My Guardian Devil

By iamsograce

11.4K 183 39

He is the man who has good looks, oozing with sex appeal, came from upper class... almost perfect, but with d... More

Prologue
Chapter 1 -- I See Fire
Chapter 2 -- Eye Of The Tiger
Chapter 3 -- A piece of cake
Chapter 4 -- Pretty Boy
Chapter 5 -- Punishment
Chapter 6 -- Saved By The Angel
Chapter 7 -- The Date Wrecker
Chapter 8 -- Fearless
Chapter 9 -- The Devil's Hug
Chapter 10 -- Sleeping On A Lion's Den
Chapter 11 -- The Devil And The Angel
Chapter 12 -- Runaway
Chapter 13 -- Brannigan
Chapter 14 -- Truculent attitude
Chapter 15 -- The Menace
Chapter 16 -- A Song For The Brokenhearted
Chapter 17 -- The Call
Chapter 18 -- The Preparation
Chapter 19 -- A Dark Masquerade Ball Part I
Chapter 20 -- A Dark Masquerade Ball Part II
Chapter 21 - Enticement
Chapter 22 - The Game Between Love And Death
Chapter 23 -- Music Box
Chapter 24 -- Start Of Something New
Chapter 25 -- Status: Its Complicated
Chapter 26 -- Confessions Of A Broken Heart
Chapter 27 -- The Cry Of A Pleading Heart
Chapter 28 -- Stealing Kisses
Chapter 30 -- Green-Eyed Monster
Chapter 31 -- Love And Hate
Chapter 32 -- When Fire Meet Gasoline
Chapter 33 -- Everyone's Anguish
Chapter 34 -- Whisphering Stained Heart
Chapter 35 -- Harmonizing Relationships
Chapter 36 -- Let The Flames Begin
Chapter 37 -- The Dagger In You
Chapter 38 -- An Acrimonious Tiff
Chapter 39 -- Breaking Fences
Chapter 40 -- Burning Lights
Chapter 41 -- Days Of Melancholy
Chapter 42 -- New Horizon
Chapter 43 -- Moments Between Intensities
Chapter 44 -- Still Into You
Chapter 45 - The Intoxicated Truth
Chapter 46 -- Cold Blood, Warm Heart
Chapter 47 -- A Mealymouthed Felicity

Chapter 29 -- Reality Is Better Than Dream

168 4 0
By iamsograce



Chapter 29 -- Reality Is Better Than Dream


HELAENA'S POV

He's the least person I never want to be with. But cupid hit me right to my heart and fell in love with the person I hate the most, who threatened my life and giving me deadly glares everyday. He's the man whom I never intended to fall in love with, but my stupid heart did. I never expected this. Nor dream about this. Well, if this is just a dream, I never want to wake up anymore. Wherein, I'm already living the dream, my fantasy, to be with the man I truly love, my Guardian Devil. Maybe, I'm not really the wicked witch nor the Princess or the Queen. Just a plain, simple woman on a not-so-romantic love story who fell in love with the male protagonist.


Napa balikwas ako ng bangon pagkatapos kong managinip ng tungkol kay Brylle.

"Nanaginip lang pala ako. Akala ko totoo na." Muli ako ay napa isip. "Teka, parang totoo eh. Kami na nga ba talaga ng lalakeng 'yon? Sinabi ko naba talaga sa kanya na mahal ko siya? O parte lang 'yon ng panaginip ko?" Pinilig ko ang aking ulo at inalala ang lahat.


Nang may kumatok sa pintuan ng aking kwarto. "Helaena hija, may bisita ka." Sigaw ni Mama na siya pala 'tong kumakatok at parang excited sa tono ng pananalita niya.

"Sino naman kaya ang bisita ko? Eh ang aga-aga." Sabi ko sa sarili ko. "Nandyan na, Ma." Sigaw ko.

Pag dating ko sa sala nakita ko ang pamilyar na nakatalikod na lalake. Hindi ako maaaring magkamali, siya nga 'to. Bwisit! Kahit likod niya, maganda pa rin. "Ikaw, anong ginagawa mo dito?" Medyo napa sungit ata ang pagtatanong kong 'yon.

Nang bigla akong hinampas ni Mama sa balikat. "Ganyan ba ang tamang pag bati sa boyfriend?" Nasasanay na talaga siya na hampasin ako lagi.

"O, bakit ganyan na lang ang reaksyon mo? Nag weekend lang hindi mo na maalala na nag tapat ka sa'kin."

Pero teka, tama ba yung narinig ko? Boyfrined ko na talaga si Brylle? Ilang araw o linggo ba'kong naka tulog at tila hindi mag sink-in sa'kin na kami na talaga? O talagang na excite lang ako masyado sa reyalidad na kami na talaga ng taong hindi ko inakalang mamahalin ko? "Uhm...ah.. s-syempre, naaalala ko no." Sabi ko na lang sa kanya. Ayoko namang sumama ang loob niya. "Kagigising ko lang kasi kaya--kaya medyo parang wala pa'ko sa wisyo."


"Hijo Brylle, anong gusto mong kainin? Maiinom?" Alok ni Mama dito. Bakit pag dating kay Brylle ang bait-bait ng Pamilya ko? Lalo na si Mama. Talagang gusto nila si Brylle para sa'kin. Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ba'ko tungkol don. Hay ewan.

"Huwag na ho, Tita, aalis na din naman kami. Salamat na lang po." Magalang na sagot ni Brylle.

"O sige, maiwan ko na kayo. Tawagan niyo na lang ako sa kusina pag may kailangan kayo."


Bakit kay Brylle lang nakaharap si Mama? Siya lang ba ang kausap nito? Pagdating talaga sa Brylle na 'to parang invisible ako. Haist!

"Ikaw Helaena, ngayong nobyo mo na 'tong si Brylle mas maging mabait kana sa kanya at huwag mo na siyang sungitan lagi. Dahil ayoko na ng ibang lalake para sa'yo, si Brylle lang dapat. Maliwanag ba 'yon?"


Wow! Ma, huh! Lantaran ang pambubugaw mo sa'kin. "Yes, Ma." Sagot ko na lang para hindi na humaba ang usapan. "Teka, pano mo nalaman na--na ka--kami na?" Pa utal-utal na tanong ko.

"Wala akong hindi nalalaman, lalo na pagdating sa'yo at kay Brylle."

"Kailan kapa naging reporter? Bakit hindi yata ako na inform." Inis na tanong ko sa kanya nang kurutin naman niya'ko ngayon sa tagiliran. Yung totoo, Ma, sadista kaba talaga?

"Umayos-ayos kang bata ka kung ayaw mong hampasin kita ulit. Nakakahiya tuloy sa bisita natin."

Tumahimik nalang ako at hindi sumagot nang sa wakas ay umalis na din si Mama. At ang Brylle na 'to, ngingiti-ngiti pa.

"O, anong tinititig-titig mo diyan? Hindi ka paba kikilos? O wala kang balak pumasok sa School ngayon?" Anito na inis na tono.

"Ano? May pasok ngayon?" Gulat na tanong ko. Bakit hindi ko na ata alam ang pagkaka sunod-sunod ng araw ngayon.


"Masyado ka atang na overwhelmed nung naging tayo at nakalimutan mong tapos na ang outing natin at may pasok na ngayon." Wow, coming from Brylle, talagang concern siya sa klase huh.

"Sampung minuto at kapag wala kapa sa loob ng sasakyan, alam mo na ang mangyayari."

"Anong--- mangyayari? Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko.

"Hindi mo naba maalala yung sinabi ko sa'yo dati? Na sa susunod, kapag wala kapa sa loob ng sasakyan ko sa tinakda kong oras, hindi lang sapatos mo ang huhubarin ko."

At muli ko ngang inalala nung gabing sinabi niya sa'kin 'yon.

"Sampung Segundo. Kapag wala ka pa sa loob ng kotse sa loob ng sampung segundo, hindi lang yang sapatos mo ang huhubarin ko."

Yun ang eksaktong sinabi niya sa'kin nung gabi ng Masquerade Ball. Jerk! You can't do that to me now. "Hindi mo na pwedeng gawin sa'kin ngayon 'yon."


"Bakit hindi? Sinusubukan mo ba'ko?" Ganting sabi nito. "I'm serious. O hindi ka seryoso dahil nakita ko na lahat sa---"

Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Brylle. "Stop! Don't you dare. One wrong word and I'll choke you to death." Banta ko sa kanya, which we both know na hindi ko kayang gawin at hanggang salita lang ako.

"Okay fine. I won't utter a single word regarding that issue. Basta, sampung minuto lang ang ibibigay ko sa'yo."

"No."

"Yes."

"How do you want me to prepare for School in just 10 minutes?"

"I don't know. Kung ayaw mong mahuli sa klase ni Miss La Torre at ma detention, edi magpaka late ka."

No way. Ayoko na ulit ma late sa class ni Miss La Torre at lalong ayoko na ulit ma detention. Hell no!

"Ten minutes starts NOW."

"Brylle!" Inis na tawag ko sa kanya.

"Tic-toc, tic-toc." Pang iinis niya pa sa'kin.

Seriously hindi ko alam kung bakit lagi kong sinusunod ang lalakeng 'to sa mga gusto niya. May choice naman akong huwag siyang sundin pero ewan ko ba, pagdating sa kanya parang wala akong magawa. I guess, sobrang mahal ko na talaga ang lalakeng 'to. Which I'm afraid, dahil lahat ng sobra masama.

Hindi ko alam kung pano ko pinagkasya ang sampung minuto sa paliligo at pagbibihis. Basta ang alam ko, kailangan kong matapos in less than 10 minutes, at nagawa ko naman 'yon. Hingal akong pumasok sa loob ng sasakyan ng Brylle na 'to dahil sa kamamadali.

"I guess, takot ka talagang mahub---"

"I made it. So, stop." Biglang putol ko sa sasabihin niya. Sa totoo lang na a-awkward talaga ako kapag pinag-uusapan ang mga bagay na sensored. Sino ba naman ang hindi diba?

Narinig ko na lang na inutusan niya ang kanyang driver na patakbuhin na ang sasakyan at bilisan para hindi kami mahuli sa klase.

"From now on, gusto ko sabay na tayong pumasok ng School. Susunduin kita sa inyo o kung hindi man ako pwede, ipapasundo kita sa driver o kaya sa bodyguard ko. Maliwanag ba 'yon?"

"Teka, teka, magkaliwanagan nga rin tayo, Brylle Lauren Samaniego, hindi mo kailangan gawin lahat ng 'yon. Kaya kong pumunta at umuwi ng School ng mag-isa."

"Iba na ang panahon ngayon, gusto kong masiguro na ligtas ka. Kaya huwag ka ng kumontra, Helaena Madriaga."

"Ano pa nga bang magagawa ko? Eh ikaw naman lagi ang nasusunod sa simula pa lang, diba?" Tsaka ako sumimangot at tumingin sa tanawin sa labas ng bintana ng kotse.


Pag pasok pa lang ng kotse ni Brylle sa loob ng campus, naka abang na ang maraming estudyante sa kanya. Dapat na ba talaga akong masanay sa ganitong atensyon na binibigay sa kanya--sa'min?

Pagbaba namin ng kotse, hiyawan ang maraming estudyante, lalo na ang mga babae. At itong si Brylle, as usual, hindi man lang ngumingiti o kawayan man lang ang mga estudyanteng atat siyang makita araw-araw. Sa bagay, sa una palang ganyan na talaga siya. Wala siyang pakialam sa atensyon na binibigay sa kanya ng madaming tao.

"Ayaw mo man lang bang ngumiti sa kanila o kawayan man lang?" Baka sakaling makumbinsi ko pa siya.

"Para sa'n? Eh araw-araw ganyan naman lagi ang eksena. Araw-araw nakikita naman nila 'ko. Hindi ko kailangang gawin 'yon. Tsaka hindi kapa ba sanay?"

"Jerk! Have you ever heard the word 'appreciation'?"

"At wala ako nun." Mabilis na sagot niya.

"Baka sakaling ngayon magakaroon kana." Pangungumbinsi ko parin sa kanya at tinignan ko siya ng seryoso.

"Okay fine, you won." Makuha ka sa tingin Brylle. Hahaha.

Tinignan niya ang mga estudyante atsaka nginitian niya ang mga ito sabay kaway na para bang isa siyang Celebrity o di kaya naman ay Pulitiko na nangangampanya.

At biglang hiyawan ang mga estudyante sa ginawa ni Brylle.

"Oh my God! Nakita mo ba 'yon, girl? Nginitian niya'ko."

"Ako kaya ang nginitian at kinawayan niya."

"Tayong dalawa." Sabay tawa at kilig ng dalawang estudyanteng narinig ko.

At madami din sa kanila na gano'n ang reaksyon. Narinig ko pa na first time ginawa 'yon ni Brylle sa tanang buhay niya. At super kilig na kilig naman ang lahat ng estudyante.

Agad akong binalingan ng tingin nitong si Brylle. "Happy now?" May pagka sarkastikong tanong niya.

Abot tenga naman ang ngiti ko. "Ecstatic." Mabilis kong sagot. "Tara na." Yaya ko sa kanya at baka mahuli pa kami sa klase ni Miss La Torre.

Una na'kong humakbang sa kanya nang nabigla nalang ako sa sunod na ginawa niya, hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

Bakit parang nararamdaman kong namumula ang pisngi ko? Is this what they called 'kilig'? Kahit papano may tinatago din palang ka sweet-an ang mokong na'to. Napangiti tuloy ako sa ginawa niya at sumabay na'ko sa kanya sa paglalakad at tila parang nawala ang mga tao sa paligid namin at tanging siya lang ang nakikita ng aking mga mata. Masaya ako. Ngayon ko lang ata naramdaman ang ganitong pakiramdam.

Napatigil ako sa paglalakad nang makasalubong namin si Bryant, maging si Brylle ay tumigil sa paglalakad at kapwa naming tinignan si Bryant.

Napansin kong dumapo ang mga tingin niya sa magkahawak na kamay namin ni Brylle at naramdaman kong biglang hinigpitan ni Brylle ang pagkakahawak niya sa'kin.

"Helaena, san' mo gustong kumain mamaya?" Malakas na tanong ni Brylle. Alam kong sinasadya niya 'yon para magparinig sa kanyang kapatid.

"I-ikaw ang bahala." Ang tanging nasagot ko sa kanya.

"What if, mag dinner na lang tayo sa bahay para makilala kana nina Mama."

"Brylle?" Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi pa'ko handa sa gusto niyang mangyari. Hindi pa'ko handang harapin ang Parents niya, lalo na ang nakakatakot na Tatay niya.

Nagsimula ng humakbang palayo sa'min si Bryant. Ni hindi ko siya matignan sa mga mata niya.

"By the way, Bryant." Pahabol na tawag ni Brylle sa kapatid. Liningon nama siya nito. "Kami na pala ni Helaena." Pagmamayabang na sabi nito. "Wala ka man lang bang sasabihin sa'min?"

Ilang segundong natahimik si Bryant. Waring iniisip ang kanyang sasabihin.

"Ma-masaya ako para sa inyo." Yun lang ang tanging nasabi ni Bryant at tuluyan na siyang lumayo sa'min.

"Bakit mo kailangang sabihin 'yon sa kanya?" Inis na tanong ko kay Brylle.


"Bakit? Ayaw mo bang malaman niya na tayo na?"

"Hindi naman sa gano'n."

"Malalaman din naman niya ang totoo. Kaya mas mabuti ng sa'tin manggaling."


"Sinabi mo ba 'yon dahil hanggang ngayon nakikipag kompetensya ka pa rin sa kanya?"


"Ganyan ba ang iniisip mo sa'kin?"

Hindi ako sumagot sa tanong niyang 'yon. Pakiramdam ko kasi hanggang ngayon nakikipag kompetensya parin siya dito.

"Sa palagay mo ba, kaya kita niligawan dahil gusto kong makipag unahan kay Bryant? Hindi. Niligawan kita kasi mahal kita at hindi dahil sa nakikipag kompetensya ako sa kanya o kahit kanino man."

Natahimik ako sa sinabi niyang 'yon at hindi nalang sumagot. Pakiramdam ko napahiya ako sa mga sinabi ko. Tama, mahal nga ako ng mokong na'to at hindi sa kung ano pa mang dahilan.

"Sumunod ka na lang sa taas." Medyo may pagka inis pa din sa tono ng pananalita niya atsaka na siya naunang naglakad sa'kin. Napa buntong hininga na lang tuloy ako at na guilty sa mga sinabi ko.

END OF HELAENA'S POV


"So, ganyan na lang ba? Wala ka man lang bang gagawin na paraan para mag hiwalay sina Brylle at ang babaeng 'yon?" Biglang sabi ni Venice sabay harang kay Bryant na papasok na sana ng class room.


"Stop it, Venice. Just be happy for them."



"No way. Kung ayaw mo'kong tulungan, fine. I will just do it on my own." Inis na sabi pa ni Venice.


"Sino ba talaga ang gusto mo? Ako o si Brylle?"


Hindi agad nakasagot itong si Venice sa tanong ni Bryant. Tila nag iisip pa kung sino nga ba talaga sa dalawang Samaniego ang gusto niya.


"Kung ano man ang binabalak mo, huwag mo ng ituloy. Ikaw lang ang masasaktan sa huli at ayokong mangyari 'yon."


"Huh! Do you think, hindi pa'ko nasasaktan sa mga nangyayari ngayon? Unti-unting inaagaw ng babaeng 'yon ang lahat sa'kin. Si Brylle, ikaw, ang atensyon ng lahat, ang buong Duncanville. Kaya hindi ako papayag na magwagi siya sa'kin. No way."


"Hindi si Helaena ang kalaban mo, kundi ang sarili mo. Ayokong lalo kang lamunin ng galit mo sa mga binabalak mo. Ayaw kitang mapahamak, kaya ko 'to sinasabi sa'yo."


"Whatever, Bryant. I will still do everything for her to suffer, for her not to be happy and you can't do anything to stop me." Inirapan na niya so Bryant tsaka na siya umalis.


Lalo tuloy nangangamba si Bryant sa mga binabalak ni Venice. Hindi na niya alam kung pano niya pa ito pipigilan.


Naramdaman na lang ni Helaena na nag vibrate ang kanyang cellphone sa bulsa habang nasa library siya, nasa mga book shelf siya at naghahanap ng mababasa.


"Cahli, may problema ba?" Bungad agad ni Helaena nang malaman na ang kaibigan pala ang tumatawag sa kanya.


"Nasa'n kaba? Kanina kapa hinahanap ni Brylle."


"Hayaan mo nga siya. Matapos niya'kong di kibuin sa buong klase ni Miss La Torre, tapos ngayon hahanapin niya'ko? The nerve!"


"Ah, so ngayon, ikaw naman ang nag tatampo at nagpapa kipot?"


"Hindi ako nagpapa kipot. Ah basta, hayaan mong mamuti ang mata niya kakahanap sa'kin. Huwag mong banggitin na nandito ako sa library."


"Knowing him, marami siyang galamay. Kaya kahit nasan' ka, mahahanap ka niya."


"Whatever, Cahli. Huwag mo pa rin babanggitin sa kanya na nakausap mo'ko. Kanina ko pa kasi ni re-reject ang mga tawag niya."


"Uuyyy, first tampuhan niyo ba yan as a couple?" Tudyo nitong si Cahli sa kaibigan.


"Ewan ko sa'yo. Gonna hung up the phone. Bye." Hindi na hinintay pa ni Helaena ang sagot ng kaibigan at binaba na niya ang kanyang phone sabay tago sa bulsa niya at nagpatuloy na siya sa pag hahanap ng mababasang libro.


"Masasapak ko talaga ang lalakeng 'yon pag nagpakita siya sa'kin." Inis na sabi ni Helaena.


"Is that the way you caress my brother? Carino brutal huh!" Biglang sulpot na sabi ni Bryant na galing sa kabilang book shelf.


"B-Bryant, nandiyan ka pala."


"Talaga bang mahal mo na ang kapatid ko?"


"A-ano ba namang klaseng tanong 'yan?"


Napayuko si Bryant. "Alam mo bang simula pagkabata hindi na kami magkasundo ni Bryant? Pero kahit gano'n, ginagawa ko parin ang lahat para maging close kami, pino-protektahan ko parin siya kahit hindi niya ma appreciate 'yon. Nakakatawa lang kasi, may isang bagay na magka pareho kami. Ewan ko ba, tila parang iisang puso lang ang meron kami at lagi na lang sa parehong babae kami nagkaka gusto."


Nag iwas ng tingin si Helaena, tila alam na niya ang pinapahiwatig ni Bryant. "Uhm.. hindi ko maintindihan kung bakit mo sinasabi sa'kin 'yan."


"Dahil gusto kong malaman mo kung ano ang nararamdaman ko. Alam ko, hindi ko dapat sinasabi sa'yo 'to, pero kasi..."


"A-ano pala.. uhm.. K-kailangan ko na palang umalis." Pag dadahilan ni Helaena, pero ang totoo ayaw niyang mag tapat sa kanya si Bryant. "Nakalimutan ko, hinihintay pala ako ni Cahli sa labas." Nag mamadali na siya para sana humakbang palayo, nang hawakan ni Bryant ang kamay niya.


"Elle!" Malambing na sabi ni Bryant.


"Hindi ito ang tamang lugar, hindi ito ang tamang oras. Bryant, please, huwag mong gawin 'to. Huwag mo ng pahirapan pa ang loob ko." Pagsusumamo nito sa kausap.


Unti-unting inalis ni Helaena ang pagkaka hawak ni Bryant sa kanyang kamay. At tila parang kapwa nag-uusap ang kanilang mga mata.


"Helaena." Tawag ni Brylle sa di kalayuan.


Biglang kinabahan si Helaena nang marinig si Brylle. Dahil alam niyang magagalit ito kapag nalaman niyang nakikipag usap ito kay Bryant.


Napalunok si Helaena at unti-unting binalikdan si Brylle na noon ay palapit na pala ito sa kanya.


"Sino bang kausap mo diyan?" Tanong ni Brylle nang makalapit siya sa dalaga.


Lumingon si Helaena at wala na ang kaninang kausap niyang si Bryant. "Uhm.. ah.. wa-wala. Nag hahanap lang ako ng librong mababasa." Pagdadahilan nito.


"May pupuntahan tayo."


"Saan?"

"Huwag ka ng maraming tanong. Sumama kana lang."

"Aba, malay ko ba kung ki-kidnapin mo pala ako?"


"At ano naman ang mapapala ko kung gagawin ko 'yun sa'yo?"


"Sa'n nga ba kasi tayo pupunta?"


"All you have to do is to trust me. Mahirap bang gawin 'yon?"


Hindi nalang nag salita si Helaena para hindi na humaba ang usapan at awayan nila. Sumama na lang siya at sumunod sa gusto ng kanyang boyfriend.

Dinala ni Brylle si Helaena sa isang Seafood Restaurant. Ganon na lang ang gulat nito nang makitang nandon rin ang kanyang Pamilya.


"O, Mama, Papa, Haven, ano'ng ginagawa niyo dito?"


"Aba eh, sinundo kami ng driver nitong si Brylle at sabi kakain tayong lahat sa labas." Sagot ng Papa ni Helaena.


"Brylle?" Takang tawag nito sa boyfriend.


"Alam ko kasi matagal na kayong hindi lumalabas na Pamilya. Kaya gumawa ako ng paraan para makalabas naman kayo at makapag dinner na Pamilya."

Napangiti ng todo si Helaena at napayakap nalang bigla kay Brylle na ikinagulat ng kaharap pero napangiti din ito. "Thank you, Brylle. Hindi ko inaasahan na gagawin mo 'to. Really, thank you."


"Ganyan ka kamahal niyang si Brylle, anak. Kaya huwag mo na siyang papakawalan ha?"


"Ma?" Namumulang tawag ni Helaena sa Ina.


"Oo nga. Kasi kapag nag hiwalay kayo ni Kuya Brylle, wala ng makakatiis sa ugali mo." Sabat nitong si Haven.


"Hoy, Haven, anong ibig mong sabihin? Na masama ako?"


"Wala akong sinabing gano'n, ikaw lang." Pang aasar pa lalo ni Haven.


Sasagot pa sana si Helaena ng kurutin na siya ng kanyang Mama. "Tumigil na kayo at nakakahiya kay Brylle."

Nag ku-kwentuhan at nagtatawanan pa silang Pamilya habang kumakain. Nakatitig na nakangiti lang sa kanila si Brylle.


"O, bakit ka tumigil sa pagkain? May problema ba?" Tanong ni Helaena sa boyfriend.


"Wala. Ang saya niyo lang tignan." Nawala ang mga ngiti sa labi niya, waring may naalala. "Kami, kahit kailan hindi na magiging masaya."


"Huwag mo ngang sabihin yan. Huwag kang mawalan ng pag-asa, lalo na pag dating sa Pamilya mo. Alam mo bang, hindi naman kami ganito kasaya dati? Laging nag aaway noon sina Mama at Papa. Walang mahanap na matinong trabaho no'n si Papa kaya lagi silang nagbabangayan ni Mama. Ako, walang magawa dahil bata pa'ko nun, bata pa kami ni Haven. Kaya lagi na lang kaming umiiyak sa kwarto. Pero lahat ng 'yon lumipas. Alam mo ba, kung ano ang ginawa namin?"


"Ano?"


"Nag dasal." Seryosong sagot ni Helaena. "Walang hindi dinidinig ang Diyos. Lahat ng dalangin natin pinapakinggan niya."



"Kumain kana nga lang."


"Gusto mo, mag simba tayo mamaya?"


At ilang sandali pa at nagtungo sila sa malapit na Church. Sila lang dalawa. At nagpahatid na sa bahay nila ang Pamilya ni Helaena.


"Kailan kaba huling nag simba?" Tanong ni Helaena nang nakapasok na sila sa loob ng Simbahan.


"Hindi ko alam. Ewan ko."


"Hindi kaba nag dadasal?"


"Hindi nga ako nag dadasal, pero, binigay ka Niya sa'kin."


Napatahimik si Helaena sa sinabi ni Brylle. Tila lumundag ang puso niya. Lalo pa't madalang lang kung mag salita ng ganito sa kanya si Brylle.


"Dapat...dapat nag papasalamat ka sa lahat ng binibigay Niya sa'yo, kahit na ano'ng bagay pa ito. Noon nga pinag dasal ko na sana layuan mo na'ko, pero hindi Niya ginawa. At ngayon naiintindihan ko na kung bakit, dahil gusto Niya talaga akong mapalapit sa'yo. Dahil may balak pala Siya sa'ting dalawa." At muli, ay nginitian ni Helaena si Brylle.


Ilang sandali pa at kapwa na sila naka luhod at nagdadasal. Nakapikit ang mga mata ni Helaena habang nag dadasal habang itong si Brylle ay nakatitig lang sa dalaga.

————

Continue Reading

You'll Also Like

619K 13.8K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
7K 105 19
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...