CHAPTER 69: Chensi Humura

57.9K 1.5K 896
                                    

A/n: Hi there! Haha have a great day!😊 Btw. Sa chapter na ito medyu maiinis kayo, gusto ko mang baguhin yung takbo ng stort kaso natatamad na ako dahil lahat na ng chapters mababago ko kapag ginawa ko kaya sorry😂😂 Wag nyo kagalitan yung mga character. It's my false not theme😂




•••••



Haria's POV.



Tumakbo ako papunta sa kwarto ng kakambal ko at pinihit ang doorknob ng pinto. Pagkatapos ay pabagsak kong sinarado iyon na bahagya niyang ikinagulat.


We're in the palace now. Every Saturday and Sunday ay umuuwi kami, kahit na may kalayuan ito sa academy dahil gusto nila mama't papa na makasama kaming dalawa.


"Problema mo?" Reklamo niya habang pinagpatuloy muli ang ginagawa niya doon sa kanyang study table.


Hindi ko siya sinagot bagkus ay napahawak ako muli sa aking dibdib at labi. Simula pa kahapon ako ganito. Hindi ko makakalimutan yung ginawa namin ni Shin. Tuwing naaalala ko yun ay lalong naninikip ang aking dibdib.


Humarap sakin si Aivan habang nakaupo parin sa inuupuan niya at ako nama'y nanatiling nakasandig sa pinto ng kwarto niya.


"Anu ba talagang nangyari sa inyo ni Shin?" nakakunot nuong tanong niya habang nakataas ang dalawang kilay.


Huminga muna ako ng malalim bago siya sinagot sa nanginginig na boses.


"H-he...."


"What?"


"H-he...."


"HE WHAT!?" sigaw niya sakin na ikinagulat ko kaya bigla kong nabanggit sakanya ng deritso kung ano mang ibig kong sabihin.


"HE KISSED ME!"


Nanlaki pareho ang mga mata nito sa naisagot ko. Mabilis ko namang tinakpan ng mga palad ang aking bibig dahil nasabi ko sakanya. Ghad! Kinakabahan ako sa naging reaksiyon niya.


Dahan dahan siyang tumayo at humakbang papalapit sakin.


"He kissed you?" nakangising sambit niya kaya mas lalo akong kinabahan sakanya.


"Please! Wag mong sabihin sakanila! Wag na wag. Baka makaabot kay Jift yung tungkol doon.." pagmamakaawa ko sabay hawak sa kamay niya. Mas lalo namang  lumapad ang ngisi niya doon.


"Hahaha. Ano kaba Haria! Kapatid kita natural hindi ko talaga sasabihin sakanila.." natatawang sambit niya habang nagkakamot ng batuk. Bigla naman akong nabuhayan ng loob dahil sa naisambit niyang yun.


"Don't worry sis. Baka hindi naman sinasadya." sabay tapik niya sa aking balikat. Nginitian ko siya ng pilit sabay kagat sa bandang ibaba ng aking labi.


Kita kong umiwas ng tingin yung kakambal ko at halatang namumula. Huh?


Di ko iyon pinansin bagkus ay niyakap ko siya ng mahigpit na ikinagulat niya, niyakap rin naman niya ako pabalik.


DREAMLAND ACADEMY (Under Major Editing)Where stories live. Discover now