The Love That Got Away (EXOSH...

By madamedamin

4.3K 410 150

It's been 3 years simula nang lokohin at paglaruan nila kami. They made us believe in LOVE! Sabi nila mahal n... More

Author's Note
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
11
12
13
14
15
Yehet! Ohorat!
16
FLY
17
#HappyYoonaDay
18-2

18

134 14 2
By madamedamin

Dedicated to preciousgeneration . Thank you for following me :)
HAPPY READING

-----;
Taeyeon's POV

Nandito kami ngayon sa bahay slash dorm namin. Sabado nang hapon ngayon eh kaya pahinga muna kami.

Busy masyado ang mga lukaret. Nasa living area kami ngayon. Kanya kanya nang ginagawa.

"Mukhang masarap kumain nang ice cream ngayon."pagpaparinig ko sa kanila.

"ICE CREAM? WAHHH!"sabay na sigaw nila Yoona at Sooyoung.

"Oo nga Taeng. Mukhang masarap"sabi ni Tiffany.

"So sino ang bibili?"tanong ko sa kanila. Agad naman silang nag-iwas nang tingin sakin.

"Tiffany samahan mo ko."sabi ko kay Tiffany. Sigurado naman akong hindi niya ako matatanggihan.

"Sorry Taeyeon. Busy ako. Naghahanap pa ako nang magagandang dress sa IG"sagot niya.

Tinanggihan ako ni Tiffany? Bago yun ah.

"Sicachu! Samahan mo naman ako sa supermarket. Please."sabay yugyog sa kanya. Nakahiga kasi siya sa sofa ngayon pero hindi natutulog.

"Please Taeng. Pagod ako. Next time nalang."tanggi niya.

"Akala ko ba bestfriend tayo?"sabi ko.

Tinanggihan din ako ni Sica? Wa epek na ba ang charm ko.

"Taeng sa iba ka nalang magpasama. Wala akong gana gumala ngayon"Jessica.

"Sino sasama sakin?"sigaw ko.

Ni wala man lang sumagot. Kahit man lang 'Wala' walang nagsalita.

"Okay  fine! Ako nalang ang bibili"boluntaryo ko.

Kinuha ko naman ang wallet ko. Saka naglakad palabas nang bahay.

"Unnie! Chocolate ha."sigaw ni Sooyoung.

"Vanilla unnie!"sigaw naman ni Yoona.

"Ube please."Sunny.

Ako na nga tong bibili demanding pa sila sa flavor. Ibang klase talaga!

Fastforward

"Lintek naman oh!"mura ko.

Kakalabas ko pa lang nang supermarket nang bumuhos ang ulan.

Nakabili na ako nang ice cream. Mango ang flavor na pinili ko. Mango kasi parang Taenggo.

"Taeyeon?"napalingon naman ako sa tumawag nang maganda kong pangalan.

"Baekhyun?"

Anong ginagawa niya dito?

"May payong ka ba?"tanong niya sakin nang makalapit na siya.

"Wala nga eh."

"Hindi ko nga din nadala ang sasakyan ko. May payong sana dun sa compartment."sabi niya.

"Ito lang ang maaalok ko sayo"Baekhyun.

Hinubad niya ang jacket niya saka nilagay ito sa ulo ko.

"Hindi na kailangan no. Saka titila na din to maya-maya."pagtatanggi ko.

"Kapag hinintay mo pang tumigil ang ulan baka matunaw pa yang ice cream na dala mo."saad niya.

Oo nga pala! May ice cream akong dala.

"Tumakbo nalang tayo papunta dun!"sabi ni Baekhyun sabay turo sa isang waiting shed.

Wala na akong nagawa. Nagshare kami sa jacket niya.

Tumakbo kami papunta sa waiting shed pero ganun pa rin. Nabasa pa rin kami nang ulan. Buwiset namang ulan to! Napakalakas.

Napabuntong hininga naman si Baekhyun.

Bigla naman niya akong tinignan mula ulo hanggang... dibdib?

Bigla naman niyang inabot ulit ang jacket niya.

"Takpan mo nga ang katawan mo. Nagkakasala ako nang di oras eh"nagulat naman ako sa sinabi Baekhyun.

Agad kong kinuha ang jacket niya at tumalikod agad. Nakasuot kasi ako nang manipis na blouse. Na kapag nabasa ang makikita ang pang-ilalim na suot.

Shit! Nakita niya ang kulay nang bra ko. Byuntae! Nakakahiya to.

"Maupo muna tayo."alok niya. Kaya sinunod ko naman.

"Malayo-layo pa ang sakayan dito. Kapag tumakbo ulit tayo, mababasa din ulit tayo."dagdag niya.

Bakit ba kasi wala ang driver  namin ngayon? Bakit ba kasi hindi nalang ako ang nagdrive kesa magjeep?

"Magtataxi nalang ako."sabi ko.

"Walang masyadong vacant taxi ang dumadaan dito. Puro occupied ang dumadaan dito"sagot niya.

Nyemas naman! Kapag minamalas ka talaga.

"Alam mo kainin nalang natin tong ice cream na dala ko."sabi ko sa kanya.

Ngumiti naman siya. Naalala ko dati paborito niya talaga ang ice cream.

"Oy sakto! Mango flavor. Para sakin ba to?"nakangising saad ni Baekhyun. Favorite niya kasi ang mango flavor.

"Hindi noh! Hindi ko naman alam na magkikita tayo."tanggi ko.

May binili din kasi akong cone at plastic spoons. Kaya  makakain talaga namin to.

"Walang scoop kaya kutsara nalang ha."sabi ko.

"It's okay."Baekhyun.

Siya ang naglagay nang ice cream sa cone ko. Aw! Ang sweet.

"Salamat"binigay niya kasi sakin ang ice cream ko.

"Namiss ko to."bigla naman akong napatingin sa kanya. Anong namimiss niya?

"I miss those old days. We loved to eat ice cream. Dirty ice cream rather"mind reader ba siya? Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at binaling sa ice cream ko.

"Ako din."nakangiti kong sagot.

"And I miss you"napalingon ulit ako sa kanya and this time nakatingin na din siya sakin.

Our eyes met...

"Ano?"

"Nothing."sagot niya.

As if naman hindi ko nadinig. Ang lakas kaya nang pandinig ko.

"Salamat nga pala Baek."sabi ko.

"For what?"Baekhyun.

"About last time. Nung nangyari sa party."sagot ko.

"No need to mention it Taeyeon"nakangisi niyang sabi.

Nginitian ko nalang siya.

"Ang lamig!"daing ko.

Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig. Ang lakas pa din nang ulan samahan mo pa nang malakas na hangin.

Bigla namang dinukot ni Baekhyun ang cellphone niya at may tinext siya.

"AAACHHHUU!"

"Mukhang magkakasakit ka."sabi niya.

Nilagay naman niya ang kanyang kamay sa noo ko.

"Mainit ka."saad niya. May lagnat ako? Hindi pwede. Ang bilis naman nun.

"Ang lamig."reklamo ko.

Bigla naman siyang lumapit at niyakap ako.

He's hugging me. He's keeping me warm.

"Anong ginagawa mo?"nagtataka kung tanong.

"Nilalamig ka kaya pinapainit kita"sagot niya.

I can feel his heart beating fast. And I'm sure ganun din ako. Feel ko sasabog na ang puso ko dahil sa sobrang lakas nang tibok. Ano ka ba Kim Taeyeon! Wala kang nararamdaman na kahit ano.

"Don't worry. Parating na din yung driver ko"sabi niya.

Hindi ko nalang siya sinagot dahil lamig na lamig na talaga ako.

Malamig na nga ang panahon kumain pa ako nang ice cream. O diba! Ang ganda.

Di nagtagal ay dumating ang driver ni Baekhyun. Pinasakay niya ako sa back seat katabi niya. Baka ihahatid niya.

Nang huminto kami ay tinignan ko kung kaninong bahay ito nakatapat.

What am I doing here?

Anong ginagawa ko sa bahay nila? Bakit kami nandito.

"Let's go."sabay lahad ni Baekhyun nang kamay niya sakin.

"Anong ginagawa natin dito."pero imbes na sumagot ay inalalayan niya lang ako pababa sa sasakyan niya.

Wala namang nagbago sa bahay nila eh. Ganun pa din ang style. Yung arrangement nang mga furniture at appliances.

"Sumama ka sakin."sabay hila ni Baekhyun sa kamay ko paakyat nang hagdanan nila.

"Saan tayo pupunta?"tanong ko.

"Magbibihis."tipid niya sagot.

Pumasok kami sa isang kwarto. Kulay blue ang pintura at may isang malaking picture ni Baekhyun na nakalagay sa wall.

"Kwarto mo?"tanong ko.

"Hindi. Kwarto to nang mama ko. Kita ko mo ngang may malaking picture ako dito."pilosopo niyang sagot.

Napsmirk naman ako.

"Magbihis ka."sabi niya.

Inabutan niya ako nang isang tshirt, isang boxer at panty.

"May stock ka nang panty dito?"nagtataka kong tanong.

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. Matatawa dahil ang isang Byun Baekhyun may panty sa kanyang kwarto o maiinis dahil naiisip ko na kahit na sino ang dinadala niya sa bahay niya.

"Huwag mong pag-isipan nang malisya yan. Kay mama yan. Nagshopping siya kahapon tapos nilagay niya sa kwarto ko ang mga pinamili niya. Kaya yan kumuha ako ng isa."pagpapaliwanag niya.

"Defensive."tukso ko.

"Hindi no. Inunahan na kita. Baka ijudge mo ko. Magbihis ka na."sabi niya.

Matapos ko magbihis ay umupo ako sa kama niya.

Nilagay naman niya ulit ang kamay niya sa noo ko.

"Medyo mainit ka pa. Nilalamig ka pa ba?"Baekhyun.

"Medyo."sagot ko.

"Gusto mo patayin ko ang aircon?"tanong niya. Umiling nalang ako. Nakakahiya kaya. Baka mainitin pa siya.

"Diyan ka muna. May kukunin lang ako."paalam niya sakin.

Nang makalabas siya ay agad kong kinuha ang comforter niya. Nilalamig na kasi talaga ako. Nanginginig na nga ako sa lamig eh.

Itetext ko sana sila Yoona kung na saan ako kaso hindi makaya. Nanginginig yung kamay ko. Medyo masama na ang pakiramdam ko. NapakaOA naman nang katawan ko. Naulanan lang, nilalagnat na agad.

Baekhyun's POV

"Sir! Girlfriend niyo yun?"tanong nang isang bagong maid namin. Si Josa.

"Ex ni sir yun."sabat ni Manang Fe. Ang pinakamatagal na maid namin dito. Napagkamalan nga ni Luhan na si Seohyun to eh.

"Ex sir? Pero bakit nandito? Nagkabalikan na po ba kayo?"may pagkachismosa talaga to si Josa.

"Nope."tipid kong sagot.

Kasalakuyan kaming nasa kusina ngayon. Nagluluto ako nang chicken soup. Ito yung specialty ko eh. Atsaka para kay Taeyeon to. Nung bata ako kapag nilalagnat ako o nilalamig ito ang niluluto ni Manang Fe sakin.

"Anong nangyari sa inyo sir? Bakit kayo naghiwalay?"tanong ulit ni Josa.

"Nasaktan ko siya."malungkot kong sagot.

"Mahal niyo pa din ba siya sir?"Josa.

"Hay naku Josa! Mabuti pat maglaba ka na dun. Mamaya na yang chika"saway ni Manang Fe sa kanya.

Wala namang nagawa si Josa kundi sundin si Manang Fe. Siya ang pinakamatagal kaya siya ang masusunod.

"Baekhyun, Hijo. Matanong nga kita, anong nararamdaman mo dun sa babaeng yun? Bakit mo siya dinala dito?"akala ko wala nang magtatanong. Mali pala ako. Nandito pa si Manang Fe.

"Manang Fe, nagkita lang kami kanina tapos nabasa nang ulan. Medyo mainit din siya kaya dinala ko siya dito nang makapagpalit nang damit. Atsaka anong nararamdaman?"sagot ko.

"Mahal mo ba siya?"Manang Fe.

Medyo napatawa naman ko sa tinanong ni Manang Fe sakin.

"Hindi na mahalaga yun."sagot ko.

"Anong hindi mahalaga? Umamin ka nga saking bata ka. Mahal mo pa rin ba siya?"tanong ni Manang Fe.

"Alam niyo naman po siguro ang nangyari dati. Nasaktan ko siya, pinaiyak ko siya at iniwan ko siya. Atsaka kung ano mang nararamdaman ko hindi na importante yun."

"Hijo. Importante yun. Malay natin nakalimutan na niya ang sakit nang kahapon. Kung talagang mahal mo siya huwag mong hayaan na mawala ulit siya sa buhay mo. Kung hindi ka pa sigurado pwes alamin mo kung ano talaga ang totoo mong nararamdaman bago pa mahuli ang lahat."payo sakin ni Manang Fe.

Matapos kong magluto ay umakyat na ako sa taas para dalhan siya nang pagkain.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay nakita ko agad si Taeyeon na nakahiga sa kama ko at nakatalukbong nang kumot.

Hininaan ko ang aircon saka siya nilapitan. Patay! Ang init init na niya. Tapos nanginginig pa siya. Inayos ko muna siya nang higa. Kumuha agad ako nang basang tuwalya para ilagay sa noo niya.

"I'm sorry."kasalanan ko to. Kung hindi ko sana siya inalok para tumakbo papunta sa waitibg shed na yun hindi sana siya mababasa. At hindi sana siya lalagnatin.

Kinuha ko ang cellphone ko at  kinunan siya nang picture.

"Ano bang ginagawa mo sakin Taeyeon? Hindi naman kita mahal dati ah pero bakit ngayon sinusubukan mong pasukin ang puso ko."bulong ko sa kanya.

Siguro nagagandahan lang ako sa kanya. Hindi ito pagmamahal. Promise! Si Chanyeol lang ang mahal ko.

Hindi ako bakla ha. Talagang mahal ko lang talaga si Yeol bilang bestfriend.

Medyo napagod ako. Kaya iidlip muna ako sa tabi niya. Wala namang malisya ah. Kwarto ko to kaya may  ako ang masusunod.

-----
May part 2 pato guys! Pasensya medyo walang kilig scene ang BaekYeon hindi kasi talaga ako chessy na tao. ^*^

VOTE & COMMENT

-madamedamin

Continue Reading

You'll Also Like

186K 12.3K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...
121K 4.5K 43
Is it worth it to invest feeling to someone who never appreciate your existence? On-going
74.1K 3.1K 50
In which Izana and Y/N have been academic rivals since their freshmen year. Both of them are competitive and are out to destroy one another. But what...
224K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...