CHAPTER 55: Another Transferees

81.9K 2.1K 444
                                    

Liera's Pov


Napabalikwas ako ng bangon sa aking higaan nang marinig ang katok mula roon sa pinto ng aking kwarto. Nagkusot kusot muna ako ng mga mata bago tuluyang naglakad papunta sa pinto upang pagbuksan ito.

"Nakahanda na po ang pagkain ninyo mahal na Prinsesa.."

Sabay yukod ni Manang Heidey sa aking harapan. Isa siya sa pinagkakatiwalaang tao dito sa palasyo. Siya rin ang nag alaga sa amin ni Aivan noong mga bata pa kami at hanggang sa paglaki ng kakambal ko.

Ngumiti lang ako sakanya pagkatapos ay sumenyas na susunod na lang ako.

Sinarado kong muli ang pinto ng kwarto pagkaalis niya. Inilibot ko ang buo kong paningin sa loob ng aking kwarto. I can't still believe that I am really at my room now. Hindi ko aakalain na darating ako sa panahong ito. I smiled pagkatapos ay lumabas na ng kwarto at bumaba ng hagdan.

Bawat nadadaanan ko ay yumuyuko sakin at binabati ako, mapakawal man o katulong ng palasyo namin. Hindi ko rin maiwasang hindi mailang sa pagtrato nila sakin, siguro dahil hindi pa ako sanay.

Sila lang ang nakakaalam ng totoo kong pagkatao, pati na rin sila Jift at ng kanilang mga magulang.

Halos magtatatlong araw na rin pala akong nandito dito sa palasyo namin. Sabi kasi nila mama na dumito daw muna ako bago bumalik sa academy. Lunes na rin naman pala bukas kaya bukas-bukas ay makakabalik na ako sa dorm namin at sa dating ako.

•••••

"Liera?" tawag sa akin ng aking kakambal. Agad ko naman siyang nilingon at tinaasan ng kilay.

Pero bigla niyang binato sa aking mukha ang hawak-hawak niyang panyo pagkatapos ay tumawa siya ng malakas. Nagkatinginan naman sa gawi namin sila Jonas na nakahalumbaba dito sa salas ng dorm.

Sinamaan ko nalang ng tingin ang aking kakambal na ikinatahimik naman niya. Mahina siyang tumikhim at nagkamut kamut pa ng lalamunan. Ala sais palang pero nakadamit uniporme na kaming mga Royali. Himala nga, kasi ngayon lang kami nagkasabay sabay.

Napako ang aking tingin sa taong paparating sa aking pwesto. Agad siyang naupo sa aking tabi kaya ngayon ay nahihirapan akong huminga sa sobrang lapit niya. Nahihiya ako sakanya, nahihiya ako sa mga sinabi niya sakin at sa mga sinabi ko sakanya noong gabing nagsayaw kami.

"I miss you Haria. I am so very happy that you are really alive and you came back. Kung alam mo lang kung gano ako kasaya ng malaman kong totoong buhay ka nga, I didn't expect that you and I will be together again. I don't want to lose you again Haria. I will always protect you no matter what happen."

"I miss you too Jift. Hindi ko rin aakalain na darating tayo sa puntong ganito. Sana habang buhay na ito.."

"I love you Haria.."

"I love you too.."

Ugh! Where on earth did I get those words? Nakakahiya yung sinagot ko. Tatayo na sana ako para umalis upang kunin ang aking bag nang bigla niya na lamang hawakan ang aking kamay.

DREAMLAND ACADEMY (Under Major Editing)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt