Text From A Stranger (Lesbian...

By Livrhaia

193K 1.8K 276

Uso satin ngayon ang maging tekkie at marami din ang mga nakikipag textmate.... Ikaw handa ka bang mainlove s... More

Text From A Stranger
i.....getting to know YOU
ii......
iii.....
iv.....
v....
vi.....
vii....
viii....
ix....
x....
xi....
xii.....
xiv....
xv.....
xvi....
xvii......
xviii.....
xix....
xx......
xxi.....
xxii.......
xxiii......
xxiv........
xxv......
xxv....
xxvi....
xxvii.....
xxviii...
xxix...
xxx.....
xxxi...
xxxii....
xxxiii...
xxxiv....
xxxv...
xxxvi...
xxxvii...
xxxviii
xxxix...
xl.....
xli...
xlii...
xliv.....
xlv...
xlvi...
vlvii.....
xlviii..

xiii.....

3.9K 39 2
By Livrhaia

SORRY PO MGA TROPA! DI AKO NAKAPAGUPDATE AGAD AGAD!! BUSY LANG PO SA WORK...HIHIHI NWAYS...SANA MAGUSTUHAN NIYO TO!! SALAMAT SA MGA READERS PO NITO!! COMMENT NAMAN JAN!! HEHE

ENJOY!!!

==============================================================

SHANE POV

ilang araw na rin ang lumipas simula ng matapos ang swimming. mas lalo kaming naging mas close ni Franz hindi nako ilang sa kanya! siguro simula nung hinatid niya ko samin nagsimula to pero pakiramdam ko safe ako sa kanya ...pero sana ganun din sya sakin

nandito kami ngayon sa school gumagawa kami ng Case presentation namin dudugo nanaman utak namin dito lalo na siguro utak ni Franz siya kasi nageexplain samin ng Case pati pagtatranslate sa english siya din pero magaling talaga to e maaasahan mo pag siya kagrupo sigurado pasado hihi

"guys ok na tayo mamaya ha? galingan natin!" pageencourage niya samin

"basta men saluhin mo kami pag di na namin alam sasagot namin!" sabi naman ni Kate laging kabado pag magsasalita siya kaya nauutal e

"nako kate umayos ka pag tayo nagrepeat ikaw sisisihin namin" sabi naman ni tanda na halatang kabado din

tahimik na ulit si Ron at Franz seryoso nang pinagaaralan ang case ako naman ganun din drug study lang naman ako kaya chill lang

natapos ang Case na nakangiti kaming lahat! pasado kami! yehey!

tsaka nalang daw kami magcelebrate pag natapos nadin ang tropa kaya inayos na namin ang gamit namin para makauwi na

"tara Shane hatid na kita" sabi ni Franz saka niya hinawakan ang mga manila paper na hawak ko

"hindi na ano kaba? kaya ko naman o" pagmamalaki ko sa iba ko pang hawak

"sige na Shane magpahatid kana ng di kami ang guluhin niyan na itext ka kung nasaan kana!" sigaw naman ni kate samin

oo nga pala nung umuwi kasi kami galing swimming ay di ko sya natext na nakauwi nako kayadi niya tinigilan si kate na tanungin kung nagrereply ako baka daw kung ano ng ngyari sakinOA much lang pero sweet!

"tara na Shane!" yaya na niya sakin sumunod na ko sa kanya ganun talaga siguro sunud sunuran lang ako sa mga sinasabi niya okay naman e di naman ako mapapahamak

"bat nagmamadali ka? may lakad?" taray kong tanong pagpasok sa kotse niya

"nagugutom na kaya ako! tuyot na utak ko o wala na nga akong mapapiga e" pagdadrama niya

"tara na nga! kumain tayo dun sa tapsilugan malapit samin" sabi ko  habang pinaandar na niya ang sasakyan

di naman maarte si Franz sa pagkain basta nakikita niya pano lutuin ok na siya

 dumating kami sa kainan at agad syang umorder  tapos kumain ay nakakita sya ng lechong manok malapit sa kinainan namin

"bili tayo nun" turo niya sakin sa litsunan

"kakakain mo lang kakain ka nanaman?" pasigaw na tanong ko sa kanya

"tss..wag kang OA para kina tita to no! tayo kumain sila hindi pa" sabi niya at nauna na syang lumakad papunta sa litsunan sumunod naman agad ako

ano ba nagpapalakas ba sya sa pamilya ko??? wag akong assuming diba! tss

pumunta na kami sa bahay at iniabot niya ke nanay ang dalawang manok na binili niya

"O! ang dami naman nito nak!" masayang sabi ni nanay sa kanya

pero wait!

NAK???

"para sa inyo po talaga yan tita pambawi ko lang po" nakangiti si Franz

habang hinahanda ni nanay ang mesa para sa kanilang tatlo kami naman ni Franz nasa may labas namin at nakaupo sa kawayan na mahabang upuan

"sarap talaga dito sa inyo..simple lang" sabi niya habang nakatanaw sa malayo

"hummm...gusto mo sa ganitong lugar?" tanong ko sa kanya

"Oo....nakkarelax kasi di tulad sa manila masyado nang maraming tao sa antipolo naman nasa bayan kami kaya parang ganun din...dito kasi maraming bukid kaya maganda tignan"

"ah...edi bumili ka ng bahay malapit sa bukid" biro ko sa kanya

"tska na pag magaasawa nako!" sagot niya naman

napansin ko naman na pahiga na sya sa hita ko

"Oh Oh anu sa tingin mo gagawin mo?'" mataray kong tanong kaya napatigil sya

"hihiga! masama ba?" sabi niya at humiga na di ko alam pero bigla ko nlang hinimas ang buhok niya habang nakapikit sya

 paano na kung magpatuloy syang ganito?? ano bang  gusto mangyari niFranz?? haiii

*************************************

FRANZ POV

nagising ako ng gumalaw ang lap ni Shane

"Uy..sorry nagising yata kita" alalang sabi niya

"nako ako magsosorry nakatulog nako di moko ginising" sabi ko tumayo nako sa paghiga

"ok lang yun sarap na ng tulog mo e.."

"anong oras naba?" tanong ko sa kanya

"8:10pm na"

"20 mins na pala ako natutulog sorry Shane uuwi narin ako" tumayo ako at inayos ang uniform ko

si Shane naman ay pumasok na sa bahay nila pumasok din ako para makapagpaalam kina tita at sa mga kapatid niya

"tita alis na po ako" sabi ko at nagmano

"ingat ka sa daan ha? di kana ba inaantok?" sabi ni tita

"hindi na po nakatulog po ako sa labas kanina" nakangiti kong sagot''

umalis nako kina Shane at bumiyahe na pauwi masaya ako dahil warm ang pagtanggap sakin ng pamilya ni Shane bilang kaibigan at parang pakiramdam ko anak ang turing sakin ni tita e hihi si tito naman di natututlog sa kanila nasa baracks sya para sa project ng kompanya natutulog para tipid daw sa pamasahe lingguhan lang ito kung umuwi.

paguwi ko sa bahay ay agad naman akong sinalubong ni mama

"Anak kamusta? ginabi ka yata?"

"sorry ma, nakatulog kasi ako kina Shane sa pagod sa Case kanina" hinalikan ko sya sa pisngi at yumakap

"Osya magpalit kana at lumabas ka pagkatapos mo para makita ka ng papa mo"

"ok po ma" pumasok nako sa kwarto at madaling naligo at nagpalit ng damit

"pa goodevening po" sabi ko at humalik ako

"kumain kana ba anak?" tanong sakin ni papa

"Opo pa kayo po kamusta pagod ba?"

"hindi naman ganun parin tulad ng dati busy sa kompanya madaming bagong projects"

"a ok po baka may maitulong ako pa?" sabi ko

"wag na anak,sapat na yung bisitahin mo ang resort dito kapag wala kang ginagawa wag mo kong isipin ang ginagawa ko para sa inyo yon ok?" kahit kailan si Papa ayaw niya na mainvolve kami sa kompanya masgusto niyang sya ang namomroblema

"okay po pa...kung kailangan niyo sabihin mo lang po.... matutulog nako pa" sabi ko at humalik ako sa kanya

"goodnight anak,nga pala pag ka graduate mo ipupull out ko na ang investment sa school niyo wala naman pagbabago hindi parin napaganda"

tumango lang ako tama naman si papa parang walang ngyari sa campus kahit na naginvest si papa lagi rin nagrereklamo mga kapatid ko dahil wala daw silang laging klase kaya siguro eto ang desisyon ni papa

pagpasok sa kwarto ay naghanda nako para matulog masyadong nagamit ang utak ko sa case kanina dami kasing tanong.

isa pa sa gumugulo sa isip ko ay si Shane...Oo may nararamdaman nako para sa kanya pero alam ko rin na di sya pumapatol sa gaya ko kaya natatakot ako na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko...

itatago ko nalang to hanggat kaya ko

baka mareject lang niya ko...hayyyy.......

=================================================

ETO PO MUNA GUYS!! SANA MAGUSTUHAN NIYO!

Continue Reading

You'll Also Like

447K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
2.1M 60.5K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
346M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...