CHAPTER 59: Her Forgotten Childhood

66K 2K 326
                                    

Liera/Haria's Pov

Pagmulat ng dalawa kong mga mata, naramdaman ko agad ang kirot na nagmumula sa aking ulo. Hinilot-hilot ko 'yon gamit ang isa kong kamay, kumapa-kapa naman sa paligid ang isa ko pang kamay.

Malambot. Yun lang ang nararamdaman ko sa madilim na kwartong ito. Nasan ako? Nasan ang mga kaibigan ko?

Bumangon ako at binuksan ang lamp shade na nasa tabi ng kama ngayon.

Tumambad sakin ang mga kasamahan kong natutulog sa gilid. Yung kakambal kong natutulog sa gilid ng kama at si Jift na nasa kabilang parte ng kama.

Anu bang nangyari sakin? Ah Ou nga pala, naalala ko na. Hinampas lang naman pala ako ng malakas ni Shin gamit yung kamay niyang may matutulis na kuko.

Sinundot sundot ko yung mukha ng aking kakambal hanggang sa magising ito. Dahan-dahan siyang nagmulat at nagkusot muna ng mga mata. Ang gwapo talaga ng kakambal ko kapag bagong gising.

"Haria? You're awake.." di makapaniwalang sambit ng aking kakambal. Agad namang nagising ang iba pa naming kasama dito na natutulog, ganoon din si Jift.

"Nasaan sila Kenzo? Si Shin?" Bungad na tanung ko sa kanya habang inililibot ang paningin sa loob ng kwarto. Nasa clinic pala ako ngayon.

Bababa na sana ako ng kama para maglakad nang bigla na lamang may humila sa aking braso pabalik sa kama. Lumingon ako at halos matunaw na ako sa mga titig niya ngayon.

"J-ift?" I sputtered.

"You need to rest Haria. Your body isn't strong enough." hindi ko alam pero bigla kong sinunod yung sinabi niyang yun. Bumalik ako sa kama at nahigang muli. Nanatili akong tulala sa mukha niyang blankong nakatingin sa akin ngunit agad din naman siyang umiwas don.

"Grabe yung tulog mo ha." pag singit ni Drew sa usapan na ngayo'y nasa tabi ko na. Ngumiti ako sakanya na sinabayan ko ng irap.

"Halos limang araw kang walang malay Haria.." dugtong naman ni Jonas na nasa tabi ko rin. Gulat na gulat ko siyang tiningnan na para bang hindi makapaniwala.

"Seryoso?"

"Yhup. Akala ko nga gusto mo pang umextend eh." pang-aasar ni Genson sakin. Pinalo ko ng mahina ang balikat niya na sinabayan ko ng pagtawa na sinundan naman nila.

"Aivan? Nasan sila mama't papa?" tawag ko sa aking kakambal. Umangat siya ng tingin at tiningnan ako, halatang inaantok pa rin ito. Humikab muna siya at nag-unat bago sinagot ang aking tanung.

"Nasa palasyo. Dumadalaw naman sila sayo dito ng palihim." sagot niya habang nakapikit ang mga mata at nakahiga ang ulo sa kama.

Malakas ko siyang sinipa kaya nahulog siya sa kanyang kinahihigaan. Agad siyang tumayo at sinamaan ako ng tingin sa ginawa kong yun. Tumawa ako dahil doon, tumawa rin yung mga kasamahan namin.

"Hahaha. Okey na ako Aivan. Kaya kung gusto mong matulog ng komportable, bumalik ka sa dorm. Doon ka matulog, kayo rin. Doon na rin kayo matulog." nguso ko sa tatlong lalaki na tawa parin ng tawa maliban kay Jift.

DREAMLAND ACADEMY (Under Major Editing)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن