.
Wag naman sana siyang lumingon. Nakakahiya.
•••••