TDBS1: Darkest Touch - COMPLE...

By CeCeLib

23.5M 527K 56.4K

SYNOPSIS: KUNG may katawang tao ang tsismis, ang magiging pangalan niyon ay Jan Irish. She was a gossip eate... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
EPILOGUE

CHAPTER 9

971K 21.2K 619
By CeCeLib

CHAPTER 9

TINITIGAN ni Jan Irish ang sarili sa salamin. Maingat siyang humugot ng isang malalim na hininga habang pinagmamasdan ang sarili. Its been a long time since she wore these kinds of clothes.

Clad in Versace gown, Prada Stiletto and a Gucci handbag, Jan Irish felt like she's back to being the Vallega's chains of Companies only heir. Hindi maikakaila ng damit na suot niya kung sino talaga siya sa kabila ng pagpupursige niyang mamuhay ng normal at hindi mabuhay sa karangyaan at pera ng kaniyang mga magulang.

Kahit nuong nasa kolehiyo pa siya, she hated being part of the elite society. Gusto niya ng normal na buhay na may totoong mga kaibigan. Oo nga at mayaman ang pamilya niya pero nasisiguro niyang lahat ng kaibigan niya ang peke ang pakikitungo sa isa't-isa.

Jan Irish hated the people in the Elite. They think highly of themselves. Kaya nga umalis siya sa poder ng kaniyang mga magulang pagkatapos na pagkatapos niya sa kolehiyo.

But tonight, she has to be the Elusive Vallega's Heir. Kaarawan ngayon ng ina niya, dapat siyang maging pormal at kagalang-galang.

"Anak, halika na sa baba. Hinihintay na tayo ng ama mo." Anang boses ng ina niya na gumising sa kaniyang naglalakabay na diwa.

Huminga siya ng malalim saka nakangiting naglakad palapit sa ina na puno ng paghanga ang mga matang nakatingin sa kaniya.

"You look beautiful, darling." Her mother complemented her.

Jan Irish just smiled and put her mask on.

Magkahawak kamay na naglakad ang mag-ina. Nang makalapit sa kaniyang ama, umangkla ang braso ng ina sa braso ng kaniyang ama.

Jan Irish smiled. Even after all these years, her parents still love each other dearly.

"Ikaw na ang mauna, anak." Ani ng kaniyang ama. "Kami raw dapat ang panghuling bumaba, e."

Mahina siyang natawa saka maingat na naglakad pababa sa hagdan, pababa sa malaking solar sa labas ng mansiyon nila, pababa sa maraming taong nakangiti pero alam niyang peke naman.

Napaigtad si Jan Irish ng marinig ang pagsigaw ng isang baritonong boses na parang ipinapakilala siya.

Her parents hired a herald like in Medieval times? Napailing-iling nalang si Jan Irish. Ano pang silbi ng maskara niya kung ipapakilala naman siya.

"Miss Jan Irish Vallega, daughter of Mr. And Mrs. Jonathan Vallega, the heir to Vallega's Chain of Companies." The herald informed the entire visitor.

Kahit nakaramdam ng hiya si Jan Irish, nanatiling nakataas ang kaniyang nuo at glamorosang bumaba ng hagdan.

Chin up. Tummy in. Back straight. And walk with glamour. Yan ang paulit-ulit na nagpi-play sa utak ni Jan Irish habang bumababa siya sa hagdan.

And when she reach the last stair, her eyes settled on a man wearing a half mask, situated on the left side of his face. At kahit hindi niya nakikita ang kabuonan ng mukha, kilalang-kilala ni Jan Irish kung sino ang lalaking katitigan niya.

"Tegan..." she whispered.

Tegan's eyes become dull before stepping back and walking away.

Jan Irish heart sank. Gusto niyang sundan si Tegan pero hindi niya puwedeng gawin yon, siguradong agaw eksena yon at kaarawan ngayon ng ina niya, ayaw niya iyong sirain.
Lumapit sa kaniya ang kababatang si Daniel. Pilit niyang pinasaya ang aura ng mukha niya.

"Irish, it’s been a long time." Anito at kinuha ang kamay niya saka hinalikan ang likod niyon. "How are you?"

Gustong mapangiwi si Jan Irish. Si Daniel ay masugid niyang manliligaw mula pa noong high school sila, at mukhang hanggang ngayon ay may feelings pa ito sa kaniya.

"Ayos lang ako." Pasimple niyang binawi ang kamay saka humarap sa mga magulang niya na nakangiting bumababa sa hagdan.

Jan Irish's heart swelled in happiness. Nagpapasalamat siya ng masaya ang mga magulang niya.

"Happy Birthday, Ma." Nakangiting bati niya sa ina ng tuluyan na itong makababa kasama ang ama niya.
Hindi niya ito binati kanina kasi abala ito sa pagpapaganda.

Her mother smiled lovingly at her. "Thanks, Irish."

"Mamaya na po regalo ko." Nangingiting sabi niya.

Napailing-iling ang ina niya, "kahit wala, Irish, ayos lang. Sapat nang narito ka." Hinawakan siya nito sa kamay, "stay with me as I greet our guest." Anyaya nito.

Kaagad namang tumango si Jan Irish, ayaw niyang maiwan kasama si Daniel.

Matamis ang nakapaskil na ngiti sa mga labi ni Jan Irish habang kasama ang mga magulang na isa-isang pinupuntahan ang bawat mesa at kinakausap ang mga bisita.

Jan Irish stayed silent beside her parents. Sumasagot lang siya kapag may nagtatanong sa kaniya. Kahit bored na siya sa paglilibot sa bawat ukupadong mesa, nanatili pa rin siyang nakangiti.

"Good evening, everybody." Anang ama niya ng makalapit sila sa panghuling table. "I hope youre enjoying the party."

"The drinks are great, Mr. Vallega." Anang lalaking may edad na na may hawak ng kopita na puno ng alak. "It’s exquisite."

"Happy Birthday, Mrs. Vallega." Sabi naman ng ibang nasa mesa.

"Thank you." Nakangiting tugon ng ina niya na bahagyan pang yumukod. "And thank you for coming."

"It’s our pleasure." Sabad ng isang may edad na babae.

Ngumiti ang ama niya. "Oh, siya, maiwan na muna namin kayo. Enjoy the party."

"Thanks, Mr. Vallega." Sabay sabay na sabi ng mga bisitang nasa mesa.

"Tapos na kayo maglibot?" Hindi naitago ni Jan Irish ang sarkasmo sa boses.

"Irish, you knew that it’s the right thing to do to your visitors." Sagot ng ama.

Pasimple siyang umingos at bumulong. "Mga buwesita kamo."

Jan Irish looked around the huge solar. Hinahanap ng mga mata niya ang binatang nakatitigan niya kanina. Nasaan kaya si Tegan? Saan ito nagpunta? Ano kayang iniisip nito ngayon?

She was feeling worried when she heard his father voice.

"Oh, is that you Mr. Galvante?" Anang boses ng ama na parang nagulat. "Muntik na kitang hindi makilala sa suot mong maskara."

Mabilis na nag-angat ng tingin si Jan Irish mula sa pagsusuri ng suot niyang gown at napatitig sa binatang nasa unahan nila.

Jan Irish lips parted. Tegan looks good in his Tuxedo. Wala siyang pakialam sa mukha nitong may pilat, napaka-hot pa rin nito sa suot na suit.

Damn!

"Mr. Vallega." Magalang na nakipagkamay si Tegan sa ama niya. "Good evening." Bumaling ito sa ina niya at bahagyang yumukod. "Happy Birth Day, Mrs. Vallega."

Ngumiti ang ina niya. "Thank you, Mr. Galvante."

Ang mga mata ni Tegan ay dumako sa kaniya. "Good evening, Ms. Vallega." May kakaibang emosyon sa boses nito. "It’s nice to finally met the Vallega's Chains of Companies Heir."

Tumikom ang mga labi niya. She can see dullness in Tegan's eyes as he looked at her.

"Maiwan ka muna namin, Mr. Galvante." Anang ama niya, "kailangan paupuin ko ang aking esposa, alam kong pagod na siya."

"Of course, Mr. Vallega." Ani Tegan.
"Enjoy the party, Mr. Galvante." Paalam ng ama niya kay Tegan saka bumaling sa kaniya. "Jan Irish? Halika na."

Akmang hahakbang siya pasunod sa mga magulang ng biglang lumapit sa kaniya si Daniel.

"Mr. Vallega, may I dance with your beautiful daughter?" Tanong ni Daniel sa ama niya.

Without asking her permission, her father answered. "Of course, Daniel."

Simpleng nagtagis ang bagang niya ay kinalma ang sarili na naiinis sa pagpayag ng ama niya. Daniel is a good catch, but not her type. Puro lang kasi kaguwapuhan at katalinuhan ang kaya nitong ipakita sa kaniya. He doesnt have a heart. He doesnt have the asset that she's looking for a man. And hes not Tegan.

Daniel smiled at her and offered his hand. "Shall we, my lovely Irish?"

Jan Irish stops herself from glaring at Daniel. "Sure." Ang sarap nitong tanggihan pero maraming tao, siguradong mapapahiya ito.

Daniel was grinning from ear to ear as he guide her to the dance floor. Nang mapadaan siya kay Tegan, naramdaman niyang nagkabungguan ang kamay nila ng binata at kung hindi siya pinaglalaruan ng imahinasyon, pinaglandas nito ang hintuturo sa mga daliri niya at pasimpleng pinisil yon.

She felt the electricity of their touch.
Jan Irish glanced back at Tegan. Naglalakad na ito palayo sa kanila. Her heart sank. At mas lalong sumakit ang puso niya ng mag-umpisa ang tugtog at sapilitan siyang nakipagsayaw kay Daniel.

Habang sumasayaw ay panay ang tingin niya sa kaniyang paligid, hinahanap ng mata niya si Tegan pero hindi niya ito makita.

Nasaan ba si Tegan? May kasayaw ba itong ibang babae? Her heart clenched in pain. Masakit sa damdamin na may ibang babaeng yumayapos kay Tegan.

Kumuyom ang kamao niya. Parang pinipilipit sa sakit ang puso niya sa isiping may ibang babae itong kayakap habang nagsasayaw.

Jan Irish was close to tears when he heard that familiar baritone voice.

"May I cut in?"

Mabilis na kumawala siya sa pagkakayapos sa kaniya ni Daniel at humarap sa may-ari ng boses.

"Excuse me?" May iritasyon sa boses ni Daniel.

"I said may I cut in?" Tanong ulit ni Tegan.

"Hindi—"

"Of course, Mr. Galvante." Sansala niya sa hindi pagpayag ni Daniel saka kaagad na lumapit kay Tegan. "Let’s dance."

Nagtatagis ang bagang na humakbang palayo sa kanila si Daniel.

"Hey." Aniya saka iniyakap ang braso sa leeg ni Tegan.

"Jan Irish." May diin ang pagtawag nito sa pangalan niya.

"Dance with me, Tegan." Pabulong niyang sabi.

Si Jan Irish na ang nagpalibot sa braso ni Tegan sa beywang niya saka yumakap ulit siya sa leeg nito.

Mahabang katahimikan ang namayani sa kanila bago iyom binasag ni Tegan.

"So you're rich." Anito.

"My parents are, not me."

"What’s the difference? Youre the Heir."

"Wala akong pakialam sa yaman ng mga magulang ko."

"Kung ganoon, bakit hindi mo sinabi sakin?"

"Importante ba yon?" Balik tanong niya rito. "Wala namang nagbago kung mayaman man ako o hindi—"

"You could have any man you want."

Natigilan siya saka tiningala ang mukha ng kausap. "Anong sabi mo?"

"You could have any man you want, Jan Irish." Ulit nito sa walang emosyong boses. "Why me? Pinaglalaruan mo ba ako? Is it because Im ugly and—"

"Oh, shut up." Galit niyang sabi.

"No." Humigpit ang hawak nito sa beywang niya. "Siguradong maraming lalaking nagkakagusto sayo, at isa na roon ang lalaking kasayaw mo. Why me? Why did you give yourself to me? Dahil ba sa pangit ako at madali mong mapaglalaruan? Is that it?" Nagtatagis ang bagang nito. "Was I a good entertainment to you? Fuck it, Jan Irish, you were my maid for fuck's sake!"

Nanatili siyang nakatitig rito. "Tegan, wala namang kimalaman sa katayuan ko sa buhay ang pagiging maid ko sa bahay mo. It’s for my job."

His face becomes hard and cold. "So Im a job."

"No—"

"Yes, I am." Anito. "Alam ko yon mula umpisa."

"Tegan naman, stop being irrational—"

"I have to go." Kumawala ito sa pagkakayakap niya saka humakbang paatras.

"Tegan—"

"Have a good night." Pagkasabi niyon ay iniwan siya nito sa dance floor.

Kumuyom ang kamao ni Jan Irish at taas nuong umalis sa dance floor at naghanap ng mauupuang bakanteng mesa.

NATAPOS ang birthday party ng ina ni Jan Irish na wala siya sa mood. Pinipilit lang niyang maging masaya para sa kapakanan ng kaniyang mga magulamg.

"Uuwi ka na ba? You can stay in your old room." Pamimilit ng kaniyang ina habang nasa gate siya ng kanilang mansiyon.

"Ma, kailangan kong umuwi sa bahay. May gagawin pa ako, e." Sabi niya saka niyakap ang ina. "Mag-iingat po ako, huwag kayong mag-alala."

"Fine." Napipilitang pagpayag ng ina. "Call us when you get home."

"Yes, po, Ma."

Lumabas siya ng gate.

"Anak, ihatid ka na kaya ng driver natin?"

"Ma, ayos lang ako." Nginitian niya ito saka isinara ang gate. "Tatawag ako kaagad kapag nakauwi na ako."

Nagmamadali siyang naglakad palayo sa bahay. Hindi naman nakakatakot sa subdibisyon nila dahil marami ang nagpapatrolyang mga Security Guard. Hindi pa siya gaanong nakakalayo sa bahay nila ng ng may tumigil na sasakyan sa unahan niya.

Kinakabahang napatigil siya bigla sa paglalakad.

Bumukas ang driver's seat at lumabas do'n si Tegan.

"Tegan..." sambit niya sa pangalan nito habang ang puso niya ay napakabilis ng tibok.

He lookes at her. "Sakay na."

Tumingin siya sa kotse nito at ibinalik niya sa binata ang tingin. "Akala ko galit ka."

Umikot ito sa passenger seat at binuksan iyon. "Sakay na."

Itinago ni Jan Irish ang masayang ngiti. Mabilis siyang sumakay sa kotse nito. Nang isara nito ang pinto ng passenger seat, umikot ito patungong driver's seat.

Umayos siya ng upo at hinintay si Tegan. Her heart is beating so fast while waiting. Sana naman hindi ito ganoon kagalit tulad ng inaakala niya.

A/N: May update na sa wakas si Tegan. Hehe. After a month ba? Hehe. Enjoy reading! - C.C.

Continue Reading

You'll Also Like

26.2M 590K 37
NOTE: SPG/R-R18 Dahil sa isang kasinungalingan, nagawang akitin ni Lockett si Creed Santillana, isang sikat na Phiotographer. At dahil din sa kasinun...
122K 5.9K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
5.3M 133K 17
Clover Cinnamon Perez is a Matchmaker. Because of what she does for a living, she knew a Playboy when she sees one. At malayong-malayo pa si Alexus E...