CHAPTER 58: How Everything Happened

68.8K 1.8K 105
                                    

A/n: Medyu magulo po itong chapter kaya sa mga hindi po masyadong nakaintindi nito, pagpasensiyahan niyo na ako.😂❤️


•••••



*Back in Time when Haria/Liera and the others are just kids*



Third Person's POV.




Maraming mga tao ang nagkakatipon-tipon sa labas ng kwarto ng reyna dahil ngayong araw na ito siya manganganak.


"Sige pa po mahal na Reyna, e-iri niyo pa.." Utos ng taong nagpapanganak sa kanya. Buong lakas na sumigaw sa pag-iri ang reyna kasabay noon ang paglabas ng sanggol.


"Lalaki po siya mahal na reyna.." sabay hawak ng paltira sa lalaking sanggol na iyak ng iyak habang karga karga. Binalutan niya ang sanggol ng puting tuwalya.


"Merun pa pong isa mahal na--" hindi na natapos pa ng paltira ang kanyang sasabihin nang makita ang kasunod na sanggol. Binuhat niya yun at agad na binalutan rin ng puting tuwalya.


"Babae po siya mahal na Reyan.." sabay abot niya ng babaeng sanggol sa reyna na ikinagulat naman nyon. Napasinghap ang mga katulong na nakarinig sa sinabi ng paltira.


Agad na bumuhos ang mga luha ng reyna habang karga karga ang babaeng sanggol.


"Huwag sanang mangyari sakanya ang nangyayari sa mga babaeng sanggol ng mga Smithier." sabi ng reyna sabay punas sa mga dugong nakakapit sa mukha ng anak at hinalik-halikan ito sa noo. Ibinigay naman sakanya ng paltira ang isa pang sanggol na lalaki na agad namang hinawakan ng reyna sa kabilang braso. Sige iyak lang yung batang lalaki pero nanatiling tahimik ang sanggol na babae.


"Bakit hindi po umiiyak ang anak kong babae manang Heidey?" buong kabang tanung ng reyna sa paltira. Iniabot muna ng reyna ang sanggol niyang lalaki sa isa pang katulong habang tinatapik tapik niya ng mahina ang pisngi ng kanyang anak na babae.


"Akin na po mahal na Reyna.." sabay lahad ni Manang Heidey para kunin ang sanggol, mabilis naman itong iniabot ng reyna sakanya.


"Tumitibok po ang pulso ng bata, mahina ang kanyang paghinga, ngunit---huhh hindi maaari--" Nanlaki ang mata ng paltira noong dumako ang kanyang palad sa dibdib ng sanggol.


"Bakit manang Heidey?" Kinakabahang tanong ng reyna.


Tiningnan siya ni manang Heidey sabay lunok niya ng sariling laway, "Hindi tumitibok ang kanyang puso." Bumuhos ang luha ng reyna sa mga narinig. Inakay niya ang sanggol niyang babae at niyakap.


"Kamusta?" bungad ng hari nang makapasok siya sa loob ng kwarto nilang mag asawa.


"Kambal po ang anak niyo mahal na hari, isang lalaki at isang babae." sabay yukod ni manang Heidey sa harapan ng hari. Bahagyang nabato sa kinatatayuan ang hari sa narinig.


DREAMLAND ACADEMY (Under Major Editing)Where stories live. Discover now