Mr. Know it All [EDITING]

By lesanlaine

6.1K 268 181

(c) lesanlaine All rights reserved 2015 - This the story of Leslie, her unfading feelings for her high schoo... More

Prologue
1st
2nd
3rd
4th
5th
6th
7th
8th
9th
10th
11th
12th
13th
14th
15th
16th
17th
18th
19th
20th
21th
22nd
23rd
24th
25th
26th
27th
28th
29th
29.2
30th
31st
32nd
33rd
34th
35th
36th
37th
38th
39th
40th
42nd
43rd
44th
45th
46th
47th
48th
49th
49.1
50th
Epilogue
Special Chapter
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
Special Chapter 5

41st

101 3 11
By lesanlaine

Message from Giobels.

Pagbukas ko ng messenger ayan agad ang makikita ko.

Umasa ako na may mababasa pa akong ibang messages, 'yan lang na galing kay Gio. naghintay ako ng message galing kay Kuya. Kinalimutan na ako ng kapatid ko. Si Monica naman palagi niyang nakakausap.

Sabado.

Kasama ko si Kitt sa may kwarto ni Kuya, hindi kami nanggugulo dito o kung ano man. Ginagamit naman 'yung laptop niya sa panunuod ng movie. Pinakailaman muna namin ni Kitt 'yung gamit ni kuya dito.

Nakita namin sa laptop niya ay mga pictures ni Aica. Sa dami ng nakuha at naipon niya makakagawa na siya ng isang photo album para kay Aica. Marami pa siyang compilation ng videos nilang dalawa.

Ayos na rin na hindi sila natuluyang maghiwalay.

Itong kapatid ko na si Kitt, naging lalaki na nga yata. Nahilig sa mga sasakyan. Pinapanuod namin 'yung buong series ng Fast and Furious. Nasa part 2 na kaming dalawa. Jusko, mahaba pang lakbayin bago makarating sa 7.

Hinihintay ko na nga ang pagdating ni Gio. wala siyang sinabi na oras pero pupunta siya ngayon ang sabi niya.

"Ate, ayaw ko na niyan. Kakain lang ako" tumayo na si Kitt para lumabas ng kwarto.

"Bakit?"

"Di ko na makita si Paul, mas gusto ko 'yung sa 7. Ang gwapo niya dun"

Ang lungkot pa ng mukha niya habang naglalakad palabas ng kwarto. Napayuko nalang ako, jusko, mas lumala siya kesa kay Diwata.

Si Delfino nagiging lalaki na talaga. Nagdadamit lalaki, nakikipag date kay Charmaine, tinatawagan na nga niya si Charmaine. Palagi pang tinitext si Charmaine. Paano ba naman na hindi niya gagawin 'yon, nandyan ang kapatid niyang may plano pa sigurong agawin si Cha kay Delfino.

"ATEEEEEE!" sumigaw si Kitt mula sa labas ng kwarto ni Kuya.

Inayos ko muna lahat ng ginamit namin dito. pati 'yung kama ni kuya na ginulo na ni Kitt, "Bakit ba?" tanong ko sakanya.

"May naghahanap sa'yo" si Papa ang sumagot sa tanong ko.

Lumabas ako ng kwarto, wala naman akong nakita na bisita. "Sino, Pa?" tanong ko sakanya.

"Manliligaw mo" sagot niya. Nakaupo siya sa sofa at nagbabasa ng dyaryo. Katanghalian tapat nagbabasa siya ng dyaryo.

"Si Gio?"

"Oo, ate. Nandoon sa labas, may kinukuha daw" si Kitt ang nakipag-usap sa'kin. Sinundan ko si Gio sa labas.

Nakita ko 'yung kotse niyang dala. Iba 'yung gamit niya ngayon sa palagi niyang ginagamit, "Hoy" tawag ko sakanya.

Lumingon siya sa'kin at ngumiti, "Namiss mo 'ko?" tanong niya.

"Leche, 'wag assuming, Angelo"

"May dala akong pagkain. Pinabibigay ni Mommy kay tita"

Sa nanay ko daw. Nabanggit ko na ba na nagkaroon sila ng early dinner kahapon? Si Mama, Papa kasama sina Tita at Boss. 'yung family ni Gio at sina Mama. Ang nag-aya ng dinner ay si Boss. Hindi ko alam kung bakit naging biglaan 'yung early dinner nila.

"Suhol na naman ba?" pabiro kong tanong.

"Nakapagsuhol na ako kahapon" isang paper bag ng pagkain ang dala ni Gio ngayon. Mommy niya daw ang nagluto, "Nakapagpaalam na nga ako sa papa mo. Uulitin ko lang ngayon, baka nakakalimot siya"

Nauna siyang pumasok sa bahay. Siya na yata ang may-ari ng bahay namin.

~

"Huwag niyong kalilimutan ang bilin ko. Bago mag alas dyes ng gabi nasa bahay na kayo. Tapos walang ibang pupuntahan, Gio, 'yung mga sinabi mo lang. huwag na huwag kayong pupunta sa lugar na kayong dalawa lang" paliwanag ni daddy.

Siya nga 'tong advance mag-isip sa'min.
Kung pwede lang na ako na ang mamili ng lugar na pupuntahan, nagawa ko na.

Hindi pa rin ako sang-ayon doon sa mga gustong puntahan ni Gio. sa tingin ko wala ng susunod na date kapag natapos 'to. May plano ba siyang gawin akong athletic? Papasakayin ako sa race car, tuturuan akong mag tennis at fencing. Jusko, wala ni isa sa mga 'yan ang pingarap kong gawin.

"Masusunod po, tito"

"Pa, kayo nalang kaya ni Gio ang lumabas, magkakasundo kayo sa mga pupuntahan niyo"

"Pwede ba, huwag ako, Leslie" natawa lang ako sa sagot ni Papa. Ginagaya niya si Kitt, sinasabi sa'kin ng batang 'yon na 'Ate, don't me' natutunan niya sa mga kalaro doon sa labas.

"Iwan ko muna kayo. Mag-uusap lang kayong dalawa" bilin ni Papa kay Gio. tiningnan niya pa 'to bago umalis. May sarili pa silang senyasan.

"Sinong may sabi na ayaw sa'kin ng papa mo? Medyo kinakabahan pa rin ako kapag kinakausap siya" sabi ni Gio sa'kin, hindi halata na nakakaramdam siya ng kaba, "Bakit naman?" tanong ko.

"Yung mukha niya sa office pareho ng sa bahay niyo. Ang seryoso niyang tumingin"

"Bagay nga kayo. Pareho kayong maningin"

Nagsasabi lang ako ng totoo. Pero magkaiba sila ni Papa, madaling mapatawa ang tatay ko. Si Gio kahit nakailan na akong joke, hindi siya ngingiti. Hindi raw kasi nakakatawa.

"Gio" mag susuggest lang ako ng kainan, "Ako na bahala sa kainan natin, ah. Huwag naman doon sa mga pagkain na di ko alam"

Nginingitian niya ako sa mga sinabi ko, "Kaw bahala"

"Libre ko" pagbibiro ko, "Sige, kapag natalo mo ako sa tennis"

"Dejoke. Hahaha. KKB nalang tayo"

First time kong maglalaro ng tennis. Sa tingin ko matatalo niya lang ako bukas.

Sinamahan kami ni Kitt na mag movie marathon sa bahay. Naka-limang palabas kami ngayon, kugn anu-ano na nga e. horror, fantasy at sci-fi. Ayaw ni Gio na manuod ng mga love story. Wala raw nakakakilig sa mga 'yon. Nag susuggest pa siya ng Harry Potter. Si Harry lang ang gusto ko doon, hindi 'yung kwento.

"Si Bebs?" tanong niya sa'kin.

"Ayaw ka makita. Natutulog pa"

~

"Leslieeeeee! OMG. Hindi ko alam ang gagawin ngayon. Super, inaya ako ni Delfino na magsimba. Kasama 'yung parents niya. Wala si Dalton"

Kausap ko si Charmaine ngayon. Nagising ako ng maaga dahil kay Papa. Pinaglinis ako ng bahay. Tapos tinulong niya rin ako sa paglilinis ng company car niya.

Tapos ito, si Charmaine naman ang kausap ko ngayon. Wala pang 9am kinikilig na siya agad, "Edi maganda. Sasama ka?"

"Di ko pa sure. Babantayan ko kasi si Gia, may date kayo ni Gigi di ba?"

Ang daldal ni Angelo Gabriel. Maging si Monica alam na may pupuntahan kami ngayon, nalaman na rin ni Kuya. Isang oras lang daw kami dapat mag date at umuwi ako ng maaga. Hindi ko siya pinakinggan, pinayagan ako ni Papa.

"Ah, oo. Friendly date daw"

"Ganun na rin 'yon, kapag naging kayo date na rin ang tawag diyan. Sasama na nga ako kay Delfino. Sasama ko si Gia"

Sa tono palang ng boses ni Charmaine tuwang-tuwa na siya. Ngayon lang din naging ganun si Delfino, nagiging totoo na yata ang relasyon nilang dalawa. Bagay naman sila, sa picture palang pwede na silang pagtambalin. Sa totoong buhay pa kaya.

"Sige. Sabihin mo na sakanya. Matutuwa 'yon"

Kilala na rin ng parents ni Cha si Delfino. Siya ba naman ang ihatid sakanila araw-araw, edi nakilala na. Ang alam nga lang kina Charmaine totoo na sila.
Pwede na maging sila. Kung gugustuhin ni Delfino.

~

Pinaglalaruan ko ang mga kanta sa sasakyan ni Gio. Gamit na niya ngayon 'yung kotse niya, hindi na raw coding at bagong linis pa. Tinulong niya daw si Gia at Charmaine sa paglilinis nito kahapon.

"Gusto mo si Alessia at Tori? Nice, akala ko makaluma ang mga kanta mo dito" niloloko ko siya.

'yung natirang kanta niya halos sa Maroon 5 na lahat, "Si Charmaine naglagay ng mga 'yan, nakuha niya kay Delfino"

"Ay, akala ko pa naman sa'yo. Maroon 5 lang ba talaga gusto mo?" tanong ko.

Naka-party shuffle na nga 'to pero hindi pa rin ako makuntento sa mga napipili na kanta.

"Tsaka ikaw" sagot niya.

Napatingin ako sakanya. Ang seryoso ng tingin niya sa daan habang nagmamaneho, wala man lang pabirong tingin sa'kin, "Kailan ka pa naging expressive, Angelo?"

"Kapag tinatawag mo akong Angelo nagugustuhan ko. Pero kapag sina Monica ang natawag sa'kin sa buong pangalan ko, naiinis ako"

Abnormal kasi ang isang 'to. Ayaw na natatawag sa buong pangalan, e para saan 'yung Gabriel niya? Display?

"Loka, arte mo 'no?"

Tumigil 'yung sasakyan, ito ang tinatawag na traffic. "Gusto mo matutunan 'to?" pagtukoy niya sa pagmamaneho, "Ayaw" tanggi ko.

"Bakit?"

"Baka magasgasan ko 'yung kotse. Sayang"

Kung mag da-drive naman ako, sa panahon na may sarili na akong sisirain na kotse.

"Madali lang mag drive. Turuan kita mamaya"

"Gio, ayaw ko talaga"

Hindi niya ako pinansin. Nag drive na naman siya. Leche, ayaw niya akong pakinggan. Wala sa bokabularyo ko ang mag drive. Pero kung 'yung dream car ang gagamitin ko, pwede naman.

Pinatitripan ko ngayon ang cellphone ko. May mga pictures na rin ako ni Gio no'ng kabataan days niya. Napaka hindi patas ng batang 'to, tumira nga pala siya sa states. Ang gaganda ng kuha niya. Tapos ang cute niya pa sa ibang pictures niya.

Pareho kami ng wallpaper sa phone, picture niya no'ng five years old siya ang gamit ko. Tapos ang nasa kanya 'yung seven years old ako. Naka costume ako na parang santo Niño, kumikinang ang suot ko noon. Tawang-tawa si Gio sa'kin.

"Nandoon nga pala si tito" sabi niya. Wala akong sinasabi sakanya pero 'yan ang sinabi niya nang magsalita siya, "Tito mo?" tanong ko.

"Oo. 'yung may ari ng lugar na pupuntahan natin"

Seryoso. Gaano ba sila kayaman? Sinu-sino ba ang mga kamag-anak niya?

~

Nakarating na kami sa sinasabi niyang race track.

Ang daming tao ngayon dito. panay lalaki ang nakikita ko, may mga kanya kanyang sasakyan sila na dala. Parang magkakaroon ng car show dito, ang gaganda ng sasakyan.

"Nakita ko na naman" sabi ni Gio.

"Ang alin?"

"Yung kotse. Ang ganda 'no?" bago ako makasang-ayon naghanap pa ako ng pinaka magandang kotse dito.

"Saan ba?" tanong ko. Hindi ko makita 'yung tinutukoy niya.

Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi tapos tinuon ang tingin ko doon sa kotse na nasa harapan lang namin, "Kita mo na? ako lang kasi tinitingnan mo, e"

"Yabang!" hinampas ko siya. "Pero maganda, bakit ayaw mo ng ganyan? Bili ka"

"Kapag CPA-lawyer na ako. Kapag asawa na rin kita"

Ako naman ang pumitik sakanya sa noo, "Nanaginip ka na naman. Mamaya pa ang gabi, Angelo"

Sumimangot siya, "Konting practice pa, bebs. Ang hina ng pagpitik mo. Pakakasalan mo rin naman ako"

Ang confindent niya, promise. Walang kahihiyan sa sarili. Kampante ang isang 'to na pakakasalan ko siya at magiging kami. Well, tingnan nalang natin.

"Bebs? Miss ka na ng aso mo"

No'ng nagpunta siya sa bahay tinulugan lang siya ni bebs.

"Babalik ako sainyo next week"

"Huwag na. Wala kang gagawin sa bahay"
Wala siyang narinig sa sinabi ko. Pupunta daw siya sa bahay, magluluto sila ni daddy. At kakain sila doon sa labas ng bahay namin.

Hay nako.

Sabay kaming nagpunta doon sa pwesto ng tito niya. May kausap 'tong mga racers siguro, nasa 30 plus siguro na edad.

Makakapalag pa ako sa isang 'to? Hinawakan na ang isang kamay ko. Wala na akong takas sakanya.

"Parang lumiit ka" sabi niya. "Ako? Di ah"

Sakto lang naman 'yung tangkad niya sa'kin. Kauti nalang parang pantay na kami, joke, sa panaginip ko lang mangyayari 'yon. Hanggang balikat lang ako ni Gio.

"Wala lang. Gusto lang kitang tingnan, kung saan-saan ka natingin"

Okay. Tumingin nga ako sakanya nang kausapin ako. Tinitingnan ko 'yung mga nandito. May babae rin kasi na racer. Ang gwapo nung isang lalaki na naka all black. Mukhang mas matanda sa'kin pero ang gwapo niya.

Pinakilala niya ako doon sa tito niya, ang sabi ni Gio... "Tito, girlfriend ko"

Nang-iinis talaga si Gio. Wala akong sinabi sakanya na ang gwapo ng lalaki kanina, pero ito si Kuyang Gwapo ngayon, kausap na ng tito niya. Kaya nang sabihin ni Gio na kami, wala na. hindi ko na siya titingnan ulit.

Tapos na ako mag pantasya sa kagwapuhan niya.

~

"Ayaw" ako naman ang natanggi ngayon sakanya. Ready na si Gio, sasakay nalang sya doon sa pinahiram ng tito niya na kotse. Pwede na siyang kunwaring racer. 'yung magpapaikot-ikot dito sa race track.

Sinasama niya ako sa loob ng sasakyan, pinapasuot niya sa'kin 'yung helmet.

"I'll kiss If you don't wear this" seryosong sabi niya sa'kin.

"Do it. Hindi ko isusuot 'yan"

Takot ako doon sa sasakyan. Naiimagine ko kasi na kapag nakasakay sa loob nun mabilis lang ang pagpapatakbo, bawal maging mabagal.

Baka mawalan rin ako ng hininga.

Nakatingin kami pareho sa isa't isa. "Ayaw mo talaga?" huling tanong niya sa'kin.

Tumango lang ako, "Save the kiss"

Iniwan niya ako dito.

Magsasaya akong mag-isa. Pinapanuod ko siyang magbuwis ng buhay doon. Tuwang-tuwa siya sa ginagawa niya.

Kinakausap ako ng tito niya dito. nakikipag kwentuhan ako sakanya tungkol sa mga kotse niya. May tatlo siyang anak na lalaki, isang 23 years old at dalawang 19. 'yung dalawang 19 na 'yon kambal, hindi naman niya ako nasabihan na anak niya 'yung si kuyang naka all black kanina. Siya si kuyang 23 years old.

Sila ni Gio ang magkasama na nagpapakasaya doon sa ginagawa nila. "Want to try?" tanong sa'kin ng tito ni Gio.

"Next time nalang po siguro"

"May next time. Balik kayo dito sa bakasyon"

Next year? Hindi nalang siguro dito. mag dadrive nalang ako ng ibang sasakyan.

Nakita ko na si Gio, magkausap na sila ni kuyang 23 years old ngayon habang naglalakad papunta sa pwesto namin ng tito niya, "Accountant po? Ang galing niya" sabi ko. Nakaka-amaze 'yung anak niya.

CPA naman pala si kuyang 23 years old, "Ano po pangalan?"

"Vince, Carl Vince Manansala. Pwede niya kayong tulungan sa accountancy"

Kukunin ko siyang tutor. Tutal si Gio tinuturuan si Marie, okay na ako kay Kuya Vince the CPA.

Nagkunwari ako na hindi napansin sina Gio nang dumating na sila dito, nilagay ba naman niya sa ulo ko 'yung helmet na suot. Leche 'yon, tinawanan lang ako.

"Magbibihis lang daw siya" kinausap ako ni kuya Vince. Hindi naman ako kinilig.

"Antayin ko nalang po siya dito" tinanggal ko 'yung lecheng helmet sa ulo ko.

"Ayaw mo talaga subukan?"

Umiling ako. "Hindi pa po ako handang mamatay"

Napangiti si kuya Vince sa sinabi ko.

~

Tahimik lang si Gio habang nag dadrive, ako na nga ang maingay sa'min dalawa. Sinabi ko na ang gwapo ng pinsan niya, wala siyang reaksyon doon.

"Uy, ang tahimik mo"

Nakalog ang utak sa ginawa niya kanina. "Iniisip ko kung paano makukuha 'yung kiss" sagot niya.

"Joke lang 'yon. Huwag kang, ano Gio"
"Ngayon na kaya?"
Lumayo ako ng bongga. Kung pwede lang na isagad ko ang katawan dito sa may pinto nagawa ko na. "Biro lang, may mamaya pa naman. Kain na tayo"
"Tigil mo sa tabi" utos ko.

Napatingin siya sa'kin, "Huh?"

"Tigil mo sa tabi, kakain tayo"

Ngumiti pa ako sakanya. Ako ang namili ng kakainan namin. Subukan niya naman kumain ng pagkain ng lahat.

~
Natatawa ako sa mukha ni Gio ngayon.
Ang sungit ng mukha niya. Ang seryoso ng tingin niya doon sa hawak ko. Ayaw niya pang kainin, sinabi ko na nga na susubuan ko nalang siya pero ayaw niya.

Kinausap niya pa in-english si manong nagbebenta ng fishball, fries at kwek-kwek dito. pati 'yung gulaman na iniinom pinainom ko sakanya. Kahit labag sa kalooban niya ginawa niya pa rin. Ako lang daw ang unfair dahil hindi ko sinubukan 'yung racing churva niya.

'Is this safe?'

'Is this really edible?'

'No. I won't taste that shit'

Kahit ako nakausap niya in-english. Hindi daw mukhang safe ang ipapakain ko sakanya. "Bahala ka, uuwi na ako pagkatapos nito"

Agad niyang kinuha 'yung isang stick ng fishball, limang piraso 'yon, kinain niya lahat. "And I'm serious. I'll get the kiss later"

"Ngayon na" hamon ko sakanya. Nagbibiro lang ako. Alam kong hindi niya magagawa 'yon dito.

Napagtinginan siya kanina ng mga nabili. Mas Amerikano yatang naligaw sa tindahan ng fishball dito sa kanto. Nakita ko lang naman 'tong kainan ni manong, kaya pinatigil ko si Gio. pagkatapos namin kumain siya na naman ang masusunod.

~

Nakakapagod pero masayang araw. Na-enjoy ko lang 'yung sa tennis court. Ang daming cute na bata ang naglalaro. Kaya nakisali kami sakanila ni Gio, kakampi ko 'yung isang batang lalaki tapos si Gio isang batang lalaki rin na mas matanda lang siya ng 3 taon doon sa bata. Ang galing nilang maglaro.

"Gusto ko na bumalik dito lagi, papayat ako"

Inasar ako ni Gio na wala na akong ipapayat. Hindi na ako tatalaban ng exercise. Sinasabihan niya kasi ako ng mataba. Hindi daw bagay sa'kin ang salitang 'sexy'.

Mas nakakatawa doon sa napuntahan namin na fencing eklabu ni Gio. tinutusok ko lang naman sya sa tagiliran. May kiliti ang loko, ayun nasobrahan sa pagtawa. Hindi kami naglaro, kinulit niya lang 'yung kaklase ng mommy niya doon. Siya ang may-ari, kaya niya ako sinama doon kasi may binigay siyang regalo. Birthday dawn g may-ari kahapon.

"Umuwi ka na!" taboy ko sakanya.

Nandito siya sa labas ng bahay. 9:30pm palang, hindi ko alam kung bakit tumagal kami ni Gio sa labas, nagpunta pa kami sa kung saan. Hinahanap siya sa daan 'yung kainan ng mga turo-turo. Itatry niya daw ulit 'yung kwek-kwek.

Saan naman siya makakakita ng ganun, sa Skyway? Kahit sa highway walang ganun, e.

"Uuwi na nga" pero nakatayo pa rin siya sa harapan ko.

Naghihintayan lang kami kung sino ang unang magsasabi ng good night o good bye.

Hanggang ngayon hindi niya pa rin nakukuha 'yung kiss sa'kin. Hindi ko rin naman ibibigay sakanya. Nakakarami na sya sa'kin, e. sabi nga rin ni Papa huwag na daw ulitin.

"Okay. Good night, hindi ko makukuha this day. Maybe tomorrow" kapal ng mukha nito.

Hinalikan niya ako sa noo at niyakap bago umalis. "I love you, Leslie"

Hinayaan ko lang na yakapin niya ako. Inaantok na ako dito sa ginagawa niya.

Matapos niya akong yakapin, tiningnan niya ako. "O?" tanong ko sakanya.

Niyakap niya lang ulit ako. Naramdaman ko nalang na may humalik sa buhok ko.
~


Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 32.5K 29
Luke and Aviona - A romance that blosssomed in a society where a governor cannot love the daughter of a prostitute. R18 Adult content
524K 19.2K 28
Akaizha and Gwen | "we can never be friends"
50.1K 201 8
Dalawang lalaki ang makikipag agawan sa dalagang kanilang inalagaan. Si Arthur, ay ang Ama ni Celia. Minahal at inaruga niya ang dalaga hanggang sa t...
30.4K 74 8
This is a work of fiction. Not suitable for young readers below 18. Read at your own risk and please do not report🔞