AND I LOVE YOU SO

By fedejik

2.2M 41.4K 808

Two different people with two different world, fall so deeply in love with each other, but only to find out i... More

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2.1.2
Chapter 2.2.2
Chapter 3.1.2
Chapter 3.2.2
Chapter 4.1.2
Chapter 4.2.2
Chapter 5.1.2
Chapter 5.2.2
Chapter 6.1.3
Chapter 6.2.3
Chapter 6.3.3
Chapter 7.1.4
Chapter 7.2.4
Chapter 7.3.4
Chapter 7.4.4
Chapter 8.1.3
Chapter 8.2.3
Chapter 8.3.3
Chapter 9.1.3
Chapter 9.2.3
Chapter 9.3.3
Chapter 10.1.2
Chapter 10.2.2
Chapter 11.1.3
Chapter 11.2.3
Chapter 11.3.3
Chapter 12
Chapter 13.1.3
Chapter 13.2.3
Chapter 13.3.3
Chapter 14.1.2
Chapter 14.2.2
Chapter 15
Chapter 16.1.3
Chapter 16.3.3
Chapter 17.1.2
Chapter 17.2.2
Chapter 18.1.2
Chapter 18.2.2
Chapter 19.1.3
Chapter 19.2.3
Chapter 19.3.3 (RESTRICTED)
Chapter 19.3.3 (Edited SPG)
Chapter 20.1.2
Chapter 20.2.2
Chapter 21
Chapter 22.1.2
Chapter 22.2.2
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26.1.2
Chapter 26.2.2
Chapter 27
Chapter 28.1.2
Chapter 28.2.2
Chapter 29.1.4
Chapter 29.2.4
Chapter 29.3.4
Chapter 29.4.4
Chapter 30 (Finale)

Chapter 16.2.3

28.4K 600 8
By fedejik

Published: September 15, 2013

********

CHAPTER 16.2.3

RICKY’s POV

            This is really uncomfortable!  Pagpasok ko pa lang sa may garden nila ay nalula na ako sa kasosyalan nang pagkakaset-up ng lugar.  Naka formal suits lahat ng mga bisitang lalaki at mga naka night gowns naman ang mga kababaihan.  Damn it!  It’s a complete mistake to come here!

            “Ricky!”  Si Liz na nakangiti pang sinalubong ako. Jeez, she’s so pretty and yeah, sobrang sosyal.

          “H-hey…”  I cleared my throat.  “Si Katie?”

          “She’s waiting for you.  Nand'un siya sa loob.  Walang masyadong bisita d'un.”  Kumindat pa siya.  “Tara, samahan na kita.”

          “Salamat.”  Tumango ako at kinakabahan ako lalo.  Pero bago pa man kami tuluyang makapasok sa may sala ng mansion ay nakita na rin namin 'yung bestfriend ni baby, si Albie.

            “Oh you’re here!”  Nakangiting bati niya sa akin.  Mukha namang sincere ang pagbati niya.

            “Hey,”  Tinanguan ko siya at tipid na ngumiti.

            “I think Katie’s inside.  Let’s go!”  Tinapik lang niya ako sa balikat.  Hindi ko maiwasang makaramdam nang panliliit.  Sa mga suot pa lang, iwan na iwan na ako.  Samantalang ako, soft pants at sky blue na long sleeve lang ang suot ko. I am totally out of place. 

            Tulad nga nang sabi ni Liz, halos walang tao doon and immediately I met her gaze, my lovely baby.

            “Ricky…”  Nagningning ang kanyang mga mata at tila gigil pang kinagat ang kanyang labi.  She’s happy to see me.  Her eyes said it all.

            “Happy Birthday…”  Sinubukan kong maging pormal kahit na sa totoo lang ay gusto ko siyang yakapin at halikan.  She’s just way too beautiful. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa suot niya. Light pink siya na halos puro lace, may intricate designs at may thin lining lang para itago ang ilang parte ng kanyang katawan. Medyo nakalitaw ang balikat niya, at ang cut ng tela sa lower part ng kanyang gown ay mas mahaba sa likod kaysa sa harap.  She looked young and gorgeous on it.

            “Thank you.”  Tinitigan pa niya ako nang husto.  “You look so handsome.”  Mapaglarong sabi pa niya at pinipigilan ang mangiti nang maluwag. 

            “I don’t think so.”  

          “I do think so.”  She lovingly locked her gaze at me.  Nakalimutan yata naming may kasama kami.

            “Tama na muna 'yan!”  Nakaismid pang sabi ni Liz and she rolled her eyes.

            “Hey, ako muna okay?”  Si Albie na para bang humingi pa nang permiso sa akin.  “For you, my dear…”  May iniabot siyang glossy box na kulay pink. Kahon pa lang, mukhang mamahalin na ang laman.

            “Naku, thanks Albie ha!”  Tinapik niya si Albie sa balikat.  Surprisingly, hindi ako nakaramdam nang selos.

            Binuksan niya ang kahon at napabuntong-hininga na lang ako.  Damn it, necklace din ang gift niya.  May necklace din kasi akong ibibigay sa kanya.  Silver necklace na may heart pendant. Walang panama sa diamond necklace na bigay niya.  Great!  This is just great!

          “Oh my gee!”  Nanlaki ang mga mata niya sa tuwa. For sure, hindi ko makikita sa kanya ang ganoong pagkatuwa sa ibibigay ko or dapat ko pa nga bang ibigay?

          “OMG Katie!”  Si Liz na nakiusyoso rin.  “Ang yaman mo talaga, Albie!  Sosyal ka talaga magregalo!”  Puri pa niya at agad na naman akong nakaramdam nang panliliit sa sarili.

            “You’re so sweet, Albie!  Thank you!”  Niyakap pa niya ang bestfriend niya. Mas gusto ko yata ang tapik kaysa sa yakap.

            “Wear that all the time, okay?”

          “Sure!”  Masayang sagot pa niya at mukhang hindi ko na nga dapat ibigay pa ang regalo ko.

            “Sweetheart…”  Mabilis pa kaming napabaling sa nagsalita.  Ang señor!

            “Papa,”  binalingan naman ni baby ang papa niya at niyakap.

            “Nand'yan ang mga business partners ko.  Come with me and greet them.” 

          “S-sige po, pa.”  Bahagya pa niya akong nilingon at sumenyas na saglit lang siya. Kung hindi lang niya hiniling na pumunta ako ay hindi talaga ako pupunta dito.

            For the meantime, isinama na lang muna ako nina Liz at Albie sa table nila.  Pero pakiramdam ko lalo lang akong na-out of place.  May mga pinag-uusapan sila patungkol sa mga kasosyalang bagay at wala akong maintindihan.  Jeez, it was really a mistake to come here! 

            Bumulong ako kay Liz na pupunta lang sa comfort room. Pero excuse ko lang 'yun.  Medyo nasu-suffocate ako sa surroundings ko kaya naghanap ako ng lugar na walang tao.  Gusto ko lang din makahinga.

           

            Dinala ako ng mga paa ko sa may bandang likuran ng mansion.  Nand'un ang sobrang laki nilang pool.  This is where I belong. Malayo sa mata ng mga tao.  Pakiramdam ko kasi nakatingin silang lahat sa akin at hindi ako komportable.  Hindi ako bagay d'un.

            Naupo ako sa poolside lounge chair at hindi pa man ay nakakaramdam na nang pagkainip.  Kung umuwi na kaya ako?  Mukhang hindi naman siguro niya mapapansin ang presence ko since ang dami niyang mga bisita.  Hmm, kaya lang ayoko namang magtampo siya.  Siguro dito na nga lang muna ako.  Ite-text naman niya ako kung hindi niya ako makita d'un sa party area.

            Dinukot ko ang small box sa bulsa at inilabas ko ang necklace na ibibigay ko sana sa kanya.  Halos maubos ang allowance ko sa pagbili lang ng mga ibibigay ko sa kanya, including this cheap silver necklace.  Pero mukhang hindi ko rin maibibigay ‘to dahil parang bigla akong nahiya.  Bakit ba naisipan ko pa siyang bigyan ng ganitong jewelry?  Sablay ka rin minsan, Ricky!  Na-cutan lang kasi ako sa pendant. Personalize siya with the engraved initials of our names at the center.  But this is a complete waste.  Magmumukhang basura ang regalo ko kapag itinabi sa diamond necklace na bigay n'ung bestfriend niya.

            Hindi ko alam na makakatulugan ko na lang pala ang paghihintay.

********

KATIE’s POV

            I feel a little strange today dahil  para bang all of a sudden ay nanibago ako sa paligid ko.  Para bang na-bore ako for the very first time in my life.  To think I am not even close to my relatives and yet I have to rub elbows with them.  I miss quietness. The serenity of just being held by my boyfriend’s arms.  Speaking of boyfriend, parang wala yata siya d'un sa table nila Liz.  I look around to see his handsome face but he’s nowhere to be found.  Where could he be?  Did he get bored too?  Did he leave without saying goodbye? 

            “Liz!”  I needed to ask her.

          “H-have you seen my boy-- Ricky?” 

            “He said pupunta lang daw siya sa comfort room.  Pero hindi na nga bumalik.  He goes straight ahead.”  Sumenyas pa siya using her pouty lips.

          “Okay, thanks.”  Aalis na lang sana ako nang maalala kong pagbilinan siya.  “If papa came looking for me, sabihin mo nasa comfort room lang din ako, okay?  At kakapunta ko pa lang, whatever time that is.”

          “Yes, madam.”  Inirapan lang niya ako pero ngumiti rin naman.  “Go!  Make-out with him!” 

            Pinandilatan ko lang siya lalo pa nga’t baka may makarinig sa kanya!  Aish!  Sarap putulin ng dila nitong si Liz pagkaminsan e! 

Binagtas ko ang daan patungo sa pool.  I am quite sure na doon talaga siya nagpunta at hindi sa comfort room.  Excuse lang niya 'yun kay Liz para makaiwas sa pakikipag-socialize sa kanila.  And I am right, nakita ko kaagad siyang nakaupo doon sa lounge chair sa may poolside.  Quietly, I walked near to him.  Gugulatin ko siya! 

Pero nang tuluyan na akong makalapit ay tsaka ko lang napansin na natutulog pala siya. Oh my poor boyfriend...  Mukhang nainip siya sa paghihintay. Kawawa naman.  But I can’t blame him.  Hindi naman ganito ang mundong kinalakihan niya.  I know na nanliliit siya sa amin but I don’t want to make him feel that way. At kahit pa mayaman ako, I like him to know that I am just beyond his reach.

Maingat akong naupo sa gilid niya at hindi ko muna siya ginising.  Ang gwapo niyang pagmasdan. Those beautiful eyes with long lashes, pointed nose, perfect jaw, well-curved lips… na infairness talaga, pink 'yung color.  Tisoy kasi.  Those brown hair and beautiful skin. He’s just my angel.  But wait, necklace ba ang hawak niya?  Para sa akin ba ‘to?  Again, naging maingat ako sa pagkilos ko. Dahan-dahan kong kinuha ang necklace na hawak niya.  I wanted to see it closer.  He’s so sweet.  May gift pa ako bukod sa birthday song, roses, cake and sweet kiss?  May initials pa ng name namin 'yung heart shaped na pendant… really cute!  The cutest thing indeed for me.  Oh shocks!  Ang O.A. ko lang, bakit ba ako naiiyak sa simpleng necklace?  It was the cheapest gift I received today but this is the loveliest among them because it came from him… my Ricky.  Pinunasan ko ang luha ko and then I lean closer to kiss him.

“Hmmm…”  Slowly he opened his eyes and when he saw me, he immediately responded to my kiss and held me on my nape.  But then, siya pa rin ang pumutol sa kiss naming dalawa.  “What are you doing here?  Tapos na ang party mo?”

“Almost,”  Ikiniskis ko ang ilong ko sa ilong niya.  “Sorry, nainip ka sa paghihintay?”  Pasimple ko pang itinago ang necklace sa kamay ko.  Gusto kong maalala niya 'yung gift niya.  Pakiramdam ko kasi ay wala na siyang balak ibigay sa akin ito.

“Yeah, pero okay lang.”  Umayos siya nang upo at bahagyang nag-inat. 

“Hindi mo pa ako isinasayaw,”  ngumuso ako at nagpamukhang nagtatampo.

“Hmm, we can do it here. Iyon nga lang wala tayong music.”

“May music akong ipinasa sa cp mo n'ung nasa province tayo.” 

“Really now?”  He grinned.  “Have you been checking on my cp like a crazy girlfriend?”

“Of course not!”  Inirapan ko siya but my answer to his question ‘yes’.  “Kanta ko lang para sa’yo 'yun.”  Pag-amin ko rin naman.  “Sige, tingnan mo.”

“Okay,”  Kinuha naman niya ang cp niya sa bulsa at nagbuklat sa media player niya.  “Anong title?”

“Beautiful Stranger.”

“Interesting choice.”  Ngumiti lang siya pero wala naman nang sinabi at nag-focus na sa paghahanap.  Hindi naman din nagtagal ay nahanap na niya 'yung kanta at agad na pinindot ang play.  “So?”  Ibinaba na niya ang cp sa lounge chair at agad akong hinapit palapit sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 54.2K 61
You Belong With Me by Taylor Swift. This is the song that best fits neighbors Caden and Thea. He's popular. She's not. He's the school famous Quarter...
1.9M 129K 46
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
394K 5.3K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
600K 10.5K 38
"I fell in love with you the first time I saw you. Kahit na suplado ka, self-centered, selfish, and conceited. I thought deep down inside you, mabait...