CHAPTER 68: The Date And The Kiss

62.1K 1.8K 743
                                    

Haira's Pov•



Halos mag ka-kalahating oras na rin simula nang maglakad kami papunta sa Snomon Cave. Tahimik lang kami habang naglalakad maliban nalang sa mga paa naming nag iingay sa bawat maaapakan namin, at sina Aivan na nagbubulong-bulongan doon sa likuran.


Tahimik lang din si Jift sa aking tabi ganoon din si Shin sa tabi nila Kenzo.


Nadaanan na rin namin yung Revelia Falls kaya mga ilang minuto nalang din siguro ay makakarating na kami doon sa kweba.


"Woah! Brad! Ang ganda ng flowers!" pambabasag ni Clark doon sa katahimikan habang may itinuturong flowers daw.


Binatukan muna siya nina Drew at Louise bago nagsalita.


"G*go! Mushroom yan! Hindi flowers!"


Singhal ni Drew habang nagpipigil ng tawa ganoon na rin yung iba at kasama na ako.


"Ugok ka talaga kahit kailan Clark! Kailan pa naging flowers ang mushroom eh vegetable yan?", reklamo ni Mark pagkatapos ay humagalpak na ng tawa na sinundan ko na rin at ng iba pa.


Haha. Ou nga naman, kailan pa naging flowers ang Mushroom hindi ako updated tungkol don ha?


"Pero diba Aivan, yan yung binigay mong bulaklak kay sino na nga yun nakalimutan ko na, kaya bulaklak yan hindi gulay!", bulyaw ni Clark kay Drew na hanggang ngayon ay tumatawa parin.


"Aivan? Sabihin mong bulaklak to hindi mushroom." pagmamakaawa niya sa kakambal ko. Talagang humihingi pa siya ng kakampi ha.


"Ewan ko sayo! Dinadamay mo pa ako sa kahihiyan mo!" pagsabat ni Aivan kaya mas lalong humagalpak ng tawa sila Drew.


Lumapit naman sa gawi ko si Clark habang yung mga mata niya ay parang naiiyak.


"Haria.." tawag niya sakin. Huminto muna ako sa pagtawa at nginitian siya.


"Don't worry Clark kahit anong mangyari magkaibigan parin tayo.." nakangiting sambit ko pero nagpipigil pa rin ako ng tawa.


Hahawakan ko na sana ang kaliwang pisngi niya nang bigla nalamang may humila sakin sa paglalakad kaya agad akong natigilan pero sumunod na lang din ako sakanya. Rinig ko pa ang pagreklamo nila Drew sa likoran naming dalawa.


Hindi na ako umangal pa sa ginagawa ngayon ni Jift. Gusto kong matawa na parang ewan dahil para siyang bata na ayaw na ayaw na maagawan ng Laroan.


Agad akong napahinto noong huminto rin siya nang marating na namin ang isang kwebang hindi gawa sa bato kundi Snow? Bakit snow? Kaya siguro Snomon ang pangalan ng kwebang to.


"We're here.." sambit ni Jift habang nililingon akong nakangiti. My heart suddenly pound so fast when he smiled. D*mn! Ngayon ko lang ulit nakitang nakangiti Si Jift. Mas lalo tuloy akong nahuhulog sakanya kapag ganyan siya. At mas gumagaan rin ang pakiramdam ko pag nakikita siyang ganyan.


DREAMLAND ACADEMY (Under Major Editing)Where stories live. Discover now